Stop, Look, Listen

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

So ang tomorrow ko ay 3 days after, what a scam. Pero eto na, wala na kaming lakad so faster updates na next!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Chapter 17

 

 

 

 

 

 

 

STOP, LOOK, LISTEN

[MARCH 6, 2020 - Friday]

 

 

 

 

 

 

 

 

Seulgi

 

 

"Sayaw kana kasi." Panay parin ang pangungulit niya habang hila-hila pa ang laylayan ng damit mo. "Gusto ko lang naman makita pano mag TokTok ang girlfriend ko."

 

Naiinis mong ginulo ang buhok mo. Kay aga aga, kanina pa yan nangungulit sa'yo!

 

"TikTok nga 'yun! Hindi TokTok!"

 

"Whatever." Umirap lang siya. "I don't care what that baduy app is called. I just want to see you do it."

 

"Hindi naman kami naglaro tangi. Para sa COVID 'yun. COVID," pagdidiin mo kaya tinaasan kana niya ng kilay.

 

"Ah ganon, hindi ka talaga sasayaw?" 

 

"Tangi naman," Napakamot kana sa ulo. "May ginagawa ako oh?"

 

May nirurush ka kasing report na kailangan para mamaya. Tinuro mo ang Macbook na nasa hita mo pero wapakels lang siya sa'yo.

 

"So sasayaw kalang kung kasama ang babaeng 'yon?"

 

Napapadyak kana sa inis. "Pinilit nga lang ako, diba?! Ba't kailangan ko pang sumayaw ulit?!"

 

"Cute nga kasi 'yung TokTok niyo." Nang-aasar pa niyang nilapit ang mukha niya sa'yo. "Bagay kayoooooooo."

 

Argggh! Tinakpan mo na ang tenga mo pero rinig na rinig mo parin ang nakakalokong tawa niya. Bwisit talaga. Mukhang hindi talaga siya matatapos hangga't hindi mo ginagawa ang gusto niya.

 

Hindi naman daw siya nagseselos.

 

Hindi nga.

 

Hindi talaga.

 

"Tangi naman..." 

 

Pero ayaw ka parin talagang lubayan.

 

"Bahala ka. Ishishare ko talaga 'yung TokTok niyo sa FB, captionan ko pa ng aNg kY0t nG gELpReN k0e aT aNg k4bEt niY4"

 

Di makapaniwalang tinignan mo siya. "Pinagsasabi mo?"

 

"sAnA m4gK4tuLuYan siL4."

 

Pota? Anong bang nakain neto?

 

"aT s4N4 hEndI nA siL4 mAgbEbes0-bEs0 dAhiL mukHa sILang-"

 

"Ano?" pagpipigil mo na ng tawa.

 

"Mukhang-" Tinaasan mo rin siya ng kilay kaya napairap nalang siya. "Nevermind."

 

Muntik kanang matawa kung hindi lang sa masamang tingin niyang nakadiretso sa'yo ngayon.

 

Napalunok ka tuloy.

 

Hindi nga siya nagseselos.

 

"Ano? Sasayaw ka para sakin o hindi?"

 

Pero ayaw mo pa din talaga dahil halatang naghihiganti lang 'to dahil bineso mo si Krystal sa TikTok niyo, asar na asar parin kahit sinabi mong wala lang 'yun sa'yo.

 

"Hindi," matigas mong sabi.

 

"Talaga? Kahit girlfriend mo ang nagrequest?"

 

Umirap ka. "Hindi." 

 

"Hindi mo talaga ako sasayawan?" Naiinis na rin ang tono niya.

 

"Hindi!" Pero mas lalo kana.

 

"Hindi talaga?"

 

"Hindi!"

 

"Hindi ka sasayaw?"

 

"Hindi!"

 

"Hindi?"

 

"Hindi!" mabilis mong sagot.

 

"Hindi mo naba ako love?"

 

"Hindi!" mas mabilis mong sabi kaya nanlaki ang mata mo, mabilis na nilingon siya, at agad itong binawi, "H-Hindi totoo yan!" 

 

"Hindi na pala ah..." Nagdrama kaagad siya at akmang tatayo na. Ah, pota talaga. Naiinis ka nalang tumayo kaya matagumpay siyang umupo ulit at pumapalakpak pa sa tuwa. Nako nako, kung 'di mo lang talaga mahal 'tong pandak na'to, hmp, matagal mo na sanang ibinulsa 'to.

 

"Post natin 'to sa TokTok at FB ah," masayang sabi niya at kinuha kaagad ang phone para itapat sa'yo. Kita niyo 'to? Dinowload niya talaga kagabi 'yung TikTok bago kayo matulog, halatang pinlano niya lahat 'to.

 

"Go tangi, wooo!"

 

Umirap kalang.

 

Langyang TokTok 'yan.

 

Dahil ano nga bang pinapasayaw niya sa'yo?

 

Oo, Baby Shark.

 

Baby ing shark.

 

Putanginang tutututuruturu yan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

 

 

 

Isang araw sa trabaho na naman ang natapos.

 

Nasa 7/11 kayong magbabarkada. Nasa harap lang ito ng University kaya pinagbigyan niyo na si Chanyeol na minsan lang mag-aya. Dumaan kasi 'to sa Wesley dahil may pakay lang sana kay Kai kaso nacorner niyong tatlo ang gago kaya wala na itong nagawa kundi kwentuhan nalang kayo sa bago niyang lablayf.

 

"Hi, mga ka lunch box!" Sabay kayong napalingon sa pinto dahil sa malakas na sigaw ni Byul. Napatingin tuloy ang cashier at ang mga bumibili sakanya. Langya talaga neto. Ngayong palang kasi out niya kaya siya nahuli.

 

At oo, lunch box. 'Yan kasi ang pinangalan sa inyo ng teacher niyo sa hayskul. At bakit? Lagi niya lang naman kasi kayong nadadatnan sa canteen na nagkokopyahan ng assignments tuwing lunch. Tuwing lunch lang talaga. 

 

Hays... memories...

 

Natawa ka tuloy nang marinig ulit. 

 

"Nakakahiya ka!" agad na pamamatok ni Lisa sa bagong dating, "Wala ka sa palengke."

 

"Aray naman," himas niya at agad umupo sa tabi ni Kai, "Oy hi. Anong meron? Manghahasik ba tayo ng lagim? Saan? Kelan? Sino?"

 

"Sa Makati," sagot ni Lisa.

 

"Luh? Bakit? Sinong kaaway niyo? Saan sa Makati?"

 

Napatingin ka sa mga kaibigan mo, lahat sila biglang nagseryoso.

 

"Sa Salcedo Village," seryosong sabi ni Lisa kaya nacurious na din ang isang tanga.

 

"Huy bakit? Totoo pala talaga?" gulat niyang sabi. 

 

"Oo. Taga condo, sa Three Central." 

 

Nagpipigil kana ng tawa.

 

Nanlaki ang mata ni Byul.

 

"Sama ka?" dagdag pa ni Kai, "Sa unit 1412 daw nakatira."

 

"Ha?" Saglit na napaisip si tanga. "Anong gagawin natin sakanya- ay pota, teka, diba condo ko 'yan?"

 

Tuluyan na kayong natawa. HAHAHA POTA BAKIT BA SIYA GANITO? HAHAHAHAHAH!

 

"Bwisit!" pamamaktol niya, "Ulol niyo! Kala ko naman seryoso!"

 

"Tangina mo, Byul. Buti naman naging Engineer ka sa lagay mong 'yan."

 

"Mapanghusga ka!"

 

"Ah..." pagpupunas mo ng luha sa kakatawa. Sumakit pa nga ang tiyan mo dahil ang epic talaga ng mukha niya. "Walangya. Shut up na tayo. Si Chanyeol ang bida dito, diba?"

 

"Ay oo putek!" suntok ni Byul sa braso ni Chan. "Ikaw ha, may tinitira kana pala sa likod. Tsk tsk, si Jisoo pa talaga?"

 

"Oo nga, alam mo bang nakita ko kayong dalawa sa SM?" dagdag pa ni Kai kaya nanlaki ang mata ni Chan.

 

"A-Andun ka?" Gulat siyang tumingin sa inyo. "Matagal niyo na palang alam?"

 

Natawa nalang kayong apat. Hay nako, binata na talaga ang ChanChan niyo. Parang kelan lang umiyak pato sa bisig mo dahil tinanggihan ng classroom Muse niyo sa prom nung high school. Hahahaha!

 

At gaya ng agenda ngayon, nagkwento nga si Chanyeol at nangingiti mo lang siyang pinapakinggan. Namumula pa nga ang gago. Mas lumalalim tuloy ang dimples niya, pwede nang ipasok si Jisoo. 

 

Shy type kasi talaga 'tong si Chan, pinakatahimik sa inyong lima kaya naman nagulat ka talaga nung nalaman mong nagkakamabutihan na sila ni Jisoo. 

 

"Lakas mo naman, Chan." asar ni Byul. "Edi congrats. Pero iwas iwas muna sa tukso, may COVID pa."

 

"T-Tukso?"

 

"Oo! Diba sabi mo may date pa kayo ngayon? Wash your hands muna, okey?"

 

Napakagat ka ng labi para di matawa. 

 

"Anong pinagsasabi mo?"

 

"Wala. Basta use protec- OW!"

 

"Ulol!" sutsot ni Chan. 

 

"Ano? Protection sabi ko. Seatbealt! Greenminded mo!"

 

"Ewan ko sayo, Byul," iling mo sa dalawa, "Eh kung seryosohin mo na kaya si Mareng Solar, matutuwa pa kami."

 

Agad naman itong natahimik bago umirap sa'yo.

 

"Akala ko ba si Chanyeol ang bida dito?"

 

"Pabida ka naman kaya ikaw na."

 

"Wag kang nakikisali," sumbat niya kay Chanyeol. "Nagka lablayf kalang nilalait mo na'ko."

 

"Bakit ba kasi ayaw niyong magkalabel?"

 

"Oo nga. Pota kita ko sa snap mo, kasama mo si Wheein, eh diba ex mo 'yun?"

 

"Ano naman kung magkasama kami? Nagkikita nga rin si Solar at 'yung ex niyang doktor.  At anong masama kung walang label?"

 

Nagkatinginan nalang kayong apat. 

 

"Ay ewan. Stress." Tumayo na si Kai at unang lumabas. 

 

"Stress nga." Tumayo narin si Lisa. Sumunod din si Chanyeol na walang imik lang habang ikaw, nagpipigil nalang ng tawa habang nakatingin sa betrayed na Byul.

 

"Oh ano? Ikaw rin?" kutya niya sa'yo, "Palibhasa may tangi-"

 

"Achuhcuhu," pagpuputol mo sakanya at tumayo para akbayan ang kaibigan. "May hinihiwa pa'yun, wag mong banggitin baka makagat niya dila niya."

 

"Bwisit?"

 

"Wala naman talagang magbabago kung pareho kayong takot sa commitment."

 

Hindi siya umimik at nagpahila nalang sa'yo palabas.

 

"Pero kung pag-uusapan niyo nang maayos, you can always work it out like real adults." 

 

Napatingin lang siya sa'yo. Hindi naman sana issue yang pagkawalang-label nila (dahil wala namang masama diyan), kaso nga lang, parang mga timang din ang dalawang 'to 'e. On and off, tas minsan si Byul kung umasta, parang walang Solar, and vice versa. Minsan din malalaman niyo nalang na dalawang buwan na pala silang hindi nag-uusap. Ang gulo nila!

 

Ilang beses niyo naring pinagsabihan 'tong si Byul. Halata naman kasing gustong-gusto nila ang isa't-isa pero ewan niyo rin sa dalawang 'to, ilang years ng naglalandian pero hindi parin nagkakalabel. Hindi mo naman sila masisisi dahil hindi lang naman nasusukat ang totoong damdamin nila sa simpleng "Oo, tayo na." lang. Kasi kahit it's better na may commitment sana, may mga reasons din naman sila.

 

At wala na kayo doon.

 

Hanggang advices lang ang kaya niyong gawin bilang mga kaibigan. Hay nako... Sana nga lang may maglakas-loob sakanila na pag-usapan 'tong relasyon nila. 

 

"Does it knock some sense?" ngiting tanong mo pero nakatitig parin siya sa'yo.

 

"S-Seul..." mahinang bulong niya.

 

Tumango ka lang, urging her to continue.

 

"...pakitranslate sa tagalog please."

 

 

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

 

Sabay na kayong bumalik ni Lisa sa office para kunin ang bag ninyo. Uwian na kasi, mga 5pm narin pala kaya iilang mga estudyante nalang ang nandito.

 

"Bye na, chong!" pagpapaalam ni Lisa bago unang umalis ng opisina. Nagmamadali din kasi siya dahil may family outing daw ang Manoban Family sa Batangas. Isasama ka pa sana niya eh kaso no thanks, gagawin ka lang taga-ihaw dun.

 

Palabas kana ng opisina nang tumawag si Joohyun. Magpapasundo daw siya. Ay oo nga, hinatid mo pala siya kanina dahil ban niya kaya sabay kayong uuwi ngayon.

 

"Huwag kang magtatagal ah."

 

"Opo."

 

"Good. Bye na. Love you, tangi."

 

"Same."

 

"Tch." Binaba na niya ito. Natawa ka tuloy.

 

Naglalakad ka na sa hallway nang bigla kang binunggo. "Hi, grizzle."

 

Si Krystal pala. Binaba mo na ang phone mo at nginitian siya. Mukhang ngayon palang ata siya uuwi.

 

"Halo. Uuwi ka na ba?"

 

"Mukha ba 'kong papasok?"

 

Inirapan mo lang ang kaibigan. "Saya mo naman kausap."

 

Tumawa lang siya tsaka ka binunggo ulit. "Joke lang, 'to naman. Oo pauwi na. Ikaw ba?"

 

"Mukha ba 'kong papasok?"

 

Napahinto rin siya sa paglakad at di makapaniwalang tumingin sa'yo. "Galing mo rin eh no?"

 

Natawa ka sa pagkapanalo mo at umirap din siya bago naglakad ulit.

 

"Pero oy, nakapag-paalam kana sa jowa mo?"

 

Hala putek oo nga pala.

 

Yung sa concert sa March 14 pala.

 

Sa totoo lang, hindi mo pa natatanong si Joohyun. Natatakot ka kasi dahil for sure, iba na naman iisipin nun. Kaya tuloy nawala na sa isip mo.

 

"Hindi pa eh," kamot mo sa kilay, "Sorry... Pero tatanungin ko na mamaya, don't worry."

 

Matagal rin siyang napaisip. 

 

"Alam mo? Baka nga pag-awayan niyo pa noh?"

 

"Huh?"

 

"Wag nalang kaya tayong tumuloy?"

 

"Uy grabe, nagtatampo ka na ba?"

 

Tinulak ka niya at natawa. "Gago, hindi. Ang sa'kin lang naman, baka nga this was a bad idea knowing na hindi naging maganda ang first encounter namin ng jowa mo." 

 

"Oh tapos?"

 

"Cancel nalang natin-"

 

"Hindi pa nga ako nakakapagpaalam," pabiro mong irap, "Nega mo naman."

 

"Eh kasi-"

 

"I'll ask her mamaya." Tapos tinignan mo siya nang nakakaloko. "O baka binabawi mo na talaga yung libre mo, Ms. Jung? Okay lang naman sa'kin."

 

"Sira. Kahit naman buong bonus ko pa ang ililibre sa'yo, gagawin ko, Ms. Kang." mas nakakalokong ngiti niya.

 

"H-Huh?"

 

"Wala," tawa niya lang bago binilisan ang paglakad. Nagtataka mo naman pinroseso ang sinabi niya. Ano raw? Pero si Krystal Jung nga pala ito, ang dakilang pabitin, kaya nagbikit-balikat ka nalang bago humabol sakanya.

 

Naabutan mo siya sa may entrance kung saan nakatayo parin si Chan na hinihintay si Kai.

 

"Grizzle, samahan moko please," nguso pa niya sa'yo. Napansin mong nagugulahan si Chanyeol na ngayo'y pasimpleng nakikinig sa inyo sa gilid. 

 

"H-Ha, saan?" Medyo kinakabahan ka dahil alam mong nakikinig ang gago.

 

"Sa 7/11. Saglit lang."

 

"Ah. Sure sure," sagot mo nalang kahit kakagaling niyo palang doon. Sakto, bibilhan mo nalang siguro ng snacks si Hyun bago siya puntahan.

 

"Pero may kukunin muna ako sa sasakyan. Okay lang?" Tumango kalang kaya agad siyang tumakbo palayo.

 

Si Chanyeol, chismosong lumapit na sa'yo habang hindi nawawala ang mga mata sa tumatakbong si Krystal. Nang lumiko na siya at nawala sa paningin niyo, nagtatakang bumaling ang kaibigan sa'yo.

 

"Sino 'yun?"

 

Curious niya naman. 

 

"Si Krystal. Teacher 'yun dito. Ka-department ni Kai. Tsaka hoy, siya 'yung tinutukoy namin ni Lisa na crush ni Kai!" tawa mo pa pero nakakunot parin ang noo niya.

 

"Ah..." tango lang niya.

 

"Bakit?"

 

"Familiar kasi."

 

Ikaw naman ang nagtaka ngayon.

 

"Familiar ka diyan? Bago lang siya dito. This school year pa."

 

"Parang nakita ko na noon eh," iling niya at napahawak sa panga. Ilang mga segundo pa siyang natahimik bago mapanlinlang na tumingin sa'yo. "At anong Grizzle?"

 

Napalunok ka. "H-Ha?"

 

"Grizzle? Ikaw 'yun?"

 

"Siguro?"

 

"Anong siguro?"

 

"Ah basta!" Tinulak mo na siya palayo. "Anjan na si Kai oh. Bye na."

 

Saktong sumigaw si Kai mula sa sasakyan niya. "Chan leggo!" 

 

Nakakunot parin ang noo niya habang nakatingin sa pinuntahan ni Ms. Jung. At dahil nakikita mo narin mula sa malayo ang tumatakbong si Krystal, tinulak mo na ulit ang nakatuod mong kaibigan.

 

"Anyare sa'yo? Alis na."

 

"San ko nga ba nakita 'to..." seryosong pag-aalala niya. Napapalatak nalang siya bago ngumiti sa'yo. "Hmm, baka nga namamalikmata lang ako. Gulo. Bye na nga, Seul," tapik niya sa'yo. "Ingat ka pauwi."

 

"Yieee," kinikilig mong sabi, "Kayo din. Bye, lover boy."

 

Ginulo niya lang ang buhok mo at tumakbo papasok sa sasakyan ni Kai. Pero bago pa sila makalayo, nilingon pa niya one last time ang tumatakbong si Krystal. Napailing ka nalang. Nakakapanibago namang may namumukhaan ang isang Chanyeol Park na pati pangalan nga ng advisor niyo nung 4th Year hindi niya na mamukhaan.

 

"Sino 'yun?" medyo hinihingal na tanong ni Krystal nang makaabot sa'yo, "Sasakyan 'yun ni Kai, diba?"

 

"Oo. Kaibigan namin. Bumisita lang dito."

 

"Ah..." tango niya at napahinto rin habang nakatingin sa lumalayong sasakyan. Nakakiling pa ang ulo niya na parang ang lalim ng iniisip.

 

"Huy," tusok mo sakanya. "Ayos ka lang?"

 

Natauhan naman siya at agad ngumiti. "W-Wala. Tara na?"

 

Naglakad na kayo papuntang gate. Nakasalubong niyo pa ang paalis na sasakyan ni Lisa na agad niyo ring kinawayan. 

 

Biglang huminto si Lisa at sinigawan ka. "Seul, lika muna!"

 

"Teka lang, Tal." Tumango siya kaya tumakbo ka na papunta kay Lisa.

 

"Kailangan mo?" inis mong sabi dahil pinatakbo ka pa ng gagong 'to.

 

"Wala lang." At agad niyang pinaharurot ang sasakyan niya. Naiwang nakaawang ang bibig. Pota? Rinig mo pa ang malakas na pagtawa niya kaya mas lalong uminit ang ulo mo.

 

Tangina?

 

Naiinis mong kinuha ang phone mo at agad tinext siya.

 

Pakyu! Masiraan ka sana pauwi!

 

Psh.

 

 

 

 

Dejected mong binulsa ang telepono at naglakad pabalik. Nagtataka ka naman dahil nawala na ang kasama mo. Lumabas ka na ng gate dahil baka umuna na siya.

 

"Grizzle!" rinig mong tawag niya habang kumakaway pa. Sinamaan mo siya ng tingin mula sa malayo kaya natawa siya. Nakatawid na pala siya at hinihintay ka na sa harap ng 7/11. Kita niyo? May nagpapasama bang nang-iiwan?

 

Tinignan mo ang traffic light, may 20 seconds pa naman bago mag green. Napatingin ka sa magkabilang-gilid, iilan lang naman ang sasakyang paparating at malayo-layo pa ang mga ito. May isang sasakyan ding nakapull-over sa di kalayuan. Nakabukas pa ang malakas na ilaw nito kaya bahagya kang napapikit sa silaw bago humarap ulit.

 

15 seconds. Kaya pa 'yan.

 

Tinakbo mo na ang pedestrian at 'di kapa nangangalahati nang bigla kang nakarinig ng isang malakas na sigaw.

 

"SEULGI!" 

 

At isang nakakabulag na ilaw ang sumilaw sa mga mata mo. Nandilim ang paningin mo, hindi mo na alam ang sunod na nangyari dahil sa isang iglap, nakahiga kana sa kalsada, nakapikit, nanginginig, at dinadaing ang sakit.

 

"..." Napaindang ka at napahawak nang mahigpit sa kaliwang kamay. Napapikit ka ulit sa hapdi habang dahan-dahang umupo. "P-Pota." Tinignan mo ito, at putangina, dumudugo na pala at dumadantay na hanggang sa palad mo.

 

"S- ," takot na tingin mo dahil ngayon kalang ulit nakakita nang ganito kadaming dugo sa katawan mo. 

 

Nanginginig mong pinahid ang duguang palad at kamay sa puting polo mo.

 

Ang lakas ng kabog ng dibdib mo habang tinitignan ang sasakyang nasa harap.

 

"Ms. Kang!" Rinig mo ring sigaw ni Manong guard na hindi pa makapunta sayo dahil sa mga sasakyang dumadaan na. May mga iilan pang bumagal para tignan ang nangyari sa'yo. 

 

Napalingon ka sa kabilang kalsada at napatakip nalang ng bibig si Krystal na nakatuod parin sa kinatatayuan niya.

 

"F-," mura mo ulit at tinignan ang humahapding sugat sa siko mo. Napakagat ka ng labi sa laki. At doon mo lang naproseso ang nangyayari. 

 

Tangina. Nakaupo ka sa kalsada. At muntik kang masagasaan. Tangina paano nangyari 'to?

 

Di nagtagal ay narinig mong bumukas ang pinto ng sasakyang isang pulgada nalang ang layo sa'yo. 

 

"Oh my god." Agad lumapit sa'yo ang may-ari at yumuko para hawakan ka. 

 

Napahinto ka nang makita kung sino ito.

 

Hindi ba't-

 

"Are you okay? I'm so sorry. , I'm so sorry." Ginulo niya ang buhok niya na parang hindi rin alam ang gagawin. Pero ikaw, nanatiling nakatitig sa babaeng nasa harap mo.

 

Dahil kilala mo 'to.

 

Sigurado kang kilala mo siya.

 

Pamilyar sayo ang mukhang 'to.

 

Naka puting coat at may ID sling ng St. Paul's. At mas lalong nakikilala mo ito dahil sa kulay gintong buhok niya. Hindi mo lang maalala ang pangalan pero alam mong nabanggit na ito ni Joohyun sayo.

 

Doc Blonde.

 

Kung hindi ka nagkakamali, si Doc Blonde ang nasa harap mo ngayon, ang may-ari ng sasakyan, ang sasakyang putanginang muntik nang sumagasa sa'yo.

 

"May masakit ba sa'yo?" Agad niyang lapit at tinignan ang katawan mo. Nakita niya ang madugong polo mo. ". Dadalhin kita sa ospital." mabilis na sabi niya.

 

Nabalik kana sa katinuan at agad na umiling habang dahan-dahang tumayo. Medyo nanghihina pa ang mga tuhod mo pero pinilit mo talagang tumayo. 

 

"O-Okay lang ako," Tinago mo ang dumudugo at nanginginig na kamay sa likod mo. 

 

"Are you sure?" Tumango ka. ", I'm so so sorry. Hindi ko nakitang may dumadaan pala," pag-uulit niya pero hindi mo makuha ang katiting na pag-aalala sa mga mata niya. O sadyang nabulag kana sa inis dahil sa kalagayan mo ngayon?

 

"I'm fine." You forced out a conforming smile. "Hindi mo naman ako nabunggo."

 

"Are you sure? I'm really sorry. I'm-" Napahinga siya nang malalim at kinuha ang ID niyang nakasabit sa bulsa ng damit niya. "I'm a doctor." Agad niya itong binalik, ni hindi mo pa nga nababasa ang pangalan niya. "And may emergency sa ospital kaya I'm currently rushing."

 

Hindi mo rin alam ang isasagot mo dyan.

 

"I'm really sorry but I'm really in a rush right now." Ginulo niya ulit ang buhok niya. "Can I atleast have your number para balikan ka?"

 

Umiling kana. "Okay lang. No harm done."

 

"But-"

 

"Just next time-" Turo mo sa traffic light. "-Don't rush the green light ulit. And be mindful of the road para iwas disgrasya. Nasa harap pa naman 'to ng University, maraming mga bata ang dumadaan."

 

"Yes. I'll take that in mind. Sorry. I'm very sorry."  Pero kumunot parin ang noo mo dahil hindi mo talaga nararamdaman ang sorry sa mga salita niya. 

 

"It's fine. You can go ahead," you assured kaya tumango na siya at nagmamadaling bumalik sa sasakyan niya. Nang dumistansya na ito sa'yo, mabilis mong tinanggal ang mask na suot mo pa pala. Binulsa mo ito at agad kumuha ng malalalalim na hininga.

 

"Seulgi!" Napalingon ka at tumatakbo na si Krystal palapit sa'yo. Agad niyang tinignan ang kamay mo. ", you're bleeding," she hissed, nilingon ang sasakyan ng doktor na papalayo. Ang sama sama ng tingin niya. Sobrang sama. Nanlilisik pa ang mata niya habang sinusundan ang paglayo nito. 

 

"Tara na," yakag mo nalang dahil naalala mong nasa gitna pa kayo ng daan.

 

"Ms. Kang!" Lumapit narin pala si Manong guard sa inyo. "Ayos lang po kayo?"

 

"Opo. Ayos lang po ako," ngiti mo kahit hindi naman talaga.

 

"Manong, pwede mo ho ba kaming samahan tumawid?" tanong ng kasama mo habang mahigpit na nakahawak sa'yong braso para suportahan ka.

 

"Uwi nalang tayo."

 

"Gagamutin ko muna 'yan."

 

Hindi kana rin naka-ayaw pa dahil hinila kana niya patawid. At sinamahan nga kayo ni manong. Pinapahinto niya ang mga sasakyan para makatawid kayo, yung iba, nag-aalala pang binaba ang mga bintana nang makita ang duguang damit mo. 

 

Tangina. Nakakahiya.

 

Mahigpit din ang hawak mo kay Krystal dahil nanginginig parin ang buong katawan mo. Your knees felt numb, pati ang braso

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
Omg thanks for the feature?!?! Ang cute ng star! Para at para lang po sa inyo ‘yan! Merry Christmas pala talaga!
No comments yet