Complicated

[SOSHI Tales] Soshi Four

 

 

 

Kasulukuyan nasa rooftop si Yoona. Gusto niya muna mapag-isa. Ayaw niya muna kausapin kahit sino, kahit si Seohyun. Kung pwede lang sana hindi niya muna makita si Sooyoung. Kung pwede umiwas muna kahit isang araw lang. Dahil sa totoo lang hindi na niya maintindihan ang kanyang sarili.

 

"Bwesit ka talaga Choi Sooyoung!!"

 

"Wala ka namang appeal!"

 

"Malayong malayo kayo!"

 

"Engot ka, cute siya!"

 

"Payatot ka, siya hindi!"

 

"Magulo ka, tahimik lang siya!"

 

"Hindi ka naman talaga mabait Choi Sooyoung! Alam ko nagpapa-impress ka lang!"

 

"Bakit ba ako na-apektohan sa katulad mo!"

 

"Siguro hindi lang ako ang nilalandi mo!"

 

"Ayuko talaga sa ngiti mo! Naiinis ako!"

 

"Siguro pati grades binibili mo!"

 

"Hindi lahat nakukuha niyo mga mayaman Choi Sooyoung!"

 

"Tayo mag date?! Mukha mo!" hinihingal si Yoona sa kaka-sigaw.

 

"Mga inutil kayong mga S4, hindi niyo naman talaga alam ang totoong buhay!"

 

"Puro lang kayo pasarap!"

 

"Purket ba mahirap lang ako tina-trato mo akong ganyan!"

 

"Ganun ba dapat pag mahirap, pwede na bastosin ng mga mayaman!"

 

"Sino ka ba sa akala mo Choi Sooyoung?!" galit na sigaw ni Yoona.

 

"Ano ba bakit ang ingay mo!" sabi ng isang babae, mula sa kanyang likod.

 

Dali dali lumingon si Yoona. Dahil natatakot siya, kasi bawal ang studyante sa rooftop. Naiisip niya baka staff ng LSMU ang sumita sa kanya. Pero nagkakamali siya, dahil nung tiningnan niya itsura ng may ari ng boses ay si Kwon Yuri ito! Ang crush niya! Sigaw pa kasi! Palihim sinusumpa ang sarili.

 

"Na-distorbo ba kita Yuri?" tanong ni Yoona sa babaeng mukhang inaantok.

 

"Hindi halata?" tanong din ni Yuri kay Yoona.

 

"Kwon Yuri!"

 

A-alis na sana si Yuri sa rooftop ng hawakan siya ni Yoona sa braso. Tiningnan lang ni Yuri ang braso niya na hawak ni Yoona, naghihintay kung ano sasabihin ni Yoona. Binitawan ni Yoona ang braso ni Yuri.

 

"Im Yoona" inabot ni Yoona kamay niya kay Yuri.

 

"Ah, kilala mo naman ako diba?" tanong ni Yuri kay Yoona. Tumango si Yoona bilang sagot "Pwede na ba ako umalis?" tanong ulit ni Yuri. Hindi tinanggap kamay ni Yoona. Hahawakan na sana niya ang doorknob ng tawagin ulit siya ni Yoona.

 

"Babalik ka pa ba dito?" nahihiyang tanong ni Yoona kay Yuri.

 

"Hindi na siguro, masyado ng maingay eh" tsaka tuluyan na umalis si Yuri sa rooftop.

 

Sus! Pare-pareho lang pala kayo! Sabi ni Yoona sa sarili habang nakatingin sa pintuan kung saan lumabas si Yuri.

 

 


 

 

"OhSoo, Hyo at Tae aalis muna ako ha" nagpa-alam si Yuri sa mga kaibigan niya habang nakatungin sa screen ng Cellphone niya.

 

"Ah! Yul saan ka nanaman ba pupunta?!" pabirong reklamo ni Sooyoung. Habang si Taeyeon busy sa pag inom at si Hyoyeon busy sa pagbabasa ng libro.

 

"Nasa Airport na si Jessica" tipid na sagot ni Yuri. Tama na ito, para makuha attensyon ni Taeyeon at Hyoyeon.

 

"I-hi mo ako kay Jessie" bilin ni Taeyeon kay Yuri. Tumango lang si Yuri.

 

"Mag-ingat kayong dalawa" tinapik ni Hyoyeon ang balikat ni Yuri. Alam niya masaya kaibigan nila dahil matagal na niya ito hinihintay.

 

"Papuntahin mo siya dito Kwon Yuri" immaturity ni Sooyoung.

 

Pinangdilatan siya ni Taeyeon at Hyoyeon.

 

"Bakit ba?" tanong ni Sooyoung sa dalawa.

 

"Sige alis na ako" nagpa-alam ulit si Yuri kay Sooyoung, Taeyeon at Hyoyeon.

 

Ni-yakap ni Yuri si Sooyoung at ni-yakap din siya ni Sooyoung.

 

"Goodluck" bulong ni Sooyoung sa tenga ni Yuri.

 

"Salamat OhSoo" sagot ni Yuri.

 

"Si Sooyoung lang?" mula sa likod ni Yuri narinig niya nag-salita si Taeyeon.

 

"Hoy sali naman kami dyan" nakangisi si Hyoyeon.

 

Niyakap ni Yuri si Taeyeon. Tinatapik ni Taeyeon balikat ni Yuri habang naka-yakap. Ni-yakap din ni Yuri si Hyoyeon bumitaw agad si Yuri at ngumiti sa mga kaibigan niya. Sa totoo lang kinakabahan talaga siya. 4years hindi niya nakita si Jessica. May unfinished business pa siya kay Jessica. Ilang taon din siya naghintay sa pagbalik ni Jessica. Ngayon makikita na niya ito. Araw-araw siya pumupunta sa Coex Mall para makita lang ang malaking picture ni Jessica, na iniindorso niya. Minsan nagtatagal siya 30minutes kakatitig sa litrato ni Jessica. Kinakausap niya ito. Minsan pag wala masyado tao, lalo na pag umaga. Hinahalikan niya ang picture ni Jessica.

 

"Salamat sa inyo." nakangiting sabi ni Yuri sa mga kaibigan niya. "Naghihintay na siya sa akin. Sige" sabi ulit ni Yuri habang nakatingin sa cellphone niya.

 

Nagsimula na maglakad si Yuri papalayo sa mga kaibigan niya. Pero nakaka-ilang hakbang pa lang siya tinawag siya ni Taeyeon. Lumingon siya at nakita niya mga kaibigan niya gumagawa ng fighting pose. Ngumiti ulit si Yuri at nagpatuloy sa pag-lalakad, kung saan naruroon ang taong matagal na niya hinihintay.

 

"Ah ako din, a-alis na din muna ako." sabi ni Taeyeon kay Sooyoung at Hyoyeon.

 

"Saan ka ba pupunta?" tanong ni Hyoyeon sa pinsan niya.

 

"Basta sa importanteng tao" nangiti sabing ni Taeyeon sa pinsan at kaibigan niya.

 

"Hoy Kim Taeyeon! Wag mo sabihin sa akin yung..." sigaw ni Sooyoung kay Taeyeon.

 

Dahil simula pagkabata ay magkaibigan na talaga sila. Kaya kilalang-kilala na ni Sooyoung ang mga ito.

 

"Haha!" tumawa si Taeyeon habang tumatakbo papalayo kay Hyoyeon at Sooyoung.

 

Tulad ni Yuri nawala na din ito sa paningin ni Sooyoung at Hyoyeon.

 

"Hay! Papaano pa ba tayo magiging S4 kung wala silang dalawa!" sigaw ni Sooyoung kay Hyoyeon. Tila naiirita dahil iniwan lang sila ng mga ito.

 

"Hindi naman kasi dapat magkasama tayo lagi OhSoo" sabi ni Hyoyeon kay Sooyoung. "Tulad ngayon..."

 

"Bakit?" tila nahuhula-an na ni Sooyoung sasabihin ni Hyoyeon. Nagsimula nanaman siyang magalit.

 

"Kasi, magla-lunch ako kasama si Seohyun" sagot ni Hyoyeon.

 

"Ah sige bahala kayo!" nagsimula maglakad si Sooyoung. Iniwan si Hyoyeon.

 

"Bakit wala ka bang date?"

 

Hindi inaasahan ni Hyoyeon na ang lakas pala ng boses niya. Dahil nakakalayo na ng konti si Sooyoung kaya napalakas ang boses niya. Nakalimutan niya na nasa public place sila. Alam niya nahihiya si Sooyoung ngayon dahil maraming nakarinig ng tanong niya.

 

"Hindi ko kailangan yun!" sigaw ni Sooyoung at nagpatuloy sa paglalakad.

 

"Ya-yayain mo si Im Yoona!" sigaw ulit ni Hyoyeon.

 

Na-tigilan sa paglalakad si Sooyoung pero hindi siya lumilingon sa direksyon ni Hyoyeon. Ilang segundo rin siya huminto pero nagpatuloy parin siya sa paglalakad. Parang bang wala siyang naririnig.

 

 


 

 

"Pakiramdam ko Gold digger yang Yoona na yan." sabi ng babaeng naka short hair

 

"Hah!" umuyam ang maliit na babae. "Ambisyosa! Taas ng pangarap!"

 

"Dahil si Sooyoung ang pinaka mayaman sa S4 kaya siya talaga ang target. May utak pala kalaban natin girl" sabi ng babaeng naka short hair.

 

"So.. Ano plano natin girl?" tanong ng maliit na babae.

 

"Lumapit ka" sabi ng babaeng naka short hair.

 

Lumapit ang maliit na babae sa babaeng naka short hair. Bumulong siya sa maliit na babae. Ngumiti ang babaeng naka short hair habang bumubulong. Maya maya ang babaeng maliit nakangiti na rin.

 

"Nice plan girl!" sabi ng maliit na babae. "Patay sa atin ambisyosa na yun!"

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
Sooyoung and Yoona holding hands on #GG3rdJPNTOUR *sobbing*

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Lam ko 'to <3 Isa 'to sa pinaka favorite ko sa wattpad na Soona :D
itsmecarylann
#2
Chapter 48: i think there's a reason why she's crying. I will prepare myself for incoming chapters.


Wow update, I miss you
Smilers #3
Chapter 44: Update soon hehe
A_Deewaggie
#4
Chapter 43: It's a short update but it's okay author :)
I hope your condition now it's okay author :)
Update soon :))) But don't forget yourself to rest :)
YoongMae-ssi
#5
Chapter 40: JungLi... Love each other na lang..

Then, YulSic forever!

And of course SooNa, HartHart~~ :3

*sabog confetti para sa 3 couple* hehe
shikshinhot24
#6
Chapter 40: tssss my JungLi ♥ <////3 ang sakit ate lang pala ni sulli crush ni krsytal <////3
YoongMae-ssi
#7
Chapter 39: Sooyoungie!! So sweet, always go to Yoongie's house. :3
YoongMae-ssi
#8
Chapter 39: YulSic!!! Yuri-ah!! Do something!!!
YoongMae-ssi
#9
Chapter 37: hoho! JungLi! Sulli's kinda crazy! XD

I really hope YulSic will get better VERY SOON!!

SooNa! I love you both. Always! The BEST!!! :3
crpdm15
#10
Chapter 37: JungLi moment ftw! Awtsuu my YulSic hearts is hurt. Huhuhu