Marriage

[SOSHI Tales] Soshi Four

 

 

Tanghali na ng magising si Yoona, nararamdaman niya matinding sakit ng ulo niya. Gusto niya tumayo dahil nauuhaw siya. Aalisin na sana niya ang comforter na bumabalot sa katawan niya at napansin niya hindi ito suot niya kagabi. Dahan dahan bumangon si Yoona, pero may pumipigil sa kanya. Hinanap niya ito at nakita ang natutulog na mukha ni Sooyoung. Kaya naisip niya baka may nangyari sa kanila ni Sooyoung. Nainis siya kay Sooyoung. Dahil pinagsamantalahan siya nito. Ni hindi man lang siya nirespeto nito.

 

"Good Morning Baby Yoongie" bati ni Sooyoung habang nakapikit.

 

"Morning" malamig na bati ni Yoona.

 

"Baby ok na ba pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Gutom ka na ba? Kamusta tu─" sunod sunod na tanong ni Sooyoung

 

"Sooyoung please!" pagputol ni Yoona sa sasabihin ni Sooyoung "Wala ako sa mood" iritado sabi ni Yoona at tumalikod siya kay Sooyoung.

 

"Ok" sumimangot si Sooyoung at tumayo. "Inumin mo muna yung Lemon Juice sa mesa" tsaka nawala si Sooyoung sa paningin ni Yoona.

 

Tumayo si Yoona at naghaloghog sa kwarto ni Sooyoung. Hinanap niya mga damit niya, pero hindi niya ito makita. Nahanap niya bag niya sa study room ni Sooyoung. Nagulat siya sa sobrang dami ng libro ni Sooyoung. Nabasa na niya ba lahat ito? Mula sa gilid nakita niya mga frames ng isang bata. Sa tingin niya si Sooyoung ito. Napangiti siya, sandali nawala inis niya dito.

Maya maya lumapit siya sa desk nagkalat mga litrato niya sa mesa. Nakita niya litrato niya habang natutulog. Nakita niya din litrato niya natutulog sa loob ng kotse ni Sooyoung nung pumunta sila sa Yangyang. Nakita niya din mga stolen shots niya habang nakatingin sa malayo. Nakita niya din picture ng mga flowers na binigay niya nung nasa Music Room sila. Nakita niya din litrato ng Music Room habang may nakakalat petals ng rose.

May litrato din ng Shop ni Tiffany Hwang. Nakita niya din litrato ng bar kung saan siya nagta-trabaho noon. Nakita niya din litrato isang basket na puno ng pagkain. Naalala niya ito yung binigay ni Sooyoung nung nilalagnat siya. Nakita niya din mga litrato niya habang nakangiti.

 

"Baby..?" nagulat si Yoona ng marinig niya boses ni Sooyoung.

 

Hindi siya sumagot, dali dali siya lumabas ng kwarto ni Sooyoung. Dahan dahan niya sinara pintuan ng kwarto ni Sooyoung.

 

"Baby?" hinanap niya si Yoona sa loob ng kwarto niya. Pero hindi niya ito mahanap."Baby..?" pumasok si Sooyoung sa loob ng study room at nakita niya wala na ang bag ni Yoona sa desk niya.

 

Dali dali lumabas si Sooyoung sa mansyon nila. Walang paki alam kahit naka robe lang siya at nakapaa. Pero hindi niya parin ito mahanap. Umupo si Sooyoung sa sahig, maya maya ay may tumapik ng balikat niya. Tumingala siya dito at nakita si Uncle Jong Min. Hinawakan niya kamay ni Sooyoung at inalalayan ito tumayo.

 

"Master, malaki ka na talaga" inabot ni Uncle Jong Min tsinelas niya.

 

 


 

 

"Talaga? Engage ka na?" kinuyom ni Yuri ang newspaper na hawak.

 

"Yul! Hindi ko al─Yul! Makinig ka muna please" tinitigan niya mga mata ni Yuri. Punum-puno ng galit ang mga mata niya.

 

"Nice one Jessica Jung, napasakay mo ako!" sigaw ni Yuri sa mukha ni Jessica.

 

"Yul! Please!" hinawakan ni Jessica magkabilang pisngi ni Yuri para harapin siya nito.

 

"Kinamumuhian kita Jung Sooyeon" pabulong ni Yuri at tumalikod kay Jessica.

 

"Yul!" hinawakan ni Jessica braso ni Yuri, pero tinanggal ni Yuri ang pagkakahawak ni Jessica ng walang kahirap-hirap at tuluyan umalis sa Classroom.

 

"Yul! Ok ka lang ba?" mula sa labas narinig ni Jessica boses ni Hyoyeon. "Aw?"

 

Pumasok si Taeyeon at Hyoyeon sa classroom at nakita nila si Jessica umiiyak.

 

"Jessie, ano ba nangyari?" maingat nagtanong si Taeyeon kay Jessica.

 

Pinunasan ni Jessica luha niya tsaka lumabas ng Classroom, hindi niya pinansin si Taeyeon at dinaanan niya lang ito. Nakita ni Taeyeon isang kinuyom na newspaper.

 

"Bakit ba mga Tao ngayon mahilig mag walk out?" tanong ni Hyoyeon sa pinsan niya.

 

Pinulot ni Taeyeon ang kinuyom na Newspaper at binuksan niya ito.

 

"THE AMERICAN SUN-TIMES REPORTED, JUNG & CO's ELDEST DAUGHTER. JESSICA JUNG AND CORIDEL CAPITAL PARTNER's CEO IS GETTING MARRIED AT THE END OF THE YEAR" kunot noo binabasa ni Taeyeon ang headline.

 

"Ha?!" agad agad tumakbo si Hyoyeon sa tabi ni Taeyeon at binabasa din ang headline. "Impossible!"

 

"Kaya pala umuwi si Jessica dito sa Korea at inamin ka agad kay Yuri nararamdaman niya" bumuntong hininga si Taeyeon habang nakatingin sa kawalan.

 

 


 

 

"Baby sorry sa inasal ko kanina" hinawakan ni Yoona kamay ni Sooyoung.

 

"Naiintindihan kita baby" ngumiti si Sooyoung kay Yoona. "Baby may nakita ka bang mga picture?" maingat nagtanong si Sooyoung.

 

"Baby..? Anong picture?" alam ni Yoona kung anong ibig sabihin ni Sooyoung pero mas pinili niyang umasta na walang alam.

 

"Baby, saan mo ba nahanap bag mo?" tinanong ulit ni Sooyoung si Yoona.

 

"Baby nakita ko bag ko sa upuan malapit sa bintana" pagsisinungaling ni Yoona.

 

"Ah ganun ba?" nakahinga ng maluwag si Sooyoung. Sa sobrang antok ko kagabi inakala ko sa Study Room ko nailagay bag niya. Ngumiti si Sooyoung habang naglalakad.

 

"Baby pwede ako naman magtanong?" tanong ni Yoona kay Sooyoung.

 

"Sure baby" pinisil ni Sooyoung kamay ni Yoona.

 

"Baby, diba sabi mo nagkita na tayo noon? Dun sa bar kung saan ako dati nagta-trabaho? Baby ilang beses ka na tumambay dun?" tumigil sa paglalakad si Yoona.

 

Tumigil rin sa paglalakad si Sooyoung. "Nung unang beses kitang nakita, yun ang unang beses ko pumunta sa pub na yun" kalmadong sagot ni Sooyoung. "Kinabukasan araw araw na ako pumupunta sa pub na yun, hinahanap kita pero wala ka"

 

Ngumiti si Yoona "Ganun mo ba ako kagusto?"

 

Hinarap ni Sooyoung si Yoona. "Oo sobra. Alam mo bang na-love-at-first-sight ako sayo noon?" pag amin ni Sooyoung.

 

Tumawa ng mahina si Yoona "Paano mo nasabi?"

 

"Dahil hindi ako naniniwala sa anghel" seryosong sagot ni Sooyoung.

 

"Adik ka ba? Anong connection ng hindi naniniwala sa anghel at sa love-at-first-sight?" natatawang tanong ni Yoona.

 

"Dahil nung nakita kita for the first time naniniwala na ako sa anghel" seryosong sagot ni Sooyoung habang nakatitig sa mga mata ni Yoona.

 

Tumitig din si Yoona sa mga mata ni Sooyoung. "Sooyoungie, tama na baka mahulog ako lalo sayo"

 

Akmay hahalikan na sana ni Sooyoung si Yoona ng may sumigaw.

 

"OhSoo!" sigaw ni Hyoyeon habang hinihingal nasa likod niya si Taeyeon hinihingal din.

 

"Nice timing mga pandak" naiiritang sabi ni Sooyoung.

 

"Yoona, hihiramin muna namin si Sooyoung ha?" sabi ni Taeyeon habang hinahawakan ng mahigpit kamay ni Sooyoung.

 

"Teka..Teka dandyu. Saan niyo ako dadalhin?" hindi kumilos si Sooyoung kahit hinahatak na siya ni Taeyeon.

 

"Si Yuri at Jessie" sagot ni Taeyeon habang pinapakalma muna ang kanya puso.

 

"Tara! Dalhin niyo ako dun" tumakbo si Sooyoung. Maya maya tumigil siya ng may naalala siya. "Baby, magkita tayo mamaya" hinalikan niya si Yoona ng mabilisan tsaka tumakbo palayo kay Yoona habang nakasunod naman dalawa niyang kaibigan.

 

Nakatayo parin si Yoona sa gitna ng Lobby, natulala siya dahil sa ginawa ni Sooyoung. "Ano yun?" hinawakan niya labi habang naglalakad.

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
Sooyoung and Yoona holding hands on #GG3rdJPNTOUR *sobbing*

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Lam ko 'to <3 Isa 'to sa pinaka favorite ko sa wattpad na Soona :D
itsmecarylann
#2
Chapter 48: i think there's a reason why she's crying. I will prepare myself for incoming chapters.


Wow update, I miss you
Smilers #3
Chapter 44: Update soon hehe
A_Deewaggie
#4
Chapter 43: It's a short update but it's okay author :)
I hope your condition now it's okay author :)
Update soon :))) But don't forget yourself to rest :)
YoongMae-ssi
#5
Chapter 40: JungLi... Love each other na lang..

Then, YulSic forever!

And of course SooNa, HartHart~~ :3

*sabog confetti para sa 3 couple* hehe
shikshinhot24
#6
Chapter 40: tssss my JungLi ♥ <////3 ang sakit ate lang pala ni sulli crush ni krsytal <////3
YoongMae-ssi
#7
Chapter 39: Sooyoungie!! So sweet, always go to Yoongie's house. :3
YoongMae-ssi
#8
Chapter 39: YulSic!!! Yuri-ah!! Do something!!!
YoongMae-ssi
#9
Chapter 37: hoho! JungLi! Sulli's kinda crazy! XD

I really hope YulSic will get better VERY SOON!!

SooNa! I love you both. Always! The BEST!!! :3
crpdm15
#10
Chapter 37: JungLi moment ftw! Awtsuu my YulSic hearts is hurt. Huhuhu