Deal

[SOSHI Tales] Soshi Four

 

 

Kasulukuyan tumatakbo si Sulli at Krystal palabas ng Main Dining Room ng cruise. Kung saan ginaganap ang Farewell Party ni Jessica. Hawak-hawak ni Sulli kamay ni Krystal patungo sa Pool. Ito rin naman ang gusto ni Krystal dahil nakita niya si Sooyoung kasama ang girlfriend niya. Pareho silang dalawa, gusto nilang umalis sa party na yun. Pero hindi niya pwedeng iwan ang ate niya dahil ito na ang huling araw makakasama niya ito.

 

"Bakit ba tayo tumatakbo?" hinihingal na tanong ni Krystal.

 

"Nakita ko dalawang ate ko" sagot ni Sulli.

 

"Friend ng ate ko dalawang ate mo?" nagtatakang tanong ni Krystal dahil hindi naman pamilyar si Sulli sa kanya.

 

"Sino ba ate mo?" taas kilay na tanong ni Sulli.

 

"Si Jessica. Jessica Jung" mahinahong sagot ni Krystal. "Ikaw? Sino ate mo?"

 

"Kapatid ka ni Sica unnie?" tanong ni Sulli kay Krystal.

 

"Close ba kayo?" nakangiting tanong ni Krystal.

 

Pareho sila Jung, Pareho sila galing sa America, Jung Sooyeon at Jung Soojung, Yung labi nila pareho. Oo nga bat hindi ko naisip yun? Kinagat ni Sulli ibabang labi niya bago siya nagsalita. "Ah, kapatid pala kayo ni Sica unnie. No wonder" ngumiti si Sulli kay Krystal. "Ang isa kong ate member ng Soshi 4. Isa sa member ng S4 ay girlfriend ni Kwon Yuri. Kaya nakilala ko ate mo"

 

Kinabahan si Krystal ng binanggit ni Sulli ang Soshi 4. Marahil tama ang hinala niya, kababatang kapatid nga ito ni Sooyoung. Pero hindi siya sigurado dun, dahil sa pagkakaalam niya si Sooyoung ang Youngest Choi. "Si Sooyoung ba?" nag-iwas ng tingin si Krystal.

 

"Oo si Sooyoung unnie at si Soojin unnie." nakangiting sagot ni Sulli. "Pero.. Hindi kami in good terms ni Soojin unnie. Tsaka si Sooyoung unnie naman kababati lang namin"

 

Hindi na sumagot si Krystal. Halatang nalulungkot ito.

 

Napansin ito ni Sulli kaya naisip niyang pangitiin ito. "Di ba kami magkamukha? Pareho kaya kami cute"

 

Ngumiti si Krystal "Oo siya cute. Pero ikaw hindi. Saan ka ba nagmana?" biro ni Krystal.

 

"Mean!" sigaw ni Sulli habang naglalakad ito malapit sa fence ng cruise.

 

"Sa totoo lang, hindi ko nalaman kasi madaming Choi sa Korea" seryosong sagot ni Krystal tsaka naglalakad siya palapit kay Sulli.

 

"Gusto mo ipakilala kita sa ate ko?" alok ni Sulli.

 

"H─Hin─d─di" nauutal na sagot ni Krystal.

 

"Oh? Bakit ka na-uutal?" tanong ni Sulli habang nakangiti.

 

"M─Malamig" pagsisinungaling ni Krystal, pero totoo naman. Malamig talaga.

 

"Ah ganun ba?" naglakad si Sulli sa likod ni Krystal at niyakap niya ito mula sa likod. "Ok na ba?"

 

Hinawakan ni Krystal braso ni Sulli sa pagkakayakap nito. Hindi siya komportable sa posisyon nila.

 

"Tanggalin mo yang kamay mo" diin na sabi ni Sulli.

 

"S─So─Sorry" nauutal ulit si Krystal at dahan dahan niya binitawan braso ni Sulli.

 

"I-sandal mo likod mo sa akin" utos ni Sulli.

 

"......." hindi na sumagot si Krystal at ginawa nalang sinasabi ni Sulli. Dahan dahan niya sinandal likod niya kay Sulli. Biglang kinabahan si Krystal ng maramdaman niya baba ni Sulli sa balikat niya.

 

"Ngayon.. Sabihin mo sa akin bakit ka nalulungkot kanina?" tanong ni Sulli.

 

"H─H─Hindi na─man" nauutal na sagot ni Krystal.

 

"Diba, liberated naman dun sa America?" tanong ni Sulli. "Hindi naman toh big deal diba?" tinutukoy ni Sulli ang backhug.

 

"Hindi nga" inayos ni Krystal pagsasalita niya.

 

"Bakit ka kinakabahan?" tanong ni Sulli.

 

"Hindi naman.." nagisip si Krystal ng bagong topic at naisip niya ang tanong nito kanina. "Nakita ko crush ko eh, kaya ako malungkot kanina"

 

"Andito crush mo?" tanong ni Sulli habang palingon-lingon sa paligid.

 

"Oo, kasama girlfriend niya" naluluhang sagot ni Krystal.

 

"Aww may girlfriend na siya? Sino ba g*gong yan at pagbayaran natin sa pananakit niya sayo" bumitaw si Sulli sa pagkakayakap niya kay Krystal.

 

Sulli, si Sooyoung. Siya. "Masakit" yan lang ang tanging masasabi ni Krystal.

 

"Hindi naman naging kayo diba?" tanong ni Sulli.

 

"Never" sagot ni Krystal.

 

"Anong masakit dun?" tanong ni Sulli.

 

"Nung lasing siya, hinalikan niya ako... Umasa ako" nagsimula ng umiyak si Krystal.

 

"Wag ka umiyak please" utos ni Sulli tsaka niyakap niya ito ulit.

 

"Ang sakit pag ginamit ka ng isang tao" hinayaan niya lang si Sulli na yakapin siya. Dahil kailangan niya ito ngayon.

 

"Tahan na.." mahinang sabi ni Sulli.

 

"Hindi mo alam nararamdaman ko" sigaw ni Krystal.

 

"Edi, iparamdam mo. Gamitin mo ko" alok ni Sulli.

 

"......."

 

"Kailangan natin ang isat isa" sabi ni Sulli.

 

"May obsessed sa akin. Sabi ko ayuko sa kanya. Pero pinipilit niya ako"

 

"Ilang beses ko na siyang tinanggihan. Krystal"

 

"Pero ayaw niya ako tigilan"

 

"Isang araw sabi niya. Titigil lang daw siya pag nakita niya daw ako masaya sa taong mahal ko at mahal ako ng taong mahal ko"

 

"Pero hindi ko naman alam kung saan ko mahahanap ang taong yun"

 

"Gusto mo mag-move on diba?" tanong ni Sulli kay Krystal.

 

Tumango lang ito bilang sagot niya at nag-iwas ulit ito ng tingin sa kanya.

 

"Tutulongan kita mag move on"

 

"Kung papayag ka maging Fake Girlfriend ko" sabi ni Sulli.

 

"Ano ba pinagsasabi mo Choi Sulli?!" tinulak ni Krystal si Sulli tsaka tumakas ito palayo sa kanya.

 

"Krystal!" hinabol ni Sulli si Krystal.

 

Tumakbo si Krystal pabalik sa Main Dining Room kung saan narito ang mga bisita ni Jessica. Balak niya puntahan ate niya pero nakita niya si Sooyoung kasama ang Girlfriend nito umiinom ng wine. Kaya bumalik siya sa dinadaanan niya, dahil gusto niya ito iwasan. Dahil nahihiya siya sa ginawa niya. Hindi napansin ni Krystal dinadaanan niya hanggang sa mabundol siya sa isang tao.

Natigilan ang lahat ng nasa loob ng main dining room at tumingin sa direksyon niya.

 

"Sorry" sabi ni Krystal pero umiiwas parin tingin niya sa taong yun.

 

"Halika" sabi ni Sulli at dinala niya ito pabalik sa pool side.

 

"Sulli!" nagulat si Krystal dahil si Sulli pala nakabangga niya.

 

"Magtago tayo" sabi ni Sulli habang hawak-hawak kamay ni Krystal.

 

Umupo si Sulli at Krystal sa poolside habang binababad mga paa nila sa swimming pool. Tahimik rito dahil kadalasan nasa loob ang mga tao. Dahil binili ni Jessica ang Cruise na toh kaya malaya silang gawin ang mga gusto nila. Gusto sanang mag-swimming ni Krystal pero gabi na at masyadong malamig. Nagsimula ng mamanhid mga paa ni Krystal at inahon paa niya mula sa tubig.

Hinawakan ni Sulli paa ni Krystal at minasahe ito.

 

"Papayag ka na ba?" biglang nagsalita si Sulli.

 

"Sige, sa isang kondisyon" mahinahong sagot ni Krystal.

 

Ngumiti si Sulli. "Ano yun?"

 

Bumuntong hininga si Krystal bago magsalita "Papayag ako sa offer mo sa akin, kung ipapangako mo na hindi ma maiinlove sa akin"

 

Dahan-dahan naglaho mga ngiti ni Sulli at hindi sumagot si Sulli. Tila nagiisip ito. Binitawan niya paa ni Krystal.

 

"Sulli, pwede hug. Pwede holding hands. Pero di pwede kiss? Ok?" sabi ni Krystal.

 

Malungkot na bumuntong hininga si Sulli. "Pwede kiss!"

 

"Ha?!" dahan-dahan lumayo si Krystal.

 

"Sige na!" sigaw ni Sulli.

 

"Di pwede!" tumakbo si Krystal.

 

Pwede na siguro toh. Bumuntong hininga si Sulli habang tumatayo at hinabol si Krystal.

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
Sooyoung and Yoona holding hands on #GG3rdJPNTOUR *sobbing*

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Lam ko 'to <3 Isa 'to sa pinaka favorite ko sa wattpad na Soona :D
itsmecarylann
#2
Chapter 48: i think there's a reason why she's crying. I will prepare myself for incoming chapters.


Wow update, I miss you
Smilers #3
Chapter 44: Update soon hehe
A_Deewaggie
#4
Chapter 43: It's a short update but it's okay author :)
I hope your condition now it's okay author :)
Update soon :))) But don't forget yourself to rest :)
YoongMae-ssi
#5
Chapter 40: JungLi... Love each other na lang..

Then, YulSic forever!

And of course SooNa, HartHart~~ :3

*sabog confetti para sa 3 couple* hehe
shikshinhot24
#6
Chapter 40: tssss my JungLi ♥ <////3 ang sakit ate lang pala ni sulli crush ni krsytal <////3
YoongMae-ssi
#7
Chapter 39: Sooyoungie!! So sweet, always go to Yoongie's house. :3
YoongMae-ssi
#8
Chapter 39: YulSic!!! Yuri-ah!! Do something!!!
YoongMae-ssi
#9
Chapter 37: hoho! JungLi! Sulli's kinda crazy! XD

I really hope YulSic will get better VERY SOON!!

SooNa! I love you both. Always! The BEST!!! :3
crpdm15
#10
Chapter 37: JungLi moment ftw! Awtsuu my YulSic hearts is hurt. Huhuhu