Prof Tangi's Day

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

 

Omg the comments! HAHAHA Wag nating tawagin ang angst, guys. They're in good hands naman. Char.

 

Slight 'upstairs tangi' content?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Chapter 8

 

 

 

 

 

 

PROF TANGI'S DAY

WITH HER BEST BIRTHDAY PRESENT EVER

[FEBRUARY 10, 2020 - Monday]

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Seulgi

 

 

 

 

"What goes up but never goes down?"

Agad na nagtaas ng kamay ang 7-year-old na Seulgi.

"Age teacher!"

 

 

 

 

 

 

Naramdaman mong may tumusok-tusok sa pisngi mo. Agad kang napaungol at humilig sa kabila.

 

"Tangi..."

 

Nananaganip ka ba?

 

"Seulgi Kaaaang..."

 

Pati ba naman sa pagtulog, si Joohyun pa rin ang-

 

Napamulat ka.

 

Sigurado ka kasing may nararamdaman kang dumapong malamig sa ilong mo.

 

Hinawakan mo naman.

 

"...H-Huh?"

 

Bakit may... icing sa ilong mo?

 

At biglang may sumigaw sa likod mo.

 

 

"Happy birthday, Prof Tangi!"

 

 

Nabaling ang tingin mo doom. And there goes something, or someone, you surely didn't expect. Si Joohyun, nakaupo sa kama, may hawak na cake, at may magandang ngiti sa mga labi niya.

 

At talagang tuluyan ka nang nagising pagkatapos niyang lagyan ulit ng icing ang ilong mo.

 

"'Yan. Gising ka na?"

 

"A-Ano-"

 

Hindi ka na niya pinatapos at tumayo na siya para kantahan ka. You instantly giggled at her antics. Sumasayaw-sayaw pa siya, at tawang-tawa pa niya itong kinakanta. Ang komik niya! Pero sige, dahil natutuwa at kinikilig ka rin talaga, umupo ka na nakitawa sa pakulo niya.

 

Naalala mo na.

 

Oo nga pala.

 

Birthday mo na pala.

 

Sinindihan niya ang kandila.

 

"Happy birthday, tangi!"

 

At matamis na hinalikan ang noo mo.

 

"Make a wish, babe."

 

"Babe ka diyan."

 

Umikot ang mga mata niya. "Go na kasi."

 

"Do I have to say it loud ba?"

 

"Ikaw bahala."

 

Nakangiti kang tumango at pinikit ang mga mata. "I wish..."

 

Nagpasuspense ka pa kaya bahagya mong binuksan ang isang mata para tignan ang reaksyon niya. Maya-maya, napamulat na rin siya at masama kang tinignan.

 

"Itutulak ko 'to sa mukha mo, sige ka."

 

Natawa ka at pumikit na ulit.

 

Hm... Simple lang naman ang wish mo.

 

Successful disseration,

 

PhD,

 

Good health for you and your family,

 

Safety niyo sa trabaho,

 

More years to come...

 

Na kasama siya...

 

At syempre... a long-lasting relationship. 

 

Kasi she's what keeps you going.

 

 

Dumilat ka na. Nakamulat na pala siya at kanina ka pa niya tinititigan.

 

"Done?" she warmly smiled. "Ano winish mo?"

 

You can't even gather words because you're still lost in her eyes and warm smile. Ang ganda na ng araw mo. Even the simplest things she do can be this heartfelt. What would you really do without her?

 

You sighed contentedly bago nakangising hipan ang mga kandila.

 

"For us to stay longer, tangi." Hinalikan mo siya at nginitian. "That's my greatest wish."

 

 

 

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

Kung gaano ka pinaramdam na special ka sa bahay, 'e wala namang pinagkaiba nang dumating ka sa Wesley.

 

Tawang-tawa si Lisa nang pumasok ka na sa office niyo.

 

"Naks! Delivery ka ghorl?" Umirap ka lang bago nilapag ang mga dala mo sa table.

 

Tinignan mo ang mga ito. Ang dami!

 

Habang papasok ka kanina, may iilang studyanteng humarang sa'yo at bumati. May iba ring nagbigay ng kung anu-ano, mostly mga anak mo sa Physics class. Nakakaiyak huhu! You've been told college students don't do this. Kaya nakakataba ng puso na ganito ka nila inaappreciate. Kahit mga freshman at one year mo pa silang tinuturuan, may pa-regalo na sila sa'yo.

 

"Iba talaga kapag pugi."

 

"Chill, ako lang 'to..."

 

Tumawa si Lisa at pumunta sa table mo. "Penge."

 

"Kuha ka lang. May chocs diyan tsaka... Luh! Ano 'to?" Gulat mong tinaas ang gift certificate na nasa kamay. "Ba't may Gift C?"

 

Worth 1k. Valid until 2021. Rose pharmacy.

 

Nakng.

 

Agad na natawa si Lisa.

 

"HAHAHAHA! Kanino galing?!"

 

"Aba malay ko. Ang yayaman talaga ng mga batang 'to."

 

"Rose Pharmacy amp! Sabi niya 'matanda na'to si Prof, bigyan ko nalang ng practical' HAHAHA!"

 

Binatukan mo siya. Ulol. Kala niyo naman talaga hindi magkaedad.

 

"Pero nice nice. I like the idea. Pwede mong ibigay sa'kin kung ayaw mo. Hehe."

 

"Tse." Nilagay mo na sa wallet.

 

Okay na'to.

 

Pang-grocery niyo ni Hyun, diba?

 

Naks.

 

Adulting.

 

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

 

"Prof Kang, happy birthday!"

 

Biglang bumukas ang ilaw at bumungad sa'yo ang mga studyante mong agad kang kinantahan. Nagulat ka. May isang taga-hawak na cake, may taga-kanta, may taga-palakpak, habang yung iba, vinivideohan ka.

 

Hindi mo na mapigilang matawa.

 

Grabe. Anong meron? Ba't ang special naman ata birthday mo? Di naman ganito last year ah.

 

Pero you admit it, kinikilig ka lang talaga.

 

You feel so loved today.

 

And mas narealize mo lang kung gaano ka kasaya sa trabaho mo, sa buhay mo.

 

"Favorite Prof," Lumapit si Johnny sa'yo sabay bigay ng paper bag. "Salamat po sa pagiging friendly. Hindi ko magugustuhan ang course na'to kung di po dahil sa inyo."

 

 

YIEEEEEEEEE!!!

Johnny Bravo sweet talker!

 

 

Natawa ka.

 

Grabe na talaga. Hindi naman kayo ganito ka-vocal nung college. Pero natutuwa ka na talaga ngayon.

 

"Gusto mo na sa Physics?" 

 

Tumawa din ang mga kaklase niya. Nahihiya siyang bumalik sa mga kaibigan niya at nagtago. Natawa ka ulit. Ugh, ang cute nila. Nabanggit kasi niya sa sharing niyo with the class na pinilit lang siya ng parents niya dito. 

 

Kaya hearing this from him... nakakatuwa talaga.

 

"Thank you sa inyo," ngiti mo sa lahat. "This means a lot, thank you."

 

 

Aweee prof wag ka pong umiyak

Malakas ka samin eh

 

 

Asus, mambobola pa.

 

 

Prof yung cake mo pala

 

 

Napatingin ka sa orasan. "Kainin niyo na. 30 minutes."

 

 

Wooots! 'Yun oh!

Kaya favorite ko si Prof Kang eh!

Yooa, papicture kana!

Teka gurl weyt oh my gosh pantay ba?!

 

 

At hinayaan mo ngang magkalat ang mga studyante mo. A good thirty minutes won't hurt. Monday palang naman. 

 

Nagpapicture nga si Yooa sa'yo. Meron ring mga iilang nakipag-kwentuhan, as usual, curious na naman kung may nagpapatibok na ba raw sa puso ko. Napapailing ka nalang. 

 

"Psst..." Nang mag-isa ka nalang, naramdaman mong may tumapik sa likod mo. "Happy birthday."

 

Si Yeri pala. 

 

May inabot siya sa'yong maliit na box. "Oh."

 

"Ano 'to?"

 

Inikutan ka niya ng mata. "Gift. Ano pa ba?"

 

Agad ka namang napangiti.

 

"Aweee...Yeri..." 

 

Umirap lang siya at pumunta na sa mga kaklase niyang busy sa pagkain ng cake.

 

Yieee. Mahal ka talaga neto eh.

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

 

 

Happy birthday Professor Kang

-from your Wesley family

 

Aweee...

 

Hindi pa pala dito natatapos ang araw mo. Nangingiti mo itong binuksan. And wow, ang cute naman ng binigay ng Wesley. May bago ka na namang planner. Purple pa talaga. Alams na kung kanino mapupunta 'to. 

 

You giggled.

 

Pinicturan mo at sinend kay Joohyun.

 

"Ms. Kang, next year ulit ah!"

 

Lumingon ka sa mga katrabaho mo. Tumatawa sila kaya hindi mo mapigilang matawa rin at tumango nalang. Crowded ang office niyo. Nagpakain ka kasi. 

 

Syempre noh, sobrang gaan ng loob mo sa mga faculty members dito. Iba kasi sa high school na tinuruan mo dati. Mga kaedad mo lang sila halos pero dito, iilan lang kayong nasa late 20's. Kaya naman, hands-on din ang mga Prof dito sa inyo, na ikinatutuwa mo talaga.

 

"Chong!" paglapit ni Lisa sa'yo habang may spaghetti pa sa bibig.

 

Sagwa talaga neto.

 

"Ano?"

 

"Inom mamaya?"

 

Tinulak mo ang mukha niya. "Oo."

 

 

 

 

 

 

Nang natapos na ang araw, nagmamadali na kayo ni Lisa na lumabas. Medyo natagalan pa kayo kasi nagka-emergency meeting kanina at kinailangan niyong pumunta.

 

Naghihintay na siguro silang lahat ngayon.

 

"My god ang tagal po ninyo," bungad kaagad sa inyo ni Yeri na nakasandal na sa sasakyan mo. Kanina pa ba siya? Pinapasabay kasi 'to ni Joohyun sa'yo papunta sa birthday party mo.

 

Wow, birthday party. 

 

"Kim Yeri?" gulat na sabi ni Lisa. 

 

Luh? Di pa ba sila magkakilala?

 

"Prof. Hello po," bati niya sa kasama mo.

 

Nagtatakang lumingon si Lisa sa'yo at agad sumama ang mukha.

 

Anong mukha 'yan?

 

"Huwag mong sabihing-"

 

Binatukan mo. "Gago. Pinsan ni Joohyun 'yan."

 

"Pinsan?"

 

"Oo. 'Yang utak mo sobrang rumi."

 

"Ah. Akala ko kasi-"

 

"Pardon? Did you think I'd have an affair with... her?"

 

Napalunok si Lisa bago bumulong sa'yo.

 

"Magkadugo nga sila"

 

 

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

 

 

 

"CHEERS!"

 

Sabay-sabay niyong sigaw at ininom ang shot. Napadaing ka sa lakas ng tama ng alak sa lalamunan mo. Ba't nga ba ito ang pinili nila? Ang tapang! 

 

Nasa Zero kayo ngayon, an exclusive bar not far from the hospital kung saan nagtratrabaho si Hyun. Sa totoo lang, everything came off as a surprise kasi buong akala mo private room lang ang kinuha ni Hyun. 'Yun pala, buong floor ang kinuha niya!

 

Hindi ka kasi niya pinasali sa pagplano. She insisted kaya wala ka nang nagawa pa. Nakakatawa pa ring isipin, parang birthday niya lang.

 

But it's fine, okay lang naman sa'yo. Really. You're more than glad pa nga na nag-eeffort siya nang ganito.

 

Hays.

 

Ano pa bang mahihiling mo sakanya?

 

Tinignan mo siya at inakbayan. Napalingon siya sa'yo kaya nginitian mo. Ngumiti din siya pabalik bago umusog at sumandal sa balikat mo.

 

"Did you enjoy?" ngiting tanong niya sa'yo.

 

"Sobra, tangi. Sobra sobra. Thank you." Nilapit mo ang sarili sakanya at hinalikan siya nang matagal. Napangiti ka sa ilalim ng halik niya. Wala rin naman siyang pinagkaiba.

 

Napahiwalay lang kayo nang nakarinig kayo ng hiwayan.

 

"Hoyst! Grabe, get a ing room!" sigaw ni mareng Jennie sa inyo. Damn, oo nga pala. Napakagat ka sa labi at nahihiya nalang na umayos ng upo. 

 

Pero si Joohyun mukhang hindi yata sorry dahil hindi man lang ito natinag.

 

Pabiro pa niyang inirapan ang kaibigan.

 

"Later," non-chalant niyang sabi.

 

At mas lalong nag-ingay ang mga kasama mo. Pati ikaw gulat na napatitig sakanya. Tinaasan ka lang niya ng kilay, a lopsided smile on her lips. You can't help but grin excitingly. Si Hyun mo ba talaga 'to? Lasing na ba siya? 'Di naman ganito 'to ah!

 

Pero ano pa bang nirereklamo mo diyan?

 

Gustong-gusto mo naman.

 

"Oo na! Kayo na!" 

 

 

 

 

Iilan nalang kayong andito ngayon. Initially, mas marami talagang bisita kanina, not really that much pero more on sa family side mo from Laguna. Nagulat ka pa nga dahil you thought they wouldn't make it dahil nung tinanong mo si Mama, sabi niya di sila makakapunta.

 

Scammer talaga.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
Omg thanks for the feature?!?! Ang cute ng star! Para at para lang po sa inyo ‘yan! Merry Christmas pala talaga!
No comments yet