Yellow Line

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

 

I swear, hindi pa talaga tayo nakakalahati sa storyline. I just want to make most out of this story, ganon. I don't feel like rushing this at all dahil nahohook din ako sa kanila and I'm really enjoying this too. Ah, and I hope you'll love its pace and be with me until then :) And huhu salamat sa cute niyong comments, natutuwa talaga akong magbasa!

 

TikToker Doc/Prof Tangi content. 

And a thread of goodbyes.

 

 

 

 

 

 

TRACKS 11-13: Huminahon / Pag-Uwi-   | 

 

 

 

 

 

 

 

 

Chapter 19

 

 

 

 

 

 

 

 

'Cause no matter if our blue skies turn to gray
There's a ray of sun that's bound to light our way

 

 

 

 

 

 

 

YELLOW LINE

[MARCH 13, 2020 - Friday]

 

 


 

 

 

 

 

 

 

 

Joohyun

 

 

 

Kung may nagsabi lang sana sayo na ganito pala ang magiging kahantungan ng paday-off mo, edi sana hindi ka nalang nagpadala sa kaclingyhan mo at pumasok nalang.

 

 

Dahil nasaan ka nga ba ngayon?

 

 

Oo, tama.

 

 

Nasa harap ka lang naman ng bahay ng babaeng pinakaseselosan mo. Astig diba?

 

 

Nilibot mo muna ang paningin mo. May cute din pala siyang aso. Mukhang may bagong crush na naman si Waffles. May sasakyan din siyang nakaparada sa garage niya. Eto ata yung sinasabi ni Seul na "ang super cool tangi!" dahil latest ng Montero. Edi waw.

 

Pero mas agaw-pansin ang motor sa tabi nito. It's cool tho, yung hindi girly type. It's like the ones you see on TV na nagraracing. Marunong pala siya?

 

"Hindi parin ako makapaniwala." Biglang sabi ng katabi mo habang magkahawak-kamay kayong nakatayo sa harap ng pinto ng kabit niya.

 

"Bakit?" Taas-kilay mong sabi.

 

"May bago na tayong kapitbahay na kaclose ko- aray!"

 

Sumama ang mukha mo at pinandilatan siya.

 

"Hindi ka pwedeng maging masaya."

 

"Eh?"

 

"Nagseselos parin ako sa inyo." Pagdidiin mo at nilapit ang mukha sakanya. "Kaya wag na wag kang magkakamaling landiin yung kabit mo sa harap ko ngayon."

 

Tinignan ka niya na parang nahihibang kana. "Lalandiin? Hindi naman-"

 

Pinutol mo siya sa isang halik, sabay sabing,

 

"Ako. Ako yung kinama mo kagabi."

 

Pinindot mo na agad ang doorbell.

 

 

 

═══

 

 

 

Nung aksidente kayong nagkita ni Krystal Jung kaninang umaga, she invited you over for lunch. Sabi niya you can take it daw as an apology for the way she acted the first time you met doon sa Wesley.

 

Hindi mo naman sana kailangan yun pero she insisted, at least pa-housewarming niya nalang din daw.

 

Umoo ka nalang.

 

You're wondering din kasi dahil she seems alone.

 

That's why you're here,

 

Inside her house,

 

You honestly don't know how to think about this, kung matutuwa kaba o hindi. Not that it's your business to react on, pero bumalik na naman ang mga remnants ng jealous fits mo noon.

 

This is the same girl who almost claimed Seulgi in front of you.

 

The same girl who confessed sa girlfriend mo that she likes her, pero she'll figure it out pa, as if may pinagkaiba yun.

 

Her house is just a street away from yours, which means magkakalapit na naman sila ng girlfriend mo. And naalala mo how Seulgi was too happy nung binalita mo sakanya. Ewan mo nalang. Umuusok na naman ang utak mo at the thought of that.

 

Naiwan kayong tatlo sa living room niyang kebago-bago. Oo, tatlo, dahil andito rin 'tong asungot na bestfriend ng jowa mo, which is a relief by the way dahil my goodness, how awkward would it have been kung kayong dalawa lang ni Seulgi ang andito ngayon.

 

"Doc Bae." Pangungulit na naman ni Lisa sa'yo.

 

"Ano na naman?" Naiinis mong sabi dahil kanina pa yan nang-aasar sayo, kesyo ano daw feeling na nasa bahay ng karibal mo. Psh. Sarap nilang tusukin. Silang dalawa ng girlfriend mo.

 

"May pinapasabi si Jennie." Pinakita niya ang phone niya sabay taas ng kamay at pumikit pa.. "Fighting daw." 

 

Peste.

 

Umugong ka at hinawi ito. Sinamaan mo siya ng tingin kaya mas lalo siyang natawa at napatakip pa ng bibig para hindi marinig ng may-ari ng bahay.

 

Bwisit talaga.

 

Magsasalita kana sana nang biglang sumingit ang girlfriend mo.

 

"Ano ba yan, Lisa." Tulak ni Seulgi sakanya. "Huwag ka ngang magulo. Dun ka nga."

 

"Hindi ko talaga inexpect 'to." Natatawang turo niya sa'yo. "Doc Bae is here. Wah, I'm flabbergasted."

 

Umirap ka. "Spell."

 

"Surprised nalang."

 

Muntik kana tuloyng matawa.

 

Ang comic talaga ng asungot na'to.

 

 

 

 

Di nagtagal, narinig niyong sumigaw si Krystal Jung mula sa kusina. "Malapit na talaga 'to!" Tawang sabi niya, saglit na nilabas ang ulo bago nawala ulit.

 

She's still finishing up your food dahil matagal daw siyang natapos sa pag-aayos. Anyway, Seul also mentioned na this girl's good sa kusina raw. Pano niya kaya alam?

 

Tinignan mo siya kaya napatingin din siya sa'yo.

 

"What?" Tanong niya.

 

"Tulungan mo." 

 

Nagulat naman siya. "H-Ha? Eh hindi ako marunong-"

 

Tinulak mo na siya patayo. "Tulungan mo na kasi. Nakakahiya naman sakanya." Saglit pa siyang natahimik, nakatitig sa'yo na parang tinatansya kung may motibo kaba o wala.

 

Napairap ka naman. "It's fine. Just go."

 

Narinig mong tumawa si Lisa.

 

"Go na kasi, tangi." Pang-aasar pa niya sa inyo. "Huwag nang matigas ang ulo."

 

"Ikaw kaya tumulong dun?"

 

"Hindi ko naman kabit 'yun."

 

"Putang-" Akmang susugurin niya na ang kaibigan kaya hinila mo siya paupo.

 

"Pupunta ka dun o kakaladkarin kita?"

 

Napaagik-ik muli si Lisa. Dahan-dahan nang tumayo si Seulgi. Nakatingin pa siya sa'yo nang masama kaya tinaasan mo siya ng kilay. Umiling nalang siya at suminghap bago naglakad, binatukan pa talaga si Lisa bago tuluyang nawala sa paningin niyo.

 

"Wah." Agad lumipat sa tabi mo ang isa. "Hindi naman pala selosa si Doc Bae."

 

"Isa nalang, Manoban."

 

"Alam mo bang cooker talaga 'yang si Ms. Jung?" Bulong niya sa'yo kaya napatingin ka sakanya. "Magaling magluto 'yan. Si Seulgi nakikikain nga sa lunch niya minsan."

 

Tumaas ang kilay mo sa sinabi niya.

 

"Ay lagot." Tawang takip niya sa bibig, "Wala akong sinabi."

 

Napairap ka nalang.

 

Nakikikain pala ah.

 

Ano siya? Baboy?

 

"Tell me," Paghahalukip-kip mo at bumulong. "Gaano ba talaga kaclose ang dalawang 'to?"

 

"Sino? Sila?"

 

"Hindi, kayo." Sarkastiko mong sabi sabay irap.

 

"Ah. Silang dalawa pala. Close na close lang. Close na parang close, ganon." Tinignan mo siyang naguguluhan. "Actually, close talaga. Pero di yung close na close na naiisip mo. Tamang close lang, yung tipong close sila, kasi close- AW!"

 

"Are you abnormal or are you abnormal?!"

 

Natawa ulit siya, yung tipong konti nalang maiihi na kaya nainis ka ulit at hinampas na naman siya. Ugh, paano ba natiis ni Ruby Jane ang babaeng 'to?

 

"Eto na. Close talaga sila. Kami din naman. Pero sila yung mas close. Pero para kay chong, close lang naman na close, hindi yung close na close na ayaw mo. Pero sa isa, ewan, parang close na close ang gusto, yung close na pang-close kasi close-"

 

Tinulak mo siya.

 

"Nagtitimpi na talaga ako sa'yo." Napaihip ka nalang ng bangs mo. "Gulo mo kausap."

 

"Pero gets mo noh?"

 

May slight karin namang nakuha sa pag-aalien niya. Pero umirap ka parin. "Whatever."

 

Natawa siya at kumuha nalang ng candy na nasa center table. Nandidiri mo lang siyang pinanood habang nginunguya niya ito na parang bata.

 

"Pero ang sudden. Wala naman nabanggit si Krystal samin." Bulong niya ulit. "Mag-isa lang kasi 'yang nakatira dito sa Pinas."

 

Medyo nagulat karin. Nasaan pala ang mga magulang niya? Magtatanong kapa sana nang bigla kayong nakarinig ng malakas na pagtawa mula sa kusina.

 

"Luh." Natatawang sabi niya. "Naghahabulan ba sila dun?"

 

Napakunot ang noo mo dahil naririnig mo rin ang pagtawa ng girlfriend mo.

 

Para silang wavelength. Pero yung tipong nakakainis sa tenga mo, ganon.

 

Edi waw.

 

Saya naman nila.

 

"Grizzle daw oh."

 

Tinignan mo siya. "Alam mo ano 'yan?"

 

"Tawagan nila." Nang-aasar itong tumingin sayo. "Ekis ang tangi niyo! Ey ey ey!"

 

Inikutan mo siya ng mata.

 

"Joke, tawag lang pala ni Krystal sakanya."

 

You sure have read their convo once, nung pinabasa ni Seulgi sa'yo, and she sometimes calls your girlfriend that.

 

Tumaas parin ang dugo mo ng mga 1cm kahit medyo alam mo na 'yan.

 

"Feel mo, anong ibig sabihin niyan?"

 

Nagbikit-balikat lang ito. "Ewan. Baka hot?"

 

"Hot?"

 

"Sizzling Sisig, ganon. Sizzling Seulgi. Grizzle para hindi mo obvious."

 

Napaisip ka at mas lalong napakunot ang noo.

 

Totoo kaya yan?

 

What the hell?

 

Ang baduy.

 

"Ang ineeet." Agad kang napalingon sa katabi mo. "Hinaan mo naman yang usok mo, Doc Bae. Ikaw nagpapunta sakanya doon."

 

Hinampas mo muna siya bago umusog palayo.

 

"Konti ka nalang sa'kin."

 

"HAHAHAHAHAHA!"

 

"Naiinis ako, tumahimik ka."

 

"Kanino?"

 

"Kay Sizzling Seulgi."

 

"HAHAHAHAHAHAHA!"

 

 

═══

 

 

Di nagtagal ay lumabas na nga sa kusina ang dalawa bitbit ang mga pagkain. Tawang-tawa parin si Krystal Jung at napansin mo ring medyo marumi na ang black shirt ni Seulgi. Ginagawa nila?

 

"Guess what-"

 

"Krystal Jung sinasabi ko sa'yo."

 

Pero hindi niya pinansin ang girlfriend mo.

 

"I made a cake for you guys. And I asked her na ilagay yung batter sa pan." Natatawang sabi niya sa inyo. "Hulaan niyo anong ginawa niya."

 

"Ano?" Tanong ng katabi mo.

 

"Wala!" Hampas ng jowa mo sa kabit niya. "Akala ko ba what stays in the kitchen stays in the kitchen?!"

 

Tumawa na naman si Krystal.

 

Nakitawa nalang rin kayo ni Lisa.

 

"Nevermind." Pigil tawang sabi niya at inayos nalang ang hapag. Tumayo narin kayo ng katabi mo at tumulong.

 

Pero bigla siyang lumapit sa'yo si Krystal at bumulong. "May cooking skills ba 'tong jowa mo?"

 

Muntik kana ring matawa. "Bakit?"

 

"Sa halip na batter ang ilagay, she placed a whole butter instead. Damn."

 

 

 

═══

 

 

 


"Masarap. Masarap talaga dahil tumulong ako." Thumbs-up ng jowa mo habang nginunguya ang kinakain. Mahina mong kinurot ang tuhod niya kaya natauhan siya at nilunok muna ang nasa bibig niya.

 

"Thank you, ha?" Sabay irap ni Krystal sakanya bago nakangiting bumaling sa'yo. "Pero mas gusto kong marinig ang comment ni Doc."

 

Ngumiti ka at nag thumbs-up rin. "Masarap."

 

"Yown!"

 

"Naks, edi magsama kayong magagaling magluto."

 

Excited na tumingin ulit si Krystal sa'yo. "Talaga? Do you love to cook din?"

 

Nahihiya kang tumango. "Pwede narin."

 

"Omg!" She looks at you excitingly. "We should cook together some other time!"

 

Tama nga si Seulgi.

 

She's so bubbly and cheerful.

 

Kaya ngumiti ka narin at tumango. "Sure sure. I like that."

 

"Nice." Sabay kindat sa'yo. "Tayong dalawa lang ah."

 

"Aba aba." Paglapag ng jowa mo ng kutsara niya. "Marunong ako noh, mapanlait ka lang."

 

"Marunong lang kumain kamo. Hindi mo nga alam ang pinagkaiba ng batter sa butter." sumbat niya kay Seulgi. At nagsimula na naman silang magbangayan.

 

Mahinang binunggo ni Lisa ang paa mo kaya sinamaan mo siya ng tingin.

 

"Ako din marunong!" Taas-kamay ni Lisa. Biglang natahimik ang dalawa kaya dahan-dahan niyang binaba ang kamay niya. "S-Share ko lang naman."

 

 

═══

 

 

"Bakit ka nga pala nalipat dito?" 

 

"Yung nakatira dito noon, si Mrs. Reyes-" Bumaling siya sa inyo ni Seul. "-kilala niyo?"

 

Tumango kayo.

 

"She's my aunt's best friend. Kaya nung nagmigrate sila, nirecommend niya 'tong bahay sa aunt ko. And it's actually a good choice dahil ang lapit lang ng Wesley dito. Sayang nga lang dahil wala na palang pasok."

 

Oo nga naman. Iyan din ang rason kung bakit niyo pinili ang subdivision na'to. Parehong malapit sa Wesley at St. Paul's.

 

"Titira din 'yung tita mo dito?" Tanong ng katabi mo. "Nasan siya?"

 

"Oo. Pero she's still in Spain. Uuwi na sana pero hindi na makalusot dahil sa COVID."

 

She'll be living with her aunt?

 

Bakit kaya?

 

Is she away from her parents ba?

 

"Ah..." Tango ni Seul. "Eh bakit di mo'ko sinabihan na magiging magkasubdivision tayo? Nakakatampo ka naman."

 

Natawa naman siya. "Surprise ko sana 'yun ngayon kaso mas nasurprise ako." Nang-aasar niyang turo sa inyong dalawa. "Iba din kayo ah..."

 

She seems to be really genuine with her words, muntik mo nang makalimutang may gusto pala to sa jowa mo. Hindi mo alam kung she's acting or not, but she's really talking about you na parang ang saya-saya niyang going strong kayo ni Seulgi.

 

For someone observant, she seems really sincere.

 

Inaamin mo, this is not how you imagined Krystal Jung to be.

 

"How many years na kayong nagsasama?" Ngiting tanong niya sayo.

 

Nilunok mo muna ang pagkain mo. "Almost three years narin."

 

Nagulat pa siya. "Oh wow. Ang tagal na pala."

 

You just smiled, hindi mo talaga kasi alam ang sasabihin when people comment about how long you and Seul are living together.

 

Pero you feel that sense of pride. Because your marveled at the thought of keeping up with Seulgi that long too.

 

"I really didn't know na you two were living together." Napailing nalang siya pero napangiti parin. "Grabe 'tong si Seul, ilang beses ko nang sinabay pauwi pero di man lang nagsasabi. Grabe talaga."

 

"Weh di ka naman nagtanong."

 

"Hoy ilang beses ko ng tinanong kung bakit ang tahimik ng bahay niyo tapos tumatawa kalang." Inirapan niya ang girlfriend mo bago nakangiting bumaling ulit sa'yo. "Pero alam mo bang she talks about you every damn time?"

 

Napalingon ka rin kay Seulgi at tinaasan siya ng kilay.

 

"Hoy amalayer ka!" Sigaw niya kay Krystal. "Grabe naman sa every damn time!"

 

"Asus." Hinawakan niya ang braso mo kaya napatingin ka ulit sakanya. "She called out your name in her sleep too nung nag-Baguio kami."

 

Natawa ka. "Talaga?"

 

Natawa din siya. "Oo."

 

"Talaga?" Gulat ding sabi ni Seul. "Ngayon ko lang alam 'yan."

 

"HAHAHAHAHHA Wet dreams 'yun!"

 

Napalingon kayo kay Lisa kaya agad itong napatikom ng bibig.

 

"I-I mean wet... yung maiihi... ganon... hehe di pala ako kasali... sige tuloy niyo lang... sarap manood ng The Legal-"

 

Malakas mo rin siyang sinipa sa ilalim kaya natahimik ito at pasimpleng napadaing.

 

"The Legal?"

 

"T-The Law pala yun. I lav dat movie."

 

Napatango nalang si Krystal bago excited na tumingin sa inyo. "Ah, should we watch a movie after neto?"

 

 

═══

 

 

The lunch didn't even turn out awkward gaya ng inexpect mo. Akala mo it would be bad dahil nga hindi naging maganda ang unang pagkikita ninyo. But wow, malayong naging ganoon.

 

She made sure na nasasali ka sa usapan knowing na magkatrabaho na silang tatlo at mas may pinagsamahan sila. She's been including you sa usapan, making sure you don't feel uncomfortable.

 

You found yourself laughing and smiling along with them.

 

Which was weird because you're usually shy around strangers.

 

And she was really serious with her pambabawi dahil she's been overly friendly sa'yo, na para bang long lost friends kayo na ngayon lang ulit nagkita.

 

This girl is really playful and bubbly.

 

No wonder magaan ang loob sakanya ni Seulgi.

 

Yet among all, it doesn't change the fact na may gusto parin siya sa jowa mo. And it's obvious. Really obvious. Ngayon mo lang mas narealize ito dahil mas nakasama mo siya nang matagal.

 

Those lingering touches she gives sa jowa mo kapag nag-aasaran sila,

 

The way she heartily laughs when Seulgi's gets along with her,

 

The way her eyes turns crescents when Seulgi does or says something cute,

 

The way she rebuts para makipag-asaran sa girlfriend mo,

 

At syempre, the way she looks at Seulgi, na parang she hung the moon and the stars for her.

 

Damn.

 

Of course halatang-halata sayo.

 

Because you look at Seulgi exactly like that.

 

 

But she isn't really doing it on purpose. She's far from provoking you, bilang girlfriend ng taong gusto niya. Alam mo yun. Masyado lang siyang obvious at masyado karing observant kaya kitang-kita sayo.

 

You're guessing she's that type of girl to wear her heart out under her sleeves, really showing others how she really feels.

 

Parang hindi naman siya ang tipong insensitive. Dahil parang nakuha niya ang loob ni Seulgi dahil ganyan talaga siya, ganyan ang personality niya, which Seulgi vibes along with.

 

Or namali kalang ng pagbasa?

 

Gulo. This girl's really something.

 

You mentally sighed at itinuon nalang ang pakikinig sakanya. Naiwan kayong dalawa sa sala habang naghuhugas ang dalawa. Wag niyo ng tanungin kung sino ang humila kay Seulgi doon.

 

Habang hinihintay sila para simulan ang movie-watching ninyo, naglalakad-lakad nalang muna kayo ngayon, tumitingin sa mga picture frames na tinuturo niya.

 

"Oh?" Turo mo sa isang picture. "Nakita nga namin ni Seul sa garage mo kanina. Marunong ka pala?"

 

Natatawa itong tumango. "Ganyan din magreact ang mga teachers sa Wesley."

 

"It's cool." Impressed mong sabi. "Ang cool mo tignan."

 

"Nagmomotocross ako before. Had to leave it behind when I went back dito sa Pinas."

 

"You're not from here?" Gulat mong tanong.

 

At parang natauhan din ito. "U-Uh yeah. I graduated... uhm abroad. Pero dito ako pinanganak."

 

Napatango kana lang rin. Ngayon mo lang alam 'yan. She seems caught of guard sa nasabi niya. Bakit kaya? Alam din kaya ni Seulgi?

 

Nagpatuloy lang kayo sa pagtitingin, and she's happily sharing you the back stories, at naaliw karin dahil ang bubbly niya rin talaga.

 

"Oh this one." Turo niya sa baby picture niya. "It's my only baby picture."

 

"Only?"

 

"Oo." Tawa niya. "Sabi ng mom ko, nakipicture talaga siya sa kapitbahay naming may camera para raw magka-baby pic lang talaga ako."

 

Natawa ka naman sa sinabi niya. 

 

"Is this your mom?" Turo mo sa katabing frame nito.

 

"Siya nga." 

 

"She's pretty."

 

"True. I wish I had the genes."

 

Gulat kang napatingin sakanya. "Do you have problems with your eyes... or?"

 

Natawa din siya. "Magjowa nga kayo. Pareho kayo ng sinabi ni Seulgi."

 

Ngumiti kana lang rin kahit tumaas ang kilay mo nang slight. Magaling din naman palang magcompliment tong jowa mo. Nice. Pareho nga kayo.

 

"Pero oo nga, she's pretty. Still the prettiest para sakin." Malungkot siyang ngumiti habang minamasdan ito. You wonder. And then it hits you. 

 

At mukhang napansin niya ang paghinto mo dahil napalingon ito sayo at mahinang natawa.

 

"Hm." Ngiti niya sayo sabay tango. "Cancer."

 

You're taken aback. "Sorry."

 

"It's fine." She assured you. "This was taken somewhere in Amsterdam. Not sure kung saan exactly. But doon siya nagtrabaho noon, kaya..."

 

"Parang I've seen it somewhere din."

 

Napaisip ka muna. Saan mo nga ba nakita 'to?

 

Napatingin din siya sayo. "You know this place? I've been trying to look for it."

 

Tapos bigla mong naalala ang picture ng Daddy mo.

 

"Ah oo, I'm not sure ha pero I guess it's the famous Anne Frank tree sa Amsterdam."

 

"Anne Frank? Oh, yung sa World War II? Diary?"

 

She's good at History din oh. Nice.

 

Tumango ka at ngumiti. "Oo. That's the girl."

 

"Paano mo nalaman?"

 

"Ano, yung Daddy ko... Nagtratrabaho siya sa cruise ship dati. I forgot what year pero they once had a stopover sa Amsterdam. And he sent us a letter and a picture of him." Natatawa mong tinuro ang frame. "It was taken exactly like this din."

 

Natawa din siyang namamangha. "Woah. What a coincidence. Sikat nga siguro 'tong puno na'to noon."

 

"Siguro nga. Yun daw kasi yung kahoy na namemention sa diary ni Anne Frank habang nagtatago sila."

 

"From the Nazis, right? Grabe, that tree stood long."

 

"Totoo."

 

"I was planning to look for this place sana. I really loved this picture of my mom."

 

Your frowned. "But I heard natumba na siya years ago dahil sa bagyo."

 

"Really?"

 

"Hm. Pero they had saplings, dinistribute ata nila sa mga museums, ganon."

 

"Really?" Napasimangot din siya. "Sayang."

 

"Pero it's a good city. You should travel din doon if you want. Sa letter na pinadala ni Daddy that time, he seemed to be really inlove with the place." Tawa mo. "Makes me want to go there din." 

 

"Hit me up nalang if kelangan mo ng travel buddy, Doc Bae." Natawa ka. "Ay meron na pala."

 

Napailing ka nalang. "Stop calling me that." Tumingin ka sakanya. "Joohyun nalang."

 

"Joohyun..." Ngiting sabi niya. "Nasaan pala yung dad mo ngayon? Still working?"

 

"Ah hindi na." Tumango siya. "He's with your mom."

 

Gulat siya napatingin sa'yo.

 

Napahinto siya.

 

"O-Oh, Sorry, I-I didn't know."

 

Tinapik mo nalang siya bago nagtingin-tingin ulit. "How about your dad? If you don't mind, of course."

 

Pansin mo kasi walang litratong andito.

 

"A-Ah, he's abroad. I'm talking about my stepdad, by the way." Unti-unti kang napalingon sakanya. "As for the real dad, di ko pa nahahanap. Not that I'm dying to find him, pero I think it's the least I could do for my late mom."

 

Edi sinong kasama niya ngayon dito?

 

Ngumiti pa siya sa'yo. "And the worst thing is that my mom never really told me a thing about him."

 

Hindi ka parin makapagsalita dahil pinoproseso mo pa ang nalaman tungkol sakanya.

 

"Y-You haven't seen him? Kahit isang beses man lang?"

 

Tumawa siya. "No. But I do have one picture of him, it's upstairs."

 

Absent-minded ka nalang tumango. 

 

Ngumiti lang siya sa'yo reassuringly.

 

"May ipapakita pa ako sa'yo." Masayang sabi niya ulit at hinila ka sa kabilang hilera ng mga picture frames.

 

Natawa ka nalang sa pagka-bubbly niya.


You admit, ang saya niya rin kausap. She's now happily sharing you some more childhood photos, teen photos niya abroad with her foreigner friends, and some more.

 

But one photo captured your eye.

 

At magpapanggap ka nalang na hindi mo 'yun nakita dahil mabilis niya itong tinabi. Hindi mo na kailangang tignan nang mabuti para hindi malamang litrato nilang dalawa ni Seulgi 'yun.

 

Pinost niya rin 'yan sa IG niya.

 

Okay lang naman.

 

You don't mind at all.

 

Of course, if you had a selfie someone you like that's Kang Seulgi, edi mapapa-frame mo talaga ito nang wala sa oras.

 

Pinalampas mo nalang ito. Nagtitingin-tingin ka nalang ulit, at kinukwento niya ang isang college photo niya nang biglang sumulpot si Seulgi sa tabi niyo.

 

"Ano 'to? Bakit may tawanan? Nagseselos ako." Madramang sabi niya.

 

"Bakit? Scared ka?" Asar din ni Krystal sakanya kaya natawa rin siya. Napagtanto mo na naman ulit. Damn, they really go along noh?

 

And excuse me, Seulgi Kang? Ikaw ang gusto niyan, baka nakakalimutan mo.

 

"Akin lang 'to."

 

Kinurot mo ang gilid niya at sinamaan ng tingin.

 

Why does she have to say that?

 

Pabiro rin siyang inirapan ni Krystal. "Hindi ko naman inaagaw sa'yo." Nagpipigil pa siya ng tawa sa'yo kaya napangiti kana lang rin para makisabay.

 

"Talaga." Sabay yakap at halik sa pisngi mo. Medyo na-awkward ka tuloy but you can't ignore that little dance your heart made dahil ginawa niya 'yun in front of her, sa harap ng babaeng gusto siya.

 

You caught that slight falter in her eyes.

 

na kung , but good job, tangi. You just showed her kung kanino ka.

 

And maybe one day, she'll realize you're out of her reach.

 

 

═══

 

 

Natapos niyo nga ang isang palabas na pinanood sa inyo ni Lisa. Mag aalas-dos narin pala nang natapos kayo.

 

"Ingat kayo!" Masayang kaway niya sa inyong tatlo. Ngumiti rin ito sayo kaya ngumiti ka pabalik at kumaway rin.

 

Naglakad na kayo palabas. Inaya pa kayo ni Lisa na ihatid kayo dahil mainit pero humindi rin kayo. Ilang lakad nalang naman yung inyo. And may payong din kayong dala.

 

Naglalakad na ngayon sa ilalim ng tirik na tanghali. Nakaakbay lang siya sayo habang nakapalibot ang kamay mo sa bewang niya para makisiksik sa maliit na payong na dala niya.

 

Tinignan mo sa huling pagkakataon ang bahay na pinanggalingan niyo.

 

Mukhang mas humaba ang yellow line na para sa katabi mo.

 

"How was it?" Tusok ng nakaakbay niyang kamay sa pisngi mo. "Nag-enjoy kaba?"

 

Napaharap kana ulit.

 

"Ayos lang. She's friendly. I like her."

 

"Told you. She's-"

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
Omg thanks for the feature?!?! Ang cute ng star! Para at para lang po sa inyo ‘yan! Merry Christmas pala talaga!
No comments yet