Pahinga Ka Muna, Mahal

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

#QT28

 

 

 

 

 

isolation

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


 

TRACK 08: Simula Hanggang Huli - Hale |

 

 

 

 

 

 

 

 

Walang iwanan
Hanggang matapos ang ulan
Hanggang maging tama ang mali
Walang iwanan
 

 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Chapter 28

 

 

 

 

 

Warnings.

 

Mga babala.

 

Sila ang paalalang maaaring may mangyaring hindi maganda.

 

Inihahanda ka, binibigyang ideya kung anong tamang gawin kung sakaling ito nga ay mangyari.

 

Inihahahanda ka.

 

Kaya may kulay dilaw sa traffic lights para ihanda ka sa tuluyang paghinto...

 

Kaya maraming nakalatag na karatula sa daan upang maiwasan ang disgrasya...

 

Kaya ibinabalita sa masa ang paparating na delubyo para mapaghandaan...

 

 

Inihahanda ka.

 

 

 

 

Warnings.

 

Mga babala.

 

Kung sila nga'y nasa paligid lang,

 

Bakit ngayon ni isa wala?

 

 

 

 

 

 

"Nasa condo kana?"

 

"Kararating ko lang." Pagpasok mo, binati ka kaagad ng matanda nilang sekyu kaya binaba mo muna ang telepono.

 

"Dayo na naman ah." Natawa ka at nakipag fist bump nalang kay manong.

 

"Ganon talaga, manong hahaha!"

 

Sobrang friendly talaga niya sa'yo, feeling mo tuloy condo mo narin 'to. 

 

Nang makalayo, binalik mo na ulit sa tenga ang telepono "...Ano ulit 'yun?"

 

"May emergency pa kako kami," malungkot na sabi niya, "Hinihintay palang ni Heech ang results, baka matagalan pa 'to..."

 

"Malungkot kaba dahil di mo pa'ko makikita o dahil sa pasyente mo?"

 

"Both, tangi." Napangiti ka. "Stay?..."

 

Ang mga ganyanan niyang sobrang nakakarupok...

 

"Please... I really want to see you ngayon..."

 

Napakagat ka sa labi para pigilan ang paglawak ng ngiti mo.

 

"W-Wala naman akong sinabing aalis ako ah?" Umupo ka nalang muna sa isang couch. "Malamig naman dito sa lobby niyo. Tulog muna 'ko dito."

 

"Sa lobby ka maghihintay?"

 

"Saan ba gusto mo? Diyan sa ospital?"

 

"Bakit diyan? Sleep in my room instead."

 

"Eh?"

 

"Hingin mo 'yung spare key kay Sejeong. Crush ka naman nun."

 

"Gago," tawa mo. "Dito na'ko. Bye na."

 

"Baka nga matagalan pa nga 'ko, diba? I'm serious. Kunin mo na dali."

 

"Ba't ako papasok dun kung wala ang may-ari?"

 

"Isa."

 

"Dito na nga 'ko. Nubayan."

 

"Maka-ayaw ka parang hindi kana nagmukhang nakatira diyan ah?," mataray na sabi niya. "Pasok na kasi."

 

You giggled. "Bakit muna?"

 

"Isa, Seulgi."

 

"Eto na eto na," Natatawa kang tumayo papunta sa reception desk nila. "Ikaw kumausap ah."

 

Hindi nga si Sejeong ang naka-duty ngayon kaya tamang-tamang si Hyun na ang kumausap. Binigay nga sa'yo, kaya dala-dala ang susi sa unit niya, naglakad kana papunta sa elevator at naghintay.

 

"Aakyat na'ko."

 

"Good. I love you. And don't cook anything, okay? May baby kapitbahay ko."

 

"Grabe..." Rinig mo ang mahinang pagtawa niya. "Ang harsh pero sige, I love you too."

 

"Sya nga pala, you're craving for McDo? Daanan kita."

 

"Luh? Pano mo nalaman?"

 

"You shared it sa FB kanina. Kita ko 'yun."

 

Natawa ka. "Ahh..."

 

Nakita pala niya? Shinare mo kasi 'yung lucky 'sana all' post para padalhan karaw ng jowa mo ng McDo. Gutom karin naman non kaya naki-sana all kanalang. HAHAHAHAHA!

 

"Anong 'sana all'?" Sabi mo na nga ba. Nagpipigil kana ng tawa. "Ba't nagpaparinig kapa don at di nalang dumiretso sa'kin? May iba kabang girlfriend?"

 

Tuluyan kanang natawa.

 

"HAHAHAHA! Malay ko ba makikita mo 'yun!"

 

"Tsk," Lumikot ang linya at narinig mong may kinakausap siya. "-Teka tangi I have to go now. Wala kabang ibang gustong kainin?"

 

"Ikaw."

 

"Huh?"

 

"Ikaw gusto ko kainin."

 

Natahimik ang kabilang linya.

 

"Kupal ka seryoso ako dito."

 

"Ako din seryoso."

 

Napasinghap na siya. "Tangina mo talaga."

 

Hindi ka narin nakabwelta pa dahil ibinaba na niya ang tawag.

 

HAHAHAHAHAHA!

 

"Hay nako...." iling mo nalang sa sarili habang binubulsa ang telepono. Sakto namang bumukas na ang elevator kaya pumasok kana.

 

 

 

 

Sa di inaasahan, habang pasara na ito, nahagip ng mata mo ang isang batang babaeng may iniaabot sa pinanggalingan mong receptionist kanina. Agad mong pinindot at pinatigil ang pagsara ng elevator, pinanood ang batang babaeng kumaripas ng takbo.

 

"Teka!" Rinig mo pa ang pagtawag ng receptionist sakanya pero hindi na ito bumalik pa.

 

Tinignan mo ang hawak ng receptionist.

 

Isang puting sobre...

 

Nabalik ang tingin mo sa tumatakbong pigurang nasa labas na.

 

Hanggang sa unti-unting lumiliit ang distansya ng mga pito at siya'y nawala sa paningin, nanatili paring nakakunot ang noo mo.

 

Batang babae, isang sulat.

 

 

 

Pangalawang beses mo nang nakita.

 

 

 

 

 

 

 

 

Nanatili kang nakatayo sa gitna ng maaliwalas na condo niya. It's been only more than a year since you've started dating, but the amount of trust she's given is already overwhelming. Kaya sa tuwing hinahayaan ka niya sa mga bagay-bagay, you always remind yourself not to take advantage of it.

 

Always.

 

Yet today seemed like an exception.

 

Ang sabi niya, sa kwarto ka niya matulog. Di mo sana susundin. Wala sa plano, pero nahanap mo ang sarili mo sa loob ng silid niya.

 

Dahan-dahan kang nagikot-ikot sa loob, ang isip mong di na mawala-wala sa nakita sa baba, mga kamay mong nakapirmi sa bulsa at ang mga mata't paa lamang ang hinayaang maglakbay.

 

Napahinto ka sa tapat ng mesa niya, isang makapal na textbook tungkol sa Neuro ang mag-isang nakahiga. Hindi sana bago sa paningin mo, ngunit kapansin-pansin ang puting sumisilip sa gitna ng mga pahina nito.

 

Hindi mo dapat ginalaw.

 

Hindi mo dapat pinakialaman.

 

Pero ano 'tong ginagawa ng kamay mo?

 

Bakit binuksan mo ang libro?

 

Bakit nakatingin kana ngayon sa tatlong sobreng nasa harap?

 

Bakit mo ito kinuha?

 

Mas kumunot ang noo mo nang mapansing lahat ng mga ito ay hindi pa pala nabubuksan.

 

Ilang segundo'y binitiwan mo na.

 

Maingat mo itong isinirado muli.

 

Napatitig ka nalamang dito.

 

Puting sobre...

 

 

 

Pangalawang beses mo nang nakita.

 

 

 

 

 

 

Nagising ka sa pagdampi ng malalambot na mga labi sa'yong mukha. Unti-unti kang napadilat, at isang nakangiting Joohyun ang bumungad sa'yo.

 

Natawa siya, ang hininga niyang dumadaplis sa'yo bago agad ibinalik ang pagpapaulan ng halik sa'yo.

 

"Hmm..." nakapikit ka muli sa apeksyon niya, isang malawak na ngiti ang hindi mo napigilan pa. Napahawak ka nalang sa bewang niya at inayos ang pagkakahiga habang dala-dala siya. "...Kakarating mo lang?"

 

Hindi siya sumagot, only soft lips teasing you as an answer. "Tangiiii..." Another giggle, one after another, hanggang sa tinigilan kana niya. Dumilat kana muli, isang ngiting kasing-lawak na pala ng iyo ang suot ng kanyang mga labi.

 

"I missed you."

 

"Hmm, mukha nga."

 

She cheekily smiled. "So much."

 

Napangiwi ka nalang. That was just two days, two days of not seeing each other. "Really?..." You breathed, niyakap siya pabalik nang sobrang higpit at ikinulong ang maliit na pigura niya sa iyong mga bisig.

 

"Araaaay!" reklamo niya sa panggigigil mo. Natawa ka at niluwagan ang akap sakanya.

 

 

Hindi narin siya gumalaw at nanatili nalang nakasiksik sa'yo. Napangiti ka, inamoy ang mabangong buhok niya habang sinusuklay ito.

 

Bigla mong naalala ang nakita kanina.

 

Napaghinto ka.

 

"Tangi..."

 

Tumingala siya. "Hm?"

 

Napatitig ka sa mga mata niya. Gusto mo sanang banggitin. Pero nagdadalawang-isip kana. Why would you bring it up kung siya mismo hindi?

 

Umiling ka nalang. "Nothing..."

 

"Has to be something," Tumaas ang kilay niya. "Tell me."

 

Umiling ka at tumawa. "Gutom na'ko," pag-iiba mo nalang. Hindi pa niya pinalampas kaya inunahan mo na siya at pinutol sa isang halik.

 

Mukhang nakalimutan narin niya kasi lumayo na siya sa'yo, inayos muna ang nagulo mong buhok bago umunang tumayo. Nilahad niya ang kamay niya. "Alam mo bang isang oras akong nastuck sa traffic dahil umikot pa'ko papuntang McDo?"

 

Nagpacute ka nalang. "Bait naman pala ng girlfriend number 2 ko kung ganon." Umirap siya at akmang susuntukin ka. Tumawa kalang at kinuha ang nilahad niya para tumayo narin.

 

Hinila mo ang kamay niya at pinalibot sa'yo, peering down at her with a sly smile. Nabigla pa siya, kaya nangingiti mong isinarado muli ang pagitan ng inyong mga labi.

 

"Clingy..." pang-aasar niya.

 

You snorted, nuzzling your noses together habang inuuyog ang inyong mga katawan. "Nagsalita."

 

Hindi narin siya tumugon, umapak nalang sa parehong paa mo nang may nakakalokong tingin kaya natatawa mong sinabayan ang kalokohan niya.

 

Paika-ika kayong naglakad, tawang-tawa habang hinahawakan siyang mabuti. "Ambigat mo."

 

"Bagong gising ka naman. Puno na energy mo."

 

"De pero parang gumaan ka ata..." Tinignan mo siya. "Kumakain kaba nang maayos?"

 

"Sometimes..."

 

Huminto ka. "Anong sometimes?!"

 

Tumawa lang siya at mabilis kang hinalikan. "Sometimes kapag masarap ang ulam."

 

Tumawa lang siya ulit at pinanggigilan ang pisngi mo.

 

 

 

Humiwalay narin kayo sa isa't-isa nang makarating kayo sa kusina niya. Pinaupo kalang niya kaya naiwan kang nakatitig sakanya habang inaayos niya ang mga pagkain.

 

"Akala ko umalis ka."

 

Kumurap ka at nabalik sa katinuan. "Bakit?"

 

"I told you to sleep sa kwarto but you weren't there pagdating ko," Nilingon ka niya saglit at ngumuso. "Di ko rin sinilip ang couch. Andun kalang pala."

 

Natawa ka. "Ayoko dun eh."

 

Sinamaan ka niya ng tingin bago bumalik sa ginagawa niya. " Ang sama mo sa purple..."

 

"Hindi," tawa mo ulit. "Baka kasi may makita akong secrets sa loob."

 

Napansin mo ang paghinto ng mga galaw niya.

 

Pinanood mo lahat.

 

Pati ang dahan-dahang paglingon niya sa'yo,

 

Ang mga balisang mata na minsan mo lang makatagpo.

 

"Secrets...?" But you only feigned ignorance, letting out a teasing laugh instead. "Did you-" Napatingin siya sa kwarto niya at pabalik sa'yo.

 

"Hindi nga ako pumasok," you lied. "Baka makita ko na naman kasi 'yung Dear Diary..."

 

Unti-unting sumama ang tingin niya sa'yo.

 

Yet a relieved expression stood out from her.

 

"Gago-"

 

"'Dear Diary...'"

 

"Tatapon ko 'tong sandok sa'yo."

 

"...'Pinapasali ako sa Salinggawi. Sa totoo lang, gusto ko sana pero'-"

 

Akmang susugrin kana nga niya kaya tumigil kana.

 

"HAHAHAHAHAHA!"

 

Umirap na siya sa'yo. Nagawa mo pang tumawa at pagaanin, para lang mawala ang mga balisang tinging mong ayaw mo nang makita muli.

 

Kasi ang mga ganoong mata niya...

 

 

 

Pangalawang beses mo nang nakita.

 

 

 

 

 

 

 

 

Matagal kana palang binalaan.

 

Pero hindi mo inisip dahil sa totoo lang, ano pabang dapat isipin?

 

Kahit wala kang alam, kahit wala siyang masabi, alam mo lahat ng laman ng isip niya. Pansin mo ang pagkabahala niya noong mga sandaling 'yon, pansin mo ang takot niya't baka sakaling malaman mo. 

 

Takot hindi dahil may tinatago, kundi takot sa maaraming isipin mo.

 

 

 

May magbabago ba kung hindi mo nalaman?

 

May nagbago ba nung iyong, kanyang, nalaman?

 

"Wala," mabilis na sagot mo. "Walang nagbago."

 

Ngumiti ka sa babaeng kaharap mo.

 

 

 

"Bakit? Mababago mo ba, Seungwan?"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PAHINGA KA MUNA, MAHAL

[ISOLATION - INTRO]

 

 

 

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
happy new year! /proof of life/

see u sa valentines for QT32!

Comments

You must be logged in to comment
Iamyourjoy #1
hello, nagbabalik na naman ako dito huhu mahal na mahal ko kayo team tangi 😭
alexis_keithh
#2
reread 😖 miss ko na kayo huhu :'((
xantheaverielle
#3
Chapter 3: Rereading :( Miss you Team Tangi 🥺 comfort characters ko talaga kayo
alexis_keithh
#4
Chapter 12: miss ko na team tangi 😭💔
DivisionOne_Seven
#5
Maghihintay.
wafflegi #6
I MISS YOU.
hi_sseulgae
#7
final na po di ko today??🤧
hi_sseulgae
#8
this year po ba na valentines??😔
xantheaverielle
#9
Chapter 44: I miss my magtangi 🥺
sevrf_ #10
Chapter 44: i miss you both🥹