March Madness

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

 

NOTE: Unreliable medical content because of lack of knowledge HAHA but I tried.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Chapter 15

 

 

 

 

 

 

 

 

MARCH MADNESS

[MARCH 4, 2020 - Wednesday]

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Joohyun

 

 

 

Nag-uunat ka habang naglalakad nang makasalubong mo si Wendy sa tapat ng office mo. 

 

"Wendy?" gulat mong sabi, "Anong ginagawa mo dito?"

 

Napatingin ka sa wrist watch mo. Grabe, it's still 2am. Ang aga naman ata niyang pumasok? As far as you know, mamayang 7 pa ang in niya dahil nag day off siya kahapon. "Ang aga mo ah?"

 

"Maaga nagising eh," nahihiya niyang sabi. "...and I really have nothing to do at home." 

 

"So you came in early? Should I commend that dedication naba, Doc Wendy?" Pumitlag lang siya kaya natawa kana. Tinapik mo ang balikat niya at tinigilan na ang pang-aasar bago binuksan ang pinto. "Pasok ka muna." 

 

"Okay lang ba?"

 

"Sira," tawa mo at binuksan pa lalo ang pinto. "Bakit naman hindi?"

 

Nahihiya pa siyang pumasok bago mo siya pinaupo sa couch. Napailing ka at how she's sitting upright, na para bang sino ang katapat niya. Dumiretso ka nalang muna sa coffeemaker mo at pinaandar ito. Saglit mo pang binuksan ang phone mo— subconsciously— para tignan sana kung may text galing kay Seul.

 

Tapos naalala mong madaling araw pa pala.

 

Binaba mo nalang ito at tahimik na hinintay ang kumukulo. Nilingon mo ulit si Wendy, walang imik parin rin siyang nakaupo habang awkward na nakatingin sa nilalarong paa niya. Napangisi ka bago binalik ang tingin sa hinihintay mo. 

 

Sa lahat talaga ng mga nakatrabaho mo, siya palang ata ang napansin mong sobrang reserved kumilos sa harap mo, which is confusing dahil sobrang accomodating mo nga sakanya.

 

Bigla mo na namang naalala yung suspicious demeanor niya weeks ago. And you're guilty as hell, so embarassed of how you reacted on it, dahil how could you jump into conclusions kaagad?

 

God, after that paper bag incident, you've been keenly watching her, trying to prove yourself right sa mga hinala mo. But when Seulgi said na kay Krystal naman pala galing, para kang binuhusan ng malamig na tubig sa mukha.

 

Dahil bakit mo ba pinaghinalaan ang dalawa? They don't know each other, Wendy's new sa hospital niyo, at galing pa itong Canada. My goodness... Mapapasapo ka nalang sa noo kung bakit naisipan mong siya ang nagbigay ng regalo.

 

However, it doesn't change the fact na kahit ilang beses mong iwasan itong isipin, sobrang fit parin ng pagkaka-connect mo ng dots.

 

The smell, the bag, the tag, the reactions, they're all leading to the same end.

 

Sobrang co-incidental.

 

Grabe.

 

 

 

You only got out from your trance nang biglang tumunog ang coffeemaker sa harap mo.

 

"Y-Your office is cozy." biglang sabi niya, na parang hindi na komportable sa pagkatahimik niyo. "I like it."

 

Natawa ka muna. "Parang first time mong makapasok."

 

"Yeah, pero first time kong maupo without work."

 

This time, sabay kayong natawa. Oo nga noh? This is the first time you invited her in, which is work-unrelated. 

 

"Nga naman," Napasinghap ka sa natanto . "Neuro's been mad since last week, right?" Tumango lang siya, affirming what you just said. Dahil totoo talaga. Kaya ka nga naka night shift ng two days in a row na ngayon. 

 

"Bakit ka nga pala nasa tapat kanina?" tanong mo habang nilalagay sa dalawang mug ang kape. "May kailangan ka?"

 

"Uh..." rinig mong alinlangan niya. "I w-wanted to see you po sana bago kayo umuwi."

 

"Why?"

 

Saglit pang natahimik.

 

"No reason."

 

Napahinto ka sa pagbuhos ng kape. Ilang segundo karing napako bago nilingon ang kausap gamit ang mga mata. Ganon parin ang posisyon niya, and your brows met sa sinabi niya.

 

Why?

 

But you shrugged it off instead.

 

Naglakad kana pabalik sakanya. "Coffee?" Inabot mo ang isang mug at kinuha naman niya ito.

 

"Thank you." Ngumiti kalang at dumiretso sa desk bago umupo sa swivel chair mo.

 

Napadaing ka nang sa wakas nakapagpahinga na ang paa mga mo. Nakaramdam ka bigla nang sobrang pagod. You settled to massage your ankles bago umikot na para harapin si Wendy.

 

"Bakit po kayo nag-extra shift ngayon?" takang tanong niya. "Critical? It's been two days."

 

"Yup!" You popped bago binaba ang paa and smiled at her. "May pinamonitor si Heech."

 

"Ah..." 

 

"Yung mga med students pala kahapon, anong-" Bigla kang napahinto. "-Right. Break pala 'to from work." Napailing ka bago uminom kaya mahina tuloy siyang natawa.

 

"They're fine. If that's what you're about to ask." 

 

"Yeah yeah." Iniling mo ang kamay mo sakanya. "But let's not talk about it for now. Baka magsisi kang inagahan mo today."

 

Natawa ulit siya at ininom din ang kanya.

 

"Let's talk about you instead. Third month mo na pala dito. How do you find your stay ba, so far?"

 

Nagulat pa siya sa biglaang patanong mo. "Here?" Tumango ka at nakita mo ang halatang paglunok niya. "I-It's nice naman. I like it here. The doctors are friendly, the nurses too. And the hospital's really good. I'm super impressed."

 

That's nice

 

"How about me?"  

 

"H-Huh?"

 

Natawa ka. "How's it working with me ba?"

 

"Uh-"

 

"Sige, with the NS team nalang." pag-iiba mo, dahil baka nga ang awkward ng naging tanong mo. "How's it working with the whole department?"

 

"Excellent." walang atubili niyang sabi, "Everyone's so dedicated in work. Sobrang solid ng team mo Doc."

 

Napangiti ka naman. "Really? Good to know then." Uminom ka ulit. Nilapag mo muna ang mug tsaka kinapa ang drawer mo sa gilid para hanapin ang stock mo ng Salonpas.  "I know this might sound personal. Pero care to share what made you pursue NS?" Saglit ding natahimik ang opisina mo kaya nilingon mo siya. Nakatingin lang siya sa'yo na parang nag-aalinlangan sa sasabihin. 

 

"Sorry..." You apologized bago kinuha ang patches at humarap ulit sakanya. Judging from her reaction, baka nga sobrang personal ng tinanong mo. 

 

"N-No. It's fine. Nag-iisip lang ako ng isasagot."

 

"Ah." tawa mo nalang at nilagyan ng hawak mong patches ang leeg mo as you wait for her to continue.

 

"It's not really a career I had in mind," pagsisimula niya at bahagya kang nagulat sa sinabi niya. "Trust me, if you knew me during my teens, 'di mo talaga maiisip na magiging doktor pala ako ngayon." Naiiling niyang tawa. "Pati nga siguro ako, hindi ko inexpect na I'd reach this far."

 

"Huh? Bakit naman?" 

 

"I didn't want to be a doctor in the first place."

 

"Really?" manghang tanong mo. Parang si Wendy kasi yung tipong career-driven woman. "Then how come you pursued Med?"

 

"Well..." ngiti niya. "Let's just say I met someone who made me realize the beauty of saving lives." At ang lawak lawak ng ngiti niya habang dinudugtungan ito, "Akala ko it was just some sort of admiration but then no matter how much I ignore it, binabalik parin ako sakanya even in the most random events of my life."

 

Dahan-dahan kang napatango habang pinoproseso ang sinabi niya. 

 

Napasinghap siya at sumandal sa couch mo. "So that's it. Her existence in those most random events of my life led me here inside a hospital, suot-suot 'tong white coat nato."

 

"Most random events of your life?" Taka mong tanong, "Like what?"

 

She giggled against your confused state. "I have a younger sister. Naaksidente siya sometime a year ago. And she saved her life. That's one random event, Doc."

 

"Woah." hindi makapaniwalang sabi mo, "That's some backstory right there."

 

"I know right."

 

"Pero okay naba yung sister mo?"

 

Napahinto pa siya saglit. "I guess..." Nagtaka ka naman sa sagot niya. And you realized na baka she's uncomfortable talking about it.

 

"How long have you known her ba?" pag-iiba mo nalang, "That inspiration of yours..." 

 

"Since...elementary?"

 

Nagulat ka naman. "That long?!"

 

"Opo," nahihiya niyang sagot.

 

"Tapos until now, she's still recurring in your life?"

 

Natawa siya. "Yes. Sobra. Sobrang lapit niya."

 

"Destiny." You snapped a finger at her. "That's destiny, Doc Wendy."

 

"Really?" Ikiniling niya ang ulo at ngumisi sayo. "Naniniwala ka?"

 

"Mhm," tango mo. "If that isn't, then I don't know how to answer that."

 

Napayuko siya at pinaglaruan ulit ang paa niya. And then you remembered something.

 

"Wait, is this the same girl na sinabi mo nung naglunch tayo one time? The girl who doesn't know you pa?"

 

Tumingin siya sa'yo ulit at mapaklang ngumiti. "That would be her."

 

Napanguso ka. "She must be really special to you then." Ngumiti lang siya at hindi na sumagot pa. "Nasan na siya ngayon? Canada?"

 

Napatigil siya sa pag-inom at dahan-dahang binaba ang mug niya. Alinlangan pa siyang tumingin sa'yo bago tumango-tango. "Y-Yeah. She's in Canada."

 

"Akala ko ba sabi mo sobrang lapit."

 

"She's close... yet so far." She snorts at her own words. "Teka that's cringey. Basta basta."

 

"Bakit ba kasi di mo malapitan..." 

 

"She's..." Napatingin siya sa sahig. "...kahit naman makilala niya ako, wala namang mag-iiba."

 

Naantig ka naman sa biglaang pagbaba ng boses niya. 

 

"Damn." iling mo nalang.

 

"Yeah," tawa rin niya. "Damn."

 

The air turned quiet again, pero this time, it was a comfortable silence that wrapped the room instead. You frowned at the thought kasi Wendy looks so inspired talking about this person. Imagine influencing Wendy to med school even without you knowing it? Magugulat siguro 'yun pag nalaman niya.

 

"Kayo po. What made you pursue NS?"

 

You didn't see that question coming.

 

You briefly glanced at her bago umiwas ng tingin. You're used to asking med students, residents, and other doctors these questions pero ayaw mo talaga kapag binabalik nila ang tanong. You actually don't like talking about it. You don't know why.

 

But with Wendy sharing her own story to you, narealize mong maybe it's okay to open up this once. Mukhang trusted naman 'tong Chief Resident mo, not that your story's confidential anyway, ayaw mo lang talagang i-bring-up.

 

"Me? It's like yours. I met someone who made me realize the beauty of saving lives." 

 

"Y-Your girlfriend?"

 

Napahinto ka tuloy sa drama mo at natawa. "Sira, hindi. We met during my residency na." Napatango nalang siya. "It's my dad."

 

"Your dad?"

 

"Mhm." Sumandal ka sa upuan mo at umugoy sa magkabilang gilid. "He passed away when I was almost finishing up high school. SARS-CoV. 2003 Outbreak. He's a cruise ship crew. Nagkataong dumaong sila sa China where the virus started." Napasinghap ka sa naalala, "Unfortunately, their cruise ship embarked a positive carrier. And my Dad's just one of the 44 na nasawi among the hundreds na nainfect."

 

Gulat si Wendy na tumingin sa'yo. "H-How-"

 

"Yung cruise ship management. So lax. They only believed na may nakasakay na positive carrier only after it affected 20 other passengers and crew." Napailing ka. "They got sued for it. Sobrang slug talaga ng response nila."

 

"O-Oh my..." Gulat niyang sabi. "I'm sorry. I'm sorry to hear that. I didn't know-"

 

"Nako, it's fine." tawa mo to ease the mood, "Matagal na 'yun."

 

Matagal-tagal rin bago siya natauhan.

 

"SARS..." di parin makapaniwala niyang sabi. "You must be so worried with COVID ngayon."

 

"Super." pag-aamin mo. Hindi mo idedeny yan. At alam rin ni Seulgi kung bakit sobrang higpit mo sakanya for this matter.

 

"And you're mom's in Korea right?"

 

"Alam mo?" 

 

Nahihiya siyang tumango. "Nabanggit ni Doc Jisoo."

 

Napailing ka. Bibig talaga ng babaeng 'yun.

 

"I hope she's alright." concerned na sabi niya. "It's been mad rising in SoKor kaya sana safe ang mommy mo."

 

Napangiti ka naman sa pag-aalala niya. "Thanks. I've been calling her everyday. Okay naman daw. She's been staying lang sa bahay."

 

"Buti naman..."

 

"Ang aga naman ng drama natin." pag-uuplift mo nalang ng mood, hoping to hop on for another conversation. "Let's talk about something else, pwede? Hmmm, born and raised kaba talaga from Canada?"

 

She just smiled and nodded, to which you appreciate.

 

"Not really. Maybe born and semi-raised?" Napasinghal siya sa gawa-gawa niya. Ano daw? "I mean, dun ako pinanganak but I was around 3 when we went here, sa Pinas. I spent my elementary dito, only with my mom habang si Daddy sa Canada."

 

"Dito ka nagelementary?"

 

"Opo. Dito." Napakamot siya sa kilay. "That's how I caught up with Tagalog."

 

"How about high school?"

 

Napahinto siya at napatitig sa'yo saglit. "N-No," iling niya. "Sa Canada na ako gumraduate ng High School tsaka Med School."

 

Oh... ngayon mo lang nalaman 'yan.

 

"Have you been hanging out with your elementary friends rin ngayong andito kana?" takang tanong mo. "Or..."

 

"Nah. I'd be glad nalang kung maaalala pa nila ako."

 

"Bakit naman hindi?"

 

"Ang tahimik ko nung elementary. Lagi pa talagang absent."

 

"Weh? Totoo?" gulat mong sabi. "I mean sa tahimik, maniniwala ako. Pero sa pala-absent? Parang matino ka naman sa pag-aaral ah."

 

Natawa ulit siya. "Grabe ka, Doc. Hindi ko alam pano sabihin pero I used to have my absences for like twice a week."

 

"Twice a week?! Hindi kaba nireklamo ng teacher nun?"

 

"No." Mas lalo lang siyang natawa sa reaksyon mo. "Excused 'yun lahat."

 

"Paano?"

 

"Secret."

 

"Sus." pabiro mong irap, unsure if she's just actually messing with you. Pwede ba 'yun? Twice a week? "Eto nalang, sinong Canadian sa parents mo? If you don't mind of course." 

 

"Si Daddy." Napahawak din siya sa buhok niya. "By the way, grabe din makatanong 'yung ibang mga pasyente kapag nakikita nila ako."

 

Natawa ka. "Dahil sa kulay?"

 

"Oo! Grabe sabi pa nung isang pasyente natin, irereklamo niya daw ako dahil diba bawal tayong magpakulay..."

 

Mas natawa ka sa narinig mo. "Totoo?"

 

"I had to tell him I'm Canadian. My goodness."

 

Natawa ka ulit sa panunumbong niya. At ngayon mo lang narealize na you never really got to know this Chief Resident of yours. Hindi mo nga natanggap yung profile niya before she entered the team, which is weird dahil sa mga nagdaan, lagi 'yung pinapakilala sa'yo.

 

That's why you're glad you at least, go to know a portion of her life today.

 

Magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang cellphone mo. Inabot mo ito at tinignan. 

 

"Alarm." 

 

"Uuwi kana po?" 

 

"Mhm," tango mo. "Pero finish yours muna." 

 

"I'm done." Nilagok niya ang natitirang kape kaya natawa ka. "Uwi napo kayo."

 

Natatawa mong kinuha ang mug niya. Ang extra naman niya.

 

"Magpapalit na kami ni Naeun bukas." biglang sabi niya habang hinuhugasan mo ang mga ginamit niyo. Naeun, she's a third-year resident na laging kasama mo. Bakit naman sila magpapalit? Nagtaka ka.

 

"Why?"

 

"I'll take the night shift instead. So I can be with you."

 

Napalingon ka kaagad sakanya. And she's wearing that shy expression again, like she just blurted out words that she's been dying to say. 

 

It does get into you sometimes.

 

Mas lalo kang nagtataka sa mga reaksyon niya.

 

"Regular na ako tomorrow." maingat mong sabi.

 

Napaharap si Wendy sa'yo. And you swear, you saw her face falter, her eyes in distraught sa sinabi mo. You cleared your throat bago tinuon nalang ang tingin sa ginagawa mo.

 

"R-Really?"

 

"Oo eh." Nagpanggap kang di mo napansin yun. "I-didischarge na bukas 'yung pasyenteng minomonitor namin."

 

"Oh." 

 

Hindi ka nalang sumagot at tinapos na ang paghuhugas. Nagpupunas kana ng kamay nang tumayo siya mula sa couch.

 

"I'll get going napo," pagpapaalam niya. "Ingat kayo sa pag-uwi."

 

Ngumiti ka bago umupo ulit sa inupuan mo kanina.

 

"Thanks, Wendy." Ngumiti rin siya pabalik bago naglakad papunta sa pinto. Pinanood mo lang ang doktor, ang kanyang mahihinang lakad, at ang paghito ng kamay niya sa busol ng pinto mo.

 

She then stopped and turned around.

 

"Doc Bae?" 

 

"Yes?"

 

"By any chance..." her hands fidgeted sa harap niya. "...are you free on the 14th?"

 

14th? Anong meron? Naguguluhan mong tinignan ang calendar mo sa desk. Saturday pala 'yan. Binaba mo na ito at takang tinignan ulit siya.

 

"14th, right? Yes, I'm available. Bakit?"

 

Napakamot siya sa batok, already grinning widely sa sinabi mo. "I-I have this friend who's opening a resto not far from here." Tumingin na siya sa'yo nang diretso. "I wanted to bring you along sana."

 

You froze for a moment.

 

"...If you're okay with it lang naman." Natauhan ka nang magsalita ulit siya.

 

"M-Me?" gulat mong tanong. "Why?"

 

"It's just that... I never had the chance to thank you for guiding me here. Kaya take this as a thank you dinner?" She softly giggled. "Yeah. Thank you dinner."

 

Thank you dinner?

 

Pero ano nga bang ginawa mo to deserve such invitation? You barely hung out with her and hindi pa naman gaanong kalaki ang bond niyo dahil nga bago palang siya dito.

 

Ah...

 

Maybe dahil sa one month na naging magka-station kayo. Sabi pa naman ni Jennie she was most friendly with you.

 

Maybe that's why.

 

March 14. 

 

You actually have no plans set with your girlfriend.

 

Pero it's a Saturday. You could use that free time to catch up with her.

 

At sa kaharap mo ngayon na nag-aasam at naghihintay ng sagot mo, you can't seem to decline for now kahit hindi ka sure kung bakit ikaw ang isasama niya.

 

Ngumiti ka nalang. "Sure." Lumiwanag kaagad ang mukha niya. "But I won't promise ah. Alam mo naman..."

 

"Yes." tawa niya. "I understand."

 

Tumango ka nalang.

 

"Thank you, Doc." masigla niyang sabi.

 

"Shouldn't I be saying that?" you teased.

 

"Nope. Ako dapat." depensa niya kaya hindi kana rin nakasabat pa, "I'll go ahead napo. Ingat kayo." Kumaway si Wendy sa'yo bago tuluyang lumabas. You followed her with your eyes hanggang sa unti-unting nawala ang pigura niya mula sa glass ng pinto mo.

 

No one from the hospital has ever asked you out for dinner, alone, in that shy approach. 

 

Ngayon lang.

 

 

And you can't deny, it's weird.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

 

 

Around 3 na nang makarating ka sa bahay. Nakabukas ang mga ilaw sa kwarto niyo pero tulog na tulog na si Seulgi sa kama. Napansin mo rin ang laptop niyang hindi rin nakapatay sa may couch. Bakit naman naiwang nakabukas 'to? Matagal ba siya natulog?

 

Pinatay mo na ang blower at mabilis na sinuklayan ang buhok mo. Pagkatapos ay pinatay mo na ang ilaw bago tumungo sa kurtina para bahagyang buksan ito. Napangiti ka sa bumungad sa'yo. Kumikinang na naman ang siyudad sa mga mata mo. Nakakawala ng pagod.

 

Dahan-dahan kanang tumabi sakanya, sumuklob sa ilalim ng duvet at agad na niyakap nang mahigpit ang likod niya. Sumiksik kapa na parang tanga dahil nawiwili ka bigla sa amoy niya. Parang nawala tuloy ang antok at pagod mo sa init na sinasalin niya sa'yo. Lalo na nang gumalaw siya at humarap sa'yo. Tumingala ka sakanya at nakita mong idinilat niya nang bahagya ang isang mata para tignan ka.

 

"M-Mhm... Kanina kapa?" inaantok niyang tanong at niyakap ka pabalik.

 

"Kararating lang." Hinaplos mo ang mukha niya. "Ba't di mo pinatay yung mga ilaw?"

 

Pumikit lang siya ulit at umugong. "Midterms..." tipid niyang sabi kaya mahina mong pinisil ang ilalim ng mata niya. Oo nga pala, mag mimidterms na ang Uni nila next week kaya sobrang naging busy narin si Seul, idagdag mo pang nagrereview na siya ng thesis niya para sa pasahan next month.

 

Kawawa naman ang tangi mo.

 

Napanguso ka at inayos nalang ang buhok niya. "Goodnight, tangi..." bulong mo at mabilis na hinalikan siya. Napangiti pa siya kaya hindi mo mapigilang mapangiti narin.

 

Kita mo 'to, kahit tulog...

 

"I love you," bulong niya rin at inayos ang pagkakahiga mo sa braso niya. Naramdaman mo ang mahinang pagmasahe niya ng likod mo kaya unti-unti mo nang naramdaman ang pagod at antok.

 

Pinagpahinga mo ang mga mata mo at sumiksik sakanya.

 

"I love you more." 

 

Di nagtagal, nakatulog kana rin. 

 

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

"Tangi?"

 

Inaantok mong tinahak ang hagdanan. Alas-sais na pala ng umaga. Nagbabasakali kalang na maabutan mo pa si Seul bago siya umalis.

 

"Seul?" mas malakas mong tawag pero walang sumasagot. Napanguso ka naman. Mukhang nakaalis na nga siya. Hays... Plano mo pa sanang gawan siya ng agahan ngayon pero napahaba ata ang tulog mo.

 

Kainis.

 

Babalik kana sana sa kwarto nang biglang bumukas ang pinto niyo. Nagulat ka naman dahil niluwa nito si Seulgi.

 

Hindi pa pala siya nakakaalis?

 

At parehong gulat din siyang napahinto nang makita ka niya sa hagdanan.

 

Parang ewan.

 

Nakaayos na pala siya, may dalang box na mukhang kakadeliver lang, at may nakapaslak pa talagang toothbrush sa bibig niya. Sinamaan mo siya ng tingin.

 

"Lumabas kang ganyan?" disgusted mong sabi. Tumawa lang siya bago nilapag ang dala at pumunta sa kusina. Nilapitan mo ang kahon at tinignan, at nabuhayan ka nang makitang sayo pala 'to.

 

"Ano 'yan?" biglang sulpot niya sa gilid mo. Nilingon mo siya at pupunasan na sana niya ang bibig gamit ang sleeves niya nang hinawakan mo ito. 

 

"Wag," pagpigil mo at sinamaan ulit siya ng tingin. Hinila mo siya pababa at ikaw na ang nagpunas gamit ang damit mo. "Ang sagwa mo talaga."

 

Natawa lang siya. "Sorry," pagpapacute niya bago tinuro ang nasa couch. "Ano 'yan?" Nilubayan mo naman siya at binalik ang hawak sa mga bagong bili mo. Damn, buti nalang talaga nalaman mo 'to galing kay Baek. Ang cool naman pala tignan!

 

"PhoneSoap. Look," Tinaas mo ito para makita niya. "Nice diba? To sanitize our gadgets. It's effective daw, super."

 

"Maangas nga." Binaba mo na dahil di naman niya kinuha. Psh. "Isa lang binili mo?" pang-aasar pa niya kaya tinapat mo sakanya yung isang box. Tawang-tawa pa niya itong kinuha. 

 

"Aweee! Thanks, tangi! Bait mo naman."

 

Inikutan mo siya ng mata. "Bayaran mo'ko. Mahal 'yan." 

 

"Grabeeeee." Natawa kana nang tuluyan at tinulak siya palayo. Dalawa naman talaga ang binili mo para di siya makigamit ng sa'yo. Dahil kung hindi, for sure, ang ending, siya lang ang gagamit. 

 

May iilan kapang binuksan bago mo kinuha yung mas mahabang box. Ito yung mas nakakaexcite eh, at tama ka nga, dahil mangha mong tinignan ang hawak. 

 

"UV Light ba 'yan?" mangha rin niyang tanong kaya tumango ka, equally in awe sa scanner na hawak. "Woah. Nakakamatay pa naman 'yan ng microbes."

 

"Tologo, Prof?" asar mo.

 

Umirap lang siya. "Ba't mo ba naisipang bumili?" tanong niya habang nililibot ang tingin sa hawak mo. Sinabihan mo rin siya kung bakit. Sabay rin kasi kayong magkakaibigan nag-order, na pasimuno ni Baek na adik sa online shopping. 

 

It's not really for COVID dahil wala pa namang remedy para diyan. Pero these stuff are very useful para sa inyo lalo pa't you spend most of your hours sa isang lugar na gaya ng ospital. Prevention is better that cure, ika nga nila.

 

"Peram." Inabot mo sakanya at mangha niya namang pinag-aralan ito. Niligpit mo na ang mga kalat at tinapon sa basurahan ang mga kahon. Ang dami. Kaya pala ang mahal ng binayaran mo. Hahahaha. Asar naman.

 

Pagbalik mo, hawak-hawak niya parin ang UV, naguguluhan kung pano gamitin. Natawa ka naman sa mukha niya.

 

"Tangi, pano 'to gamitin? Di ko mabuksan." Kinuha mo ito ulit at may naisip ka namang kalokohan. Nag-aabang lang siya sa ginagawa mo at nagtanong, "Tignan natin kung may germs yung couch. Pwede 'yun diba?"

 

Hindi ka sumagot at kunwari hinahanap mo talaga yung switch nang bigla mo itong tinapat sa mukha niya.

 

"HOY!" Agad siyang napapikit kaya tawang tawa ka sa reaksyon niya. 

 

"HAHAHAHAHAHA!"

 

"Malakas radiation niyan!" pagtutulak niya sa kamay mo. 

 

"Germs..." Natatawa mong nilalakbay ang scanner sa katawan niya. "Ang daming germs..." Napadilat naman siya nang marealize niyang hindi mo pala ito binubuksan.

 

"Ampota," betrayed na sabi niya at sinamaan ka ng tingin. Mas lalo kalang natawa kaya hineadlock kana naman niya.

 

"Aray!" Natatawa mong sinundot siya sa gilid gamit ang scanner. "Masakit!" Nilubayan ka naman niya at mahinang tinulak. Umirap pa siya sa'yo bago kinuha ang bag niya sa gilid.

 

"Yoko na sa'yo. Germs pala ah," pabirong lakad niya sa pinto. Tawang-tawa mo lang siyang pinanood dahil siya rin naman ang huminto at lumingon sayo. "Joke lang." Parang timang na naglakad pabalik sa'yo si Seulgi na agad mo namang sinalubong sa bisig mo.

 

"Kiss ko," nguso niya kaya hinalikan mo ito. It was supposed to be a gentle peck pero iba yata ang pinaplano ng mokong. Hingipitan niya ang kapit sa bewang mo para di makawala. Gago talaga.

 

"Sarap." ngiting-aso niya nang humiwalay na kayo.

 

"Mukha kang kiss." kutya mo at inayos ang damit niya. Tapos humakbang ka palayo para tignan ang suot niya. "You're wearing a dress. I like it."

 

Bumitaw siya sa'yo at pumosing na parang tanga. "Cute right?" Kinuha niya sa bulsa ang phone at inabot sayo. "Picturan mo'ko dali."

 

At dahil mas naging attractive nga siya dahil sa suot niya, sinabayan mo narin ang trip ng tangi mo. And to say she looks good is such an understatement. Nabanggit mo naman diba na you really love her sense of fashion.

 

She can totally rock both cool and feminine outfits. Nakakafrustrate dahil madami ring nakakapansin. Kaya tuloy mas dumadari ang mga potential hazards mo.

 

"Last na'yun. Malalate na'ko." Huminto na siya at natatawang kinuha ulit ang phone niyang hawak mo. Kinuha niya ulit ang bag niya habang tinitignan ang mga kuha mo. "Alis na meee!"

 

"Bye," ngiti mo lang habang pinapanood siya palayo dahil bigla kang nagkaroon ng adrenaline rush to be suddenly clingy with her, which is a no no. It would only end up with another round of making out and mas lalo mong mamimiss ang tangi mo pag nagkataon.

 

Definately not a clingy behavior.

 

At mukhang napansin niya ang pagkokontrol mo dahil nakangisi siyang lumingon ulit sa'yo.

 

"Anong oras ka aalis?"

 

"Mga 10, before lunch, why?"

 

"10? Kala ko ba mag eextra shift ka ulit ngayon? Bakit mo aagahan?"

 

"Kaya nga. Pero I have outpatients today."

 

"Anong oras ka uuwi?"

 

"We'll probably see each other at dawn ulit." Napasimangot siya kaya hindi mo na napigilan ang sarili na lapitan siya. Niyakap mo siya nang mahigpit at pinanggigilan ang katawan niya.  

 

"Sayang..." 

 

"Anong sayang?" tawa mo pero umiling lang siya. Lumayo ka muna saglit at tinignan siya. "Try kong puntahan kita during lunch." pambabawi mo sana pero nagtaka ka dahil ngumisi lang siya at umiling ulit.

 

"Wag na."

 

Natawa ka. "Nagtatampo kaba?"

 

"Sira, hindi." Tumaas naman ngayon ang kilay mo. "Basta wag na."

 

Sinamaan mo siya ng tingin. "At bakit?"

 

"Ayoko lang." tipid niyang sagot habang hindi nawawala ang ngisi niya.

 

"Are you... rejecting me?" 

 

"Yep." 

 

"Aba-"

 

Mabilis niyang hinalikan ang labi mo bago naglakad palayo. 

 

 

"Ciao!" Nang-aasar pa siyang nag flying kiss sa'yo bago tuluyang umalis.

 

 

Naiwan ka lang nakapako sa sala.

 

 

"What the hell?" 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

Humikab ka at nag-unat nang lumabas na ang panghuli mong outpatient for the day. Ilang oras lang rin ang naging tulog mo kaya napagod ka talaga.

 

"Lunch tayo!" Napatingin naman si Mijoo at Wendy sa'yo. 

 

"Po?" takang tanong ni nurse Mijoo. 

 

"Lunch tayo kako," tawa mo. "Libre ko."

 

"Nako, thank you nalang Doc Bae," malungkot

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
happy new year! /proof of life/

see u sa valentines for QT32!

Comments

You must be logged in to comment
Iamyourjoy #1
hello, nagbabalik na naman ako dito huhu mahal na mahal ko kayo team tangi 😭
alexis_keithh
#2
reread 😖 miss ko na kayo huhu :'((
xantheaverielle
#3
Chapter 3: Rereading :( Miss you Team Tangi 🥺 comfort characters ko talaga kayo
alexis_keithh
#4
Chapter 12: miss ko na team tangi 😭💔
DivisionOne_Seven
#5
Maghihintay.
wafflegi #6
I MISS YOU.
hi_sseulgae
#7
final na po di ko today??🤧
hi_sseulgae
#8
this year po ba na valentines??😔
xantheaverielle
#9
Chapter 44: I miss my magtangi 🥺
sevrf_ #10
Chapter 44: i miss you both🥹