Out Of My League

[SOSHI Tales] Soshi Four

 

 

Nasa pintuan palang si Sooyoung ay nakita na nya ang dalawa nyang kaibigan na si Taeyeon at Hyoyeon. Agad ngumiti si Sooyoung pero naglaho ngiti ni Sooyoung nang bakante pa ang tatlong upuan sa harap ni Taeyeon at Hyoyeon. Ibig sabihin ay wala pa rin pala si Yoona, Tiffany at Seohyun. Ang date nila. Tiningnan ni Sooyoung wrist watch niya bago umupo sa tabi ni Harap ni Hyoyeon.

 

"Wala pa ba sila?"

 

"On the way pa daw si Tiffany" sagot ni Taeyeon.

 

"Si Seohyun naman andito na daw"

 

"Ah..Hindi pa kasi siya nagte-text" malungkot na wika ni Sooyoung.

 

"Baka papunta na yun OhSoo" nakangiting wika ni Hyoyeon.

 

"Sana nga. Sayang wala si Yul" ngumiti si Sooyoung sa dalawa nyang kaibigan.

 

"Kaya nga. Ito pa naman ang unang beses na lumabas tayo kasama si Yoona, Tiffany at Seohyun" nakangiting wika ni Taeyeon.

 

"Musta na kaya si Yul?"

 

"Hindi parin rereply si Yuri eh. Kinakabahan na nga ako sa nangyayari doon sa America"

 

"Napaano kaya si Yu─" tanong ni Sooyoung habang nakatingin sa Entrance ng Cafe.

 

Nagtaka si Hyoyeon at Taeyeon kung bakit natulala si Sooyoung kaya sinundan nilang dalawa tingin nila. Napanganga rin si Taeyeon at Hyoyeon nang makita ang tatlo hinihintay nila. Halos lahat ng costumer sa cafe na yun ay sa isang direksyon lang nakatingin. Kay Yoona, Seohyun at Tiffany.

Nang makabawi si Hyoyeon sa pagkatulala ay tumayo siya para alalayan si Seohyun umupo sa tabi niya. Ginawa rin ni Taeyeon ginawa ni Hyoyeon. Nang makaupo na si Tiffany ay umupo na rin si Taeyeon sa harap ni Tiffany. Si Sooyoung naman hinalikan muna si Yoona sa pisngi bago inalalayan ito umupo sa tabi ng upuan nya.

 

"Ano gusto mong kainin Yoongie?" paglalambing ni Sooyoung.

 

"Kung ano gusto mong kainin Baby, yun na rin kakainin ko" ngumiti si Yoona kay Sooyoung tsaka hinawakan kamay nito.

 

"Ang iksi naman ng dress mo, Seo."

 

"Ito nalang kasi Dress kong formal eh!"

 

"Edi sana nagpants ka nalang!"

 

"Hyo please?" naiiritang wika ni Seohyun.

 

Kinuha ni Hyoyeon ang table napkin tsaka nilagay ito sa binti ni Seohyun. Para matakapan binti niya.

 

"Wag mong kunin lahat ng atensyon dito sa Cafe, Seo."

 

Kinuha rin ni Taeyeon ang table napkin at tinali ito sa leeg ni Tiffany. Natakpan nito dibdib nya. Agad naman namula dalawang pisngi ni Tiffany habang nakatingin kay Taeyeon, tila nahihiya siya sa ginawa nito.

 

"Baka matapon ang pagkain" ngumiti si Taeyeon.

 

Taas kilay naman pinanuod ni Sooyoung ang nangyayari sa palagid niya.

 

"Yoona, lumapit ka sa akin" bulong ni Sooyoung.

 

"Bakit?" tumaas isang kilay ni Yoona tila hindi maintindihan binabalak ni Sooyoung pero lumapit parin siya dito.

 

Kinuha rin ni Sooyoung ang table napkin at nagulat silang apat sa ginawa ni Sooyoung. Tinakpan niya mukha ni Yoona gamit ang table napkin.

 

"Masyado kang maganda, kinukuha mo lahat ng atensyon ng mga tao. Nagseselos ako" bulong ni Sooyoung.

 

Awtomatiko naman nawala ang inis ni Yoona at napalitan ito ng ngiti. Tinulak nya ilong ni Sooyoung. "Puro ka kalokohan!"

 

"Namiss kita Baby" ngumiti si Sooyoung.

 

"Namiss din kita Baby, I love you"

 

"I love you too Yoongie"

 

 


 

 

Napahinto ang lahat sa ginagawa. Ang hardenero, mga driver, mga security guard at ang lahat ng katulong ng mga Choi. Nang bumukas ang napaka-malaking gate ng Mansyon. Pumasok ang napakagarang Limousine ng may ari ng Mansyon.

 

"Dumating na si Madam Choi!" sigawan ng mga katulong. Hindi inalis ang tingin sa humintong kotse sa harap ng Main Door.

 

"Ayuisin niyo ang mga sarili niyo. Sabay-sabay natin sabihing 'Welcome Back Madam Choi' Ok?" utos ni Lee Tae San sa mga kasama nya.

 

"Yes Tae San-ssi" sabay-sabay na wika ng mga katulong, hardenero, security at driver ng mga Choi.

 

Unang bumaba ang Personal Driver ni Mrs. Choi tsaka dali-dali itong tumakbo sa likod at tiniklop ang bitbit nyang kulay itim na payong. Binuksan niya pintuan ng kotse. Bumaba din ang isa pang alalay at binuksan naman ang kabilang pintuan.Na unang lumabas ang babaeng hindi nila kilala. Napaganda nito! Kaya lalong napatanga ang lahat. Lahat ng mga mata ay nakatuon sa matangkad na babae. Mukhang hindi nagkakalayo edad nito sa edad ng ikalawang anak ng mga Choi. Si Sooyoung.

Maya-maya ay lumabas na rin ang may edad na babae. Si Mrs. Choi. Nakasunod naman dito ang driver na may dalang payong. Naglakad sila patungo sa Main Door.

 

"Welcome Madam Choi" sabay-sabay na bati ng mga katulong habang yumuyukod.

 

"Nasaan si Sooyoung?"

 

"Lumabas Madam. Kasama ang dalawa nyang kaibigan na si Taeyeon at Hyoyeon" sagot ni Lee Tae San.

 

Tumango lang ito bilang sagot tsaka nagpatuloy sa paglakad. Maya-maya rin ay huminto ito nang may naalala.

 

"Siya nga pala. Siya si Im Nana ang aking bisita. Ang nag-iisang anak ng mga Im Empires. Batiin niyo siya"

 

"Welcome Miss Im Nana"

 

Ngumiti lang si Nana bilang sagot sa mga ito. Tsaka nagpatuloy na rin maglakad papasok ng bahay ng mga Choi.

 

"Nakahanda na ba ang Guest Room?"

 

"Yes, Madami. Nakahanda na po" magalang na sagot ni Mr. Jong Min.

 

"Sya nga po pala Mada, umuwi na si Sulli galing sa Japan" dagdag ni Mr. Jong Min.

 

"Mukha ba akong may paki-alam Kang Jong Min?" masungit na wika ni Mrs. Choi

 

 


 

 

Nang matapos ang napaka-awkward nilang Triple Date ay nauna ng umuwi si Sooyoung at Yoona. Agad silang dumiretso sa bahay ni Yoona para tulongan si Yoona ayusin ang kanilang bahay. Dahil Engineering naman pinagaaralan ni Sooyoung sa LSMU, kaya sa tingin niya ay matutulongan niya si Yoona. Nakangiti si Sooyoung habang pinagmamasdan ang bahay ng mga Im. Pansin nyang pundido na ang ilaw nila, kaya agad itong nilista ni Sooyoung sa kanya maliit na notebook. Napansin nya rin luma na ang pintura ng bahay nila, kaya nilista din ito ni Sooyoung. Pumasok naman si Sooyoung sa kwarto ni Yoona. Si Yoona naman ay sumusunod lang kay Sooyoung tila wala syang maintindihan sa ginagawa nito. Palihim sumusulyap si Sooyoung habang binabasa ang mga bagay na dapat nyang bibilhin bukas.

 

"Babe, may extra screw pa ba kayo?"

 

"Screw? Wala na babe eh"

 

Agad naman nagsulat si Sooyoung sa notebook nya. Habang si Yoona naman ay pasimple sinisilip sinusulat ni Sooyoung. Pero hindi niya ito makita dahil ang liit ng penmanship nito. Naisip naman ni Sooyoung mag install ng bagong Light fixture. Napansin niyang nakatingin sa kawalan si Yoona. Kaya pinagsamatalahan ni Sooyoung ang pagkakataon. Dahan-dahan nyang niyakap tyan ni Yoona mula sa likod.

 

"Yoong babe...Gutom na ako" nakangiting wika ni Sooyoung habang hinahalikan pisngi ni Yoona.

 

"Babe, kakakain lang natin eh. Gutom ka nanaman?" niyakap rin ni Yoona braso ni Sooyoung.

 

"May pagkain ba, Baby?"

 

"Nakalimutan ko mag-grocery Babe eh"

 

"Baby, dito ka lang. Bibili muna ako pagkain" nakangiting wika ni Yoona habang humaharap kay Sooyoung.

 

"Pwede bang sumama?"

 

"Dito ka nalang Babe, malapit lang naman eh"

 

Ngumiti si Sooyoung habang dinidikit noo nya sa noo ni Yoona. Hinahawakan nya ng napakahigpit ang mainit na kamay ni Yoona. Pareho silang nakangiti habang nakatingin sa mata ng isa't isa. Maya-maya ay sinabit ni Yoona ang kanyang braso sa magkabilang balikat ni Sooyoung. Awtomatiko namang niyakap nya ulit bewang nito.

 

"Inlove na inlove talaga ako sayo, Yoongie"

 

"Talaga lang ha?" ngumiti si Yoona.

 

Tumingkayad si Yoona upang maabot ng labi nya labi ni Sooyoung. Agad namang inangkin ni Yoona labi ni Sooyoung. Hindi naman nagdalawang isip tugunan ito ni Sooyoung. Humigpit lalo ang pagkakyakap niya dito. Nang maubusan sila ng hininga ay dinikit ulit ni Sooyoung noo nya sa noo ni Yoona.

 

"Ang ganda mo talaga, Yoona"

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
Sooyoung and Yoona holding hands on #GG3rdJPNTOUR *sobbing*

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Lam ko 'to <3 Isa 'to sa pinaka favorite ko sa wattpad na Soona :D
itsmecarylann
#2
Chapter 48: i think there's a reason why she's crying. I will prepare myself for incoming chapters.


Wow update, I miss you
Smilers #3
Chapter 44: Update soon hehe
A_Deewaggie
#4
Chapter 43: It's a short update but it's okay author :)
I hope your condition now it's okay author :)
Update soon :))) But don't forget yourself to rest :)
YoongMae-ssi
#5
Chapter 40: JungLi... Love each other na lang..

Then, YulSic forever!

And of course SooNa, HartHart~~ :3

*sabog confetti para sa 3 couple* hehe
shikshinhot24
#6
Chapter 40: tssss my JungLi ♥ <////3 ang sakit ate lang pala ni sulli crush ni krsytal <////3
YoongMae-ssi
#7
Chapter 39: Sooyoungie!! So sweet, always go to Yoongie's house. :3
YoongMae-ssi
#8
Chapter 39: YulSic!!! Yuri-ah!! Do something!!!
YoongMae-ssi
#9
Chapter 37: hoho! JungLi! Sulli's kinda crazy! XD

I really hope YulSic will get better VERY SOON!!

SooNa! I love you both. Always! The BEST!!! :3
crpdm15
#10
Chapter 37: JungLi moment ftw! Awtsuu my YulSic hearts is hurt. Huhuhu