Did You Really Think

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter
 

#RedVelvet_IRENE_SEULGI

huwag maging porkchop, stream Monster okay?

 

 

 

 

 

 

 

 

Chapter 24

 

 

 

 

 

 

 


 

"This actually feels nice..." Pag-aamin mo na.

 

"Sabi ko sa'yo eh."

 

"Sino ba naman kasing baduy ang ilalabas ako dis-oras ng gabi, diba?" Huminto ka sa ilalim ng mailaw na mga puno at humarap sakanya. "Ikaw lang."

 

Ngumiti lang siya at niyakap ka nang pagkahigpit-higpit. Hindi mo alam kung para saan, pero kusang pumunta parin ang mga kamay mo sa likod niya para yakapin siya pabalik, nang kasing-higpit.

 

"Kaya nga late-night date ang tawag dito, tangi. Kasi gabi."

 

Napailing ka nalang sa pagdedepensa niya.

 

Paano nga ba kasi kayo napadpad dito?

 

Tinext mo lang naman siya kanina na magbbreak ka muna sa gitna ng night shift mo. You didn't even wait for her reply dahil akala mo tulog na siya that time.

 

Kaya you clearly did not expect her to show up sa harap ng opisina mo, in the middle of the night, with that attractive mischievous smirk that you love.

 

And you just can't really resist that...

 

So that's why you're here, sa Intramuros, at 10 in the evening. Yes, 10. Alas-diyes. Way too much for this 'late night walk' na pakulo niya sa Fort Santiago.

 

Hay nako...

 

She could be so surprising and not to mention, clingy, at times like this na nasa gitna ka ng busy week. At di ka naman nagrereklamo dahil you'd be more happy to spend a little bit of your time with her, kahit anong oras pa'yan.

 

And you've been missing her, to be honest. You were really busy kaya natatanggihan mo siya minsan sa mga aya niya.

 

Medyo nagtalo at nag-alinlangan kapa nang tanggapin ang alok niyang palabasin ka saglit sa ospital kanina, but now, ang gaan-gaan na ng pakiramdam mo habang kasama siya.

 

Wala ka kasing nakikitang ibang tao ngayon, and you never imagined an Intramuros 'date' to be more special at this late hour.

 

"I really missed you, tangi." pambabasag niya ng katahimikan. "I feel like I haven't seen you enough these days, kahit nasa isang bubong lang tayo."

 

Aww.. Natatawa mong pinasok ang daliri sa ilong niya.

 

"Hoyyy!" Tawa niyang hawi sa kamay mo. "Kadiri ka!"

 

"Paguilty ka naman." Halik mo nalang sa pisngi niya. "Sinasabi mo bang wala na'kong oras sa'yo? Pagod kana ba sa'kin, ha?"

 

Tumawa lang siya at pinagsaklop ang kamay niyo.

 

Tinignan mo ang magkahawak niyong kamay.

 

Hindi na napawi ang ngiti mo.

 

You happily swayed it.

 

"Tangi." tawag niya muli.

 

"Hm?..."

 

"Bakit feeling ko this could've been a perfect time to propose?"

 

Mabilis kang napabitaw sakanya.

 

You looked down, tinitignan kung may hawak nga ba siya dahil sa itinanong niya.

 

Narinig mo naman ang pagtawa niya. "No no, I have nothing under my sleeves, I swear."

 

Pero nanatili ka paring nakatitig sakanya.

 

"It's just... everything feels nice tonight... Diba?... Ang ganda ng buwan, ng lugar, pati ng kasama ko.... Parang ang sarap tuloy lumuhod at magdrama."

 

Kumurap ka.

 

Natawa na siya sa pagkagulat mo. "Naisip ko lang naman."

 

Bakit naman siya nambibigla nang ganito?

 

"Papapakasalan mo pala talaga ako, huh..."

 

Narinig mo ulit ang pagtawa niya. "Baliw. Oo naman. Unless," Ngisi niya. "Ikaw ang may ayaw..."

 

Napailing ka nalang at nilagay sa tapat niya ang kamay mo. "Oh."

 

Nagtaka siya. "Ano 'yan?"

 

"Ask me now." Irap mo. "Hiya kapa eh."

 

Natatawa niya nga itong kinuha at hinila ka para yakapin muli.

 

"You know..." sabi niya habang mabagal na inuuyog ang mga katawan niyo. "If I were to be given a superpower, gusto ko 'yung kung saan nagagawa kong constant ang isang bagay."

 

Tumingala ka at tumingin sa mga mata niya. "Constant?"

 

"Mhmm..." Tango niya, placing a chaste kiss on your lips. "Like us... gusto kong gawin tayong ganito lagi."

 

And another. "I want us to stay as happy as we are now, tangi."

 

Your heart skipped a beat.

 

And another. "Constant. Forever."

 

 

Ngumiti lang siya sa'yo at hindi ka narin hinayaang magsalita pa.

 

"Picture tayo."

 

And you just happily went along with her. Hindi mo na nga alam kung anong mukha mo ang lumalabas sa mga kuha niya. Naiisip mo parin ang mga sinabi niya, kasi alam na alam ng puso mo ang mga kahulugan nito.

 

"Kiss." Turo niya sa pisngi niya.

 

Sinunod mo naman.

 

"Wah...cute natin dito." Pinakita niya ang phone niya. Ngumiti kalang at mahinang pinisil ang pisngi niya. You really love watching her smile tuwing tinitignan niya ang mga litrato niyo.

 

"I'll take a picture of you."

 

Naglakad siya palayo at iniwan ka sa ilalim ng mailaw na mga puno.

 

You frowned. "I would've dressed myself nicely kung-"

 

"Achuchu." Putol niya sa'yo. "You always look good in anything, tangi. Di mo ba alam 'yan?"

 

Nambola pa. Napangiti ka tuloy.

 

"Pero the bestest talaga kapag walang suot."

 

Agad napawi ang ngiti mo.

 

Pero hindi kana nakasumbat dahil tinapat na niya sa'yo ang phone niya.

 

She gave you a warm smile this time.

 

"Smile for me, love."

 

 

 

And you watch her from afar habang nakangiti niyang tinitignan ang mga kuha niya. Lumipat ka sa isang tabi, slightly sitting down para hintayin siya.

 

Napatitig ka sakanya.

 

It makes you smile as well, when you see her smiling like this.

 

Naisip mo...

 

How does she really know everything that you need?...

 

'Yung tipong pagod na pagod kana sa trabaho and then here comes her, a magic you can't understand, dahil nakakalimutan mo saglit ang lahat kapag kasama mo siya... gaya ngayon.

 

They say, having someone who can handle all your moods is such a blessing. And you didn't realize 'til now. Not until Seulgi came into your life.

 

And you find it really funny... because this, and all the other reasons that made you fall inlove with her... are the things she never knew she was doing.

 

Mas lalo kalang niyang binibigyan ng rason para mahulog pa sakanya.

 

 

"Ganda..." Rinig mong sabi niya sa kanyang mga kuha bago tumingin sa'yo. Tumaas kaagad ang kilay niya nang mapansin ang mabigat na pagtitig mo sakanya.

 

Ngumiti kalang, extending your arms. "Come here."

 

She doesn't even have to be told twice. Nakangiti siyang naglakad palapit sa'yo. Hinila mo kaagad siya pagitna sa mga paa mo at niyakap nang pagkahigpit-higpit.

 

Ibinaon mo ang sarili sakanya at napapikit sa init at amoy niyang nagpapagising sa'yo.

 

No one spoke...

 

Yet your mind is elsewhere but into hers... a sudden feeling of being utterly happy and contented... with her.

 

Naramdaman mo ang mahinang pagsuklay niya sa buhok mo. "Recharge?..."

 

Ngumiti ka at tumango nalang.

 

Tumingala ka, tumitig sa mga mata niya...

 

"Gusto mong malaman kung anong superpower ang gusto ko?"

 

Natawa siya. "Ano?"

 

"To be able to run across time."

 

She giggled. Hinawakan niya ang mukha mo at pinisil ito. "And why is that?"

 

Ngumiti ka pabalik sakanya.

 

"Para bumalik sa nakaraan... at hanapin ka nang mas maaga."

 

Dahil ngayon kalang naging ganito kasaya. Kaya pwede pa kayang mandaya at bumalik sa nakaraan, 'yung lagpas pitong taon? Para hanapin siya? At masilayan ang ganitong kasiyahan nang mas maaga?

 

Halatang kinilig naman ang mokong sa sagot mo.

 

"Ugh," Madramang sabi niya bago ka hinila patayo. "Tara na nga! Dapat 11, nasa ospital kana diba?" Tumingin siya sa relo niya. "10:35 pa naman."

 

"Oh tapos?" Ngisi mo, alam na alam kung anong binabalak ng gagong 'to.

 

"15 minutes pabalik sa St. Pauls..." Kunwaring seryosong pag-iisip niya. "Edi we can still make out sa sasakyan ng mga 10 minutes!"

 

Malakas kang natawa.

 

At talagang hinila-hila kana niya palabas.

 

"Tanginaaaaaa." Natatawa mong sabi nang makarating kayo sa parking lot. "Wagas ka naman makahila!"

 

"Every second counts, tangina mo rin!"

 

Tawang-tawa kayong magkahawak-kamay na tumatakbo, sa gitna ng tahimik na espasyo, na parang sa inyo't inyo lamang ang oras at ang mundo.

 

Nababaliw ka tuwing tinitignan siyang ganito kasaya. Dahil ikaw at ikaw ang dahilan...

 

Parang bumabagal ang lahat...

 

At dito mo laging naiisip, na kung bakit sa tuwing may nagtatanong sa'yo kung anong meron sakanya't minahal mo, ay hindi mo masagot, hindi mo gustong sagutin.

 

Dahil natatakot ka... Natatakot kang maagawan at hangarin siya ng iba kapag nalaman ng mundo kung paano siya magmahal, kung paano ka niya pinapasaya, kung anong klaseng reyna ka sa mga kamay niya.

 

Buong buhay mong hinanap ang lugar mo. At sa puso niya'y natagpuan mo ito. Kaya ayaw mo nang may makisiksik pa, may kumatok pa.

 

Sa'yo nalang sana ang nag-iisang lugar na ito. Sa'yo lang.

 

Ngayon kalang natutong magdamot nang ganito.

 

At siguro mandaya.

 

Dahil kung sakaling magkatotoo nga ang superpower na'yon, hindi lang ang nakaraan ang pupuntahan mo. Pati narin ang hinaharap, lalakbayin mo.

 

Titignan mo lang sana kung kayo parin ba sa bawat paggising niyo. Dahil kung hindi na, dadayain mo nalang ang panahon... para malaman kung bakit, para hanapin kung saan kayo nagkamali, aayusin ito, paghahandaan— lahat.

 

Lahat para lang gumising sa mga bukas na andiyan parin siya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TRACK 05: Sagutan - SUD  |

 

 

 

 

 

 

 

 

DID YOU REALLY THINK

[QUARANTINE PHASE 2.5]

 

 

 

 

 

Kung may hangad sa habang buhay
Ito’y lagi lang sa tabi mo
At kung magtatagal man tayo, sana ‘di na maglaho

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

THROUGH THE LENS OF: Jennie

 

 

 

Natawa ako. "Really? At this rate, maniniwala kapa sakanya?"

 

Napatingin siya sa'kin.

 

"What are you saying?"

 

Hindi ako sumagot. Dahil alam kong alam niya ang ibig sabihin ko. Hindi pala siya... Si Seulgi pala ang habol niya. Tangina lang.

 

"Imposible, Jens." Pilit niyang iling. "Hindi..."

 

Ako namang 'tong naiinis na.

 

"God, Joohyun."

 

Hindi niya ito pinansin, tumingala siya sa'yo, mga matang gustong-gusto marinig ang mga gusto mong sabihin.

 

"Now you tell me. What do you know?"

 

Sabi ko na nga ba...

 

Huminga muna ako nang malalim bago umupo sa tapat niya.

 

 

═══

 

 

Once someone, or something ticks off my curiousity, talagang hindi ko 'yan kinakalimutan.

 

I watch and remember it all. All of it.

 

The first time I met Wendy, I had an impression of her as a shy, kind-hearted girl. And she is, she really is.

 

Hindi lang ako ang nabighani sa kabaitan niya. Pati na nga rin ang ibang mga nasa ospital ganoon din ang sinasabi.

 

And it only took a sudden turn for my interest nang may napansin ako sa simula palang.

 

 

"I'm Wendy Son. Last-year resident ng Neuro. I hope we can all get along well."

 

"Hello! Welcome sa St. Paul's!" Agad na pagsalubong ni Solar in her usual friendly vibe. "Yongsun nga pala. Solar nalang para mas cute!"

 

Gaga talaga.

 

Lumapit narin ako at nagpakilala. "Jennie Kim. Welcome, Dr. Son."

 

Ngumiti siya nang malawak. Nakakahawa, ang cute naman ng resident na'to.

 

"Wow, last-year resident. Neuro ka diba? I'm sure kilala mo na si Joohyun. Ka-station din natin siya kaso-" Biglang bumukas ang pinto. "-ay pak, speaking of the devil."

 

Mabilis na lumingon ang bagong doktor sa kaibigan namin.

 

"Joohyun! Late ka na mamsh! Andito na alaga mo oh!" Sigaw pa ni Solar sa bagong dating.

 

Napansin ko kaagad ang pagtitig niya kay Joohyun.

 

"G-Good morning po, Dr. Bae."

 

"Wendy, right?" Masayang bati ni Hyun sakanya. "Welcome sa St. Paul's!"

 

"T-Thank you."

 

Pink cheeks... stuttering words...

 

Nagtataka kong tinignan si Wendy.

 

 

 

 

 

Even after everyone was settling at inaayos na ni Wendy ang mesa niya, I couldn't help but still stare at her from afar.

 

May binigay siyang planner para sa aming tatlo. Joohyun got a purple one. Her favorite color.

 

It's... ewan mo ba.

 

There was something about her glossy teary eyes when she saw Joohyun for the first time... I couldn't point out... and I couldn't let it slide...

 

 

 

"Labas po muna ako." Pamamaalam niya sa amin. Nang makalabas na nga siya, tumayo narin ako para sundan siya.

 

"San ka?" Tanong ni Solar.

 

"May titignan lang."

 

I really followed this new girl. Hindi ko rin alam what got into me. Pumasok siya sa isang restroom. I waited for a few seconds bago pumasok. The knob was even locked, pero hindi siguro niya naisara nang maayos kaya ako nakapasok.

 

I didn't let my presence be known.

 

She was nowhere to be seen.

 

And suddenly, all I heard were muffled sobs echoing around the walls.

 

Napatitig ako sa cubicle na nasa dulo.

 

W-Why is she crying?

 

 

 

For a first encounter, I found it really weird. Hindi rin ako naglakas-loob na tanungin si Dr. Son tungkol doon. It was so out of the blue, but then, I couldn't seem to find my place para usisahin iyon.

 

Hanggang ngayon, hindi ko parin malaman kung anong dahilan. I'd like to think it wasn't about anything, or anyone. Sudden surge of emotions? Personal problems? I told myself that must be it.

 

 

 

The following months were surprising. She's actually approachable and sometimes bubbly. Masayahin pero mahiyain parin ang bago naming kasama sa station. Parang nakalimutan ko na ang mga nangyari noong una ko siyang naencounter dahil ang bait bait talaga niya.

 

At kung gaano siya kabait, ganoon din naman siya kamahiyain. 'Yung tipong kapag inaaya namin siya ni Solar, humihindi siya dahil nahihiya siya. Talagang Solar and I did our very best na iapproach siya dahil we wanted her to be comfortable around us, lalo pa't nasa iisang station kami.

 

But day by day, hindi parin namin siya mapalapit sa amin. And she wasn't making an effort either. You're fine with it naman. Seriously, you didn't mind. Dahil if that's really her personality, ayaw niyo namang sirain ang mga pader niya.

 

Pero isang araw, nagulat nalang ako sa natanto ko.

 

Sa amin lang pala siya ganyan.

 

 

Kay Joohyun hindi.

 

 

 

 


Natatawa akong nag-unat habang papunta sa opisina ni Joohyun.

 

Valentines kasi.

 

Tapos wala ang jowa niya.

 

HAHAHAHAHA.

 

Sabi niya magpapagabi nalang daw siya sa ospital dahil ayaw niyang mag-isa sa bahay nila sa Valentines.

 

Nakakatawa talaga dahil yamot na yamot parin siya habang iniisip na kasama ni Seulgi ang 'kabit' niya. Sa mismong Valentines pa!

 

Mag-isa tuloy akong napaagik-ik.

 

May pagka-jologs din talaga 'tong si Joohyun minsan.

 

Excited akong lumiko sa hallway niya, nakangisi, dahil atat na atat na'kong inggitin siya sa dinner date namin ni Lisa bago ako pumunta dito.

 

Pero iba pala ang nadatnan ko.

 

Mabilis akong dumikit sa pader nang makita ko si Dr. Son na saktong papasok sa opisina niya.

 

Huh? Anong ginagawa niya dito?

 

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto niya. Sinilip ko ang loob mula sa nakabukas na blinds at nakita ko siyang may nilalagay sa desk ni Joohyun.

 

Wala si Joohyun sa loob.

 

At ano kaya 'yun?

 

May nilagay din siyang dalawang rosas sa flower vase ni Joohyun. Akala ko lalabas na siya kaya hinanda ko na sana ang sariling magtago.

 

Pero napansin kong napahinto siya.

 

Kinuha niya ang kaisa-isang picture frame sa itaas ng CPU ni Hyun at pinagmasdan ito. Nagulat ako, nagtataka. Dahil bakit pinakikialaman niya ang gamit ni Joohyun?

 

She traced it with her fingers. Nakita ko pa ang pagngisi niya bago ito nilapag sa parehong lugar.

 

What the...hell?

 

Nagtataka akong nagsimulang maglakad palayo. Dahil hindi ba't...

 

...Litrato nilang dalawa ni Seulgi 'yon?

 

 

 


'Yun ang unang beses na may naramdaman akong kakaiba kay Wendy.

 

Now that sounds overcritical, but I didn't care. This is my bestfriend we're talking about.

 

Hindi ko sinabihan si Joohyun, obviously. Nanghihinala pa lang naman ako. Nalaman ko rin kasing binigyan rin ni Wendy ng regalo ang ibang mga kasama nila sa NS at pati na nga kami.

 

Lahat kami pareho ng natanggap. Pero kay Joohyun, alam mong may iba pa siyang binigay. Maliban sa rosas na nilagay niya, may nabanggit si Joohyun na regalong nasa desk niya.

 

"Bear." Tawang taas niya sa dalawang ballpen na hawak. "Sino kayang nagbigay? Ang cute..."

 

Kating-kati sana akong sabihin na kay Wendy.

 

It was so obvious. And god... that smirk...

 

I get creeped up just at the thought of it.

 

I'm used to men and women crushing over my best friend. I mean, elementary palang, kasama ko na 'yan. Daming nakaabang diyan kaya hindi na'ko magugulat kung pati si Dr. Son sumama sa listahang 'yan.

 

But then, Joohyun's not really the type to believe sa mga hinala-hinala lang. I know her well. Kaya I told Seulgi instead.

 

I did not tell Seulgi it's Wendy. Ang sabi ko lang, may katrabaho kaming di ko feel, na parang may binabalak kay Joohyun. And wow, Seulgi was untroubled. She didn't even bother telling me to update her more, keep an eye of it more, or be triggered safe to say.

 

Grabe, she really trusts Joohyun that much.

 

Tangina, naguilty tuloy ako.

 

So I thought of what I saw as a rather kind gesture instead. Oo nga naman... What's wrong with giving out gifts to your superiors?

 

I tried to forget about it, the smirk, her face, I pretended I didn't see— all the while still watching her from a distance.

 

 

 

 

 

Everything was turning out fine...

 

 

Not until that once specific encounter, on the 3rd of March, and it still gives me the goosebumps but I dare not to say it for now.

 

Hindi ko pa masabi kay Joohyun hanggang ngayon. Not until I find it out myself.

 

And one by one, more happened...

 

 

And this,

 

 

 

"Babe."

 

"Hm?"

 

"May katrabaho ba kayong...blonde?" Mabilis akong napalingon kay Lisa. "...parang nakita ko narin sa ospital eh, di ko sure."

 

"Meron nga. Bakit mo natanong?"

 

"Parang nakita ko kasi siya sa Wesley kanina."

 

Wesley?

 

Agad ko siyang hinarap. "Anong ginagawa niya don?"

 

"Aba malay ko." Bikit-balikat niya. "Tinatawagan ko si Daddy nun tapos parang nakita ko siyang may kausap sa parking lot. Parang nag-aaway nga 'yun eh."

 

"Sino kausap??"

 

"Di ko alam. Nakita ko lang 'yung blonde na buhok niya kaya ko natanong. Tas nung palabas na'ko, nasa labas narin siya. Ang liwanag pa talaga ng ilaw ng sasakyan niya."

 

Wendy? Sa Wesley? Bakit naman siya napadpad doon?

 

"Parang may hinihintay ata."

 

Hinihintay? Sino?

 

 

 

 

Of course, it wasn't any of my business.

 

Hindi ko na inisip 'yon.

 

Hindi talaga.

 

Hindi sana.

 

Kung hindi lang sana tumawag si Seulgi sa'kin nung gabing 'yon.

 

 

 

"Ate..."

 

"Seulgi? Napatawag ka?"

 

Napatingin ako sa oras. It's 10. Ano kayang kailangan neto?

 

"M-May sasabihin lang sana ako."

 

Nakakapagtataka ang pag-uutal niya, kaya bigla akong kinabahan dahil parang may sasabihin siyang hindi maganda.

 

"Ano 'yun?"

 

"Kanina..." Saglit pa siyang natahimik. "M-Muntik na'kong masagasaan."

 

Agad akong napabalingkawas sa kama. "Ano?!"

 

"Pero o-okay lang naman ako-"

 

"Saan? T-Teka alam naba ni Joohyun 'to?"

 

"Hindi..."

 

"Seulgi!" Gulat kong sabi. "Bakit ako-"

 

"Eh kasi..." Matagal pa bago siya dumugtong. Narinig ko ang pagsinghap niya at bumulong. "Si Doc W-Wendy."

 

"W-Wendy? Why?"

 

"S-Siya 'yung may-ari ng sasakyan."

 

 

 

 

The fact na sinabi rin ni Lisa that day na parang nakita niya si Wendy, pumutok kaagad ang mga hinala ko.

 

Sabi pa nga ni Seulgi, imposibleng hindi siya nakita sa daan.

 

Naalala ko ang nangyari noong Valentines. Hindi ba't nakita na niya ang picture nilang dalawa? Edi dapat namumukhaan na niya si Seulgi, hindi ba?

 

Tangina?

 

Is Wendy up to something?

 

And I'm baffled... dahil bakit naman si Seulgi? For all I know, hindi pa sila personally pinapakilala ni Joohyun.

 

Seulgi begged me not to tell Joohyun about the incident. Sinunod ko nalang siya. She even had wounds for pete's sake kaya I told her to ask help from Baek dahil packed ako nun kinabukasan.

 

I was beyond furious. Especially nung sinabi niyang nagkita pala sila ni Wendy that afternoon tapos hindi man lang siya naalala. Seulgi kept on insisting na it was because of the mask she was wearing. Pero hindi ako naniniwala.

 

I told myself, there has to be something more. Kaya mas tinutukan ko pa ang mga galaw ni Wendy.

 

 

 

 

The next days kung saan mas naging tight na ang hospital at lumayo na si Joohyun kay Seulgi, I noticed the way Dr. Son was sticking with my bestfriend.

 

Magkatrabaho lang sila, I reminded myself. But with all those 'juice-givings', even rescheduling her shift para makasama si Hyun, gosh, she's sure up to something.

 

At eto namang si Joohyun, hindi ko alam kung dense parin ba o may napapanghalataan na, dahil parang ineenjoy naman ng gaga ang pagmamagandang loob netong Chief Resident niya.

 

Damn. Joohyun's really warm and accommodating too. No wonder, tinitake-advantage rin ng iba.

 

Hindi ko naman sana planong pakialaman siya. Kaso lang, ang di ko maintindihan ay kung bakit pati si Seulgi parang kilala niya?

 

From the picture frame, the juice, and the accident... Di ko gets why it seemed like Seulgi could actually be the one she's after.

 

All these weeks of watching her, I really thought she was after Joohyun.

 

I was still sure of it. Very sure.

 

But when Seulgi told me Wendy started following her on all social media sites pagkatapos silang ipakilala ni Hyun, nagsimula na'kong dudahan ang sarili kong hinala. Because... Wendy isn't even following Joohyun, or any of us. But then, with Seulgi?

 

She knows this is the girl Joohyun's dating, right?

 

Seulgi even told me they're having small chats too.

 

And Wendy is sure overly-friendly daw.

 

Nako nako talaga.

 

Wala pa talaga siyang balak sabihin kay Joohyun. I thought she was dense as well, kaso nalaman kong kaya niya tinatago kay Joohyun eh dahil may napapanghalataan narin pala siya.

 

Ewan mo nalang talaga pag nalaman pa'to ni Joohyun.

 

And then it heightened even more these past few days. Wendy started doing this whatsoever juice thing kay Seulgi din.

 

Worse, I once bumped into her sa OR Lounge. She was all over her phone, smiling, and then when she left her phone on at saglit na umalis, I didn't mean to pry. Seryoso, I was just passing by kaya I saw na she was chatting with Seulgi pala.

 

 

"She was smiling. Ginawa mo?"

 

"Nag thank you lang naman ako."

 

"Don't you find it weird?"

 

"I do," pag-aamin ni Seulgi. "Di ko rin alam, ate."

 

"What do you think?"

 

Matagal pa bago siya nakasagot.

 

"P-Parang...parang kilalang-kilala niya ako..."

 

 

 

 

 

Kahit pagkatapos niyan, Seulgi still remained calm. Pabayaan nalang daw. Baka naman kasi Dr. Son is just like that. For as long as wala siyang ginagawang masama, pabayaan nalang daw.

 

I adored Seulgi for that somehow.

 

Akala ko hanggang doon nalang talaga.

 

 

 

 

But then everything went nuts when Joohyun came to my office just recently.

 

And boom, lahat ng mga hinala ko, nasagot kaagad.

 

It was that fast, that instant, that quick para malaman namin ang katotohanang tinatago pala niya. I can't even believe Joohyun was able to hide this from me, for this long, na may napapanghalataan rin pala siya.

 

The gift...

 

Wendy and Seulgi were classmates...

 

Kilala pala niya si Seulgi sa simula palang...

 

Then here's Krystal Jung...

 

Wendy and Krystal.

 

I never thought I could place them in the same sentence.

 

Joohyun wanted to believe we were wrong. Na hindi sila nagsasabwatan sa pagsisinungaling. But who was she kidding? Nasa harap na namin oh. All this time, Krystal Jung and Wendy had connections?

 

And now we're dying to know why...

 

Bakit nila tinatago?...

 

Ano bang gusto nila?...

 

Sirain ang relasyon ng kaibigan ko?

 

 

 

Talaga? They think they can do that?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

 

 

"ANO?!" sabay na sigaw ni Solar at Baek nang kinwento ko lahat ng nangyari.

 

"Hoy totoo ba'to?! Si Wendy?! As in ang super bait na si Dr. Son?!"

 

"Magkaklase pala sila ni Seulgi?!"

 

"May gusto ba 'yan sa jowa ni madam?"

 

"Teka bakit kasali din si Krystal Jung dito?"

 

"Eh diba 'yan yung katrabo ni Seul na yamot na yamot si madam?!"

 

"Magkakilala sila?!"

 

Hindi ko na nasundan ang sunod-sunod nilang tanong.

 

Tinignan ko si Joohyun. Tahimik lang siyang nakaupo sa gilid, tulala, halatang wala sa sarili. Tangina, ako ang naawa sa kanya. Ang dami pa niyang inaasikaso lalo pa't ililipat na siya sa susunod na linggo. Nag-aalala pa'to kay Tita dahil mas lumalala na ang sitwasyon sa Korea. At mas lalong hindi pa siya kinakausap ni Seulgi.

 

Tapos dumagdag pa'to.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
Omg thanks for the feature?!?! Ang cute ng star! Para at para lang po sa inyo ‘yan! Merry Christmas pala talaga!
No comments yet