Post-Valentines Night

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

 

SEULRENE SUBUNIT! HUHU Ship aside, I'm so happy for them. Legit umabot din hanggang Baguio ang excitement ko.

Kaya here's a chill update. Sinasagad na natin ang February before gets realer pagdating ng March. (Hala). Enjoy! Comment din kayo para masaya :)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Chapter 12

 

 

 

 

POST-VALENTINES NIGHT

[FEBRUARY 17, 2020 - Monday]

 

 

 

 

 

 

 

 

Joohyun

 

 

Nagising ka dahil sa malakas na tunog ng alarm mo. It’s still four in the morning. You groaned bago inabot ito at pinatay. Nag-alarm ka pala dahil may naka-schedule kang surgery early in the morning.

 

Bumuntong-hininga ka muna bago bumaling sa katabi mo. You frowned dahil nakatalikod siya ngayon. She’s still in deep sleep, ni hindi natinag sa nakakainis na alarm mo, kaya ikaw na ang gumalaw para lapitan at yakapin siya mula sa likod.

 

Mahigpit.

 

Inayos mo ang kumot niyo bago mo inamoy ang damit niya. She smells so good kaya pinanggigilan mo siya. You’ve been missing her warmth and smell for four mornings, so what you’re doing now is clearly understandable.

 

At kailan mo ba natiis ang tangi mo?

 

Mas napahigpit ang yakap mo sa kanya nang maalala ang mga pinagagawa mo kahapon.

 

“Oh god...” Hinanap mo ang kamay niya bago idiniin ang mukha sa kanyang likod. You could feel the heat rising up to your cheeks, the memory of your reserved side flashing right before your eyes na parang pinapaalala lahat ng kayamuan mo.

 

So embarrasing…

 

Mukhang nagulo naman siya dahil sa bigla siyang gumalaw. Umugong siya bago binitawan ang kamay mo at tuluyan nang humarap sa ‘yo. Naramdaman mo ang paghalik niya sa buhok mo, a sweet gesture that made you soft kaya siniksik mo lalo ang sarili sa leeg niya.

 

Hindi naman siya nag-aksayang akapin ka.

 

Just like how you want it to be.

 

Your tangi really knows what you want.

 

“Ba’t ang aga mo...” You can feel her hoarse voice vibrating against kaya hindi mo mapigilang halikan ito.

 

“I have a surgery around seven so I have to leave by six…” ang sabi mo bago inayos ang pagkakayakap sa kanya. She’s really warm, and you really love hugging her like this paggising niyo.

 

She hummed. “But it’s four...who sets an alarm like that?”

 

You silently giggled at lumayo sa kanya, a brief kiss on her soft lips bago sinubukang tanggalin ang hawak niya. As much as you’re enjoying this, kailangan mo talagang umalis nang maaga ngayon.

 

Pero mukhang may sisira sa plano mo.

 

“Nooo…” Mas hinigpitan pa niya ang hawak sa ’yo kaya napahiga ka ulit. My god. Parang bata.

 

“Seryoso, I have to be early ngayon.” Sinuklay mo ang buhok niya. “Just sleep again, hm?”

 

Umiling siya. “30 minutes…”

 

“Tangi…”

 

“15 minutes…”

 

“Maaga naman ako uuwi ngayon,” pilit mong tinatanggal pero mas hinihigpitan niya lang ito. “Bitaw na.”

 

“I love you,” pagpupumilit pa niya at hinalikan ang noo mo. “I wasn’t able to hug you like this for four days kaya pagbigyan mo na ‘ko.”

 

Napahinto ka at napangiti. Ikaw din naman… You’ve been feeling lonely in your huge bed for four nights lalo’t ayaw kang tabihan ni Yeri dahil baka mapagkamalan mo raw siyang si Seul. That brat.

 

“5 minutes,” mas pababang alok niya, and you’re honestly so close to giving in with how you feel so comfortable in her arms right now.

 

“Tangi…” marupok mong bulong habang hinahaplos ang likod niya. Narinig mo na ang mahina niyang pagtawa kaya napatingala ka sa kanya. Nakadilat na pala siya at hinihintay ka lang para maingat na halikan.

 

Hindi naman ito nagtagal dahil mahina ka na niyang itinulak palayo.

 

“Just kidding.” Lumayo na siya sa ‘yo. “Go.”

 

“…Tampo ka?”

 

“Go and save lives, Doc Tangi.”

 

Napangiti ka sa narinig mo.

 

 

 

═══

 

 

 

 

“Oh? Hindi ka na natulog?” Nadatnan mo kasi siyang gising pagkalabas mo ng banyo. Nakangiti pa sa phone niya at may hawak na apple sa isang kamay.

 

“Yeah…” tipid na sagot niya, nakatuon pa rin ang tingin sa kung anong pinapanood niya.

 

Anong ginagawa niya?

 

“Are you hungry?” tanong mo at tumango naman siya. Pagkatapos niyo kasing magpasyahang matulog buong hapon after your wild… ugh… bonding… tinamad na kayong magdinner kaya diniretso niyo nalang ang tulog niyo. Nagising ka pa around 1 am para alukin siyang kumain pero humindi siya.

 

“Kumain ka ng breakfast mamaya ah.” Tumango lang ulit siya habang hindi pa rin inaalis ang mata sa telepono. Hindi ka man lang tinanong pabalik. Tumaas ang kilay mo. Bakit ang lawak-lawak naman yata ng ngiti niya?

 

“Matulog ka. It’s still early,” sabi mo na lang bago umupo sa tapat ng mirror para mag-ayos. “Anong ginagawa mo?”

 

“Nothing…” But her smile is telling you otherwise. Kainis, hindi ka pa tinitignan. Napairap ka tuloy bago sinimulang iblow-dry ang buhok.

 

Kalaunan, narinig mo ang mga mahinang agik-ik niya kaya naiinis mo ulit siyang binalingan ng tingin. “What did I tell you about eating habang nakahiga?” pagtataray mo. Natauhan naman siya at agad naupo.

 

“Sungit. Sorry, doc.” Inikutan mo lang siya ng mata. She stood up, throwing the consumed apple bago naglakad papunta sa banyo.

 

Hanggang sa natapos kang mag-ayos, hindi pa rin siya lumalabas. Nakatulog ba sa banyo ‘yun? Pero by the sounds of the water dropping, baka naligo na ang mokong.

 

Biglang tumunog ang phone niyang naiwan sa kama. You’re tempted na kunin ito especially with how Seulgi was smiling over kanina. Nakipagtalo ka pa sa sarili mo pero sa huli, nagawa mo pa rin itong hablutin.

 

You’re already expecting a good morning text from no other than Krystal Jung.

 

‘She said she likes me but she’ll figure it out.’

 

Naalala mo ang sabi ni Seulgi kahapon.

 

Ugh…

 

Kahit your girlfriend already assured you, hindi mo pa rin maiwasang mainis at matakot ngayong alam mong that woman sees her more than just a friend. I’ll figure it out…? My god, isn’t that freaking the same?

 

“Oh…?” pero nagulat ka nang si Joy pala ang nagtext at hindi ang babaeng ‘yun.

 

You sighed. Sabagay, maaga pa naman. She’ll probably text her around five, just like the previous ones.

 

Ha Joohyun, halatang you were taking note of it.

 

You went through her recents dahil nacurious ka bigla kung anong tinatawa-tawa ni Seulgi kanina. Only Insta was there kaya binuksan mo ito.

 

And oh…

 

That’s why…

 

Pinapanood niya pala ang mga tagged videos sa kanya ni Krystal.

 

Then there’s that feeling again. Sawa ka na. Hindi mo na pinanood at pinatay na ito at tinapon pabalik sa kama. Seulgi’s words rang inside your head, and it was enough. She’s trying so hard to assure you. You shouldn’t be like this.

 

 

 

 

 

Hindi nagtagal ay lumabas na ang tangi mo, in her robe, like yesterday afternoon, kaya napaiwas ka ng tingin.

 

Nag-ayos ka na lang ng tote bag mo. “Ba’t naligo ka na? At ba’t di ka naghanda ng damit mo?”

 

“Ihahatid kita.”

 

Gulat kang lumingon sa kanya. “Ihahatid?”

 

“Yep!”

 

“Bakit naman?”

 

“Bakit hindi?” Ngumisi siya bago umupo sa inupuan mo kanina at sinimulang ituyo ang buhok niya.

 

“You don’t have to…” bulong mo, pero ang totoo your heart is just warming up. “Sobrang aga pa. You can sleep instead.”

 

Mapanlinlang siyang tumungo sa ‘yo. “Bakit? May ibang naghahatid sa ‘yo habang wala ako dito noh?”

 

Anong pinagsasabi neto?

 

“Gago ka ba?” irap mo. Tumayo ka na sa kama at lumapit sa kanya. Inagaw mo mula sa kanya ang blower para gawin ito sa kanya.

 

“Aweee…” she cooed habang nakatingin sa ‘yo sa salamin. “Guilty.”

 

Tinapat mo saglit ang blower sa tenga dahilan para mapadaing siya. “Tangi, mainit!”

 

You stiffled a giggle. “‘Yan. Kung anong pinagsasabi mo eh.”

 

Pinagpatuloy mo na ang pagtutuyo sa buhok niya. Natahimik din kayo, tanging tunog lang ng blower ang naririnig sa madaling araw na bumabalot sa inyo. Ramdam mo ang mga titig niya sa ‘yo kaya iniiwas mong tumingin sa salamin.

 

Hindi mo alam pero kinakabahan ka.

 

‘Wag naman sana siyang magkamaling mang-asar sa ‘yo.

 

“Magiging busy ka ngayon?” malambing na tanong niya.

 

“Mhm,” Sinuklay mo na ang buhok niya. “Bakit?”

 

“Wala lang,” pero sa ngisi niya ay nagtaka ka. Bago mo pa mausisa, nagsalita ulit siya, “Bakit mo aagahan dun, eh, seven pa naman ang surgery mo? May crush ka talaga sa ospital noh?”

 

Ah… seriously…

 

Ayan na naman siya. Hindi mo alam kung nagbibiro lang siya kaya sinabayan mo na.

 

“Oo,” sagot mo kaya agad siyang napaupo nang maayos at lumingon sa ‘yo, looking all betrayed and all. Nagpipigil ka na ng tawa mo.

 

“Sino?!”

 

“Secret.”

 

“Doktor din?!”

 

Umiling ka. “Hindi.”

 

“So meron talaga?!” Hindi mo alam matatawa ka ba sa mukha niya o maiinis, dahil bakit naman niya iisiping may crush ka sa katrabaho mo?

 

Ah… napaka mo talaga, Seulgi Kang…

 

“Hindi na ako papasok. Sasamahan kita. Huhuntingin ko yang crush mong ‘yan,” sabi pa niya na parang seryosong-seryoso talaga sa dinaramdam niya.

 

Tuluyan ka nang natawa.

 

You were pertaining to her tho. She’s following you even at work dahil may picture frame kayong nakalagay sa office mo. Hindi ba niya nakikita ‘yon? But she doesn’t have to know that, mang-aasar lang ‘to sigurado.

 

Tinusok mo ang pisngi niya. “Aweee, huwag ka nang magselos. Hindi naman ‘yun gumagalaw.”

 

“Anong—”

 

Mas natawa ka sa pagkaclueless niya. God, namiss mo nga ang mokong na ‘to.

 

“Huwag mo ‘kong tawanan. I’ve never been this jealous. Ngayon lang.”

 

Agad humupa ang mga tawa mo.

 

Siya naman ang tumatawa ngayon.

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

“Bakit maaga kayo magsisimula?”

 

“It’s preferred naman talaga ‘pag maaga.”

 

“Bakit?”

 

Pinatay mo na ang blower. “For the patient’s fasting and para in case may complications, marami pang time.”

 

Napaisip siya. “Oo nga no?”

 

“Yep, and it’s better on our part din dahil ‘di pa kami worn out knowing na kakasimula palang ng araw namin.”

 

Napatango siya. “Wow, I never thought of it that way.”

 

Ngumiti ka at yumuko para halikan ang pisngi niya. “Idol mo na naman ako?”

 

Natawa siya. “Matagal na kaya.”

 

Napailing ka bago tinignan ang mukha niya sa salamin. So pretty... Even without make-up, your tangi already looks stunning in your eyes.

 

Nginitian mo ulit siya. “Ayusan kita?”

 

“Char. Anong meron?”

 

Hinampas mo ang balikat niya. “Panira. I was trying to be sweet.”

 

“Ah…” Natawa siya. “Okay. Go on.”

 

Inabot mo ang liptint niya at umikot sa harap. “Look up, tangi.” Sumunod naman siya. She actually doesn’t like putting on solid lipsticks. Type niya ‘yung liquid and you’re not complaining either because her lips are naturally red.

 

That’s why you love it. So much.

 

And now, you’re weirded out dahil your heart is annoyingly racing habang hinahawakan mo ang mga ito. Ah… nababaliw ka na talaga… Para namang you’ve never had enough of that.

 

Kumurap ka na lang at inalis ito sa isip bago maingat na kinulayan ang mga ito.

 

“I miss you—”

 

You clicked your tongue. “Stop talking.”

 

Natawa siya at hindi na rin nagsalita.

 

“There,” Hinawakan mo ang panga niya at tinignang mabuti. “My pretty tangi…”

 

Hahalikan mo na sana ito pero naalala mong kakalagay mo lang pala kaya sa pisngi mo nalang dinampi ang halik mo.

 

“You can ruin it naman,” pang-aasar niya sa pagpipigil mo, “You made it so you have the right to ruin it.”

 

Tinulak mo siya palayo. Ang baboy talaga. Tawang-tawa na rin siyang tumayo para magbihis na.

 

Pumunta ka naman sa balcony para buksan ang kurtina. Madilim pa kaya kitang-kita pa rin ang city lights mula dito. Ang ganda talaga… Napatitig ka lang dito for a good few minutes hanggang sa gininaw ka.

 

You went back inside.

 

Si Seulgi wala pa rin kaya nagtaka ka na kung anong tinatagalan niya.

 

Sinundan mo siya sa closet. “Tangi?”

 

Walang sumagot…

 

“Ba’t ang tagal—” Nadatnan mo siyang nakatayo sa harap ng malawak na pagpipilian niya. “—mo… what the hell, tangi.”

 

“Shhh… I’m thinking hard here.”

 

Anong ginagawa niya? Natawa ka kaya lumingon siya sa ‘yo saglit para tignan ka nang masama. Umupo ka sa isang upuan at tinignan siyang nakahalukipkip.

 

Napailing ka. “You’re such a baby.”

 

She’s just walking around, hinahawi ang mga naka-hanger na damit para maghanap ng kung anong babagay sa kanya ngayon.

 

“Bakit mo ba pinag-iisipan masyado?”

 

“Syempre, ilang araw din nila akong ‘di nakita kaya dapat pogi ang pagbabalik ko noh.” Nonchalant pa ang pagkasabi niya kaya napailing ka sa kahanginan ng jowa mo.

 

Naiwan kang nakatitig hubad na likod niya. She’s still only wearing her pants kaya her toned biceps stood out. The way it flexes habang hinahalungkat niya ang mga damit niya is just so... god, she’s so y, a total hot stuff, and you’re lucky that’s yours.

 

“Need help?” pagpuputol mo ng mga pantasya mo. It’s suddenly getting hot in here. Damn.

 

“Nah.” Sinilip niya yung isang paper bag sa pinakagilid. Kinuha niya ang laman nito at tinignan. Loose turtleneck sweater. Bagong-bago at may tag pa ito kaya you’re guessing natanggap niya ito nung birthday niya.

 

“Balenciaga?” aniya bago sinuot. Tinignan niya ang sarili sa salamin pagkatapos. “Woah, ngayon ko lang naalala ‘to.”

 

You’re gonna have to agree, it looks good on her. Bagay ‘yung kulay na off-white sa skin niya.

 

“Kanino galing?” Lumapit ka para ayusin ito.

 

“I don’t know.”

 

Tinaasan mo siya ng kilay. “Anong you don’t know?”

 

“Maraming nagbigay sa Uni na walang pangalan eh. One of my students siguro?”

 

“Baka kay Krystal galing,” you muttered under your breath.

 

“Hindi rin.”

 

Napahinto ka. “May binigay pala siya?”

 

“Uh…meron?”

 

Sinamaan mo siya ng tingin. “Ba’t ngayon ko lang alam?”

 

“Luh! ‘Di ka naman nagtanong sa mga regalo ko ah.”

 

“Kahit na!” Natawa siya sa biglang pagtaas ng boses mo. Niyakag ka niya sa baywang at isiniil sa isang malalim na halik.

 

The thing she does to stop your jealous fits…

 

“Wala namang tatalo sa best birthday present ever mo,” bulong niya sa tenga mo.

 

At ikaw naman ‘tong madaling manlambot dahil napunta na sa batok niya ang mga kamay mo. Matagal-tagal din kayong nasa ganoong posisyon, tapos bigla mong naalala kung bakit kayo gising at andito kaya mahina mo siyang tinulak.

 

“S-Stop…” Lumipat siya sa pisngi mo. Nakikiliti ka kaya napapikit ka muli. “Tangi…”

 

“Hm…” ungol niya bago ka sinandal sa cabinet na nasa likod mo.

 

“H-Huy.” Naramdaman mo ang kamay niyang tumataas sa loob ng damit mo kaya napadilat ka na. “Nakakainis ka, alam mo ba ‘yun?”

 

Napahiwalay na siya at natawa. “Hindi pa nga ako nakakaisa sa ‘yo eh.”

 

Namula ka sa sinabi niya. “T-Tumahimik ka nga.”

 

“Ayaw mo?”

 

Umiwas ka ng tingin. “Maaga nga kasi ako, diba?”

 

“Nakng, totoo nga ‘yung sinabi mong ‘I bet my energy won’t be as wild as this one paggising natin.’”

 

Nanlaki ang mata mo at tinulak siya nang malakas. “Hindi ko sinabi ‘yan!”

 

“Anong hindi?” tawang-tawa pa rin siya. “Nakarecord na ‘yun sa tenga ko!”

 

“Gawa-gawa ka!”

 

“Dapat pala sinulit ko na lang talaga kahapon,” madramang sabi niya, at alam mong mas namumula ka na ngayon. Bwisit talaga. You were desperately praying na hindi na niya babanggitin ang nangyari kahapon but here we are… as expected of this jerk.

 

“Don’t tell me nahihiya ka?” Lumapit ulit siya at hinawakan ang baywang mo. “Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo?”

 

Napaiwas ka. “H-Hindi ako ‘yun.”

 

Natawa siya. “Part two, please. I’ve been waiting for that to happen kaso bad timing ka… ay hindi… ako pala… bad timing ako.”

 

“Kasalanan mo na ‘yun.”

 

“Please, tangi. Hindi mo na ba ako love?” Tinataas-baba pa niya ang kilay niya kaya inikutan mo siya ng mata. You found yourself playing with the hem of her sweater dahil hindi ka na makatingin sa kanya.

 

“Everyday is another day. Move on na tayo.”

 

“Bahala ka. Matitigang ka talaga. Isang linggo ka nang—”

 

Umugong ka. “Shut up na, please.”

 

“Ayoko!” mas tumitinding pang-aasar niya, “Panindigan mo ‘ko!”

 

Ugh… this jerk is really not letting you off the hook.

 

“It was the wine, okay?!” pagdedepensa mo.

 

Totoo ‘yun! Bigay ‘yun ng papa niya last new year kaya nga never niyo pa binuksan dahil sobrang lakas daw non! ‘Yun ang sabi ng papa niya, diba?!

 

She snorted, “Oh yeah for sure, it was the wine.”

 

“Totoo nga! I searched it up! It said na one or two glasses can make you drunk kaagad!”

 

“Uhuh…” pagtatango pa niya. Bwisit talaga. Tinulak mo na ang nakakainis na mukha ng girlfriend mo.

 

“Akala mo naman ‘di mo ginusto?”

 

Mas tumawa lang ang gago. “Wala naman akong dinedeny.” Uminit ang pisngi mo sa pag-aamin niya. “Pero I hate to agree, you outspent me, tangi,” halik niya ulit sa ‘yo.

 

Natawa siya nang piningot mo ang ilong niya at tinulak palayo. “You’re not gonna stop talking about it until I do it again, huh?”

 

Mas lumakas ang tawa niya. Binitawan mo na siya at akmang aalis ka na kaya hinila ka niya pabalik.

 

“Bitaw na!” pabiro mong suntok sa tiyan niya, “Malalate ako sa ‘yo eh!”

 

“Biro lang, biro lang,” pagpipigil niya ng tawa. “Hindi ko na babanggitin sa ‘yo. Sa isip ko na lang irereplay ulit ‘yun.”

 

“Manyak mo talaga, bakit nga ba kita minahal?”

 

“Minana ko lang sa ‘yo kahapon.” Lumayo na siya dahil tumaas na naman ang kamao mo. “Joke lang!”

 

“Papasok ka talagang may pasa ngayon, sige ka.”

 

“Marami na nga eh.” Tinuro niya yung leeg niya at madramang suminghap. “Kaya nga ako naka turtle neck, diba?”

 

Napahinto ka. Naalala mo kung bakit.

 

“Bwisit ka talaga, Seulgi Kang.”

 

Hinila ka niya para yakapin nang mahigpit. “Hug mo nalang ako.”

 

Hinayaan mo siya. You’re actually feeling sorry. Ikaw pa nga ‘tong laging pumipigil sa kanya pero ‘di mo talaga alam bakit ‘di mo magawa sa sarili mo.

 

“May self-control issues ako sa leeg mo,” pag-aamin mo. “Sorry…”

 

She giggled. “Okay nga lang.”

 

“But still—”

 

“Nukaba, gusto ko naman.” Sinuntok mo tuloy ang likod niya. “What? Totoo nga.”

 

Gago talaga.

 

Lumayo ka na at inayos ang damit niya. Napanguso ka pa habang iniisip na baka mainitan talaga siya mamaya dahil sa suot niya.

 

“Magcocoat ka?” tanong mo na lang.

 

Tumango siya. “Bagay kaya?”

 

You hummed bago naglakad sa section na puro coats niya lang. “Hindi naman tayo winter kaya tanggalin mo pagdating sa office.”

 

Natawa siya. “Oo naman. Ayoko ma-heat noh.”

 

Tinanggal mo ang gray blazer niya at tinapat ito sa kanya. “I think this will look good. Try mo.”

 

Kinuha niya ito. You took this chance para tignan ang paper bag na kinunan niya nito. Totoo nga, wala man lang card o sulat galing sa nagbigay. Only a simple ‘Happy Birthday, Kang Seulgi’ sa tag ng paper bag lang ang meron.

 

Napaisip ka. “Tangi? Parang hindi naman galing sa studyante mo ‘to.”

 

“Huh?” Pinakita mo sa kanya ang paper bag na hawak. “Bakit?”

 

“Kang Seulgi lang ang nakalagay. It must be someone older than you or what.”

 

Napaisip din siya. “Oh, baka nga teacher.”

 

Baka nga. It’s not a paper bag from Balenciaga mismo kaya nakapagtataka. Out of reflex, inamoy mo ito. Ang bango kasi. It’s just plain black but it smells good… and familiar? Oo nga, it’s familiar.

 

“Tangi?” Naputol ang pag-hahanap mo sa kaamoy nito nang nagsalita si Seul. “How’s it?”

 

Binaliwala mo na lang at binaba ito para lumapit sa kanya. You glanced at her outfit. It’s so nice. Bagay na bagay. She looks so attractive. For sure, kung ‘di mo siya kilala, aakalain mong student lang din ng Wesley.

 

“Sobrang ganda ko ba na naspeechless ka?” asar niya.

 

Kahit before you started dating, alam mong she always had an eye for fashion, and maybe, isa ‘yun sa mga rason kung bakit nahulog ka rin sa mokong na ‘to.

 

“Don’t look at me like that. Nakaka-conscious.”

 

You finally giggled at nag thumbs up. “I love it.” Inayos mo ang kwelyo niya at mabilis na hinalikan siya. “But I love you more.”

 

“Ugh… ‘wag, tangi. Natuturn on ako sa ganyan mo.” Nilayo niya ang mukha niya sa ‘yo kaya natawa ka.

 

Piningot mo ulit ang ilong niya. “OA mo.”

 

“Come here, tangi,” hila niya sa ‘yo at binuksan ang bisig niya.

 

“Why?” Lumapit ka pa rin at agad ka niyang niyakap mula sa likod.

 

“Picture tayo.” Tinapat niya sa salamin ang phone niya. “Smile.”

 

Hindi na nawala ang ngiti sa iyong mga labi. You’re actually enjoying this little moment of yours. Nag wacky kayo, fierce, eye contact, cheek kisses, lips to lips— all while she’s still hugging you from behind. Cute, she’s too cute. Pero ang pinakavorite mo ay ang pagbaon niya ng ulo sa balikat mo, pouting, and you’re holding her face while aiming to kiss her cheek.

 

At mukhang pareho kayo ng iniisip.

 

“Gusto ko ‘to,” pagpapakita niya sa ‘yo sa sinasabi mo. “We look good together. Bagay na bagay.”

 

“Of course.” Hinalikan mo ang pisngi niya.

 

Pinanood mo lang siyang tinitignan ang mga kuha niyo.

 

“A doctor and a professor…” she mumbled out of the blue. “I didn’t know it would make such a good match,” nakangiting sabi niya bago ibinalik ang phone sa bulsa. Tinignan ka na niya, hinawakan ang baywang mo at pinaharap sa kanya.

 

You really love her choice of words.

 

Always making your heart leap.

 

“I love you, Doc.”

 

“I love you too, Prof.”

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

 

 

 

Naabutan mo si Baekhyun na nakahilata sa couch pagdating mo sa station.

 

“Morning, bakla!” bati niya sa ‘yo. “Aga mo ah.”

 

“May surgery kami ni Heech mayang seven.”

 

“Ah… kaya pala. Nakita ko ‘yun sa caf.”

 

Umupo ka sa tabi niya at kinuha ang cellphone mo. May 2 hours pa bago magsimula. Inagahan mo lang talaga para gising na gising ka na before the operation. Ewan, you haven’t done this kind of surgery in a while kaya gusto mo munang ihanda ang sarili mo.

 

“Ay, ang landi!” Napatingin ka sa kasama nang bigla siyang sumigaw. “Kay aga aga ang harot na!”

 

Pinakita niya sa ‘yo ang phone niya. Nag story pala si Seul, ‘yung mirror selfie niyo sa closet kanina. “Wala kayong respeto sa mga single!”

 

Inirapan mo siya. “Inggit ka lang.”

 

“Potek, bagay nga kayo.”

 

“Ngayon mo lang narealize?”

 

Natawa siya. “Ewan ko sa ‘yo, Joohyuna. Stalk ko nga ‘tong jowa mo.”

 

Hindi mo na siya pinansin at tinext na si Seul. Siya ang nagdala ng sasakyan mo ngayon dahil nga ihahatid ka raw niya. Bet niya raw kasi. Ang gulo niya, hindi mo naman ban ngayon.

 

5:30 pa lang, sobrang aga pa, saan kaya nagsusuot ‘yun? For sure di pa ‘yun dumiretso sa Wesley.

 

To: Teacher Kang
Tangi? Nagddrive ka pa?

From: Teacher Kang
nasa SB me, tambay

 

Ah. Figured out. Sa'n pa ba magsusuot 'yun kundi diyan?

 

To: Teacher Kang
Okay. Text me pag nasa uni ka na.

 


From: Teacher Kang
Yes boss. Love you!

 

 

Binaba mo na ang phone mo at sakto namang bumukas ang pinto.

 

Si Jennie pala.

 

Ang aga naman ata niya.

 

“Oh? Ikaw rin maaga?” bungad ni Baek sa kaibigan.

 

“Naiinis ako kay Mama.” Sabay kayong natawa ni Baek. Sabi na eh. Lagi ‘yang pumapasok nang maaga kapag nag-aaway sila ng mama niya.

 

“Sabi ko sa ‘yo ibahay mo na si Lisa eh. Tignan mo ‘tong si Joohyuna, unli landi.”

 

Binato mo siya ng ballpen kaya agad itong umilag.

 

“Totoo naman ah!”

 

Nananahimik ‘yung tao dito e!

 

“Agree ako slight,” singit ni Jennie na tumabi sa ‘yo. “Ba’t wala ang sasakyan mo dun?”

 

“Nakay Seul, hinatid niya ‘ko.”

 

“Di mo naman ban ah?”

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
happy new year! /proof of life/

see u sa valentines for QT32!

Comments

You must be logged in to comment
Iamyourjoy #1
hello, nagbabalik na naman ako dito huhu mahal na mahal ko kayo team tangi 😭
alexis_keithh
#2
reread 😖 miss ko na kayo huhu :'((
xantheaverielle
#3
Chapter 3: Rereading :( Miss you Team Tangi 🥺 comfort characters ko talaga kayo
alexis_keithh
#4
Chapter 12: miss ko na team tangi 😭💔
DivisionOne_Seven
#5
Maghihintay.
wafflegi #6
I MISS YOU.
hi_sseulgae
#7
final na po di ko today??🤧
hi_sseulgae
#8
this year po ba na valentines??😔
xantheaverielle
#9
Chapter 44: I miss my magtangi 🥺
sevrf_ #10
Chapter 44: i miss you both🥹