Time Can't Tighten Loose Ends

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

uy hi! checkpoint vote muna

1. >> http://www.mtv.com/vma/vote/ <<

2. VMA-Best of KPOP category

3. Red Velvet Psycho para sa senado

kakagatin ni Waffles ang hindi boboto

 

 

Psycho MOTY deserve

 

 

 

 

 

 

TRACK 06: You Are - Pixie Labrador   |

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Chapter 26

 

 

 

 

 

 

“Hyun?” ang mga malalakas na katok… “Open this please?”

 

Malabo mo na itong marinig. Tanging ang patuloy na pag-agos ng tubig, ang mabibilis na mga daliring dumadaplis sa iyong labi lamang ang naririnig mo ngayon.

 

Gusto mong magmura.

 

“Hyun?”

 

Nasusuklam ka.

 

“Joohyun!”

 

You can’t even fathom how sickened you are with the ghost of somebody else’s lips haunting you like this.

 

Kaya nasusuklam ka.

 

Mas dinamihan mo pa ang tubig sa kamay at agad isinaboy ito sa bibig mo.

 

Ang dumi. Ang dumi-duming isipin.

 

Hindi mo na nararamdaman ang sakit mula sa lakas at bilis ng mga kamay mo. Gusto mo lang mawala ito. Tangina, gusto mo lang mawala ito sa isip mo.

 

Nasusuklam ka.

 

Sobrang nasusuklam ka.

 

Ito ang paulit-ulit na sumisigaw sa ‘yo.

 

Ito lang ang laman ng isip mo.

 

Mas nagiging desperado na ang iyong mga galaw, hanggang sa tuluyan nang magasgas ang gilid ng labi mo.

 

“S-.” Napahinto ka na. Pagod kang napasuko at napatukod na lang sa lababo. Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib mo, sobrang bigat at lalim pa rin ng iyong mga paghinga.

 

Naramdaman mo na ang pagkaluskos ng mga susi. Napapikit ka na at napaluha nang tuluyang bumukas ito.

 

“H-Hyun…”

 

Agad lumapit si Jennie. Nag-aalala niyang hinawakan ang mukha mo at iniharap sa kanya. Napadilat ka, nag-aalalang mga mata ang sumalubong sa ‘yo.

 

Her eyes landed on your lips.

 

“A-Anong…” Umiling ka at hindi na nagdalawang-isip pa na yumakap sa kanya. ”Joo-”

 

“J-Jen…”

 

Napahagulhol ka nang hindi inaasahan.

 

Why…

 

Why did she do that?…

 

“Anong ginawa niya sa ‘yo?”

 

Mas lalong bumigat ang puso mo.

 

Anong ginawa niya sa ‘yo?

 

“H-Hindi ko na…a-alam…”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

THROUGH THE LENS OF: Jennie

 

 

“Tangina.”

 

Kusang tumigil ang mga kamay ko sa paggagamot sa maliit na sugat niya.

 

“Tangina niya?” Hindi ko mapigilang mapamura ulit.

 

Sinong matinong tao ang gagawa sa kanya nito?

 

Lumayo na siya at nanatiling tahimik. Ni hindi ko makuha ang mga tamang salita para ilarawan kung anong klaseng kahibangan ang narinig ko mula sa kanya ngayon.

 

Si Wendy talaga? Si Wendy ang nagpapadala ng mga sticky notes noon?

 

The ?

 

Akala ko ba-

 

“Akala ko ba si Seulgi ang- what the hell, hindi ba’t-” Narinig ko ang malakas na pagsinghap niya, and it was my cue para huwag na munang dagdagan ang paggulo ng isip niya.

 

Napatitig na lang ako sa kanya.

 

Sobrang naguguluhan ako sa mga nangyayari.

 

Kung ako mismo hindi alam kung anong mararamdaman ngayon…

 

…paano pa kaya siya?

 

Tangina.

 

At naalala ko bigla kung bakit ko siya hinahanap kanina. Napakagat ako sa labi habang iniisip ang mga maaring mangyari pag nalaman na niya.

 

Tangina talaga.

 

M-May dadagdag na namang masamang balita para sa kanya.

 

Ano bang nangyayari dito?

 

Bakit ba pinagsasabay ang lahat ngayong magpapaka-bayani pa siya?

 

“Jens…”

 

Napatingin ulit ako sa kanya.

 

“Anong mukha ang ihaharap ko kay Seul?”

 

Napakunot ang noo ko sa tanong.

 

Anong mukha?

 

Anong ibig sabihin niya?

 

“I…I don’t think I can even face her after what-” Napailing siya at naluluha muling napatakip na lang sa bibig niya.

 

My heart broke at the sight.

 

I looked away.

 

Hindi ako sanay na makita siyang ganyan kabalisa.

 

“Anong mukha? Joohyun, wala ka namang ginawang masama.”

 

“The letters…I…I didn’t-”

 

“Na ano? Na hindi mo siya sinabihan? Na binibigyan ka pa rin noon ni Wendy kahit kayo na? Na hindi ka tinigilan hanggang makaalis ka na sa condo?” I looked at her again, “The hell, alam mo namang ginawa mo lahat noon, diba?”

 

Hindi siya nagsalita at nanatili lang nakatitig sa bintana.

 

“Sinulatan mo siya pabalik. Sinabihan mo siyang tumigil. Pero anong ginawa niya?”

 

When she received those letters again back in 2015, inaamin ko, I thought I was gonna have to knock some sense into her. I wasn’t exactly sure kung anong nararamdaman niya sa taong ‘yun way back college. Lagi niyang sinasabing wala lang sa kanya. But most of the times, her reactions told me otherwise.

 

We were still young that time.

 

Hindi ko pa natutunang basahin ang isang Bae Joohyun.

 

That’s why, when it happened, I was really looking forward kung paano niya haharapin ang sitwasyon. She already had Seulgi, kaya I was ready to throw a fit kapag nalaman kong ine-entertain pa niya ‘yang sticky note sender niyang nagbalik matapos ang mahabang sampung taon.

 

Alam ko namang hindi niya magagawa ‘yan.

 

But I was just making sure.

 

After all, we’ll never know.

 

 

 

 

But then…magagawa nga ba talaga niya?

 

Niloloko ko lang pala ang sarili ko.

 

How did I even have the heart to think of her like that?

 

 

 

 

Of course, she had lost a bit of her cool sa simula. Ikaw ba naman ang balikan pagkatapos ang mahabang taon? Tapos may jowa ka pa, talagang magugulat ka at matataranta.

 

But Joohyun only thought of one thing at that moment. She just wanted whoever was behind that to stop and leave her alone. She wrote back after a few days, making it clear and sure para sa taong ‘yun na hindi na siya ang Joohyun ten years ago who still has all the chances to give.

 

And honestly, I admired her for that.

 

 

 

 

Ilang buwan at mahigit isang taon ring natahimik kaya akala niya tapos na, but not until a year when all of a sudden, they suddenly came back. All along, hindi pala naiabot ang sinulat niya noon.

 

God…

 

 

 

Mid-2016, she began receiving them again. I could still remember how scared she was because of this person’s persistence. But then again, mas namamangha akong isipin na hindi man lang si Joohyun nagdalawang-isip sa mga gagawin niya.

 

She just wanted the letters to stop.

 

Nagsulat ulit kaagad siya pabalik. Hindi ko alam kung pa’no niya ginawa pero nalaman niyang it finally went through this time. And she was relieved. Sabi ng receptionist ng condo niya, inabot niya ito sa batang babae nang pumunta ulit doon. Muntik na ngang ‘di kunin, buti na lang nadala ng pagpupumilit.

 

I don’t know what else happened but thank God, after that, hindi na ito bumalik pa.

 

Kaya Joohyun thought it was really going to be over.

 

After all, we’re not kids anymore. For sure, kung sino man talagang nasa likod no’n, maiintindihan niya ang gusto ng kaibigan ko.

 

 

 

 

 

She left the place not so long after. At sa halos tatlong taon nilang pag-iisang bahay ni Seul, hindi na nga siya ulit sinundan no’n, or atleast that’s what I know.

 

She never told Seulgi a thing.

 

Hindi ko rin naman siya masisisi.

 

Seulgi was all that she had. Alam kong ayaw niyang ni isang katiting, maisip ni Seulgi na may hinihintay pa siyang iba, na may gugulo sa isip niya, na may pinangakuhan siyang iba, dahil para sa kanya, wala, hindi.

 

I guess she was just scared because she already loved her to the core. And the thought of Seulgi being in doubt…is maybe something she couldn’t bear.

 

I believed her. Kasi sa totoo lang…who wouldn’t?

 

 

 

 

Isang beses, sinubukan kong magtanong noon, “Hindi ka ba nalilito ngayon?”

 

At hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mata niyang tumingin sa ‘kin na para bang nahihibang na ako sa tinanong ko.

 

“Malilito? Bakit ako malilito?”

 

Simpleng sagot, and there I knew— she loved Seulgi more than any other…and that nothing else mattered, but her.

 

 

 

 

 

 

Tumayo siya matapos ang mahabang katahimikan at diretsong naglakad papunta sa bintana niya.

 

“I shouldn’t have lied.”

 

I snapped out of my thoughts at agad binalingan siya ng tingin. Ayan na naman siya. Nilulunod na naman niya ang sarili sa maling iniisip niya.

 

“You didn’t lie. You just didn’t care about it, at mas lalong hindi mo alam na ganito pala ang mangyayari.”

 

“At ito nga ang nangyari.”

 

Napakagat ako sa labi. Ano bang pinaparating niya?

 

“Okay,” Napahalukipkip akong sumandal sa couch niya. “Let’s say it was a wrong call for you to hide it from Seul-”

 

“It is wrong.”

 

“But it’s not like you did something stupid behind your clueless girlfriend!” I rolled an eye at her persistence, “God…alam mo ‘yan. So that’s not the problem here, Joohyun.”

 

Narinig ko ang pagsinghap niya.

 

“You really think so?”

 

“Why? Are you taking those words back?”

 

My words were challenging. Alam ko naman ang isasagot niya. Gusto ko lang marinig ulit mula sa bibig niya, hindi para sa ‘kin, kundi para ipaalala niya sa sarili niya.

 

“Alalang-alala ko pa ang sinabi mo sa ‘kin noon.” Dahan-dahan na siyang lumingon. “You kept it from her simply because you didn’t care. And you didn’t care because you had eyes fully set on her, and that nothing else mattered. ‘Yun ang sinabi mo.”

 

“Kasi ‘yun ang totoo.”

 

“Now tell me again, nalilito ka na ba ngayon?”

 

Parehong tanong.

 

“Is Wendy making you feel things you shouldn’t feel?” Tuluyan na siyang napaharap sa akin. “Do you have to choose now? Eto na ba ang hinihintay mo? Siya?”

 

 

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

 

 

Si Joohyun.

 

Buong buhay ko, siya na ang laging nasa tabi ko. Simula sa binyagan, pati hanggang sa lumaki’t nagkatrabaho, hindi ko alam kung bakit ba hindi kami pinaghiwalay ng Diyos.

 

Kaya kung iisipin ko…

 

Sino nga bang mas nakakakilala sa ‘kin bukod sa kanya?

 

At sino nga bang mas nakakakilala sa kanya bukod sa ‘kin?

 

 

 

 

 

Joohyun…siya yata ‘yung living manifestation ng mutual concession na ‘give and take.’

 

Sobrang totoo.

 

Kasi naman, sobrang appreciative niya sa mga taong maganda ang pakikitungo sa kanya.

 

Regaluhan mo siya sa kaarawan niya? Mag-expect ka na rin sa birthday mo.

 

Be her go-to person? Then she’ll be your go-to person as well.

 

Isang beses pinag-awayan nila ni Seulgi noon ang med student na si Bogum. Kadepartment niya, iniwanan siya ng cup of coffee sa station namin matapos silang magkasama sa isang rotation. May jejemon pang note na nagpapasalamat dahil ang bait daw ng senior niya.

 

At eto namang si Joohyun, binalikan kaagad ang pagmamabuti ng lalaki dahil binigyan niya rin ito ng kape kinabukasan.

 

Assuming naman ang mokong.

 

Akala niya siya lang ang special. Akala niya siguro nilalandi siya pabalik ng kaibigan ko. Ang totoo, kami talaga binilhan ni Joohyun no’n at sinali lang siya nang mabanggit ni Baek.

 

Simula no’n, lagi nang nakabuntot sa kanya ang med student.

 

Nirakrak tuloy ni Seulgi.

 

Sayang…gwapo pa naman sana…

 

 

 

 

 

Sobra. Sobrang appreciative niya na hindi ko na kayang sukatin.

 

Kaya siguro minsan na-mimisunderstood ng iba ang paraan niya ng pagtanaw ng utang na loob.

 

At hindi ko siya masisisi.

 

She spent more than half of her life alone.

 

Heck kung tutuusin, mas matagal pa siguro niya ‘kong nakasama sa iisang bubong kaysa sa pamilya niya.

 

Isipin niyo, only child.

 

Yung daddy niya, mabibilang lang sa kamay kung ilang beses umuuwi sa Pinas.

 

The worst case scenario happened pa when she lost him.

 

Tapos after that, si Tita sumunod sa relatives nila abroad.

 

Kaya I couldn’t blame the way she cared for others. She longed for a parent’s company, a complete family mayhap— and it was something only a parent’s physical presence could fill in.

 

She wasn’t exactly vocal about it. Never naman talaga. But for anyone who deeply knows her, you’ll know she’s always been looking for that. Maybe not too much, pero nandoon pa rin.

 

Kaya when she gets to receive those care, love, and company from other people, she takes it into heart. Genuinely. She’ll tell you a fortune of her gratitude, in words, o di kaya most of the times, through her return of affection.

 

Kung manhid ka nga talaga, hindi mo siguro mapipigilang mag-assume sa mga nakukuha mong reaksyon sa kanya.

 

But still, your efforts will never go to waste if it’s for her.

 

And what’s even nicer is she’s not a hell of a dense one. She’s smart and frank. Alam niya when to make a person stop or whatnots.

 

That’s how much of a person Joohyun is.

 

Kaya siguro ang daming nahuhulog.

 

Maybe why those college boys couldn’t seem to stop not unless Joohyun spelled it out for them.

 

Maybe why our colleagues always share good impressions about her.

 

Maybe why Bogum wanted her so much.

 

Maybe why our campus prince, Minho, fell head over heels for her.

 

Maybe why Seulgi managed her way in.

 

 

 

 

 

And just maybe, maybe why Wendy can’t seem to forget her.

 

 

 

 

 

Those damn sticky notes— Joohyun obviously loved them before. ‘Di ko rin siya masisi dahil kung ako nga siguro ang binibigyan no’n, I would also definitely look forward to it everyday, maybe fall for it even. I mean, ako na pinapabasa lang niya, I loved them all too.

 

But the way she loved them…had romantic feelings aside.

 

It was something she’d always say.

 

And honestly, kahit hindi ko malaman ang totoo, I know she wouldn’t settle herself for something, someone, she doesn’t even know.

 

Wendy— sigurado akong alam niyang nagugustuhan ni Joohyun lahat ng mga ginawa niya noon. ‘Yung feelings aside lang siguro ang lingid sa kanya, ang hindi niya matanggap.

 

Kaya siguro she’s still shooting her shot kasi alam niya ang epekto niya kay Joohyun noon. The promise, the hope which Joohyun gave back— I can’t believe Wendy still held unto that after all these years.

 

Pero sapat na ba talagang rason ‘yan para guluhin niya si Joohyun ngayon?

 

I’d like to think not.

 

 

 

 


I finally snapped out of my thoughts nang tumunog ang telepono ko. I fished it out from my pocket para tignan kung sino. Si Lisa pala, kaya sinagot ko ito habang papasok sa elevator.

 

“Kumusta kayo diyan? Alam na niya?”

 

I sighed. “Hindi pa.”

 

“Nasa’n pala siya? Nag-aalala na kami…”

 

I sighed. Seulgi’s friends are really worried too.

 

“Kakatapos lang ng operation niya. Natutulog sa opisina, pinagpahinga muna namin.”

 

“Why? May nangyari?”

 

I bit my lips anxiously.

 

“I’ll…tell you later.”

 

“Tinawagan din kaya ng mommy niya si Seul?”

 

“Imposible namang hindi.”

 

“Pero ‘di sila bati ni Doc diba?”

 

Isa pa ‘to…

 

“Yeah…I’ll probably talk to Seul again mamaya. Nakausap ko ‘yun before Tita called this morning. I tried calling her ulit pero ‘di na niya sinasagot.”

 

Napansin ko ang pagkagulat niya.

 

“Sumasagot siya sa ‘yo ngayon?”

 

“Huh? Why not?”

 

And a brief silence engulfed us.

 

“Babe?”

 

“E-Eh kasi…” Kumunot ang noo ko sa pagkautal niya. “Gusto ko sanang tanungin din si Seulgi kung kinausap na niya si Doc Bae eh, k-kaso...”

 

“Kaso ano?”

 

“Kaso...ano eh...ah di ko maexplain!”

 

“Lisa.”

 

“Basta babe, sobrang gulo! Open mo na lang messenger ko tas basahin mo sa group chat namin.”

 

“Anong meron?”

 

“Si Seulgi…at si Kai…”

 

“What’s with them?”

 

“Ugh…‘di ko na alam…basta basahin mo na lang.”

 

At dahil mukhang hindi nga niya masabi, hindi na rin ako nagpumilit pa. Pagkababa ng tawag, naguguluhan pa rin ako sa sinasabi niya at hindi ko mapigilang kabahan.

 

Sana hindi na naman panibagong problema ‘yan.

 

God…

 

Please…not again…

 

 

 


Napagpasyahan kong mamaya na lang abalahin ang sinabi ni Lisa. Lumabas na ‘ko at lumiko diretso sa Neuro.

 

Bakit ako nandito?

 

Gusto kong makausap si Wendy.

 

Kakausapin ko siya.

 

Dahil malabo.

 

Malabong magawa ni Joohyun.

 

 

 

Dire-diretso lang ang ako sa paglakad nang makarinig ako ng bulungan sa may nurses’ station.

 

 

“Talaga? Sila ‘yung anak ng Vice-Chairman?”

 

“Oo! Kalat na nga sa ibang admin eh!”

 

 

Kunot-noo kong binagalan ang paglakad.

 

 

“Kaya pala bawal magpapasok sa ward na ‘yon.”

 

“Kapatid pala niya ‘yon…grabe…”

 

“Pero grabe din, ang yaman naman pala ni Doc Son.”

 

“Bait nun. Ang tagal nilang tinago noh? Bakit kaya?”

 

“Girl, di natin alam baka kaya siya nakapasok dito-”

 

 

Natigilan ang nagbubulungang mga nurses nang tuluyan na ‘kong lumiko at dumaan sa kanila. Dire-diretso lang ako kaya hindi na rin sila nakabati pa.

 

I didn’t want to hear more.

 

Yet a scoff was tempting to come out again.

 

So they decided to tell the truth, huh…

 

Ang bilis naman yata?

 

Takot bang iba ang magsabi?

 

 

 

 

 

Sa wakas ay narating ko rin ang opisina nila. Sumilip ako sa loob. Nakita ko siyang kausap ang isang resident nilang si Naeun pero nakatitig lang siya sa kawalan, mukhang hindi interesado sa kausap mula sa hitsura niya.

 

I can’t help but now finally scoff at the sight of her.

 

May gana pa siyang mabalisa sa mga ginagawa niya?

 

Dahil ano?

 

Ang kapal naman ng mukha niya?

 

 

 

 

At parang mas nabuhayan ang inis sa kaloob-looban ko dahil dito. Hindi na rin ako nagsayang ng oras, pumasok na ako dahilan para mapatingin kaagad ang dalawa sa pinto.

 

“Dr. Kim,” agad na masayang bati ni Naeun. “Good afternoon po! May kailangan po ba kayo?”

 

Nanatili ang tingin ko sa kasama niya.

 

“Dr. Son Seungwan,” Hindi ko mapigilang patalasin ang tingin ko. Si Naeun, na mukhang hindi pa sagap ang balita, ay naguguluhang nagpabalik-balik ang tingin sa ‘kin at sa kausap ko.

 

Ni walang takot na nananaig sa mga mata ni Wendy.

 

Dahil iba.

 

Iba ang nakikita ko ngayon.

 

 

“Pwede ba kitang makausap?”

 

 

 

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

 

Napadpad kami sa rooftop.

 

Hindi ko alam kung bakit at paano nangyari pero buhay na buhay ang inis at galit ko habang hawak-hawak ko na ngayon ang kwelyo niya.

 

“Why did you do that to her?! Ano pa bang gusto mong mangyari?!”“

 

Simula’t-simula pa lang, kailanman hindi ko siya nakita kung paano siya nakikita ng iba.

 

I felt like there was something behind that angelic face people knew her with.

 

At tama nga ako.

 

“Una, you almost killed the hell out of Seulgi and now this?!” Napatingin siya sa ‘kin, marahil ay gulat kung bakit alam ko. “My god, Wendy! How far are you planning to go?!”

 

Wala pa rin siyang imik kaya naiinis ko nang binitawan siya at itinulak palayo.

 

“You even kissed her! You kissed her for ’s sake! Sinong disenteng tao ang gagawa niyan?!”

 

“I-I’m sorry.”

 

Umigting ang tenga ko sa unang salitang binitiwan niya. “Sorry?” Hindi ko tuloy mapigilang matawa. “Sorry talaga?”

 

Napaiwas lang siya ng tingin. Dito ko narin napansin ang pagpatak ng mga luha niya.

 

“I-I d-don’t…know…” mahinang bulong niya.

 

I watched those tears streak, in awe, amused, my mouth almost aiming for another scoff. I felt those tears were so undeserving to be let out by someone like her.

 

Anong iniiyakan niya?

 

Malalim kong tinignan ang doktor, agad niyang pinunasan ang kanyang mga luha at nagsalita. “I-I just…” ngunit napayuko siya, hindi na natapos ang kung ano mang sasabihin niya.

 

I was aching to spit more profanities. I was supposed to. I wanted to.

 

But the sight made me back away.

 

I don’t know.

 

I took a deep breath.

 

“Utang na loob, Wendy,” Sinubukan ko nang ikalma ang sarili, the image of Joohyun breaking down flashing right before my eyes kaya saglit akong napapikit. “Masyado nang marami ang iniisip niya for all these s you’re putting her through.”

 

Napakagat ako sa labi nang maalala ito.

 

Joohyun doesn’t deserve this.

 

“Her mom’s even-” Napailing ako dahil para na namang pinipiga ang puso ko sa nangyayari. “You have no ing idea.”

 

“I-I’m sorry.”

 

Umiling ako.

 

Ang mali pakinggan.

 

Maling-mali.

 

“Tell me. Why are you doing this?”

 

“Because why can’t I?”

 

Mabilis akong lumingon sa kanya.

 

“Seriously?” Namangha ako sa sinagot niya. “Seriously, Wendy? Tangina, tinatanong pa ba ‘yan?”

 

Hindi siya sumagot.

 

“You are not sorry at all. Damn.”

 

“I am,” she instantly says, “I j-just can’t-”

 

“Accept. You just can’t accept it, Wendy. Hindi mo gustong tanggapin.”

 

“Dahil hindi ko alam kung anong tatanggapin.”

 

More tears betrayed her fighting. But it still wasn’t enough for her to back off from her stupidity. And it baffles me how easy was it for her na guluhin si Joohyun and in a beat, act like this.

 

And even with the burning frustrations inside me, hindi ko pa rin maiwasang madala.

 

Tangina lang.

 

Humugot ako nang malalim na hininga.

 

Isa na lang ang iisipin ko ngayon.

 

To make her understand.

 

“Do you really want it spelled out for you?” I said, a little calmer, as I looked at the doctor with all seriousness. Lumapit ako sa kanya at pinaharap siya sa akin. “Tigilan mo na sila. Grow the up, Wendy.”

 

Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita pa.

 

“Hindi niya kayang ibigay ang hinihingi mo,” I gritted my teeth in full emphasis, “If your goal is to make her choose between you and Seulgi, then I’m sorry for you because you aren’t even a choice.”

 

“Why are you deciding things for her?” she looked at me, hurt, but I don’t feel the slightest sorry.

 

“Because there’s nothing to decide on,” agad kong sagot, “It’s only a matter of fact. At ito ang hindi mo matanggap.”

 

Ngayon, umiling siya at mapaklang natawa.

 

“Iba ang sinabi mo sa ‘kin noon.”

 

And it was for the very first time, my tongue held back on it’s own.

 

I backed away.

 

“You told me to try. There’s no harm done in trying.” Dahan-dahan siyang tumingin sa ‘kin. “Remember?”

 

I looked at her in pierced gaze.

 

That one note she gave and asked of you?

 

Mapakla ka ring natawa.

 

“Putting my words in my mouth?” I loudly scoffed, “That was years ago, Wendy!”

 

“You even said you’ve never saw her that happy.”

 

“Kasi totoo! But god! You can’t just be gone for 10 years and come back like everything would still go the same way!”

 

“If I came earlier, may magbabago ba?”

 

“But you didn’t.” Napatikom ang bibig niya lalo na nang hinawakan ko muli ang kwelyo niya. “You didn’t. So stop dwelling on that, dahil ngayon, pinanghahawakan mo lang ang mga what-ifs, Wendy. That’s why you can’t look ahead after all these years.”

 

Pero umiling pa rin siya.

 

“All’s fair in love and war. Hindi oras ang kailangan para makalimot. It’s the person. Ang tao ang lilimot.”

 

Bulls.

 

“If I came back a year after, at meron ng nagmamay-ari ng puso niya, would you still stop me like this?” She looked at me, eyes heavy as she asked, “O nagiging ganito lang kayo because it’s Seulgi?-”

 

Napaawang ang bibig ko.

 

“-the one she’s been with for seven years.”

 

Hindi ako makapaniwala.

 

A love-striken fool…

 

I hate to say, but it’s true.

 

“Do you think we’re only doing this because it’s her?” My jaws clenched on its own, more and more frustrations clouding up my mind because what the is she saying? “Hell, I’m sorry to break it to you pero kahit siguro ibang taong hindi sila kilala, ganito ang sasabihin sa ‘yo!”

 

“Hindi ka pa ba nagmahal?”

 

Napatitig ako sa kanya at sa tanong niya.

 

“Hindi niyo maintindihan dahil-”

 

“Pagmamahal pa ba ang tawag diyan?” Hindi ko na siya pinagsalita pa at mas lalong umigting ang panga ko sa galit. “Pagmamahal pa ba ang tawag mo diyan, Wendy? Dahil kung oo, dapat hindi siya nahihirapan ngayon!”

 

“Bakit siya mahihirapan kung wala nga ako sa kanya? Kung hindi nga ako, bakit siya mahihirapan?” Napahawak siya sa damit ko. “Bakit?!”

 

Hindi na ako makapagsalita.

 

Hindi dahil wala na akong masagot, kundi dahil hindi na ako makapaniwala sa pagpupunyagi niya.

 

Ang hirap.

 

Ang hirap ipaintindi sa isang taong katulad niya.

 

Bakit?

 

Bakit hindi niya maintindihan?

 

 

“Hindi ka ba nasasaktan, Wendy?…” Napatingin na siya muli sa mga mata ko, sa paglumanay ng boses ko, “Kasi ako, oo…nasasaktan din ako para sa ‘yo.”

 

Nahuli ko ang pagbaba ng mata niya sa sinabi ko, mga luhang hindi matigil-tigil sa pag-agos.

 

“Mabuting tao si Joohyun…Kahit ganito ang pinagagawa mo, she’d still care about you dahil ayaw ka niyang masaktan. Ayaw niyang may nasasaktan.”

 

Umiling siya.

 

“Kung totoong hinintay ka niya, dapat masaya na siya ngayon. Kaya sana niyang ibigay ang pagkakaibigan sa ‘yo, Wendy. Hindi malabo ‘yon. But with all these s you’re doing? I doubt she’d even want your face on her sight.”

 

Umiling muli siya.

 

“Because that’s not what I want,” she said, in full surrender.

 

“Alam mo kung bakit mahirap tanggapin para sa ‘yo?” diin mong itinuro ang puso niya, “Dahil diyan. Dahil ginawa mo siyang dahilan para ayusin ang sarili mo.”

 

Dahan-dahan siyang napatingin sa ‘yo.

 

“Lahat ginawa mo. Dahil sa kanya. Para sa kanya.”

 

Naiintindihan mo siya. Tangina, naiintindihan mo siya.

 

“At eto ka na ngayon, nasa‘yo na nga ang lahat, maayos na nga ang lahat sa buhay mo,” Tinignan mo siya sa mata, “Pero wala siya sa ‘yo.”

 

And if adding salt to the wound could open her eyes,

 

“You’re still lost because Joohyun was the reason yet she’s not here with you.”

 

Napayuko siya at umiwas ng tingin sa ‘yo, pag-agos ng luhang hindi niya maiwasan.

 

“You want to fill up this missing space you left only for her. You’re too desperate. You’re just too desperate.”

 

Mas lalong bumagsak ang mga luha niya.

 

Hinawakan ko ulit ang kwelyo niya at iniharap siya sa ‘kin.

 

“Kung mahal mo talaga siya, maiintindihan mo, Wendy. Maiintindihan mo kung bakit hindi na pwede.”

 

I may not know all the s she went through,

 

I may not know all her reasons,

 

I may not see love the way she does,

 

I may not fully understand her heart,

 

“Loving someone isn’t enough to make it work.”

 

But I know it’s just wrong.

 

“Alam kong may naiintindahan mo ‘ko, Wendy. Kaya pakiusap…konting respeto naman sa kanila.” Tinignan ko siya, may bahid ng galit ngunit may pagkaawa na, “At kung ‘di mo magawa sa kanila…”

 

Dahan-dahan ko siyang binitawan.

 

“…then atleast do it for yourself.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Malalalim ang mga paghinga ko habang tinahak ang hagdan pababa. Sumasakit ang ulo ko, sumasakit ang ulo ko sa usapang ‘yon.

 

Grabe.

 

Grabe.

 

Hindi ko aakalaing magiging gano’n siya.

 

 

 

Dumiretso na ako sa opisina ni Joohyun.

 

I want to talk to her but I found it empty.

 

Umuwi na ba siya?

 

Naglakad ulit ako papunta sa Neuro. At gaya kanina, naabutan ko ang resident na si Naeun na mag-isang nag-aaral sa loob. Agad siyang napaupo nang maayos nang mapansin ako.

 

“Doc Kim,” Napasilip pa siya sa likod ko, hinahanap ang kausap niya kanina, “S-Si Doc Wendy po…?”

 

I cleared my throat. “May dinaanan pa siguro sa caf.”

 

She looked at me, and if she believed me or not is not something I’d like to care.

 

“Umuwi na ba si Joohyun?”

 

“Uh…nag-bbriefing po sila.” Napatingin siya sa orasan niya. “Araw-araw po silang nandoon kapag ganitong oras.”

 

“Briefing…?”

 

“For the deployment po.”

 

Oh.

 

I settled a mindless nod. “S-Sige, thank you.”

 

“You’re welcome po.”

 

Araw-araw?

 

I bit my lip at the realization.

 

 

Just how packed is she?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“‘Di ko rin siya nakita buong araw.”

 

“Ako rin. Pinuntahan ko kanina sa opisina niya kaso tulog, kaya ‘di ko muna ginising,” dagdag naman ni Solar. “Nasa conference room ata sila ngayon.”

 

“Infectious disease…kaya pala panay aral ‘yun these past few days.”

 

“Sila naman sigurong lahat.”

 

I sighed. Joohyun’s working so hard, how will she even have the time to handle her personal life…

 

“W-We…have to tell her right…?” Napatingin kami kay Baek. “I mean, sabi ni Tita-”

 

“We will.” Pinutol ko na siya.

 

“Sabi ko nga.”

 

Napatukod ako sa desk niya.

 

Pangalawang buntong-hininga.

 

How will we tell her?

 

“Tangina…” hindi ko mapigilang mura habang nakapalumbabang napahawak sa sentido.

 

Natahimik kaming tatlo.

 

Tinignan ko ulit sila.

 

Wala pa silang alam.

 

“Naawa ako kay Madam…”

 

“Ako rin…buti ayos na ‘yung kay Wendy.”

 

Umiwas ako ng tingin.

 

Ayos?

 

Kung alam niyo lang…

 

“Dun sa tutuluyan niya, ano na?” baling ni Baek kay Solar.

 

Isa pa ‘yan. Naghahanap pa si Joohyun ng matitirhan ngayon. Knowing her, hindi talaga ‘yon papayag na sumama kay Seulgi.

 

“Wala eh. ‘Di pa sure ‘yung friend ko.”

 

Natigil sila nang biglang tumunog ang telepono ko. Roaming, kaya agad kong kinuha ito. Tinignan ko muna sila. “Pinsan ni Joohyun.”

 

Sasagutin ko na sana pero bigla rin naman itong pinatay. Nag-aalalang napatingin sa ‘kin ang dalawa.

 

“Ba’t pinatay?”

 

I shrugged.

 

A message came not so long after.

 

ate busy pa ba si ate Joohyun?

nakapatay pa rin ata telepono niya

 

Agad ko siyang nireplyan.

 

Binaba ko rin ito pagkatapos at napapikit na napasandal sa upuan.

 

“Anong sabi?”

 

“Tita…”

 

Tungkol pa rin kay Tita.

 

Ang mommy niya kasi…

 

…tested positive sa COVID.

 

Tangina lang, diba?

 

Kaninang umaga pa namin nalaman. Walang kaalam-alam si Joohyun na bumalik na pala sa pagtratrabaho ang mommy niya bilang nurse sa Korea.

 

All for the love of work.

 

Kaya hindi ko alam kung paano sasabihin kay Joohyun. Hindi ko alam kung kaya ko pang dagdagan ang mga nangyayari sa kanya ngayon.

 

“Batak naman ‘yang si Joohyun, I’m sure she’ll stay calm.”

 

Tinignan ko si Baek pagkatapos niyang sabihin ‘yon. I don’t know if he’s trying to keep us positive but I didn’t like the thought of it.

 

“COVID ‘to, Baek. Nawalan siya ng tatay dahil din dito. That year was the biggest slump of her life, god I can’t even-” Napailing na lang ako. “Sa tingin mo kalmado pa rin siya pag nalaman niyang hinawaan si Tita ngayon?”

 

Parehong hindi nakasagot ang dalawa.

 

Dahil nakatingin lang sila sa likod ko, nanlalaki ang mga mata at parang takot na nakatitig sa kung ano man.

 

Dahan-dahan na akong lumingon.

 

At wala na akong pinagkaiba sa kanila.

 

 

“H-Hyun…”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TIME CAN'T TIGHTEN LOOSE ENDS

[PRE-ISOLATION Part I]

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Seulgi

 

 

 

APRIL 2

 

“I-dedeploy siya?”

 

Matamlay kang tumango.

 

“Kelan daw?”

 

“Sa 7…”

 

Wala sa sarili mong tinutusok-tusok ang lasagna na nasa plato.

 

“Anong mukha naman ‘yan? Anong bang sinabi mo? Don’t tell me-”

 

Sinamaan mo siya ng tingin. “Pinagsasabi mo?” irap mo kaya mahina siyang natawa, “Bakit ko naman siya pipigilan?”

 

Magliligtas siya ng mga tao.

 

Kaya bakit mo pipigilan ‘yan?

 

“Ah…” Tinulak niya ang ibang mga pagkain sa ‘yo. “Sabi ko nga.”

 

Naaalala mo na naman ang naging usapan niyo kahapon. Mas lalo ka lang naiinis habang inaalala ito.

 

Bakit pa ba siya magpupumilit na umalis?

 

Hindi mo siya maintindihan.

 

“Ano ba kasing problema?”

 

Napasinghap ka at malungkot na humarap sa kanya.

 

“Gusto niyang lumipat at maghanap ng ibang matutuluyan.”

 

“Lumipat…?”

 

Gulat siyang tumingin sa ‘yo.

 

“Oo. Ayaw niyang malapit sa ‘kin.”

 

“Kaya ka nagmumukmok ngayon? Baliw ka ba? She’s just worried for you.”

 

“And I’m hell worried for her too.”

 

“But not as much as her.” Napatingin ka sa kanya dahilan para irapan ka niya, “My goodness. For sure she’s worried for her own, kaya how much more for you? You even told me she lost her dad sa isang outbreak, kaya o

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
Omg thanks for the feature?!?! Ang cute ng star! Para at para lang po sa inyo ‘yan! Merry Christmas pala talaga!
No comments yet