Welcome, February

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

Chapter 5

 

 

 

 

WELCOME, FEBRUARY

[FEBRUARY 01, 2020 - Saturday]

 

 

 

 

 

 

 

Seulgi

 

 

 


“Tangi, look oh! Ginawa kong stars ang carrots!”

“Oh my god-”

“Cute naman ah!”

“Pati ‘yung potatoes?!”

“Uh…oo?”

 

 

“Ouch…”

“Anyare sa ‘yo?”

“‘Yung onions…”

“Ugh, bigay mo nga sa ‘kin ‘yan.”

 

 

“Lagyan mo ng oil— tangi! Konti lang!”

“Ba’t ang laki naman kasi ng butas?!”

“Ibalik mo! Sobrang dami niyan!”

“…Paano?”

 

 

“Garlic muna— ba’t mo sinali ‘yung onions?!”

“Ba’t di mo sinabi agad?!”

“You didn’t let me finish!”

 

 

“Pwede mo nang ilagay ‘yung pork.”

“Oka- AHHH! ARAY! Tumatalsik, tangi!”

“Akin na nga ‘yan!”

 

 

“Oh, ikaw na ulit.”

“Hehe, ano next?”

“Soy souce na.”

“Gaano karami?”

“Pag sinabi kong stop, okay?”

“Okaaaaa-”

“Stop!”

“-aay.”

“Good.”

 

 

“Wooow, ambango na, tangi.”

“Kunin mo ‘yung pepper.”

“Ito? Diba nilagay na natin ‘to?”

“Bell pepper ‘yan, tangi. Pepper ang sabi ko. PEPPER. ‘Yun oh.”

“Ah, sorry.”

“My god.”

 

 

“Ba’t antagal kumulo?”

“Oo nga no?”

“Teka…”

“HAHAHAHAHA!”

“Seulgi! Did you just-”

“I didn’t know, okay?!”

“Anong you didn’t know?! Ikaw lang naman gumalaw niyan!”

“Sabi mo kanina, hinaan ko ‘yung apoy!”

“Oo nga! I didn’t say you turn it off!”

“Hinanaan ko lang ‘yun, promise! I didn’t know it turned off!”

“Argh!”

 

 

 

Sa wakas.

 

Pareho na kayong nakaupo sa mesa ngayon. After an eternity, natapos rin ang makalat niyong cooking show.

 

Sobrang dumi na ng white shirt mo dahil sa tomato sauce na tumalsik nung binuksan mo! Amoy soy sauce ka rin. Jusko. This only means, you’re hella productive today.

 

Hahahaha!

 

Pero bakit ang katapat mo fresh na fresh pa rin?

 

Why can you sense some injustice?

 

Charot.

 

Nakatitig ka lang sa work of art mong menudo. Hays… Nag-iimprove ka na talaga. Nakakaiyak. Sobrang sarap tignan ng luto mo. Amoy pa lang, nakakagutom na. Tapos syempre, nilagyan mo pa ng pa-garnish. Naks, pasado na yata ‘to kay Gordon Ramsay.

 

Tapos hahahaha! Naalala mo na naman ang mga ganap kanina. Sobrang epic at hindi mo na nabilang ilang beses ka niyang sinigawan at minura! Hindi mo tuloy alam kung sobrang taray lang talaga ng tangi mo o ikaw talaga ang may problema.

 

Well, sabi niya ikaw.

 

Pero ‘di ka naniniwala. HAHAHA!

 

Naputol lang ang senti mo nang mataray kang tinanong ng katapat mo. Oh, diba, kakasabi mo pa lang? “Sino ka ba? Ang dumi mo.”

 

Wow? Eh pasalamat nga siya sweet ka dahil binigay mo sa kanya ang nag-iisang apron niyo sa kusina!

 

“You’re welcome, ha? Edi sana binigay mo sa ‘kin ‘yung apron.”

 

“Edi sana rin hindi ka tamad na kumuha ng bago sa taas.”

 

Umirap ka lang at bumulong sa sarili. “Ba’t naman siya mag-aapron eh ako naman ‘tong nagluto…”

 

“Ano?”

 

“Huh? Wala ah.”

 

Hindi mo na siya hinayaang sumabat pa dahil lagi namang siya ang nananalo sa asaran niyong ganito. Kumuha ka ng star-shaped carrot na proud masterpiece mo at isinubo sa bibig niya.

 

“Masarap luto ko?” ngiting sabi mo.

 

Tumango-tango siya. “Masarap nga ang luto mo.”

 

“Paano ‘yung nasasarapan?”

 

“Ganito,” At nilagyan niya ng apat na sandok ng kanin ang plato mo. “Ubusin mo ‘yan.”

 

Pota?!

 

Apat na sandok?!

 

“Tangi, ang dami naman niyan!”

 

“Luto mo ‘yan eh. Panindigan mo.”

 

“Tangi!”

 

“Namamayat ka na oh. Ubusin mo ‘yan.”

 

“Halos maubos na nga ang laman ng rice cooker oh!”

 

“Kakain ka o susubuan kita?”

 

“Oo na!” pagsusurrender mo, “Luto mo ‘to! Luto mo!”

 

Malakas na pagtawa ang umalingawngaw sa kusina. Tangina talaga neto. Kasiyahan talaga niya ang pagkatalo mo! Naiinis mo na lang binawasan ang kanin mo papunta sa plato niya. Hinayaan ka naman niya dahil tawang-tawa pa rin siya sa pag-aamin mo.

 

Tch, oo na! Inaamin mo na!

 

Bakit ba kasi hindi ka talaga natututo, ha, Seulgi Kang?!

 

“Awee… tangi…” abot niya sa kamay mo, “I’ll give you a chance na lang. Luto natin ‘to. Luto nating dalawa.”

 

Parang bata kang napangiti. Hahahaha! You’re so irresistible talaga!

 

Pero sa totoo lang, wala ka naman talagang inambag sa breakfast niyo today maliban sa kanin na niluto mo. Puro panggugulo lang ang binigay mo sakanya. From the star-shaped carrot, all the way down sa aksidenting pagpatay mo ng stove, eh talagang kotang-kota ka na sa kanya!

 

Pero atleast nag-enjoy kayo. Mwahahaha!

 

‘Yun naman ang importante, diba?

 

It’s a Saturday kasi. Nagkataong pareho kayong walang work, and usually, nag-eeffort si Hyun magluto ng hindi prito kapag ganito. Kanina, nadatnan mo siyang nagluluto sa kusina suot ang y niyang night gown.

 

Tao ka lang din, nagmamahal, natutukso…

 

Kaya nag-offer kang tumulong at magpaturo para mas maappreciate ang perfect morning niyo.

 

…at ang ending?

 

Napalo ka lang ulit ng holy sandok niya nang ilang beses dahil sa mali-mali mong mga ginawa.

 

 

 

 

Patient naman si Hyun sa ‘yo. Natetest lang talaga ang patience niya dahil pang-ilang beses niya ng cooking tutorial sa ‘yo ‘to at hindi ka pa rin natututo. Ewan mo ba! Di mo rin alam. In born na yata ‘to!

 

“Why are you so smart sa acads… pero pagdating sa kusina you can’t even follow directions…” napapailing niyang tanong sa sarili habang nilalagyan ng menudo ang plato mo.

 

Tinikman mo ito. Masarap naman talaga ang menudo niyo. Worth it ang pananandok niya sa ‘yo dahil mabubusog ka naman sa sarap!

 

“Di ko alam, tangi. Baka dahil masarap ka rin magluto. Alam mo ‘yun? Opposites attract kaya.”

 

“Hmm…maybe.”

 

“Hindi mo naman ako iiwan dahil lang dito, diba?”

 

Seryoso mo sanang tanong ‘yon pero natawa siya.

 

“Never, tangi.” Sinubo niya sa ‘yo ang star carrot at nginitian nang pagkaganda-ganda.

 

…dahil may pahabol pa pala siyang pampakilig sa ‘yo,

 

“Kahit for the hundredth time, I won’t get tired of teaching you.”

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

Yes I do the cooking

Yes I do the cleaning

 

‘Yan ata ang motto ng tangi mo.

 

After mong maghugas at lahat lahat, nadatnan mo na naman siyang naglilinis sa sala niyo. Sksksks akala mo pa naman maglalabing-labing lang kayo today! Doing couple things! Resting! Because it’s a weekend, diba?!

 

Bakit naglilinis na naman siya?!

 

“Tinitingin-tingin mo diyan?”

 

Tapos magtataray siya nang ganito?!

 

This is unfairism!

 

“Kunin mo ‘yung vacuum. Ang dumi ng carpet oh.”

 

Yes you be the boss and yes I be respecting!

 

‘Yan naman siguro ang motto mo.

 

Tangina, ngayon mo lang narealize ang relatable lyrics ng kanta.

 

Songbird, who? Mas nakakaiyak ‘tong Hey Mama!

 

 

 

Tahimik ka na lang na nag-vavacuum. Napansin mo pang nilingon ka ng jowa mo at nginisihan pero nagpretend ka pa ring seryoso sa ginagawa mo. Tama ‘to. Serious at tahimik dapat.

 

Tahimik lang dahil gusto mo nang matapos ‘to at humilata sa kama niyo.

 

…Pero mukhang hindi ‘yan ang plano ng tangi mo.

 

Napahiyaw ka, “Tapos na! Akyat na tayo, tangi.”

 

Tinignan ka niya at tinaasan ng kilay.

 

“Akyat?”

 

“Oo…?”

 

Tinuro niya ‘yung mop sa ‘yo bago bumalik sa kung ano man ‘yang ginagawa niya sa cabinet niyo. Ahhhh! Nakasimangot mong binalik ‘yung vacuum sa storage room.

 

Ah, gusto niya pala ng totohanan?

 

Kinuha mo ‘yung speakers sa taas. Aba, mukhang buong araw yata kayong maglilinis ngayon. Diz iz right. Really right.

 

Pinatugtog mo ang Hey Mama.

 

‘Yan! Motivation! Kala mo tangi ah?

 

Natatawa pa siyang tumingin sa ‘yo at nag make face ka lang.

 

Honestly, di ka naman talaga nagtatamad. Gusto mo nga ‘to eh. Ito kasi ang stress-reliever niya at gusto mo naman lahat ng ginagawa niyo basta siya ang kasama.

 

“Yes I do the cleaning!” pagsasabay mo sa kanta.

 

You heard her giggle, “Parang tanga.”

 

Wapakels kang lumapit habang umiikot-ikot at pagkatapos, nagnakaw pa ng halik sa kanya.

 

“Tanga mo ‘to.”

 

At parang wala lang na bumalik ka sa ginagawa mo kanina. Halatang nagulat siya sa ginawa mo kaya natawa ka.

 

Epekto yata ‘to ng amoy soy sauce mo pang damit.

 

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

 

Around five na nang napagpasyahan mong tumambay sa likod. Malapit na rin pa lang mag-sunset which is your favorite time of the day.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
happy new year! /proof of life/

see u sa valentines for QT32!

Comments

You must be logged in to comment
Iamyourjoy #1
hello, nagbabalik na naman ako dito huhu mahal na mahal ko kayo team tangi 😭
alexis_keithh
#2
reread 😖 miss ko na kayo huhu :'((
xantheaverielle
#3
Chapter 3: Rereading :( Miss you Team Tangi 🥺 comfort characters ko talaga kayo
alexis_keithh
#4
Chapter 12: miss ko na team tangi 😭💔
DivisionOne_Seven
#5
Maghihintay.
wafflegi #6
I MISS YOU.
hi_sseulgae
#7
final na po di ko today??🤧
hi_sseulgae
#8
this year po ba na valentines??😔
xantheaverielle
#9
Chapter 44: I miss my magtangi 🥺
sevrf_ #10
Chapter 44: i miss you both🥹