Can We Meet Again?

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

 

https://www.asianfanfics.com/story/view/1452241

Kung miss mo na ang harutan nila, feel free to read their side-story from 2018!  

(I suggest you read that after reading this :D)

 

ps: watch out for scenes taken from HP! 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Chapter 25

 

 

 

 

 

 

 

 

"Ah kalbo! HAHAHA!"

 

"Aishh..." masamang tingin mo sa mga batang nasa di kalayuan.

 

"Kinain niya siguro buhok niya!"

 

"Tignan mo nga katawan niya oh! HAHAHA!"

 

That's it. Tinapon mo na ang ice cream mo sa basurahan bago mabilis na naglakad papunta sa kanila.

 

"Hoy!"

 

Napahinto at napalingon sa'yo ang dalawang batang lalaki. Agad kang lumapit sa mga tukmol at hinila sa likod mo ang umiiyak na batang babaeng pinag-iisahan nila.

 

"Anong ginagawa niyo, ha?" Takot silang napatingala sa'yo. "Dalawa kayong lalaki tapos pinagtutulungan niyo siya?"

 

Hindi na nakapagsalita ang dalawa.

 

"Lagot kayo pag sinumbong-"

 

"S-Sorry na po!"

 

"Ba't sa'kin? Sakanya kayo mag-sorry."

 

Alinlangan pang sumilip ang dalawa sa babaeng nasa likod mo. "S-Sorry..."

 

"Tsk. Uulitin niyo paba?"

 

"H-Hindi na..."

 

"O sige na. Alis na. Pag kayo nakita ko ulit-"

 

"O-Opo opo!" At mabilis na nagsitakbuhan ang dalawa hanggang nawala sa paningin.

 

Napapalatak ka sa dila. Tsk. Mga bata talaga.

 

Agad mong nilingon ang batang babae. Umiiyak parin siya pero hindi na gaya nang nadatnan mo kanina. Parang kumirot naman ang puso mo habang tinitignan siya.

 

"Shh..." Pumantay ka sakanya at pinunasan ang kanyang mukha. Napansin mo rin ang kamay niyang takot na takot na tumatakip sa ulo niya. Lumunok ka. Nilibot mo ang paningin at nakita ang beanie na nasa di kalayuan.

 

Mabilis mo itong kinuha at sinuot ulit sakanya. "O-Okay kalang?" At napagtanto mong mali ang nasabi mo. "Wag kanang umiyak. Hindi kana babalikan nun."

 

Hindi siya nagsasalita at nanatili lang nakahawak sa kanyang beanie.

 

"May kasama kaba dito?" panay punas mo sa luha niyang medyo humuhupa na. "Nasa loob paba ng mall ang mommy mo?"

 

Tumango siya. May naiwan daw pala ang mommy niya sa loob kaya iniwan muna siya. Tinatapik-tapik mo lang ang balikat niya at tumingala siya sa'yo habang sinisinok.

 

Ngumiti ka. "Sa susunod, wag mo nang pansinin 'yun ha? Papangit sila kapag nawalan din ng buhok pero ikaw, cute cute parin oh!" tawang pisil mo sa pisngi niya.

 

Sawakas ay napangiti mo naman siya.

 

"Anong pangalan—"

 

"Joohyun!" Napalingon ka. Nagulat ka nang si Jennie pala ito. "Anong ginagawa mo diyan?! Aalis na tayo! Maglalakad ka talaga pabalik ng Maynila sige ka!"

 

Nanlaki ang mata mo at agad tumayo. Oo nga pala!

 

"Aalis na pala kami. Teka-" Kinapa mo ang bulsa ng uniform mo at nilabas ang panyo mo. Medyo nalungkot kapa dahil paborito mo pa naman 'tong purple panyo mong printed ng stars.

 

Pero nilagay mo ito parin ito sa kamay niya at nginitian. "Mag-iingat ka lagi, ha?"

 

Tinapik mo ang ulo niya bago tumakbo na papunta kay Jennie.

 

"Magpapaiwan kaba ha? Kung saan-saan kita hinanap." mataray ng bungad sa'yo ng kaibigan. "Lagot ka talaga kay ma'am."

 

Ngumuso ka at nagpahila nalang sakanya. Nilingon mo ulit ang bata. Nakatingin parin siya sa'yo at ngayo'y nahihiyang kumaway na. Cute. Kumaway karin muna pabalik bago humarap.

 

"Sino 'yon?"

 

Nagbikit-balikat ka.

 

"Di ko alam."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

CAN WE MEET AGAIN?

[QUARANTINE PHASE 3]

 

 

 

 


 

"Did you really think I was after her? Huh, Irene?"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

2005

 

 

 

"Finally!" sigaw ni Jennie nang makalabas kayo. Sabay pa kayong humugot ng hininga habang nakikisiksik sa masikip na hallway.

 

Ang init init naman kasi ng lab na'yon. My god parang binarbeque kayong lahat dun kaya ayaw na ayaw niyo talaga kapag dun kayo dinadala kayo ng prof niyo.

 

"Pero mygad, nastress utak ko dun. Ayoko na yata mag-doctor."

 

"Gusto ko nga 'yung lecture kanina eh."

 

"Taray. Edi ikaw na."

 

Nagbikit-balikat kalang kaya mas lalong naasar ang kaibigan mo.

 

"Che, di bagay. Teka, uwi kana?" Alog niya nalang sa magka-angkla niyong braso. "Lopez muna tayo. O sa Mang Tootz. Ginugutom ako."

 

Noval na naman?

 

Umugong ka. "Tinatamad ako..."

 

"Nubayan!" Umirap kaagad siya sa'yo na parang hindi ito bago sakanya. At magsasalita na pana siya nang may biglang tumawag sa inyo mula sa likod.

 

"Jennie! Joohyun!"

 

Napalingon kayo.

 

At agad kang napaharap ulit nang makita mo na kung sino ang mga lalaking nasa Gazebo. Ayan na naman sila. 'Yung mga feeling gwapo mo na namang mga kablock na akala siguro'y ang cool nilang tignan habang kumakain ng Dingdong diyan.

 

Psh...

 

"Uy tawag nila tayo." kinikilig na sabi ng katabi mo. Sumama ang mukha mo at inalis ang kamay niya sa braso mo.

 

"Edi puntahan mo."

 

"Tara!"

 

"Ayoko nga."

 

"KJ mo naman!"

 

"May kukunin pa'ko."

 

"Andun naman crush mo oh!"

 

Mabilis kang lumingon sakanya. "Sino?"

 

"Si Minho!"

 

Akmang hahampasin mo siya kaya natatawa itong umilag. "HAHAHA!"

 

"Gawa-gawa ka!"

 

"Sabi mo siya pinakamay-hitsura sa kanila!"

 

"Oh tapos?!"

 

"Tara na kasi! May pagkain daw sila oh-" Tinawag na naman kayo kaya nilingon niya ulit sila. "OO SAGLIT LANG!"

 

Inikutan mo siya ng mata.

 

"Samahan mo'ko pleaseee." Pumikit-pikit pa siya kaya hinawi mo ang mukha niya. Parang tanga. "Please please please~"

 

"Seryoso, may kukunin pa'ko sa locker."

 

"Locker na naman?!"

 

"Bakit?"

 

"'Yung admirer mo na namang highschooler noh?!—" Agad mong tinakpan ang bibig niya.

 

"Ingay mo!"

 

"Ayieee! Ikaw ha! Pumapatol kana pala sa- aw aw aw Joohyun masakit!"

 

Tinanggal mo na ang kamay mo sakanya. Pinanlisikan mo pa siya ng mata bago naglakad palayo. Bibig ng babaeng 'yan, kung ano-ano pinagsasabi. Tsk. Tawang-tawa lang ang gaga at hindi na sumunod sa'yo.

 

"Hintayin mo'ko sa Benavides ha!"

 

Hindi kana sumagot.

 

Nang medyo makalayo kana, nilingon mo ulit si Jennie. Ayun, nakiki-jamming na sa mga blockmates mong lalaki. Tsk. Kahit saang barkada talaga napupunta 'yang kaibigan mong 'yan. Ewan mo ba.

 

Napailing ka nalang bago tumuloy sa paglakad.

 

 

 

 

 

Totoong papunta ka nga sa locker mo.

 

Hindi mo mapigilang mapangiti habang palapit ka sa lugar mo. Hindi mo din alam kung bakit. Basta alam mong medyo naeexcite ka talaga tuwing uwian at napupunta ka dito.

 

At mukhang napansin din ito ng nag-iisang estudyante sa hallway— ang blockmate mong si Hani.

 

Nakangiti na itong lumingon sa'yo kaya agad na bumagsak ang mukha mo.Argh. Sa dinami-daming taong pwedeng andito, bakit siya pa?

 

Ewan mo ba kung bakit lagi kayong nagkikita neto dito. Parang may radar ata sa katawan 'to dahil alam na alam kung kelan kana naman niya pwedeng asarin. Pambihira...

 

"Uy Joohyun!" Kapansin-pansin kaagad ang malokong tinginan niya. "Lawak lawak ng ngiti natin ah."

 

Kita niyo?

 

"Tantanan mo'ko."

 

At kasing loko rin ang tawa niya. "Hinihintay mo noh? Asus! Meron na diyan. Nakita ko ulit 'yun kanina."

 

Napahinto ka at mabilis na tinigil ang pagbukas para lingunin siya.

 

"Weh?!"

 

Andito siya kanina?!

 

"Gulat lang? Oo nga. Tignan mo sa loob."

 

"Kilala mo na?"

 

"Hm... nakausap ko saglit..."

 

"Ano name?"

 

"S...."

 

"S...?"

 

"Secret."

 

Agad kang napairap kaya tawang-tawa naman ang isa.

 

"Diyan kana nga." pagmamaktol mo.

 

"Okay lang 'yan. Makakaraos karin."

 

"Tsk. Kahit sabihin lang kung lalaki o babae, ayaw pa. Baduy."

 

Natawa na naman siya.

 

"Kaya nga 'secret admirer' ang tawag dun. Kasi secret!"

 

"Pambihira naman." Binuksan mo nalang ulit 'yung locker. Rinig mo parin ang nakakaasar na tawa ni Hani sa gilid mo kaya hindi mo nalang pinansin.

 

"Nagpromise kasi ako sakanya..." natatawang pag-uulit niya. "Enjoyin mo nalang kasi. Mas sweet kaya ang datingan kapag di mo alam kanino galing. Diba?"

 

"Sweet." Kutya mo. "Curiosity kills kaya."

 

Tumawa lang siya at hindi na sumabat pa. Sumandal siya sa locker sa tabi mo, halatang excited din habang hinihintay ang pagbubukas ng locker mo.

 

"Tinitingin-tingin mo diyan?" mataray mong sabi.

 

"Excited din ako!"

 

"May kukunin lang naman-" Naputol ka nang may nahulog na papel pagkabukas mo.

 

Tumili kaagad si Hani kaya natauhan ka. "Sabi sa'yo eh!"

 

Yumuko ka at pinulot ito.

 

"Haba talaga ng hair mo!" kinikilig na sabi niya. "Pabasa nga!"

 

Umismid kalang at tinignang mabuti ang hawak.

 

At kahit hindi mo pa man nababasa ang laman nito, may ngiti na kaagad sa mga labi mo. Ni hindi mo maintindihan. Kusang lumalambot ang puso mo kapag hawak mo na naman ang mga ito.

 

"Ang pangit mo kiligin." Napaayos ka ng tayo at naalalang andito pa pala ang isang asungot. Sinamaan mo siya ng tingin. "Oh ano? Totoo naman ah."

 

"Ba't ako kikiligin?"

 

"Aba ewan. 'Yang ngiti mo lang ang may alam."

 

"Pinagsasabi mo diyan." Sinara mo na ulit ang locker mo at hindi na nag-aksaya pa ng oras para lumayo na sa blockmate mong lakas ng trip sa'yo.

 

"Hoy Joohyun!" Natatawang sigaw niya.

 

Hindi mo na pinansin at kumaway nalang nang hindi siya nililingon.

 

"Sabi niya 'Thank You' raw!"

 

Napahinto ka.

 

Nilingon mo si Hani.

 

"What?"

 

"Thank you."

 

"For?"

 

Nagbikit-balikat siya. "Tsaka sabi niya 'Goodbye'."

 

"H-Huh?"

 

Goodbye?

 

"Medyo corny, diba?" Tumawa siya. "Pero mabait 'yun. Sobrang bait."

 

Nagtataka kanang tumingin kay Hani. Hindi na nang-aasar na mukha ang nakita mo sakanya habang naglalakad siya palapit sa'yo. Ngumiti siya, tinapik ang balikat mo bago ka nilagpasan.

 

Ano 'yun?

 

"H-Hoy Hani teka lang."

 

"Ano?"

 

"Wala ba siyang... ibang sinabi?"

 

Pumalakpak na siya at humarap ulit sa'yo.

 

"Nice. Kala ko di mo tatanungin eh." Kumunot ang noo mo. "Sabi niya kasi sabihin ko lang pag nagtanong ka."

 

"Huh?"

 

"Saglit lang daw siya."

 

Mas lalo kang naguluhan.

 

"Saglit...?"

 

And what does that mean?

 

"Mhm." Tango niya. "'Yun lang naman. Di ko rin alam. Di ko naman kilala 'yun. Basta 'yun pinapasabi niya."

 

Nanatili kang nakatitig sakanya.

 

"Mukhang mabait na bata talaga 'yun, Joo. Sayang lang, di mo nakilala."

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

"Ang talaga mo naman."

 

"Nahiya ako sa'yo." pansasarkastiko mo at kumapit sa braso niya.

 

"Ano ba kasing ginawa mo?"

 

"Andun kasi si Hani. Alam mo naman gano kadaldal 'yun."

 

Bigla siyang napahinto.

 

"Hala! Meron na naman?!"

 

Binitiwan mo siya at kinuha ang papel sa bulsa. Tumili kaagad ang gaga nang tinaas mo ito. "ACCKK!!!" Hinampas mo siya at napatingin sa paligid. Babaeng 'to. Napatingin tuloy ang ibang mga dumadaang studyante sa inyo.

 

"Huwag ka ngang maingay."

 

"Kinikilig talaga ako teka!"

 

Hinablot niya ang papel sa kamay mo. Hindi mo rin pinigilan. Nabasa narin naman niya halos lahat ng mga natatanggap mong sticky notes. Mukhang siya pa nga ang naswo-swoon sa pakulo ng nagbibigay eh. Kung kiligin, wagas.

 

"Gaga patay na patay na talaga 'to sa'yo," tawang sabi niya, "Binasa mo naba?"

 

Umiling ka. Kaya ang ending, hinila ka niya at umupo muna kayo sa isang bench habang manghang tinitignan nga niya ito. Napabuntong-hininga ka nalang habang minamasdan ang mga iilang estudyante sa malayo. Naisip mo na naman ang sinabi ni Hani kanina.

 

Ano kayang... ibig sabihin niya?

 

"Huwaw. Bakit iba ngayon? Tinitipid kana ata niya, Hyun." Natatawa niyang tinaas ang papel. "Punit na music sheet? Pfft."

 

Tumayo na si Jennie at madramang kinakanta ang themesong ng MMK. Parang tanga lang... Naglalakad-lakad pa sa harap mo ang bruha na parang tumutula. Langya talaga. Umirap kana sa kalokohan niya at ibinaling nalang ang tingin sa mga punong nasa harap.

 

Tumawa siya. "Ay joke serious na pala."

 

"Ayusin mo nga."

 

"Basahin ko nang malakas ah?"

 

"Bahala ka."

 

Wala naman ibang tao kaya hinayaan mo na.

 

Narinig mo siyang nag-ayos ng lalamunan niya.

 

 

 

"Ehem ehem...eto na.....Dear Irene... NAKS!"

 

 

 

Hindi mo na pinansin ang tili niya at hinayaan nalang ang isip mong maglakbay kung saan-saan habang nakikinig sakanya.

 

"Seryosong-seryoso talaga siya dito sa pa-Irene niya sa'yo noh?"

 

"Dami mong satsat. Basahin mo nalang kaya?"

 

"Sungit. Ganyan ba ang Roman goddess of pEaCe?" Kutya niya. "Scam talaga 'to eh."

 

Inikutan mo siya ng mata. "Bigay mo nalang kaya sa'kin 'yan?"

 

"Hehe joke lang. Eto na."

 

Inayos pa niya ulit ang lalamunan niya.

 

 

 

"here's my 62nd sticky note for you- Nagulat siya. "Luh pang-62 na pala 'to?! Grabe!"

 

 

 

Paano nga ba kasi 'to nagsimula?

 

Araw 'yun ng bagong pakulong Welcome Walk ng USTe.

 

Dapat masaya ka sana dahil kayong mga freshies ang bida, kaso badtrip dahil nilagnat ka. Pumunta ka parin naman, at naalala mong basag na basag pa ang lalamunan mo kaka-sigaw ng Go USTe Go USTe! kaya di mo narin nakayanan ang natitirang pa-program nila.

 

Buong hapon kang nagpahinga sa infirmary. But you didn't even feel bad about missing the fun. At nung pinauwi kana nga, dumaan ka muna sa locker mong kebago-bago.

 

At doon na nagsimula ang lahat.

 

May nakita kang nakatuping yellow sticky note sa locker mo. May nakasulat sa loob na siyang binasa mo. Sa totoo lang, you got creeped out when you read it for the first time. Malamang. Bago ka palang dito. Ni pangawalang beses mo pa nga lang nabuksan 'tong locker mo. Imposible ngang ka-blockmate mo dahil wala ka namang kinakausap maliban kay Jennie.

 

Way to go, Med!

 

Iyon ang nakasulat.

 

Napatitig ka sa nasa kamay mo.

 

Sabi mo you got creeped out.

 

But you kept the note.

 

You're still keeping it for no reason at all.

 

 

 

"nasabi ko na siguro lahat ng gusto kong sabihin sa 61 na nagdaan.... kaya sana binasa mo lahat..." Tumingin si Jennie sa'yo. "Binasa mo ba talaga lahat?"

 

Tumawa kalang na siyang ginawa rin niya. "hindi ko na hahabaan, nanginginig kasi ang mga kamay ko habang nagsusulat ngayon... Luh bakit may pagnginig?"

 

 

 

Akala mo isang beses lang. And you were quite relieved when you didn't receive one the next day dahil you never really liked the idea of playing guesses. Ayaw mo talaga kapag natetest ang curiosity mo nang sobra. But who were you kidding? Laking gulat mo nang may naghulog na naman sa locker mo three days after that.

 

Amazed, binasa mo rin kaagad.

 

If I become a doctor, I'm forever going to blame you.

 

At naalala mo how you stared at it confused for a minute straight... before cackling out loud. Parang tanga ka ngang tumatawa mag-isa nun. Nagtingin-tingin ka sa paligid. Wala namang ibang tao that time.

 

Napaisip ka nalang. Sino ba 'to? Bakit parang taga-dito lang naman? And mas lalong ano 'tong pinagsasabi niya?

 

 

 

"promise, hindi ako stalker, pero nakita lang ulit kita sa Espanya kaninang umaga at gusto ko lang sabihin na sana nakikita mo ang sarili mo sa mga mata ko. ang ganda mo kasi talaga. bagay na bagay maging doktor. haha."

 

 

 

Nagulat ka sa malakas na tawa ni Jennie.

 

"HAHAHAHA! MAY PROBLEMA ATA SA MATA 'TO!"

 

Biglang uminit ang pisngi mo kaya napaiwas ka ng tingin.

 

"Okay medyo ang corny niya sa part na'yon pero-" Pabiro niyang sinipa ang paa mo. "-tangina kiligin ka naman diyan!"

 

Ugh. Siya naman ang sinipa mo kaya natatawang lumayo sa'yo ang bruha bago itinuloy ang pagbabasa. Naririnig mo na ang pagbasag ng boses niya na halatang nagpipigil na ng tawa.

 

 

 

"i'm always at peace kapag nakikita kita. kaya bagay na bagay sa'yo ang Irene. sorry, haha yan lang nakayanan ko."

 

 

 

Napailing ka at mahinang natawa.

 

Weeks after weeks, you started to get used to it. Paanong hindi? Wala atang linggo na hindi mo nababasa ang sticky note na'yan. Dalawang beses sa isang linggo... isang beses sa isang linggo... nariyan at nariyan palagi ang makulay na sticky note sa locker mo.

 

At paano mo ba magagawang itapon?

 

It wasn't some cringey love letters. Instead, they were random funny trivias like 'how a koala sleeps 22 hours a day on average'. And some encouraging words, mostly about you and college, like how this person thinks pre-med is so hard kaya nagdarasal siyang sana you get to be a koala even just for a day para lang mabawi ang tulog mo.

 

Natawa ka sa naalala mo.

 

Honestly, you started enjoying it.

 

Ni hindi mo namalayan, doon kana kumukuha minsan ng lakas para mas magustuhan pa ang kurso mo. Haha. 'Yung tipong down na down ka pagkatapos ng isang mahirap na quiz o nakakapagod na araw, tapos isang nakakagaan na sticky note lang ang babago sa araw mo.

 

You're going to live the rest of your life as a greaaat doctor! :)

 

And they really work.

 

They really do.

 

 

 

"pero seryoso, isa lang ang gusto kong ulit-ulitin ngayon... thank you... thank you kasi dahil sa'yo, gusto ko ng mabuhay ulit..."

 

 

 

Napatingin si Jennie sa'yo. "Lagi niya talagang sinasabi 'to."

 

"Hm.."

 

"Ano kayang ibig sabihin?"

 

You shrugged.

 

Napabikit-balikat nalang rin siya bago tinuloy ang pagbabasa.

 

 

 

"sorry kung dito ko sinabi. nagdadalawang-isip kasi ako kung gagawin ko ba to o hindi. i think i can do more than just a music sheet. pero gagawan parin kita dahil hindi ko din alam kung makakapagsulat paba ako muli."

 

 

 

Dahan-dahan kang napatingin kay Jennie.

 

 

 

"just thank you, Joohyun. masaya akong nakilala kita ngayon... sana alam ko rin kung napapasaya ba kita... kahit di ko na aminin, obvious naman siguro ang rason kung bakit sinusulatan kita diba?"

 

Nang-aasar na ngisi ang nakita mo kay Jennie.

 

"...And I wish to meet you again... in time when I'm older, when we're older... when I'm better, and when life is on my side again..."

 

 

 

Thank you? Goodbye? Saglit lang siya? Hindi niya alam kailan siya makakapagsulat ulit? At dito mo narin napagtanto. Ahh... siguro aalis siya?

 

Kahit lumalabot ang puso mo mula sa narinig, napakunot parin ang noo mo sa huling sinabi niya. Bakit ganito ang mga sinasabi niya? Tumingin narin si Jennie sa'yo at nakangiting binasa ang natitira.

 

"Kikiligin ka ata dito."

 

"Bakit?"

 

"Pustahan ha."

 

Umirap ka.

 

 

 

"...Can you promise us to meet again if time would let us?"

 

 

 

Napaawang ang bibig mong tinignan siya.

 

"KYAAA! SABI KO SA'YO EH! MAY GUSTO NGA 'TO SA'YO!"

 

Naramadaman mo ang biglang pag-init ng iyong mukha. Isama mo pa 'tong tilian ng kasama mong parang kinakatay na baboy. Talagang hindi mo na alam kung anong sasabihin.

 

"Oh ano?! Wala bang reaction diyan?!"

 

Lumunok ka at nag-iwas ng tingin.

 

"HAHAHAHAHAHA!"

 

"T-Tinatawa-tawa mo diyan?"

 

"Namumula ka eh! HAHAHAHA!"

 

Feeling mo tuloy mas lalong uminit ang pisngi mo. Tumayo kana at kinuha sakanya ang papel. "Tara na nga." sabi mo bago naunang maglakad.

 

"AYIEEE! CHANGE TOPIC!"

 

"T-Tumahimik ka nga."

 

"NAUUTAL SIYA! HAHAHAHA!"

 

Tuloy-tuloy kalang sa paglakad. Pinipigilan mo lang talagang wag ihampas 'tong bag mo sakanya.

 

"Crush mo na noh?!"

 

Gulat kang huminto.

 

"P-Pinagsasabi mo diyan?!"

 

"Oh ba't ka nauutal?!" Napakagat kana sa labi at umirap sakanya. "Hay nako Joohyun, pwede ka namang umamin-" Sinamaan mo siya ng tingin. "-Sino ba naman kasing di mahuhulog sa ganito? Eh ako nga kinikilig kahit taga-basa lang eh!"

 

Di-makapaniwala mo siyang tinignan.

 

"Oh ano? Totoo naman ah." depensa niya.

 

"Hindi ako pumapatol sa bata, okay?"

 

"HAHAHAHAHAHA!" Pinapalo-palo kapa niya. "Ayaw mo nun? May instant little sibling kana! Diba gusto mo ng batang kapatid? Eto na 'yun!"

 

At talagang binatukan mo na siya.

 

Nakakarami na talaga 'yan!

 

"Isa ka nalang sa'kin ah." Pagbabanta mo pa. "Sumbong ko talaga kay Tita 'yung—"

 

"Hindi na hindi na!"

 

"'Yan. Titigil din naman pala."

 

Rinig mo parin ang mga mahihinang agik-ik niya. "Sige, seryoso na. Naniniwala ka talagang highschooler 'to?"

 

"Oo. Nakita nga ni Hani, diba?"

 

"Dito o sa Angelicum? Saan daw?"

 

You shrugged.

 

"Taray, of all ages talaga ang ginagayuma mo, gaga." Tawa niya. "Tingin mo lalaki o babae?"

 

"Di ko alam..."

 

"Shet, milyones ata sinuhol niya kay Hani at ayaw rin sabihin ng bruha?"

 

Natawa ka tuloy.

 

"Pero bakit ayaw mong sulatan pabalik? Or... something.... you know you can do that naman, right? Di mo siya bet?"

 

You looked at her displeased. "Do you really know me at this rate?" Natawa ulit siya. "I don't even know him— or her— I don't do that, Jennie. I can't settle myself for someone I don't even know."

 

"Haba-haba ng sinabi. So sa edad wala kang problema?"

 

Bumukas ang bibig mo, only to have it closed again. Napaharap kana ulit at iniwasan ang tingin niya. "I... 'Y-Yan din..."

 

"Asus. Malay mo fourth year 'to, o di kaya third year. Keri pa naman! Hello?! Kaka-college palang kaya natin! Feeling ate ka naman."

 

"And if younger?"

 

She snorted, "'Yun lang." Bumaling ulit siya sa'yo. "Pero naalala mo 'yung kapatid ni Mama? 11 years kaya gap nila ng asawa niya."

 

"Oh tapos?"

 

"Sinasabi ko lang."

 

"Look," seryoso mong baling sakanya. "I don't have issues with that, okay? Matatanda na sila noong naging sila. Wala namang masama diyan as long as it's not looking for harm."

 

"I know."

 

"Pero ayokong ma-involve sa ganyan...atleast not for now..."

 

"For now?" ngisi niya, "So kapag gaya ng sabi niyang 'when we're older', you'll give that person a chance?"

 

Mabigat kang lumunok. Napatingin ka ulit sa papel na nasa kamay mo. Kailanma'y hindi mo pa naisip 'yan.

 

"D-Di ko alam..."

 

"Nga naman... Pero hey, alam mo 'yung logic na 'things go better when in time'?" Napatingin ka sakanya. "19 dating a 14 kinda sounds...disturbing, diba? Well, mali naman talaga 'yon, or atleast for me. But when it's 35 dating a 30, no one would even care. And it's just the same 5-year gap but in different timings."

 

Napakunot ang noo mo. "So...anong point mo for telling me that?"

 

"I don't know," ngisi lang niya, "You, make a point out of it."

 

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

 

Hindi mo rin alam kung paano kaayo napadpad sa Noval. Sobrang lutang mo siguro na di mo na namalayang nahila kana pala niya sa harap ng Mang Tootz kung saan siya pumipila ngayon.

 

Mag-isa kang nakatayo sa gilid. Lumalakbay na naman ang isip mo. Bakit parang may iba kang nararamdaman sa nabasa mo kanina? Idagdag mo pa 'tong mga pinagsasabi ni Jennie.

 

You sighed. Kinuha mo ulit ito mula sa iyong bulsa at tinignang mabuti. Music sheet... Nag-aaral ba siya sa music? O music club? Napangiti ka naman... Atleast you got to know one thing about him or her.

 

Ibabalik mo na ulit sana ito nang mahagip ng mga mata mo ang maliliit na letra sa pinakababa ng papel.

 

"Huh?"

 

Marumi ito at puno ng binurang mga salita.

 

"Ano 'to?"

 

Gulat mo itong nilapit para basahin.

 

 

pwede mo bang maghihintay ako pwede mo rin kayang sagutin ang tinanong ko? sulatan mo ako kahit isang beses lang? guard house? sa umaga? please maghihintay ako

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

Nakahalukipkip kang nakaupo sa study table mo. Madilim na ang kwarto. Tulog na si Jennie, pero ikaw, gising na gising pa. Nakatitig kalang sa nakakatag na mga sticky notes sa mesa mo.

 

Gagawin mo ba? O hindi?

 

Kung oo, ano namang sasabihin mo?

 

Kasi inaamin mo, you only loved about the idea of someone caring and cheering you from afar. You settled to think of it that way. No more. Wala nang iba pa.

 

And now...

 

Hindi ka naman tanga para hindi makuha ang pinapahiwatig niya.

 

You let out an exasperated sigh.

 

 

Can you promise us to meet again if time would let us?

 

 

"Bahala na..." Binuksan mo ang takip ng ballpen at sinimulang isulat ang kung ano sa tingin mo'y tama sa'yo.

 

 

 

When and if the time is still right, then yes. I look forward to meeting you too :)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

April 4

 

 

A-All along?

 

All along it was her?

 

Hindi mo mailarawan ang nararamdaman mo. There's this hint of heaviness in your chest, and the fear— ang takot na hindi mo alam kung bakit at para saan.

 

Ilang taon na ang lumipas...

 

Ang dami nang nagdaan...

 

Bumalik sa'yo lahat ng alaalang ibinaon mo na sa limot. Matagal na. Pero sariwang-sariwa parin ito sa alaala mo.

 

You slumped your face between your palms. Ilang oras kanang nakakulong sa opisina mo. Hindi ka mapakali.

 

It's suddenly hard to think... Ni hindi mo nga alam kung ano bang ikinakatakot mong isipin.

 

Why...

 

Bakit pa...

 

Ano pa bang binalikan niya?...

 

Ito ba ang dahilan ng pagsisinungaling niya?...

 

 

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
happy new year! /proof of life/

see u sa valentines for QT32!

Comments

You must be logged in to comment
Iamyourjoy #1
hello, nagbabalik na naman ako dito huhu mahal na mahal ko kayo team tangi 😭
alexis_keithh
#2
reread 😖 miss ko na kayo huhu :'((
xantheaverielle
#3
Chapter 3: Rereading :( Miss you Team Tangi 🥺 comfort characters ko talaga kayo
alexis_keithh
#4
Chapter 12: miss ko na team tangi 😭💔
DivisionOne_Seven
#5
Maghihintay.
wafflegi #6
I MISS YOU.
hi_sseulgae
#7
final na po di ko today??🤧
hi_sseulgae
#8
this year po ba na valentines??😔
xantheaverielle
#9
Chapter 44: I miss my magtangi 🥺
sevrf_ #10
Chapter 44: i miss you both🥹