A Normal Day

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

TRACK 01: Songbird - Fleetwood Mac  |

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Chapter 1

 

 

 

 

 

 

 

 

 

A NORMAL DAY

[TWO MONTHS BEFORE OUTBREAK]

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Seulgi

 

 

 

Red wine, check.

 

Candles, check.

 

Ano pa ba?

 

Hmmm....

 

Bibigay kaya siya sa rose petals na kinakalat sa sahig?

 

Ay shet. Wag na. Dadagdag lang ‘yan sa liligpitin mo at tsaka, ayaw mo naman sigurong pawalisin ang kadate mo ‘no?

 

Bigla kang nagkaroon ng very, very, bright idea kaya dali-dali mong isinara ang blinds at kinuha sa kwarto ang kabibili mong fairylights from Lazada. Nilagay mo ito sa taas at pinaikot-ikot pa. Namamangha mo itong tinignan nang bumaba ka. Ang ganda ng kinalabasan! Napapalakpak ka dahil sa totoo lang, pati ikaw kinilig sa paset-up mo.

 

Huwaw. Kahit papano, may talent ka naman pala sa ganito.

 

Di mo na rin tuloy napigilan ang sariling kuhanan ito ng litrato.

 

A message popped up habang kinatutuwaan mo ito. May text pala siya, malapit na raw. Hindi mo alam pero bigla kang kinabahan. Hindi mo naman sana ito first time na sorpresahin siya pero kasi she’s your girl, and you always want the best for her.

 

Naks! May connect ba ‘yun?

 

Natawa ka na lang sa sarili dahil lumalabas na naman ang pagka-senti mo even in this random situation. Lumapit ka sa vinyl mong nakatayo sa gilid at pinatugtog ang favorite song mong naging favorite na rin niya.

 

(Paanong hindi? Lagi kayang nakatugtog ‘to sa sasakyan mo.)

 

Eto talaga ‘yung kantang ‘yun. Songbird by Fleetwood Mac. Napaka-significant ng kantang ‘to sa ‘yo for some reasons. Nakakagaan ng loob, ‘yung para ka nang nasa ulap habang pinapakinggan ito. Kaya siguro kinikilig ka rin ngayon dahil naiisip mo lagi ang jowa mo kapag tumutugtog ‘to.

 

 

For you, there’ll be no more crying.
For you, the sun will be shining.

 

 

Umalingawngaw na ang first verse.

 

Napangiti ka.

 

 

 

 

Di nagtagal, nakarinig ka na nga ng mahihinang kaluskos mula sa labas. Andiyan na siguro siya. Bigla ka tuloy nag-panic. Pinatay mo na ang ilaw dahil baka masira pa ang surprise mo nang wala sa oras. Dali-dali mo ring hininaan ang tunog bago tumakbo sa gilid ng ref para magtago. Hahahaha!

 

Pati ikaw natatawa na lang sa pinagagawa mo.

 

“Seul?” rinig mong tawag niya mula sa hallway.

 

Tinakpan mo ang bibig mo dahil natatawa ka bigla. For sure, inakala niya na wala ka pa dahil hindi ka nagreply sa message niya kanina, and normally, that means hindi ka pa nakakauwi at busy ka pa sa Uni.

 

“Tangi?...Are you—”

 

Nacurious ka kung bakit napahinto siya.

 

Nasa kusina na ba siya?

 

Unti-unti kang sumilip, bago mo pa tuluyang mailabas ang ulo mo, bumungad na sa harap mo ang pigura niya. She’s here. Napangiti ka kaagad. Kahit hindi pa siya humaharap, alam mong nakatulala na siya sa ngayon sa nadatnan niyang sinet-up mo.

 

Lumalawak na ang ngiti mo at hindi ka rin talaga magaling sa pagpipigil. Lumakad ka na sa kinaroroonan niya at agad niyakap siya mula sa likod para panggigilan siya.

 

“Tangiiiiii!”

 

Naramdaman mo ang pagkabigla niya. Natawa ka at ibinaon pa lalo ang ulo sa leeg niya nang bumalot na kaagad sa ‘yo ang kanyang presensya.

 

Buong araw mong hinintay na gawin ‘to.

 

Wala pa rin siyang masabi. You giggled again, lovingly pecked her cheek kahit ayaw na ayaw pa naman niyang lumalapit ka nang ganito kapag kakagaling lang niya sa work.

 

Lumuwang ang yakap mo nang dahan-dahan siyang humarap sa ‘yo. Like how you expected it to be, ang lawak lawak din ng ngiti niya, just as wide as yours. Kitang-kita pa rin sa mga mata niya ang gulat mula sa nadatnan.

 

Aweee…was she really surprised?

 

“A-Ano to?” she stuttered, still stunned.

 

“Surprise?”

 

Napatitig lang siya sa ‘yo. Parang hindi na rin niya alam ang sasabihin dahil bigla ka na lang niyang niyakap ulit. Sobrang higpit. Ramdam mo ang ngiti niya sa leeg mo kaya ‘di mo na mapigilang banggitin ang mga salitang laging nagnanais kumawala kapang nakikita mo siya.

 

 

“And I love you, I love you, I love you, like never before…”

 

 

Sakto namang pa-chorus na ang kanta kaya kinanta mo na lang ito habang nang-aasar na tinitignan siya. Bakit ba? Sweet naman ah! Napatawa ka rin sa sarili mong boses at ka-cornyhan pero kahit ganon, mas lalo pang lumiwanag ang mga mata niya sa ginawa mo.

 

Hinawakan niya ang pisngi mo. “I love you too, tangi.”

 

Napangiti ka when she settled to place a chaste kiss on your lips.

 

“But what’s with the candles?” nahihiya niyang tanong bago pinulupot ang mga kamay sa leeg mo. Sasagot ka na sana pero biglang dumampi muli ang mga labi niya sa ‘yo.

 

Nabigla ka naman.

 

Nakangisi pa siyang humiwalay, habang ikaw, slight pang natulala sa pagnanakaw niya ng halik sa ‘yo. Umurong ang mga salita mo, nakalimutan mo na tuloy ang sasabihin mong sagot sa tanong niya.

 

Bakit naman kasi…ganon…diba?

 

At mukhang napansin niya ang pagkalutang mo dahil mahina siyang natawa.

 

Hindi mo tuloy mapigilang mahawa at mapailing na lang rin. “Sabi kasi ni mareng Jennie sobrang busy niyo raw kanina.” Maingat mo siyang hinila sa upuan niya. Kinuha mo na rin ang tote bag na nakasukbit pa rin sa balikat niya at ikaw na rin ang nag-tanggal ng white coat na suot pa rin niya, your favorite thing to do kapag sinasalubong mo siya from work.

 

“Thanks, tangi…” Ngumiti ka lang at nilagay ang mga ito sa countertop.

 

Tumakbo ka muna sa may bintana tsaka binuksan muli ang blinds. ‘Yan, para naman kitang-kita ang napakagandang city lights. Nilakasan mo rin ng slight ang favorite song niyo— all for a perfect night you have ahead.

 

Narinig mo ang tawa ni Hyun mula sa kusina dahil sa pakulo mo.

 

Pakanta-kanta ka pa pabalik sa kanya, siya nama’y sinusundan ka gamit ang mga mata— at siyempre ng ngitian niyang mahal na mahal mo.

 

Binuksan mo ang mga pagkain. Konti lang naman ang hinanda mo dahil hindi niyo rin naman nauubos. Sana nga hindi pa ‘to nilalamig.

 

“Nagluto ka?” medyo alinlangan niyang tanong.

 

“Luh, ang ganda na ng set-up tapos sisirain ko lang dahil nagluto ako?”

 

Natawa siya. “Silly, I love it naman when you cook.”

 

“Heh. Kaya pala pinakain mo lang kay Waffles ‘yung niluto kong adobo last week.”

 

Nanlaki ang mata niya. “Huy kinain ko kaya ‘yun!”

 

“Okaaay. Sabi mo eh.”

 

“Kinain ko nga!”

 

“Ano? Naniniwala naman ako ah.”

 

Nagpipigil ka na ng tawa dahil akalain mo, pwede pala maging ganito ka cute ang iniidolong doktor ng St. Paul’s Medical Center?

 

“Kinain ko talaga ‘yun…Promise…Ang dami lang nung niluto mo kaya binigyan ko na rin si Waffles para hindi sayang…” depensa pa niya habang nakanguso. She looked so adorable katawa ka na nang tuluyan. Nahampas ka tuloy niya from across the table.

 

 

 

 

 

 

Kumain na rin kayo peacefully. As usual, you just talked about random stuff. She even asked you about your day, kaya shinare mo kung bakit ka in a good mood ngayon.

 

“Talaga? As in for a whole week walang classes?”

 

“Yup! Nagmeeting kami kanina. They want to ensure daw the safety of the students,” nakangiti mo pang nilagyan ng steak ang plate niya, ”Tsaka it’s understandable naman. Marami rin kaming students na Chinese eh, and diba kakatapos lang ng Chinese New Year?”

 

Napatango siya. “Nga naman.”

 

“Stress-free week, baby!” Umacting ka pa with matching fist in the air na siyang ikinatawa niya.

 

Siyempre, mahabang pahinga kaya ‘yan!

 

“Awww…diba sad ka dapat?”

 

“Huh? Bakit naman?”

 

“Dahil one-week mong ‘di makikita ‘yung kabit mo?”

 

Napahinto ka sa pagkain.

 

A-Ano…raw?

 

K-Kabit?

 

KABIT?!

 

Teka kailan, ano, sinong kabit ba ang tinutukoy niya?!

 

“K-Kabit…?” ‘di makapaniwalang tanong mo. Pero ‘yung ngiti niya obvious na nang-aasar at inirapan ka pa talaga.

 

“Oo. Sino nga ulit ‘yun? Krystal Jung?” Napaubo ka na nang wala sa oras. Nabulunan ka na kahit hindi pa nakakapasok ang kutsara sa bibig mo dahil ano raw?! Si Krystal Jung?! Si Krystal Jung na bagong faculty member ng SHS Department?!

 

“Si Krystal?!” shookt mong sabi, ”Bakit naman siya nasali? At tsaka kabit ka diyan! Loyal ako sa ‘yo ‘no!”

 

Tumawa lang siya, halatang inaasar ka pa rin sa mukha niyang ‘yan.

 

“Sige nga, why do you keep on messaging each other?”

 

“Excuse me?! Why does she keep on messaging me kamo! Hindi ko nga nirereplyan ‘yun eh!”

 

“Sabi mo she’s pretty,” hamon pa niya.

 

“Maganda naman tala—” Lumunok ka nang makita ang paglisik ng mga mata niya. “Mas maganda ka, tangi. Pinakamaganda sa lahat.”

 

“May sasabihin ka kanina eh.” Umirap tuloy siya. “Tsaka I heard tinutukso siya ng mga workmates niya sa ‘yo. Bagay daw kayo, parehong Science teachers.”

 

Mas lalong nanlaki ang mata mo.

 

Saan naman niya nakuha ‘yan?!

 

Napabusangot ka na tuloy. “Tangi naman…”

 

At finally sa awa ng Diyos, tinigilan ka na niya. Hindi mo alam kung nang-aasar lang ba talaga siya o ano pero pucha, nakakakilabot naman ‘tong pinagsasasabi niya. Si Krystal pa talaga?! Natatawa niyang hinawakan ang kamay mo at pinisil. At dahil kunwari nagtatampo ka, mahina mong pinitik ito bago itinuloy ang pagkain.

 

Natawa ulit siya. “Joke lang, tangi. I love you.”

 

“Kainis naman. Nag-effort pa naman ako dito tapos—” Hindi mo na natapos dahil bigla siyang tumayo, reaching out to you for a sweet kiss. On your lips. Nakangisi pa siyang bumalik sa upuan niya at parang wala lang na kumain ulit.

 

Teka ano ’yun? Kiss and run? Aba, nakakarami ka na Bae Joohyun ah!

 

“What?” taas-kilay niyang tanong nang mapansin ang titig mo. Nakalimutan mo tuloy ang mini-drama mo kanina kaya napailing ka na lang bago sinubo ang steak na nasa tinidor mo.

 

“Nga pala tangi,” bigla niyang sabi, ”You talked to Jennie kanina?”

 

“Oo. Hindi ka kasi nagreply. Kaya ‘yun…sobrang busy niyo raw, sabi niya.”

 

“I see…sorry pala.”

 

“It’s okay. Sobrang packed ba talaga kanina?”

 

Ang cute dahil napasimangot siya. “Yeah. Nothing new in Neuro nga.”

 

“The virus…how’s it affecting the hospital ba?”

 

Napaisip siya. “Hmm, I’ve heard a lot. Ever since nabalita ‘yung virus, andami na raw nagpaconsult kahit minor symptoms pa lang. I mean, I’m not complaining ha, kasi good precaution naman ‘yun for them, pero there were some patients kasi kanina na nagiinsist talaga na they have the virus daw which is a no no.”

 

“Like gusto na agad magpatest?”

 

“Oo and hindi pa kaya ‘yun easily accessible ngayon.”

 

“Grabe naman pala…”

 

Nga naman, sinong hindi mag-aalala do’n? Eh sa mga news pa lang na kumakalat, talagang mababahala ka.

 

“Nakakaawa nga tangi eh. May nakita din akong little boy na inatake ng asthma kanina nung n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
happy new year! /proof of life/

see u sa valentines for QT32!

Comments

You must be logged in to comment
Iamyourjoy #1
hello, nagbabalik na naman ako dito huhu mahal na mahal ko kayo team tangi 😭
alexis_keithh
#2
reread 😖 miss ko na kayo huhu :'((
xantheaverielle
#3
Chapter 3: Rereading :( Miss you Team Tangi 🥺 comfort characters ko talaga kayo
alexis_keithh
#4
Chapter 12: miss ko na team tangi 😭💔
DivisionOne_Seven
#5
Maghihintay.
wafflegi #6
I MISS YOU.
hi_sseulgae
#7
final na po di ko today??🤧
hi_sseulgae
#8
this year po ba na valentines??😔
xantheaverielle
#9
Chapter 44: I miss my magtangi 🥺
sevrf_ #10
Chapter 44: i miss you both🥹