Come Back

[SOSHI Tales] Soshi Four

 

Narrator: I will skip the 'First Date' chapter .. Maybe next chapter will be First Date ..

 

Too many billion people
Running around the planet
What is the chance in heaven
That you'd find your way to me?
Tell me what is this sweet sensation?
It's a miracle that's happened
Though I search for an explanation
Only one thing it could be

                          - Born For You

 

 

 

Mga 7:30am palang ay nasa Incheon International Airport na si Taeyeon. Kasama ang isang bata at matangkad na babae. Hindi pa siya nakatulog dahil madaling araw na sila umuwi ni Tiffany. Pero tinuring niya itong kababatang kapatid kaya pumayag siyang sunduin ito.

 

"Kumusta na pala sila?" kinakabahang tanong ng matangkad na babae.

 

"Ok lang naman sila, ikaw kumusta ka?" tanong ni Taeyeon sa matangkad na babae.

 

"Si ate galit parin ba?" hindi pinansin tanong ni Taeyeon.

 

"Sinong ate? si Sooyoung o si Soojin?" tanong ni Taeyeon sa matangkad na babae.

 

"Si Sooyoung unnie syempre" sagot ng babaeng matangkad. "At.. Hindi naman kami ganun ka close ni ate Soojin dahil sa agwat ng edad namin." bumuntong hinga ang matangkad na babae.

 

"Hindi ko alam sagot dyan eh" malungkot na sagot ni Taeyeon.

 

"Ah! Pwede ko ba dalawin si ate?" tanong ng babaeng matangkad.

 

"Try mo lang hindi ka naman matitiis nun" nakangiting sabi ni Taeyeon ine-encourage ang matangkad na babae.

 

"Sa tingin mo? Taeng unnie?" tanong ng babaeng matangkad.

 

"Oo naman, ate mo parin si OhSoo kahit papano" tinapik ni Taeyeon ang likod ng matangkad na babae.

 

"Sana mapatawad niya ako" bulong ng matangkad na babae.

 

 


 

 

Huminga muna ng malalim ang matangkad na babae para mawala ang kaba niya sa kanya dib-dib tsaka pinindot ang doorbell ng isang napaka laking bahay. Nanginginig siya habang pinipindot ng ulit ang doorbell.

 

CLICK!

 

"Sino po sila?" mula sa speaker sa taas ng doorbell.

 

"Choi Sulli po" sagot ng matangkad na babae.

 

"Wala po kaming kilala na Choi Sulli" sabi ng maid mula sa loob ng bahay.

 

Dumating si Uncle Jong Min at tiningnan niya ang screen. Nakita niya si Sulli kababatang kapatid ni Soojin at Sooyoung.

 

"Pasensya ka na Master! Tuloy" pinindot ni Uncle Jong Min ang isang button sa gilid ng screen.

 

Bumukas ang gate mag isa at tumuloy si Sulli. Halos 3yrs siyang nawala at ang dami ng nagbago sa bahay nila. Halos hindi na niya ito kabisado.

 

"Pasensya ka na Master! Bago lang kasi siya" sinalubong agad ni Uncle Jong Min si Sulli. Yumuko sa harap ni Sulli ang isang maid.

 

"Ok lang po Uncle" ngumiti si Sulli sa dalawa. Ngumiti din silang dalawa na-aawkward sa atmosphere. "Si ate?" tanong ni Sulli kay Uncle Jong Min.

 

"Nasa bahay ni Miss Yoona. Master" magalang na sagot ni Uncle Jong Min.

 

"Yoona?" nag-isip si Sulli pero hindi niya maalala si Yoona. Hindi niya ito kilala. "Sino ba siya?"

 

"Hindi ako sigurado pero siguro Girlfriend ni Master Sooyoung" alanganin na sagot ni Uncle Jong Min.

 

"Sige hihintayin ko nalang siya Uncle" ngumiti ulit si Sulli kay Uncle Jong Min. "Hindi niyo ba ginalaw gamit ko sa kwarto ko Uncle Jong Min?" tanong ni Sulli habang nilalabas susi niya.

 

"Hindi Master" ngumiti si Uncle Jong Min. Sa totoo lang masaya siya na bumalik na ito at the same time natatakot siya sa magiging reaction ni Sooyoung pag nakita niya si Sulli sa bahay nila. "Magpahinga muna kayo Master"

 

"Salamat" dumiretso agad ito sa hagdanan hindi na ito lumingon.

 

 


 

 

Dahan dahan dumilat si Yoona. Nagising siya dahil sa sinag ng araw. Naramdaman ni Yoona nag init pisngi niya dahil napansin niyang naka patong siya kay Sooyoung. Dahan dahan siya bumangon pero may pumipigil sa kanya. Naramdaman niya din ang kamay ni Sooyoung sa likod niya, marahil niyayakap siya nito. Gumalaw bigla si Sooyoung, nagpanic si Yoona at wala siyang choice binaon niya nalang mukha niya sa le-eg ni Sooyoung.

 

"Good Morning Yoongie" malambing na tono ni Sooyoung

 

"Magandang araw Sooyoungie" sumagot agad si Yoona. Nahihiya parin siya.

 

"Mas maganda ka pa sa araw Yoongie" ngumiti si Sooyoung.

 

Sige! Aga aga pa! Inangat ni Yoona ulo niya at tiningnan niya si Sooyoung na nakapikit parin. "Antok ka parin ba?" tanong ni Yoona.

 

"Gising na gising na ako" sagot ni Sooyoung.

 

"Eh bakit nakapikit ka parin?" nalilitong tanong ni Yoona. Nagtago ulit si Yoona sa le-eg ni Sooyoung.

 

"Gaya ng sabi ko kagabi. Gusto ko ikaw una kong makita sa pag gising ko at huling makita ko bago ako matulog" natural na sagot ni Sooyoung halatang hindi ito nambobola. Lumuwag ang pagkakayakap niya kay Yoona.

 

Bumangon si Yoona at lumipat sa tabi ni Sooyoung. Humarap si Yoona sa direksyon ni Sooyoung, at tamagilid din si Sooyoung. Halos ang lapit na ng mukha nila. Pumikit si Yoona at tahimik nagdasal habang nakahiga. Dahan dahan bumukas ang mga mata ni Sooyoung at nakita niya mukha ni Yoona.

 

Ang ganda talaga ng babaeng toh kahit anong gawin niya. Kahit nakapikit pa siya, kahit ang laki ng bibig niya sa tuwing kumakain siya, kahit nakabukas bibig nito pag natutulog, kahit saan angulo maganda talaga siya. Napaka swerte ko dahil nakikita ko siya ng ganito kalapit. Aminado akong na love at first sight talaga agad ako sayo nung nakita kita ng malapitan. Ngayon naniniwala na ako na totoo ang anghel. Patuloy parin tinitingnan ni Sooyoung habang nakapikit si Yoona.

 

Nang natapos siyang magdasal ay dahan dahan dumilat si Yoona at nakita niya kung gano makatitig si Sooyoung sa kanya. Halos matunaw siya sa kinahihigaan niya. "Ano?!" tanong ni Yoona habang tumatalikod siya kay Sooyoung

 

"Gusto lang kita titigan" sagot ni Sooyoung.

 

Bumibilis nanaman tibok ng puso ni Yoona. Hindi ko na kaya toh! Baka mag breakdown ako dito!

 

"Yoona umaga na! Gising na!" mula sa labas ng kwarto niya ay narinig niya mama niya.

 

Nagpanic si Sooyoung, nagtatakbo siya sa loob ng kwarto ni Yoona. Naghahanap mapagtatagu-an. Natigil siya sa pagtatakbo ng pigilan siya ni Yoona, hinawakan niya kamay ni Sooyoung at ngumiti.

 

"Ok lang yan Sooyoungie ako bahala kay mama" sabi ni Yoona. "Labas na tayo"

 

"Yoona! Wag nakakahiya!" sabi ni Sooyoung pilit siyang kumawala sa pagkakahawak ni Yoona

 

Natatawa si Yoona dahil sa kinikilos ni Sooyoung. "Asan makapal mong mukha Sooyoung?" natatawang tanong ni Yoona.

 

"Sus! Tara na nga!" nagtaas ng boses si Sooyoung.

 

 


 

 

"Master! dito ka pala natulog! Pasensya ka na sa bahay namin" nahihiyang sabi ni Mrs. Im

 

"Ok lang po, pasensya na po. Dapat sana umuwi na ako kagabi pero nakatulog ako" paghingi ng despensa ni Sooyoung kay Mrs. Im at Mr. Im

 

"Haha! Ano ka ba? Walang problema sa amin yun Master! Pwede ka matulog dito anytime na gusto mo" ngumiti si Mr. Im kay Sooyoung. "Kung gusto mo si Yoona namin, sabihin mo lang Master. Pwede kita tulongan sa anak ko"

 

"Hehe!" awkward na tawa ni Sooyoung. Tumingin-tingin siya sa palagid sinuguro hindi maririnig ni Yoona sasabihin niya. "Sa totoo lang po. Gusto ko po sana humingi ng permisyo sa inyo Mr and Mrs Im. Kung pwede sana liligawan ko po anak niyo" nahihiya pag amin ni Sooyoung.

 

"Sa totoo lang Master, nung una ay akala ko pagti-tripan mo lang si Yoona namin Master. Pero habang tumatagal unti unti naming napapansin nararamdaman mo sa Yoona namin" sagot ni Mr. Im

 

"Ang ibig sabihin ni Papa, Master. Walang problema sa amin ni Papa kung liligawan mo Yoona namin" nakangiting sagot ni Mrs. Im

 

"Masaya nga kami, Master dahil pina-alam mo sa amin ni Mama kung ano binabalak mo" sabi ni Mr Im. "Basta siguradohin mo Master na hindi masasaktan si Yoona namin."

 

"Opo Mr and Mrs Im, pangako!" tumayo si Sooyoung at yumuko sa harap ng mag asawa. Ngumiti lang ang mag asawa kay Sooyoung.

 

"Ano ba pinag-uusapan niyo bakit ang saya niyong tatlo ha? Isali niyo naman ako dyan" lumitaw si Yoona sa may hagdanan at basang basa buhok nito.

 

"Secret!" sabi ni Mr. Im at Mrs. Im

 

"Sooyoungie!" pero bumelat lang si Sooyoung sa kanya. "Daya niyo!"

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
Sooyoung and Yoona holding hands on #GG3rdJPNTOUR *sobbing*

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Lam ko 'to <3 Isa 'to sa pinaka favorite ko sa wattpad na Soona :D
itsmecarylann
#2
Chapter 48: i think there's a reason why she's crying. I will prepare myself for incoming chapters.


Wow update, I miss you
Smilers #3
Chapter 44: Update soon hehe
A_Deewaggie
#4
Chapter 43: It's a short update but it's okay author :)
I hope your condition now it's okay author :)
Update soon :))) But don't forget yourself to rest :)
YoongMae-ssi
#5
Chapter 40: JungLi... Love each other na lang..

Then, YulSic forever!

And of course SooNa, HartHart~~ :3

*sabog confetti para sa 3 couple* hehe
shikshinhot24
#6
Chapter 40: tssss my JungLi ♥ <////3 ang sakit ate lang pala ni sulli crush ni krsytal <////3
YoongMae-ssi
#7
Chapter 39: Sooyoungie!! So sweet, always go to Yoongie's house. :3
YoongMae-ssi
#8
Chapter 39: YulSic!!! Yuri-ah!! Do something!!!
YoongMae-ssi
#9
Chapter 37: hoho! JungLi! Sulli's kinda crazy! XD

I really hope YulSic will get better VERY SOON!!

SooNa! I love you both. Always! The BEST!!! :3
crpdm15
#10
Chapter 37: JungLi moment ftw! Awtsuu my YulSic hearts is hurt. Huhuhu