Stress-free Week

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Chapter 2

 

 

 

 

 

STRESS-FREE WEEK

[WEEK OF JANUARY 27, 2020]

 

 

 

 

 

 

 

Seulgi

 

 

“Sana all talaga, tangi. I’m very happy for you,” rinig mong sarkastiko niyang sabi habang naglalapag ka ng kay bango-bang mong luto. Prito lang naman kaya keri pa.
 

“Inggit siyaaaaaaa.” Kanina mo pa kasi siya iniinggit sa stress-free week mo. Hindi ka magkaklase, one week pa, tapos with pay. Sinong hindi maiinggit diyan?
 

“Edi wow.” Inirapan ka lang niya bago kayo nagsimulang kumain. Nyahahaha, ang bilis talaga niyang maasar, ba’t ganon? “Anong oras ka aalis?”
 

“9, I think. Tapos uuwi kami 3,” nakangisi mong sabi.
 

“Nice.”
 

You mentally laughed. Hindi ka na rin sumabat pa at baka mamaya mainis na talaga siya nang totoo sa pang-iinggit mo. “Ihahatid-sundo kita ngayon,” pambawi mo na lang kaya agad siyang napatingin sa ‘yo.
 

“Talaga?”
 

Tumango ka. “Yep!”
 

“Baka matagalan pa out ko.”
 

“Edi hihintayin kita.”
 

Kahit ‘di na siya sumagot, alam mong kinikilig na talaga ‘yan. Yieeee! Pero teka, grabe naman siya! Kelan mo ba siya hindi hinintay? Akala mo first time rin inofferan sunduin eh!
 

“Ano gagawin mo sa school ngayon?”
 

You shrugged. “‘Di ko pa alam. May meeting daw mamayang 10.”
 

“Gawin mo ‘yung pending works mo.”
 

“Opo. Or baka i-reredesign namin ‘yung SHS gym.”
 

“Redesign?”
 

“Oo. Napag-usapan ‘yun nung meeting last Friday eh.”
 

“Kayo lahat from your college?”
 

“Kami lang yata ni Lisa.”
 

“Bakit kayo lang?”
 

“Magaling daw kami sa arts.”
 

Tumango siya. “Ah... edi happy ka?”
 

“Syempre, kasi—”
 

“Magkikita na naman kayo ng kabit mo.”
 

Napahinto ka kaagad sa paghahalo ng kape mo. “A-Ano?!”
 

Kabit na naman?!


“Wala.” Itinuloy na niya ang pagkain at hindi ka na ulit binalingan ng tingin. Pinanlisikan mo siya ng mata. Hindi na talaga siya matigil-tigil sa kabit kabit na ‘yan mula nung nalaman niya ang tungkol sa teacher na ‘to. Uso rin mag move-on, ‘no?!
 

“Nako, nako, sinasabi ko sa ‘yo tangi ah, isang banggit mo pa sa kabit kabit na ‘yan, magkakasuntukan na talaga tayo.”
 

Umaction ka pang parang nasa ring talaga dahil ayaw mo talaga kapag ginaganyan ka niya. Paano ba niya kasi nalaman ‘to in the first place? Ewan mo rin! Natawa lang siya sa sinabi mo pero halatang naiinis pa rin dahil naging pilit lang ito.
 

Nagulat ka naman sa reaksyon niya. “Teka, totoo ka? Nagseselos ka talaga sa kanya?”
 

Imbes na sagutin ang tanong mo ay sinubo niya lang ang hotdog sa bibig mo. Muntik ka pang mabulunan dahil gago, jumbo kaya ‘yun!
 

“Hindi. Mas maganda naman ako sa kanya.”
 

At ‘di mo na rin napigilan ang sariling matawa sa sinabi niya. Napa-paypay ka pa sa sarili mo dahil ano raw? Ang hangin, grabe. Kahit kelan talaga. Napaka rin netong jowa mong ‘to.
 

“Tangina, ang hangin...”
 

“Talaga lang. Isang good morning text pa niya sa ‘yo, papakitaan ko na ‘yun.”
 

Namamangha mo siyang tinignan. “Hindi ka nga nagseselos sa lagay mong ‘yan.”
 

“Hindi nga. Ganda ka?”
 

Kita niyo? Napailing ka na lang at natawa. Minsan talaga, may lahing monster din ‘tong mahal mo. Ang in denial monster na mahal na mahal mo.



 

 

 

═══


 

 


 

In a good mood kang lumabas ng sasakyan pagkatapos ihatid si jowabels. Evil na kung evil pero masaya ka talaga na hindi pinapasok ang mga students ngayon, ibig sabihin, kahit papano ay makakapagpahinga ka ng one week.
 

One week ‘yan! One week!
 

Huhu, nakakaiyak!
 

Mag-isa mong binaybay ang malawak na hallways. Nakakapanibago, walang ingay na naririnig at mas lalong walang sumasalubong sa ‘yong mga estudyante para bumati. “Good morning, Ms. Kang,” bati sa ‘yo nung school guard na nagroroving na pala sa building.
 

Ngumiti ka rin at masiglang bumati. “Good morning din ho, manong!”
 

Sobrang gaan ng mga paa mo nang lumiko papunta sa faculty room. Tanging ang mga tagok lang ng heels mo ang naririnig dala ng iyong mala-supermodel na lakad while sporting your shining shimmering sunglasses.
 

Feel na feel mo talaga ang freedom from injustice. Charot!
 

“Ms. Kang,” Muntik ka nang matalisod nang may biglang nagsalita sa likuran mo. Anak ng— Agad mong nilingon ang boses at nagulat nang si Ms. Jung pala ito.
 

Nag-ayos ka kaagad ng postura tsaka pasimpleng tinanggal ang sunglasses mo. Shet! Sana hindi niya napansin ‘yun, dahil sino nga bang nagsusunglasses sa loob ng Uni?!
 

Oo, ikaw lang.
 

“Tirik na tirik ba ang araw?” nang-aasar niyang sabi habang papalapit. Nakakahiya! Napansin nga niya! Nahihiya kang tumawa at pinagmasdan siyang naglakad papunta sa ‘yo
 

Parang may lumalaban sa supermodel walk mo kanina ah.
 

Ganda.
 

Kumurap ka at ibinawi ang tingin sa kanya.
 

“Morning, Ms. Jung. Aga natin ngayon ah...”
 

“Morning din. I was just on the way to see you,” sabi niya. Nagulat ka naman. Ikaw? Hinahanap ka niya? Bakit naman?
 

“Uhh... m-me?” parang shunga mong tanong. Kung may nanonood sa inyo ngayon, mapapagkamalan talagang ikaw ‘yung bagong faculty member at si Krystal ang matagal ng college instructor dito.
 

“Yes, you,” natatawa niyang sagot. “Pinapahanap na kayong dalawa, kayo ni Ms. Manoban.”
 

Bakit naman kayo pinapatawag? Wala naman sigurong— ah, tama. Naalala mo na. Baka ipupush-through nga pala talaga ‘yung redesigning ng gym. Nakaka-excite tuloy.
 

“Ganon ba? Sige, sabihan ko na lang si Lisa. Susunod na lang kami.”
 

“Okay lang, let’s go toge—”
 

“Hi, Ms Jung at Ms. Kang!” Pareho kayong nagulat nang biglang sumulpot ang asungot mong kaibigan. Ang lakas lakas pa ng boses, kala mo rin nasa palengke. Napahawak tuloy sa dibdib niya si Ms. Jung.
 

“Ba’t bigla ka namang sumusulpot?” diin mong tanong habang pasimpleng kinukurot ang likod niya.
 

“Ooow—” Binitawan mo na rin siya at pasimpleng inakbayan. “—akala ko kasi nagheheart-to-heart talk na kayo dito eh.”
 

Dahan-dahan mong nilingon si Lisa. Anong pinagsasabi niya? Konti na lang, may katrabaho ka talagang iiyak ngayon sa sakit. ‘Di mo naman sinasabing siya ‘yon, pero parang ganon na nga. Tinignan mo siya nang masama tsaka binulungan. “Sige pa, Lisa, ikaw ipapaon ko kay Hyun ‘pag nagkataon.”
 

Ibinaling mo kaagad ang tingin kay Ms. Jung at nginitian siya. Nahihiya pa niyang inayos ang kanyang buhok sa likod ng tenga niya, marahil ay nahiya sa sinabi ng kaibigan mo kanina.
 

“Joke lang ‘yun, Ms. Jung,” pambabawi kaagad ni Lisa. Ayan, mabilis lang naman pala kausap. “Bakit ka nga pala napabisita dito?”
 

“Uhm... susunduin ko sana kayo eh.” Tumingin siya ulit sa ‘yo at ngumiti nang pagkalawak-lawak. “Sige, Ms. Kang, Ms. Manoban, kita na lang tayo sa gym.”
 

Tumango ka bago siya umalis at tuluyang nawala sa paningin niyo.
 

“Chong, nakita mo ‘yun?” namamanghang sabi ni Lisa. “‘Di ba niya alam na may jowa ka nang 6 years?”
 

Natawa ka. “Hindi.”
 

“Luh?! ‘Di mo sinabihan?”
 

“Para saan? Hindi naman siya nagtanong.”
 

“Ay potek, kaya pala.”
 

“Bakit?”
 

“Anong bakit? Halatang crush ka nun!”
 

Napailing ka at hinila na siya paloob ng faculty room. “Lakas ng imagination mo.”
 

“HOY TOTOO NGA!”












 

Easy lang naman pala ang gagawin. Magppaint ka lang pala ng background para sa bulletin board. Sawa na raw kasi ang ibang mga faculty members sa blue and white na school colors niyo kaya gusto nilang gawing ma-visual ‘yung entrance area ng Senior High gym.
 

Sa totoo lang, naeexcite ka talaga dito.
 

Sa sobrang invested mo ay mga 30 minutes mo ring vinsiualize ang design na agad mo namang sinimulan.
 

Mag t-twelve na nang napansin mo ang oras. Takte, masyado ka yatang nadala sa pagpipinta. Kayo na lang palang tatlo nina Lisa at Ms. Jung ang andito. Mukhang nagsikainan na ang mga ibang Senior High teachers.
 

Si Lisa, ayun, focus na focus pa rin sa ginagawa niya at si Ms. Jung naman, nakatingin na pala sa direksyon mo. Nagulat ka tuloy. Teka, kanina pa ba siya nakatingin? At mas lalo kang nagtaka nang naglakad siya palapit.
 

“Wow...” manghang sabi niya sa pyesa mong malayo pa sa totoo. “I didn’t know na magaling ka pala sa arts.”
 

Natawa ka. “Nukaba Ms. Jung, pang beginners lang naman ‘yan.”
 

“Beginners? Eh ang ganda ganda nga niyan oh.”
 

Grabe naman siya. Nahiya ka tuloy sa compliment niya. “Pinapagaan mo lang loob ko eh.”
 

Mahina niyang hinampas sa balikat mo at natawa. “Baliw. Totoo kasi. Tsaka...” alinlangan niyang sabi kaya nakapagtataka.
 

“Tsaka ano?”
 

“I find artsies extra attractive though...” she whispered to herself, mga matang nasa gawa mo pa rin. Munti ka nang mabilaukan sa nonexistent tubig sa bibig mo.
 

Double meaning ba ‘yun?
 

Teka, Seulgi Kang, napaka-asumera mo!
 

“Talaga?” ‘Yun na lang ang nasabi mo. Tumango lang siya tsaka inabot sa ‘yo ang isang, speaking of, bote ng mineral water.
 

“Ano ‘to?”
 

Naguluhan siya. “...Tubig?”
 

“Naks! Kaya gusto ko sa Senior High eh, laging may palibreng—” Nabaling ang tingin mo kay Lisa na nang-aasar na umaagik-ik. Anong tinatawa-tawa niya diyan? At nang marealize mong ikaw lang pala ang binigyan niya, namumula mo nang tinignan ulit ang kaharap.
 

“Galing sakin ‘yan.”
 

Si Lisa konti na lang mauutot na sa kakapigil ng tawa niya at ikaw naman, napaubo na lang sabay tumayo na rin. “A-Ah... haha, salamat dito, Ms. Jung.”
 

“Sana all may tubig.” Lumapit na rin pala si Lisa sa kinaroroonan niyo. “Ikaw Ms. Jung ah, bet mo si Ms. Kang noh?”
 

“Hoy, Lisa. Pinagsasabi mo diyan?” Napalingon ka sa paligid. Kala mo wala sa University eh!
 

“Joke lang. Tara na nga. ‘Di ba kayo nagugutom?”
 

“Open ba ang caf?”
 

“Wala raw eh.”
 

“Labas na lang tayo. Sama ka, Ms. Jung?” Mabilis kang tumingin kay Lisa pero nginisihan ka lang niya. Ano bang binabalak ng baklang ‘to? Si Krystal naman, nahihiyang bumaling sa ‘yo.
 

“Kung okay lang...”
 

“Ay nako, okay na okay. Sawa na rin ako sa mukha ni Ms. Kang eh.”
 

Hindi ka na niya pinagsalita at hinatak na kayong dalawa ni Ms. Jung palabas.
 

Remind yourself na batukan ‘tong kaibigan mo mamaya.



 

 

 

═══
 

 


 

You settled ourselves sa malapit na kainan sa tapat ng uni. Patok ‘to sa mga studyante niyo pero ngayon, halos walang customers. Nakakapanibago talaga.
 

“Ms. Jung, ba’t mo pala naisipang magtransfer dito sa Wesley?” usyosong tanong ni Lisa sa katabi mo.


Oo nga, ‘noh? Now that you think about it, hindi niyo pa pala masyadong nakikilala itong si Krystal. Magka-department naman sila ni Kai pero hindi pa siya nababanggit ng kaibigan. ‘Di yata sila close? Ewan. Bihira lang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
Omg thanks for the feature?!?! Ang cute ng star! Para at para lang po sa inyo ‘yan! Merry Christmas pala talaga!
No comments yet