Backhug

[SOSHI Tales] Soshi Four

 

 

Nagising si Yoona sa isang kwarto na hindi pamilyar. Halos hindi niya mai-galaw ang katawan niya. Napansin niyang may bandage siya sa noo niya at buong katawan niya. Napansin niyang iba na ang suot niya. Kaya nag-panic siya. Natatakot siya. Sino ba nagbihis sa kanya. Natatakot siya baka lalaki ito. Napapansin niyang may tao sa likod niya. Ginahasa kaya siya nito?!

Pero si Sooyoung ang huli na-alala niya bago siya mawalan ng malay. Dahan dahan siya tumagilid at nakita niya si Sooyoung tahimik natutulog. Napansin niya kung gaanu kalapit ng mga mukha nila. Nag-init nanaman dalawang pisngi niya. Kaya sinubukan ulit ni Yoona tumagilid sa posisyon niya kanina. Gumalaw bigla si Sooyoung akala niya nagising ito, kaya nagkunware siyang natutulog. Hindi na siya gumalaw para hindi ito magising. Nagulat siya ng yakapin siya ni Sooyoung patalikod at hinila siya nito papalapit sa katawan niya. Nagpanic nanaman siya. Kahit wala siyang nakitang salamin alam niyang pulang-pula siya ngayon. Nararamdaman niya ang mainit na hininga ni Sooyoung sa tenga niya.

 

"Alam kong gising ka na" boses ni Sooyoung.

 

Pinanindigan niya na natutulog siya. Nagtatago siya sa unan.

 

"Hoy payatot wag ka na nga magpanggap. Alam kong gising ka na!" pilit kinuha ni Sooyoung ang unan. Nakita niya namumula si Yoona. "Bakit ka ba namumula? May masakit ba sayo?" inosenteng tanong ni Sooyoung.

 

"Pwede ba, bitawan mo na ako? at lumayo ka sa akin dahil hindi ako makahinga" palusot ni Yoona.

 

Lumayo ng konti si Sooyoung. Sa totoo lang nalungkot siya nung binitawan siya at lumayo ito. Napaka komportable niya pag niyayakap siya ni Sooyoung. Pakiramdam niya ligtas siya pag niyayakap siya ni Sooyoung.

 

"Nasaan ba ako? Bakit hindi mo ako hinatid sa bahay?" tanong ni Yoona.

 

"Nasa bahay ko, kwarto ko to be exact. Dont worry, pinabihisan kita kay ahjumma dahil punong puno ng dugo ang damit mo" inosenteng sagot ni Sooyoung. "Ayuko mag-alala magulang mu pag nakita ka nila. Baka mag-wala sila, kaya inuwi kita sa bahay" dugtong ni Sooyoung.

 

"Umamin ka nga! May ginawa ka ba sa akin Choi Sooyoung?" seryosong tanong ni Yoona.

 

"Wala, buong gabi lang kita tiningnan" nadulas si Sooyoung.

 

Totoo ba yung narinig ko? tanong ni Yoona sa sarili.

 

Nagpanic si Sooyoung ng marealize sinabi niya at tumalikod siya kay Yoona. Patuloy parin niya tinititigan si Sooyoung. Napansin niya ang tenga nito.

 

Namumula ang tenga niya. Hmmm. Para siyang bata. Sinong mag-aakalang ganito siya. Ang cute niya. Nakangiti si Yoona habang tinitingnan likod ni Sooyoung.

 

"Ang lakas mo mag assume Im Yoona. Sa tingin mo sino magkaka-interest dyan sa katawan mo! Wala ka namang kacurve-curve. Wala ka pang dibdib. Mukha kang stick. Napaka straight lang." pagsusungit ni Sooyoung.

 

"Aba! Ang yabang mu ha!" sabi ni Yoona tinulak ng mahina likod ni Sooyoung. "Anu ka ba sa tingin mo?" tinulak ulit ni Yoona si Sooyoung.

 

"Pwede ba tigilan mo kaka-tulak sa akin!" reklamo ni Sooyoung tsaka bumangon. "Tara kumain na tayo"

 

Papalabas na sana si Sooyoung ng sumigaw si Yoona.

 

"Sooyoung ang sama mu talaga! Halos hindi ko nga kaya bumangon eh! Tulongan mo ako!" sigaw ni Yoona.

 

"Wag ka nga umasta na para bata!" sabi ni Sooyoung. Naglakad siya palapit sa kama niya.

 

"Hah!" umuyam si Yoona. "Isip bata ka rin naman!"

 

Nagulat si Yoona ng buhatin siya nito ng pa-bridal style. "Wag kang tanga kumapit ka sa akin!" sabi ni Sooyoung.

 

Dahan-dahan nilagay ni Yoona ang dalawang kamay niya sa batok ni Sooyoung. Parang nasa limit na si Yoona. Pulang pula na talaga mukha niya. Hindi na niya ata kaya toh. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Kahit napaka sungit nito ay kinikilig siya.

 

 


 

 

Gabi na ay nasa mansyon parin si Yoona ng mga Choi. Hindi siya maka-alis rito dahil ayaw siyang ipag-drive nito. Kahit ilang beses na nagmaka-awa si Yoona ay hindi parin ito pinapansin ni Sooyoung.

 

"Baka nag-alala na mga magulang ko!" sabi ni Yoona "Gusto ko na umuwi" pagmamaka-awa ni Yoona kay Sooyoung.

 

"Hay tinatamad ako at gabi na Im Yoona!" sabi ni Sooyoung. Pero sa totoo lang, hindi talaga siya natatakot mag drive pag gabi. Minsan kahit 3am ay nasa labas parin siya.

 

"Hinahanap na ako ng mama at papa ko!" sabi ni Yoona.

 

"Pinagpa-alam na kita" sagot ni Sooyoung.

 

"Pa-utangin mo nalang ako pang taxi" nagmaka-awa parin si Yoona.

 

"Iha-hatid kita bukas, wag na makulit" sagot ni Sooyoung.

 

Alam ni Yoona hindi siya mananalo kay Sooyoung, dahil mas matigas ang ulo nito kaysa sa kanya. Kaya sumuko nalang siya. Sa totoo lang kanina pa siya nilalamig dahil nasa terrace sila ng mansyon ng mga Choi. May kinukulikot si Sooyoung sa telescope niya.

 

"Nilalamig ka ba?" tanong ni Sooyoung kay Yoona.

 

"Commonsense" sagot ni Yoona.

 

Hinagis ni Sooyoung ang jacket niya habang busy parin siya sa telescope niya.

 

"Salamat ha" naiinis na sabi ni Yoona.

 

"No problem" natatawang sagot ni Sooyoung. Tiningnan saglit ni Sooyoung si Yoona at bumalik ka-agad attensyon niya sa telescope niya. Malaki ang ngiti ni Sooyoung habang tiningnan kung ano nasa telescope niya. "Tingnan mu dali" sabi ni Sooyoung. Pina-silip niya kay Yoona ang nakita niya.

 

"Hala, anu yun?" nakangiti rin si Yoona.

 

Hindi sumagot si Sooyoung. Natulala lang si Sooyoung habang nakatitig ky Yoona. Akala ko cute lang siya, pero habang tumatagal gumaganda siya. Hindi napansin ni Sooyoung na tapos na pala ito sumilip sa telescope niya. Nahiya siya. "Tara pumasok na tayo. Matulog na tayo" tumayo si Sooyoung.

 

 

 


 

 

Magma-madaling araw na pero hindi parin natutulog si Sooyoung. Pinapanuod niya si Yoona matulog. Masaya siya dahil medyo nakarecover na siya. Naghihilom na sugat niya sa may labi. Hinawakan niya ito habang nakangiti. Hindi niya aakalain magigising si Yoona dahil sa ginawa niya. Bigla siyang niyakap ni Yoona. Niyakap niya rin ito, sa tingin niya tulog ang utak nito. Sa tingin niya hindi alam ni Yoona pinaggagawa niya.

Yung isang braso niya nasa ilalim ng le-eg ni Yoona. Yung isa naman hinahawi buhok ni Yoona. Kanina pa niya ito gusto halikan sa noo. Pero nahihiya siya. Sa totoo lang madami namang kwarto sa bahay ni Sooyoung. Pero gusto niya alagaan si Yoona kahit dalawang araw lang. Sa dalawang araw na yun, walang ginawa si Sooyoung na kalokohan. Naging mabait siya dito, kahit minsan sinusungitan niya ito.

 

"Yoong, alam mo bang gusto kita? Alam ko naman na ayaw mu sa akin. Alam ko naman si Yuri talaga ang gusto mu. Ok lang, andito parin ako pro-protektahan kita sa mga mananakit sayo. Hindi ako hihingi ng kapalit. Siguro nga tama si Yul, Hyo at Tae. Mahal na ata kita. Hindi ko naman sinasadya eh. Sana hindi mo ko lalayuan pag nalaman mung ikaw ang first love ko."

 

Hindi alam ni Sooyoung na kanina pa pala hindi natutulog si Yoona. Kahit siya nagugulohan sa nararamdaman niya. Wala akong gusto sayo diba Sooyoung? Bakit ba ako kinikilig sayo? Bakit ba ang bilis palagi ng tibok ng puso ko?

 

"Malungkot ako dahil uuwi ka na bukas. Sana ganito nalang tayo palagi, kahit as friends lang. Balang araw aaminin ko rin sayo toh" bulong ni Sooyoung.

 

Bakit pag andyan ka Choi Sooyoung naiinis ako sayo. Pero pag wala ka hinahanap-hanap kita. Bakit ngayon nakyu-kyutan na ako sayo? Bakit attractive ka na sa paningin ko? Bakit mu ba ginugulo isip ko! May crush lang naman ako kay Kwon Yuri pero hindi ibig sabihin nun mahal ko na siya. Kainis ka talaga Sooyoung. Naiinis talaga ako sayo!

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
Sooyoung and Yoona holding hands on #GG3rdJPNTOUR *sobbing*

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Lam ko 'to <3 Isa 'to sa pinaka favorite ko sa wattpad na Soona :D
itsmecarylann
#2
Chapter 48: i think there's a reason why she's crying. I will prepare myself for incoming chapters.


Wow update, I miss you
Smilers #3
Chapter 44: Update soon hehe
A_Deewaggie
#4
Chapter 43: It's a short update but it's okay author :)
I hope your condition now it's okay author :)
Update soon :))) But don't forget yourself to rest :)
YoongMae-ssi
#5
Chapter 40: JungLi... Love each other na lang..

Then, YulSic forever!

And of course SooNa, HartHart~~ :3

*sabog confetti para sa 3 couple* hehe
shikshinhot24
#6
Chapter 40: tssss my JungLi ♥ <////3 ang sakit ate lang pala ni sulli crush ni krsytal <////3
YoongMae-ssi
#7
Chapter 39: Sooyoungie!! So sweet, always go to Yoongie's house. :3
YoongMae-ssi
#8
Chapter 39: YulSic!!! Yuri-ah!! Do something!!!
YoongMae-ssi
#9
Chapter 37: hoho! JungLi! Sulli's kinda crazy! XD

I really hope YulSic will get better VERY SOON!!

SooNa! I love you both. Always! The BEST!!! :3
crpdm15
#10
Chapter 37: JungLi moment ftw! Awtsuu my YulSic hearts is hurt. Huhuhu