First Case

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

 

Blessed Maundy Thursday, reveluvs! 

Don't forget to pray!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Chapter 4

 

 

 

 

 

 

FIRST CASE

[JANUARY 30, 2020 - Thursday]

 

 

 

 

 

 

 

 

Joohyun

 

 

 

You woke up earlier than usual.

 

Nang tinignan mo ang wall clock niyo, five palang pala. And you hate it kapag nagigising ka nang ganito ka aga. Normally kasi, you both get up around six, edi sayang tuloy ang isang oras mo pa sanang tulog kung ganon.

 

Tinignan mo ang katabi mo. Tulog na tulog parin. Natatawa mo pang isinarado ang bahagyang nakabukas niyang bibig. Parang bata...

 

Kapag nagigising ka this early, usually naghahanda ka nalang for work. Hindi kana kasi nakakatulog ulit kasi unlike Seulgi, hindi ka talaga magaling sa pagkuha ng tulog mo.

 

However, ibang araw ata ngayon dahil parang wala ka pa talaga sa mood tumayo. Sobrang pagod ka kasi kahapon from work, idagdag mo pang late kana nauwi kagabi.

 

Humiga ka nalang ulit at niyakap ang katabi mo. Sinubukan mong pumikit ulit pero hindi mo talaga kaya. Minulat mo nalang ang mga mata mo at bumungad naman sayo ang tulog mong katabi.

 

Napahinto ka at napatitig sakanya.

 

You brought a hand up and mindlessly stared at her, your thoughts are hazy as your finger gently traced her soft features. 

 

From her sharp monolid eyes... down to her luscious lips... Hmm...

 

So pretty...

 

Minsan nagwowonder ka nalang talaga how she always compliments you when she herself is this gorgeous... y... and attractive... god, mauubusan ka nalang ng adjectives to describe your girlfriend.

 

It suddenly came into you, that this, right here, is yours.

 

You smiled.

 

Feeling overwhelmed by your sudden thoughts, you settled to kiss the tip of her nose— ang favorite mong gawin kapag tinititigan mo siya nang ganito.

 

Medyo gumalaw pa siya pero hindi naman nagising. Psh...

 

Naputol lang ang pag-iisip mo kay Seul nang tumunog ang phone niya. Nagtaka kapa because who could be texting her in this early hour? Curious, umalis ka muna sa pagkakayakap sakanya at inabot ito sa night stand.

 

 

Good morning, Seul. Happy Thursday!

 

 

 

'Seul?'

 

 

Hindi mo pa nga ito binubuksan, clear as crystal naman ang pagkakabasa mo kahit mula sa lock screen palang. Pinatay mo ito at tsaka ibinaling ang tingin sa katabi. But you turned it on again, staring at the message for the second time bago pinatay ulit.

 

Tempted kanang buksan ito, but you chose not to. You know naman na Seulgi allows you to check her phone kasi sabi niya 'wala naman siyang tinatago sa'yo', and you actually love that. 

 

Sabi pa niya you can do whatever you want kasi hindi siya naniniwala na doing possessive stuff can only push her away. Honestly, mas naswoswoon ka sakanya dahil dito.

 

Kaya naman it makes you want to do the opposite.

 

Ayaw mo rin naman talagang i-invade ang privacy niya. You'll only do that kapag nasa tabi mo siya at sabay niyong hinahalungkat ang phone niya. Ewan. Maybe because you trust her enough and you know na she's far from doing things na ayaw mo.

 

May pagka-halaman nga lang ang tangi mo.

 

And this Krystal Jung is surely enjoying that side of hers.

 

This girl has been all over your girlfriend ever since naging magka-exchange gifts sila sa Christmas Party ng faculty members nila last December. And now, she's been sending good morning texts to her almost every goddamn day, even in this very early hour.

 

Like what? Alam ba niyang taken na 'tong nilalandi niya? Hindi ka parin ba nabanggit ni Seul sakanya?

 

 

 

Hindi ka naman possessive type. Atleast that's how you see yourself. You're just claiming what's yours. Teka is it the same ba? Ah basta, hindi ka naman talaga hands-on sa mga lumalandi sa girlfriend, dahil nga naman, how can they resist such attractive woman? Your experiences can greatly count pa nga.

 

You normally let them pass because you know Seulgi's only coming home to you.

 

But with this girl? 

 

Ewan mo nalang. You just hope na she won't cross the line, especially for the fact na they aren't even that close. You've heard stories from Lisa and inaasar kapa niya na baka mas maging close pa talaga sila ng girlfriend mo.

 

Tsk.

 

Are you triggered? No. More like concerned. You know how dense Seulgi can be. Most times kapag iniinsist mong someone is obviously hitting on her, she'd say otherwise, kesyo mabait lang daw talaga ang tao and things like that. Tapos ang ending? You always win at ikaw ang laging tumatama.

 

Ugh.

 

Bumuntong hininga ka muna bago nilapag ulit ang phone niyang di mo pa nabubuksan. Humiga ka ulit tsaka niyakap siya nang pagkahigpit-higpit. 

 

She's the only one that keeps you sane.

 

You can't lose her.

 

 

 

At mukhang nagising siya sa paggalaw mo dahil naramdaman mo ang pagtaas-baba ng kamay niya sa likod mo. Tumingala ka sakanya at saglit pa kayong nagkatitigan.

 

You poked her nose.

 

Ngumiti siya.

 

"Morning tangi..."

 

 

Yep.

 

Definitely can't.

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

"Morning, Doc Bae." bati sa'yo ng mga taga nurse station nang dumaan ka. Ngumiti ka at bumati rin. Si Mijoo, nahihiya pang bumati sa'yo kaya nakangiti mong tinapik ang balikat niya.

 

You're not even mad at her. Naka-ilang sorry pa siya sayo mula last Monday at pang-ilang beses mo narin siyang inassure na okay lang talaga 'yun at wala lang 'yun sa'yo.

 

Napailing ka nalang.

 

 

 

 

"Aga natin ah." sarkastikong bungad sa'yo ni Jennie na nagtitimpla ng kape sa pantry.

 

Pano ba naman kasi, mas maaga ka talaga compared sa ibang kasama mo dito sa station niyo. Nauuna ka palagi dahil ewan, ayaw mong nagmamadali ka. 

 

Apat lang naman kayo dito sa station. Si Jennie, si Solar, ikaw, at ang bagong lipat na doctor na si Doctor Wendy.

 

Siya yung laging binabanggit at tinatanong sa'yo ni Seulgi dahil naiinggit daw siya sa blonde na buhok ni Doc.

 

Psh. Gusto kasi niyang magpakulay, kahit nung Christmas break pa nila. At ikaw naman 'tong away nang away sa kanya dahil ayaw mong kinukulayan niya ang buhok niya lalo pa't college prof siya. Pwede naman sa Uni nila 'yun pero basta ayaw mo.

 

"Nag-overtime kayo kagabi noh?" Nabalik ka sa katinuan at napatingin sa kaibigang nakataas-baba ang kilay.

 

Gaga talaga.

 

Umirap kalang at dumiretso sa couch. Medyo hinihingal kapang napaupo dahil nag-brisk walking ka papasok dito. 

 

Gosh, muntik ka pala talagang malate. Flexible nga ang time mo pero gaya nga ng sabi mo, ayaw mong nagmamadali ka.

 

At kabaliktaran ang nangyari this morning.

 

Let's just say dinemonyo ka ng girlfriend mong mag shower together, and you... got carried away.

 

Ugh... 

 

Nag-iinit ang katawan mo just while thinking about it.

 

Umupo si Jennie sa tapat mo. Nakangisi parin siya habang hinahalo ang kape niya. 

 

"What?" naiinis mong sabi dahil halatang mang-aasar lang ang bruha.

 

Umiling siya at ininom ang kape niya. "Sabay kami maglulunch ni Lisa mamaya. Kayo?"

 

Nag-iisip mo siyang tinignan. Wala namang nabanggit si Seulgi sa'yo. You shrugged. "Dunno. Nag lunch out na kami yesterday."

 

Tumango siya. "Ah oo nga pala. Pero ayaw niyo sumama? Nako may nakwento pa naman si Lisa—"

 

"Krystal?" agad mong usyoso. Tumawa si Jennie at tumango. You rolled your eyes in jest. 

 

My god.

 

"Sino 'yon? Sabi ni Lisa bagong friend—"

 

You shook a hand. "Shut it. Ayoko pag-usapan ang babaeng 'yan."

 

Mas tumawa lang siya sa reaksyon mo. "Friend lang naman pala eh. Bat ka nagagalit jan?"

 

Hindi ka sumagot at pumunta nalang sa pantry para magtimpla narin ng kape. Asar. Naririnig mo parin ang tawa niya kahit sa malayo.

 

 

 

Nang makabalik ka, nanunukso ka parin niyang tinitignan. "Nagkakamabutihan naman daw sila ni Kai. Silang dalawa nga lang daw nag-lunch kahapon."

 

Nabanggit nga ni Seulgi sa'yo. And it doesn't even ease your worries for a bit. 

 

"She's still sending her good morning texts though," naiinis mong sabi, "How am I supposed to think about that?"

 

Nagulat si Jennie sa bahagyang pagtaas mo ng boses. "Woah woah chill. Wala ka namang dapat ipag-alala. Whipped na masyado ang jowa mo. Sa'yo lang yun kakalampag."

 

Psh. Natawa ka tuloy.

 

Hindi ka narin naka-argue dahil biglang nagring ang telephone niyo. Si Jennie na ang tumayo para kunin ito. Sana hindi emergency or code blue.

 

Naramdaman mong nag-vibrate ang telepono mo kaya tinignan mo ito. Text pala galing kay S

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
Omg thanks for the feature?!?! Ang cute ng star! Para at para lang po sa inyo ‘yan! Merry Christmas pala talaga!
No comments yet