My Heartache

[SOSHI Tales] Soshi Four

 

 

"Kwon Yuri..." mahinang tawag ni Jessica.

 

Lumingon si Yuri at tinitigan lang ito. Parang walang epekto sa kanya presensya ni Jessica.

 

"Salamat pumunta ka sa Party ko" kinagat ni Jessica ibabang labi niya.

 

"......" binaling ni Yuri ang atensyon niya sa dagat.

 

"Kamusta ka nga pala?" tanong ni Jessica.

 

"......" hindi parin pinansin ni Yuri si Jessica.

 

"A-alis na ako bukas" mahinang sabi ni Jessica.

 

"Wala akong paki-alam sa buhay ng ibang tao" sagot ni Yuri.

 

"Talaga?! Ibang tao?" nagtaas ng boses si Jessica.

 

"Umalis ka na" mahinang boses ni Yuri.

 

"Ganyan na ba katigas ang puso mo? Asan na ba Kwon Yuri na mahal ko?!" nagsimulang umiyak si Jessica.

 

"Ayuko ka magka-affair sa taong engaged." kalmadong sabi ni Yuri.

 

"Engaged?!" pasigaw na tanong ni Jessica.

 

"Umuwi ka na sa America. Wag mo na siya paghintayin" tiningnan ni Yuri si Jessica.

 

"KWON YURI! HINDI KO SIYA MAHAL!" sigaw ni Jessica.

 

"Matutunan mo rin yan" mahinang sabi ni Yuri.

 

"Pinagmimigay mo na ba ako?" masakit na tanong ni Jessica.

 

"Para sa ikakabuti mo" sagot ni Yuri habang hinahawakan ng kamay niya pisngi ni Jessica.

 

"Bakit ba ang duwag mo?!" patuloy tumulo luha ni Jessica.

 

Natigilan si Yuri at pero maya-maya nilabas niya ang earphones niya mula sa bulsa. Knowing Yuri pag ginawa niya yun ay hindi na siya interesadong kausapin ka. Kaya nagdesisyon nalang si Jessica umalis at iwan si Yuri.

 

 


 

 

"Kinakabahan ka ba?" tanong ni Taeyeon sa babaeng nasa likod niya.

 

"Medyo?" sagot ni Tiffany.

 

"Relax lang" sabi ni Taeyeon habang hinahawakan kamay ni Tiffany.

 

"......" patuloy parin sa panginginig si Tiffany.

 

"Relax ka lang" hinarap ni Taeyeon si Tiffany at hinawakan ng mahigpit kamay niya.

 

"Taeyeon!" sigaw ni Hyoyeon at tumakbo ito sa direksyon nila ni Taeyeon at Tiffany.

 

"Oh?" naging masungit ekspresyon sa mukha ni Taeyeon.

 

"Girlfriend mo?" tanong ni Hyoyeon habang tinitingnan niya si Tiffany.

 

Bumuntong hininga si Taeyeon at sinilip mukha ni Tiffany. "Ah, Hyoyeon si Tiffany ang dine-date ko"

 

Ngumiti si Tiffany at hinarap si Hyoyeon. Masaya siya dahil inamin nito stado nilang dalawa.

 

"Hi Tiffany" ngumiti si Hyoyeon at inabot kamay niya kay Tiffany.

 

"Tiffany si Hyoyeon ang pinsan kong kinakahiya ko ipakilala" bumelat si Taeyeon kay Hyoyeon.

 

"Hi Hyoyeon" ngumiti si Tiffany kasabay ng mga mata nito at tinanggap kamay ni Hyoyeon.

 

"Maganda ka.." bulaslas ni Hyoyeon at tinapunan siya ng masamang tingin ni Taeyeon.

 

Tumawa ng marahan si Tiffany.. "Salamat"

 

"Sige mauna na ako, alam ko naman saan kayo papunta" pang-aasar ni Hyoyeon sabay takbo nito.

 

"Wag mo nalang pansinin yun, may sira kasi sa utak yun" ngumiti si Taeyeon kay Tiffany.

 

"Ayos lang" ngumiti si Tiffany.

 

"TIFFANY!!!!" sigaw ni Yoona.

 

Hinanap ito ni Tiffany at nakita niya si Yoona kasama si Sooyoung. Ngumiti si Tiffany at lumapit kay Yoona at Sooyoung. Niyakap niya ito.

 

Galing! Storbo nanaman! Naiinis na sabi ni Taeyeon. Tsaka lumapit ito sa tatlo, tiningnan niya si Sooyoung at tiningnan din siya nito tila nagte-telepathy silang dalawa. Habang si Yoona at Tiffany ay abala sa pag-uusap.

 

"Unnie sino nagbabantay sa shop?" tanong ni Yoona.

 

"May hinire ako ngayon araw lang naman" tsaka ngumiti ito kay Yoona.

 

"Akala ko si Leo oppa" huminga ng maluwag si Yoona.

 

"Ganun na nga" ngumiti ulit si Tiffany.

 

"Nako unnie, pwede pa ba bumaba? Baka tanggalin ako ni Leo oppa" nagaalalang sabi ni Yoona.

 

"Hindi, sinabi ko may pinuntahan tayo. Don't worry" niyakap ulit ni Tiffany si Yoona.

 

"Unnie, saan kayo pupunta?" bulong ni Yoona habang magkayakap sila.

 

"Sige Yoona, mauna na kami" sabi ni Tiffany habang bumibitaw sa pagkakayakap kay Yoona.

 

"Room number mo unnie?" tanong ni Yoona.

 

"205" sagot ni Tiffany habang pinapakita keycards niya.

 

"Magaling nasa 206 lang kami" nakangiting sabi ni Yoona.

 

"Kami? Kayo ni Sooyoung? Share?" nanunudyong tanong ni Tiffany.

 

Namula mga pisngi ni Yoona habang nag-iwas ng tingin sa kahit sino. Napansin ito ni Sooyoung.

 

"Eh bakit, hindi naman kami dating kundi girlfriend ko naman siya" sagot ni Sooyoung habang nakayakap kay Yoona.

 

Si Tiffany naman ang namumula, kailangan niya tulong ni Taeyeon.

 

"Mauna na kami, inaantok na si Tiffany eh" nagpa-alam si Taeyeon sa dalawa.

 

"Sige Taeng" nanunudyong ngiti ni Sooyoung kay Taeyeon.

 

"Ihahatid ko lang siya!" namumula sabi ni Taeyeon.

 

Tumawa si Sooyoung dahil naninibago siya sa kaibigan niya. "Di ka sasabay? Uminom daw tayo sabi ni Yuri" iniba ni Sooyoung ang topic.

 

"Pass, inaantok na ako eh" tanggi ni Taeyeon.

 

"Ah sige, mauna na kami" sabi ni Sooyoung habang hinahawakan kamay ni Yoona.

 

Ngumiti si Taeyeon. "Sige ingat kayo"

 

"Ingat ka Tiffany" nakangiting sabi ni Sooyoung.

 

"Wag mo na nga silang asarin" siniko ni Yoona si Sooyoung.

 

"Pupunta ba tayo baby?" tanong ni Sooyoung habang hinahalikan ilong ni Yoona. "Matulog nalang din kaya tayo"

 

"Tara baby, para mababantayan ko si Tiffany" ngumiti si Yoona.

 

"Hay! Malaki na si Tiffany" reklamo ni Sooyoung.

 

"Eh, hindi pa ako inaantok" sabi ni Yoona.

 

"Edi..." ngumiti si Sooyoung habang nakangiti kay Yoona.

 

"Sira ulo ka! Manyak ka pala!" hinampas ni Yoona si Sooyoung ng mahina.

 

"Sorry Miss Im. Pero wala akong sinasabi. Sadyang madumi lang talaga isip mo" ngumiti si Sooyoung kay Yoona.

 

"Hah! Ewan ko sayo" namumula pisngi ni Yoona.

 

"Sorry na" ngumiti si Sooyoung habang hinaharangan niya si Yoona sa pintuan.

 

"May experience ka na siguro..." mahinang sabi ni Yoona.

 

"Wala pa gaya ng sabi ko ikaw ang first love at first girlfriend ko" hinalikan ni Sooyoung si Yoona sa pisngi.

 

"Kung makapagsalita ka parang may experience ka na" nag-iwas ng tingin si Yoona.

 

"May nangyari na ba sa atin? Isipin ko nga" nag-panggap na nagiisip si Sooyoung.

 

"Puro ka kalokohan" binuksan ni Yoona ang pintuan at pumasok siya rito.

 

Pumasok rin si Sooyoung sa kwarto nila at lumapit siya kay Yoona. "Sa pagkakaalam ko kasi, kaya wala pa akong experience dahil mataas respeto ko sayo"

 

Umatras si Yoona. "Talaga?" tsaka ngumiti siya.

 

Humakbang nanaman si Sooyoung palapit kay Yoona at umatras ulit si Yoona hanggang sa maramdaman ng likod niya ang pintuan.

 

"Oo" hinawi ni Sooyoung hibla ng buhok ni Yoona.

 

"I love you" sabi ni Yoona.

 

"I love you too" sagot ni Sooyoung tsaka hinalikan niya ito at kinagat ibabang labi ni Yoona.

 

Naglakad silang dalawa patungo sa malaking salamin na nasa suite nila. At may kung anong kinuha si Sooyoung sa bulsa niya at nilagay niya ito sa leeg ni Yoona. Namuo ang luha sa mga mata ni Yoona habang pinagmamasdan niya si Sooyoung habang sinusuot niya ang kwentas na sa leeg ni Yoona.

 

"Salamat" niyakap ni Yoona si Sooyoung.

 

 


 

 

"Tama ka Yul, siguro nga tama ka. Dapat nga siguro tumigil na ako sa panunuyo kay Seohyun" sabi ni Hyoyeon habang ini-inom alak niya.

 

"Oo nga pinagmumukhang tanga ka na ni Seohyun" sabi ni Yuri kay Hyoyeon.

 

"Wag natin sayangin oras natin sa mga taong walang paki-alam sa atin" sabi ni Yuri.

 

"Iba sitwasyon mo Yul, mahal ka ni Jessica" tumigil sa pag inom si Hyoyeon.

 

"Ahh" uminom ulit si Yuri.

 

"Yuri wag mo siyang pakawalan" sabi ni Hyoyeon.

 

"Puntahan mo siya" sabi ni Hyoyeon.

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
Sooyoung and Yoona holding hands on #GG3rdJPNTOUR *sobbing*

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Lam ko 'to <3 Isa 'to sa pinaka favorite ko sa wattpad na Soona :D
itsmecarylann
#2
Chapter 48: i think there's a reason why she's crying. I will prepare myself for incoming chapters.


Wow update, I miss you
Smilers #3
Chapter 44: Update soon hehe
A_Deewaggie
#4
Chapter 43: It's a short update but it's okay author :)
I hope your condition now it's okay author :)
Update soon :))) But don't forget yourself to rest :)
YoongMae-ssi
#5
Chapter 40: JungLi... Love each other na lang..

Then, YulSic forever!

And of course SooNa, HartHart~~ :3

*sabog confetti para sa 3 couple* hehe
shikshinhot24
#6
Chapter 40: tssss my JungLi ♥ <////3 ang sakit ate lang pala ni sulli crush ni krsytal <////3
YoongMae-ssi
#7
Chapter 39: Sooyoungie!! So sweet, always go to Yoongie's house. :3
YoongMae-ssi
#8
Chapter 39: YulSic!!! Yuri-ah!! Do something!!!
YoongMae-ssi
#9
Chapter 37: hoho! JungLi! Sulli's kinda crazy! XD

I really hope YulSic will get better VERY SOON!!

SooNa! I love you both. Always! The BEST!!! :3
crpdm15
#10
Chapter 37: JungLi moment ftw! Awtsuu my YulSic hearts is hurt. Huhuhu