The Real Virus

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

 

 

Chapter 3

 

 

 

 

 

 

 

THE REAL VIRUS

[JANUARY 28, 2020 - Tuesday]

 

 

 

 

 

 

 

Seulgi

 

 

The next day, maaga kang nagising kaya ikaw ulit ang nagpasyang magluto ng agahan ninyo.

 

Joke.

 

Sawa kana sa hotdog at bacon at tsaka gusto mong kumain si Hyun ng proper breakfast dahil for sure, hectic na naman ang araw niya today. Nakabihis ka ngayon sa track clothes mo at papalabas na. Nag-iwan karin ng note kasi (at kiss) bago umalis kasi baka matagalan ka at magising siyang wala kapa. 

 

Nangininginig ka nang tuluyan kanang makalabas. Yakap na yakap mo ang sarili habang tumatakbo sa garahe. At nang papasok kana sa sasakyan mo,  narealize mong wag nalang pala. Naisipan mo bigla na you're up for some morning jog kaya ibinulsa mo nalang ang car keys mo tsaka lumabas.

 

Hays... ilang araw kanang (kayong) hindi nakakapag-jog o kahit gym man lang. Naging busy karin last week eh. Si Hyun? Nako, mas malala pa 'yun.

 

Nag-unat kapa at tumalon-talon para i-energize ang sarili. Hindi naman malayo ang bibilhan mo. May Jollibee kasing 24/7 sa tapat ng subdivision gate niyo, sadyang malayo-malayo lang talaga ang bahay ninyo mula sa gate.

 

May bato karing dala-dala sa bulsa mo dahil alam niyo na... baka may asong biglang humabol sa'yo. Marami-rami kaya sila dito, tsaka better ready than sorry noh.

 

"Morning manong!" bati mo kay Manong na nagkakape na. Nagsalute siya sa'yo sabay bati rin.

 

"Aga natin ah. San ang punta?"

 

"Sa Jobee lang po. Hehe."

 

Tumango lang siya at pinagbuksan ka. Marami-rami naring mga sasakyan ang bumungad sayo. Sabagay, iwas rush hour traffic. Buti nalang talaga nine pa ang pasok mo tapos si Hyun sobrang flexible din.

 

Hindi kana nag-aksaya ng oras. Konti lang naman ang tao sa loob kaya madali kalang rin nag-order. Wala pang thirty minutes nang dumating ito.

 

Binigyan mo pa si Manong ng pa-pancakes pagkabalik mo.

 

"Salamat dito, iha!"

 

"Walang anuman po!"

 

In a good mood kanang naglakad pabalik sa bahay. Hinihingal kapa nang paakyat kana sa street niyo. Pota. Bakit ba kasi nasa tuktok ang bahay niyo. Well, di ka rin namang nagcocomplain, sulit naman ang view niyo mula sa bahay eh. 

 

At speaking of, naabutan mo ang spledid view ng sunrise kaya napahinto ka at namangha.

 

Shet...

 

Dali-dali mong kinuha ang phone mo tsaka pinicturan ito. Naka-ilang takes kapa at selfie narin para kotang-kota. Nang mapansin mong malapit naring mag six, tinakbo mo na ang bahay. 

 

Ang ending, pawis na pawis kang pumasok sa bahay niyo. Maingat karing naglakad, at nung napansin mong mukhang wala pang tao, napahinga ka nang maluwang. Nice. Surprise Jobee breakfast for your prettiest jowa. Hehe.

 

With all smiles mong binitbit ang bili mo habang naglalakad nang biglang-

 

"Seul?"

 

Napatalon kapa sa gulat sabay hawak sa dibdib. "Joohyun naman!" Nagulat ka nalang nang biglang iniluwa ng kusina ang pinakamamahal mong jowa. "S-Shet kanina kapa gising?" Natawa siya sa hitsura mo bago tumango.

 

"San ka galing?" Tinaas mo ang plastic na dala mo at agad na lumiwanag ang mukha niya. Sabi na eh. 

 

"Di mo nabasa yung note?"

 

"Nabasa. Nagtanong lang ako ulit." Leche. Umismid ka nalang bago inilapag ang mga dala mo. Napansin mong pumunta siya sa sala tsaka pinatugtog yung Vinyl player mong ayaw na ayaw niya (dahil para raw siyang nasa loob ng isang scary movie pag naririnig niya 'yon).

 

"Trip mo na?" tanong mo nang bumalik siya sa kusina. Inirapan kalang niya dahil halatang nang-aasar kalang sa change of heart niya. 

 

"Ba't pawis na pawis kana?" Nag-aalalang niyang hinawakan ang basang likod mo. "Naglakad kalang?"

 

"Oo. Tagal ko nang hindi nageexcercise eh."

 

"Tsk. Anong oras kaba nagising?"

 

"Hmm... around five?"

 

Nakatungo lang siya sa'yo bago pinahiran ang pawis mo sa may tenga. "Magpalit ka muna..."

 

Ngumiti kalang. "Wait, tapusin ko lang 'to." 

 

"Ako na." Kinuha niya ang hawak mo at siya na ang nag-ayos ng mesa. "Shoo kana," pagtataboy pa niya sa'yo. Tumawa ka nalang bago bumalik sa kwarto para magpalit. Nasa hagdanan kana nang binalikan mo ulit siya ng tingin.

 

Ang lawak ng ngiti mo.

 

Lakas makapang-asawa feels.

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

8:30 na nang matapos kang mag-ayos. Kanina pa umalis si Joohyun at lagi namang siya ang nauunang umalis sa inyo. Papunta kana sa sasakyan nang marealize mong ban pala ngayon ng plate number mo. 

 

.

 

Napamura ka sa katangahan mo. 

 

Nakalimutan mong Tuesday pala ngayon. Argh.... Hindi mo tuloy nasabihan si Hyun na makikisabay ka ngayon. Padabog mong sinoli sa loob ang car keys mo.

 

Tinawagan mo pa si Lisa pero banned din pala ang conduction sticker niya ngayon. Oo nga pala. Pareho pala kayo.

 

Mukhang mag-ggrab ka nalang talaga today.

 

In short, sayang pera.

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

Whole morning niyong pinagpatuloy ang pagreredesign ng gym. At mukhang hindi niyo na kailangang magpabukas dahil malapit narin namang matapos. 'Yung painting mo, naikabit na nga sa bulletin board at manghang-mangha ang mga colleagues mo sa gawa mo. Nakakaflatter tuloy.

 

Nagkakabit kalang ng banderitas nang lumapit sayo si Ms. Jung.

 

"Ms. Kang..." Napahinto ka sa gawa mo at nilingon siya. "May dala kabang lunch today?"

 

Eh? Sobrang random naman ata.

 

Natawa ka tuloy. "Ako? Wala eh. Bakit?"

 

Lumiwanag ang nahihiyang mukha niya.

 

"Ako din kasi. Sabay tayo maya?" Sus, yun lang naman pala. To talaga, nahiya pang sabihin sa'yo.

 

"Sure sure, sama natin si Lisa." Hindi mo na nakita ang konting pag-baba ng mukha niya dahil agad rin itong ngumiti sa'yo at tumango.

 

"Sige," masayang sabi niya bago bumalik sa kanyang pwesto. 

 

 

 

 

After an hour, finally, natapos rin kayo. Nagpasalamat pa ang head ng department dahil maganda talaga ang kinalabasan ng redesigning niyo. Mas naging feeling artist ka tuloy. 

 

Nagsikainan narin ang iba dahil lunch time na. Hindi pa talaga nagpakain yung Dep. Head. Nakakatampo. 

 

Nung napansin mong papaalis na si Lisa, agad mo siyang pinuntahan at hinila pabalik.

 

"Problema mo?"

 

"Lunch daw tayo ulit," simple mong sabi kaya agad kana niyang nginitian nang nakakaasar.

 

Peste talaga.

 

"Sabi sa'yo eh. Crush ka nun, chong." Binatukan mo na siya. Bibig talaga neto walang bara.

 

"Ang bait bait nung tao tapos ginaganyan mo." Nag nyenye lang ang panget bago tinawag si Ms. Jung.

 

 

 

 

 

 

Nagsettle kayo sa Samgyup. Bet niyo kasing magfeeling Korean ngayon. Napangiti ka nang maalala mong nabanggit pala ng tangi mo kahapon na nagccrave rin siya ng Samgyup. Remind yourself na dalhin siya dito some other time.

 

"Order kayo, it's on me," nakangiting sabi ni Ms. Jung sa inyo.

 

Nagulat naman kayong dalawa ni Lisa.

 

"H-Ha? Nako wag na. Kaya naman-"

 

"Sige naaa, ako naman nag-aya sa inyo eh," pagpupumilit pa niya, "Magtatampo talaga ako kapag humindi kayo."

 

Natawa nalang si Lisa bago sinipa ang paa mo sa ilalim ng lamesa.

 

 

 

 

 

Kumain narin kayo at sobrang hands-on ni Ms. Jung sa pagpapakain sa inyo, este sa'yo. Para ka tuloyng little sister niya. Pano ba naman? Binabalutan kapa niya tapos pinag-grill pa ng meat. Isali mo pa 'tong paglagay niya ng kanin niya sa plato mo. Mas kailangan mo daw. Eh?

 

"Hindi naman ako na-inform na third wheel pala ang peg ko today," nang-aasar na sabi ni Lisa sa inyo na siyang ikinahiya naman ni Ms. Jung. 

 

Sinamaan mo siya ng tingin.

 

"Sira ka talaga, Ms. Manoban." 

 

Sinipa ka ulit ni Lisa. Peste ano bang trip niya?

 

Hindi mo na siya pinansin. Kinapa mo nalang ang bulsa mo. Balak mo sanang itext si Hyun. Naglunch na kaya siya? Kaso nung hinanap mo na, wala pala ito sa bulsa mo.

 

Hala. Naiwan mo kaya sa bag? Di mo kasi 'yun nabubuksan mula nang umalis ka sa bahay.

 

"Okay kalang, Seul?" Napatingin ka kay Ms. Jung. 

 

"'Yung phone ko naiwan ko ata."

 

"May tatawagan ka? You can use mine." Hindi kana nag-isip. Nako, wag na. Thanks nalang, Ms. Jung. Mas may irarason pa ang tatawagan mo para sabihing kabit mo talaga ang titster na'to pag nakigamit ka.

 

Kaya no thanks.

 

"It's fine. Thank you nalang." Tumango lang siya at ibinulsa ulit ang phone.

 

Ambait talaga niya...

 

Sana nagmana si Lisa na ngayo'y nakangiting-aso parin sa inyo. Gago talaga.

 

"Ms. Jung..." Napalingon ang katabi mo sakanya. "...Single kaba?"

 

Pick-up line ba 'yan? O umaandar na naman ang pagka-FC ng mokong nato?

 

"If you don't mind lang naman... Hehe..."

 

Nahihiyang tumawa ang katabi mo at sumulyap sa'yo. "N-Nako... walang manliligaw sa mukhang 'to."

 

Naubo ka tuloy. Huh?! Taena, may problema ba sa mata si Ms. Jung? Anong brand ng salamin niya? Mukhang dehado eh. Hello? Ang pretty niya kaya! Pang Binibining Pilipinas nga 'yang height niya eh!

 

"Luh? Para ewan tong si Ms. Jung," natatawang sabi ni Lisa, "Joker karin pala."

 

"Totoo naman eh."

 

"Kailangan mo na yatang magpatingin sa mata, Ms. Jung." Napatingin siya sa'yo at sa sinabi mo. Mas lalo tuloy siyang nahiya at ngumiti nang marikit sa sinabi mo. 

 

Teka namumula ba siya?

 

O ikaw rin ang may problema sa mata?

 

"Pero seryoso single ka?" tanong ulit ni Lisa.

 

Tumango siya.

 

"Wow."

 

"Kayo..." Hesitant pa siyang tumingin sa inyo. "Parang taken kana Ms. Manoban eh."

 

Hinawi ni Lisa ang bangs niya. Baklang 'to.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
Omg thanks for the feature?!?! Ang cute ng star! Para at para lang po sa inyo ‘yan! Merry Christmas pala talaga!
No comments yet