Special I — Samahan Ng Mga LDR

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

 

A very short special chapter para sa ating pinakamamahal na mga side-pairings.

 

Things will get realer on the following chapters kaya chill muna tayo. Wala ng segway, the questions left hanging mula sa prev chaps ay masasagot na sa mga susunod na ganap. But for now...

 

 

 

 

 

 

 

 

 

SAMAHAN NG MGA LDR

LOCKDOWN RELATIONSHIPS

A SPECIAL CHAPTER

 

 

 

 

 

 

 

 

JenLisa - March 12, 2020

 

Bhosxz_M4paGm4HAL_Kk4nGk0Ng_96

Active Now 🟢

 

ang tagal naman

ano na?

5:12pm

 

tatanungin ko na nga

eto na nga oh

5:14pm

 

wews ang hina naman ng manok ko 

ano dala mo? baka naman wala?

dapat susi ng bahay ibigay mo para diretso

5:16pm

 

ulol mo

pero oo

susi nga dala ko pakshet ka

5:16pm

 

NAKNG???

TOTOO?????

HOY POTA GALENG MO!

HAHAHAHAHAHA!!!!!

go pokpooook!

pokpak****

pag di mo natanong ngayon,

maniniwala akong weak ka talaga

:D

5:17pm

 

 

"Ulol." Bulong ni Lisa pagkatapos basahin ang nireply ng kaibigan sa story niya. Mas lalo tuloy siyang kinabahan. Napakagat pa siya ng kuko niya bago nilapag ang telepono sa tabi.

 

Minura niya si Seulgi sa isip.

 

Palibhasa, hindi kasi yun ang nagtanong. Walangya.

 

"Hm?" Lingon niya sa jowa dahil tinapik siya nito. "Bakit?"

 

"Okay kalang? Tahimik mo." Nag-aalalang tanong ni Jennie. Umiling lang ang isa bago tumabi sakanya sa kama. "Feeling ko may problema tayo eh."

 

"H-Hala ka diyan. W-Wala naman." Kinakabahang tawa ni Lisa. "Bakit mo nasabi?"

 

Napakunot lang ng noo ang doktor bago napailing. "Ilang araw kanang tahimik."

 

Napakamot si Lisa sa batok. "S-Siyempre, finals week. Kaya ganon..." Pagpapaliwanag niya, sinisigurong makatotohanan itong pakinggan.

 

Tumango nalang si Jennie at inayos ang pagkakahiga nilang dalawa.

 

"Babe." Biglang tawag ni Lisa.

 

"Hm?"

 

"Dito ka talaga sa condo mo muna tutuloy?"

 

"Oo. Bakit?"

 

"Pwede ba kitang samahan?" 

 

"Hindi nga. Kulit. Kaya nga ako tutuloy dito diba? Para mapag-isa."

 

Napanguso si Lisa. "So break muna tayo?"

 

At agad siyang nasapak sa ulo.

 

"ARAY!"

 

"Pinagsasabi mo diyan?!"

 

"BREAK MUNA TAYO SA KAMA KAKO! HINDI MOKO PINATAPOS!" 

 

Napahinto si Jennie sa narinig. Namumulang nalang niyang binaba ang kamay niya.

 

"A-Ah." Napaiwas ito ng tingin bago humiga nang maayos. "Sorry. Akala ko sabog kana naman."

 

"Sabog sa pagmamahal mo."

 

"Kaya huwag kang lalandi habang hindi tayo nagkikita."

 

"Sino namang lalandiin ko eh nasa bahay lang naman dapat? Yung pader?"

 

"Basta basta. Yun na yun." Tumayo na ang doktor at pumunta sa nakabukas niyang bintana. Sinilap niya ang baba, ang mga sasakyang mabagal na tumatakbo. "Magdidilim na. Kain na tayo?"

 

Wala siyang narinig na sagot kaya nilingon niya ang kausap. Nagulat nalang siya dahil nakatayo na pala ito sa likod niya, nakatuod sa pwesto at ang mukha niyang parang.... natatae...?

 

Nagtataka niyang tinignan ang kaharap.

 

"Okay kalang ba-"

 

"O-Oo." Agad na pagpuputol ni Lisa sakanya. "U-Uhm babe, pwede ka munang tumalikod?"

 

"Huh?"

 

"Saglit lang." 

 

"Okay...?" Wala sa wisyong sumunod si Jennie. Dali-daling binuksan ulit ni Lisa ang hawak niya. Napabuga pa siya ng malalim na hininga nang makitang hindi pala tumakbo ang susing nakapaloob sa velvet box na kanyang hawak.

 

Hindi naman siya pumuntang walang dala. May pa regalo din siya noh. At take note, unique 'to. Manoban style, ika nga niya.

 

Sinearch sa internet? Nako walang ganon. Si Lisa pa? OG ata to. Hindi Nescafe, pero puro at natural. Proud na proud pa siya sa pakulo niya ngayon.

 

Dahil ano nga ang nasa loob nito?

 

Bumili siya ng doorknob.

 

Oo, doorknob.

 

At nakapaloob sa velvet box ang susing libreng kasama nito.

 

Yun ang gagamitin nilang doorknob sa soon-to-be pinto ng bahay nila.

 

Oh diba?

 

Sinong hindi kikiligin sa ganito?

 

Mentally niyang hinawi ang buhok niya. 

 

Manoban style.

 

 

Pero back to the real deal, napapikit ulit siya at humugot ng malalim na hininga.

 

Tangina! Dis is it pansit!

 

"Ano ba kasing ginagawa mo?" Curious na tanong ni Jennie. Ibinulsa na ito ni Lisa bago dahan-dahang lumapit sa doktor. Niyakap niya ito mula sa likod at marahang hinalikan ang pisngi niya.

 

"May itatanong ako." Malambing niyang sabi.

 

"Ano yun?"

 

"Pag sinunog ko tong condo mo, saan kana titira?"

 

Nagulat pa ang doktor sa weird na tanong ng jowa niya.

 

Nagpipigil narin ng tawa si Lisa.

 

"W-What?"

 

"Sagot nalang kasi."

 

"E-Ewan. Maghahanap siguro ng bagong condo. Bakit?"

 

"Hindi pwede." 

 

Napatingin si Jennie sakanya. "Huh?"

 

"Pwede bang doon ka nalang sa kung nasan ako?"

 

Naguguluhan na si Jennie.

 

Mas kinakabahan narin si Lisa.

 

"A-Anong ibig mong-"

 

"Babe." Pagpuputol ni Lisa. "Nasabi ko naba sa'yong mahal na mahal kita? Yung sobra? Yung tipong walang araw na hindi kita naiisip? Yung gusto kong lagi lang nasa tabi mo?"

 

Dahan-dahang tinignan ni Jennie si Lisa mula sa kanyang balikat. Bigla ring lumakas ang tibok ng puso niya dahil parang alam na niya ang patutunguhan nito.

 

"Ang dami ko pang gustong gawin kasama ka. Ang dami kong gustong subukan kasama ka." Ngumiti siya ng matamis. "At isa na dito ang magkaron ng bahay na ang inuuwian ay ikaw."

 

Hinalikan niya nang mabilis ang pisngi ng doktor. "Dahil wala namang ibang gustong uwian itong puso ko kundi sa'yo lang."

 

Napaawang sa bibig si Jennie, mabilis itong tumalikod, diretsong tumitig sa kanyang mata, kung nagseseryoso ba ito ngayon o hindi.

 

"K-Kung gusto mo lang naman siyempre." kinakabahang sabi niya. Hindi niya tuloy mapigilang mapayuko nang bahagya dahil sa mga titig nito. "K-Kung di kapa ready, o-okay lang rin naman, hindi naman kita-"

 

"T-Teka, a-are you being serious right now?"

 

Napalunok si Lisa at tumango. 

 

Hindi parin nagsasalita ang doktor kaya namamawis narin ang mga kamay niya.

 

Huta.

 

Eto naba 'yun?

 

Mawawarap naba ang puso niya?

 

"U-uh..." Awkward na kamot niya sa batok. 

 

Unti-unting lumawak ang ngiti ni Jennie at mabilis na niyakap siya nang mahigpit.

 

Nagulat pa siya at napakurap. "Babe-"

 

"I-I don't... Hindi ko alam anong sasabihin ko. But w-what the hell... you're... you're much braver than I am. I love you. Damn."

 

Saglit pa siyang natigilan, pinoproseso ang narinig. Pero natawa nalang si Lisa at niyakap din ito pabalik. "Nalilito ako. Yes ba yan or no?"

 

Lumayo na si Jennie at hinawakan sa pisngi ang propesor, may mga luhang nangingilagid na sa mga mata niya.

 

"I love you, Lili. Yes." Tumango-tango siya. "Yes babe. I'll live with you. I want to live with you. 'Yan ang gusto ko."

 

At parang nabunutan ng tinik sa puso si Lisa. Mas lumawak na ang kanyang ngiti, nagbubunyi ang kanyang kalooban, na parang biglang natuyo lahat ng pawis niya, napawi lahat ng pagdududa at takot, at siyempre ang puso niya;

 

Ang puso niyang lumulundag ngayon sa tuwa.

 

Hindi na niya kailangan ng salamin para malamang naluluha narin siya ngayon. Tama nga si Seulgi, para ka pala talagang aatakehin sa puso sa tuwa. At mas lalo mo lang maiisip na mahal na mahal niyo talaga ang isa't-isa.

 

Tangina. Sana pala matagal na niya 'tong ginawa.

 

Nakangiti nalang niyang hinawakan ang kamay ni Jennie. "Thank you."

 

"No. Thank you. I-I've... I've been dying to ask you this." Pag-aamin ni Jennie na siyang ikinagulat ni Lisa.

 

"Totoo?"

 

"Kaya nga I'm so happy right now." Iling pa niya. "I-I can't even describe it." Naaliw nalang na tinignan ni Lisa ang jowa, itinaas ang kamay para punasan ang nagbabadyang luha ng kaharap niya.

 

"I'm happy too. Sobra. Kaya wala ng bawian ha?"

 

Natawa na si Jennie. "Wala."

 

Dahan-dahan nang nilabas ni Lisa ang nakatago sa bulsa niya.

 

"Syempre pinaghandaan ko 'to." Nilagay niya ang kahon sa pagitan nila. Napangiti si Jennie at nilapit ang mga katawan nila sa bintana para kumuha ng liwanag. 

 

"I didn't know you'd be this ready."

 

"Sinabihan ko na nga sina Tito."

 

Gulat na napatingin si Jennie sakanya. "Y-You did that?"

 

Natatawang tumango nalang si Lisa. "Kaya bawal na bawiin."

 

Natawa nalang rin si Jennie at tumango.

 

"Padlock, tapon susi?" Ngising tanong pa ni Lisa.

 

Natawa ulit si Jennie. "Tapon susi."

 

Napangiti si Lisa sa narinig. Dahan-dahan na niya itong binuksan. Ay hindi pa pala. Nahihirapan pala siya dahil ayaw bumukas.

 

"Luh." Tinignan niya ng maayos ang lock. "Teka ayaw bumukas."

 

Natatawang pinanood lang ni Jennie ang jowa. Napakagat nalang ng labi para hindi na matawa pa.

 

"Walangya." Full force at nangungugat nang binuksan ni Lisa ang kahon. At naung tuluyan na nga itong bumukas, parehong nanlaki ang mata ng dalawa.

 

"NAKNG—"

 

Tumilapon pala ang nakapaloob na susi, patungo sa bintana, at parang nanandya pang tumatalon-talon sa bingit ng bintana.

 

"Oh my god!" Sigaw ni Jennie at napatakip ng bibig.

 

Slow-mong inabot ni Lisa ito...

 

Kaya pa!

 

Hindi yan!

 

Hindi pwede!

 

Hindi!

 

"HINDI!!!" Sigaw niya sa hangin na tanging nakuyom niya.

 

Nanlaki ang kanyang mga mata.

 

Ganoon din si Jennie sa tabi niya.

 

Naiwang gulat na napatingin si Lisa sa baba, mga matang pinapanood ang puso niyang nahulog mula sa ika-labinlimang palapag.

 

Ilang segundo ring natahimik. Si Lisa, hindi pa kumukurap, mga kuko niyang kumakalmot na sa pintura ng pader. 

 

Napapikit nalang siya at mahinang napasuntok sa bintana. "Putangina." 

 

At isang malakas na pagtawa ang narinig niya.

 

"HAHAHAHAHAHAHAHA!"

 

Putangina talaga.

 

Napasinghap siya.

 

Pero di bale, marami pa namang doorknob sa Ace.

 

Nahihiyang bumaling ulit si Lisa kay Jennie na namumula na sa kakatawa. Kahit kelan talaga 'tong jowa niya. Napakamot nalang si Lisa sa batok, sabay sabing,

 

"Literal na tapon susi nga..."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

ChanSoo - March 13, 2020

 

"Buksan mo na kasi." Nguso ni Jisoo at sinubukang buksan muli ang pinto ng sasakyan. Napakamot siya ng ulo dahil hindi parin ito bumubukas. "Naman eh..."

 

Ang kanyang boyfriend, mukhang walang balak na paalisin siya sa sasakyan niya, kapit na kapit parin sa nakasukbit na tote bag niya na parang bata.

 

Napaayos nalang ulit siya ng upo at suminghap. "Akala ko ba okay na tayo dito?"

 

"Mag-iingat ka." Garalgal na sabi ni  Chanyeol kaya naantig ang tenga niya.

 

Tinignan niya ito at hinintay siyang magsalita pa.

 

"Alam kong..." Singhap niya. "Alam kong hindi pa tayo nagtatagal pero... pero mahal na kita... mahal na mahal... kaya pakiusap..." Tumitingin ito sakanya nang malungkot. "...Alagaan mo ang sarili mo please. Gusto pa kitang makasama nang matagal."

 

Nanlumo naman ang puso ni Jisoo sa boses niya. Inabot nalang niya ang kamay ni Chanyeol at mahigpit na hinawakan.

 

"Okay." Pagngiti niya. "Batak ata 'to noh? Kompleto bakuna ko nung bata kaya wag kang mag-alala, magsasama pa tayo nang matagal."

 

Unti-unti naring natawa si Chanyeol. 

 

"How can you even joke in times like this?" Iling niya bago mahigpit na isinaklop ang mga kamay nila. "Jisoo." Dinala niya ito sa labi niya at matagal na hinalikan. "Mahal kita. Mag-iingat ka lagi."

 

Umikot naman ang tiyan ng lola niyo, mga paru-parong naglalaro sa loob, ni hindi na niya alam paano pigilan ang paglawak ng ngiti niya. Namumula nalang itong napakurap at napaiwas ng tingin.

 

"Inamssss, Chan wag kang ganyan tol!" Sandal niya sa bintana. "Parang ayoko na tuloy pumasok. Mag-isolate nalang kaya tayo diyan sa dimple mo?"

 

Natawa na si Chanyeol at napailing sa kalokohan ng girlfriend niya. Humiwalay na siya at tinanggal ang seatbelt nilang dalawa.

 

"Papakawalan mo na ako?" Ngisi ni Jisoo  at tumango nalang ang lalaki.

 

 

Magkahawak-kamay silang naglakad papunta sa elevator ng parking lot. Ang higpit parin ng hawak ni Chan kaya natatawa lang si Jisoo habang tinitignan ang namumulang tenga ng boyfriend niya.

 

"Chan."

 

"Mhm?"

 

"Alam ko namang alam mong sobrang gwapo mo pero please, magpalandi kana sa lahat wag lang sa COVID ha?"

 

Gulat naman itong bumaling sakanya. "H-Ha?"

 

"Hakdog. Basta ayokong makita ka dito, okey? Mahal dito, sige ka."

 

Naguguluhan parin si Chan kaya natawa nalang si Jisoo bago tumingkayad at mabilis na hinalikan sa pisngi ang boyfriend.

 

"Bye. Ingat karin." Kaway niya habang patalikod na umunang maglakad. Nakatuod lang si Chanyeol na hawak-hawak pa ang kanyang pisngi kaya natawa si Jisoo bago tumalikod.

 

Pero napahinto ulit siya at nakangising nilingon ang lalaki.

 

"Ay nga pala." Tawag niya sa hindi gumagalaw na Chanyeol. "Mahal din pala kita." Kindat niya bago naglakad sa harap ng elevator. Natatawa pa siya pero ang totoo, kinikilig narin pala ang tumbong niya.

 

"Shocks." Hawak niya sa pisngi niya. "Ang harot mo, Kim Jisoo."

 

Kakapindot palang niya sa elevator nang biglang hinila ang kanyang kamay patalikod. Nagulat pa siya sa mabilis na pangyayari dahil sa di inaasahan, malambot na mga labi ang kaagad na sumalubong sakanya.

 

Nanlaki ang mga mata niya at napahawak nalang sa balikat ni Chanyeol. 

 

T-Teka...

 

Eng lembet...

 

Napapikit nalang rin siya at unti-unting sinabayan ang mga halik niya. 

 

"Ting!"

 

Dahan-dahan silang naghiwalay, nahihiyang nakatingin sa isa't-isa. At bago paman makapagsalita si Jisoo, kumaripas na ng takbo si Chanyeol pabalik sa parking lot. Gulat niya lang itong sinundan sa mata bago nawala sa paningin niya.

 

Eh?

 

"Ting!"

 

Napahawak nalang siya sa labi niya.

 

Di nagtagal ay napangiti narin siya.

 

"My ghad." Namumulang sabi niya.

 

"Ting! Ting! Ting!"

 

"Tangina, na kiss-and-run ako mamser." 

 

"Ting! Ting! Ting! Ting ting ting ting—" Nabalik siya sa katinuan dahil sa tunog. Teka ba't ang ingay.

 

"AY KABAYO!" Gulat siyang napahawak sa dibdib. "Kanina ka pa di

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
Omg thanks for the feature?!?! Ang cute ng star! Para at para lang po sa inyo ‘yan! Merry Christmas pala talaga!
No comments yet