Doctor's (Love) Advice

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

Chapter 7

 

 

 

 

 

 

 

DOCTOR'S (LOVE) ADVICE

+LATE NIGHT WALKS WITH TANGI

[FEBRUARY 04, 2020 - Tuesday]

 

 

 

 

 

 

 

Joohyun

 

 

“Good morning, Doc Tangi.”

 

Ito kaagad ang bungad sa ‘yo ni Jennie nang madatnan mo siya sa station niyo.

 

Tuloy ka lang sa paglakad. God… parang anytime babagsak ka na.

 

“Tangi ka diyan,” you barely whispered at hindi mo na narinig ang mga sunod na sinabi niya.

 

Ngayon ka lang ulit nakaramdaman ng ganitong sobrang pagod.

 

You immediately slumped sa couch, face down.

 

Wala ka pang tulog.

 

Your body is aching.

 

Your neck hurts.

 

Your limbs are barely numb.

 

Ugh....

 

“How did the surgery go?” Nag thumbs-up ka lang, not really having enough energy to converse at this moment.

 

Narinig mo ang bahagyang pagtawa ni Jennie.

 

Pumikit ka muna.

 

Kahit one minute lang just to regain your strength.

 

And even in this random moment, the image of Seulgi suddenly flashed before your eyes.

 

Di mo pala siya makikita this morning.

 

You had an emergency on-call in the middle of the night. Kakahiga niyo pa lang but you eventually had to leave her alone in bed. The call was very urgent kasi. Rear-end collision due to drunk-driving. One of them had it pretty bad in the head kaya of course, they had to call you.

 

Six hours. You underwent a surgery of six hours, with no break in between.

 

Crucial.

 

Sinong hindi mauubusan ng lakas niyan?

 

Isama mo pang matagal kayong natulog kagabi dahil tinapos niyo pa ‘yung movie na pinanood niyo with Yeri. Normally, maaga talaga kayo natutulog ni Seul, but your pinsan was so persistent kaya pinagbigyan niyo na. Sabi niya pa grounded kasi siya sa Netflix nila sa bahay.

 

That brat.

 

She was planning to stay overnight lang pala sa inyo kaya hindi na siya nagpasundo sa mommy niya. Tsk.

 

 

 

But speaking of the two, nakaalis na kaya sila for school?

 

 

 

 

You sighed bago umupo para suotin muli ang kwintas mo. Para namang ‘di ka pa nasanay sa trabaho mo. Well, nga naman, you haven’t been in that critical situation since two weeks ago nang may nirush sa ER at kayo rin ang nag-perform. The rest of the days were more on minors at rounds na lang.

 

Ngayon, para tuloy nanibago ang katawan mo.

 

Nakakainis.

 

You checked your wristwatch. 6 am. Ang aga pala yata ng kasama mo ah?

 

“Aga mo today,” baling mo sa katapat mong enjoy na enjoy sa kinakain niya.

 

Ngumiti siya. “Maaga nagising eh.”

 

Wow. Nakakapanibago. Himala, Kim Jennie. Hindi mo na kinutya at lumapit na lang sa kanya.

 

“Kain na,” pag-aaya niya sa ‘yo.

 

Tinuro mo ang take-out pack na hindi niya ginalaw. “Ano ‘yan?”

 

“Black noodles.” Nabuhayan ang loob mo sa narinig, at mas lalo na nang tinulak niya ito sa ‘yo. “Binilhan talaga kita niyan dahil kanina pa ako iniinis ng tangi mo.”

 

“Huh?”

 

“Daanan daw kita ng breakfast. I had to take a U-Turn pa talaga dahil ayaw ako tigilan.”

 

Napahinto ka kaya maloko siyang ngumiti sa ‘yo.

 

“Kinilig ka na?”

 

Napangiti ka tuloy.

 

Tsk, ang aga naman magpangiti ng tangi mo.

 

“Landi! Buti 'di pa gaanong matraffic kanina,” panguiguilty pa niya at inirapan ka pa talaga.

 

“Ganun ba? Sorry…”

 

Tumawa lang siya. “Nukaba! May free skin naman ako sa ML kaya oks na oks lang!” Mas natawa pa siya sa sariling sinabi. ML? Laro ‘yan, diba? Nakikita mo si Seul na nilalaro ‘yan minsan eh. At anong skin? Sinuhulan ba siya ng tangi mo?

 

You giggled, “ML? Naglalaro ka niyan?”

 

“Oo. Tinuruan ako ni Lisa.”

 

Ah. Edi siya na maraming time. Kinuha mo na ang fork sa gilid at sinimulan ang pagkain. Shet, feeling mo nabawasan ng 50% ang pagod mo habang nilalamon ito. Black noodles pa talaga! Alam kasi ni Jennie na nagccrave ka ng ganito ‘pag naddrain ka.

 

“Sino kasama mong head kanina?”

 

“Kami ni Heechul. Sinama rin namin si Wendy. Night shift pala kasi siya.” Tinuro mo ‘yung sobra niyang rice at tinulak naman niya ito papalapit sa ‘yo. “Thanks.”

 

“May plans siyang mag-proceed kaagad after residency?”

 

“Mhm…” tango mo lang dahil gutom na gutom ka talaga para makipag-chikahan.

 

“Last year na niya sa residency, right?”

 

Tumango ka ulit.

 

Tapos naalala mo tuloy si Seulgi.

 

Wala lang.

 

Last year na rin niya sa grad school eh.

 

“Akala ko ba in-talks na siya ang papalit na bagong Chief Resident?”

 

Napatingin ka sa kanya. “Talaga? 'Di ko alam ‘yan.”

 

“Luh? Sa Neuro mo tas ‘di mo alam?”

 

Talaga? Bago pa kasi si Wendy. Well, you wouldn’t be surprised kung siya nga ang i-appoint as the new division chief.

 

“Sayang, bet ko pa naman itong chief niyo ngayon.”

 

“Si Suho?”

 

“Oo. Maganda rin team-up niyo eh. Ba’t daw siya lilipat? Ang weird. Isang taon na lang kaya. Pwede ba ‘yon?”

 

Nilunok mo muna ang kinain mo. “Abroad.”

 

“Woah…” palakpak niya, “Sana all.”

 

“Edi sundan mo.”

 

Natawa siya. “No thanks. Pero okay naman sa ‘yo si Doc Wendy?”

 

“Okay naman siya.”

 

Wala ka namang reasons to say no. Sobrang galing nga ng doktor na ‘to eh.

 

“Naks, pasado na sa boss.”

 

“Boss ka diyan. Parang ako ang pipili ah?” Pareho lang kayong natawa.

 

“Teka— nasa’n pala siya?”

 

You shrugged, “Dunno. Baka diretso uwi.”

 

“Ah…” Natahimik siya saglit. “She doesn’t hang out with us naman.”

 

Tumawa ka. “FC ka lang.”

 

“Excuse me?” Tinapon niya sa ‘yo ang maliit na butil ng kanin sa plato niya. Gagang ‘to! “It’s just…noong nag-residency tayo, pinilit ko talagang maging malapit sa mga attendings.”

 

Okay, may point naman siya.

 

“Baka shy type lang si Wendy.” Sobrang tahimik rin kasi niya lalo na kapag magkasama kayong apat sa station. Very opposite sa napakaingay na dalawa mong kaibigan.

 

“Sa ‘yo lang hindi.”

 

Tinaasan mo siya ng kilay. “What?”

 

“Wala.”

 

Parang ewan.

 

Hindi mo na pinansin at tinuloy na ang pagkain.

 

“Malapit na pala birthday ni Seulgi ah. Sa’n tayo?” pagpaparinig niya at iniba ang usapan.

 

Parang nabuhayan ka naman sa narinig mo.

 

Right.

 

Seulgi’s birthday is around the corner na pala.

 

Nilapag mo ang fork mo at napaisip bigla. Napangiti ka kaagad at the mere mention of her name. You have so much plans in mind pa naman. Plano mo kasing gawing special ang birthday niya lalo’t significant din para sa kanya ‘to dahil it’s her last year of graduate school.

 

Last year, you opted for a short trip sa Siargao with Jennie and Lisa. Hindi nakasama ang parents niya dahil sa conflict of schedules kaya kayong apat lang ang nakapunta. Pero you had soooo much fun pa rin kahit ilang araw lang ‘yon. Sulit na sulit pa rin ang leaves.

 

However, this year is a bit different. Ang birthday girl, gusto sana mag-Bora. She’s been pestering you about it pero as a doctor, you know better. Kahit dalawang confirmed cases pa lang, travelling would be a bad idea in this situation.

 

Buti na lang, naiintindihan naman niya ito.

 

Basta lang daw may inuman sa birthday niya.

 

Gago talaga.

 

But hays, your tangi’s getting a year older…

 

And this is her seventh birthday kasama ka.

 

Napangiti ka sa naisip mo.

 

“Ngiting ‘yan parang may paparating na landi.” Nabalik ka na sa katinuan at bumungad sa ‘yo ang nang-aasar na tingin ni Jennie. “Nabanggit ko lang ang bebe, kinilig na kaagad!”

 

Panira naman ‘to.

 

Saglit siyang natahimik at nakangiting-asong tumitig sa ‘yo. Ano na naman kayang naisip ng bruhang ‘to at ganyan siya makatingin?

 

“Ano?” mataray mong tanong.

 

“Magseseven years na pala kayo ‘no?”

 

Tinaasan mo siya ng kilay. Ba’t napunta naman sa inyo ang usapan?

 

“Parang kelan lang sinagot mo siya sa parking lot.”

 

At imbes na magtanong ay natawa ka sa sinabi niya. “Gaga. It wasn’t like that. Wala namang ligawang nangyari.”

 

Nagulat siya. “Anong wala?!”

 

“What? Wala nga.”

 

“Luh?! Eh ba’t sabi mo dun kayo naging official? Tapos sabi mo pa dun kayo unang naghalik-” Sinipa mo siya dahil may nakita ka sa labas. Nagtataka siyang tumingin sa ‘yo kaya pinandilatan mo siya ng mata.

 

Bumukas nga ang pinto ng room niyo.

 

“Wendy, hello!” bati mo, “Akala ko nakauwi ka na.”

 

“Nagpahangin lang sa rooftop.”

 

She smiled at you, pati sa kaibigan mo.

 

“Kumain ka na? Sabay ka na sa ‘min.”

 

“Okay lang, thank you. Hindi naman ako magtatagal. Kukunin ko lang ang mga gamit ko.”

 

“Huh? Bakit?” takang tanong ni Jennie.

 

“Lilipat na po ako.” Mahinang natawa si Wendy, malamang sa nagtataka niyong mga muka. “Doon kina Doc Kim.”

 

“Kina Jisoo? Oh my— nirelease na TO mo?”

 

Tumango siya. “Kahapon lang po.”

 

Nagulat kayong dalawa ni Jennie kaya nagkatinginan kayo at sabay natawa.

 

“Really? Congrats!”

 

Parang kanina lang pinag-uusapan niyo pa!

 

“Ikaw Doc Wendy ha, hindi ka nagsasabi! Naks, Irene oh, may bagong partner ka na!”

 

Nahihiyang bumaling si Wendy sa ‘yo. “I’ll work hard, Doc Bae.”

 

Mga sira talaga. Pero sa totoo lang, magaling naman talaga ‘tong si Doc Wendy. You’re relieved that they actually chose the most competent one.

 

Tinapik mo ang balikat niya. “Good luck sa ‘yo and congrats din!”

 

“Thank you. I learned a lot sa inyong tatlo kahit isang month lang naman ako dito. Lalo na kay Doc Bae. Canadian surgeons weren’t really as friendly as you.”

 

Asus. You waved a hand and giggled, “Bolera ka, Doc Wendy.”

 

“It’s true,” tawa niya lang rin at dumiretso sa cabinet niya. Nagkatinginan ulit kayo ni Jennie. She shrugged kaya you gave her a knowing look. Shunga.

 

Wendy’s from Canada. May lahi talaga ‘to. Kaya nga naturally blonde ang buhok niya at bawal naman talaga kayong magpakulay. Nalaman mong she just settled here sa PH noong New Year para magtransfer ng residency niya, which was surprising dahil she’s on her last year na lang sana.

 

Hindi naman talaga siya kagaya niyong tatlo pero pinastay muna siya sa station niyo dahil may inaayos pa raw ang Admins.

 

Sayang. Hindi pala siya magtatagal dito.

 

She’s so nice and friendly pa naman sa ‘yo.

 

“Sa’n ang kain natin today, Doc Wendy?”

 

You rolled your eyes. Kahit kelan talaga ‘tong kaibigan mo.

 

Tumawa lang ang bagong Chief Resident niyo. “Are you all free this evening? We can celebrate it through dinner…if okay lang sa inyo.”

 

Pumalakpak kaagad si Jennie. “I like that! Free din si Solar mamaya, same time kami ngayon!”

 

Mamaya talaga?

 

You mentally frowned.

 

Pagod ka pa naman today.

 

“Ikaw, Doc Bae?” Wendy turned to you, eyes full on anticipation.

 

Sagit kang napaisip. You missed a breakfast with Seulgi. Pati sa lunch, for sure, hindi ‘yun sasama sa ‘yo. And then, you’d be away for dinner din?

 

Tapos drained ka pa.

 

Parang ayaw mo…

 

“I’m…I’m not sure, tho. Sorry…”

 

Her face instantly drops.

 

“KJ talaga ‘yan, Wendy. Masanay ka na.”

 

Siniko mo si Jennie.

 

“Ikaw kaya magsurgery ng six hours at walang tulog.”

 

“Ito naman, ‘di mabiro…O siya, okay lang ba na tayong tatlo lang ni Solar?”

 

Nag-aalinlangan pang tumingin si Wendy sa ‘yo. “But Doc Bae—”

 

You chuckled, “Ano ka ba, you can go without me naman.”

 

She looks at you with hopeful eyes.

 

“Seryoso, I won’t mind,” dagdag mo na lang.

 

Dahan-dahan siyang tumango. And you’re not sure but her eyes are showing you upset ones. You slightly felt bad tuloy. “S-Sige po…”

 

Pumalakpak ulit si Jennie. “Yown! Thanks, Wendy! Hindi naman talaga natin kailangan si Joohyun.”

 

Kahiya talaga ‘tong isang ‘to. Tumawa lang ang dalawa kaya napairap ka.

 

 

 

 

 

Hindi rin nagtagal si Wendy at nagpaalam na sa inyo. Bumalik kayo ni Jennie sa couch at niligpit mo na ang pinagkainan mo. Medyo nagtalo pa kayo dahil pinapaubos niya sa ‘yo yung noodles.

 

Bilin daw ni Seulgi sa kanya.

 

Kaya in the end, inubos mo na lang.

 

“Sabi na eh, sabi ko sa’yo si Wendy papalit kay Suho.”

 

Like what you said, you’re not surprised either. You just shrugged and humilata na kaagad sa couch habang si Jennie ay ganoon din sa kabila. Super aga kasi niya at wala pang masyadong tao ang Pedia kaya chill muna kayo ngayon. Si Solar, MIA, hindi pa rin dumarating.

 

Tahimik lang kayong nagbababad sa internet nang bigla siyang napaupo. “Hoy! Hindi pa pala tayo tapos!”

 

Ugh...

 

Naalala tuloy niya.

 

“Hindi talaga siya nanligaw? Or ikaw man lang?”

 

Humarap ka sa side niya at tinukod ang kamay mo. Umiling ka at nginisihan siya. “Baduy lang ang nanliligaw.”

 

Agad namang sumama ang mukha niya.

 

“Baduy?! Hoy FYI, I was on legit cloud nine when Lisa did that!”

 

Hahahaha! Proud pa talaga siya kaya natawa ka.

 

“Oo na. Inenjoy mo naman.”

 

She rolled her eyes at you and eagerly asked, “Wait, so anong ngang nangyari sa inyo? Paano naging official?”

 

“Secret.”

 

“Oh c’mon!”

 

“It’s a secret nga. Basta it’s…”

 

“It’s?”

 

“…complicated.”

 

Gumive-up na siya at padabog na sumandal ulit sa couch. Bakit ba kasi ngayon lang siya naging curious? Hahahaha! Sorry Jens, mahabang storya kasi ‘yun at tinatamad ka talagang mag-explain at this rate.

 

“Pero antagal niyo na pala talaga ‘no?”

 

Ngumiti ka. “You think so?”

 

“Shunga. Sa panahong ‘to, six years and almost seven is already long! Yung iba nga, hindi pa nagoone-year nagbbreak na kaagad!”

 

Most of your friends say the same thing. Ewan mo kay Seul, pero on your part kasi, minsan nakakalimutan mong antagal niyo na palang nagsasama. Para kasing everyday is a new day with her. Bagong araw para may matutunan ka na naman sa kanya. Bagong araw para mas makilala pa siya. Bagong araw para mas mahalin mo pa siya. And maybe... it’s because of the excitement siguro kaya you don’t find your relationship dull and routinary.

 

And for you, that’s a key to a long-lasting relationship.

 

Right?

 

“Siguro nga…”

 

Natawa si Jennie sa nonchalant mong sagot. She then turned to you curiously, her teasing eyes telling you na may naisip na namang kagagahan ang babaeng ‘to.

 

“Have you thought about…marriage?”

 

You’re not taken aback either.

 

“Marriage…” wala sa sarili mong sabi.

 

Nilaro ng mga daliri mo ang kwintas mo, the ones that Seulgi gave you on your first day of living together. You do have this habit of playing with it tuwing malalim ang iniisip mo about her. Gaya ngayon.

 

Marriage...

 

Napangiti ka at the thought of it.

 

At napansin kaaagad ito ng kasama mo.

 

“Huy, huy, huy, anong ngiti ‘yan?!”

 

Tinignan mo siya. Mas lumawak lang ang ngiti mo habang tinitignan ang kinikilig na reaksiyon niya.

 

“Oh my god— Don’t tell me?!”

 

“What?” maang-maangan mo.

 

“You have plans na?!”

 

“Maybe.” The way her eyes bulged to the biggest made you cackle out loud. God, she’s so exaggerated!

 

“Huy teka! Totoo ba ’to?! Joohyun, nakakainis ka!”

 

“Wala naman akong sinabi ah.”

 

“Pero yung ngiti mo, oo!”

 

You can’t even stop giggling at this point.

 

“When is it? Are you gonna-”

 

“Baka sa birthday ko.”

 

Tumili kaagad siya at pinalo-palo ang couch. Kung may dadaan sa station niyo, iisipin siguro nilang may kinkatay na baboy dito sa loob!

 

“Joke,” pambabawi mo na.

 

Agad siyang napatigil.

 

“What the-”

 

Hahahahaha!

 

You finally decided to stop the tease and turned to Jennie seriously.

 

“All I can say is that...this...this whole thing between us is what married couples have. We talked about it kaya what’s the point of rushing?”

 

Tumili ulit siya. “But you’re hinting it!”

 

Psh. Natawa ka na lang. “Mag-isip ka ng gusto mo.”

 

“No rushing pala ah. Eh ba’t parang gusto mo nang bakuran ang tangi mo?”

 

“Excuse me, marriag

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
Omg thanks for the feature?!?! Ang cute ng star! Para at para lang po sa inyo ‘yan! Merry Christmas pala talaga!
No comments yet