[ISOLATED]

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

ISOLATED

AN EYE ON THE ADVENTURE'S END

 

 

 

 

 

 

 

 

Magkatabi kayong nakaupo sa buhangin at sabay na pinagmasdan ang paglubog ng araw sa ibabaw ng karagatan.

 

"Hyun,"

 

Lumingon ka sakanya. "Mhm?"

 

"Anong pinakahinding-hindi mo matanggap sa mga nangyari sa'tin?"

 

Napatitig ka sa mukha niya, ilang segundong napako sa sariling isip bago ibinalik ang tingin sa harapan. Bakit niya natanong? Hindi mo alam kung saan nanggaling ang biglaang tanong niya pero hindi karin naman nag-atubiling sagutin ito.

 

"'Yung..." ang bigat sa puso, "'Yung gustong-gusto kong maayos ang lahat bago ako umalis... pero hindi ko nagawa... hindi ko magawa."

 

Wala kang narinig na sagot.

 

Wala kang narinig na tanong.

 

Sasagutin mo pa sana kung meron.

 

Huminga ka nang malalim bago ibinalik ang tingin sakanya. "Ikaw?"

 

"Ako?"

 

Binalot kayo muli ng katahimikan, hanggang sa lumingon na siya para harapin ka.

 

"Ang hindi ko matanggap?" Ngumiti siya sa'yo. "'Yung nagpadala rin ako sa takot... at hinayaan kang mag-isa."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Lisa, paabot ng pulutan."

 

"Isa pa! Isa pa!"

 

"Tama naaaa, di ko na kaya!"

 

"HAHAHAHAH TIGNAN NIYO NGA!"

 

"Talaga? Ginawa ng pasyente mo 'yun?"

 

"Chanyeol patugtog ka!"

 

"Hoy bet! Patugtog ka bro!"

 

"Bro ampota! HAHAHAHA!"

 

"Oh oh pakipasa kay Chan mga kababayan..."

 

"Ambigat... gitara ba'to o semento?"

 

"Tangina mo Heech regalo ko 'yan kay Chan!"

 

"Girl walang nagtatanong..."

 

Narinig mo ang unti-unting paglaban ng tunog ng gitara sa hangin.

 

"Anong kanta ba?"

 

"Ano ba alam mo?"

 

"Marami naman."

 

"Kahit ano nalang."

 

Hinahanapan na ata nila ng kanta si Chan dahil natahimik sila. Sa kabila, rinig mong may nag-aasaran, malakas ang tawanan, may pinag-iisahang lasing na hula mo si Byul. 'Yung nasa tabi mo naman, usapang ospital ang rinig mo.

 

Nanantili kalang nakatingin sa buhangin at apoy na nasa gitna, mahigpit na niyayakap ang sarili mula sa malamig na hanging gabi.

 

"Psst," Napatingala kana nang mahina kang binunggo ng katabi mo. "Okay kalang?"

 

Nag-aalalang mga mata ang sumalubong sa'yo. Di na bago.

 

Napagpasyahan mong ngumiti. "Oo naman."

 

Napatitig si Jennie sa'yo nang matagal. Tinapik mo lang siya, smiling, kaya napaiwas narin siya ng tingin.

 

You sighed, eyes going back to the ball of fire in front. You hugged your hoodie tighter, feeling the cold suddenly penetrating you in a way you didn't like.

 

Sobrang lamig.

 

Paano mo ba natiis ang ganitong lamig?

 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Tutal, huling araw na natin dito, gawin nating mas memorable at masaya 'tong gabing 'to."

 

Tumango ang mga kasama mo.

 

"Grabe noh?," nakangiting dagdag ni Baek, "Sinong mag-aakalang may mabubuo pala tayong bagong pamilya sa loob ng tatlong araw?"

 

"Awwweee...."

 

"Di bagay, bakla." bara ni Heechul sakanya. "Naiiyak na kami."

 

"Totoo kasi!" depensa niya. Pero sa nakikita mong ngiti sa mga kasama mo, di man nila masabi, you know they're just thinking the same thing.

 

May totoong ngiti sa kanilang mga labi.

 

Masaya.

 

Isang pamilya.

 

Sino nga bang mag-aakala?

 

 

 

"Pero bago natin simulan ang programa natin ngayong gabi," Tumayo siya sa gitna. "Kakanta muna si Chanyeol at ang kanyang lagi."

 

"HAHAHAAHAHHAA!"

 

"Cute naman tawagan namin ah! Inggit kalang kasi wala kang jowa-sfesjlfsjfARAY!"

 

"Sinasabi ko sa'yo, Kim Jisoo, nagkatalong kalang gumaganyan kana."

 

"EH IKAW-"

 

"De biro lang," bawi niya. "Eto na eto na, since may magaling mag-finger dito-"

 

"HOY!"

 

"Sa gitara kasi!"

 

"HAHAHAHAHAHAHA!"

 

"Binuksan namin ang dedication booth kanina..."

 

"Ano raw?"

 

"Shh... so may request tayo from," kunwari pa siyang tumitingin sa kamay niya, "...from LisaQTP1452325."

 

"Tangina? Ano 'to?"

 

"MWAHAHAHA! Thanks Baek!"

 

"SHHH!" agad na pagpigil ni Baek. "Para ito kay... "

 

Narinig mong tumawa si Jennie. Napatingin ka sakanya. Nakatingin din siya sa'yo habang nakataas ang kilay. Umiling ka nalang bago ibinalik ang atensyon sa harap.

 

"...ay hindi pala 'kay', para pala ito sa lahat, sabi niya," Tinuyo niya ang lalamunan niya. "'sana sa pamamagitan ng kantang 'to, maayos na ang dapat maayos... at kung hindi... matapos na ang dapat matapos..." 

 

Natahimik ang lahat.

 

Nanatili ang ting

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
happy new year! /proof of life/

see u sa valentines for QT32!

Comments

You must be logged in to comment
Iamyourjoy #1
hello, nagbabalik na naman ako dito huhu mahal na mahal ko kayo team tangi 😭
alexis_keithh
#2
reread 😖 miss ko na kayo huhu :'((
xantheaverielle
#3
Chapter 3: Rereading :( Miss you Team Tangi 🥺 comfort characters ko talaga kayo
alexis_keithh
#4
Chapter 12: miss ko na team tangi 😭💔
DivisionOne_Seven
#5
Maghihintay.
wafflegi #6
I MISS YOU.
hi_sseulgae
#7
final na po di ko today??🤧
hi_sseulgae
#8
this year po ba na valentines??😔
xantheaverielle
#9
Chapter 44: I miss my magtangi 🥺
sevrf_ #10
Chapter 44: i miss you both🥹