Jealousy...

[SOSHI Tales] Soshi Four

 

 

"Baby asan ka na ba?!" nag-aalalang tanong ni Sooyoung.

 

"Baby, sinamahan ko friend ko"

 

"May ibibigay sana ako sayo baby" sabi ni Sooyoung.

 

"Later baby, pupuntahan kita"

 

"Namimiss na kita...." bulong ni Sooyoung.

 

"Namimiss na din kita baby, matatapos na rin kami"

 

"I love you" ngumiti si Sooyoung ng matamis kahit alam niya hindi ito nakikita ni Yoona.

 

"I love you too......" paglalambing ni Yoona. "So much!"

 

Tumawa ng marahan si Sooyoung. "Bye....."

 

Mag-isang naglakakad si Sooyoung papunta sa classroom ng Soshi Four. Marahil nasa loob na mga kaibigan niya. Ngumiti si Sooyoung habang pinagmamasdan ang Ring Box na hawak niya. Dalawa ito, ang isa ay suot na niya at yung isa ibibigay niya kay Yoona. Excited na siyang ibigay sa kanya ito. Gusto niya ipangako nila sa isa't isa na hinding hindi na sila mag-aaway habang sinusuot ang sing-sing.

Papasok na sana si Sooyoung nang marinig niya boses ni Yoona mula sa baba.

 

"Jonghyun, paano aalis na ako?" boses ni Yoona.

 

"Salamat sa tulong" boses ng isang lalaki.

 

Naglakad si Sooyoung papalapit sa railings para tingnan si Yoona mula sa baba. Nakita niya si Yoona nakangiti sa kausap nyang lalaki. Ang may ari ng boses na kausap ni Yoona. Pinanuod niya lang ito, pinigilan niya ang selos niya. Tiningnan niya ekspresyon sa mukha ni Yoona habang kausap ang lalaki.

 

"Walang anuman" sabi ni Yoona.

 

Mula sa taas ay nakita niya ang lalaki lumapit kay Yoona at hinagkan niya ito. Muntik mabitawan ni Sooyoung ang ring box na hawak niya pero inagapan niya ito at tumakbo siya.

 

Napa-piksi si Yoona nang makita niya lumalapit mukha ng binata sa mukha niya. Sa sobrang gulat niya ay nasampal niya ito.

 

"Know your limits Jonghyun" sabi ni Yoona habang nakatingin ng masama sa binata.

 

"So─So─Sorry" nauutal na sabi ni Jonghyun.

 

"Natagpuan ko na ang taong mamahalin ko at gusto ko siyang makasama habang buhay. Ayuko masira kami dahil lang sa ginawa mo" malamig na sabi ni Yoona. Hindi ito nakatingin sa binata, pero ramdam niyang galit ito sa kanya.

 

"Deserving ba siya?" tanong ni Jonghyun.

 

Tumango si Yoona at nagsimula na siyang naglakad palayo sa binata.

 

 


 

 

"May tiwala naman ako kay Yoona" sabi ni Sooyoung habang nakatingin sa salamin.

 

"Hindi ako magagalit" sabi niya ulit.

 

Kinuyom niya ang kanyang dalawang kamay. "Hindi ko mapigilan magalit!!!!!!!"

 

"BAKIT BA ANG DAMING PUMAPASOK SA RELASYON NAMIN?!" sigaw ni Sooyoung.

 

Sinapak ni Sooyoung repleksyon niya sa salamin. Nabasag ito at naglikha ng napaka-lakas na ingay. Nagsimulang tumulo ang mga dugo sa kamao ni Sooyoung, pero hindi niya ito maramdaman. Dahil mas masakit pa rito ang nararamdaman niya. Naiinis siya dahil napaka-daming nakapagitan sa kanilang dalawa.

Narinig niya bumukas ang pinto. Kahit hindi niya tingnan mga ito ay alam niya kung sino mga ito.

 

"OhSoo!" sigaw ni Taeyeon habang patakbo lumapit sa kanya.

 

Si Yuri at Hyoyeon naman ay nakatingin sa basag na salamin at napa-iling silang dalawa. Kahit hindi nila ito tanongin ay alam na nilang si Yoona nanaman ang dahilan. Nagiging marahas talaga si Sooyoung pag nasasaktan. Lumapit silang dalawa at nag-squat sa harap ni Sooyoung.

 

"Choi..." mahinang tawag ni Yuri.

 

Bumuntong hininga si Taeyeon tsaka hinawakan kamay ni Sooyoung. "Halika sa infirmary" sinubukan hilahin si Sooyoung patayo pero hindi niya ito kaya.

 

"Sige, kami nalang pupunta sa infirmary. Ikaw bahala kumausap sa kanya" bulong ni Yuri kay Taeyeon.

 

Tumango si Taeyeon bilang sagot kay Yuri.

 

"Tara Hyo" sabi ni Yuri.

 

 

"Tara" sagot ni Hyoyeon, tila narinig nito binulong ni Yuri kay Taeyeon.

 

 

Nang makalabas na si Yuri at Hyoyeon ay umupo si Taeyeon sa sahig. Sa tabi ni Sooyoung. Sinandal niya rin ulo niya sa pader. Sinulyapan niya ang kamay ng kaibigan niya na punong-puno ng dugo. Nakaramdam ng kirot sa puso si Taeyeon. Nasasaktan din siya pag nakikita nasasaktan mga kaibigan niya. Lalong-lalo na pagdating si Sooyoung. Dahil ito ang pinakamatatag sa kanila apat.

 

"Soo, ano ba nangyari?" kalmadong tanong ni Taeyeon.

 

"Naiinis ako sa sarili ko Taeng!" giit ni Sooyoung.

 

"Bakit naman?" tanong ulit ni Taeyeon.

 

"Kasi hindi ko mapigilan mag-selos! Alam ko naman ako mahal niya eh. Pero naiinis parin ako!" umiiyak nanaman si Sooyoung.

 

"Ano ba nangyari?" hindi na siya nagbigay ng opinyon. Balak niyang pakinggan lang ito.

 

"Nakita ko yung lalaki, hinahalikan si Yoona sa pisngi! Hindi ko mapigilan magduda eh!" sinuntok niya ang sahig.

 

"Ayuko mag away kami. Pero ang sakit eh. Hindi mawala sa isip ko!" sigaw ni Sooyoung.

 

Pinunasan ni Sooyoung luha niya, hindi parin pinapansin ang dumudugo nitong kamay.

 

"Tae, hindi ko mapigilan mag-isip na baka niloloko niya lang ako!" sigaw ni Sooyoung.

 

Tumayo si Sooyoung at binuksan ang taps tsaka hinugasan dugo niya. Nagulat si Taeyeon dahil wala man lang ito nararamdamang sakit.

 

"Baby!" sigaw ni Yoona habang tumatakbo papasok ng banyo.

 

Napansin ni Yoona ang bubog ng mga salamin sa paa-nan niya at may mga dugo ito. Tiningnan niya ng masama si Sooyoung at sinampal niya ito sa pisngi.

 

"ANO BA SA TINGIN MO, GINAGAWA MO?!" sigaw ni Yoona.

 

"Sa labas muna ako" bulong ni Taeyeon habang naglalakad palabas ng banyo.

 

Hindi pinansin ni Yoona si Taeyeon. Hinahawakan niya ang kamay nito at nagsimulang tumulo luha niya.

 

"Sira ulo ka ba talaga?!" tanong ni Yoona habang niyayakap ito.

 

"Bakit ba palagi mo ako sinasaktan?" umiiyak siya sa balikat ni Sooyoung.

 

"Bakit ba palagi mo nalang ako pinagaalala?" humagul-gol si Yoona.

 

Niyakap ni Sooyoung si Yoona ng napakahigpit habang tinatapik likod nito. "Sorry, hindi ko sinasadya"

 

"Masaya ka ba pag nakikita mo akong umiiyak?!" patuloy parin siya sa pag iyak.

 

"Hindi.." mahinang sagot ni Sooyoung.

 

"Eh bakit mo ko palag─" hindi natapos ang sasabi ni Yoona dahil hinahalikan na siya ni Sooyoung.

 

 

"Natahimik yata?" sabi ni Hyoyeon habang dinidikit tenga niya sa pintuan ng restroom.

 

"Baka may kung anong nangyari?" suhesyon ni Yuri.

 

Binuksan ni Taeyeon ang pintuan at pumasok silang tatlo. Hindi nila inaasahan ang nakita nila. Naghahalikan na ang mga ito. Dahan-dahan sinara ang pintuan tsaka umalis silang tatlo.

 

 


 

 

"ARAY!" napapiksi si Sooyoung.

 

"Magdusa ka!" sabi ni Yoona habang nililinis sugat nito.

 

"Yoong!" sigaw ni Sooyoung.

 

Sumimangot si Yoona tsaka tinapon ang cotton buds. Umiwas siya ng tingin kay Sooyoung.

 

"Baby?" lambing ni Sooyoung habang pinapasandal ito sa kanya.

 

"Bakit ka nanaman ba tinutopak?" seryosong tanong ni Yoona.

 

"Hindi na mahalaga yun" sagot ni Sooyoung.

 

"Ako ba dahilan?" tiningnan ni Yoona si Sooyoung sa mata.

 

"Hindi.." tanggi ni Sooyoung.

 

"Sinungaling!" tatayo sana si Yoona ng hawakan ni Sooyoung mga kamay niya. Tiningnan niya ito at hinintay sasabihin nito.

 

"Natatakot ako.." bulong ni Sooyoung.

 

Hindi sumagot si Yoona umupo ulit siya sa tabi nito. At nakinig sa sasabhin ni Sooyoung.

 

"Baka kasi..."  bumuntong hininga si Sooyoung.

 

"Baka ano?" tanong ni Yoona.

 

"Baka mawala ka sa akin..." tinakpan ni Sooyoung mga mata niya gamit ang palad niya.

 

"Hindi mangyayari yun" hinawakan ni Yoona magkabilang pisngi nito.

 

"Nakita ko hinalikan ka ng lalaki. Natakot ako. May possibilidad na pwede ka mawala sa akin" umiyak si Sooyoung.

 

Kumunot noo ni Yoona. "Halikan?"

 

"Nakita ko kayo" bulong ni Sooyoung.

 

"Hindi niya ako hinalikan! Lumayo ako!" paliwanag ni Yoona.

 

Hindi alam ni Sooyoung kung maniniwala siya sa sinasabi ni Yoona. Dahil sa direksyon niya ay kitang kita niya na hinalikan siya ng lalaki. Bumuntong hininga siya at iniawasan ng tingin si Yoona.

 

"Sooyoungie.." hinawakan ni Yoona kamay ni Sooyoung.

 

Napangiwi si Sooyoung sa sobrang sakit. Agad ito binitawan ni Yoona.

 

"Sorry.." malungkot na sabi ni Yoona.

 

"Sorry palagi nalang kitang sinasaktan" sabi ni Yoona.

 

 

Narrator: Long time no update .. I got into car accident last week .. So .. Yeah ! Thats why

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
Sooyoung and Yoona holding hands on #GG3rdJPNTOUR *sobbing*

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Lam ko 'to <3 Isa 'to sa pinaka favorite ko sa wattpad na Soona :D
itsmecarylann
#2
Chapter 48: i think there's a reason why she's crying. I will prepare myself for incoming chapters.


Wow update, I miss you
Smilers #3
Chapter 44: Update soon hehe
A_Deewaggie
#4
Chapter 43: It's a short update but it's okay author :)
I hope your condition now it's okay author :)
Update soon :))) But don't forget yourself to rest :)
YoongMae-ssi
#5
Chapter 40: JungLi... Love each other na lang..

Then, YulSic forever!

And of course SooNa, HartHart~~ :3

*sabog confetti para sa 3 couple* hehe
shikshinhot24
#6
Chapter 40: tssss my JungLi ♥ <////3 ang sakit ate lang pala ni sulli crush ni krsytal <////3
YoongMae-ssi
#7
Chapter 39: Sooyoungie!! So sweet, always go to Yoongie's house. :3
YoongMae-ssi
#8
Chapter 39: YulSic!!! Yuri-ah!! Do something!!!
YoongMae-ssi
#9
Chapter 37: hoho! JungLi! Sulli's kinda crazy! XD

I really hope YulSic will get better VERY SOON!!

SooNa! I love you both. Always! The BEST!!! :3
crpdm15
#10
Chapter 37: JungLi moment ftw! Awtsuu my YulSic hearts is hurt. Huhuhu