A While Lasts Forever

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

“A-Ate Seul...”

 

Napansin mo kaagad ang pag-iiba ng ekspresyon niya.

 

“Anong... gagawin mo kapag nalaman mong... m-may gustong u-umagaw kay ate Joohyun?”

 

And you’re slightly taken aback.

 

Naguguluhan mo siyang tinignan lalo pa’t hindi ito makatingin ng diretso sa mga mata mo.

 

“May gustong umagaw?” Hindi siya sumagot kaya napaisip ka naman. Anong gagawin mo kapag may umagaw kay Joohyun? “Hmm... wala naman akong gagawin...”

 

Sa wakas ay napatingin na siya sa ‘yo.

 

Ngumiti ka. “Di naman magpapa-agaw ‘yun.”

 

Ilang sandali pa siyang napatitig sa ‘yo, na parang nawili sa sagot mo, hanggang sa napaiwas muli siya at bumuntong-hininga.

 

“Bakit Chae?” sinubukan mong usisahan.

 

Hindi ka naman bulag para hindi malamang may gusto siyang sabihin sa ‘yo ngayon.

 

Ano kaya?

 

At bakit naman niya natanong?

 

May bigla kang nararamdamang kakaiba.

 

“A-Ate-” At nanlaki ang mga mata mo sa biglaang pagtulo ng mga luha niya, “M-Matagal ko nang g-gustong sabihin sa ‘yo-”

 

“Chae...”

 

“I-I just feel so bad... s-sa nangyari... sa n-nagawa namin kay a-ate...” Napahawak siya sa dibdib. “S-Sobrang-sobra na d-dito...”

 

Hindi mo masundan ang biglaang silakbo ng damdamin niya..

 

Kinakahaban mong inabot ang kamay niya. “Shh...” pagtahan mo habang hinahaplos ito. “You can tell me anything.”

 

“A-Ate...” She broke into your eyes, “I j-just wanted m-my sister t-to try to live again... ‘Yun lang naman ang g-ginusto ko...”

 

Her sister?

 

Napahawak siya sa kamay mo nang mas mahigpit.

 

“I-I’m so s-sorry, a-ate Seulgi...”

 

Bakit?

 

Bakit sa ‘yo?

 

“S-Si ate J-Joohyun...”

 

Napahinto ka.

 

“...at ang a-ate ko.” Mga matang puno ng sikreto at paghihinayang ang sigaw ng kanyang mga mata. “Magkakilala sila, ate.”

 

Agad na nagkasalubong ang mga kilay mo habang litong-lito ang isip mong pinroseso ang narinig mula sa kanya.

 

“...Ano?”

 

“Ate Seulgi, a-ate Seulgi.” Mas lalong lumalala, lumalalim ang mga hikbi at iyak niya kaya mas lalo ring naging magulo ang mga kaganapan.

 

“Shh, Chaeyoung-”

 

“Ate Seulgi,” Hindi niya hinayaang makawala ang kamay mong hawak niya, ”N-No matter what happens, magtiwala ka lang kay Ate J-Joohyun.”

 

“A-Anong ibig-”

 

“Wala siyang kasalanan, ate. Wala,” Umiling siya. “W-Wala siyang kasalanan.”

 

At dahil hindi mo na nakayanan pang panoorin siyang ganito at nahihirapan, minabuti mo nang diretsuhin siya.

 

“Talk to me please. Anong nangyayari?”

 

Ang ate niya...

 

Si Joohyun...

 

How on earth...

 

“M-Magkakilala ang ate ko at si ate Joohyun noon. She likes her.” Your ears immediately perked up at her confession. “She l-loves her.”

 

May kung ano kang naramdaman sa narinig.

 

Hindi mo inasahan ang mga narinig mo.

 

“They met when ate Joohyun was in college. My ate was still a high-schooler back then. Binibigyan niya si ate Joohyun ng mga sticky notes lagi. I was still young but ate believe me, h-her smile, her smile when she knows that ate Joohyun is always happy sa mga notes niya... god, it’s... it’s everything.”

 

“Kilala ba niya si Joohyun?”

 

“No,” umiling siya. “Hindi nagpakilala ang ate ko.”

 

“Why?”

 

“She had cancer.”

 

Napahinto ka.

 

“She had cancer kaya kinailangan naming pumunta sa Canada para mapabilis ang paggaling niya.”

 

Hindi mo alam kung anong sasabihin mo.

 

“She was at the brink of giving up, ate. Akala namin magaling na siya, ‘yun pala na diagnose ulit siya years after. We had no other choice but to go back to Canada. We want her to get better. And I-I would never forget kung paano siya nagwawala lagi sa ospital nung mga panahong ‘yun.”

 

At hindi mo rin alam ang mararamdaman.

 

“But ate Joohyun.. nakilala niya si ate Joohyun, s-she found a reason to live again. S-She was the reason. The only reason.”

 

“Joohyun eventually knew her?”

 

Hindi niya sinagot ang tanong mo. “My ate found strength from the l-letters ate Joohyun gave.” Mapakla siyang natawa, mga luhang hindi matapos-tapos. “W-Who would’ve thought?... From here... to Canada... talagang matutuwa ang ate ko.”

 

There was something irking inside of you.

 

Joohyun never told you anything about this.

 

Bakit?

 

“Doon, d-doon kumapit ang ate ko. Sa mga sulat. Kay ate Joohyun.”

 

“W-Why... bakit sinasabi mo sa ‘kin ngayon ‘to?”

 

“Dahil babalik na siya, ate Seulgi. B-Babalik na siya.”

 

Your breath hitched.

 

Hindi mo alam pero bigla kang kinabahan.

 

“S-She’s back. She’s coming home. She wants to have ate Joohyun back a-and,” Napayuko siya at humagulhol, “A-And... I don’t... H-Hindi ko alam paano sasabihin sa kanya.”

 

“Sasabihin na ano?”

 

“Na ang nagpapabuhay s-sa kanya na mga s-sulat noon...”

 

 

Mas umaagos na mga luha.

 

 

“...ay h-hindi galing kay a-ate J-Joohyun.”

 

 

Napaawang ang bibig mo.

 

 

“C-Chaeyoung..”

 

 

Napasandal siya sa magkahawak niyong mga kamay.

 

 

“I-I’m sorry, ate... I-I’m so s-sorry...”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TRACK 09: Take Me Home - Us The Duo |

 

 

 

 

 

 

 

 

These four walls are nothing without you
Home for me is where you are
 

 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Chapter 29

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Every wait has its own worth.

 

This was something your Dad would always say.

 

You never actually realized how true it was— not after spending a decade for you to finally stand here and utter these words,

 

“...and I will faithfully discharge to the best of my ability the duties and obligations incumbent upon myself...”

 

There was this... indescribable feeling habang binabanggit mo ang mga bawat salita.

 

Matatapos pa rin pala talaga...

 

Sana man lang nakita niya...

 

Lumingon ka sa likuran, sinalubong ang mga matang sobrang saya habang nakatanaw sa ‘yo. Tinaas niya ang camera na dala niya at itinutok sa ‘yo. You glanced both of her sides— there was a stranger— and another stranger— the sight digging up something inside you as you stared at her.

 

But she smiled instead, lifting her thumbs up for you, that proud smile you always long butrarely see in person.

 

May kung anong sumapi sa ‘yo, something with the drive of hope and new-found strength. Kaya humarap ka na muli, suot na ang isang ngiting hindi mo mapigilan, lalo pa nang tinignan mo ang idinikit mong dilaw na papel sa itaas ng oath.

 

 

 

You’re going to live the rest of your life as a greaaat doctor! :)

 

 

 

Ang daming naniwala sa ‘yo.

 

Tinaas mo ang iyong ulo at sumabay sa huling mga salita,

 

 

“...as a registered and licensed doctor.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

A WHILE LASTS FOREVER

[ISOLATION Part I]

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Joohyun

 

 

 

 

It’s been three days since the deployment...

 

You realized... Time seems to be running slower this time...

 

 

 

 

 

Nakaupo ka ngayon sa harap ng Macbook mo while sipping on your coffee once in while. Tanging ang tunog lang ng bawat click ang naririnig, and you wouldn’t want to have it the other way. Everything was so peaceful just like how you wanted it to be.

 

You’re in your designated living quarter na nasa tabi lang ng ospital— the one that you happen to share with Jisoo. Technically, hindi pa rin pala siya matatawag na living quarter dahil wala yatang makaka-survive dito nang matagal. It lacks almost everything, no bed, no water— and it’s no wonder that only a few decided to stay here for good.

 

But still, na-aappreciate niyo pa rin ang initiative ng St. Paul na i-accommodate kayo dito. It lessened the hassle on your part. Minsan pag tinatamad si Jisoo umuwi, dito na siya tumatambay o di kaya nagpapalipas ng gabi, na siyang ginawa mo rin nitong mga nagdaang tatlong araw.

 

And speaking of Jisoo, napatingin ka sa space niya. Hindi pa ba siya nakabalik mula sa shift niya?

 

 

 

Tumayo ka at isinabit sa bintana ang kurtinang nasa tabi mo as you let the soft morning breeze enter the room. You propped your elbow against the table, pinagmasdan ang dahan-dahang pagsilip ng araw at ang mga malayang ibon sa labas.

 

The memory of your usual mornings flashed right before your eyes.

 

Your mind went blank for a moment before shaking your head in an attempt to snap out of it.

 

Itinuon mo na muli ang atensyon sa screen.

 

Click.

 

Click.

 

Hindi mo alam kung hindi mo lang talaga napansin o sadyang wala ka na sa sariling nagpipindot kanina dahil isang ‘Game Over’ ang bumungad sa ‘yo nang tinapos mo na ang laro.

 

“What?” Di makapaniwala mong tinignan ang tinapon na maling cake at pinakinggan ang nang-aasar na tunog ng piano sa pagkatalo mo.

 

“Sprinkles ‘yan, hindi hearts.” Nagulat ka nang biglang may sumulpot sa likod mo. “Lutang ka teh?”

 

“Jisoo naman!”

 

Tawang-tawa lang ang gagang umiwas sa pamamalo mo. Jusko, aatekihin ka naman dahil sa babaeng ‘to!

 

“Ang gulatin mo!”

 

“Eh kung hindi ka kaya biglang sumusulpot diyan!”

 

Mas lalong naging mapang-asar ang tawa niya at tumalon na pahiga sa space niya. Mukhang kakatapos lang ng shift niya dahil wala ito nang gumising ka. Sinundan mo siya ng tingin at kitang-kita ang pagod sa hitsura niya. Hindi mo na lang pinangaralan ang paghiga niya na may medyo basa pang buhok.

 

“Haaaay, nakapagpahinga rin,” inat at hikab niya habang sinisettle ang sarili sa mahabang upuang pinagtyatyagaan niyong tulugan dito.

 

“Hectic ba?”

 

“May mga bagong pinasok kagabi.”

 

“Nanaman?”

 

“Pito. Isa dun 83 years old.”

 

You bit you lip and sighed at the information.

 

“Ikaw?” Pagod siyang ngumiti nang binalingan ka ng tingin. “Kumusta ka naman dito?”

 

“Okay naman dito.”

 

“Sira. Sa ospital kako kamusta.”

 

“Oh,” Nag-isip ka muna. “Fine, I guess...?”

 

Natawa siya. “Ba’t parang di ka sure?”

 

“Nakakapagod.” Walang anlinlangan ang pag-amin mo. “But not that I’m complaining or something,” pagkaklaro mo. Ngumiti lang siya sa ‘yo, na parang alam na ang ibing-sabihin mo bago humilig para tignan kang mabuti.

 

“It’s unlike before noh? I mean, noon, kinakaya ko naman lagi ‘yung mga night shifts at sudden on-calls sa madaling araw, pero dito, ewan ko ba...” Umiling siya. “It’s not a bad thing rin naman like what you said... It’s just...”

 

“Diba?”

 

“Maybe because we’re also looking after ourselves this time?” She shrugged anyway. “Ah basta.”

 

“Mag-oone month ka na rin dito.”

 

She chuckled. “Masasanay ka rin.”

 

Ngumiti ka lang pabalik. Wala naring nagsalita pagkatapos kaya akala mo natutulog na ang isa. But she’s right. Masasanay ka rin. It’s only been three days and you’re still taking your time na ifamiliarize ang mga bagay-bagay.

 

You’ll get used to it. For sure.

 

You have to.

 

Wala ka rin namang ibang choice.

 

“Kumusta naman ang... puso natin?”

 

Nagulat ka nang bigla pa siyang nagsalita. “Akala ko natulog ka na.”

 

“Gaga, nagphophone ako,” tawa niya at tumalikod na ulit para harapin ka. “So... kumusta nga?”

 

Nagtataka mo siyang tinignan lalo pa’t nakangisi na ito sa ‘yo ngayon. “Huh?”

 

“‘Yung puso natin.”

 

“Anong-”

 

“Miss mo na noh?”

 

And it was quick to shut you up.

 

“Sabagay... eh kami nga na kaka-one month long, miss ko na sobra ang pangit na’yun. Kayo pa kaya?” Natawa siya sa sariling sinabi habang ikaw ay bumalik na sa pagkakatingin sa screen na nasa harap.

 

You forced out a chuckle that sure sounded off this time. “Sira...”

 

“Not gonna lie, akala ko magiging dakilang third wheel na naman ako dito.” You peeked above the screen at tinaasan siya ng kilay. “I thought you two would be all over each other ngayong magkahiwalay kayo. Knowing Seulgi-” Your heart raced at the mere mention of her name. “-malamang mag-aalala sa ‘yo ‘yun nang sobra.”

 

Bumukas ang mga labi mo... at sumurado muli. Wala kang maisip na tugon sa sinabi niya kaya umiwas ka na lang ng tingin sa kanya.

 

“Is it hard?”

 

Hindi mo alam kung ano ba ang motibo tanungan niya. Nanatili lang ang mga mata mo sa harap, hinayaang maglakbay ang isip, at ang kamay mong biglang humigpit sa iyong hawak.

 

Mahirap ba?

 

Narinig mo lang ang mahinang pagtawa niya. “Ramdam ko nga, Hyun.”

 

Binalingan mo na siya muli ng tingin pero nakatalikod na pala siya at mukhang matutulog na. Hindi ka na rin umimik pa. Wala ka rin namang nabubuong sagot sa mga narinig mo.

 

“Ako rin naman...” ang di mo inaasahang biglaang pagbulong niya pagkatapos ng mahabang katahimikan. “Gusto ko na silang makita...”

 

Wala kanang narinig mula sa kanya pagkatapos. Ilang sandali karing napatitig sa kanya, napaisip sa huling mga sinabi niya.

 

“Gusto ko na silang makita...”

 

Hindi mo narin naman siguro kailangan pang pag-isipan ang sagot sa tanong niya.

 

Tinignan mo ulit si Jisoo. You heaved out a deep sigh not so long after. Hininto mo na ang pag-ikot ng stand fan sa tabi mo at tinapat na sa kanya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

 

 

 

The moment you entered Med School, tinanggap mo na lahat ng mga responsibilidad na kaakibat ng pagiging isang doktor. You have been told about it— both good and bad things, and it didn’t help that you were born in a family of medical professionals. At aaminin mo, it did get into you sometimes, lalo na nung panahong pumipili ka na ng residency mo.

 

Back then, laging sinasabi sa ‘yo ng mommy mo to just push through, because she had always loved the idea of hearing her only daughter’s name with a Dr. before it.

 

Nakakatawa paring isipin ang pinakanaging dahilan niya.

 

But as you fell more in love with the field, you started to realize it wasn’t about the profession anymore, nor the title you’re after.

 

Not anymore.

 

Instead, it became more of a passion for you.

 

The sight of your once ill patient getting well,

 

Being a reason for someone’s life to continue,

 

The warmth from the thought it brings is incomparable.

 

You just know you want to be here— and you’re meant to be here.

 

Kaya when this whole pandemic started and you had the opportunity to help the situation, hindi ka nagdalawang-isip na tanggapin ito. Having to offer yourself in this is all new... and worrisome, you had to be honest. But you know it’s not just for you, but every medical frontliner feels the same as well.

 

Naalala mong tanong ni Yeri nung nalaman niyang idedeploy ka.

 

“Hindi ka ba natatakot, ate?”

 

If this was some other thing, you would’ve said ‘no’. What’s there to? You studied almost half of your life, what’s there to be afraid of? You’ve always been confident in your practice, something the people admired about you and something you take pride unto.

 

But then, who were you kidding when you actually said, “I am.”

 

Because you are.

 

This, this job, isn’t only about taking care of your patient anymore, kasi kasali ka na, hindi na lang iba ang pinoprotektahan mo kundi pati na ang sarili mo.

 

 

 

 

 

A light sigh escaped from your lips as you snapped out of your thoughts. Tuluyan kanang pumasok sa changing room, bumping at a huge calendar along the way kaya huminto ka muna at tinignan ito.

 

April 13, it says.

 

Mag-iisang linggo ka na rin palang andito.

 

“Joohyun?”

 

Napaharap ka nang may nagsalita. Isang pamilyar na lalaki pala ang bubungad sa ‘yo. Batchmate mo from USTe. Not really someone you’re close to as you only shared one class with him back in college. Hindi mo nga alam ang pangalan niya kung di mo lang naging katrabaho. But you knew he was from your school. It was just so hard to not recognize him dahil sa napakalalim na dimples niya.

 

“Seonho...”

 

Mag-iisang taon pa lang siya sa St. Paul’s at nakakausap niyo ni Jennie minsan sa ospital kahit bihira lang kayo magkita. And if you’re not mistaken, kasama siya ni Jisoo sa unang batch ng doctors na dineploy dito.

 

“Ikaw nga,” natatawa siyang lumapit sa kinaroroonan mo. “Ginulat mo naman ako.”

 

“Sorry, akala ko walang tao sa loob.”

 

Ngumiti lang siya. “Duty ka na?” Tumango ka at tinaas ang panibagong set ng PPE. “Damn,” tawa niya nang sinuot na niya ang coveralls, “Ang init-init talaga neto sa labas.”

 

“Sa triage ka naka-assign ngayon?”

 

“Oo. I swear, you wouldn’t like it there.”

 

You can’t help but giggle as well habang pinapanood mo siya. “Wala ka namang choice.”

 

Sinuot na niya ang goggles at tumingin sa salamin. “How do I look?” Pumosing siya sa harap nito. “Sayang naman ang kagwapuhan ko kung natatakpan lang.” Umirap ka na dahilan para matawa siya sa reaksyon mo. “What? Totoo naman ah.”

 

“Ewan ko sa ‘yo.”

 

“Eh ‘yun ang sabi ng isang pasyente dito eh.”

 

“Naniwala ka naman?”

 

Tumawa lang ulit siya gaya nang laging ginagawa niya, the one that show off his deep dimples. Natapos rin siya sa pagsuot ng PPE niya kaya akala mo aalis na siya. Pero hindi, nagpicture pa pala talaga ang mokong sa harap ng salamin.

 

“Sesend ko sa lola ko,” biglang sabi niya at sandaling lumingon sa ‘yo. “Sobrang nag-aalala sa ‘kin ‘yun kaya eto-” Pinanood mo siyang nakangiting nagpipindot sa telepono niya, “-sinesend ko sa kanya araw-araw.”

 

Hindi mo mapigilang mapangiti sa narinig.

 

“Laking lola?”

 

“I am.”

 

“Kaya pala...”

 

“My parents got separated even before I was born kaya... kay lola na’ko lumaki.”

 

“O-Oh... I didn’t...”

 

“It’s fine. Alam mo bang galit na galit siya sa ‘kin nung sinabi kong isasama ako sa deployment?... Baka daw mauna pa ‘ko kesa sa kanya.” Napailing siya at mahinang natawa. “Baliw talaga.”

 

You watched how his smile became brighter habang iniisip ang lola niya. “She sure loves you a lot...”

 

“Her only good boy,” he smugly yet softly said.

 

“Good boy?”

 

“Tawag niya sa ‘kin.”

 

Wala kanang masabi. Your heart only warmed up at the thought as you watch him gather his stuff.

 

“Una na’ko, Hyun.” Tinapik niya ang balikat mo at ngumiti. “Ingat.”

 

Ngumiti ka pabalik at dahan-dahang kumaway sa kanya. “Ikaw rin.”

 

Nakasalubong pa niya ang kakapasok na si Jisoo sa pinto dahilan para magulat na naman siya. Hindi mo na pinansin ang bangayan ng dalawa at pinagpatuloy na ang pag-aayos ng mga susuotin mo.

 

Dito mo lang rin mas natanto.

 

Parehong-pareho pala talaga kayong lahat dito.

 

 

 

 

 

“Close pala kayo?” usyoso kaagad ni Soo nang kayo na lang dalawa.

 

“Close? Di naman siguro. Batchmate lang namin ni Jennie ‘yun.”

 

Gulat siyang napaayos nang upo sa sinabi mo. “Talaga?!”

 

“Oo nga.”

 

“Ba’t ngayon ko lang alam?”

 

“Sira. Nakakasabay nga natin ‘yan sa caf noon.”

 

“Oo nga! Pero ngayon ko lang alam na magkaklase kayo!”

 

Hindi ka na sumagot at sinimulan na ang pagsuot ng mga PPE mo. Ramdam mo in all levels ang pagrereklamo ni Seonho kanina. Sobrang init ng set-up na ‘to. Hindi pa nakatulong na nasa isang tropical country kayo and the worst part, you have to endure it the whole day. Whole day.

 

“Kumusta naman so far?”

 

“Feel na feel ko talaga ang concern mo, Soo.”

 

Natawa siya. “Masyado nabang obvious?”

 

“Kung di mo inaraw-araw, baka hindi.”

 

“Che. Edi pagsabihan mo ‘tong—

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
Omg thanks for the feature?!?! Ang cute ng star! Para at para lang po sa inyo ‘yan! Merry Christmas pala talaga!
No comments yet