Crossing Borders

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

No tears this time, I promise. Just light thoughts dahil our cake girls are back :)


 

TRACK 10: Never Me - I Belong to the Zoo |

 


 

“Tangi?”

 

You snapped out of your thoughts and blinked. You didn’t even know you were staring. She shortly giggled at your dumbfounded reaction, and how could you not?

 

“Talaga? Marami pa?” hindi mo mapigilang tanong.

 

Tinatanong kasi ni Yeri kung may mga gusto ba kayong sabihin sa isa’t-isa na hindi niyo masabi. She suprisingly answered yes, mga 10% daw. Huh? You grew curious what is it about.

 

“Next question na!” pag-iiba at pagpupukaw ni Yeri ng atensyon niyo. “Cut na lang natin ‘yun, nasagutan na rin nina daddy ‘to eh.”

 

Ngumiti si Hyun sa ‘yo at tsaka hinawakan ang kamay mo para bumaling ulit sa direksyon ni Yeri. You wanted to know more, nevertheless, you decided not to push it further.

 

Ano nga ba kasing ginagawa niyo? Dumating lang naman ang asungot na pinsan ng jowa mo dahilan para ang plano niyo sanang chill at cuddly Saturday morning ay maudlot. May project daw siya, at kayong dalawa ang naisipan niyang pagdisketahan.

 

Kaya kayo andito ngayon, nakaharap sa DSLR niya at sinasagot ang mga tanong niya na ewan mo kung anong connect sa Personal Development.

 

“Last na ba ‘yan?” naiinip mong sabi.

 

“Ate Joohyun, kanina pa ‘yan reklamo nang reklamo oh!”

 

“Bilisan mo na kasi.”

 

“Tell us something unique about your relationship.”

 

Unique? Napaisip ka sa tanong, pati si Hyun na napatitig din sa ‘yo habang malalim ang iniisip. Ano nga ba? What made you extraordinarily love her?

 

Parang ang dami kasing sagot sa tanong na ‘to.

 

But just when you needed it, a past conversation lit up from your memory. And you swore, you swore it’s the perfect answer to this question.

 

Magtataas ka na sana ng kamay nang nagsalita si Hyun. “I’ll go first.”

 

Napataas ang kilay mo. “Aba, sige nga.”

 

“We don’t fight.” She gives you a side-eye and a lopsided smile, one that made you chuckle kaagad lalo pa sa sinagot niya, “We have this sort of unspoken ‘rule’ not to let the sun go down on our fights.”

 

“Not to let the sun— ano raw?” aniya ni Yeri na naguluhan.

 

“Ibig sabihin, hindi na namin pinapabukas ang mga away namin. We don’t sleep with an unsettled issue. I mean... not for all but, yeah, mostly ganito kami.”

 

Tumango ka at dumagdag, “Isa pa, resulta lang naman ‘tong mga away na ‘to sa mga bagay na nangyari na. Why dwell on things you can’t change, diba, Hyun? Sapat nang we called the problem out and addressed it.”

 

“Totoo! Teka, ang ganda non!” madramang reaksyon ni Yeri, “Siguro kung ganyan din mindset ng lahat ng mga magjowa, edi sana umabot na rin sila ng five years!”

 

You chuckled. Napatingin ka sa camera at tinuro ito, “Kaya kids... alam niyo na.”

 

Sabay silang natawa at mahina pang pinalo ni Joohyun ang braso mo. “Baliw. O, ikaw? Ano sagot mo?”

 

“Ako…?” Hindi mo mapigilang mapangiti, “Actually, connected lang siya sa sagot mo.”

 

Now she’s even more interested dahil nasa‘yo na ang buong atensyon niya. Her intent gaze made you look away and face Yeri instead.

 

“One time tinanong sa ‘kin ni Hyun, what’s the best way to deal with a fight we most likely won’t settle within the day?” pagsisimula mo. “I remember telling her something that I still make use of ngayon…with her.”

 

You could feel her curious stare beside you, probably enticed sa sinabi mong hindi niya maalala.

 

“If things don’t go our way, I want her to first settle her emotions all by herself. What good does communication do kung pareho kaming naguguluhan, nagagalit, walang maintindihan? I’d rather suffer from her short silence than hear words she doesn’t mean. I’d stay by her side and wait for my thoughts to reach her like how I need her to.”

 

Ngumiti ka sa camera pagkatapos ang mahabang sinabi mo, at pabalik sa kanya.

 

“We’ll figure it out one at a time. I don’t care how long. Wag mo lang akong iiwan.”

 

The air turned dead silent, Joohyun was left staring at you, her fingers slowly interlocking yours with a soft tug, her eyes are dreamy and deep like she wanted to be reckless, probably to knock you down and kiss you hard…or something.













 

 

 

 

 

 

 

 

Chapter 30

 

 

 

CROSSING BORDERS

[ISOLATION Part II]

 

 

 

 

 

 

 

 

Seulgi

 

 

Sabi nila, kahit hindi mo na balikan ang nakaraan, babalik at babalik nang kusa ‘yan hangga’t ‘di mo binibitawan.

 

How you wish you knew this by then.

 

Hindi kaya mangyayari ‘to kung sinabi mo kaagad?

 

But it happened. Nangyari na, at wala ka nang magagawa.

 

That would probably sum up all the things in your mind nitong mga nagdaang araw.





 

Barely a month has passed since you left home. You’ve never gone past a single day without thinking of her.

 

Kumusta na kaya siya? Kumakain ba siya nang maayos?

 

Napatitig ka sa sumisilip na bubong sa ‘di kalayuan. Kahit papano ay napangiti ka pa rin. Atleast alam mong nakakapagpahinga siya nang maayos ngayon, nakakatulog nang mahimbing, ligtas siya at panatag ang loob mo.

 

Sapat na muna ito.

 

Ngumiti ka ulit at bumuntong-hininga.

 

Grabe, mag-iisang buwan mo na pala siyang hindi nakakausap. Huli mong narinig ang boses niya noong bigla siyang tumawag isang hating-gabi. Naalala mo pa rin ang mga hikbi niya, ang paulit-ulit na paghingi niya ng tawad.

 

Parang hindi na ito mawala-wala sa isip mo.

 

Hindi ka sanay na ganoon siya.

 

Then there’s that slight pang in your chest again. Paano mo nakayanan ang ganino katagal? Paano niyo nakayanan?

 

Ang daming nangyari nitong mga nagdaang linggo.

 

Nagka-pneumonia pala si Tita nang hindi niya alam. Asymptomatic ang pagkakaalam ng lahat. Buti na lang at okay na ang mommy niya ngayon, nabalitaan mo sa pinsan niya na nakalabas na siya two days ago, all recovered.

 

Labis ang pag-aalala mo kay Hyun dahil do’n.

 

Nabalitaan mo ring nasa kritikal na lagay ang hinahangaang doktor niya that time. Dahil pa rin sa COVID. The doctor didn’t make it, unfortunately. Naalala mo kung gaano kataas ang tingin niya sa doktor na iyon base sa mga kwento niya. Now imagining how Joohyun must’ve felt after hearing the news... nakakalungkot din isipin.

 

Mas lalong naging mahirap na lapitan siya.

 

Sinabihan ka na muna ni Jennie na hayaan muna siyang mag-isa. As long as you don’t do anything stupid, Joohyun will know you’re still by her side. ‘Yan ang sinabi ng kaibigan niya sa ‘yo.

 

Ang bigat na ng dinadala niya kaya naiintindihan mo. Iintindihin mo.

 

Kaya hanggang ngayon, sa sobrang haba na ng panahon, hindi mo na alam paano’t kailan siya pwedeng lapitan muli ng mga salita mo.







 

Natutunan mong mahalin si Joohyun kahit sa mga panahong hindi kayo nagkakaintindihan. Minsan... nawawala siya sa radar mo buong araw, at uuwi ka na lang sa mga yakap niya o sa simpleng usapan na sa hapunan niya dinadaan.

 

It always ends on a good note.

 

Always.

 

You speak, she listens. You learn, she learns.

 

Siya pa rin ang nagtataas at nagbababa ng mga pader na gusto niya, na para sa inyong dalawa.

 

She’s always been the most rational between you. You are, too, but the way she does it always amazes you. It was never unfair. It’s her way of loving, of keeping you on your toes, and honestly, isa siguro ‘to sa mga rason kung bakit kayo nagtagal nang ganito.

 

Totoo nga siguro ang sinabi nilang, the woman with the highest walls has the deepest and heartfelt love.

 

It’s the kind of love only a few understands.











 

A sound from your phone snapped you out from your trance not so long after. Oo nga pala, andito ka pala sa balcony matapos niyong mag-usap ng nanay mo sa telepono kanina.

 

Agad mo itong binasa dahil may inaabangan ka nga.

 

Nagtext si mama. Makakalusot ka na bukas, ito ang laman ng balita niya.

 

Nanlaki ang mata mo at mas nilapit pa ito para klaruhin. Teka, seryoso ba ‘to?

 

Tinawagan mo rin kaagad sila para kumpirmahin. Gago, ilang araw mo na ‘tong hinintay. At salamat sa Diyos dahil totoo pala talaga, inayos na ng papa mo ang lahat, nagawan nila ng paraan.

 

Ang lawak-lawak ng ngiti mong binaba ang telepono. Susunduin ka nila bukas ng hapon sa border para makauwi ka na sa Laguna. Sa wakas, makakauwi ka na, maybe the only good thing that happened. There was some sort of relief in you, hindi mo alam kung bakit basta masaya ka.

 

“I’m guessing...makakauwi ka na?” Agad kang lumingon at bumungad sa ‘yo si Krystal na nakangiting lumapit.

 

“Oo,” excited mong sabi. “Kakakausap ko lang kay mama.”

 

“Really?” Her genuine smile brought warmth all over your chest. “Mabuti naman kung ganon.”

 

“Thank you talaga. This-”

 

“Ang aga naman ng drama mo,” pinutol ka niya at natatawang binunggo ka. “Oo na, wag mo nang banggitin. Aba ‘e, kung ganon, ano pabang hinihintay natin?”

 

Itinaas niya ang karton ng beer na kanina pa pala niya dinadala. Natawa ka, napailing na tinabihan siya sa lumang sofa niya.

 

“Edi double celebration pala ‘to! Kelan daw alis mo?” masayang tanong niya habang binubuksan kaagad ang isa.

 

“Bukas na.”

 

Pero napahinto ang kamay niya, bumagal ang galaw at pinanood mo lahat ito. Hindi ito nakaligtas sa ‘yo kahit ngumiti pa siya nang pilit. “Bukas na pala. A-Akala ko matatagalan pa.”

 

Binigay niya ito sa ‘yo kaya tinanggap mo. Nagbukas rin siya nang kanya at sumandal para tignan ang kumikislap na bituin sa langit. Hindi na kasing sigla ang mukha niya gaya kanina.

 

“Ilalabas na rin si Chaeyoung sa ospital bukas,” tinignan ka muna niya at nginitian. “I figured you should know.”

 

You barely had enough words to react.

 

Hindi na rin siya nagsalita pa.

 

You smiled in relief still. That’s good. That means she’s recovering well. That really made you glad.

 

Ilang minuto din kayong nakatingala sa kawalan. Tanging ang tunog lang ng beer ang maririnig at ang gabing unti-unting lumalalim. Hanggang sa nakadalawa ka na, nanatili pa ring tahimik ang hangin sa pagitan ninyo. It was a comfortable silence anyway, you didn’t have the heart to break it.

 

You peered down nang narinig mong nagbubukas na naman siya, her third if you’re not mistaken. Ang bilis naman ata niya, kakabukas mo nga lang ng sa ‘yo.

 

She breaks the silence this time. “Hindi naman kita pinapaalis, diba?”

 

“Huh?”

 

“You know I’m not complaining about you, staying here, right?”

 

“Krystal...” You frowned. Hindi mo alam kung saan galing ‘yan, pero mukhang alam mo na ang pinaparating niya.

 

She chuckled dryly. “I know, I know. Sinisigurado ko lang.”

 

“Sabi ko naman sa ‘yo... I have no plans of staying longer.”

 

“I won’t actually mind, Seul.” Humarap siya sa ‘yo nang seryoso. “You can stay here for all you want.”

 

“Sorry... Letting me stay was more than enough. Ayoko nang maabala kapa. “

 

Napailing siya at uminom. “Tanga.”

 

Natawa ka na rin tuloy at napainom gaya niya.

 

For the past weeks you’ve been a stranger to her home, wala kang ibang hiniling kundi ang makauwi sa Laguna. ‘Yun naman ang plano, diba? It’s not about her, really. Napakabuting tao niya, not once did she make you feel like a bother to her.

 

But that’s exactly the point.

 

She’s too kind kaya ayaw mong i-take advantage.

 

“So...” pagpupukaw niya ng atensyon mo. “San ba ‘ko magsisimula?”

 

Mabilis ang paglingon mo sa kanya. “Huh?”

 

“What do you want to know?”

 

“About?”

 

“About everything.”

 

Hindi mo mailarawan ang naramdaman mo sa sinabi niya. You feel like you haven’t appreciated Krystal this much before. Ito na ba ‘yun? Mukhang may balak na siyang sagutin ang mga tanong mong iniiwasan niya.

 

Pero handa ka na ba talaga?

 

Throughout your stay, lagi ka niyang pinuputol kapag may gusto kang itanong. Iniiwasan niya lagi ang mga nangyari, insisting it’s not the right time for you to know.

 

The sudden emotions made you grab another can and lean back. Kailangan, kailangan mo nang maliwanagan kaya wala ng ibang panahon pa.

 

“Nung deployment ni Joohyun... hindi ba’t nakausap mo si Wendy?” pagsisimula niya.

 

Tumango ka. “Oo. Nagkausap nga kami.”

 

“Anong sinabi niya?”

 

Muntik ka nang mapasinghal. “Malabo. Wala din akong naintindihan.”

 

She didn’t say anything, just took a sip from hers instead.

 

“Magpinsan ba talaga kayo?” Ikaw na ang nagtanong.

 

“Remember the cousin I told you about nung nasa Baguio tayo?” Pilit mong inalala. “That would be her.”

 

‘Yung tanging pinsan niyang tumanggap sa kanya?

 

“Siguro iniisip mo na ngayon ‘no wonder’, ‘no wonder nagpagamit ka’... Hindi ko rin alam, Seul. Hindi ko alam na ganito pala magiging kalala ang gagawin niya.”

 

“Siya ba ang dahilan kaya ka andito?”

 

Hindi ka na nagulat nang tumango siya. “She told me she’s coming back here, asking if I wanted to come. I was gonna be lonely without her anyway, kaya pumayag ako.”

 

“Anong rason niya?”

 

“Hahanapin niya ang taong mahal niya.”

 

Mahal. Napangiwi ka.

 

She chuckled wryly kaya napunta ang tingin mo sa kanya. “Parang teleserye lang, diba? Kaya I told her I’ll support her no matter what. Pero tangina, Seulgi,” Napailing siya. “Wala man lang heads-up na naghahabol pala siya nang may jowa.”

 

“...Hindi mo alam?”

 

“I wouldn’t be here talking to you if I did.”

 

Hindi ka sigurado kung alin ang totoo, kung anong paniniwalaan, but at this point, wala ka nang pakialam.

 

“Siya ang nagpapasok sa ‘kin sa Wesley. She introduced you to me, saying you’re one of her treasured friends from elementary, huwag ko nga lang daw sabihin sa ‘yo. Obviously, gusto niya lang tayong ipaglapit.”

 

“Anong... ibig mong sabihin?”

 

“She planned it all along, Seul,” ramdam mo ang dismaya sa boses niya. “I’m sure you get it. She wanted me to be curious of you... and it worked. It ing worked.”

 

“Alam mo bang-”

 

“No,” putol niya at umiling. “Pangalan lang niya ang alam ko. I didn’t know you were Joohyun’s girlfriend too. Never niyang binanggit. Nalaman ko lang nung sinabi mo sa ‘kin sa Mines View. And how I wish alam ko ring iisa lang si Joohyun at Irene.”

 

Mas dumami ang mga tanong na namuo sa isip mo. At mukhang napapansin niya ito.

 

“Hindi ka ba nagtataka kung bakit of all people, tayo ang pinapunta sa convention? That time when I covered her up nung binigyan ka niya ng regalo, pati ang pagpunta sana natin sa concert ng Green Day para makasama niya si Joohyun... it was all her plan to stir things up. Napapalapit siya kay Joohyun with those chances.”

 

Damn. Wala kang masabi. It slowly made sense.

 

Ang effort niya, grabe.

 

Paanong hindi niyo napansin?

 

“S-So...” Napaayos ka ng lalamunan nang bumasag ito. “Bakit mo nagawa sa kanya?”

 

Nagkasalubong ang kilay niya. “What do you mean?”

 

“Covering her up... letting me stay here... telling me all of these.”

 

Saglit pa siyang napatitig sa ‘yo, napaiwas, at hindi ka na binalingan ulit ng tingin. “Hindi paba obvious? Hindi ko gusto ang mga paraan niya.”

 

Nanatili ka lang nakatingin sa kanya.

 

“When it finally made sense to me, I just know I need to get the out of it.”

 

Napakagat ka sa labi. She looked like she was ready to fight anyone for you.

 

“Nung muntik kapa niyang sagasaan...” she hissed even more, “God, ewan ko na lang. You wouldn’t want to know what I did.”

 

“Y-You knew...”

 

Kaya pala ganon ang naging reaksyon niya.

 

“I couldn’t stand seeing her anymore kaya umalis na’ko ng bahay niya.”

 

That explains why…she’s here.

 

Wala kang masabi.

 

“And just so to correct you...” Tumatagos ang mga tingin niyang malamlam sa ‘yo. “Me, letting you stay here, has nothing to do with her. I let you dahil nag-aalala ako sa ‘yo, dahil gusto ko.”



Binalot ulit kayo ng katahimikan. Napaiwas ka at napainom na lang. Gusto mong mag thank you pero ayaw itong lumabas sa bibig mo. Walang lumalabas sa bibig mo habang pinoproseso ang mga nalaman.

 

“How much did Joohyun tell you?”

 

“Di ko masabi,” pag-aamin mo, “Magkapatid sila ni Chae, she’s the one sending her notes and letters back then, ‘yun lang alam ko.”

 

“Nagpapadala pa rin si Wendy kahit ‘nong kayo na. Hindi ba niya binanggit?”

 

“Pero alam ko. Napansin ko lahat... matagal na.”

 

“You knew it was Wendy?”

 

Umiling ka. “Only the letters.”

 

She’s clearly taken aback sa sinabi mo. “But you never told her?” You just shrugged. “What the hell, Seulgi.”

 

“I was waiting for her to tell.”

 

“Of course, she must’ve been scared!” Napairap siya sa ‘yo at napainom. “Alam mo pala...”

 

Naalala mo ang pinaka-gusto mong malaman. It’s about Chaeyoung, ang sinabi niya sa ‘yo noong gabing ‘yon. Tinignan mo si Krystal, sabi niya sasabihin niya lahat, hindi ba?

 

“Si Wendy... bakit siya nawala nang ganon katagal?”

 

May alam ka, pero para itong mga puzzle pieces na hindi mo alam kung pa’no buuin. You never really knew Wendy and her story. Contrary to what she told Krystal, wala naman talaga kayong pinagsamahan, not even in contact after elementary.

 

It felt like the air thickened even more pagkatapos mong itanong. There was something in the way Krystal looked at you, may mintis ng galit pa rin kay Wendy, may awa, may alinlangan, na parang hindi niya kayang sagutin ito.

 

“She had cancer.”

 

But she still did, for you.

 

She was expecting you to be surprised or take pity, perhaps. “I know.”

 

Kaya siya ang nabigla. “Alam mo din?”

 

“Chaeyoung told me... nung araw na natagpuan namin siya sa condo.”

 

Mas lalong siyang nagulat sa mga sinasabi mo. “Nagkausap kayo nung araw na ’yon?”

 

“Alam ko ang tungkol dun sa mga sulat. Sinabi niya na babalik ang ate niya para kay Hyun. Nagsisisi siya sa ginawa nila kaya siya umiiyak.”

 

Hindi niya inakalang may alam ka na pala.

 

“You should’ve…” Napailing ulit siya, halatang hindi pabor sa ginawa mo. “‘Yun na ‘yun, ‘e! Dapat sinabi mo na kay Joohyun! Alam niya ang gagawin kasi siya ang mas may alam.”

 

“Chaeyoung begged me not to.”

 

At sa totoo lang, wala kang maintindihan.

 

Akala mo sapat na ang mga nalaman mo. You’d like to pretend that this isn’t what keeps you awake at night, na hindi ito ang pinagsisisihan mo, na tama lang na natakot ka at hinayaang lumipas ang panahon.

 

“She was just a kid, Seulgi. Galit na galit si Wendy sa kanya, sa kanilang lahat. At hindi matanggap ng bata. Kaya nga siya—” Napakagat siya ng labi at saglit na napapikit.

 

“Anong meron dun sa mga sulat? Hindi ko maintindihan.”

 

Kitang-kita ang alinlangan sa mga tingin niya, na parang gusto niyang hindi manggaling sa kanya ang sagot dito. “It’s not my-”

 

“Gusto kong malaman,” you pleaded. “Please, Krystal...”

 

Napatitig muna siya bago napaiwas ng tingin. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya.

 

“First year college ako nung pumunta kami sa Canada at do’n, nakilala siya. I found out she had cancer... but she was already recovering when I met her. Kaya wala akong masyadong alam sa buong nangyari.”

 

Hindi ka pa rin nagsalita at hinayaan siyang magpatuloy.

 

“Ang alam ko lang, her family made her believe Joohyun was the one behind those letters.”

 

“What are those…letters for?”

 

“Doon kumuha ng lakas si Wendy. I was told her family almost gave up on her, pati siya mismo. But she had Irene- or Joohyun- and she’s the ray of hope and the last resort her family had.”

 

Napakunot ang noo mo. “...How?”

 

“Sinabi ata ni Chae sa kanila... ang little crush ng ate niya. Siya lang naman ang nakakaalam.” May konting ngiting lumitaw sa mga labi ni Krystal. Binalingan ka niya ng tingin. “Gustong-gusto niyang lumaban ang ate niya.”

 

…Kaya ganon ang ginawa nila?

 

“Kaya gumawa sila ng mga sulat, na galing daw kay Joohyun. They let Wendy write back too, but it was never supposed to reach her.” Napailing siya. “Tuwang-tuwa pa rin si Wendy, Seul. Mas lalo siyang sumigla after nun. Wala siyang kaalam-alam.”

 

“Pano niya nalaman na hindi galing kay Joohyun?”

 

“2016. I was already there. Nakita niya sa opisina ni Tita ang mga sulat na galing na mismo kay Joohyun. Nabasa niya lahat.”

 

Ano? “Nagsulat si Hyun? P-Pano?”

 

“Siguro that time, nagsusulat si Wendy na hindi alam nina Tita. Kaya nakarating na kay Joohyun.”

 

Hindi mo ‘to alam. Joohyun did this? Bakit hindi ka niya sinabihan man lang? Hindi mo ba talaga dapat malaman?

 

“I don’t know how Joohyun did it. Siguro gusto niya talagang huminto na si Wendy.”

 

Uminom ka, tinanggal ito sa isip. Ni hindi mo nga alam na mas napapadalas na ang paglaklak mo.

 

“Anong nangyari pagkatapos?”

 

“I-I can’t- I can’t describe it. It was a disaster. Nagwala siya... she never let anyone in her room unless it’s me.... hindi na niya kinausap silang lahat... galit na galit siya.”

 

Tumaas ang balahibo mo. “Hanggang ngayon ba?”

 

“Hanggang ngayon.”

 

“Bakit hindi siya umuwi?”

 

“Her mom never let her.”

 

“…Pero bakit?”

 

“Dahil alam niyang Joohyun already has someone.” Tinignan ka niya. “You.”

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
Omg thanks for the feature?!?! Ang cute ng star! Para at para lang po sa inyo ‘yan! Merry Christmas pala talaga!
No comments yet