Fiesta: Sack Race

Your Highness

Maaga kaming gumising para tumulong kina Nanay Esther para sa paghahanda at pagaayos ngayon para sa fiesta. 


Excited ako dahil first time kong makakaranas ng ganito. Sure we do have feast back in our Kingdom pero kadalasan ang mga imbitado lang naman sa kasiyahang iyon ay ang mga matataas na opisyal ng bansa, mga presidente ng iba't ibang bansa, miyembro ng royal family, at iba pang maiimpluwensyang tao, hindi katulad dito na lahat ay imbitado mapa mahirap o mayaman man ang estado sa buhay. Lahat pantay pantay. Sabi ni Lisa dito daw kapag nagdiriwang ng fiesta lahat ay pwede at imbitadong pumunta at makisaya, makikain sa bawat bahay regardless kung kilala ka man ng may ari nito o hindi. Actually, ramdam ko yung pagwelcome ng mga tao dito sakin. Totoo nga yung nabasa ko sa forum na Filipino people are the most hospitable. You can see people smiling everywhere and that makes me more comfortable and feel like home.


Simula pa kagabi ay naghahanda na ang mga residente nitong barangay para sa mga gaganaping mga programa para ngayong araw ng Fiesta. Kaliwa't kanan na rin ang mga nagluluto sa bawat bahay bahay. Yung mga entablado para sa mga pacontest, yung set up para sa mga palaro, at yung dance floor para sa sayawan mamayang gabi ay nakahanda nang lahat kagabi pa lang. 


Kahapon ay iniwan ako ni Lisa kina Seulgi dahil kailangan niyang sumama sa practice ng grupo niya para sa contest ng sayaw mamayang gabi. Hindi ko alam na marunong pala siyang sumayaw pero sa totoo lang excited na kong panuorin sila dahil sabi ni Nanay sila daw ang pinakamagaling sumayaw sa Barangay na to. Buti na lang magaganap yung pacontest mamaya pagkatapos ng Santacruzan kaya siguradong makakanood kami. Sobrang nagenjoy den ako kahapon dahil tinuruan ako ni Nanay kung paano magluto ng ilan sa mga putaheng Pilipino at mga desserts na gawa sa malagkit. Bukod dun naexcite ako nang ipakita niya sa akin yung susuotin kong gown para sa sagala. Napakaganda nun kaya naman hindi ko maiwasang maalala yung mga gown na isinusuot ko sa kaharian namin. Isa pa, kasali rin pala si Irene sa sagala kaya naman kahit papano ay makakausap ako. Si Leo naman ang bilang si Constatino. Napaka kulay ng tradisyon ng mga Pilipino at aaminin ko sobrang naeexcite na ko para sa mga kaganapan para mamaya. 


"Jane, are you okay there?" tanong sakin ni Lisa na kadarating lang mula sa kung saang lugar. 


Tumango naman ako sa kanya at ngumiti.


Hindi ko alam kung saan sila nanggaling pero nakita kong may bitbit siyang dalawang buhay na manok sa magkabilang kamay niya. Hawak niya ang mga yun sa paa habang nakangiti siyang papalapit sa akin. 


"Where have you been?" tanong ko. 


"Nanay told us to catch some" sagot niya nang nakangiti habang itinataas niya yung dalawang manok na hawak niya. 


Kaya naman pala pawis na pawis siya. Nautusan pala silang manghuli ng mga manok.


Lumapit naman ako sa kanya at agad na kinuha yung panyo sa aking bulsa. I walked towards her at pinunasan ko yung pawis na pawis niyang mukha. 


"You're sweating a lot" sabi ko. 


Hindi naman siya sumagot at bagkus ay nakatitig lang siya sa akin. Pansin ko na sobrang namumula din siya kaya naman agad kong hinawakan yung pisngi niya to check her body temperature. 


"Are you okay, Lis? You're face is so red" 


She turned her gaze away from me and said, "I'm fine. It's just too hot outside" 


I nodded my head samantalang siya naman ay lumapit kay Seulgi. Hinayaan ko na lang muna siya at bumalik na lang muna ako ginagawa kong pagbabalat ng mga gulay kanina. Nakatingin lang ako kay Seulgi at Lisa na ngayon ay nagkukulitan na parang mga bata. Napansin kong napatingin silang dalawa sakin ng sabay ng hindi ko alam kung bakit pero pansin ko na hanggang ngayon namumula pa rin si Lisa. Sana nga okay lang talaga siya. Nakangiti siya sakin ngayon kaya naman ngumiti rin ako sa kanya. I kept glancing at her kasi ewan ko. Masaya lang siguro ako kasi I felt like she's starting to loosen up and she now smiles a lot at me. I actually love it when she smiles kasi it makes her looks cuter saka gumagaan yung pakiramdam ko kapag nginingitian niya ko. 


"Bagay kayo" 


Napatingin naman ako sa nagsasalita and I saw Irene walking towards me. May hawak siyang dalawang baso ng juice. Iniabot niya sa akin yung isa ng nakangiti at agad naman akong nagpasalamat sa kanya. 


"What did you say?" tanong ko. 


"I said, bagay kayo. You look good together" nakangiti niyang sabi. 


"Oh" tanging salitang nabanggit ko at napatingin naman ako kay Lisa na ngayon ay nakikipag harutan pa rin kay Seulgi. 


Bigla naman akong nakaramdam ng kakaiba sa sinabi niya. Parang kinabahan ako na nahihiya. Sa totoo lang di ko alam kung paano magrereact sa sinabi ni Irene. She said that me and Lisa looks good together. Are we? Really? Aaminin ko, I find Lisa very attractive but I'm not sure if she's into girls, or if she's into me? But why do I felt giddy when Irene said that? By any chance do I like her? I looked at her again at saka ko inassest yung nararamdaman ko sa kanya. Yeah, I think I like her because she's kind and she helped me, but I am not sure if I like her in a romantic way like what Irene is implying to me. Pero alam kong hindi naman siyan ganun kahirap mahalin if ever. Kaya lang, ayokong sumugal dahil hindi ko alam kung gaano ko katagal mananatili sa lugar na to. Isa pa, I have no plans in falling in love while I'm here in this little exploration of mine dahil ayokong masaktan in the end dahil alam kong panandalian lang naman ang lahat ng ito. Kaya sana kung anuman itong nararamdaman ko para sa kanya, I hope this is not love. I don't want to end up hurting after this and I don't want to hurt her as well if ever man. But if I will be in a different situation, I would choose to fall in love with her. 


Irene laughed at me dahil alam ko napansin niya na rin yung pamumula ng mukha ko. I know kasi ramdam ko yung biglang pag init ng katawan ko, kaya alam kong damay yung mukha ko sa pamumula. 


"Chill Jane, I am just messing with you" sabi niya. 


I just rolled my eyes on her and she laughed at me. 


"But seriously, if you like each other I will support you guys. Lisa is a good person and I can see that she likes you. Well, if she doesn't like you she will never let you stay in her house. She never done that before. She's not like that" 


"What do you mean?" confused kong tanong ko kay Irene. 


"Well, I've known Lisa for quite a while now, and I know how much she values her privacy. So, letting you in means she somewhat trust you" 


I see. Sa totoo lang napansin ko rin yun kay Lisa. Na masyado siyang pribadong tao coz she never talks to me regarding her personal life, regarding her family but that's okay. Mas mabuti yun para maiwasan din naming pagusapan ang tungkol sa pamilya ko. I don't want her to know that I lied to her. I don't want her to get mad at me. 


I was lost in my train of thoughts nang bigla namang may nagsalita.


"Guys tara umpisa na yung mga palaro sa may dalampasigan. Sali tayo masaya yun" 


When I shifted my gaze to the person talking, I saw that it was Seulgi and she is walking towards us, behind her is Lisa which is smiling brightly to me. 


-----

Andito kami ngayon sa para sa unang palaro para ngayong fiesta. Nakita kong may mga sako ang nakalatag sa buhanginan pero hindi ko alam kung anong klaseng laro ito. 


"Oh sinong gustong sumali? Tatlong pares ang pwedeng sumali" sigaw nung lalaki. 


"Ako!" taas kamay namang sabi ni Seulgi habang hila hila niya naman si Irene. 


So, I guess this should be done in pairs. Nakita kong umaayaw pa si Irene pero wala na siyang nagawa dahil hindi na siya pinakawalan ni Seulgi. 


"Jane! Come on join us!" nakangiting tawag sakin ni Seulgi. 


I smiled widely dahil gusto kong sumali kahit na wala akong ideya kung paano ang gagawin. I looked at Lisa and she gave me a 'what' look.


"You want to join?" tanong niya sakin. 


I nodded my head excitedly. I saw that she's hesitant to join but I pouted my lips para magpaawa at para mapilit ko siya. Back in our kingdom, everybody gave in kapag ginagawa ko na to. I just looked at her with puppy eyes while waiting for her to answer.


She heaves a deep sigh and said, "Okay" 


Pagtapos nun ay lumapit na kami kina Seulgi. Nung makumpleto na ang tatlong pares ay naghanda na kami para sa laro. 


"What are we going to do?" tanong ko kay Lisa.


"Sack race" maikling sagot niya naman bago niya kinuha yung sako sa may buhangin. 


"Put your feet inside the sack and hold it up until your waist" sabi niya naman. 


Agad kong sinunod yung sinabi niya at nung maisuot ko na yung sako ay sumunod naman siya. So, pareho na naming suot yung sako ngayon. We were standing beside each other and we were too close, and when I said too close, as in walang kahit na maliit na space sa pagitan naming dalawa ngayon. Our arm are brushing against each other at di ko alam why I felt goosebumps all over my body. Kinakabahan din ako at di ko alam kung bakit. Dahil ba sa sobrang lapit ni Lisa sakin ngayon o dahil kinakabahan lang ako sa laro? Why do I felt like this all of sudden with her presence. Dahil ba to sa sinabi ni Irene kanina? I looked at Lisa and I saw her glaring towards Seulgi and when I looked at Seulgi and Irene they are both giggling while looking at us. 


Muli akong tumingin kay Lisa para maagaw yung atensyon niya mula sa pangaasar nung dalawa.


"Lisa, how do we play this?" tanong ko sa kanya. 


Tumingin naman siya sakin and I saw how her face soften before she explained to me more about the game. 


"Can you see that chairs over there?" tumingin naman ako dun sa mga upuang tinuturo niya saka ako tumango.


"We have to jump around that chair and be back here. The first one to get back here will be the winner" paliwanag niya. 


I bob my head. 


"Okay! Let's do this! Let's beat them all!" masaya ko namang sabi na nakapag pangiti sa kanya. 


Gosh! I love the way she smiles! 


I shook my head. Bakit ko ba naiisip yung mga ganung bagay?


"Are you okay, Jane?" tanong niya.


"Y-yeah, I'm fine" and I hate myself for stuttering. 


After a couple of minutes ay nagsimula na yung palaro. Nung pumito na yung lalaki ay nagsimula na ang lahat tumalon. 


I never imagine it to be like this. Ang hirap pala! 


Mas mahirap pala to lalo kung hindi kayo pareho ng height. Bat naman kasi ang tangkad niya eh. 


Jump 


Jump 


Jump


This is really hard and I might fall kasi medyo naaout of balance na ko. I know Lisa saw how I struggle to keep up with her pace kaya naman she did something na ikinagulat ko. She s her right arm on my waist pulling me closer to her so I can pick up her rhythm sa pagtalon at maiwasan yung pagtumba ko. Pero imbes na makatulong ay nawala ako sa momentum dahil biglang bumilis yung tibok ng puso ko. My heart beats abnormally all of sudden. And I felt some kind of electricity flows on my spine with the sudden contact. Dahil dun para kong nanigas at mas nahirapang sumabay sa kanya so we both fell on the sand. I closed my eyes and when I opened it I saw her face so close to mine and I am already on top of her. I was shocked seeing her this close so I tried to stand up abruptly but it turns out to be a wrong move. Nakalimutan kong nakasuot nga pala kaming dalawa sa sako kaya naman nung sinubukan kong tumayo ay muli akong natumba dahil sa sako na yun na nakapulupot sa mga binti namin and I again fell on top of her. 


I heave a deep sigh at ramdam ko yung paginit ng tenga ko lalo na nung nakita kong halos lahat na nang tao ay nakatingin at nakangiti samin ngayon and when I looked at Lisa, she too is smiling widely towards me. 


I hate her. Nagawa niya pa talaga kong tawanan sa ganitong sitwasyon? 


Dahil sa sobrang kahihiyan, I burried my head on her chest na lang to hide the redness in my face.


Epic! Napaka epic mo Jennie Kim! 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Anyone who knows how to insert pic here sa AFF?

Comments

You must be logged in to comment
Jendeukie_16 #1
Chapter 44: Update soon author. 1 chapter only? Myghad, I'm not ready for that ? I want more chapters ?
DarkSilhouette_15
#2
Chapter 38: So hot!
Jung97 #3
Chapter 37: Wahhhh❤️❤️
yogirl_jasmin #4
Chapter 35: go go go!
erzcaps27
#5
Chapter 35: OMG!!! Lalisa is coming, wait for her Jennie
Jendeukie_16 #6
Chapter 34: We trust you author, you're the best ☺️
PinyaNiSeulgi
#7
Chapter 34: Engaged sya kay jennie oof
yogirl_jasmin #8
Chapter 34: alam ata ng daddy ni Lisa lahat pero tinago niya lang? alam ng daddy ni lisa na hawak niya sa jennie ganon? ?
Jendeukie_16 #9
Chapter 32: Author, wag naman ganyan please ? patalsikin mo na si kai ? nakakaawa naman na naiipit si jennie sa ganung sitwasyon ? napakasama ni kai ? patayin mo nalang siya ?
yogirl_jasmin #10
Chapter 33: konting sakit pala ah? ?