The Storm

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Chapter 23

 

 

 

 

 

"Seul?" 

 

"Hm?..."

 

It's that silent aftermath of love-making again...

 

A time purely of love and thoughts kung saan hawak mo lang siya sa ilalim ng kumot, pinapakinggan ang kanyang paghinga, ang pagliwanag ng buwan ng gabi sa mga mata niya, at ang biglaang pagbugso ng damdamin mong lapitan ang puso niya sa'yong sa mga salita.

 

Hinihintay kalang niyang magsalita pa. Ngumiti ka. Hinalikan mo muna siya bago tinignan sa mata.

 

"Alam mo 'yung... 'Love doesn't feel good after some time'..?

 

Napatitig lang siya sa'yo at sa biglaang tanong mo.

 

"I don't think I'll ever feel that with you, Seul." Hinaplos mo ang pisngi niya. "Hindi ba't baliktad? Kasi I feel like loving you more and more instead."

 

Unti-unti mo nang nakita ang pagngiti niya.

 

"Ako rin naman..." Sinuklay niya ang buhok mo. "Ikaw lang ang hindi nakakasawa sa lahat."

 

"Talaga lang ha?"

 

She softly nuzzled your noses together with a chuckle.

 

"Talaga."

 

Mas napangiti ka sa narinig mo. Ibanaon mo ang sarili sa leeg niya at nag-iwan ng halik sa kanyang panga.

 

"I love you."

 

You smiled at your own words.

 

"I love you too."

 

Napapikit ka sa emosyong biglang dumaloy sa inyo. You wonder... will you ever get tired of saying that over and over again?

 

Tumingala kana muli sakanya. Napatitig kayo sa isa't-isa. Your mind always drowns in her eyes. It's her soul, her silent voice, at dito mo mas naaalala ang mga rason kung bakit natuto kang magmahal nang ganito.

 

"I love you, Seul," ngiting ulit mo, "A lot."

 

"Like never before?"

 

You silently giggled.  "Mhm, like never before."

 

Ngumiti siya.

 

Maingat mong hinalikan ang mga labi niya.

 

Bakit kaba magsasawa sa taong hinangad mo?

 

Bakit kaba magsasawa sa taong mahal mo?

 

Kailan ba nakakasawang mahalin ng kagaya niya?

 

Kailan ba nakakasawang magmahal ng kagaya niya?

 

Nakakasawa nga bang mahalin ang tamang tao?

 

Nakakasawa nga bang maging masaya?

 

You'd like to think not.

 

If the love fades away, then maybe it's not a love that's true after all. Because with her, natutunan mong love is committed to grow. Love— doesn't change. And if it does, it only gets better even after the bad days .

 

And if you replaced Love by the name of Seulgi...

 

God, then you're convinced...

 

Everything you give to her, she gives back.

 

In deep and lasting ways, she's the woman you see yourself loving— with the whole of your heart— for the rest of your life.

 

"Mahal na mahal... na mahal kita." bulong mo sa mga labi niya.

 

Kulang pa. Kulang pa ito para masabi mo kung gaano talaga.

 

Hinawakan mo ang kanyang pisngi, hinaplos ito gamit ang iyong daliri, at sinabi ang mga salitang paulit-ulit na dumadaloy sa'yong isip. 

 

 

"If people say loving you is a sin... then why did God allow me to be this happy with you?"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

THE STORM

[QUARANTINE PHASE 2]

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Joohyun

 

 

 

Sa mga nagdaang araw bago ang kaarawan mo, wala naman sanang nagbago.

 

Ganoon parin naman sana ang mga araw mo.

 

Nothing changed. At kung meron man, 'yun ay naging mas maselan kalang sa trabaho mo dahil sa mas tumtataas na mga kaso ng bansa.

 

Wala. Wala nang ibang nagbago.

 

Because above all, you still kept your relationship with Seulgi upright. And that's how you want it to be. That's how it should be.

 

Day by day, mas lalo mo lang namimiss ang pakiramdam na malapit sakanya, the warmth that you feel when you keep her the closest to you.

 

You don't mind about the long video calls, the constant need for her to check you up several times in a day, the nonstop texting, the distant warmth of smiles, the longing stares, her annoying teasings, all of it...

 

You can't have enough of it.

 

You can't get tired of it.

 

Ito naman kasi ang kailangan mo.

 

Siya. Siya ang kailangan mo ngayon.

 

 

 

Seulgi's been really patient with you.

 

You've been trying hard as well.

 

You still love her like never before. She still loves you like never before. And that's what matters for you. Iyan ang kinakapitan mo, ninyo.

 

This new routine... unti-unti na kayong nasasanay.

 

Ginalingan niyo pareho.

 

Hindi kayo nagpaapekto sa distansya.

 

Nabulag kayo sa isa't-isa.

 

Dahil akala niyo nasa inyong dalawa lang ang kailangan para manatiling matatag, para walang magbago.

 

 

Pero nagkamali ata kayo.

 

 

Hindi kayo nagtingin-tingin sa paligid.

 

May nag-aabang pala.

 

May nagmamasid pala.

 

May nagpapanggap pala. 

 

May puputol pala sa tuloy-tuloy na pag-agos ng tubig.

 

May babago pala sa ihip ng hangin.

 

 

 

Hindi niyo man lang napaghandaan.

 

May naghihintay na palang mas matinding bagyo— para sa inyong dalawa.

 

 

 

At kayo ang walang kaalam-alam na mga biktima ng kasinungalingan, pagtatago't pagpapanggap, lito, pagdududa, labanan ng isip, at takot— lahat.

 

 

Lahat dulot ng mga naiwang nakaraan.

 

 

 

═══

 

 

 

 

March 31

 

Kanina kapa tahimik na nakaupo sa opisina mo. Nakatulala ka sa kawalan, nagpaikot-ikot sa iyong kamay ang isang price tag na ilang buwan mo nang pilit ibinaon sa limot.

 

Sumandal kana sa swivel chair mo at napabuga ng malalim na hininga.

 

Mahigit dalawang araw nang hindi mawala-wala sa isip mo ang nangyari.

 

 

Happy Birthday, Bae Joohyun

 

 

Ito ang nakasabi sa regalong natanggap mo. 

 

Balenciaga.

 

Sweater.

 

Itim na paper bag.

 

Hindi ba't iyan rin ang bumagabag sa'yo noon? 

 

Parehong-pareho pa ang amoy, pilit mong inintindi. 

 

At kanino nga galing 'yun sabi ni Seul?

 

Kay Krystal.

 

Hindi kaya kay Krystal din galing ito?

 

Sobrang obvious naman siguro, diba?

 

 

Having enough, kinuha mo na sa bulsa ang telepono mo at agad tinawagan si Seulgi.

 

"Inidoro kaba?" 

 

Ito kaagad ang unang bumungad sa'yo. 

 

Inidoro? 

 

Nawala tuloy ang sasabihin mo. "H-Huh?"

 

"Ako kasi 'tong taeng nahulog sa'yo."

 

Kumurap ka. 

 

Ano raw?

 

"HAHAHAHAHAHAHA!" 

 

At kahit papano, naipinta niya ang ngiti sa mga labi mo. 

 

"Joke laaaang~" Agik-ik niya. "Napatawag ka? Miss mo na'ko, my porkchop? "

 

Napailing ka nalang. Baliw talaga. 

 

"Are you having a class?"

 

"Wala naman. Bakit?"

 

You sighed. "I...I have a favor to ask sana."

 

"Ano 'yun?"

 

"Can you ask Krystal something for me?"

 

Natahimik saglit ang linya. 

 

"Krystal? Bakit?"

 

"Ask her if by any chance... may pinadala ba siyang itim na paper bag dito?"

 

"Paper bag? Diyan sa St. Paul's?"

 

"Naalala mo 'yung nakuha mo sa birthday mo? That black paper bag na may sweater sa loob? Diba sabi mo siya nagbigay?"

 

"Siya nga."

 

"Someone gave it to me too. It's the same smell. Same brand. It's really the same, tangi."

 

"Talaga? Same sweater?"

 

"Kind of. Pero it has a different style."

 

"B-Bakit naman-"

 

"Just ask her."

 

Natahimik na naman siya.

 

"Just go ask her."

 

"O-Okay, saglit lang..."

 

"Tell her it's a black sweater."

 

"Okay."

 

Drumming your fingers against the table, you patiently waited. Nagdarasal kana sa isip mo na sana hindi tumama ang mga hinala mo.

 

Sana.

 

Sana nga.

 

"Black sweater, right?" 

 

Napaayos ka ng upo. "Yes. Nag-uusap na kayo?"

 

"Yeah..."

 

"Tell me kaagad if she replies."

 

She hummed, and mas kinakabahan kana habang hinihintay siya.

 

"Did you get it ba nung birthday mo?"

 

"Oo. Siya raw nagbigay?"

 

Napahawak ka nang mahigpit sa telepono mo.

 

"Yes, tangi. Siya raw."

 

"T-Talaga?"

 

"Mhm... she said sorry too dahil hindi siya nagpakilala. And... wait she's typing... eto, sana ayos lang daw sa'yo na black."

 

Napahinto ka.

 

"Woaah, she gave you one too? Cute niyo naman... Hmp! Dapat naba akong-"

 

Hindi mo na narinig ang sunod na sinabi niya.

 

Gamit ang natitirang katinuan mo, tinanggal mo ulit ang nasa loob ng regalo at tinignan ito.

 

Krystal Jung?

 

Bumilis ang tibok ng puso mo.

 

Sino ka?

 

Dahil hindi itim, kundi isang purple sweater ang nasa kamay mo ngayon.

 

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

"Joohyun."

 

"Huy Joohyuna."

 

"Joohyun!"

 

"BAE JOOHYUN!"

 

Napabalingkawas ka at napaayos ng upo.

 

"H-Huh?"

 

Napatingin ka sa kanilang tatlo. Nag-aalalang nakatingin sina Solar at Baek sa'yo habang si Jennie ay seryoso lang nakatungo sa'yo mula sa kabilang couch.

 

"Okay kalang ba, ha?" Hawak ni Baek sa balikat mo.

 

Kumurap ka at napaiwas ng tingin.

 

"I-I'm fine."

 

"Talaga? Eh kanina kapa lutang!"

 

"May iniisip lang."

 

Magsasalita pa sana ang isa nang biglang may kumatok sa pinto niyo.

 

Tumayo si Baek at binuksan ito.

 

Si Wendy pala.

 

"Doc Bae?"

 

Napatitig ka sakanya.

 

Dr. Wendy Son... 

 

"Huy Joohyuna."

 

Isa pato sa rason kung bakit ka mas naguguluhan ngayon.

 

"Mamsh!"

 

Napaigtad ka sa sundot ni Solar sa gilid mo.

 

"Lutang kana naman!"

 

"Nako Dr. Son, pagpasensyahan mo na." Pang-aaliw ni Baek sakanya. "Kulang kasi sa Vitamin S 'yan-" 

 

Hindi mo na napakinggan ang dalawa dahil tumayo kana at hinablot ang white coat mo para isuot ito.

 

"Doc Bae?" Rinig mong tawag ulit ng doktor matapos ang ilang saglit.

 

"I'll head down nalang, Wendy." Lingon mo nang mabilis.

 

"Sige po." Nagpaalam na siya sa inyong lahat.

 

"San ka?" Tanong ni Baek.

 

"ICU Rounds."

 

"Ah..."

 

"Pero ngayon ko lang ata nakita ulit si Doc Son ah." Biglang sabi naman ni Solar.

 

Hindi kana nakisali sa kanila at kinuha nalang ang stethoscope mong na nasa mesa. Napatingin ka muna sa bigay ni Seul. You sighed. Naiisip mo na naman siya habang isinisusukbit mo ito sa leeg mo.

 

"Famous ka?" Ani ni Baek sa kanya. "Kala mo naman wala sa iisang ospital."

 

"Gaga. Last ko ata siyang nakausap ay nung nagkita pa kami sa Balenciaga."

 

Balenciaga?

 

"Wow, yayamanin."

 

Napahinto ka.

 

"Doon talaga kayo naghahanap ng regalo? Grabe naman kayo-"

 

Mabilis ka ng napalingon kay Solar.

 

"Balenciaga? Nagkita kayo?"

 

Napahinto ang dalawa at lumingon din sa'yo.

 

"Oo. May binili siya. Pero matagal na'yun, mga February pa ata—"

 

"February?" Mabilis kang naglakad pabalik sakanya. "Sigurado ka?"

 

Nagtaka siya sa biglaang atensyon mo sa sinabi niya. "O-Oo...?"

 

"Before Seulgi's birthday?"

 

"Uh..." Pag-iisip niya. "Y-Yeah. February 7. Birthday kasi 'yun ng pamangkin ko. Bibilhan ko sana ng regalo."

 

"Bakit? Anong meron?" Nag-aalalang tanong ni Baek na agad umusog palapit sa inyo.

 

"Anong binili niya?" Diretso mong tanong, ang puso mong nagsisimula naring lumakas ang tibok.

 

"H-Ha bakit—"

 

"Just tell me." Hawak mo sa balikat niya.

 

Nagulat siya at napalunok sa pag-iiba ng boses mo.

 

"Off-white sweater." Dahan-dahan kang napabitaw sakanya. "I remember it well dahil 'yun din sana ang pipiliin ko."

 

At parang tumayo ang lahat ng balahibo sa kamay mo.

 

"A-Anong meron?" Naguguluhan naring tanong niya.

 

.

 

Ano na naman ba 'to?

 

"Joohyun?" Tawag ni Jennie na seryoso paring nakatingin sa'yo. "Bakit?"

 

Napatitig ka sakanya.

 

Natauhan ka.

 

Tinuyo mo muna ang lalamunan mo bago ngumiti nang pilit sa kanila.

 

"N-Nothing."

 

Tumalikod kana at nagsimulang naglakad palabas.

 

"Joohyun." Rinig mong tawag pa ni Jennie.

 

"Hoy Joohyuna, anong meron?"

 

Hindi mo na sila pinansin, biglang lumapsaw ang isip mo, napuno agad ng pagdududa, takot, at suspetsya.

 

Wendy?

 

Nagkataon na naman ba ito?

 

"Joohyun." Tawag muli ni Solar. Napahinto ka sa pagbubukas ng pinto. "Nakita ko rin siya sa parking lot noong araw na 'yon, dala-dala ang isang itim na paper bag."

 

Mabilis kang tumingin pabalik sakanya, tumitig sa mga mata niyang kilalang-kilala ka, na parang alam na alam ang biglang paggulo ng iyong isip sa mga sinabi niya.

 

"M-May kinalaman kaba dito?"

 

May kinalaman?

 

Napaharap kana sakanya sa itinanong niya.

 

"Kasi she told me not to tell anyone from the hospital... na nagkita kami doon."

 

 

 

═══

 

 

 

 

Gulong-gulo kana.

 

Hindi mo na alam ang nangyayari.

 

Bakit lahat ng mga pagdududa mo mula pa noon ay kumukonekta parin kay Wendy... kung kay Krystal naman lahat galing?

 

Nagkataon na naman ba?

 

Hindi kaya...

 

Umiling ka. Wag na. Wag mo nang guluhin pa. Imposible naman siguro ang iniisip mo, diba?

 

Dumadagdag lang ito sa sobrang daming pinag-aabalahan mo sa ospital.

 

"Doc Bae."

 

Napatigil ka sa paglalakad nang makalabas kana mula sa ICU.

 

You know that voice very well.

 

Taking a deep breath, lumingon ka, forcing out a smile in front of her. "Yes, Dr. Son?"

 

"Lunch?" Ngiti niya sa'yo.

 

May kung ano kang naramadaman sa kaloob-looban mo. Something is ticking, burning, and you can't seem to point it out.

 

"Doc Bae?"

 

"Sure."

 

"Everything's fine?"

 

You only settled a hum.

 

"I'll see you there nalang." Pamamaalam mo bago ngumiti at tumalikod. Maglalakad kana sana ulit nang bigla niyang hinigit ang kamay mo.

 

Napatingin ka sa kamay niyang nakapalibot sa'yo. Sinundan mo ito ng tingin, bago humarap muli sakanya.

 

"Here." Napatingin ka sa inaabot niya. "I already gave you the other one kanina and this one's for your girlfriend sana but I think you need this now."

 

Your girlfriend...

 

Ibinaling mo ulit ang tingin sa kanya.

 

Ngayong nabanggit na naman niya, may gusto kanang malaman.

 

Matagal mo nang gustong itanong sakanya.

 

Bakit ang bait bait mo rin kay Seulgi?

 

At nagulat ka nang bahagya siyang natawa.

 

Nasabi mo ba nang malakas?

 

May konting pag-arka ang gilid ng kanyang labi nang sinabi niyang,

 

 

"I can't?"

 

 



═══ 

 

 

 

Wala sa sarili kang naglalakad papunta sa caf nang makasalubong mo si Jennie na seryoso paring nakatingin sa'yo.

 

And you're not even surprised dahil ilang araw na siyang ganito.

 

You wonder.

 

"'San ka?" tanong niya.

 

"Lunch, why?"

 

"Sinong kasama mo?"

 

Nagtataka mong tinignan ang kaibigan. "Wendy. Bakit?"



Napatitig siya sa'yo at nakita mo ang pag-igting ng panga niya.



"Don't.", madiing sabi niya. 

 

Ayan na naman siya.

 

And you seriously had enough of that.

 

You're not dumb as hell para hindi malamang may napapanghalataan na siya nitong mga nagdaang araw. At naiinis kana dahil wala naman siyang sinasabi sa'yo.

 

Umiling ka nalang, not having any more of it, bago tuluyang naglakad.

 

Nakaka-isang hakbang ka palang nang hinigit niya ang kamay mo.

 

Mahigpit. 

 

Tinignan mo siyang naguguluhan. "Jennie."

 

"Si Wendy at si Seulgi..." seryosong tanong niya, "Magkakilala ba sila?"

 

Napahinto ka.

 

"Yung sa sinabi ni Solar, bakit ganon ang reaksyon mo? Magkakilala ba sila, Joohyun?"

 

Mabilis mong binawi ang kamay mo.

 

"Bakit mo natanong?"

 

"I'm just asking."

 

"You wouldn't ask if nothing happened." Lumapit ka sakanya. "What do you know?"

 

Isang katahimikan ang sinagot niya sa'yo.

 

You glared at her. "Tell me."

 

Umiwas siya ng tingin. 

 

Akala ba niya hindi mo alam? Na napapansin mo lahat ng mga reaksyon niya? 

 

At imbes na mga sagot ang ibigay niya, mas lalo kalang napupuno ng katanungan at lito sa katahimikan niya.

 

Anong alam niya?

 

Hindi parin siya sumasagot.

 

Lumayo kana at nagsimulang maglakad palayo. 

 

At hindi kana niya pinigilan ngayon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

April 1

 

 

Hindi pa nga natatapos ang isa, may panibago na namang gugulo sa isip mo.

 

 

 

 

tangi :( sobrang b

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
happy new year! /proof of life/

see u sa valentines for QT32!

Comments

You must be logged in to comment
Iamyourjoy #1
hello, nagbabalik na naman ako dito huhu mahal na mahal ko kayo team tangi 😭
alexis_keithh
#2
reread 😖 miss ko na kayo huhu :'((
xantheaverielle
#3
Chapter 3: Rereading :( Miss you Team Tangi 🥺 comfort characters ko talaga kayo
alexis_keithh
#4
Chapter 12: miss ko na team tangi 😭💔
DivisionOne_Seven
#5
Maghihintay.
wafflegi #6
I MISS YOU.
hi_sseulgae
#7
final na po di ko today??🤧
hi_sseulgae
#8
this year po ba na valentines??😔
xantheaverielle
#9
Chapter 44: I miss my magtangi 🥺
sevrf_ #10
Chapter 44: i miss you both🥹