Is this Love?

[SOSHI Tales] Soshi Four

 

Narrator: Probably TaeNy chapter ..

 

 

Kasulukuyan hinahatid ni Taeyeon si Tiffany sa villa nito. Gabi na ay naglalakad parin sila sa kalye. May kotse naman si Taeyeon pero mas gusto niya maglakad, dahil gusto niya makasama muna ito at makapag-usap silang dalawa. Unti-unting nagiging maayos relasyon nilang dalawa. Si Taeyeon ay nagiging seryoso na sa pagdadate nilang dalawa. Si Tiffany naman ay hindi parin sumusuko kay Taeyeon. Alam niyang magbabago ito, pero andyan parin takot sa puso niya. Natatakot siya baka saktan uli siya nito. Baka kasi sa susunod ay hindi na niya kakayanin.

Pareho silang tahimik habang naglalakad. Walang may gusto magsalita. Pero ini-enjoy nila ang katahimikan na nababalot sa kanilang dalawa. Para silang Highschool Students na nagkakahiyaan pa.

 

Humugot ng lakas na loob si Taeyeon bago nag-salita. "Fany..."

 

"Bakit?" nakangiting lumingon si Tiffany kay Taeyeon.

 

"Wala.." sabi ni Taeyeon habang palinga-linga sa paligid.

 

"Ok" nakangiting sabi ni Tiffany pero sa totoo lang ay dismayado siya.

 

Ngayon naiintindihan na niya mga kaibigan niya. Mahirap nga talaga pag may gusto ka sa isang tao. Kahit gaano ka pa ka-confident sa sarili mo, pag andyan na siya ay magiging zero na confident mo. Kahit kanina pa sila magkasama ni Tiffany ay nahihiya parin siya rito. Hindi niya alam kung bakit ganito kinikilos niya, nitong nagdaan na araw.

 

Kinamot ni Taeyeon ulo niya kahit wala naman makati. "Eh kasi........."

 

Agad lumingon si Tiffany kay Taeyeon. This time hindi na siya nakangiti. Seryoso ekspresyon nito. "Kasi ano?" tanong ni Tiffany.

 

Tumawa ng marahan si Taeyeon, hindi niya mahanap boses niya. Umiwas siya ng tingin kay Tiffany pero alam niyang nakatitig ito sa kanya. Kaya binaling niya atensyon niya sa kalangitan at nagulat siya ng makita siyang Shooting Star.

 

"Fany! Tingnan mo!" sabi ni Taeyeon habang tinuturo ang kalangitan.

 

Kumunot noo ni Tiffany dahil alam niya mga ganitong style. Halatang iniiba lang nito ang usapan nila. Kaya nagpatuloy siya sa paglalakad at iniwan si Taeyeon sa kinakatayuan niya. Hindi napansin ni Taeyeon na naglalakad na papalayo si Tiffany dahil na-aliw siya sa pinapanuod niya.

 

"Fany! Wait!" sigaw ni Taeyeon habang hinahabol ito.

 

"Fany! Galit ka ba?" tanong ni Taeyeon. "Bakit?"

 

Napatigil sa paglalakad si Tiffany dahil sa tanong ni Taeyeon. Dahan-dahan niya ito hinarap gusto niya sanang awayin ito pero nadaanan ng tingin niya ang kalangitan at nakita niya ang Shooting Star. Unti-unti siya napapangiti dahil sa nakita niya. Nawala tampo niya. Pinagsamantalahan ni Taeyeon ang pagkakataon at dahan-dahan hinawakan kamay nito at sabay nila pinanuod ang Shooting Star.

Pareho silang may ngiti sa mga labi nila. Hindi niya mapigilan titigan si Tiffany, dahil ang ganda niya pagnakangiti. Pinisil ni Taeyeon ng mahina kamay nito. Maya-maya ay sinara ni Tiffany mga mata niya, pero nandun parin ngiti niya. Nagtataka si Taeyeon sa ginagawa ni Tiffany.

 

"Fany? Ano ginagawa mo?" maingat na tanong ni Taeyeon.

 

"Nagwi-wish" simpleng sagot nito nanatili itong nakapikit.

 

"Wish?" nagtatakang tanong ni Taeyeon.

 

"Oo wish..Alam mo ba pag nagwish ka habang dumadaan ang Shooting Star ay nagiging totoo wish mo" dumilat si Tiffany at tiningnan si Taeyeon.

 

Tumawa si Taeyeon. "Hindi naman siguro totoo yun"

 

"Wala naman mawawala kung maniniwala ako diba?" ngumiti si Tiffany.

 

"Baka naniniwala ka rin sa Unicorn? at Fairytale?" sarkastikong tanong ni Taeyeon.

 

"Oo naman" ngumiti ng matamis si Tiffany. "Pati sa Happy Ending" dugtong ni Tiffany.

 

Nawala ang ngiti sa labi ni Taeyeon, naging seryoso ekspresyon nito. Dahil hindi naman siya naniniwala sa Happy Ending. Hindi naman naging Happy Ending story ng Magulang niya. Kaya hindi siya naniniwala siyang walang Happy Ending. Lahat ng tao ay masasaktan at maiiwan. Nag-isip ng paraan si Taeyeon, dahil gusto niya iwasan ang topic na yan.

 

"Ano ba wish mo?" tanong ni Taeyeon.

 

Ngumiti ulit ng matamis si Tiffany at awtomatikong napangiti si Taeyeon. "Secret"

 

"Ang daya mo!" nakasimangot si Taeyeon.

 

"At bakit ko naman sasabihin sayo?" bumelat si Tiffany.

 

"Sabihin mo nalang kasi" pagmamakaawa ni Taeyeon.

 

"Ano muna sasabihin mo sana kanina?" seryosong tanong ni Tiffany.

 

"Sasabihin?" nagtatakang tanong ni Taeyeon. Yung.. Gusto kita Tiffany? Dapat ko ba talaga sabihin sa kanya yun?

 

Hindi namalayan ni Taeyeon at Tiffany nasa labas na pala sila ng Villa ng mga Hwang. Nagulat si Tiffany ng bigla sumulpot ate ni Tiffany na si Michelle Hwang. Nakangiti ito sa dalawa, hindi nila maiintindihan kung nanunudyo ito o palangiti lang talaga.

 

"Hi Taeyeon.." bati ng Michelle.

 

Kumunot noo ni Taeyeon, dahil hindi niya ito kilala. Pero sa tingin niya ay pinsan niya ito. Possible kaya kinukwento siya ni Tiffany sa pamilya nila? Yumuko si Taeyeon bilang pag bigay galang rito. Sa tingin niya mas nakakatanda ito sa kanya.

 

"Hi" simpleng bati ni Taeyeon.

 

"Taeng, ate ko nga pala si Michelle" pakilala ni Tiffany sa babaeng nakakatanda sa kanila.

 

Halos malaglag panga ni Taeyeon ng malaman ito pala ate ni Tiffany. Ni-minsan kasi ay hindi pa niya ito nakikita sa Big Hwang's Coffee Shop. Pero madami na siyang naririnig tungkol rito. Ngumiti si Taeyeon tsaka yumuko ng ilang beses.

 

"Hi unnie, ako nga pala si Taeyeon. Pleased to meet you" yumuko ulit si Taeyeon.

 

"Wag masyadong formal Taeyeon. Kilala ko ang Daddy mo dahil minsan pumupunta ako sa Jeonju" nakangiting sagot ni Michelle. "Halika pasok. Dito ka na kumain"

 

"Ah-eh-kasi..." nagsimula ng kabahan si Taeyeon. Talaga bang makikilala ko mga magulang ni Tiffany?

 

"Tara na, magtatampo si Michelle sayo" hinawakan ni Tiffany kamay nito.

 

Tinignan ni Taeyeon kamay niya na hawak kamay ni Tiffany bago ito tumango. Nang makapasok silang dalawa sa bahay ng mga Hwang ay namangha si Taeyeon. Sabihin na natin mas malaki bahay nila kaysa sa bahay ng mga Hwang pero ang ganda ng pagkakadesenyo sa bahay nila. Mukang pina-resume lang bahay na to sa kanila. Dahil alam niyang sa USA talaga nakatira ang mga Hwang.

 

"Annyeong?" sabi ni Taeyeon kay Leo.

 

"Oh Taeyeon Kim ikaw pala" ngumiti si Leo.

 

 


 

 

"Yul! Matutulog ka na?" nakasimangot na tanong ni Sooyoung.

 

"Oo" tipid nitong sagot.

 

"Aga pa!" protesta ni Sooyoung.

 

Ngumiti si Yuri habang kinukuha ang passport niya mula sa bulsa. Tsaka binaba ang pahina nito.

 

"Wooh?!" agad tumakbo si Sooyoung para tingnan ito.

 

"Yul!! Good Choice!" ngumiti si Sooyoung sa kaibigan niya tsaka niyakap ito.

 

"Salamat Choi" ngumiti si Yuri sa matangkad niyang kaibigan.

 

"Kailan alis mo?" nakangiti parin ito.

 

"Bukas" ngumiti din si Yuri.

 

"Mamimiss kita" nakasimangot nitong sabi.

 

"Yah!" sayaw ni Yuri dito.

 

"Hehe! Yul! Follow your heart" ngumiti ulit si Sooyoung tsaka niyakap ulit ito.

 

"Pupuntahan ko na nga puso ko" biro ni Yuri.

 

"Hahaha! Masaya ako para sa iyo!" hinalikan niya ito sa pisngi.

 

"Salamat talaga OhSoo" nagpapanggap na malungkot si Yuri.

 

"Ako na magsasabi sa mga Kim" pag boluntaryo ni Sooyoung.

 

"Sige. Salamat"

 

 

Author: Sorry for that short update .. Anyway .. Happy Father's Day

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
Sooyoung and Yoona holding hands on #GG3rdJPNTOUR *sobbing*

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Lam ko 'to <3 Isa 'to sa pinaka favorite ko sa wattpad na Soona :D
itsmecarylann
#2
Chapter 48: i think there's a reason why she's crying. I will prepare myself for incoming chapters.


Wow update, I miss you
Smilers #3
Chapter 44: Update soon hehe
A_Deewaggie
#4
Chapter 43: It's a short update but it's okay author :)
I hope your condition now it's okay author :)
Update soon :))) But don't forget yourself to rest :)
YoongMae-ssi
#5
Chapter 40: JungLi... Love each other na lang..

Then, YulSic forever!

And of course SooNa, HartHart~~ :3

*sabog confetti para sa 3 couple* hehe
shikshinhot24
#6
Chapter 40: tssss my JungLi ♥ <////3 ang sakit ate lang pala ni sulli crush ni krsytal <////3
YoongMae-ssi
#7
Chapter 39: Sooyoungie!! So sweet, always go to Yoongie's house. :3
YoongMae-ssi
#8
Chapter 39: YulSic!!! Yuri-ah!! Do something!!!
YoongMae-ssi
#9
Chapter 37: hoho! JungLi! Sulli's kinda crazy! XD

I really hope YulSic will get better VERY SOON!!

SooNa! I love you both. Always! The BEST!!! :3
crpdm15
#10
Chapter 37: JungLi moment ftw! Awtsuu my YulSic hearts is hurt. Huhuhu