Farewell Party

[SOSHI Tales] Soshi Four

 

 

7am ay nagising na si Yoona. Pero wala na sa tabi niya si Sooyoung. Natakot siya dahil naalala niya nanaman panaginip niya kagabi. Dali-dali siya bumaba ng kwarto at hinanap niya si Sooyoung. Nakita niya sapatos nito sa labas, sigurado nasa bahay pa ito. Maya-maya ay may na-amoy siyang aroma ng bibimbap. Pumunta ng kusina si Yoona. Impossible mga magulang niya ito dahil wala naman ang mga ito sa Seoul. Tsaka bihira lang din magluluto ng Bibimbap mama niya.

Dahan-dahan pumasok si Yoona sa kusina at nakita niya si Sooyoung at mga nagkalat na eggshell sa tabi niya. Sa tabi niya din may isang pirasong papel. Lumapit siya dito at niyakap ang likod ni Sooyoung.

 

"Good Morning" bulaslas ni Yoona habang binabaon mukha niya sa likod ni Sooyoung.

 

"Good Morning" ngumiti si Sooyoung at humarap kay Yoona.

"Kamusta tulog mo?" hinawakan niya magkabilang pisngi ni Yoona.

 

"Mabuti na baby Sooyoungie" ngumiti si Yoona at hinalikan ito sa pisngi. "Komportable na tulog ko ngayon."

 

"Madalas ka ba bangungotin Baby?" nag-aalalng tanong  ni Sooyoung

 

"Hindi naman baby. Ngayon lang" malungkot na sagot ni Yoona.

 

"Ano ba napanaginipan mo baby?" tanong ni Sooyoung.

 

"Ayuko na maalala baby" sagot ni Yoona.

 

"Ok, nirerespeto ko yan" ngumiti si Sooyoung.

 

"Sya nga pala baby" inabot ni Sooyoung ang isang kulay pink na sobre.

 

Kinuha ni Yoona ang sobre at binuksan ito. Nalaman niyang isa pala itong Invitation Card. Jessica Jung's farewell party?

 

"Kanino daw galing?" sabi ni Sooyoung habang nagluluto.

 

"Kay Jessica Jung" tipid na sagot ni Yoona.

 

"Jessica?" kinuha ni Sooyoung ang sobre mula sa pagkakahawak ni Yoona. "Farewell?! Farewell Party?" binitawan ni Sooyoung ang spatula tsaka nilabas ang cellphone.

 

I-iwan niya si Yuri? tanong ni Yoona sa sarili habang pinagpapatuloy ang niluto ni Sooyoung.

 

"Yuri!" sinigawan ni Sooyoung kausap niya sa cellphone.

 

"Oh?" inaantok na sagot ni Yuri.

 

"Anong kaduwagan nanaman ba toh Kwon Yuri?!" diin ni Sooyoung.

 

"Sooyoung inaantok ako" tamad na sagot ni Yuri.

 

"WALA AKONG PAKI-ALAM! ALAM MO BANG A-ALIS NA SI JESSICA?!" sinigawan niya ulit si Yuri.

 

"Bahala siya" sagot ni Yuri gamit ang malamig nyang tono.

 

"Hindi mo ba siya pipigilan?!" galit na tanong ni Sooyoung.

 

"Bahala siya" inulit ni Yuri sagot niya.

 

"Naiintindihan naman kita Yul eh! Alam kong galit ka dahil ikakasal na pala si Jessica" huminahon si Sooyoung.

 

"......" hindi sumagot si Yuri.

 

"Kaya nga siya umuwi dito, para sabihin niya lang na mahal ka niya!" diin ni Sooyoung.

 

"......" hindi parin sumasagot si Yuri.

 

"Kahit alam niyang wala ng pag asa umuwi parin siya! Naisip mo ba yun?!" sigaw ni Sooyoung.

 

"Matatalo lang ako sa huli! Kahit anong mangyari ay magpapakasal parin siya dun!" sumigaw na rin si Yuri.

 

"Atleast sinubukan mo..." mahinang sagot ni Sooyoung.

 

"......" mula sa kabilang linya hindi nanaman sumagot si Yuri. Dahil nagsisimula ng tumulo ang luha niya at ayaw niya ito iparinig kay Sooyoung na umiiyak siya. Oo tama si Sooyoung. Tama siya, pero ang hirap gawin.

 

Nung hindi na sumagot si Yuri ay binaba na ni Sooyoung ang tawag. Niyakap nanaman siya ni Yoona dahil alam nito naiinis ito kay Yuri.

 

"Baby, kung tayo nasa sitwasyon ni Yuri at Jessica. Ipaglalaban kita, kahit anong mangyari. Susuko lang ako kung sasabihin mong hindi mo na ako mahal" bulong ni Sooyoung kay Yoona.

 

"Baby, sana hindi mangyari sa atin toh" niyakap ng mahigpit ni Yoona si Sooyoung.

 

"Hinding hindi" sagot ni Sooyoung.

 

 


 

 

Nakatingin si Taeyeon sa bintana habang sinasandal likod niya sa swivel chair at nakapatong naman paa niya sa desk. Wala siyang ganang pumasok. Dahil may gumugulo sa isipan niya. Si Tiffany. Palagi niyang naalala pag-uusap nila ni Tiffany nung nakaraang araw.

 

Aminado siya, kahit nung nakita niya ito umiiyak sa labas ng unit niya ay nalulungkot siya. Simula nun ay hindi na siya nakakatulog ng maayos. Hindi niya naman ito gusto, pero nasasaktan siya pag malungkot ito. Nasasaktan siya habang naglalakad siya papasok sa unit niya, habang iniiwan niya si Tiffany naka upo sa sahig.

Sanay naman siya manakit ng damdamin ng hindi siya na-apektuhan. Pero iba si Tiffany. May naramdaman siyang kirot sa puso niya habang pinapanuod niya ito umiiyak sa harap niya.

Dali-dali niyang hinanap si Tiffany para humingi ng pasensya dito. Dahil sa ginawa niya kay Tiffany. Pumasok siya sa office nito kahit hindi ito kumakatok. At nakita niya ang gulat na ekspresyon sa mukha ni Tiffany habang nakatingin sa kanya. Inaasahan na ni Taeyeon na sasampalin nanaman siya ni Tiffany. Hinanda na niya sarili niya bago pa man siya pumasok sa Shop ng mga Hwang.

 

"Fany...." sabi ni Taeyeon habang naglalakad palapit sa kanya.

 

Tumayo si Tiffany at sinalubong si Taeyeon, pero hindi bumabakas sa mukha nito ang galit. Sa totoo lang naka-ngiti ito. Tila nakalimutan kasalanan ni Taeyeon.

 

"Fany sorry..." kinakabahan na sabi ni Taeyeon.

 

"Ok lang, taeng.. Naiintindihan kita. I-intindihin kita lagi" sagot ni Tiffany.

 

Niyakap ni Taeyeon si Tiffany habang naluluha mata niya. "Gusto ko may gawin para mapatawad mo ako"

 

"Hay.. Ang kulit! Napatawad na nga kita" ngumiti si Tiffany at ngumiti rin pati mga mata niya.

 

Ito ang dahilan kung bakit nagka-interest si Taeyeon kay Tiffany dahil sa Eye Smile nito.

 

"Wag mo sana ako i-take advantage Taeyeon, pero gusto ko aminin sayo. Gusto kita" pag amin ni Tiffany.

 

Halos malaglag ang panga ni Taeyeon dahil sa pag amin Tiffany. Hindi niya alam kung bakit, pero yung puso niya biglang nag-react dahil sa narinig niya mula kay Tiffany. Nag-simula siyang kabahan.

 

Sa buong buhay niya, hindi niya pa naranasan kabahan para lang sa isang tao. Nakadama ng takot si Taeyeon.

 

"Possible kayang, mahal ko na si Tiffany?" tanong ni Taeyeon sa sarili niya.

 

A-alis na sana ng study room si Taeyeon ng may matapakan na siya. Tiningnan niya ito at nakita ang isang kulay pink na sobre. Pinulot niya ito at binuksan ito.

 

"Jessica Jung's Farewell Party?" binasa ng malakas ni Taeyeon ang nasa loob ng sobre.

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
Sooyoung and Yoona holding hands on #GG3rdJPNTOUR *sobbing*

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Lam ko 'to <3 Isa 'to sa pinaka favorite ko sa wattpad na Soona :D
itsmecarylann
#2
Chapter 48: i think there's a reason why she's crying. I will prepare myself for incoming chapters.


Wow update, I miss you
Smilers #3
Chapter 44: Update soon hehe
A_Deewaggie
#4
Chapter 43: It's a short update but it's okay author :)
I hope your condition now it's okay author :)
Update soon :))) But don't forget yourself to rest :)
YoongMae-ssi
#5
Chapter 40: JungLi... Love each other na lang..

Then, YulSic forever!

And of course SooNa, HartHart~~ :3

*sabog confetti para sa 3 couple* hehe
shikshinhot24
#6
Chapter 40: tssss my JungLi ♥ <////3 ang sakit ate lang pala ni sulli crush ni krsytal <////3
YoongMae-ssi
#7
Chapter 39: Sooyoungie!! So sweet, always go to Yoongie's house. :3
YoongMae-ssi
#8
Chapter 39: YulSic!!! Yuri-ah!! Do something!!!
YoongMae-ssi
#9
Chapter 37: hoho! JungLi! Sulli's kinda crazy! XD

I really hope YulSic will get better VERY SOON!!

SooNa! I love you both. Always! The BEST!!! :3
crpdm15
#10
Chapter 37: JungLi moment ftw! Awtsuu my YulSic hearts is hurt. Huhuhu