Baguiong Grizzle

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

Chapter 10

 

 

 

 

 

 

 

BAGUIONG GRIZZLE

[FEBRUARY 13-16, 2020 - Thursday-Sunday]

 

 

 

 

 

 

 

 

Seulgi

 

 

 

Nasa couch kalang, tahimik na nakaupo, tuliro habang minamasdan mo ang girlfriend mong tulog. You can't help but let out a sigh. Tatlong araw ka ring mawawala at maiiwan pa siyang mag-isa sa bahay. The last time na may umalis sa inyo was a year ago, nung may dinaluhan kang Research Conference sa Hong Kong. After that, hindi kana nag-vovolunteer sa out-of-school events.

 

Ayaw mo kasi siyang naiiwang mag-isa.

 

And on a serious note, ayaw mo talagang sumali sa mga ganoon. (Except if it's really a huge coin for credentials)

 

Medyo hindi ka parin nakakamove-on sa hindi niyo pagkakaintindihan kahapon. Kahit may full consent kana galing sakanya, mabigat parin ang puso mo knowing na she's letting you go against her will. Alam mo kasing she's pushing you to attend but you know her better. She wants you to stay.

 

Pareho naman kayo ng gusto.

 

​​​​​Wala ka ngalang choice. 

 

You sighed for the second time. 

 

​​​​​Gigisingin mo paba siya para magpaalam? Mahalaga kasi ang bawat segundo ng tulog niya. 

 

Nagtalo ang isip mo, tinatansya kung anong mas dapat gawin, at nagulat ka nalang nang biglang tumunog ang alarm ng phone niya. Bago mo pa matignan kung para saan ito, napansin mong nagising na siya at dali-daling bumaling sa side ng kama mo. 

 

"Tangi?..." inaantok niyang tawag, nagbabakasakaling andiyan ka. 

 

​​​​Napangiti ka. 

 

Did she set up an alarm for you? 

 

"Seul?" Mas malakas na ang pagtawag niya. Nakita mo ang pag-aalala sa mukha niya nang walang tumugon. Akmang tatayo na siya mula sa kama ninyo, nagmamadali, kaya hindi mo narin mapigilang magtago pa sa dilim. Inabot mo na ang lampshade at inunahan siyang buksan ito. 

 

"Tangi." 

 

Gulat siyang nabaling sa lugar mo. Agad na nabuhayan ang mga mata niya at kahit sa mintis ng pagkagulat, nakita mo ang kislap nito nang masilayan ka. At sa isang iglap, nasa isang mahigpit na yakap kana. 

 

"Bwisit. Akala ko nakaalis kana." Napangiti ka. Niyakap mo siya lalo at ibinaon ang ulo sa leeg niya. Buti nalang talaga hindi ka nabobong umalis nang walang pasabi lalo't ganito pala ang magiging kanyang magiging reaksyon. 

 

Bahagya siyang lumayo sa'yo. Inayos mo ang pag-upo mo para maiayos din niya ang pagkaka-angkla sa'yo. You gently ran a hand sa magkabilang-gilid niya. Gising na gising na siya.

 

Biglang naglakbay ang mga mata niya sa suot mo. "Yung jacket mo?"

 

"Nasa sala."

 

"Nagbreakfast kana?"

 

Umiling ka. "On the way nalang daw sabi ni Kr-" Nagulat ka nang nilagay niya ang kanyang hintuturo sa labi mo.

 

"Okay." Agad kang natawa. Inalis ang kamay niya at hinalikan siya nang matagal. Napangiti naman siya sa ilalim ng halik mo. Sana kahit man lang sa ganito, maramdaman niyang wala karing interes sa iniisip niya. Siya lang naman. Siya lang.

 

Bahagya kang lumayo at nilabas ang kwintas na bigay niya mula sa ilalim ng sweater mo.

 

"Alam ko naman kanino ako uuwi."

 

Dahan-dahang umarka ang mga labing gusto mo. That's right, tangi. Smile for me like that. Hinawakan niya ito at nilagay sa mga palad niya bago tumingin ulit sa'yo.

 

"Ganito rin ba tayo ka-corny nung nag Hong Kong ka?"

 

Natawa ka. "Maybe...?"

 

"Yuck."

 

Inayos mo ang buhok niya. "We're sweet, tangi. Masanay kana."

 

"Yeah," pabirong singhap niya. "I love you."

 

"I love you too."

 

Nagkatitigan lang kayo. Ewan, lagi naman. Ito yung kapag nauubusan kayo ng salita at tanging ang mga mata niyo nalang ang nagkakaramdaman. Alam na alam mo ang ibig sabihin ng mga matang 'yan. At sana ganoon din siya. 

 

"Yung binilin ko sa'yo ah..."

 

Tumango ka. "Yes boss. You gave me a whole 500mL alcohol, baka mapagkamalan ko pang tubig 'yun," natatawa mong sabi kaya pinalo ka niya. 

 

"Oo, gawin mong panligo yan," irap pa niya, "How about the other thing na sinabi ko?"

 

"Yung kay Kry-"

 

"Sabing wag ngitin yan eh." Pinanlisikan ka niya ng mata. Tinaas mo ang kamay mo at natawa.

 

"Sorry sorry." Binaba mo rin agad ito, binalik sa mga binti niya at mahina itong pinisil. "Alala ko pa lahat. Word for word."

 

Ngumisi siya. "Good."

 

Baliw talaga.

 

Tinignan ka niya nang matagal at ikiniling pa ang kanyang ulo. "You're right, we're sweet... Kaya I'm telling you I'll miss you tangi." Nilagay niya ang mga kamay niya sa pisngi mo. "Kahit it's just three nights of sleeping without you, I'll still miss you."

 

Nanlambot ang puso mo sa pag-amin niya.

 

Wala talaga siyang pinagkaiba sa'yo.

 

Naramdaman mo rin ang pagsinghap niya. "Call me when something happens."

 

"Will do. I'll miss you too."

 

Kinurot niya ang pisngi mo. "Don't have too much fun without me." May pagbabanta sa tono ng boses niya kaya tumango ka habang nagpipigil ng tawa.

 

She's just too cute...

 

"Of course. Hindi naman kasi ikaw ang kasama ko." At nagustuhan niya ata ang sinabi mo dahil nangingiti na niyang hinahaplos ang pisngi mo. Nabaling ang tingin niya sa mga labi mo kaya ikaw na ang kusang nagsarado nito.

 

Ang OA nga siguro pakinggan coming from a full grown adult like you, pero mamimiss mo talaga ang tangi mo. No joke. Kahit naman sa trabaho ganito karin. Kaya pinikit mo ang mga mata mo, ninanamnam ang natitirang sandali. Maingat niyang kinagat ang labi mo. You gladly parted your lips, at agad kang nilunod ng maiinit niyang hininga. Nakikiliti kapa sa kamay niyang naglalaro sa batok mo, and she's giving no signs of stopping din.

 

Tapos may bigla kang naalala kaya napangiti ka.

 

"Why didn't we do it kagabi?" Dumilat siya at saglit na nilubayan ang mga labi mo. 

 

"Don't know." Tipid na sabi niya bago bumalik sa iniwan niyong gawi.

 

". I have to wait for a week." Naramdaman mo ang pagngiti niya at nang-aasar na nginatngat ang labi mo. Napaungol ka sa ginawa niya.

 

A smirk was playing in her lips. "That's your punishment for leaving me."

 

Ngumuso ka at lumayo. Pero may naisip ka namang kalokohan.

 

"We can do a quickie," masayang pag-aalok mo.

 

Sumama ang mukha niya.

 

"Three in the morning? No thanks."

 

"5 minutes."

 

"No fun."

 

"C'mon~ You don't even have to do the work!"

 

Natawa siya. "Now that's even unfair."

 

"Tangi... the last time you saw me..." Tinuro mo ang kama, "...sprawled out there was on my birthday, and that was three days ago!"

 

"And then?" You only huffed na mas ikinatawa niya. "Aweee... is my tangi frustrated?"

 

"No. I'm just convincing you."

 

"Not doing a good job then."

 

"Magsisisi ka pag di mo tinanggap ang offer ko."

 

Nginisihan kalang niya. "Oh really?"

 

"Yeah. It means a week without hearing me moan for you."

 

Tumaas ang kilay niya sa biglang pagrumi ng bibig mo. 

 

"Deal or no deal?" ngisi mo.

 

"No, banker."

 

"Last call."

 

Kinagat niya ang labi niya. "Still no."

 

Psh. Umirap ka.

 

"Too bad. I don't take no as an answer." 

 

Napatili siya nang bigla kang tumayo at naglakad papunta sa kama niyo. Umalingawngaw ang pagtawa niya nang nilapag mo ang mga katawan niyo. You're really on it. Di mo rin alam. Pero siya rin naman pala ang humila sayo para pumaibabaw sa kanya.

 

Sus.

 

Agad mong binalikan ang nakaawang niyang labi. Ang kamay niya, nakapasok na sa sweater mo kaya mahina kang napaungol nang lumapat ang kamay niya sa tiyan mo.

 

"Hmm..." singhap mo nang tinataas na niya ang damit mo. You're just waiting for her to push you away, baka mamaya ayaw talaga niya. Pero mukhang malabong mangyari 'yan dahil gumagala parin ang mga kamay niya sa loob ng damit mo.

 

Ang banayad niyang paghaplos sa mainit mong balat ang mas nagpagising sa'yo. Bumaba ka sa leeg niya, ang paborito mong parke, at inaamoy lang ito na parang tanga. Legit. Bango bango ng bebe mo.

 

"Don't..." Gumagarlgal na ang boses niya nang saglit mong kinagat ito. "...M-Mahirap takpan... 'yan..."

 

Wala ka naman talagang plano kaya nilubayan mo na ito. Siya lang naman 'tong laging hindi marunong magpigil.

 

"I'm-" Napahinto siya nang pinasok mo rin ang kamay sa loob ng damit niya. Wala naman siyang suot na pang-ilalalim kaya agad nademonyo ang mga kamay mo. "S- tangi, wait." 

 

Huminto ka at tinignan siyang nagtataka. "What?"

 

"I..." namumulang sabi niya, "L-Let's make this fast, okay?" 

 

You giggled. "Why?"

 

"I have a feeling na malapit na sila."

 

Natawa ka. "You accept the offer?"

 

Umirap siya. "Yes. And you're wasting your little time here." Tumango kang nakangisi at bumalik sa mga labi niya. Right. She's on. And you love it. So much.

 

Papunta na sana ang mga kamay mo sa waistband ng shorts niya nang biglang tumunog ang phone mo. You groaned at binaliwala ito. 

 

"T-Tangi..." Umiling kalang at tinuloy ang paghalik sa leeg niya. "Seul..." Binaba niya ang damit mo at inayos ito. Bahagya ka niyang tinulak at inayos ang buhok mo. Napasimangot ka. Siya na ang nag-abot ng phone mong nagriring pa sa night stand.

 

"Tsk," rinig mong sabi niya habang pinapakita sayo ang caller. Mas lalo kalang napasimangot at tuluyan ng humiga sa ibabaw niya. Niyakap mo siya nang mahigpit at ibinaon ang mukha sa dibdib niya.

 

"Answer it." Sinagot niya ito at nilagay sa tenga mo. "It's on."

 

"Hello?" malamya mong sabi. Siya na ang humawak nito habang ang isang kamay niya ay sinusuklay ang buhok mo.

 

"Morning. Parang tulog pa ah? Nasa labas na kami ni manong."

 

Narinig mo ang pag-ismid ng tangi mo sa pagtawang narinig sa kabilang linya.

 

"Ganon ba? Sige, I'll be there."

 

"Sure, take your time. Bye!" Binaba rin naman niya ito kaya nilayo mo na ang kamay niya.

 

"Pota," mura mo bago tumingala sa kanya. She's smirking at you, halatang nang-aasar sa ngitian niyang 'yan.

 

"Next time, loser." Hinalikan niya ang noo mo. "Or should I say... next week?"

 

Umirap ka nalang.

 

Bwisit talaga.

 

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

 

"I love you."

 

"I love you too. Take care."

 

You kissed her one last time bago kumaway papunta sa pinto. Kumaway rin siya pabalik habang nakasandal sa pader. Bubuksan mo na sana pero napatigil ka. Nilingon mo ulit siya at nagtataka siyang tumingin sa'yo.

 

"Last?" nahihiya mong sabi.

 

"God..." She snorts pero pumunta rin naman agad sa'yo. Sinalubong mo kaagad siya sa yakap mo. 

 

"Are you really not gonna walk me sa labas?"

 

Umiling siya. "Nah."

 

"Para makita ka ni Krystal."

 

Napangisi siya sa sinabi mo. "Diba may sinabi ako sa'yo?" 

 

Ah. Oo nga pala.

 

Tumango ka nalang. "R-Right."

 

"And besides, it's dark, she won't see me kissing you goodbye. So..." Napatawa ka nalang at napailing.

 

"Ewan ko sa'yo." Lumayo kana. "In the morning then?"

 

Tumango siya at mas lumawak ang ngisi niya. "Much better."

 

Napangiti kana lang rin at hinalikan ulit siya bago tuluyan nang lumayo.

 

"I'll be going for real na."

 

"Go," tulak niya sa'yo.

 

"I love you."

 

She rolled her eyes in jest. "That's the seventh time already. But I love you too." Siya na ang nagbukas ng pinto at pabirong hinampas ang pigi mo. "Take care."

 

Kumaway kana, giving her one last smile, bago lumabas. May van narin ng Wesley na nakaparada sa labas ng gate niyo. You looked back pero agad naman niyang sinarado ito. Wala kanang magawa kundi isarado na ang gate niyo.

 

"Morning ma'am," pagbubukas ng driver niyo sa'yo.

 

"Morning po."

 

Pumasok kana at nadatnan mo ang kasama mong tahimik na nagphophone. Napatingin siya sa'yo at binaba ang hawak niya.

 

"Morning."

 

Ngumiti ka pabalik. "Morning." Umupo ka sa tabi niya, but leaving a reasonable distance sa pagitan niyo.

 

"Kala ko isang oras pa kaming maghihintay," tawang mapang-asar niya.

 

"Sira. Kanina pa'ko gising."

 

Napasilip siya sa bahay niyo.

 

"Tulog pa ba mga kasama mo?" 

 

Mga? Bahagya kang natawa at tumango nalang. Umandar narin ang sasakyan. Saglit mong binalikan ng tingin ang bahay niyo. You mentally giggled. Nakapatay na kasi kaagad lahat ng ilaw.

 

Kinuha mo ang phone mo at tinext siya.

 

 

Sleeping ulit? I love you

About to. San ka nakaupo?

One seat apart.

Good. Don't sleep on her shoulder.

Hahahaha

I mean it. Love you too.

 

 

 

 

 

 

 

 

DAY 1 | THURSDAY

 

"Finally!" unat mo nang makalabas kana ng sasakyan. Namamanhid na yung pwet mo! Magtatangahali na kasi at ilang oras din kayong nagbyahe gawa ng traffic. Grabe, naka-dalawang oras ka ng tulog, isang oras nanood ng K-Drama, at isang oras para maki-chika kay Manong driver at Krystal.

 

At speaking of, binunggo mo ang kasama mong tulog parin sa loob. "Huy." 

 

Hindi parin siya gumagalaw. Luh. Tulog-mantika din pala to gaya mo. "Krystal," sundot mo sa tagiliran niya. "Gising na! Andito na tayo." Nagising naman siya at agad nagtingin-tingin sa paligid. 

 

"Andito na tayo?"

 

"Oo," tawa mo bago sinukbit ang bag mo. "Leggo."

 

Tinulungan mo siyang bumaba dahil ewan mo ba sa babaeng 'to at dadalawang bag ang dala niya. "Thanks!" impit niya at sinarado ang pinto. "Nasan pala si manong?"

 

You shrugged. "Naninigarilyo ata."

 

Naglakad na kayo papasok ng hotel. Nilibot mo ang tingin mo sa paligid. Ang ganda, huta. 'Yung hotel tsaka yung surroundings. Makahoy at amoy na amoy mo talaga ang preskong simoy ng hangin.

 

Hindi mo mapigilang kuhanan ito ng litrato. Huminto ka para picturan ito, na siya ring ginawa ng katabi mo.

 

"It's my first time in Baguio," biglang sabi niya kaya gulat mo siyang tinignan.

 

"Weh?"

 

"Oo nga." 

 

"Ang angas ng sasakyan mo tapos di mo dinala dito?" Natawa siya at hinampas ka gamit ang sanitizer na hawak niya. Totoo naman kasi. Nagagandahan ka talaga sa sasakyan niyang latest model ng Montero Sport.

 

"Wala namang nagyaya." Tinapat niya yung sanitizer na dala kaya nilahad mo yung kamay mo. "Tsaka di naman ako ganun kaclose sa mga kaibigan ko para isama nila."

 

"Eh sabi mo you're playful around them, edi close kayo."

 

Ngumiti lang siya sa'yo at tinapik ang balikat mo.

 

"Sometimes, you can fit in but not belong at all, Seul."

 

 

'Yan lang ang sinabi niya bago ngumiti sa'yo at naunang maglakad.

 

What did she mean by that?

 

 

 

═══

 

 

 

 

Around 2 pm na ng pumunta kayo sa hall. Keri na dahil nakakain at nakapagpahinga na kayo. Maraming participants na ang andun pagpasok niyo ng venue. An usher guided the two of you sa seats niyo. Naka mask kayong dalawa. Siyempre, tamang sunod lang sa tangi mo. 

 

"Wow. I like the stage design," turo niya sa stage. Oo nga. Science na science.

 

The reason why you're here ay para irepresent ang Wesley, na kasali sa pag-oorganize ng convention nato. They're the only University na inallow to make up the team kaya it's really a huge opportunity na kayo ang pinadala dito.

 

 

Tahimik lang kayong nakaupo nung kalauna'y nagsimula narin. Legit nag-eenjoy ka, tamang pakikinig lang sa mga speakers, dahil gusto mo talaga kapag marami kang bagong natututnan. Si Krystal din inasar mo pa dahil tiyang-tiyaga sa pag-tatake ng notes.

 

"Sipag ah."

 

Inirapan ka niya. "I love learning."

 

You can't help but be amazed habang tinitignan siya.

 

You've never seen someone this eager to learn.

 

"That's cool," sincerong sabi mo. 

 

Ngumiti din siya pabalik.

 

 

 

═══

 

 

 

 

Agad kang bumagsak sa kama mo nang makabalik kayo sa hotel. Tawang-tawa din ang kasama mo habang tinitignan ka. Nilingon mo siya at bumagsak narin pala siya sa kama niya. Yan, tawa-tawa pa.

 

"Putek parang byahe lang kanina," tawa niya, "Mas matagal pa yata tayong nakaupo dun."

 

Oo nga. Grabe para kayong may UTI ni Krystal kanina, panay punta sa restroom para di makatulog. Pano ba naman? Mag-aalas dyes na hindi parin matapos-tapos yung isang scientist. Okay lang naman sana kaso parang inulit lang naman niya yung nilecture ng previous speaker. Asar.

 

"Di ko mabilang nakailang hikab ako."

 

"Same. But nalang masarap yung dinner."

 

Natawa ka. "Atleast nakita mo rin idol mo."

 

Napaupo siya at napasigaw ulit nang maalala ang sinabi mo. Tong babaeng 'to! "Gago Seulgi pinaalala mo na naman! Ang gwapo talaga ni Atom!" Lumapit siya at nakiupo sa kama mo habang pinapakita ang selfie niya kasama ang reporter. 

 

"Bagay ba?"

 

"Luh nagselfie kayo?" 

 

Pinaghahampas ka niya. "Sabi niya it's nice meeting me daw!"

 

Aray ko naman. Pero sige, natutuwa siya eh.

 

"Madaya. Kaya pala iniwan mo'ko sa CR."

 

"Sus. Saglit lang naman yun," pambabawi niya. "Teka selfie din tayo."

 

"Luh di naman ako reporter."

 

Pero wala kana ring nagawa dahil hinila kana niya palapit. "Smile."

 

 

 

 

 

 

 

 

DAY 2 | FRIDAY

 

"Morning, tangi..." kaway mo sakanya. Napangiti ka dahil mukhang kakagising niya lang rin.

 

"Morning too. Ang aga pa ah? Nasan ka?"

 

Tinapat mo saglit yung camera sa paligid. 

 

"Nasa labas. Naglalakad-lakad lang." 

 

Nasa labas ka talaga ngayon. May parang park kasi sa harap ng hotel. Talagang pumunta ka dito para abutan yung sunrise tsaka para makausap ang tangi mo. Marami-rami naring mga locals na andito, may nag-eexcercise, may nagpapatayo na ng mga stalls nila, at meron ding ibang mukhang kagaya mong trip lang maglakad-lakad.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
Omg thanks for the feature?!?! Ang cute ng star! Para at para lang po sa inyo ‘yan! Merry Christmas pala talaga!
No comments yet