Sleepover

[SOSHI Tales] Soshi Four

 

 

"Aray! Ano ba?!" sigaw ni Sooyoung. "Masakit!"

 

"Sus! Ang tapang tapang mo kanina tapos aray-aray ka ngayon?" inis na sabi ni Yoona.

 

"Ayuko ng alcohol na yan! Aray!" reklamo ni Sooyoung.

 

Nalungkot si Yoona habang tinitingnan ang pisngi ni Sooyoung. "Tiisin mo muna! Ayan tuloy naging pasa na siya."

 

"Ok lang ako Yoongie" kahit masakit ay masaya parin siya. Una dahil nakikita niya ng ganito ka lapit mukha ni Yoona. Pangalawa dahil sa voicemail message ni Yoona. Kahit kahapon pa pala message na yun ay masaya siya. Possible may gusto din si Yoona sa kanya. Hinawakan ni Sooyoung ang pisngi niya at tiningnan daliri siya "Ayan! Wala ng dugo, tigilan mo na alcohol na yan! Napaka sakit na!" protesta ni Sooyoung.

 

Tinapon ni Yoona sa basurahan ang cottonbuds na hawak niya. Binaling niya atensyon niya sa TV. Malungkot parin siya at guilty siya sa nangyari kay Sooyoung.

 

"Yoongie" tawag ni Sooyoung kay Yoona.

 

Hindi niya pinansin si Sooyoung.

 

"Yoongie ko!" tawag ulit ni Sooyoung.

 

Pini-pigilan ni Yoona na ngumiti. Tumalikod siya sa direksyon ni Sooyoung.

 

"Crush!" nakangiting sabi ni Sooyoung.

 

Nagulat si Yoona ng pindot-pindotin ni Sooyoung ang pisngi ni Yoona gamit ang hintuturo niya.

 

"Uy, ngi-ngiti na yan!" hindi parin sumusuko si Sooyoung. "Ngiti na kasi" sabi ni Sooyoung habang nakangiti.

 

Tiningnan ni Yoona si Sooyoung at hindi niya napigilan ngumiti. "Wag mo nga ako tingnan ng ganyan" ngumiti ng tuloyan si Yoona nahiya sa ginagawa ni Sooyoung.

 

"Salamat Yoongie" nakangiting sabi ni Sooyoung

 

Nagulat si Yoona ng halikan siya ni Sooyoung sa pisngi. Dumadagundong ang puso ni Yoona. Halos hindi siya makagalaw sa sobrang pagkagulat. Halos hindi din siya makapag salita. Ganito pala ang feeling. Ito ang unang beses na may humalik sa kanya. Pina-paypayan niya ang sarili gamit ang kanyang kamay. Dahil nag init nanaman pisngi niya.

 

Maya maya ay humiga si Sooyoung sa binti ni Yoona. "Sana bukas Yoongie, mukha mo ang una kong makikita. Para maganda gising ko" sabi ni Sooyoung habang pilit dinidilat ang mata niya. "Gusto ko bago ako matulog mukha mo huling makikita ko at pagka-gising ko mukha mo una kong makikita ko" dahan dahan pumikit si Sooyoung.

 

Dahan dahan tiningnan ni Yoona si Sooyoung. Nakita niya nakapikit ito. "Sooyoungie, kung gusto mo matulog dito dun tayo sa kwarto ang hirap matulog pag ganito" sabi ni Yoona kay Sooyoung. "Sooyoungie" dahan dahan tinapik ni Yoona ang kanang pisngi ni Sooyoung. Pero hindi na ito sumagot. Tulog na siguro ito.

 

Ngumiti si Yoona habang tinitingnan tulog na mukha ni Sooyoung. "Ang cute mo" mahinang sabi ni Yoona sinusiguro na hindi ito marinig ni Sooyoung. Natutuwa siya dahil umaasta ito na parang bata. "Bakit ba lahat ng tao natatakot sa cute na mukhang ito, Ikaw ba talaga ang leader ng kinakatakotan na Soshi Four? Ha?" tanong ni Yoona sa natutulog na Sooyoung. "Hindi man lang ako nakapag salamat sayo" bumuntong hinga si Yoona habang hinahawakan kaliwang pisngi ni Sooyoung. "Narealized ko matagal na pala akong nahulog sayo at matagal mo na ako nasalo" nakangiting sabi ni Yoona.

 

"Sooyoungie sa kwarto ka na matulog" inalog ni Yoona ang katawan ni Sooyoung.

 

"Oh?" dumilat si Sooyoung at pumikit siya ulit.

 

"Lipat tayo sa kwarto" sabi ni Yoona habang tinatapik kanang pisngi ni Sooyoung.

 

Dahan dahan bumangon si Sooyoung. Tumayo si Yoona at inalalayan makatayo si Sooyoung. Umakbay si Sooyoung kay Yoona at naglakad sila sa kwarto ni Yoona. Nang makapasok sila sa kwarto ni Yoona ay hinayaan na ni Yoona si Sooyoung humiga sa kama niya. Kumuha ng pyjamas si Yoona at pumasok sa CR at dun na nagbihis. Nang natapos siya ay lumabas siya sa CR at tumabi siya kay Sooyoung.

 

"Goodnight Sooyoungie!" sabi ni Yoona habang tumalikod kay Sooyoung.

 

Nagulat at namula si Yoona ng yakapin siya ni Sooyoung mula sa likod habang nakahawak ng isang kamay ni Sooyoung sa tyan ni Yoona. Naramdaman ni Yoona mainit na hininga ni Sooyoung sa batok ni Yoona.

 

 


 

 

"Yuri! Bakit ba ang lamig ng trato mo sa akin?! May problema ba tayo?" naiiyak na tanong ni Jessica habang hinahabol si Yuri.

 

"Lahat nagbabago Jessica!" sagot ni Yuri patuloy parin siya sa paglalakad.

 

"Yuri! Wag mo naman ako pahirapan ng ganito!" tuloyan nahulog ang mga luha sa mga mata ni Jessica.

 

Tumigil sa paglalakad si Yuri. "Ayuko mahulog ng napaka lalim sayo. Dahil baka magising ako isang araw hindi na ako maka akyat ulit sa sobrang lalim ng nararamdaman ko sayo" sagot ni Yuri habang naiiyak na din siya.

 

"Ano?" tanong ni Jessica habang pinapahid luha niya.

 

"Hindi na dapat natin pinag-uusapan toh" sabi ni Yuri at nagpatuloy sa paglalakad.

 

Niyakap ni Jessica si Yuri mula sa likod at umiiyak siya. "Yul"

 

"Oo Jess!" pilit kumawala ni Yuri sa pagkakayakap ni Jessica. "Oo! Mahal kita matagal na!" pag amin ni Yuri. "Sobra"

 

"Mahal din kita Yul" mahinang sabi ni Jessica.

 

"Oo! Bilang kaibigan at kapatid!" sagot ni Yuri.

 

"Matagal na kitang mahal Yul, natatakot lang ako baka layuan mo ako. Dahil alam ko tingin mo sa akin Sister Figure. Ate na sumbungan ng sama ng loob. Kaya ako lumayo" pag amin ni Jessica. "Nakipag relasyon ako kahit sino para lang kalimutan ka"

 

Hindi nakasagot si Yuri. Natulala siya.

 

"Pero hindi ko kaya" patuloy sa pag iyak si Jessica basang basa na likod ni Yuri.

 

Dahan dahan hinarap ni Yuri si Jessica at hinalikan niya ito sa labi habang pareho sila umiiyak. Tsaka niyakap niya ito. "I Love You Jessica"

 

"I Love You Too So Much Yuri" sagot ni Jessica habang hinalikan ulit niya si Yuri.

 

"How sweet" sabi ni Hyoyeon.

 

Nagulat si Yuri at Jessica ng may marinig nila boses ni Hyoyeon.

 

"Finally Yul!" nakangiting sabi ni Taeyeon kay Yuri. "Matagal na namin hinintay na magtapat ka"

 

"Lumayas nga kayong dalawa dito!" sabi ni Yuri habang nakayakap parin kay Jessica.

 

"Mag celebrate tayo" sabi ni Hyoyeon habang nilalabas ang bote ng Johnnie Walker.

 

"Congrats Yul" sabi ni Taeyeon habang inaabot kamay niya kay Yuri.

 

"Salamat Taengo" imbes tanggapin kamay ni Taeyeon ay hinila niya ito para yakapin. "Salamat"

 

 


 

 

"Para kay Yuri at sa girlfriend niyang si Jessica!" sigaw ni Hyoyeon habang tinataas wine glass niya.

 

"Cheers!" sabi nilang apat.

 

"Teka asan ba si OhSoo?" tanong ni Yuri habang binababa ang wine glass niya.

 

"Ah wait tawagan ko" sabi ni Taeyeon habang nilalabas cellphone niya.

 

"Wag niyo na siya distorbohin. Im sure magkasama sila ni Yoona ngayun" sabi ni Jessica.

 

"Paano mo nasabi?" tanong ni Hyoyeon.

 

"Sabi niya kasi dun siya kina Yoona matutulog" sagot ni Jessica habang umiinom.

 

"Sa tingin niyo sila na kaya?" tanong ni Taeyeon.

 

"I think No" sagot ni Jessica. "Kanina kasi tinawagan niya ako para magtanong kung paano manligaw"

 

"Natutulog sila sa isang kama, pero walang nangyayari sa kanya. Korny naman nun" sabi ni Taeyeon.

 

"Haha! Halatang hindi basta basta si Yoona" nakatawang sagot ni Hyoyeon.

 

Habang naguusap ang magpinsan, abala din si Jessica at Yuri sa pag bubulongan.

 

"I love you Jessie" bulong ni Yuri

 

"I love you too Yuri" bumulong din si Jessica kay Yuri.

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
Sooyoung and Yoona holding hands on #GG3rdJPNTOUR *sobbing*

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Lam ko 'to <3 Isa 'to sa pinaka favorite ko sa wattpad na Soona :D
itsmecarylann
#2
Chapter 48: i think there's a reason why she's crying. I will prepare myself for incoming chapters.


Wow update, I miss you
Smilers #3
Chapter 44: Update soon hehe
A_Deewaggie
#4
Chapter 43: It's a short update but it's okay author :)
I hope your condition now it's okay author :)
Update soon :))) But don't forget yourself to rest :)
YoongMae-ssi
#5
Chapter 40: JungLi... Love each other na lang..

Then, YulSic forever!

And of course SooNa, HartHart~~ :3

*sabog confetti para sa 3 couple* hehe
shikshinhot24
#6
Chapter 40: tssss my JungLi ♥ <////3 ang sakit ate lang pala ni sulli crush ni krsytal <////3
YoongMae-ssi
#7
Chapter 39: Sooyoungie!! So sweet, always go to Yoongie's house. :3
YoongMae-ssi
#8
Chapter 39: YulSic!!! Yuri-ah!! Do something!!!
YoongMae-ssi
#9
Chapter 37: hoho! JungLi! Sulli's kinda crazy! XD

I really hope YulSic will get better VERY SOON!!

SooNa! I love you both. Always! The BEST!!! :3
crpdm15
#10
Chapter 37: JungLi moment ftw! Awtsuu my YulSic hearts is hurt. Huhuhu