The Calm

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

 

One of my fav songs. I strongly suggest na pakinggan niyo rin hehe. Just click the buttons below. (Kung lumaki yung icons, paki-refresh nalang po)

 

 

 

 

 

TRACK 04: Your Universe - Rico Blanco  |

 

 

 

 

 

 

 

 

When I'm feeling tired and afraid,
How do you know just what to say
To make everything alright?

 

 

 

 

Chapter 21

 

 

 

THE CALM

[QUARANTINE PHASE 1]

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Joohyun

 

 

 

MARCH 13

 

For the record, ito pa yata ang unang beses na naglakad ka sa loob ng ospital with so much worries and thoughts running inside your head.

 

You gripped on your bag tighter, still smiling back to nurses along the way.

 

Mas mailap na ang mga taong nasa loob ngayon, hindi rin puno ang lobby na usually packed kapag ganitong oras dahil uwian. Nakakapanibago.

 

Unti-unting bumagal ang mga hakbang mo habang papalapit ka sa bridge na nagdudugtong sa main at isolation building. Imbes na daanan, napahinto ka sa tapat nito, tinitigan ang nakasaradong glass door na nasa dulo nito.

 

Sakto pang may dumaan, at nung nakita ka siguro niyang nakatitig doon, napahinto rin siya at kumaway sa ‘yo. Ngumiti ka at kumaway pabalik bago siya nawala sa paningin mo. Ni hindi mo nga alam kung sinong doktor o nurse ‘yon dahil balot na balot siya sa kanyang PPE.

 

Bumuntong hininga ka na lang. Nailipat na kanina ang limang RT-PCR positive patients, at sa pagkakaalam mo, may 12 na doctors at nurses ring naka-assign ngayon doon.

 

You have no idea what’s happening behind those doors.

 

And you’re just imagining how many lives are at risk right now— the patients— the doctors and nurses— and how hard it must’ve been for those colleagues of yours na malayo sa mga mahal nila sa buhay.

 

You sighed for the second time.

 

Sana naman hindi na lumala ‘to.

 

 

 

 

 

 

Maglalakad ka na sana ulit nang biglang may pumatong sa ulo mo. Gulat mo itong inabot pero hindi mo na ito nahawakan.

 

“W-Wha-”

 

At nakarinig ka ng mahinang pagtawa mula sa iyong likuran.

 

Napahinga ka nang maluwag nang si Doc Wendy lang pala ito. “Ginulat mo ‘ko.”

 

“Ang lalim naman po ng iniisip niyo,” she giggled, inabot sa ‘yo ang hawak na juice na pabiro niyang pinatong sa ulo mo kanina. “Here.”

 

Tinignan mo ito.

 

“…Again?” ngiting tanong mo.

 

She shyly nodded. “Hm…for you…again…”

 

Natawa ka na. “Sandali nga, unli ba stock mo nito? Pang-ilang araw na ‘to, ah.” Ngumiti lang siya kaya kinuha mo na ito. “Pero thank you, Wendy… again…” panggagaya mo pa.

 

Natawa na rin siya. “No worries.”

 

Sinabayan ka na niya sa paglakad. “Ba’t ka po pang-gabi ngayon?”

 

“Heech covered me today. May ginawa lang.”

 

Upon saying that, naalala mo tuloy ulit si Seulgi na muntik ka nang hindi paalisin kanina.

 

You slightly frowned.

 

You miss her already…

 

“I see…” Itatanong mo sana ‘yung tungkol sa mga med students nang naunahan ka niyang masalita. “Iniinom mo ba talaga ‘yan?”

 

“Huh?”

 

“‘Yang juice na binibigay ko,” turo niya sa juice na nasa kamay mo. “Iniinom mo ba talaga?”

 

Natawa ka tuloy.

 

Bakit naman niya natanong?

 

“Grabe naman Doc Wendy, what made you ask so?” asar mo. “Of course. I like it kaya. Si Seulgi nga rin nakikiinom minsan eh. She likes it too.”

 

Nakita mo ang paglawak ng ngiti niya. “Really?”

 

“Yup, ito kasi favorite flavor niya.”

 

“Ah, buti naman,” tango niya, her grin getting wider and wider that left you wondering why.

 

Hindi mo na lang pinansin at tahimik na kayong naglakad hanggang sa makarating sa tapat ng office mo.

 

“Hinatid mo pa talaga ako. Pauwi ka na ba?”

 

“Nope,” she popped, grinning at you. “Kararating ko lang din. Nagswap kami ni Naeun.”

 

Tumaas ang kilay mo. “Oh? Edi-”

 

“Yup!” masiglang sabi niya. “I’ll be with you tonight.”

 

She smiled at you widely, that radiant smile you always see in her.

 

Hindi mo tuloy mapigilang mahawa sa ngiti niya.

 

“Alam mo? You’re so…different. Halos kami nga lahat ayaw sa night shift tapos ikaw…”

 

Tumawa siya at napakamot sa batok. “I-I, I only like it naman kapag ikaw rin… kaya…‘yun…”

 

“Hm?” you tilted your head in wonder, “What do you mean?”

 

“You have more free time kasi kapag pang-gabi kayo,” nahihiyang amin niya. “And I tend to learn a lot from you, Doc Bae.”

 

Nagulat ka naman sa sudden confession niya. Napahinto ka pa, realizing her words, until you felt your chest warm up at the thought.

 

She must be pertaining to those night shifts na nagkasama kayo. It’s true tho. You do have more free time to chat with your colleagues and hang around sa hospital kapag pang-gabi ka. You sure have spent some of those with her noon.

 

But wow, ang honest naman niya.

 

You looked at her, amused.

 

Naiiba talaga ‘to sa lahat ng mga nakasama mo dito. She’s shy, yet so frank with her words.

 

What a duality...

 

“Really?” you tried to uplift the mood before it turns into something, “Madali lang akong maniwala, Doc Wendy.”

 

“Totoo kasi.” Nahihiya rin siyang natawa. “Sige na po, I’ll go ahead na.”

 

“Sure, sure. Thank you ulit dito.” Tinaas mo ang juice na bigay niya. “I really needed this.”

 

She smiled at you widely. “You’re welcome,” hakbang niya palayo, “I know you’ll need that lalo pa’t we have infected patients dito sa loob ngayon.”

 

…and you certainly did not expect that.

 

How does she even have the time to think about you and your own worries?

 

“I’ll see you later.” Kumaway na siya at hindi ka na hinayaang makapagsalita pa dahil tuluyang na siyang nawala sa paningin mo.

 

You glanced at the bottle you’re holding.

 

Unlike Seulgi, you’re far from being dense.

 

Kaya you just wish there’s nothing more behind all of these.

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

Around 12 am na nang humiwalay ka saglit sa desktop mo. Ang sakit ng likod mo. Nag-unat ka pa at minasahe ang mga mata mo. You checked your phone, wondering if Seulgi left some messages while you were making this case review.

 

Nagulat ka naman dahil naka-active pa ang Messenger niya.

 

She’s still awake?

 

Mabilis mo siyang tinawagan. Nakailang ring na pero wala pa ring sumasagot kaya you rang it for another time.

 

“Tsk…” Binaba mo na dahil wala namang sumasagot. She must’ve left it on.

 

Tumayo ka na lang muna at lumabas. Nakasalubong mo pa si Jennie na tumatakbo sa hallway. She’s here again? She even went home late kanina. Hindi mo na rin kailangan pang magtanong kung bakit siya nandito.

 

“Emergency,” mabilis na sabi niya nang dumaan sa ‘yo.

 

You just nodded, pinanood siyang tumatakbo palayo.

 

Baka may na-unstable sa PICU niya.

 

You frowned.

 

Kawawa naman.

 

 

 

 

 

 

 

Dumiretso ka na sa office nila Wendy. May hihingin ka kasing chart na hindi mo nakita sa files mo kanina. Peeking inside, nakita mo siyang nagphophone habang kumakain.

 

Thank God she’s around.

 

Pagkabukas mo ng pinto, hindi man lang niya napansin ang pagdating mo dahil concentrate na concentrate siya sa pinapanood niya. You silently giggled at kumatok na lang ulit.

 

Natawa ka sa ginawa niya.

 

Para siyang magnanakaw na caught in the act sa pagkabigla.

 

“D-Doc Bae!” mabilis na pagtayo niya, “S-Sorry po.”

 

Tumawa ka lang at tinapik siya. “‘Yung charts ni Mr. Choi, meron dito, diba?” tanong mo at dumiretso sa table niya at pagkatapos ay binuksan ang desktop sa tabi.

 

Your eyes wandered sa place niya. Sobrang organized ng table niya, grabe. She loves colorful things, too. May constellation of stars pa ngang nakadikit sa gilid niya. Nakita mo rin ang isang picture frame, and you suddenly found it familiar.

 

May kasama siyang mga foreigners. Must be her friends or classmates from Canada.

 

Why is it familiar?

 

Hindi mo rin alam.

 

Nasagi ng mga mata mo ang ID niya, pero bago mo pa ito matignan, mabilis na kamay ang humablot nito. “O-Opo…meron diyan…”

 

You looked away, turning to the desktop in front at nagpanggap na hindi napansin ‘yon.

 

What was that…?

 

Tinignan mo siya mula sa gilid. Sinuot niya ito but placing it sa loob ng bulsa ng coat niya. She always does that, you don’t know why. Umiling ka na lang at hinintay itong bumukas.

 

“Oh? Ba’t ayaw? Nag-iba ba ng password?”

 

“Ay opo.” Lumapit na siya sa ‘yo. “Pinachange na ng IT kahapon, diba? One year na raw ‘yun.”

 

Napatango ka. Oo nga pala.

 

She leaned down sa harap mo, typing it for you, at naamoy mo na naman ang pabango niyang ‘di pa rin mawala-wala sa isip mo.

 

You shrugged it off instead. That was weeks ago. Mabobother ka lang ulit kung iisipin mo na naman.

 

“NSTEAM10” tawang sabi niya at lumayo sa ‘yo. “Sorry, I made that.”

 

“10? Dahil 10 tayo sa team noh?”

 

“Woah.” Nagulat din siya. “Ngayon ko lang din narealize.”

 

Natawa ka. “Hindi pala? Why 10 then?”

 

“Favorite number ko. I really like it.”

 

You giggled at her innocence at hinanap na ang file.

 

“Bakit po pala kayo nagcacase review?” tanong niya.

 

“Heech needs it,” simpleng sagot mo while scrolling over some charts. “And also for Mr. Choi’s authorization.”

 

“Ah…”

 

Mabilis mo naman itong nahanap. Sinend mo na kaagad at pinatay.

 

“Babalik ka na?”

 

Nginisihan mo siya. “Why?”

 

“Midnight snack…?”

 

Tumawa ka, already expecting that.

 

“Sure.” Hinila kaagad niya ang isang swivel chair sa tapat niya. “Hindi rin pala ako nakapag-dinner.”

 

You heard her click her tongue bago pumunta sa pantry nila. “Tsk. Masama ‘yan, Doc. Tsaka… noodles lang andito, okay lang? Or caf na lang tayo?”

 

“Okay na ‘yan. Ako na.” Tatayo ka na sana pero lumingon siya sa ‘yo.

 

“It’s fine,” pigil niya at sinubukang abutin ang cabinet sa taas. “Wait ka lang po diyan.”

 

Wala ka nang nagawa kundi umupo ulit. Nagpipigil ka lang ng tawa habang pinapanood siya. Hindi niya kasi maabot. Hahaha. Pinipigilan mo lang talaga dahil hindi ka pwedeng matawa lalo’t isa ka rin sa mga hindi pinagpala sa height.

 

“Bahala na nga!” kamot niya sa ulo at hinila ang isang block chair para patungan.

 

Natawa ka na talaga.

 

“Okay lang talaga, Doc,” tawa niya rin. “Sanay na ako.”

 

“H-Hoy sira, hindi kita pinagtatawanan,” pagdedepensa mo, pero tawang-tawa pa rin.

 

Sinamaan ka lang niya ng tingin bago bumaba na.

 

“Matangkad talaga ako, noh,” pambabawi niya. “Nung high school nga lang.”

 

Mas natawa ka. “High school?”

 

“Hala si Doc ayaw maniwala. Nasa hulihan ako sa linya nung high school eh. Kaso hanggang first year nga lang ‘yung growth spurt ko.”

 

“Totoo ka ba?” pagpipigil mo ng tawa dahil parang seryoso nga siya sa sinabi niya.

 

“Oo nga.” Tinaas pa niya ang kamay niya. “Promise.”

 

You snorted, “Sige na nga. Maniniwala na ‘ko.”

 

Tumawa na siya at pinagpatuloy ang paggawa ng noodles mo.

 

“Pero seryoso, matangkad nga ako that time. Unfortunate lang dahil maaga huminto,” pagpapaliwanag niyang natatawa. “Tinry ko ngang mag volleyball Doc eh. Ayaw kasi ako tigilan ng coach that time.”

 

“Because of your height?”

 

“Exactly!” Pabiro ka pa niyang sinamaan ng tingin. “Buti naman you’re convinced.”

 

You giggled again. She’s so cute.

 

“So ano? Pumayag ka?”

 

“I did. Kaso hindi na ako pinagpatuloy ng parents ko when they found out…”

 

“Ayaw nila?”

 

“Sadly, yes.”

 

“Bakit?”

 

Alinlangan pa siyang tumingin sa ‘yo. “E-Ewan.”

 

Napatango ka na lang. “Athletic naman pala…”

 

Tumawa siya. “Hindi. Isang beses lang ‘yun.”

 

“Pero nakapaglaro ka? Big games, like that?”

 

“Yeah,” she even frowned. “Pero ‘di na nagtuloy-tuloy. Nalaman kasi ng parents ko kaya ayun…”

 

Aweee, bakit kaya hindi siya pinapayagan?

 

Eh ‘yung mommy mo nga noon laging nagpaparinig sa ‘yo ba’t di ka sumasali sa sports.

 

“Sayang naman pala.”

 

“Hm…sayang nga…”

 

You examined her. Hindi mo talaga navivisualize as an athlete kaya natatawa ka sa isip mo.

 

“Alam ko anong number ng jersey mo,” you confidently said. Tumawa siya at nanghahamong tumingin sa ‘yo.

 

“Sige nga.”

 

Humalukipkip ka. “10.”

 

Sabay kayong natawa.

 

“Ah...” iling niya at bumalik na dala ang noodles mo. “Kaya favorite kita Doc eh. Ang dali niyo pong kausap.”

 

Tumawa ka lang at inabot ang bigay niya. “Thank you, Wendy.”

 

Hinipan mo ito.

 

Tapos may bigla kang naalala.

 

10…

 

And she’s—

 

Napahinto ka at mabilis na tumingin sakanya.

 

“Sa Canada naman ‘yan, diba?”

 

Napansin mo ang paghinto niya sa pagkain.

 

“Y-Yes…” sagot niya. “…Canada nga.”

 

Napahinga ka nang maluwag.

 

Bakit ba laging sobrang coincidental ng mga iniisip mo at ng mga nalalaman mo kay Wendy?

 

Nababaliw ka na talaga.

 

Malabo namang mangyari, diba?

 

Umiling ka na lang at sinimulan ang pagkain.

 

Hindi mo na nakita ang panginginig ng mga mata niya sa naging tanong mo.

 

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

“Hello…”

 

“Good morning,” ngiting ikot mo sa swivel chair. “Ba’t ang aga mo nagising?”

 

“Binangungot ako, tangi, pero nagkatotoo,” malungkot niyang sabi. “Gumising ako tapos wala ka nga sa tabi ko. Ano ‘yun? Magic?”

 

Natawa ka muna bago tumayo para buksan ang bintana mo.

 

The soft morning breeze blew, making you smile.

 

“Binabangungot ka pa ata eh.”

 

“Hays...” you heard her sigh from the other line. “Miss na kaagad kita, tangi.”

 

Why is she like this…?

 

You frowned.

 

Matagal pa bago ka nakasagot.

 

Tinuyo mo ang lalamunan mo at napasinghap rin.

 

“Masanay ka na…”

 

Pinagmasdan mo ang bagong sikat na araw, ang mga masasayang ibon na naglalaro sa harap mo.

 

What a good morning.

 

How much better would it have been if you spent it with Seulgi…?

 

Damn.

 

Miss mo na rin kaagad siya.

 

Ang baduy, isang gabi mo pa nga lang siyang ‘di nakikita.

 

“Ang lungkot naman masanay...” and you can tell she’s cutely frowning right now. “Kelan ka uuwi?”

 

“Maya na po. After lunch.”

 

“Okay...”

 

Nakarinig ka ng kalabog mula sa kabilang linya.

 

“Anong ginagawa mo?”

 

“Shocks tangi, mapapalaban talaga ang cooking skills ko dito.”

 

You instantly giggled. Oo nga pala. That’s what she’s been complaining ngayong hindi ka na makakapagluto para sa inyong dalawa.

 

“Awee,” you teased, “Gawin mo na lang ulit ‘yung chicken recipe mo.”

 

“Really? ‘Yung ginawa ko sa ‘yo nung Valentines? Masarap pala talaga?”

 

You giggled. “Yup.”

 

Pero maalat talaga ‘yun.

 

Super.

 

But you don’t have the heart to tell her lalo pa’t nag-effort talaga siya para gawin sa ‘yo ‘yun.

 

And honestly…you love everything that she does anyway.

 

Nahiya ang bato mo sa ‘yo, Joohyun.

 

Napailing ka na lang at humiga ulit sa couch.

 

“I want to see you…” you pouted.

 

At alam mong nakangiti na rin siya ngayon.

 

“Yieee, sige wait.”

 

Finace-time ka nga niya. Isang ngiti ang ‘di mo napigilan nang bumungad sa ‘yo ang bagong-gising na tangi mo. She looks so cute in her messy morning bun… those puffy cheeks… your cute morning sight of hers that always looks adorable to you.

 

Napatitig ka sa kanya habang may ginagawa siya.

 

“Natulog ka ba?” lingon niya sa ‘yo.

 

Tumango ka, mga matang di nawawala sakanya.

 

Naririnig mo ang tunog ng mantika, ang malakas na kanta ng Vinyl player niya, your typical morning, and all of a sudden, it feels like home again.

 

“What are you cooking?” you purred, smiling, suddenly having the urge to hug her soooo tight. And you’re really trying so hard not to say it out loud dahil oo, you can be this clingy at times, but you really have to tone it down right now.

 

It would be harder to not miss each other if you’d be too vocal about it, diba?

 

“Magugulat ka,” ngisi niya. “I’m cooking boneless chicken with golden button.”

 

Natawa ka. “…What?”

 

“Tsaka meat trimmings coated with red flavor. It’s Italian breakfast, tangi. Ha! Nakita ko sa internet,” she huffed proudly at mukhang natatawa na rin. “Madali lang, actually!”

 

Mas lalo ka lang natawa. “What the hell is that?”

 

“Gusto mo makita?”

 

Natatawa kang tumango.

 

“Sige nga.”

 

“Baka maging idol mo na naman ako ah?”

 

Tinapat niya ang camera sa baba.

 

At natawa ka kaagad nang pagkalakas-lakas.

 

“Seulgi!” namumula mo nang tawa, “Tangina mo naman!”

 

“HAHAHAHAHA!”

 

Fried egg at hotdog lang pala!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

MARCH 15

 

 

You didn’t come home after lunch like what you told Seulgi kahapon.

 

Nagka-emergency kasi.

 

Ngayon ka pa lang umuwi, after two whole days of not seeing her. And you’re still frowning dahil makikita mo nga ulit ang tangi mo, pero ‘di mo naman malalapitan.

 

Minadali mo muna ang paglinis sa sarili bago tuluyang lumabas. Umupo ka sa lone countertop na space mo, bringing along with you your Macbook.

 

Sinilip mo ang sala. “Nasan siya?”

 

Ang tahimik ng bahay.

 

Is she out on a grocery?

 

Andito naman ang sasakyan niya, ah.

 

Tinawagan mo na lang ang telepono niya.

 

“Yow!”

 

“Yow ka diyan,” ismid mo, “Nasa kwarto ka ba? Nasa baba—”

 

Huh? Nagtataka mong tinignan ang telepono dahil bigla niya itong binaba. Anong problema nun? Tatawagan mo na ulit sana pero nakarinig ka ng mabibigat na yapak mula sa hagdan.

 

It’s her.

 

Natawa ka na kaagad sa kalokohan niya. What is she doing? Para siyang batang nagsisigaw habang tumatakbo pababa, all excited.

 

Parang sira…

 

Huminto siya sa baba nito, masiglang kumaway at ngumiti sa ‘yo nang pagkalawak-lawak.

 

You stared at her unknowingly.

 

It wasn’t a new sight.

 

But at this moment, all you could see… is her…

 

Only her…

 

Akala mo sa mga pelikula mo lang ‘to nakikita, that cringey part that would always make you look away. But damn, when you’re at the same moment like how you’re feeling right now, ang sagwa dahil you can’t even take an eye away.

 

You don’t know what’s making you feel this sudden rush.

 

And like any other movie, you lips suddenly couldn’t form words of what to say.

 

So you just smiled, and smiled, and smiled.

 

All against the rising warmth of your heart.

 

…only from her.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

MARCH 16

 

 

Nagsimula na ang lockdown.

 

Namamangha mong dinaanan ang tahimik na kalsada. Walang mga estudyanteng naghihintay ng jeep, walang mataas na pila sa LRT, nakasarado rin ang mga tindahan na dati ay bukas na bukas na sa ganitong oras.

 

Unang beses ring hindi ka inabot ng 30 minutes papuntang ospital.

 

“31 minutes lang ang binyahe ko! All-time record!” Ito rin ang sabi ni Baekhyun nang pumasok sa station just a few seconds after you did.

 

You laughed at him, “OA mo naman.”

 

Tinuro niya si Jennie na may kavideo call sa gilid. “Sino ‘yan? Si Jisoo ba ‘yan?” paglapit niya, “Hoy Kim Jisoo!”

 

At nagsimula na namang mag-asaran ang dalawa.

 

Ano pa bang bago?

 

“Joohyun,” tawag ni Heechul habang ingay na ingay ang isa. “Nabasa mo ba ’’yung email kahapon?”

 

“Sa meeting? Oo, nabasa ko.”

 

“Tara na?” yaya niya. Tinignan mo ang orasan mo.

 

“Hoy Heechul, kararating nga lang niyan! Grabe ka naman!”

 

“Sira,” tulak mo sa kaibigan bago tumayo. “Tara, Heenim.”

 

 

 

 

 

 

Katabi mo ngayon sina Wendy at Naeun na parehong nag-aalalang naghihintay sa ‘yo.


Nakatitig ka lang sa nakahilerang mga charts na nasa mesa. Kagat-kagat mo pa ang kuko mo at walang hintong tumataas-baba ang isa mong paa. Nagpabalik-balik ang tingin mo sa calendar at sa desktop. Hindi mo na mabilang ilang beses ka nang napabuntong-hininga.

 

Hindi ka mapakali.

 

Alam mo namang mangyayari ‘to.

 

The thing is, the hospital made some changes. Sinuspend muna ang mga outpatient clinics niyo at inadvise din kayong mga surgeons na usisahing mabuti ang mga elective surgeries niyo, meaning, the ones that are not urgent. This is to lessen patient encounters and to save space sa ICU and ventilators in case more COVID patients will need it.

 

This will be effective soon.

 

Naiintindihan mo kung bakit.

 

Kaya nahihirapan ka ngayon dahil hindi mo alam kung paano pipili ng mga pasyente, paano ito lilimitahan, paano ito sasabihin sa kanila lalo pa’t may iilan ka nang scheduled surgeries ngayong March.

 

May dalawa kayong urgent this week…

 

May iilan ding electives para sa susunod na mga linggo…

 

And in your case, you consider everything under your control as urgent, metamorphically speaking. The moment you set them a schedule, hindi na ito nawawala sa isip mo, and you want it to come soon and sooner.

 

Kaya nahihirapan ka talaga.

 

Hindi mo alam kung masyado mo lang iniisip or what.

 

“Doc Bae…?”

 

Tumigil ka na sa pagkagat ng kuko at umayos nang upo nang magsalita si Naeun.

 

“I’ll make another sched,” determinado mong sabi. “If papayagan tayo ni Heech and may available na ORs, try natin i-compress ‘to this week so we can free the following weeks.”

 

Nagulat ang dalawa sa sinabi mo. “P-Po?”

 

“Ngayong ‘di pa gaanong malala ang sitwasyon natin, let’s have as much as we can. Kahit hindi lahat maperform natin, basta may masimulan lang tayo.”

 

Tinignan ka nilang nag-aalala “Pero Doc, you’ll be—”

 

“Don’t worry about me,” you smiled at them, “Hindi ako ang pasyente dito.”

 

 

 

 

 

 

 

 

MARCH 19

 

 

“Doc Son? Can you close this for me?”

 

Agad namang lumapit si Wendy sa ‘yo. “Yes, Doc Bae,” she confidently nodded, as always, and maybe one thing that you like most about her.

 

“Thank you,” ngiti mo under your mask.

 

Pumunta ka na sa gilid at nagtanggal ng gown. Nahagip ng mga mata mo ang dalawang med students na pinayagan mong mag-observe kanina. What were their names again?

 

Napatingin ang dalawa sa ‘yo kaya nginitian mo sila.

 

“You can step closer,” sabi mo at kinuha ang phone at necklace mong nasa area tabi nila. “Just make sure you don’t—”

 

“—contaminate the table,” putol sa ‘yo ni… tinignan mo ulit ang ID niya… Hwang Yeji pala.

 

You cocked your head, smiling. “Nice.”

 

They sure have been learning alot. Nakakatuwa. Mga tatlong beses mo pa yata silang sinama sa surgery mo. Buti naman at medyo nasasanay na rin sila sa madalas sinasabi mo sa kanila.

 

Sana piliin nila ang Neuro. Hahaha.

 

Nahihiya lang ngumiti sa ‘yo ang bata habang ang isang kasama niya ay tahimik lang.

 

“May napili na ba kayong residency?” Umiling sila pareho kaya natawa ka lang at tumango. “I see…”

 

“Nag-oobserve pa po kami sa lahat, Doc.”

 

“Ay, open arms ang Neurosurgery sa inyo,” asar mo kaya natawa ang mga nasa loob.

 

“P-Pag-iisapan po naming mabuti…” nahihiyang sabi ni Yeji. Ang cute talaga ng batang ito. Naaalala mo si Seulgi sa kanya eh. Pareho silang cute na singkit.

 

“Nakasama niyo na ba si Doc Kim ng Pedia?” Nagkatinginan silang dalawa, and you know that look very well. Natawa ka. “Nako, nako, mataray lang tignan pero mabait talaga ‘yang si Doc Kim.”

 

Bumulong si Naeun sa ‘yong natatawa. “Pinagalitan po kasi ‘yan.”

 

“Sino?” she gestured the other girl, “Oh? Bakit naman?”

 

“Hinawakan kasi ‘yung kamay ng baby without consent.”

 

Natawa ka. “Kaya naman pala…” Napakamot na lang sa ulo ang katabi ni Yeji na si Ryujin, kung di ka nagkakamali. “Sya sya… punta kayo sa caf after niyo i-observe si Doc Son.”

 

“B-Bakit po?”

 

Kinindatan mo sila bago umalis. “Libre ko.”

 

“Ay, sana all!” Natawa sa pang-aasar ni Nurse Jihyo sa ‘yo kaya natawa na rin ang mga kasama mo sa OR.

 

“I’ll go ahead,” pagpapaalam mo sa kanilang lahat. They thanked and praised you for another successful surgery, na siyang binabalik mo rin sa kanila, like how it’s always done kapag lumalabas ka na.

 

…and maybe, your favorite part of this job.

 

“Doc Bae?”

 

Napahinto ka sa paglabas.

 

Nilingon mo si Wendy. “Mhm?”

 

“Please have some rest,” she worriedly said.

 

Ngumiti ka lang at tuluyan nang lumabas.

 

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

 

You immediately slumped on your couch. Face down. Hugging that one throw pillow na hinablot mo along the way.

 

Pinagpahinga mo muna ang mga mata mo bago tinignan ulit ang oras. 20 minutes. You have 20 minutes to rest before visiting the ICU to check on one patient.

 

You tried to take a nap, pero taksil talaga ‘tong katawan mo dahil hindi ka pinapatulog kapag alam niyang may time-limit ito.

 

Umupo ka na lang ulit, walking over sa long mirror.

 

“Ugh…” pisil mo sa eye bags mo.

 

You finished all your two urgent cases and two electives, only in a span of three days. Not that much, but definitely better than nothing.

 

Buti na lang talaga nakisabay ang availability ng ORs at ang emergency on-calls sa mga plano mo dahil tahimik lang ang mga ito these past few days na busy ka.

 

Pinag-isipan mo talagang mabuti lahat ng March surgeries niyo, and when you confidently thought about it over, ginawa mo ang lahat para mapa-sched ito. You just have this notion na what if things worsen, and the hospital will be mad crazy by the time your patient’s supposed surgery comes? You’ll have no other choice but postpone it… and that will add up to the family’s anxiety… in the middle of a pandemic…

 

You certainly can’t let that happen, kahit alam mong ganon talaga ang mangyari.

 

 

 

You fumbled over your pocket, kinuha ang ibinulsa mong necklace kanina para isuot muli. Napangiti ka nang tinignan mo ulit ang sarili sa salamin.

 

Then your Facetime rang.

 

Mabilis pa sa alas kwatro ang pagsagot mo nito.

 

“Helloooo~” Ito kaagad ang bungad sa ‘yo ng girlfriend mo. “Grabe, ang ganda mo pa rin kahit pagod.”

 

Natawa ka at napailing bago humiga ulit sa couch.

 

“Anong ginagawa mo?” pagsesettle mo comfortably as you stare at her.

 

“PUBG with Yeri. Hehe. But I have a class, mayang three.”

 

“I see…”

 

“You look really tired,” nguso niya. “I heard you had two today. Don’t beat yourself up to it, okay? Pahinga ka naman.”

 

Napangiti ka. “Ngayong lang naman ‘to.”

 

“I know…just…take care of yourself too…”

 

“I am taking care of myself,” tawa mo. “I should be the one telling you that. Are you eating well?”

 

“Don’t even worry about me. Nag-aaral ako, tangi. Feeling ko nga, I’ll be the better cook between us once this quarantine is over.”

 

Natawa ka. “Confident…let’s see then.”

 

“Pero really, tangi,” baling niya sa ‘yo nang seryoso, “Jennie’s been telling me about you, being the ‘Wondergirl’ that you are… but please tell me what you need… or what I can help… I mean, I know y-you’re so busy… maabala lang kita pero…”

 

Napakagat pa siya sa labi. “Just… talk to me if it’s becoming hard for you, okay? That’

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
Omg thanks for the feature?!?! Ang cute ng star! Para at para lang po sa inyo ‘yan! Merry Christmas pala talaga!
No comments yet