Back to Class

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

Chapter 6

 

 

 

 

BACK TO CLASS

[WEEK OF FEBRUARY 03, 2020 - Monday]

 

 

 

 

 

 

 

 

Seulgi

 

 

 

Dumating na nga ang araw na pinipikitan mo.

 

Down na down kang nag-ayos for work. Tapos na kasi ang maliligayang araw mo. Sa sobrang bilis ng araw, natapos na ang stress-free week mo nang ganun ganun nalang.

 

Mas maaga ka nang gumising ngayon dahil di gaya last week, balik 7:30 kana. 

 

Isama mo pa 'tong kasama mong ayaw na ayaw malate.

 

Mapapa-ala Flash ka talaga sa pag-aayos.

 

(Except nung last Thusday dahil nagwagi ka sa pa-shower together niyo. Mwahaha)

 

"Anong mukha 'yan?" natatawang sabi niya nang bumaba kana sa kusina. Nakabihis na pala siya. Anong oras kaya 'to nagising? Paggising mo kasi wala na siya kama at amoy bacon na ang kwarto niyo. Chos lang. Kala mo naman talaga umabot sa second floor ang amoy.

 

"Ayoko pumasok, tangi..." malungkot mong sabi.

 

Pero joke lang 'yon siyempre. 

 

Kailangan nating kumayod noh?

 

Umacting kaagad siyang displeased sa sinabi mo dahil niyakap ka niya at pabirong pinalo ang pisngi mo.

 

"Edi wag kang pumasok," sarkastiko niyang sabi, "Okay lang naman na wala tayong kainin eh."

 

Natawa ka.

 

Oo tangi, dahil tayo nalang magkakainan.

 

Ay shet sorry.

 

Pero gusto mo 'yon.

 

Ay sorry ulit. Nadala lang.

 

"Kala mo rin di doktor eh," pabirong irap mo rin at hinalikan siya pabalik bago tinulak sa upuan niya. 

 

"Pero si Waffles lang kaya kong buhayin." Mabilis kang napatingin sakanya. Nagpipigil pa siya ng tawa nang makita ang reaksyon mo.

 

Tama ba narinig mo?

 

Mas importante pa ang aso niyo kesa sa'yo?!

 

Aba Waffles! Sumusobra kana ah! Binigay na nga ni Hyun sa'yo 'yung niluto kong adobo sakanya last week tapos ngayon-

 

Charot lang. Ang OA mo Seulgi Kang.

 

"Totoo ba 'yan?" pag-aacting mo rin, "Maghahanap na nga lang ako ng bubuhay sa'kin..."

 

But unlike you, hindi man lang siya naasar.

 

"Meron ka namang kabit. Dun ka nalang."

 

Binagsak mo ang kutsara mo at di makapaniwalang tumingin sakanya.

 

Kabit na naman?!

 

Kelan ba siya titigil sa kabit kabit na yan?!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

With all smiles mong binabaybay ang University hallways ngayon. Di gaya last week, maingay na ito, marami na ring students ang nakakalat dahil hindi ka naman talaga early dumarating. On time lang.

 

Isama mo pang medyo natagalan ka today dahil nakatanggap kapa ng blessing kanina.

 

Nagpabebe ka kasi na kunwari nagtatampo ka dahil sa kabit kabit niya, pero slightly true naman 'yun dahil ayaw mo talagang ginaganon ka niya.

 

At ang ending?

 

Secret.

 

Kung anong iniisip niyo, 'yun na 'yun.

 

Mwahahahaha.

 

 

 

 

 

"Ms. Kang, good morning po!" nahihiyang bati sa'yo nung isang studyante. Nasa klase mo 'to. Yooa ata ang pangalan. Ah oo, siya nga 'yun! Magaling 'to sa klase 'e.

 

"Yooa, hello!" masaya mong bati pabalik sakanya. "Kumusta ang one-week na walang pasok?"

 

Nagkatinginan ang magkakaibigan a tinulak si Yooa palapit sa'yo.

 

Eh? Bakit may pagtulak?

 

"Okay lang po...miss ko na po ka-" Tumawa ang mga kasama niya. Nagtaka ka tuloy. "...I-I mean miss ko na po mag-aral h-hehe."

 

Awww...

 

Bihira nalang talaga ang studyanteng ganito. At dahil natutuwa ka, pinat mo ang ulo niya at nginitian. "Mabuti naman. Sige, have a great day ahead!"

 

Masayang kumaway ang magkakaibigan sa'yo.

 

Cute naman ng mga batang 'yon. Namiss mo tuloy ang college days.

 

 

 

 

May iilan pang bumati sa'yo along the way, at syempre you greeted them back with the same enthusiasm.

 

Ngayon mo lang rin napansin na mostly nakasuot sila ng masks. Hala! Naalala mo tuloy. Naiwan mo pala sa sasakyan 'yung binigay na mask ni Hyun sa'yo kanina.

 

Pero tinatamad kana at magtatime narin kaya hindi mo nalang binalikan.

 

 

 

 

Nakipag-tawanan kapa sa group of boys na bumati sa'yo. Ewan mo ba. Nagogood-vibes ka talaga 'pag nakikita mo sila. Kaya siguro known ka sa university because of your friendly nature, which you take pride rin.

 

Wala ka naman kasing nakikitang reason para magtaray. Well, on some cases of indiscipline, oo.

 

But for most, sobrang approachable mo.

 

And you have no plans of changing that image. Sana lang di nila abusuhin ang kabaitan mo.

 

At siguradong hindi mo naman hahayaang mangyari 'yan.

 

 

 

 

 

"Morning, chong," bati sa'yo ni Lisa nang pumunta kana sa table mo.

 

"Morning. Kala ko ieextend pa ang suspension." 'Yun talaga ang una mong sinabi kaya natawa siya, pati narin ang iniidolo mong professor na si Ms. Yoona na nasa tabi mong nakikinig pala. 

 

"Kala ko rin. Buti pa yung PCC nag-extend."

 

"PCC?" takang tanong ni Lisa. 

 

"Philippine Cultural College."

 

"Ah...edi sana all. Dapat nag-extend din ang Heads eh. May new case na kaya."

 

Umikot ka para lingunin siya. "Nagrelease naman ng advisory sa school page kanina. Hindi pinapasok 'yung may travel history at may sakit. No mask no entry nga rin kanina eh."

 

"Sabagay..." tango nalang ni Lisa, "Pero pustahan may papasok paring matitigas ang ulo."

 

Oo nga. Hindi niyo parin talaga masisigurado ang safety ng mga bata.

 

"Sabihan niyo ang mga bata mamaya ah, about sa mineeting natin last Friday," sabi ni Ms. Yoona.

 

Tumango kayo. Sa sinabi din ni Joohyun, importante talagang aware ang lahat tungkol dito. Tsaka, ilang beses ka rin niyang sinabihan na you have to be careful din. 

 

Nagsisimula kana tuloy matakot sa mga pwedeng mangyari.

 

"Oy Seul," bulong ni Lisa na pumunta pa talaga sa desk mo. "Lunch kami ni Jens mamaya, sama kayo?"

 

Umiling ka kaagad. "Nope!" you popped, "We have other plans." 

 

Tinulak ka niya at lumayo. "Nubayan, KJ." Kinuha niya nalang ang Ferrero na nasa table mo. Bigay ata 'yan ng isang studyante mo. 

 

"Pumayag ako?"

 

"Bawal? Oh, kunin mo ulit." Nilapit niya sa'yo yung bibig niya.

 

Agad mong nilayo ang mukha niya. "Yuck."

 

Tumawa lang siya bago bumulong ulit sa'yo. "Edi mamaya? Gimik tayo."

 

Ito talagang demonyong 'to.

 

Binuksan mo ang Macbook mo at umiling na naman. "Nope ulit. Ateneo ako later."

 

Gumive-up na ang gago at padabog na bumalik sa table niya.

 

Hahahaha.

 

Narinig ata ni Ms. Yoona ang sagot mo dahil bigla siyang bumaling sa'yo. "Pang-ilang year mo na nga ngayon, Ms. Kang?"

 

Nahihiya ka pang ngumiti. "Last napo. Tapos na hopefully sa April."

 

"Wooow," Pumalakpak pa siya. "Congrats in advance ah. Naks. Future PhD!"

 

Nahihiya kalang na tumawa. Kala mo di rin PhD 'tong si Ms. Yoona eh. Kaya nga idle mo rin 'to dito.

 

"Magpapakain talaga 'yan dapat this April, diba Prof?" nang-aasar na sabi ni Lisa kay Ms. Yoona na agad naman tumango.

 

"Ah siyempre. Mag-eexpect tayo niyan." 

 

Tawang-tawa ang dalawa sa pangingipit sa'yo. 

 

Nakitawa ka nalang rin tuloy.

 

 

 

 

 

Di nagtagal, narinig niyong tumunog ang alarm ni Ms. Yoona. Time na pala.

 

Isa-isa nang nagsilabasan ang ibang mga prof na nasa loob. Tumayo kana rin agad dahil malayo-layo pa ang building ng unang klase mo. Pero bago kapa tuluyang lumabas, tinawag mo si Lisa na mag-isang nalang sa loob.

 

"Oy chong." tawag mo kay Lisa na nag-aayos palang ng gamit niya. Mamaya pa siguro klase niya.

 

"Oh?"

 

"Mag-iisang buwan na 'yung Ferrero sa table ko."

 

 

 

 

 

Woots, back to work fellas!

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

Physics 1 and 2 ang tinuturo mo sa Wesley. Freshmen at Second Years naman ang mga studyante mo. Normally, they are taking up BS Physics o di kaya napupunta ka sa engineering dep't, specifically Mechanical Engineering. 

 

Why Physics though? Ewan mo din. Basta ang alam mo, favorite na favorite mo ang Science nung high school ka. Itong field na'to ang may pinakamalaking score mo sa NCAE kaya siguro mas ginanahan ka sa pag-aaral. 

 

Physics, dahil dito ka pinakanahirapan sa kabuuan ng Science classes niyo. On the other hand, ito ring branch of science na'to ang mas nakapukaw ng atensyon mo sa field. Weird diba kasi baliktad? Gustong-gusto mo talaga 'tong subject na'to kahit naiinis ka sa sobrang dami ng terms. Magulo ka nung high school, oo.

 

Pero love mo talaga ang Physics. Sa sobrang hooked mo pa nung klase niyo about the Laws of Motion, napaginipan mo tuloy si Sir Isaac Newton na walang hintong bumubulong sayo ng: Force is equal to mass times acceleration.

 

Bwiset!

 

Mahigit isang linggo din 'yang di nawala sa bibig mo.

 

Pati barkada mo tuloy namemorize 'yan!

 

 

 

 

 

Principal din kasi ang Mama mo noon, retired general naman si Papa. Sa mama mo siguro nakuha ang passion sa pagtuturo. Kahit noon paman, na-appreciate mo na talaga ang pagtuturo dahil ikaw ang laging nag-aayang mag group study kasama ang barkada mong lampake sa acads. #influencer, oo. 

 

Bilang nag-iisang anak, wala naman silang tinulak sa'yo na kurso. Pero alam na alam mong gusto ng mama mo na sumunod ka sa yapak niya.

 

Gusto mo rin naman.

 

Kaya ang ending, you took up BSEd major in Physics. Oo, Physics talaga. 

 

Right after graduation, madali karing nakapasok as a high school teacher sa isang sci high. Sobrang dali because of your attractive credentials. You had a fit in studying especially na you ended college with flying colors kaya you didn't hesitate to pursue Master's right after college. 

 

You didn't even spare a year in between. Nakikita mo kasi ang sarili mo in a bigger perspective and you know you can do it. Full support rin naman ang parents mo lalo pa't only child kalang.

 

Kaya here you are, after the long rough years, on your last year of graduate school in Ateneo. Taksil ka sa alma mater mong Animo La Salle dahil dito ka nabigyan ng scholarship after they found your thesis excellent.

 

 

 

 

Hindi rin naging madali para sa'yo. You had to balance your school, work, and social life all at once. Imagine working and studying at the same time, talagang it was a challenge.

 

Buti nalang you had an eye for time management. Nakisama pa ang schedules mo dahil fit na fit ito sa mga plano mo, na para bang binigay talaga ito ng Diyos para sa'yo to chase your dreams.

 

Goal mo kasing makakuha ng PhD right before thirty. And it's almost

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
Omg thanks for the feature?!?! Ang cute ng star! Para at para lang po sa inyo ‘yan! Merry Christmas pala talaga!
No comments yet