Out-BREAK?

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

GUYS TIGNAN NIYO YUNG CUTE NATING COVER AHAHAH WALA NAKYUKYUTAN TALAGA AKO KAY PROF TANGI DIYAN!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Chapter 16

 

 

 

 

 

 

 

OUT-BREAK?

[MARCH 5, 2020 - Thursday]

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Joohyun

 

 

 

1:00am

Mas maaga kang nakauwi ngayon compared kahapon. Technically, hindi parin pala maaga dahil ala una na ng madaling araw. 

 

At gaya ng nadatnan mo noon, bukas na naman ang ilaw ng kwarto niyo. Ang pinagkaiba lang, isang nakaupo na Seulgi ang bumungad sa'yo ngayon.

 

Napangiti ka sa nakita. Tulog na tulog kasi ang tangi mo habang nakabaon ang mukha sa libro. Idagdag mo pa 'tong Macbook niyang nagsasalita pa, nasa Youtube, at mukhang nakatulog ito habang nanood ng,

 

"How to stay awake when sleepy?" Natawa ka sa nabasa mo at napatakip sa bibig. My goodness. Professor ba talaga 'tong jinowa mo o struggling college student? 

 

Napailing ka nalang bago ito pinatay. Sinara mo narin ang mga nakabukas niyang libro at tsaka binalikan ang tulog na girlfriend mo.

 

"Tangi," tusok mo sa pisngi niya, "Huy..."

 

Gumalaw naman siya.

 

"Tangiiii," Tinusok-tusok mo pa kaya napaugong na siya. "Go to bed na."

 

At mukhang natauhan siya dahil dahan-dahang bumukas ang kanyang mga mata. Inayos mo ang buhok niya at nginitian. 

 

"H-Hyun?" inaantok niyang tanong habang inaayos ang paningin. "Nakatulog ako?" Natawa kalang at tumango bago hinawakan ang kamay niya patayo dahil mukhang nagising na siya nang maayos.

 

"Akala ko mamayang 2 kapa." Humikab siya at nag-unat bago agad bumagsak sa kama habang ikaw, dumiretso muna sa closet para magpalit. Nakaligo kana rin naman sa station kanina.

 

"Wala na kasing gagawin," sagot mo pagbalik mo sakanya. "And I missed my tangi already."

 

Ngumiti agad siya sa'yo nang nakakaloko at nag finger gun pa. Baliw talaga. Hindi kana rin nag-aksaya ng oras para tabihan siya and in an instant, nasa isang mahigpit na yakap kana niya.

 

You closed your eyes in content.

 

Ang akap na buong araw mong hinintay.

 

Home.

 

 

 

Nanatili lang kayong nasa ganong posisyon, walang nagsasalita, at ninanamnam mo lang ang pakiramdam na matabihan siya muli nang ganito.

 

"What would I do without you?" Nilubayan mo na siya at itinaas ang ulo para halikan ang pisngi niya. "I love you, tangi."

 

Napangiti rin siya sa pakulo mo. "Love you too," sabay pisil sa braso mo.

 

"Kakaidlip mo pa?" 

 

"Oo," mahinang tawa niya, "May ginawa kasi akong presentation para sa review bukas."

 

"For your students?"

 

"Hmm, gusto ko kasi lahat sila pumasa."

 

"Bait mo naman, Prof Tangi." Tumawa lang siya at hinalikan ang buhok mo. Tapos may bigla kang naalala. May ibabalita ka pala sakanya ngayon at hinintay mo talagang makauwi ka muna para ikaw mismo ang magsabi sakanya.

 

"Nga pala," Itinaas mo ang katawan mo para tignan siya. "I have some good news for you."

 

"Ano 'yun?"

 

"Gising na si Chaeyoung."

 

Agad na nanlaki ang mata niya. "R-Really?!" Napaupo pa siya para tignan kung seryoso kaba talaga. "Totoo ba 'yan?!"

 

Tumango ka at ngumiti. "Nung iniwan kita sa parking lot kanina... siya 'yun."

 

"Oh my god," takip niya sa bibig, mas lalong nagising dahil sa balita mo. "Tumataas balahibo ko!" sigaw pa niya kaya natawa ka nalang. "Shet thank you Lord."

 

Malawak pa siyang napangiti bago bumalik na sa tabi mo. "Tangina... that's the only good thing I've heard today."

 

"I'm so happy for her. She fought really well."

 

"Oo nga. Grabe... 8 months. Matagal din pala. I'm so happy for her too."

 

Saglit din kayong natahimik habang patuloy pa niyang pinoproseso ang narinig.

 

"Masaya din ako para sa'yo," biglang sabi niya sa gitna ng katahimikan kaya nagtataka kang tumingala sakanya. "You fought well too."

 

Agad ka namang napangiti sa sinabi niya.

 

"Hindi lang naman ako. But thank you, tangi," halik mo sakanya, "This is why I love talking to you. Makes me love my work more."

 

"Dapat naba akong magselos niyan?"

 

Natawa ka at hinampas ang balikat niya. "Sira."

 

"Pero maiba, alam naba ng parents ni Chaeyoung?"

 

"Tinawagan na. Pero from what I've heard, hindi pa raw nakakadalaw." Napailing ka. "I don't know why."

 

Napakunot din ang noo niya. "Really? Diba dapat they'll be rushing dahil nagising na ang anak nila? Grabe naman. Bihira na nga silang makabisita tapos-" Pinutol mo siya gamit ang daliri mo.

 

"We don't know anything. Hintayin nalang natin."

 

Napasimangot siya at tumango. "Nga naman..." 

 

"Excited kalang ata makita 'yung ate niya eh."

 

Natawa siya. "Slight."

 

"Hmm, nasesense kong madadagdagan na naman ang potential hazards ko," biro mo kaya mas natawa siya at napayakap sa'yo nang mahigpit.

 

"Baliw ka, syempre nacurious lang ako. Malay ko ba sino 'tong ate niyang kilala ako."

 

The thing is, when Chaeyoung called you that night, begging for help and telling some sort of last words, nakiusap ito sa'yo na pakisabihan ang ate niya na 'sorry'.

 

Sorry.

 

Pero ang mas nakakapagtataka ay nabanggit niya ring kilala raw nitong ate niya si Seulgi.

 

Which was shocking, but you paid no more attention to that dahil your main goal that night was to stop her from what she's planning to do. She didn't mention a name. And you didn't push on that matter during that phone call. Kaya naman until now, it's been a mystery for the both of you.

 

And Seulgi is really dead curious.

 

Hinanap niya sa HS yearbook niya, wala namang kamukha ni Chae at dalawang 'Son' lang naman ang kaklase niya, ka-close pa talaga niya. Sa college din, wala, pati katrabaho, wala siyang mahanap na may ganoong apelyido. Schoolmate? 'Yan ang theory ni Seul. Baka ka-school niya noon, lower year, or higher year. At sa sobrang dami ng ka-apelyido niya, hindi na niya inisa-isa.

 

Wala talaga kayong alam.

 

Hihintayin niyo nalang itong bumisita.

 

"Feeling mo bibisita ate niya?"

 

"Maybe."

 

"Grabe noh? Hindi man lang bumisita ang ate niya in those eight months," iling ulit niya. "Hinanap ko talaga last year, tangi. I was thinking kasi na baka nag part ways na sila kaya di alam nung ate na nacoma siya."

 

"That's what I thought too."

 

"Tsaka pati sa HS at College yearbook, di ko mahanap." She clicked her tongue. "Sa Elem din sana kaso potek wala pala kaming yearbook dahil sa bagyo."

 

Natawa ka. "Tagal na nun. Sabi mo this year ibibigay?"

 

"Sabi nga nila. Pero grabe, kung di kami nagreklamo, hindi 'yun ibibigay."

 

"Can you remember ba a classmate of yours na ka-apelyido niya?"

 

Napaisip muna siya.

 

"Wala na eh. Di talaga matalas memory ko pagdating sa Elem." 

 

"Kawawa ka naman."

 

"Psh," irap niya kaya natawa ka nalang. "Tulog na tayo, tangi. Bisita ako bukas, pede?"

 

"Bawal nga."

 

"Nubayan."

 

"Haha good night baby."

 

"Baby?"

 

"Hmm..."

 

"Nah, Tangi parin gusto ko."

 

"Baby girl."

 

"Nang-aakit kaba? Kasi G ako kahit ala una."

 

"Hahahahaha."

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

1:00pm

Nagtatambay na naman kayo sa station niyo ngayon. Present ang lahat maliban kay Solar na may pinapaanak pa. Ewan mo ba, mula nung lumipat si Baek dito, lagi nang napupunta dito si Heechul at Jisoo. Aniya nila, susundan daw nila ang bibig ng St. Paul's, which is walang iba kundi ang asungot na si Baek. 

 

"-tapos naku si Doc Siwon! Naku naku naku mga bakla! Nakita ng isang nurse natin na may kasamang ibang babae!-"

 

Oh diba?

 

Kahit siguro mga chika galing sa department mo, sagap na sagap parin niya. Ibang klase talaga 'to. 

 

Hindi ka naman talaga interesado sa pinag-uusapan nila kaya nagphophone kalang habang nakasandal ang ulo kay Jennie. Tinignan mo pa siya gamit ang reflection ng phone mo. Pansin mo lang kasi, sobrang tahimik neto mula kahapon.

 

"Psst," tawag mo dahil mukhang hindi rin naman siya nakikinig kay Baek. "Okay kalang?" Hindi pa siya sumagot kaya pinisil mo ang paa niya. "Huy."

 

Nagtataka siyang bumaling sa'yo."H-Huh?"

 

"Okay kalang ba?"

 

Mukhang natauhan naman siya at inayos ang lalamunan. "Oo naman. Bakit?"

 

Umiling ka nalang. "Tahimik mo kasi."

 

"Ah...May iniisip lang."

 

You didn't push on it anymore. Baka pagod lang rin 'to. Sabagay... narinig mong busy din masyado ang Pedia ngayon kung saan siya naka-assign.

 

"Kumusta na si Chaeyoung?"

 

"Doing fine. Heechul's doing most of the work dun."

 

"Ah. San ka kanina naglunch?"

 

Nagtataka mo siyang tinignan. Ang random. "Sa caf lang naman. Kasama ko si Wendy. Ba't mo natanong?"

 

"Wendy?"

 

"Hm, why?"

 

Natahimik lang siya, hanggang sa narinig mo ang malalim niyang paghinga. Hinayaan mo nalang. At hindi narin kayo nagsalita pagkatapos nun.

 

Nagscroscroll ka sa IG nang biglang tumawa nang malakas si Baekhyun. Napalingon ka sa banda nila, at nagulat ka dahil nakatingin na pala sila sa inyo ni Jennie.

 

"Mga bakla!" tili niyang natatawa, "Ang cute ng mga jowabels niyo ditey!" Naguguluhan kang umupo nang maayos. Tinignan mo nang nagtataka si Jennie pero mahina lang rin siyang natawa.

 

"Anong meron?" tanong mo.

 

"Outdated si ateng!" Pinakita niya sa'yo ang phone niya at bumungad naman ang girlfriend mo at si Lisa.

 

Huh? Ano 'to?

 

"Ano 'yan?"

 

"Tiktok 'to gurl! Saang dimension kaba galing?" Sinamaan mo siya ng tingin. "Eto na oh! Panoorin mo. Kyut kyut nilang dalawa diyan."

 

Pinlay naman niya.

 

And oh my god.

 

Napaagik-ik ka kaagad sa nakita mo. Si Seulgi at Lisa pala, sumasayaw. Hahahaha! Ang cute cute pa nilang dalawa dahil hiyang-hiya pa sila habang sumasayaw. Halatang napagdisketahan dahil tungkol sa COVID ang ginagawa nila.

 

Proper hygiene ang tinuturo nila.May pa turo-turo pa sila at natutuwa ka dahil ang galing umacting ng tangi mo.

 

"Saan ba galing 'yan?" tawa mo at binalik ang phone niya. 

 

"Sa FB page ng Wesley," sagot ni Jennie. "Napagdisketahan daw sila ng Admin."

 

Natawa ka.

 

"Sabi ko na nga ba."

 

"Baek ipakita mo sakanya yung isa!" sigaw ni Heechul sabay tawa nang malakas. 

 

"Gago ka Heech!" Natatawa rin siyang binatukan ni Baek at nagtawanan silang tatlo ni Jisoo.

 

Nagtaka ka. "Anong meron?"

 

"HAHAHAHAHA!"

 

"HAHAHAHAHAHAHAHA!"

 

Napakunot ang noo mo at sinamaan si Heechul ng tingin.

 

"Nako madam wag nalang, hindi mo magugustuhan!" Teka bakit ba kasi sila natatawa? At dahil nga nacucurious kana, hinablot mo ulit ang phone ni Baek at nag-scroll pababa.

 

"Bahala ka~" tawang-tawang sabi ni Baek. "May surgery kapa naman mamaya baka iba mahiwa mo."

 

Sabay-sabay silang natawa.

 

And it hits you. Lalo na nang makita mo ang thumbnail ng kasunod na video.

 

Ah...

 

Kaya pala...

 

Ang nag-iisang Krystal Jung lang naman pala kasama ang jowa mo...

 

Mas lalo lang natawa si Baek dahil pinindot mo parin ito. Hindi mo na pinansin ang apat at pinanood nang maigi ang video. Pareho lang rin naman ang content. Tungkol sa virus. Pero this time, it's about how to interact with friends or with another person.

 

Social distancing daw.

 

One meter apart daw.

 

Proper cough etiquette daw.

 

No handshakes din daw.

 

Kaway nalang daw instead of beso.

 

At wow, talagang nirole-play nilang dalawa lahat 'yan.

 

Ang galing.

 

Ang informative naman ng pagturo nila. 

 

Dami mong nalearn.

 

Kung magaling umacting ang tangi mo kanina sa pa-wash your hands niya, pwes mas magaling naman siya dito sa beso-beso niya.

 

Ang cute din nilang dalawa. Sobra.

 

Binasa mo ang comments. Ayun, ang ganda naman daw ng mga teachers sa Wesley. Ano daw pangalan nung nasa kaliwa, tsaka yung nasa kanan. At lumabas na naman ang mga studyante nilang gustong-gusto silang dalawa.

 

Minsan rin naiisip mo sobrang close nga ba talaga nila sa loob ng Uni para pag-isipan ng mga studyante nang ganito? 

 

At ang galing din ng University na 'yan. Sa sobrang daming teachers, bakit silang dalawa pa? 

 

Bagay nga sila gaya nung isang comment.

 

Tumango-tango kalang at binalik kay Baekhyun ang phone niyang nakakainis sa mata mo ngayon. Nilingon mo sila. Tahimik pala silang nagpipigil ng tawa at hinihintay ang reaksyon mo.

 

 

At nung sinabi mong,

 

 

"Cute nila," non-chalant mong tugon, "Bagay nga."

 

 

Malakas na pagtawa ang narinig mo.

 

 

═══

 

 

 

 

2:00pm

Mag-isa kang nasa caf ngayon, umiinom ng espresso habang pinapanood ang cute na video ng jowa mo at si Krystal for the seventh time. Bakit ba? Cute nga kasi diba.

 

"Doc Bae?" nangingiting bati sayo ni Wendy na biglang sumulpot sa tabi mo.<

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
Omg thanks for the feature?!?! Ang cute ng star! Para at para lang po sa inyo ‘yan! Merry Christmas pala talaga!
No comments yet