Doc Tangi's Day

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Chapter 22

 

 

 

 

 

 

 

 

DOC TANGI'S DAY

[QUARANTINE PHASE 1.5]

 

 

 

 

 

 

 

 

Seulgi

 

 

 

"AH PORKCHOP!"



Napahawak ka kaagad sa dibdib. Tawang-tawa naman ang isa.



"Mukha mo! HAHAHAHA!"



Pinanlisikan mo siya ng mata. "Ginagawa mo dito?"



"Grocery mo grocery mo?" pansasartiko pa niya. Umirap kana. Galing talaga kausap ng porkchop na'to.

 

Ang nag-iisang Krystal Jung lang naman ang nakasalubong mo habang nag-grogrocery ka. Takte, muntik pa kayong magkabanggan kaya halos  muntik naring tumalon ang kaluluwa mo sa sobrang gulat.

 

"Ikaw lang mag-isa?"

 

"Mukha ba akong may kasama?"

 

"Ay oo pala..."

 

"Hep hep, bakit mo naman hinahanap ang jowa ko aber? Crush mo noh?!"

 

Maloko pa itong tumawa. "Sino? Alin sa inyo?"

 

Nasamid ka kaagad sa laway mo. Mabilis kang napaiwas ng tingin at hindi na nakapagsalita pa. Takte. Bumalik sa alala mo ang pinag-usapan niyo sa Mines View. Di mo rin alam kung bakit.

 

At mukhang alam niya ang naging reaksyon mo dahil narinig mo ang bahagya nitong pagtawa.

 

"Anong bibilhin mo?" pag-iiba nalang niya. Napahinga ka nang maluwag. Hindi mo talaga kasi alam ang sasabihin kapag nambibigla siya nang ganito.

 

Tinuyo mo muna ang lalamunan mo. "Pang stock lang sa bahay."

 

Napatango siya. "Ah... Kawawa ka naman..." pang-aasar niya sa'yo, naalala siguro ang mga kinwento mo sakanya noong nakikain ka sa bahay niya, na ikaw lang mag-isa muna ngayon habang nasa ospital si Hyun.

 

"Buhay pa naman ako kaya okay pa," tawa mo pero napapalatak lang siya ng dila, siguro dahil nag-aalala rin sa'yo.

 

Bigla siyang humarap sa'yo sabay ngumiti. "Lika, tulungan nalang kita."

 

At hindi kana niya pinasagot dahil hinila kana niya sa hilera ng mga lulutuin.

 

Tamang tama, kanina kapa kasi paikot-ikot dito.

 

Napangiti ka nalang.

 

Hays, Krystal Jung, saviour na naman kita.

 


 

 


═══
 

 

 

 

 

 

Naglalakad na kayo ngayon pauwi, tulak-tulak mo ang push cart na hiniram niyo na naglalaman ng mga binili niyo. Naparami kasi kayo ng bili, sa takot na baka magkaubusan na sa susunod. Tapos sakto pang pareho kayong hindi nagdala ng sasakyan.

 

Yung grocery na pinanggalingan niyo kasi ay 'yung nasa baba lang na exclusive para sa subdivision niyo. Kaya nga hindi kana nakakalabas dahil dito kana bumibili. Siya rin daw.

 

Okay lang naman maglakad-lakad dito kasi sabi ng weekly notice, wala talagang pinapapasok kapag walang Resident ID. Oo, charot charot 'tong subdivision niyo dahil nagpagawa pa ng sariling ID para sa inyo. Tig-iisa bawat miyembro ng pamilya.

 

Kaya kung wala kang ganon, beplop ka.

 

Galing galing talaga.

 

 

 

"Sana dinala mo motor mo," sabi mo sakanya at kinagat ang Cornetto.

 

"Sus, magpapapicture kalang eh," kagat rin niya ng kanya.

 

Napairap ka. Mapanlait talaga 'to.

 

"Ba't ba ayaw mo bumili?" 

 

"Ayaw kasi ni Joohyun."

 

"Ah," tango nalang niya. "Makes sense. My mom used to hate it too."

 

"Nakakalungkot nga eh."

 

Natawa siya at mahinang binunggo ang balikat mo. "Makinig ka nalang kasi."

 

Napaismid ka sakanya. "Porket meron..."

 

Natawa lang siya at hindi narin sumabat pa. Tahimik na kayong naglalakad, ninanamdam ang preskong hangin at ang palubog na araw kasabay ang comportableng presensya ng isa't-isa.

 

 

Nang naubos na ang ice cream niyo, nagsimula na ulit ang kwentuhan.

 

"Ang boring sa bahay."

 

"Same same..."

 

"Pag may klase, dun lang talaga ako nakakaalis sa kama.", dagdag pa niya na siyang nagpatawa sa'yo.

 

Parehong pareho talaga kayo...

 

"Maglaro ka ng PUBG."

 

Gulat siyang napatingin sa'yo."Naglalaro karin niyan?!"

 

Huh? Siya rin ba?

 

"Oo...?"

 

"PARTY TAYO!" Masayang siyang napatili sabay palo sa balikat mo. "Ba't ngayon kalang nagsabi?"

 

Ikaw naman ang nagulat. "Naglalaro ka rin?!"

 

"Oo!"

 

"Weh?"

 

"Oo nga!"
 

 

At nagkaroon kana naman ng instant bagong kalaro.

 

 

Tinanong karin niya tungkol sa dissertation mo, at nung sinabi mong napasa mo na before lockdown, panay congratulate na siya sa'yo.

 

Nagkwento karin tungkol kay Joohyun, kung gaano ka nag-aalala sakanya lalo't nagtatagal na siya sa ospital these days, at ang tungkol sa pangingibang kwarto niya. Asar pa siya nang asar sa'yo.

 

At nung nabanggit niya ang pinsan rin niyang doktor, nacurious ka ulit bigla.

 

"Doktor din 'yun eh."

 

"Saang ospital siya?"

 

"U-Uh... I'm not familiar eh... Sorry."

 

Tumango ka nalang. At napansin mo ang pagbabago ng ekspresyon niya.

 

"Ay bakit?" ussyisera mong tanong, "Not in good terms kayo?"

 

Natauhan naman siya at napatingin sa'yo. And you're quite taken aback. There's something about her eyes. Hindi mo mailawaran.

 

"K-Kind of..." iwas-tingin niya.

 

But she turned to you again, showing off a smile that didn't even reach her eyes. Tapos bigla mong naalala, eto pala 'yung only cousin niya from her step-dad's side na sabi niya; tumanggap sakanya.

 

No wonder nalulungkot siya.

 

Ano naman kayang nangyari sa kanila?

 

"You know... first love... or love in general is really powerful noh?"

 

Nagulat ka sa biglang tanong niya.

 

"Bakit mo naman nasabi?"

 

She shrugged. "Wala lang... I know some people who'd really go far just for the sake of love."

 

Ba't naman siya umabot sa ganito?

 

"And I hate it," ngiti niya sa'yo. "Hindi naman dapat ganyan diba?"

 

Really? Hindi pala dapat ganyan?

 

Napaharap ka nalang at napabikit-balikat rin. "Ewan. Kasi for me, if you're not ready to risk everything for love, then maybe you don't really want it enough."

 

Ramdam mo ang pagtitig niya sa'yo kaya lumingon ka ulit sakanya. She's staring.

 

"What do you mean...?"

 

"I mean, of course you have to go far. Hindi mo naman kasi malalaman kung anong nakalaan sa inyo kung 'di mo susubukan..."

 

"Kahit the person you love is already happy with someone else?"

 

Saglit karing napako sa'yong pag-iisip.

 

Nakatitig lang siya sa'yo, naghihintay sa kung ano mang isasagot mo.

 

"T-That's... that's an exception, of course..."

 

Ilang segundo pa kayong napatitig sa isa't-isa, hanggang siya na ang kumalas.

 

"That's exactly what I meant," iling niya. "Damn... I hope I don't end up like that."

 

"Hindi ka naman ganyang tao."

 

"You really think so?" Napangiti siya sa'yo. "Pero nga naman... love makes us do the silliest things, right?"

 

Nangingiti pa siyang napailing.

 

Hindi mo alam kung bakit bigla kayong napunta dito.

 

Hindi mo rin alam kung anong patutunguhan ng usapang ganito.

 

Kaya natawa ka nalang.

 

"You sound like you're going through that."

 

"Maybe..."

 

Mabilis kang napalingon sakanya.

 

"But I know someone who's really going through that. But I can understand her kaya I hate it."

 

"Huh? S-Sino?..."

 

Bumaling din siya sa'yo.

 

At nakita mo ang pagngiti niya nang pilit.

 

"Minsan kasi, Seul, naaintindihan mo naman ang katotohanan. Ayaw mo lang tanggapin."
 

 

 

 

 


═══
 

 

 

 

 

 

"Wah, mas malaki pala sa loob noh?" Agad na naglibot ang paningin niya sa loon ng bahay niyo. "Pinakamahal daw 'to sa street niyo eh. Takte, ang aliwalas."

 

Natawa ka nalang sa pinagsasasabi niya bago dinala ang mga binili papunta sa kusina.

 

"Upo ka muna diyan, ibaba ko lang 'to."

 

"Okay..."

 

"May gusto kabang kainin?"

 

"Bakit? Ipagluluto mo'ko?"

 

"Tsk, easy..."

 

Natawa siya nang maloko. "Tubig nalang."

 

Tinignan mo siya nang masama.

 

Minsan talaga, sarap ding pektusan ng babaeng 'to.

 

 

 

 


Dala-dala ang isang plato ng carbonara, proud kang nakangising naglakad pabalik sa sala. Nadatnan mo siyang tahimik na nakatayo sa malapad na glass windows niyo.

 

"Ang ganda dito," namamangha baling niya sa'yo, "Kitang-kita ang city."

 

"Bet mo rin?"

 

"Oo. Kaninong idea?" Tapos nilibot niya ulit ang paningin niya sa sala niyo. "Tsaka kumuha ba kayo ng interior designer? Tangina talaga, ang ganda."

 

Natawa ka. "Si Joohyun lang."

 

Nagulat siya.

 

"Woah, totoo?"

 

"Hm, cool diba?"

 

"Damn... She's really got the game ha..."

 

Ngumiti ka.

 

Siyempre, si Joohyun mo 'yan eh.

 

"Lika, may ipapatikim ako sa'yo."

 

"Ano?" Natatawa na siyang tumabi sa'yo sa couch at napatingin din kaagad sa carbonarang tinuro mo. "Ano 'yan?"

 

Sinamaan mo siya ng tingin. "Hindi naman siguro Carbonara 'yan. Maputla na noodles lang." pagsasartiko mo.

 

"Ikaw gumawa? Eto ba 'yung sabi mo kahapon?"

 

"Kainin mo nalang kasi!"

 

"Ah okay okay." Natatawa niyang kinuha ang tinidor habang ikaw, excited na hinihintay ang reaksyon niya.

 

"Ano? Masarap ba?"

 

Matagal pa niya itong nginuya, na para bang nananadya, hanggang sa unti-unting nagbago ang ekspresyon niya.

 

"Ang..."

 

Sarap?

 

"Ang..."

 

Sarap?!

 

"Ang..."

 

"Ano?'

 

"Ang tabang."

 

"Grabe!" Pinalo mo agad ang braso niya. "Ang honest mo naman!"

 

Umalingawngaw ang malakas na tawa niya sa pagmamaktol mo. "Ikaw naman nagsabing always be honest in the kitchen ah!"

 

"Talaga! Nasobraan naman kasi sa tamis 'yung cake mo kahapon!"

 

"Oh? Edi sinasabi ko rin sa'yong matabang 'to ngayon."

 

"Akin na nga 'yan!" Aabutin mo sana pero inilayo niya ito sa'yo.

 

"I'll finish it pa naman ah. Excited mo."

 

"Akala ko ba ayaw mo?!"

 

"May sinabi ba 'ko?"

 

"Tsk," Umirap kana. "Sabi nga ni Joohyun kahapon masarap!"

 

"Naniwala ka?"

 

"Grabe na talaga, grabe na," pagtatampo mo pa. "Akin na nga 'yan!"

 

"Joke lang," pambabawi na niya, "It's not that bad naman."

 

"Sus."

 

"Totoo nga. Not bad for a first-timer." Pabiro pa niyang ginulo ang buhok mo. "Good job, Grizzle."

 

Lumiwanag nang konti ang mukha mo.

 

"Talaga? Pinapagaan mo lang ata loob ko eh."

 

"Hindi nga. It's somewhere in the middle. Not too much. Not too less."

 

Pinanlisikan mo siya ng mata, tinatansya kung nagseseryoso naba ito o hindi. Tumawa lang siya at tumango-tango pa.

 

"Sige naniniwala na'ko." Tinapik mo nalang ang sarili mo bago siya pinaglagyan ng tubig sa baso niya.

 

"Pero tuturuan parin kita."

 

Natawa kana.

 

Natawa rin siya.

 

 

 

 


═══
 

 

 

 

 

Nasa tapat na kayo ng aircon ngayon, nagpapahangin. She has that habit of walking around basta kakatapos niya lang kumain. Weird niya rin.

 

"Joohyun and her mom?" turo niya sa picture frame sa tabi.

 

"Hm," tango mo. "Carbon copy diba? They really look alike."

 

Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa inyo. Nagtataka kanang napatingin sakanya dahil napansin mo ang paghinto niya mula sa sinabi mo. "Huy."

 

Napaigtad siya, agad na ngumiti sa'yo at tumango. "M-Magkamukha nga."

 

"Kung nakita mo lang Daddy niya, nako, masasabi mong perfect combo talaga."

 

Ngumiti siya. "Naiimagine ko nga..."  Tinuro niya ulit ang litrato. "Pero bakit punit?"

 

"'Yan kasi 'yung naiwang picture sa wallet ng Daddy niya nung narecover nila 'yung gamit ni Tito sa cruise ship. Significant for her, that's why."

 

"Oh..."

 

"Supposed to be a picture of them three. Pero pinutol siguro ng Daddy niya para sila lang ng Mommy niya," Napangiti ka at the thought of that. "Sweet, diba?"

 

Napatango siya. "Yeah..."

 

"Alam mo," tingin mo rin dito, "I wish I met him too..."

 

Isang mahabang katahimikan.

 

"Me too..."

 

Natawa ka. "'Me too'?"

 

 

 

 


═══
 

 

 

 

 


Naibalik niyo na ang pushcart sa grocery. Nagtalo pa kayo kung sino ang babalik pero in the end, kayong dalawa rin naman ang nagpunta.

 

Nag-aayos kana ng mga binili mo nang biglang bumukas ang pinto na dinadaanan ni Hyun. Mabilis kang lumingon doon, at nakita mo ang tangi mong gulat ring nakatingin sa'yo.

 

Agad kang napangiti.

 

Bigla kang napaisip.

 

Tangina, miss mo na 'yung mga araw na niyayakap mo kaagad siya tuwing dumarating siya. Max level na talaga ang pagpipigil mo nitong mga nagdaang araw para hindi lumagpas sa porkchop na yellow line na'yan.

 

Sabi kasi niya hindi ka talaga niya mapapatawad kung umapak ka likod niyan.

 

Akala mo joke lang 'yun.

 

Seryoso pala talaga siya.

 


"Hi..." bati niya sa'yo bago naglakad papunta sa pinto ng kwarto niya.

 

Napanguso karin kaagad nang makitang mukhang pagod na pagod talaga ang tangi mo.

 

Diba sabi niya hindi na siya mas busy ngayon?

 

Mukhang napansin niya rin ang pag-aalala mo dahil natawa lang ito bago pumasok. Napahinga ka nalang nang malalim bago pinagpatuloy ang ginagawa.

 

 

 

 


═══
 

 

 

 

 

Kakahiga mo palang sa kama nang tumunog ang phone mo. Alam mo na kaagad kung sino 'to, kaya nakangisi mo pang sinagot ang FaceTime niya.

 

"Hel-"

 

"Bakit wala kana dito? Ayaw mo naba 'kong kasama?"

 

Agad kang natawa sa pambungad niya.

 

"Pinagsasabi mo diyan?"

 

"Binilisan ko ngang maligo tapos paglabas ko, wala kana. Bakit ha?" mataray na sabi niya, "Pagod kana ba? Ayaw mo na sa'kin? Sabihin mo lang, maiintindihan ko naman."

 

Mas lalo kalang natawa sa pinagsasabi niya. Alam mo namang nagpapaguilty lang 'yan dahil hindi mo hinintay, at parang hindi naman talaga nagtataray ang mukha niya ngayon kaya,

 

"Seryoso kaba?" natatawang tanong mo.

 

Napangiti na siya.

 

Kita niyo?

 

"Joke lang, tangi." pagpapacute pa niya.

 

Sabi na nga ba....

 

Napailing ka nalang.

 

"Pero why are you up there, then? Nagdadalawang-isip na tuloy ako..."

 

You snorted. "I wanted you to rest early, tangi. Kailangan mo 'yan."

 

"But I am resting when I'm with you."

 

Napangiti ka kaagad.

 

"Yiee kilig siya..." 

 

Walangya.

 

Hindi ka muna nagpadala sa pampakilig niya. Tumayo ka nalang, dala-dala ang iPad mong naka-FaceTime sakanya, pumunta kana sa closet para magpalit.

 

"San ka?"

 

"Closet." Pinatong mo muna ito sa mesa bago naghalungkat ng masusuot.

 

"Mapapalit kana? Are you sleeping early?"

 

"Yep," sagot mo, slipping over some comfortable shorts bago naghanap ng pang-itaas. "You too. Kaya nga ako matutulog nang maaga para ikaw rin."

 

Hindi na siya sumagot.

 

Hawi kalang nang hawi, napanguso pa sa maluwang na espasyo sa tabi ng mga damit mo na sana'y nilalagyan ng kanya noon.

 

"Ang tagal mo..."

 

Nabalik ka sa katinuan.

 

"Magpapalit na." Hahablutin mo na sana ang isang shirt nang bigla siyang nagsalita ulit.

 

"Why am I not allowed to watch?..."

 

Napahinto ka sa nang-aasar niyang boses. 

 

"To watch me change?" pagklaklaro mo habang nakatingin sa nakahigang iPad sa mesa.

 

"Obvious?"

 

Mas lumawak na ang ngisi mo sa diretsong sagot niya. Kaya naman, imbes na ang t-shirt ang kunin mo, ang silk spaghetti strap nalang ang pinili mo.

 

Hehe. The ones that she loves to make you wear, the ones that show off your necklace kaya gustong-gusto niya.

 

Pumunta kana sa mesa at tinayo ang iPad mo pasandal sa pader. Napalingon naman kaagad siya mula sa pagsusurf sa phone niya.

 

"Miss mo na'ko noh?" nang-aasar mong tanong habang tinatali ang buhok mo.

 

"Of course." Walang alinlangan niyang sabi.

 

"In bed?" you slyly asked, mga ngising hindi nawawala sa labi mo.

 

"Yes."

 

Woah.

 

Pansin mo na talaga, ever since naghiwalay kayo, she's been more outgoing sa mga kalokohan mo.

 

"Talaga?" masigla mong sabi.

 

Ginaya niya ang pagngisi mo.

 

"Oo naman. I miss hugging you in bed."

 

Ay pustapa.

 

Sumama kaagad ang mukha mo at lumayo na sa screen.

 

"Ampanget mo magpakilig." 

 

Natawa siya kaya napairap kana. Sinimulan mo nang tanggalin ang pang-itaas mo, dahan-dahan, dahil naalala mong nagrequest pala siya kanina.

 

Miss hugging you in bed lang pala ah...

 

You did it painfully slow, may konting pag-ngisi sa'yong labi, bago tuluyan itong hinubad. Napatingin ka sakanya. Tahimik lang siya, nakatingin sa katawan mo, pabalik sa'yo, at parang wala lang na naghihintay sa susunod mong gagawin.

 

Tinaasan mo siya ng kilay. "Tinitingin-tingin mo diyan?"

 

"Bakit?" Tumaas din ang kilay niya. "Bawal?"

 

Aba aba. Humahamon.

 

Tapos may pahabol pa siyang, "I've seen all of that anyway..."

 

Natawa kana nang tuluyan.

 

"Wah, ang galing mo naman."

 

Tumigil kana sa pang-aasar sakanya at tinanggal na ang damit mong pabiro mong tinakip sa'yo kanina. Nakangisi kalang tumitig sakanya habang sinusuot ang pamalit mo.

 

"Doc Tangi, anong klaseng tingin 'yan?"

 

"Parang mas masarap kana tignan ah..."

 

Nanlaki ang mata mo at mabilis na tinapos ibaba ang damit mo. "Anong sabi mo?!"

 

"Your body looks more attractive," pag-uulit pa niya. "It's... more tempting... or is it just me?"

 

Holy ....

 

Malakas kang natawa.

 

"What the hell, tangi?"

 

"Why? Totoo naman."

 

"That doesn't sound like you!"

 

Pero she just shrugged, like what she said kanina was just nothing. My goodness. You're sooo loving this, for real.

 

"I'm just trying to say my mind."

 

"Gusto mo lang ata ako kainin eh."

 

"Pwede rin..."

 

"T-Tangina," pabirong takip mo sa bibig, "Quarantigang kana ba?"

 

"Well, aren't you?"

 

Porkchop na talaga.

 

Natatawa kang umayos ng tayo.

 

"Hindi pa naman." You tried to sound convincing. "I'm good."

 

"Ah okay. Edi ako lang pala."

 

Napatititig ka tuloy sakanya.

 

Lumunok ka. "Seryoso kaba?"

 

Mahina siyang natawa. "You act like that's the naughtiest thing you've heard."

 

"Wah, anong nangyayari dito?"

 

"You like it, don't you?"

 

"Ang alin?"

 

"Me talking what I'm thinking."

 

You giggled. "Oo, tangi. I love it nga eh."

 

Napangisi siya. At mukhang may plano pang dagdagan ang mga pakulo niya.

 

"Your abs got toner too." Sabi na nga ba. Napailing ka nalang at nilabas ang necklace mo. Nakita mo pang dumapo ang tingin niya dito.

 

"I'm working out."

 

"Here?"

 

"Yup." Naglakad kana pabalik sa kama. Agad kang tumalon at kumuha ng unan para sandalan ng iPad sa tabi mo.

 

Grabbing your other phone, you comfortably settled on your bed. Ginaya mo ang posisyon niya, bringing both hands para iunan at tumagilid para humarap sakanya.

 

She smiled, making you smile as well. And you know why...

 

Para na kasi kayong nagtatabi ngayon.

 

"You look peaceful, tangi," wala sa sarili mong sabi after a long while. "I like it."

 

"Peaceful?"

 

"Oo. Parang I'm looking at a calm sea kapag tinitignan kitang ganito."

 

She giggled, eventually closing her eyes for a moment bago biglang dumilat na parang may naalala.

 

"Hey."

 

"Hm?"

 

"Naalaa mo si Sticky Note?"

 

Tumaas kaagad ang kilay mo. "Ba't nasali na naman 'yan?"

 

"Naalala ko lang..."

 

"Ang alin?"

 

"That person used to call me by a nickname." Namangha pa siya sa sariling naalala.

 

"Ano?"

 

"Irene."

 

Napakunot ang noo mo. "Irene?"

 

"Hm," tango niya. "He... or she, said it was because I look peaceful daw. Irene is the Roman goddess of peace kaya."

 

Irene?

 

Teka nga, ganon ba talaga siya kagusto ng Sticky Note na 'yon para gawan-gawan siya ng pangalan?

 

Yikes. Baduy.

 

Tangi lang ang papasa kay Joohyun. Peksman, no erase, padlock, tapon susi na.

 

"Gusto mo naman?" mapanlinlang mong sabi kaya natawa siya.

 

"No," iling niya, "I feel uncomfortable nga when he, or she calls me that."

 

"D

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
Omg thanks for the feature?!?! Ang cute ng star! Para at para lang po sa inyo ‘yan! Merry Christmas pala talaga!
No comments yet