The Doctor Is In!

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

I remembered asking a tita kung anong pinaka-amusing part sa isang relationship. And ang sagot niya, it's when a couple gets into this silly fight to the point na nagkakamixed-up na ang pinag-aawayan nila at naguguluhan nadin yung isa kung anong pinaglalaban niya. Hahahaha. Skl. Di ako relate eh.

 

Kaya here's a SeulRene (slight) LQ, na talagang nagpasabi kay Doc Tangi ng 'The Doctor Is In'!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Chapter 9

 



 

 

THE DOCTOR IS IN!

[FEBRUARY 12, 2020 - Wednesday]

 

 

 

 

 

 

 

 

Joohyun

 

 

 

 

"Magkano binayad mo sa Zero?"

 

"Huh?"

 

"Ilang drinks ba naubos natin?"

 

"Why? Dalawang araw na ah."

 

"Feeling ko kasi hanggang ngayon hangover parin ako."

 

Natawa ka. "'Yan kasi..."

 

Lasing na lasing 'to nung birthday ni Seul.

 

"Ba't kaba kasi naglasing? Pinahirapan mo tuloy girlfriend mo." Naalala mo tuloy si Lisa na hirap na hirap habang pasan si Jennie. Isama mo pang malikot talaga to kapag lasing dahil minsan lang kayo umiinom.

 

"The aura was so light kasi and I was drained, okay? Ang dami kong out-patients that day. And gosh, nakakastress pa yung isang intern!"

 

Natatawa mong binuksan ang cup noodles na tinabi mo.

 

"Hindi ka knockdown non?"

 

Umiling ka. "Hindi ko naman dinamihan ng inom."

 

"Ah. Para may energy pa noh?"

 

"Excuse me?"

 

"Sus." Tinuro niya yung cleavage mo. "Daming alam."

 

Agad mong tinaas ang scrubs mo. Namumula mo pa itong tinakpan habang ang kasama mo tawang-tawa na. Bwisit. Nakita niya pala yung blotches nung yumuko ka para hipan ang noodles mo.

 

"Buti wala sa leeg." Pang-aasar pa niya lalo kaya mas namula kapa na parang caught in the act talaga. Hindi naman talaga siya kita. You had talked about it with Seul naman to be careful at hindi mag-iwan ng marks na mahirap takpan, given na ganito ang mga trabaho niyo.

 

And she always makes sure na naalala niya yun. Tapos ikaw, anong ginawa mo that night?

 

Hays....

 

Naiinitan na siguro siya sa turtleneck niyang two days in a row na ngayon.

 

"Ano na? Inaalala ang kapusukan?" Ah bwisit talaga. Inabot mo siya gamit ang paa mo kaya mas lalo lang siyang natawa.

 

"Shut up." Tumatawa parin siya kaya umirap ka nalang at tinuloy ang pagkain.

 

Hindi kapa nakaka-isang subo nang bumukas ang pinto niyo.

 

"Luh."

 

"Morning mga bakla!" Gulat kayong bumaling kay Baekhyun na tuwang-tuwang pumasok. May dala pa itong box at basket na may lamang toothbrush at pagkain. Anong meron? Ba't may dala siyang ganyan?

 

Nilapag mo ang tinidor mo. "Anong ginagawa mo dito?"

 

"Magpapahinga sa station ko, ano pa ba?"

 

Pareho kayong napanganga ni Jennie sa narinig.

 

"Surprised lang ang peg? Wala bang Welcome hug diyan?!"

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

 

"Buti napapayag mo Head mo."

 

Tumawa si Baek. "Crush ako nun."

 

"Gago may asawa na si Doc Siwon bakla ka."

 

"Ay talaga? Mixed signals lang pala 'yun?"

 

Sira talaga 'to. Natawa nalang kayo ni Jennie. Buti naman at si Baek ang nalipat dito. Nung si Wendy pa kasi, the two kept on saying na nahihirapan daw silang i-approach si Wendy. Hindi mo rin sila maintindihan minsan. Kaya they were a bit worried kung sino ang papaplit, ayaw naraw nilang maging uncomfortable sa sarili nilang station.

 

Mga baliw talaga.

 

Bumalik ang tingin mo sa naiwan mong noodles.

 

"Hoy Joohyuna, musta kayo ng jowa mong cute?"

 

Tinaasan mo siya ng kilay. "Anong kumusta? Wala naman-"

 

"Gaga." Slight ka niyang sinabunutan. "Nakita ko 'yung IG story ng jowabels mo. Landi niyo!"

 

Nagtilian ang dalawa. Ah... The necklace siguro. Napangiti karin tuloy. Nag-story kasi si Seul ng mirror selfie niya, wearing an oddly attractive spaghetti strap, kaya sobrang nagstand-out ang necklace na binigay mo.

 

Obvious rin naman na galing sa'yo dahil tinag ka niya sa mismong necklace at may caption pang 'i'm claimed now. para maalala ko kung kanino ako babalik. arf arf'

 

Parang tanga. Hahaha.

 

"Ano 'yun? Parang dog tag lang? Arf arf?" Pang-aasar niya kaya sinamaan mo siya ng tingin. Basher lang? Ang sweet kaya ng 'para maalala ko kung kanino ako babalik'. You even took a screenshot of it dahil ang cute ng caption niya and you loved the way her necklace dangled sa leeg niya.

 

"It fits her."

 

"Bakod na bakod ang peg!"

 

Of course.

 

Mine. Truly mine.

 

"Ganon talaga." irap mo bago tinuloy ang pagkain. Medyo guminaw na tuloy kahit di kapa nangangalahati.

 

Nilubayan kana nila ng pang-aasar at pinag-uusapan niyo nalang yung intern ni Jennie nang may kumatok ulit.

 

"Pasok..."

 

Iniluwa ng pinto si Nurse Mijoo.

 

"Doc Bae?"

 

Binaba mo ulit ang pagkain mo. "Yes?"

 

"May mga out-patients napo."

 

Tinignan mo ang orasan mo. 9 narin pala.

 

Tumango ka. "Sige. I'll be there. Thanks, Mijoo."

 

"Sige po."

 

Niligpit mo ang kalat mo. Sayang, di kapa nabusog. Hindi ka pa nga nakalimang subo.

 

"May out-patients ka ngayon?"

 

"Yup!" You popped, stretching your neck and legs, bago shinoot ang barely consumed noodles mo sa trash can.

 

"Diba kakagaling mo lang sa surgery?"

 

Sinuot mo ulit ang white coat mo at nagpalit ng sapatos.

 

"Yaan mo na, Wondergirl 'yan eh."

 

Pati ikaw napailing nalang sa sinabi ni Jennie.

 

"Wawa naman this gurl... Sana inubos mo man lang 'yung noodles mo para may energy ka today."

 

Umiling ka ulit at sinukbit ang tote bag mo. "May energy naman ako today."

 

"Sus. Pustahan bagsak ka dito pag lunch."

 

Psh...

 

Palabas kana ng pinto nang biglang sumigaw si Jennie. "Hoy!" Nilingon mo ulit ang dalawa. "Lunch kami ni Lisa maya, sama kayo?"

 

Ngumisi kalang.

 

"We have other plans." 

 

"Landi! Kaya pala may energy!"

 

Natawa ka nalang sa narinig mo.

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

Hindi ito ang unang beses na pumasok ka sa university ni Seul. Of course naman, in your six years of dating, ilang beses mo narin siyang sinurprise visit at sinundo dito.

 

Pero what you don't like about going in is that some students are giving you curious stares, like you're someone who shouldn't be here. May group of college boys pa ngang humarang sa'yo kanina thinking na you're a student or a transferee perhaps. They were insisting for you to come with them for lunch.

 

My god. These kids. You eventually had to blurt out tuloy that you're a damn doctor and you're just here to visit a...friend.

 

Friend.

 

Kahit naman you're more than proud to shout to the world kung gaano mo kamahal ang jowa mo, she's still a college professor for pete's sake. And the last thing you'd want to happen is for the whole university to know that their favorite professor is dating a woman.

 

Kaya for now... it's better to keep things this way.

 

But so much for drama, hinanap mo na nga ang classroom niya. You texted Lisa kanina and she instructed you kung saan mahahanap ang current subject niya. Nang-aasar pa itong sumasagot sa'yo. Sana-all daw sinusurprise. Psh. Mag-jowa nga sila ng best friend mo.

 

You purposely came early para masilayan ang Prof Tangi mo habang nagtuturo siya. You rarely do this dahil sa conflict of schedules niyo kaya naeexcite ka talaga just while thinking about this.

 

You even sacrificed a good lunch offer from your Head.

 

Definitely not a clingy behavior.

 

Nope.

 

 

 

 

At pagkatapos ang pag-iikot mo sa malawak na Wesley, mukhang nahanap mo na nga ang Prof Tangi mo. She's discussing something at may hawak pa itong libro sa kamay.

 

The sight instant brings you to a smile.

 

Awee, that's my tangi right there...

 

She looks so hot wearing that serious look you rarely see at home. Grabe talaga ang duality ng tangi mo when it comes to her usual self and her professor duties. She can be all cute and smiling to you and then makikita mo nalang siyang nag-aaral sa kwarto niyo in this intimidating and serious look of hers.

 

You can notice pa kung pano kasigla ang students niya when it comes to her. Nga naman, if you were one of them, you'd probably do the same. Because how would you dislike such prof?

 

At iba din talaga siguro ang telepathy niyo dahil bigla siyang napalingon sa lugar mo. Gulat kaagad siyang napatingin sa'yo. You giggled and waved at her. You saw her eyes twinkle and is now fighting the urge to acknowledge your presence.

 

Cute...

 

Pero di talaga magaling sa pagpipigil ang tangi mo because she glanced at you not so long after again at tsaka ka nginitian.

 

Dali-dali kang pumunta sa gilid at nagtago.

 

Lumingon din kasi ang mga studyante niya. 

 

Mag-isa ka tuloyng natawa.

 

"Excuse me?" Napahinto ka at agad nilingon ang boses. "Are you waiting for someone?"

 

Sino naman 'to?

 

Napansin mo ang ID niya.

 

Why is she so familiar?

 

And it hits you.

 

Muntik mo nang itaas ang kilay mo pero buti nalang you held it back. Hindi ka pwedeng magkamali dahil sa aura palang na bumabalot sa kanya, may ideya kana kaagad kung sino ang babaeng ito.

 

 

This has to be Krystal Jung.

 

 

The same girl who dropped off your girlfriend in front of your house and the same girl who's been sending your girlfriend good morning texts like it's her freaking job.

 

Wow, you never thought meeting this woman would be this soon.

 

Not that you were looking forward to anyway.

 

 

You forced out a smile parin. "Yes. I am."

 

"One of the students po?"

 

"Security kaba? Why are you asking me?"

 

But you didn't say that of course. You can't just let your guards down dahil lang katapat mo ngayon ang babaeng kinaiinisan mo. That would be so unprofessional of you... right?

 

Hinayaan mo siyang ituloy ang tanong niya.

 

"May mga fifteen minutes pa bago lumabas ang mga students eh."

 

 

No, I'm actually waiting for my girlfriend.

 

Sarap sabihin.

 

 

"Ah ganun ba? It's okay. I can wait." Kunwaring ngayon mo lang alam.

 

"Okay...? Pero their prof usually extends pa naman." Sinilip niya saglit ang girlfriend mo sa loob at natawa, "And by the looks of it, mukhang nageenjoy pa siya sa tinuturo niya."

 

Ah talaga?

 

Tapos siya rin noh?

 

Mukhang nag-eenjoy din kasi siya sa paninilip sa girlfriend mo.

 

Hindi ka sumagot at tinitigan lang siyang nakangiting sinisilip si Seul na nasa loob pa ngayon. There's that proud smile on her face, like your girlfriend is someone she should be proud of. And honestly, nagsisismula ka nang mainis sa nakikita mo.

 

Bumalik ang tingin niya sa'yo. "Ma'am? May waiting area po kami sa may lobby. Pwede po kayong-"

 

"It's okay." Matigas mong sabi.

 

Nagulat siya.

 

Pati ikaw nagulat.

 

Ngumiti ka nalang when you realized how rude it might've came off. "I mean it's okay. Hindi naman siguro bawal dito, right?"

 

Medyo nag-aalinglangan pa siyang sumagot pero tumango naman. "Uh... it's almost time naman so I guess it's fine."

 

Hindi kana sumagot pa.

 

Hindi rin siya umalis.

 

Because she's still lovingly staring at your girlfriend.

 

Gosh, the nerves...

 

Sarap manusok ng oculus uterque ngayon.

 

"Are you perhaps...waiting for someone too?", hindi mo mapigilang tanong.

 

Sabihin niya lang na ang girlfriend mo ang hinihintay niya, talagang—

 

"Ah yes.. I'm waiting for their professor." ngisi niya sa'yo. "I'm inviting her sana for lunch."

 

What the?

 

Gulat mo siyang tinignan.

 

At dinagdagan pa talaga niya.

 

"We usually spend it together eh."

 

Oh my god.

 

Did she just-

 

There's something building up inside you, and naiinis ka because this is a feeling that you greatly hate. This is so unlikely of you. You're used to people lurking over your girlfriend but no one has really made you feel the fire to this extent.

 

Siguro dahil naging lax ka sa babaeng 'to kaya she's still all over Seul like this. You rarely expressed your jealous fits about her kay Seulgi dahil magkatrabaho lang naman sila and you didn't want to sound like a demanding and immature girlfriend for once.

 

But now, ewan mo nalang.

 

Bigla mong naalala ang good morning text ng babaeng ito sa girlfriend mo kaninang umaga.

 

Tapos ngayon eto?

 

Hindi ba't sumusobra naman ata siya?

 

You in a deep breath, trying to calm yourself not to say something you'll eventually regret. You were creating conversations in your head, and naiinis kana talaga ngayon. Realtalk.

 

"Oh?" You faked a surprise. "Are you..."

 

Tinaasan ka niya ng kilay.

 

Aba. Naunahan kapa talaga.

 

"I'm sorry, I suppose I can't answer that."

 

Hindi pa nakawala sa mga mata mo ang bahagyang pagngisi niya habang sinasabi ang mga ito. Excuse me? Did she just make you think na maaring may namamagitan sakanya at ng professor sa loob?

 

Siguro if you were a stranger, you'd be thinking that way, especially sa ngiti niyang nakakakilabot sa'yo ngayon.

 

Pero girlfriend mo ang pinag-uusapan dito!

 

Ikaw! Ikaw ang jowa!

 

Grabeng pagtitimpi na talaga ang ginagawa mo ngayon.

 

This girl is really testing your patience.

 

"Huh? I was about to ask lang sana if you're a professor din dito." Nangingiti mo paring sabi kahit alam mo naman talaga. And oh, you seriously deserve an Oscars sa actingan mong 'to. 

 

Namula siya.

 

Nahiya.

 

"A-Ah.. sorry.."

 

Did she really think na you were pertaining to them being a thing?

 

"Unless there's something going on tho.."

 

Turo ng mommy mo not to ask personal questions to someone you don't even know. Pero ngayon you're throwing it off the cliff.

 

Tumawa siya. "You think so?"

 

The hell.

 

Minsan nang nasabi ni Lisa sa'yo na may mga studyante sila dito na nababagayan sa kanilang dalawa. Natawa ka tuloy sa isip mo. Now this girl's probably thinking na you're one of them.

 

My god.

 

"I like you." Ngumiti siya nang malawak sa'yo. "I'm Krystal Jung. Teacher din ako dito sa Wesley. Senior High Department nga lang."

 

Inabot mo ang kamay niya but you didn't introduce yourself back.

 

"You're a teacher pala." 

 

"I am. And by the way, you seem familiar... Sorry ha, but I think I already saw you somewhere... di ko lang maalala."

 

Kunwari nagulat ka.

 

"Haha talaga? Probably in the hospital?"

 

"Oh- you're a doctor?"

 

Ngumiti ka at tumango.

 

"That's cool! I have a cousin na doctor din." Tumawa siya. "But wow, and you're pretty by the way. It fits you."

 

She smiles at you attractively.

 

Buti alam niya.

 

Tumawa ka nalang na kunwari nahihiya. Bumaling ulit ang tingin niya sa girlfriend mo. Sumilip ka narin to check if she's almost done kasi gusto mo nang lumayas kayo dito.

 

Nagulat ka nalang dahil nakatingin na pala ang tangi mo sa inyo na gulat rin.

 

Psh...

 

Mukha niyan.

 

Inirapan mo lang siya at sabay kayo ni Krystal bumalik sa gilid.

 

"She's cute noh?" natatawang sabi ng nasa tabi mo.

 

Konti nalang talaga.

 

"I personally think she resembles a bear... don't you think so?"

 

"Bear...?"

 

Narealize niya ang sinabi niya.

 

"Oh...sorry...shouldn't have said that."

 

Mapakla kang natawa.

 

Bear amp.

 

"Close kayo?"

 

Medyo gulat siyang bumaling sa'yo. "P-Pardon?"

 

"Are you two close?"

 

"Uh... we are?"

 

Isa.

 

"Single siya?"

 

Nagtataka ulit siyang tumingin sa'yo.

 

"Uhm...I don't think I should be telling you-"

 

Dalawa.

 

Tumaas na finally ang kilay mo.

 

"I've been told she's dating someone tho."

 

Gulat siyang tumingin sa'yo.

 

"Six years." 

 

Tatlo.

 

"W-Who are you?"

 

You ignored her question.

 

"Di mo alam 'yun?"

 

Apat.

 

Nagkatagpo ang mga kilay niya. "Nakwento nga ni Seul."

 

Alam niya naman pala.

 

Alam niya naman palang YOU exist.

 

Eh bakit hindi pa niya tinatantanan ang girlfriend mo?

 

Gusto mong matawa.

 

Ibang klase pala 'to.

 

"But..."

 

But what?

 

Say it, say it..

 

I dare you.

 

"Wala naman siyang kinwento after. I think sinabi lang niya 'yun sa'kin kasi she thinks I'm hitting on her...?" Tumawa siya, proving her point.

 

At ikaw?

 

Hindi mo nagustuhan ang narinig mo

 

Suminghap ka.

 

Lima.

 

That's it.

 

Hands up na.

 

"Well, aren't you?" diretso mong tanong. "Do you go around asking for lunch din sa ibang mga katrabaho mo?"

 

Nanlaki ang mata niya.

 

"Do you call them names too and nag-sesend kaba-"

 

Kinagat mo ang labi mo.

 

Gulat parin siyang nakatingin sa'yo.

 

"W-Wha-"

 

"Gusto mo ba siya?" pag-iiba mo ng tanong.

 

Pareho kayong natahimik.

 

Hanggang sa bahagya siyang natawa.

 

"T-Teka, why are we getting personal here? Do I even know you?"

 

Pero kilalang-kilala kita.

 

Nilagay mo sa bulsa ang mga kamay mo.

 

Bigla kang natauhan.

 

Why are you even wasting your time here?

 

Hayaan mo na.

 

You cleared your throat.

 

"Sorry, I was just messing with you."

 

Narinig mo siyang bumuntong-hininga.

 

"Bagay kasi kayo."

 

Lumiwanag ang mukha niya.

 

"B-Bagay?"

 

"Yeah." masiglang sabi mo. "Bagay."

 

Napangiti na siya.

 

"You really think so?"

 

Tumango ka ulit.

 

Mas lumawak ang ngiti niya.

 

 

My god.

 

 

Pathetic.

 

 

"You're not the first one who told me that." natatawa niyang sabi. "Marami naring-"

 

 

"Ms. Jung?"

 

 

Pareho kayong napatingin kay Prof Kang na nasa gilid niyo na pala. At nagsimula ka na namang makaramdam ng inis.

 

Hindi mo alam kung saan kumulo ang dugo mo.

 

Sa biglang paglawak ng ngiti ng babaeng nasa harap mo?

 

O ang pagtawag ng jowa mo sa iba?

 

Ang babae pa talagang 'yan ang inuna niya noh?

 

Galing.

 

"Seul!"

 

Seul?

 

Muntik kang matawa.

 

Nakakilig naman ang first-name basis nila. Sa text mo lang 'to nababasa eh, mas maganda naman pala pakinggan kapag sa personal.

 

"Lunch kana? Sabay tayo."

 

Nakahalukipkip kalang habang pinanood sila. Saglit pang tumingin si Seulgi sa'yo, na parang hindi rin alam ang gagawin. Tinaasan mo siya ng kilay, waiting for whatever she's gonna do. Subukan niya lang talagang sumama sa babaeng 'yan...

 

"Ah... S-Sorry Krystal... magsasabay kasi kami ngayon eh..."

 

You sighed in relief.

 

You mentally smiled.

 

That's my tangi....

 

You looked at the confused girl.

 

Take that.

 

"Huh? Nino?"

 

Lumapit si Seul sa'yo kaya binaba mo na ang mga kamay mo. 

 

"Kanina kapa?" malambing niyang tanong sa'yo. Kikiligin kana sana niyan pero naalala mong andito pa pala ang asungot niyang katrabaho kaya tinanggal mo ang hawak niya sa'yo sabay tingin kay 'Ms. Jung' na gulat nang nakatingin sa inyo.

 

Yan. Magulat kapa.

 

"Siya 'yung hinihintay mo?" gulat na tanong niya sa'yo.

 

Pero bago kapa makasagot, bumaling siya sa girlfriend mo. "At m-magkakilala kayo?"

 

Perfect question.

 

Anong susunod mong gagawin, Seulgi Kang?

 

Nag-iigting na ang mga tenga mo sa gusto mong marinig.

 

Claim me.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
Omg thanks for the feature?!?! Ang cute ng star! Para at para lang po sa inyo ‘yan! Merry Christmas pala talaga!
No comments yet