Hug

[SOSHI Tales] Soshi Four

 

 

Mula sa likod may narinig din si Sooyoung na nagsalita. Pero hindi ito babae. Lalaki ito. Sa tingin niya mag-asawa ito. Si Mr and Mrs Im siguro.

 

"Papa! Halika ka nga dito. Kanina pa yan siya sigaw ng sigaw. Halos masira na niya siguro pintuan kakakatok." sabi ng may edad na babae.

 

"Bata, sino ka ba? Bakit andito ka na sa loob. Diba andoon ka sa labas ng bahay namin. Trespassing ka ha!" tanong sa kanya ng may edad na lalaki.

 

"Ako po si─" bago matapos ni Sooyoung ipakilala sarili niya ay nagsalita na ang may edad na babae.

 

"Siguro gangster ka. Siguro magnanakaw ka! Siguro may binabalak kang masama sa bahay namin" sabi ng may edad na babae.

 

Umuyam si Sooyoung "Hah! Kaya ko nga bilhin pamamahay niyo eh!"

 

"Aba bastos kang bata ka" sagot ng may edad na babae.

 

"Hindi ka ba tinuruan ng magandang asal ng mga magulang mo?" tanong ng lalaki may edad.

 

"Bakit hindi ka makasagot ngayon?" tanong ng may edad na babae.

 

"Sino ba tatay mo? Dapat siguro kami magu-usap ng tatay mo!" sabi ng may edad na lalaki.

 

"Si Choi Jungnam" sagot ni Sooyoung habang nakasimangot.

 

"Choi Jungnam" sagot ng may edad na babae. Maya maya ay sabay natumba ang mag asawa na may edad.

 

"HA?!" sabay napa 'ha' ang may edad na mag asawa.

 

"S─si Cho─choi Ju─jung─n─nam? Y─yung asawa ni Moon Sohee?" tanong ng may edad na babae.

 

"Opo" sagot ni Sooyoung.

 

"Y─yung p─pin─akama─mayaman sa k─ko─rea?" tanong ng lalaki may edad na uutal din.

 

"Opo"

 

"Yung may 157 international 6star hotel? Yung may Telecommunication Company?" tanong ng may edad na lalaki.

 

"Isang TV station" sagot ng may edad na babae.

 

"May tatlong Oil Companies" dugtong ng may edad na lalaki.

 

"Yung may ari ng Soo Young Family Co.Ltd?" tanong ng may edad na babae.

 

"May 26,856 round-the-clock supermarket?" tanong din ng may edad na lalaki.

 

"ANG PINAKA MAYAMAN NA SI CHOI JUNGNAM!"

 

"Oh, hindi niyo makokontak si papa dahil wala siya sa Korea ngayun." inform ni Sooyoung sa mag asawa na may edad.

 

"Nah! Ok lang yun! Sige lang" sagot ng lalaki na may edad. "Yung anak ni Choi Jungnam nasa bahay natin mama."

 

"Ikaw ba si Choi Sooyoung?" tanong ng may edad na babae. Tumango lang si Sooyoung

 

"Mama at Papa! Bakit ang ingay niyo po?" bumaba si Yoona sa hagdanan. "Ano po ba nangyayari sa inyo?" nung tuluyan syang makababa, hindi niya inaakala na makikita niya si Choi Sooyoung sa papamahay nila! "Hoy! Bakit andito!"

Nilapitan ni Yoona si Sooyoung at tinulak palabas ng bahay. Nang bigla siya pinalo ng mamaya niya sa ulo.

 

"Aray!" protesta ni Yoona sa mama niya. Pero hindi siya pinansin nito.

 

"Master Sooyoung, hinahanap niyo ba anak namin?" tanong ni Mr Im kay Sooyoung. Tumango lang si Sooyoung "Sige maiiwan na namin kayo"

 

Nagpaalam si Mr. Im kasama niya si Mrs. Im, naiwan na mag isa si Yoona at Sooyoung sa sala.

 

"Bakit hindi ka pa umuupo? Tanga ka b─" pinalo nanaman siya ng mama niya sa ulo. Tss! Masakit na ha! Pinangdilatan niya mama niya.

 

"Ah, gusto lang sana kita bisitahin." binigay ni Sooyoung ang basket na puno ng prutas kay Yoona.

 

"Ano ba paki-alam mo h─ Pwede ba tigilan mo na kakapalo sa akin mama!" hinihimas niya ulo niya. Magkakabukol na siguro siya. Pinangdilatan niya ulit mama niya, at dinilatan din siya nito.

 

Hahaha kaya pala medyo loka-loka si Yoona. Naaliw siya sa mag ina. "Kasi hindi kita nakita sa LSMU kanina" sumeryoso ang expression ni Sooyoung hindi niya namalayan sinabi niya.

 

"Ah? Stalker ka ba? Paano mo ba nalaman na wala ako? Hindi naman tayo magkaklase ha? Saan mo ba nalaman address namin?! Sino ba nagbigay sayo?" sunod-sunod na tanong ni Yoona kay Sooyoung.

 

"Kay Tiffany Hwang?" Sige Sooyoung bigyan mo pa siya dahilan para mag tanong. Para mahalata ka. Sige tanga ka eh! Pabulong niya sinusumpa sarili niya.

 

"Bakit alam mo sa Big Hwang's Coffee Shop ako nagtra-trabaho?" tanong ulit ni Yoona kay Sooyoung.

 

"Dahil kay Seohyun" Pakiramdam ni Sooyoung naliligo na siya sa sarili niyang pawis.

 

"Bakit mo ba ako kinukulit hanggang dito sa bahay?" tanong ni Yoona kay Sooyoung.

 

"Hindi ba pwede nag-aalala lang ako sayo Yoona! Kasi nagtataka ako kung bakit wala ka sa skwelahan. Hinanap kita sa buong LSMU! Pero wala ka!" hindi namalayan ni Sooyoung na nagtatapat na siya kay Yoona.

 

"Ha?" tanong ni Yoona kay Sooyoung.

 

"Balita ko may sakit ka daw?" lumapit si Sooyoung sa tabi ni Yoona at hinawakan niya noo niya at kamay niya ng hindi namamalayan. Ack?! Ano ba ginagawa mo Sooyoung?! Agad binitawan ni Sooyoung kamay ni Yoona. Pareho sila namumula. Pero mas halata talaga kay Sooyoung. "Pasensya na nag-aalala lang talaga ako sayo"

 

"Pwede ba kita yakapin Sooyoung?" tanong ni Yoona kay Sooyoung habang nakangiti.

 

"H─h─ha?" Pakiramdam ni Sooyoung uminit nanaman ang pisngi niya.

 

Hindi na sumagot si Yoona. Niyakap niya ka agad si Sooyoung. Hindi makagalaw si Sooyoung sa position niya. Gusto nya din sana yakapin si Yoona, pero hindi talaga siya makagalaw. Pareho sila namumula. Nararamdaman ni Yoona bumilis tibok ng puso niya. Kaya binitawan niya si Sooyoung at Lumayo siya.

 

Kalma lang puso Sabi ni Sooyoung sa sarili niya.

 

Bakit ka ba ako kinakabahan ng ganito ha? Hindi naman ako ganito pag niyayakap ko si Seohyun o si Tiffany ah? Tanong ni Yoona sa sarili.

 

"Dito ka na mag dinner Master Sooyoung" mula sa kusina narinig niya nagsalita mama ni Yoona.

 

Nakahinga ng maluwag si Sooyoung. Salamat kay Mrs Im nabigyan ng break puso niya. "Sige po"

 

"Aish! Pwede ba umuwi ka nalang!" nag sungit nanaman si Yoona kay Sooyoung.

 

Bumelat si Sooyoung kay Yoona.

 

 


 

 

Madaming nakahanda sa mesa pero puro lang ito gulay, may bowl ng kanin at may sawsawan sa harap ni Sooyoung. Nasa harap niya ang tinatawag na Hanjeongsik. Kumain siya ng gulay pero ayaw niya ng puro gulay lang gusto niya may karne o sea food.

Hindi pa ginagalaw ni Yoona ang pagkain. Nakatingin lang siya kay Sooyoung dahil nag-aalala siya kung magugustohan niya ang pagkain nakahanda. Ganun din si Mr. and Mrs. Im hindi dahil nag-aalala sila kay Sooyoung, kundi gusto nila mauna kumain si Sooyoung bago pa sila kakain.

 

"Kumakain ka ba nyan?" nag-aalalang tanong ni Yoona kay Sooyoung.

 

Sinubukan ni Sooyoung kumain, hanggang sa tuloy tuloy ang subo niya. Halatang nasasarapan ito sa nakahanda.

 

Choi Sooyoung nagpapanggap ka lang ba? Pero sa totoo lang. Nakakabilib dahil alam ko galing siya sa mayaman na pamilya. Pero hindi ito nag reklamo. Tahimik lang ito kumain. Dalawang bowl na naubos niya. Hindi pala siya maarte. Shikshin din pala siya. Nakangiti si Yoona habang kumakain.

 

 


 

 

 

Kasulukuyan naglalakad si Yoona at Sooyoung sa kalsada nilang hagdanan hanggang sa makarating sila sa lugar, kung saan nakapark kotse ni Sooyoung. Nakita ni Yoona magkatabi kotse ni Sooyoung at scotter niya.

 

"Uwi na ako Yoona, gabi na kasi" nakatitig si Sooyoung sa mga mata ni Yoona.

 

"Sige! Bye!" aalis na sana si Yoona ng hawakan siya nito sa kamay. Bumilis nanaman tibok ng puso niya.

 

Tinangnan lang siya ni Yoona naghihintay kung ano sasabihin ni Sooyoung. Pero laking gulat nya ng yakapin siya ni Sooyoung ng napaka higpit. Lihim inaamoy buhok ni Yoona. Kahit saglit lang siya niyakap ni Sooyoung. Pero halos nayanig na ang puso at utak niya. Walang sinabi si Sooyoung basta lang ito umalis.

 

Sino ba mag-aakala magkakagusto ako sa isang Low Class na katulad mo Im Yoona. Sabi ni Sooyoung. Tinitingnan niya parin ito sa sa side mirror habang nagdra-drive. Hanggan sa makalayo na talaga siya.

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
Sooyoung and Yoona holding hands on #GG3rdJPNTOUR *sobbing*

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Lam ko 'to <3 Isa 'to sa pinaka favorite ko sa wattpad na Soona :D
itsmecarylann
#2
Chapter 48: i think there's a reason why she's crying. I will prepare myself for incoming chapters.


Wow update, I miss you
Smilers #3
Chapter 44: Update soon hehe
A_Deewaggie
#4
Chapter 43: It's a short update but it's okay author :)
I hope your condition now it's okay author :)
Update soon :))) But don't forget yourself to rest :)
YoongMae-ssi
#5
Chapter 40: JungLi... Love each other na lang..

Then, YulSic forever!

And of course SooNa, HartHart~~ :3

*sabog confetti para sa 3 couple* hehe
shikshinhot24
#6
Chapter 40: tssss my JungLi ♥ <////3 ang sakit ate lang pala ni sulli crush ni krsytal <////3
YoongMae-ssi
#7
Chapter 39: Sooyoungie!! So sweet, always go to Yoongie's house. :3
YoongMae-ssi
#8
Chapter 39: YulSic!!! Yuri-ah!! Do something!!!
YoongMae-ssi
#9
Chapter 37: hoho! JungLi! Sulli's kinda crazy! XD

I really hope YulSic will get better VERY SOON!!

SooNa! I love you both. Always! The BEST!!! :3
crpdm15
#10
Chapter 37: JungLi moment ftw! Awtsuu my YulSic hearts is hurt. Huhuhu