A Hero's Gamble

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

 

As always, stay safe lagi!

 

Try niyo rin pala pakinggan ang suggested song habang nagbabasa, nako sapul, maiintindihan niyo si Solgi dahil pangakong iibigin niya si Joohyun di lang sa masaya, sa hirap at ginhawa di siya mawawala-

ay nakng nakanta ko na.

Enjoy!(?)

#QT27

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TRACK 07: Pangako - Nef Medina |

 

 

 

 

Alam kong gulong-gulo ang isip mo
Takot sa mga bagay na dumarating sa’yo
Sa sandaling ito ay bubunutin ko
Ang mga tinik ng nakaraan mo

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Chapter 27

 

 

 

 

 

Pauwi kana galing overtime nang makatanggap ka ng text galing kay Joohyun. Natatawa mo pa itong nirereplyan dahil she's craving for some sweets lang pala. Pero hindi naman 'daw' siya nagpapabili, sinasabi niya lang.

 

Asus.

 

Daming learn.

 

Kaya hindi kana rin nag-alinlangang daanan ang favorite niyang cakeshop sa may USTe. Pagkapasok mo palang, parang naglalaway kana kaagad sa amoy ng first love niyang cheescake.

 

Sa di inaasahan, may nahagip ang mata mo habang naglalakad paloob. Tinignan mo itong mabuti. Kumunot pa ang noo mo nang makita ang pamilyar na pigura kaya nilapitan mo na ito.

 

"Chaeyoung?" Agad napalingon sa'yo ang bata.

 

At tama ka nga.

 

"Ate Seulgi." Nagulat siya kaya natawa ka.

 

"Mag-isa ka lang?" Napatingin ka sa labas. "Gabi na ah."

 

Napakamot siya sa batok. "A-Ah opo... May school activity kasi."

 

"Ah..." ngiti mo. "Oh anong gusto mo?" turo mo sa mga sweets na nasa harap. "Bilhan na kita."

 

"Nako ate wag na-"

 

"Sige na." hawak mo sa balikat niya at pinaharap sa mga pagkain, "Birthday gift ko sa'yo."

 

"Tapos napo birthday ko ah."

 

Natawa ka. "Edi advance birthday gift."

 

 

 

 

Sa huli, napilit mo nga si Chaeyoung na sumama muna sa'yo. Pareho kayong nakaupo ngayon sa labas ng shop, ubos na ang cake, at tahimik niyo nalang pinagmamasdan ang nagsisidaanang mga sasakyan sa ilalim ng ulan.

 

Tinignan mo ang bata. Bilib karin sa batang 'to eh. Ang aga-aga humiwalay sa magulang. Ang aga natuto. Eh ikaw nga nung lumipat na kayo dito sa Maynila nung high school, takot na takot ka paring maglakwatsa mag-isa.

 

Kung di mo lang nakilala sina Lisa, nako, di mo nalang alam. Natawa ka tuloy sa naalala.

 

Pero etong batang 'to, iba eh. Di mo pa narinig magreklamo. Matapang. At kahit sobrang tahimik at misteryoso, sobrang bait naman.

 

Pangalan lang kasi ang alam niyo mula sakanya. Minsan tuloy di mapigilang mag-isip kung anong klaseng Chaeyoung ba ang nasa likod ng tapang na'yan.

 

"Kumusta college life?" Napalingon siya sa'yo. "Bagay talaga sa'yo uniform ng USTe ah." turo mo sa suot niya.

 

Natawa naman siya. "Bolera ka talaga, ate Seul."

 

"Wala ka namang problema don?" Umiling siya. "Nako pag may umaway sa'yo, sumbong mo kaagad kay ate Joohyun mo," Natawa na naman siya. "Campus sweetheart 'yun ng USTe noon, nagpapatumba 'yun!"

 

Nangingiting napailing nalang siya sa'yo. "Opo opo..."

 

Napangiti karin kahit papano habang nanatiling nakatitig sakanya.

 

Binalot rin kayo ulit ng mahabang katahimikan.

 

Napatingin ka nalang ulit sa harap. Nagsisimula nang lumalim ang gabi, baka mas lumala pa nga ang ulan.

 

At tsaka may pasok pa bukas.

 

Aayain mo na sana siyang ihatid pauwi nang bigla siyang nagsalita.

 

"Kayo po?" Napatingin ka sakanya. Nakababa ang kanyang ulo at pinaglalaruan ang daliri. "K-Kumusta kayo ni ate Joohyun?"

 

Napakiling ang ulo mo. And you giggled. "Ayos naman kami."

 

Napangiti rin siya at tumango. "Figured out..." Pero kapansin-pansin ang pagsinghap niya at parang may binubulong sa sarili

 

"Mhm?," Tumingala siya sa'yo ngunit agad rin namang umiwas.

 

"A-Ate Seul..."

 

Napansin mo kaagad ang pag-iiba ng ekspresyon niya.

 

"Anong... gagawin mo kapag nalaman mong... m-may gustong u-umagaw kay ate Joohyun?"

 

And you're slightly taken aback.

 

Naguguluhan mo siyang tinignan lalo pa't hindi ito makatingin ng diretso sa'yo.

 

"May gustong umagaw?" Hindi siya sumagot kaya napaisip ka naman. Anong gagawin mo kapag may umagaw kay Joohyun? "Hmm... wala naman akong gagawin..."

 

Sa wakas ay napatingin na siya sa'yo.

 

Ngumiti ka. "Di naman magpapa-agaw 'yun."

 

Ilang sandali pa siyang napatitig sa'yo, na parang nawili sa sagot mo, hanggang sa napaiwas muli ito at bumuntong-hininga.

 

"Bakit Chae?", sinubukan mong usisahan.

 

Hindi ka naman bulag para hindi malamang may gusto siyang sabihin sa'yo ngayon.

 

Ano kaya?

 

At bakit naman niya natanong?

 

May bigla kang nararamdamang kakaiba.

 

"A-Ate-" At nanlaki ang mga mata mo sa biglaang pagtulo ng mga luha niya, "M-Matagal ko nang g-gustong sabihin sa'yo-"

 

"Chae..."

 

"I-I just feel so bad... s-sa nangyari... sa n-nagawa namin kay a-ate..." Napahawak siya sa dibdib. "S-Sobrang-sobra na d-dito..."

 

Hindi mo masundan ang biglaang silakbo ng damdamin niya..

 

Kinakahaban mong inabot ang kamay niya. "Shh..." pagtahan mo habang hinahaplos ito. "You can tell me anything."

 

"A-Ate..." She broke into your eyes, "I j-just wanted m-my sister t-to try to live again... 'Yun lang naman ang g-ginusto ko..."

 

Her sister?

 

Napahawak siya sa kamay mo nang mas mahigpit.

 

"I-I'm so s-sorry, a-ate Seulgi..."

 

Bakit?

 

Bakit sa'yo?

 

"S-Si ate J-Joohyun..."

 

Napahinto ka.

 

"...at ang a-ate ko—"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

A HERO'S GAMBLE

[PRE-ISOLATION Part II]

 

 

 

 

 

 

 

 

 

April 6

 

 

 

Time of death, 7:15am

 

 

Nanatili kayong lahat na nakayuko matapos mong bitawan ang mga salitang iyon. Mahigpit na nakapikit ang iyong mga mata, pinapakinggan ang mahihinang hikbi na laging pamilyar sa'yo.

 

Kahit ilang beses mo nang marinig, hindi mo parin maiwasang madala.

 

"Doc Bae," Tumingala ka sa pagtawag. Ang ngiting pawang masaya at mapanglaw. "S-Salamat..."

 

Mapilit kang ngumiti pabalik.

 

Naiintindihan mo.

 

Alam mo ang nararamdaman niya.

 

Alam mo.

 

Alam mo kung gaano kasakit mawalan.

 

 

 

 

 

 

 

Joohyun

 

 

Nagising ka sa sunod-sunod na pagkatok sa pinto mo. Napatingin ka sa orasan. Alas nuwebe pa.

 

Dahan-dahan kang napaayos ng upo, napadaing pa sa sakit ng iyong likod mula sa postura. You let out a low groan, bringing a hand up para guluhin ang buhok bago tumayo upang pagbuksan ito.

 

Umugong ka nang makita kung sino ito.

 

"Natulog ka?" Hindi ka sumagot at dumiretso nalang sa banyo. Ginising mo ang sarili sa pagsaboy ng malamig na tubig sa'yong mukha. Napatitig kapa saglit sa sarili mula sa salamin.

 

"Hyun," Nabalik ka sa katinuan nang marinig si Jennie mula sa labas. "Nabalitaan ko kanina."

 

Bumuntong-hininga ka, lumabas, habang nagpupunas ng mukha. Naabutan mo si Jennie na sinusundan ka lamang ng tingin.

 

"Family's decision?" Tumango ka at dumiretso sa lamesa. "Napamahal kana sa pasyenteng 'yun ah... Sorry to hear that..."

 

You looked at her and uttered a small smile.

 

Ramdam mo parin ang pagtitig niya sa'yo habang nag-aayos ka ng gamit. Alam mo ang mga titig na'yan. Sana lang wag siyang magkamaling kausapin ka tungkol sa kung anuman.

 

Nagsimula ang araw mo sa isang malungkot na pangyayari.

 

Huwag na muna.

 

Ngunit kailan kaba nagkamali sakanya?

 

"Kumusta-" You mentally sighed. "-na kayo ni Seul?"

 

Hindi ka sumagot.

 

"Nag-usap kayo kahapon?"

 

Nanatili kalang tahimik habang pinapasok ang mga gamit sa bag.

 

"Hyun naman..."

 

"Ayoko muna pag-usapan."

 

"Alam mo namang-"

 

"Please lang," Tumingin ka sakanyang nagmamakaawa. "I lost a patient this morning. I have so much in my plate today. Please."

 

At mukhang naramadman na niyang hindi naging maganda ang pag-uusap niyo ni Seulgi kagabi dahil hindi narin ito nagpumilit pa.

 

Bumalik sa alaala mo ang nangyari.

 

Ang mga nakakigting na mga salita...

 

 

"I will die with you! I want to—"

 

 

Suminghap ka at pinilit itong inalis sa isip dahil nararamdaman mo na naman ang pagbigat ng puso mo.

 

Hindi ganon ang gusto mo.

 

Hindi.

 

"Why don't you just stay with her?" Mabilis kang napatingin sakanya. "Seulgi really wants you to, you know?"

 

"Are you siding with her?"

 

"No," She quickly denies. "Sinasabi ko lang na you should try considering her side too."

 

"I am. I get her whole damn point, Jennie."

 

"Then bakit hindi kayo magkasundo?"

 

"There's a safer option for both of us. Why would we waste that?"

 

Tumayo kana at sinukbit ang mga gamit, not really up for more of this talk. Paulit-ulit nalang. Pagod kanang ipaliwanag ang mga halatang rason.

 

"Mga doktor tayo. Naiintindihan mo naman siguro ako."

 

"Alam mo namang delikado ang lugar na'yon sabi pa ni Solar, diba?"

 

That again.

 

Hindi kana sumagot.

 

"You were ignoring her since last night." Tuloy-tuloy kalang sa paglakad. "She was crying," Natigilan ang mga kamay mo sa pinto. "Umiiyak habang tinatawagan ako."

 

Isang katahimikan ang bumalot sa inyo.

 

"Di naman kayo ganito ah." Napapikit kana. "Lagi niyo namang pinag-uusapan ang lahat."

 

Nagbabadya na naman ang mga luha mo.

 

Hindi mo rin kasi alam.

 

"She wants me to check on you kaya ako andito. She's sorry... She's just scared, Hyun."

 

Sa wakas ay humarap kana muli sakanya.

 

"Sa tingin mo ako hindi?" Agad na napatikom ang bibig niya. "I've been through this, Jens, takot na takot na'kong mawalan. I'm just as scared as her!"

 

"Ang problema dito, iniisip niyo lang ang isa't-isa. 'Pano naman 'yung para sa inyong dalawa?"

 

Umiling ka. "Eto 'yun! Eto 'yung ligtas siya at panatag ako! Eto 'yun!"

 

At mas lalong alam mong ito rin ang gusto ni Seulgi. Nangingibabaw lang sakanya ang takot. At ito ang takot na ayaw mong manaig sakanya.

 

Hindi mo gusto.

 

Hindi mo gusto ang gusto niya.

 

"Mag-usap na kayo nang maayos," Nanlambot ang tingin ni Jennie sa'yo. "Hyun, aalis kana bukas..."

 

Umiwas ka sa mga mata niya.

 

Kaya nga...

 

"Ano bang pumipigil sa'yo?..."

 

Kaya nga mas lalong sumasama ang loob mo...

 

"Gusto niyang pumunta dito."

 

"Stop her."

 

"She wants to."

 

"Jens, hindi pwede."

 

"Dahil parin ba'to kay Wendy?"

 

Napailing ka. "Please..."

 

"Get yourself together. Seul's trying so hard to reach you out."

 

"She doesn't even want me talk!" Hindi mo narin napigilan. Napailing ka muli at napasinghap, pinipigilan ang mga luhang lagi nalang andyan tuwing ito ang pinag-uusapan. "I-I can't stand looking at her, b-being with her, na para bang wala akong—"

 

Hinawakan niya ang magkabilang-balikat mo. "Wala kang kasalanan," pagdidiin niya. "Wala, Joohyun! Bakit mo ba sinisisi ang sarili mo?!"

 

Tinanggal mo ang hawak niya at lumayo.

 

"You'd really let Wendy get in between you?"

 

Hindi ka sumagot. Napakagat ka sa labi bago tumalikod na sakanya.

 

"Alam mo ba ang ginawa niya kay Seul?"

 

Napahinto ka.

 

Dahan-dahan mo siyang hinarap.

 

Akala mo tama na.

 

Akala mo wala nang natitirang gugulo pa sa'yo.

 

May mas malala kapa palang malalaman.

 

Dahil kapag si Seulgi ang dahilan...

 

 

"Si Wendy. Si Wendy ang muntik nang sumagasa sakanya noon."

 

 

...nayayanig ang buo mong katinuan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

 

 

Nagmamadali kang lumabas ng conference room. Narinig mo pa ang pagtawag ng isang doktor sa'yo pero tuloy-tuloy kalang sa paglabas.

 

Sa dalawang oras na nandoon ka sa loob, ni isang salita wala kang maalala. Hindi ka makapag-isip nang diretso. Hindi ka mapakali.

 

Isa lang ang laman ng isip mo.

 

Halos tinakbo mo na ang hagdan papunta sa rooftop.

 

Nakaramdam kana ng pagod, hindi sa pagtakbo kundi sa mga nangyayari, sa mga nalalaman mo, sa lahat. Pero ito ang pagod na hindi matakpan ang namumuong galit sa iyong kalooban.

 

At gaya nang inaasahan mo, isang pigura ang agad bumungad sa'yo.

 

Agad siyang napatayo. "Y-You came."

 

May tunay na ngiti sa pagdating mo sa hiling niya.

 

Pero patawad, dahil iba ang pakay mo.

 

Patawad, dahil kabaliktaran ang nararamdaman mo.

 

Sapagkat hindi galak, kundi galit ang nararamdaman mong namumuo ngayon habang humahakbang palapit sakanya.

 

Mas lumawak ang ngiti niya. "Joo-"

 

"You did that to Seulgi?" Hindi kana nag-aksaya ng oras, ang puso mong pinipiga habang naiisip ang parehong katotohanan, "Sinaktan mo, you— y-you almost killed my girlfriend?"

 

She's taken aback at the sudden outburst.

 

At kahit anong pigil mo, nagsisimula paring mamuo ang mga luha sa mata mo.

 

Sobra na kasi. Sobra-sobra na.

 

"Sinadya mo ba, Wendy?", ang mga mabibigit mong hininga, "Sabihin mo ang totoo!"

 

Hindi parin siya nagsasalita.

 

"Aksidente lang at hindi mo sinadya, diba?"

 

Mas lalong bumibigat, mas lalong lumalala ang sama at galit na nararamdaman mo.

 

"Diba?!"

 

Isang luha ang hindi mo na napigilan.

 

Napakapit kana sa damit niya. "Tell me!"

 

At isa pa.

 

Wala kang narinig.

 

Nanginginig kang bumitaw sakanya at napaatras.

 

Tinuring mo nang sagot ang pananahimik niya.

 

"Alam mo ba... A-Alam mo ba kung gaano k-kasakit pakinggan?"

 

Na ikaw ang dahilan.

 

Ikaw ang nagpahamak sa taong mahal mo.

 

Ikaw na ang umako sa lahat ng dahilan.

 

"Naiisip mo ba ang mga pinagagawa mo, Wendy?"

 

Napayuko siya.

 

"Hindi ka paba nawalan? Kaya ba ganito lang kadali para sa'yo ang lahat?"

 

"Ikaw," sagot niya. "Nasa kamay kana ng iba. Hindi paba masakit na kawalan sa'kin 'to?"

 

"Hindi ako kawalan sa'yo."

 

"Kung hindi, bakit nasasaktan akong isipin na wala kana sa'kin?"

 

"Tangina hindi ako naging sa'yo!"

 

Napatitig siya sa'yo at sa pagsabog mo, mga matang nasaktan sa salitang binitiwan mo.

 

"Alin paba ang hindi mo maintindihan?!"

 

Pero hindi ka nagsisisi.

 

Ilang beses mo pabang dapat bigyang-diin lahat sakanya?

 

At mas lalong ilan paba ang mga hindi alam mo? Ilan paba ang ginawa niya kay Seulgi sa likod mo?

 

Gusto mo pang bitiwan ang mga naipong salita mo, ang lahat ng galit mo, pero masyado kanang nagmamadali, punong-puno para isa-isahin pa ito.

 

"Y-You..." Napapikit ka nalang at napailing. Tumatakbo ang oras mo. Maraming naghihintay sa'yo sa baba. Si Seulgi ang pakay mo dito, hindi ang pagpupumilit niya.

 

"...Mess with me for all you want. Guluhin mo'ko't lahat-lahat," Tinignan mo siya sa mata, nagmamakaawa, "Huwag na huwag mo lang siyang sasaktan, parang awa mo na."

 

Parang awa mo na...

 

"D-Dahil hinding hindi kita mapapatawad, Wendy, lalo na ang sarili ko."

 

Lumapit siya sa'yo. "I-Irene-"

 

Lumayo ka. "Hindi ko alam kung 'pano mo nagawa sakanya 'to."

 

"I-It's..."

 

"Magkaibigan kayo."

 

Umiwas siya ng tingin sa'yo. "I-It's-"

 

Hindi niya tinuloy.

 

Hindi narin siya sumubok magsalita pa.

 

Ni isang sorry wala kang narinig mula sakanya.

 

"Mahal kita, mali bang ito lang ang alam ko?"

 

Dahil ito lamang ang sinabi niya.

 

Saglit kapang natigilan, noticing how those selfish words roll out from her tongue. And your pique, skyrocketing, as you finally face her with so much weight.

 

"Wendy," You firmly called. "You don't."

 

"I do. I do, Irene. Please don't say that."

 

"Kung oo, maiintindihan mong mali ang mga paraan mo."

 

"I-I'm here now..."

 

Hindi parin siya nakikinig.

 

"Wendy," You called out for the second time. "I have two hands, but I'd still choose to hold Seulgi with both."

 

You looked at her for the last time,

 

"I'm tired, Wendy. Please stop making me do something I'd never." Unti-unting lumuwang ang kapit niya sa'yo. "Because I would never. And it's not something anyone, or you, could change."

 

Tumalikod kana. "Hurt her again and you'll see."

 

Ito ang huling sinabi mo bago naglakad palayo. Bitin na bitin kapa sa mga sinabi mo, kulang na kulang pa ang pagpapaintindi mo. At kaya ka natitinag dahil pati oras, kalaban mo pala dito.

 

"Joohyun," tawag niya.

 

Hindi ka lumingon.

 

"Hanggang kailan mo ba balak itago?"

 

Unti-unting bumagal ang mga hakbang mo.

 

"When will you stop pretending you've never thought of me?" Napahinto kana. "When will you stop pretending you never cared for me?"

 

Mabibilis na yapak ang narinig mo at isang kamay ang humigit sa'yo.

 

Pinaharap ka niya, sinalubong ng mga matang may hinanakit na hindi mo maintindihan.

 

"The letters you sent," she heavily breathes, "Bakit mo'ko hinanap? 'Pano mo'ko nahanap? Para saan pa't hinanap mo'ko?"

 

Naguguluhan mo siyang tinignan.

 

"B-Bakit...b-bakit hindi mo gustong banggitin ko ulit? Bakit pinapatago mo, b-bakit ayaw mong sulatan kita pabalik?"

 

Binawi mo ang kamay mo sakanya.

 

"Bakit ka tumigil? B-Bakit nung ako na, hindi kana sumasagot sa mga sulat na pinapadala ko sa condo mo?"

 

"W-Wendy—"

 

"Why did I see you with someone else when you said you'll wait for me?!"

 

"A-Anong pinagsasabi mo?"

 

"I said stop that!" Tuluyan nang bumuhos ang mga luha niya. "Y-You don't have to pretend anymore. It's just me," Hinawakan niya ang magkabilang kamay mo, "I-It's just me, Irene. Ako lang 'tong kaharap mo."

 

"W-Wendy..." Wala kang naiintindihan. "A-Anong-"

 

"Y-You were with me all these years, Irene. W-Why-" 

 

"Wendy..."

 

"-W-Why are you like this?"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Gumagabi na nang lumabas ka ng ospital. Umuulan, ramdam mo ang bawat pagpatak ng ulan sa iyong gilid habang tinatahak ang madilim na daan.

 

Umuulan,

 

Nakikiramay ba?

 

Mas binagalan mo ang paglakad, isang kamay na nakapamulsa, at ang isa'y nakahawak sa payong na dinadaplis sa konkretong daan. The metal clanking, the rain, the weight in your chest, it's all you could hear and feel. Kinakalma ka nang hindi mo alam.

 

Iilan nalang ang nakaparada sa harap ng ER kung saan nandoon ang sasakyan mo. Walang tao, madilim, at nang binuksan mo na ang payong mo at itinaas,

 

Isang pamilyar na sasakyan ang bumungad sa iyong paningin.

 

Natigilan ka.

 

Seulgi...

 

Anong...

 

Anong ginagawa niya dito?

 

Ilang sandali pa'y bumukas ang pinto. At dito mo na natanto. Hindi kana nag-aksaya ng oras para lumayo. "Hyun-" Ngunit mas binilisan mo pa ang lakad mo, "Tangi..."

 

Pero ikaw parin naman ang huminto.

 

Ikaw parin ang tumigil.

 

Ikaw ang nagkusang huminto.

 

Hindi mo kaya.

 

Ang talikuran siya'y hindi mo pala kaya.

 

You can't.

 

You just can't.

 

At bago ka paman tumalikod, mahihigpit na mga kamay ang bumalot sa'yo mula sa likuran.

 

Napapikit ka.

 

These are the same arms that secure you, the same warmth that comforts you.

 

Ang lagi mong sinasandalan, ang pahinga mo— andito.

 

So you leaned back. You leaned back like how you leaned your whole life to her.

 

Huwag mo nang itulak palayo.

 

Ang paglapit niya ang hindi mo na mapigilan. Hindi mo maitulak. Ang mga linya, nabura na. Lahat ng rason at ayaw, kinalimutan mo na.

 

Dito kalang siguro magiging makasarili na gaya nang gusto niya.

 

"Y-You shouldn't be here..." you barely whispered after a long while. 

 

She doesn't say anything, only a gentle press on your cheek as an answer. You breathed heavily, especially when she said,

 

"I love you."

 

Bumigat na naman ang puso mo at napahawak na lamang sa kamay niya.

 

The reasons why you can't face her, coming back to you...

 

"L-Let's—"

 

"You have to let me talk, Seul." You trailed off, "W-We can't just forget about everything and pretend nothing happened." Napailing ka. "I-It's... it's... t-tangi, it's already too much..."

 

Dahan-dahan nang lumuwang ang mga kamay niya sa'yo. Ikaw na ang humarap.

 

"Dapat nagagalit kana ngayon. D-Dapat—"

 

"Tangi," Hinakawan niya ang mukha mo. "I won't do that."

 

"You have to."

 

"I can't."

 

Umiling ka. "Seulgi..."

 

"I can't hate you for something you didn't do."

 

At kahit sa dilim, kitang-kita mo parin ang mga matang sumasalamin sa'yo.

 

What she said... just made you feel even much worse.

 

 

 

 

 

 

 

And that puts you together, sa loob ng sasakyan niya, mga mata mong nakapako ang tingin sa magkasaklop niyong kamay sa gitna.

 

Nanatili kalang nakayuko, relieved to have this chance to fix things a little better.

 

You've wanted this.

 

There's so much to say.

 

Sinimulan mo nang sabihin sakanya lahat ng mga nangyari sa'yo sa nagdaang mga raw.

 

Naramdaman mo ang isang kamay niya sa mukha mo, tucking you hair behind your ear, the gesture making you let out a soft sigh.

 

"Wendy and I," Hinigpitan mo ang kapit sakanya, at pinagpatuloy. "S-She's the one who's been sending those... sticky notes... back in college."

 

Wala kang narinig mula sakanya. Tumingala ka, wala man lang gulat at kung anuman sa mga mata niya.

 

"I-It shouldn't have been a big deal-" Napailing ka. "P-Pero ang daming nangyari. E-Everything happened too fast. I-It's... i-It's just too much to take..." Humarap kana sakanya. "I had to consume it alone, S-Seul... I'm sorry..."

 

Nanatili lang siyang nakatitig sa'yo at hindi nagsasalita.

 

"I-I told you before... that I never fell for those notes. Do you still believe me, Seul?"

 

Walang alinlangan siyang tumango. "I do."

 

Ito ang sagot na gusto mo.

 

Pero bakit?

 

Bakit, bakit parang hindi ka karapat-dapat sa tiwalang binibigay niya sa'yo ngayon?

 

Bakit parang mas gugustuhin mong iba nalang ang sagot?

 

"Tinago ko sa'yo, na bumalik siya noong panahong tayo na. Ang d-daya ko, diba?"

 

Nanatili lang siyang nakatitig sa'yo.

 

Napaiwas ka.

 

"She k-kissed me," Tumigil ang paghaplos ng daliri niya sa'yo. "And it keeps on haunting me kapag kaharap kitang ganito."

 

Dumapo ang tingin niya sa labi mo, mga daliring napunta sa maliit na sugat sa gilid nito.

 

Bumalik ang mga mata niya sa'yo. "She did?"

 

The calmness. She shouldn't be like this.

 

Tumango ka parin, napahawak sa kamay niyang nasa mukha mo. "I-I'm s-sorry..."

 

"For what?"

 

And again and again.

 

Why is she like this?

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
Omg thanks for the feature?!?! Ang cute ng star! Para at para lang po sa inyo ‘yan! Merry Christmas pala talaga!
No comments yet