Everything Seems So Perfect

[SOSHI Tales] Soshi Four

 

 

 

"On the way na ako" sabi ni Sooyoung habang nagmamaneho

 

"Ok" sagot ni Yoona mula sa kabilang line.

 

"Bilisan mo gusto ko kasi pag andyan na ako ay aalis ka agad tayo" sabi ni Sooyoung habang nakahawak dalawang kamay niya sa steering wheel.

 

"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ni Yoona. "Sigurado ka ba na nagpa-alam ka na?"

 

"Basta! Bye I Love You!" pagmamadali ni Sooyoung.

 

"Hmm.. Madaya!" hindi binaba ni Sooyoung ang tawag, hinihintay niya Girlfriend niya sumagot sa I Love You niya. "I Love You too"

 

"Wow.. Nawalan tuloy ako gana ibaba itong tawag na toh" ngumiti ng matamis si Sooyoung.

 

"Hoy Sooyoungie diba nagmamaneho ka?" pag-alalang tanong ni Yoona.

 

"Ok..ok.. Bye Baby Yoongie" binaba ni Sooyoung ang tawag.

 

 


 

 

"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ni Yoona habang nilalagay gamit niya sa backseat ng kotse ni Sooyoung.

 

"Ki-kidnappin ka" pabirong sagot ni Sooyoung

 

"Malandi ka" bumelat si Yoona kay Sooyoung at bumelat din si Sooyoung sa kanya. "Saan ba kasi?"

 

"Sa Yangyang tayo pupunta" sagot ni Sooyoung sumuko siya dahil alam niyang hindi siya titigilan nito.

 

"Malayo yun eh!" reklamo ni Yoona.

 

"Malapit lang" sagot ni Sooyoung

 

"Malayo sabi eh!" kumunot noo ni Yoona.

 

"Malapit!" tipid na sagot ni Sooyoung.

 

"Mala─Ano ba ginagawa mo Choi Sooyoung?" namula si Yoona ng makita niya mukha ni Sooyoung na malapit sa mukha niya. Maya maya ay bumababa ang likod ng inuupuan niya.

 

"Matulog ka muna, medyo mahaba pa ang byahe natin" sabi ni Sooyoung habang nakangiti ng matamis sa Girlfriend niya.

 

"At bakit naman ako matutulog?!" matigas na tanong ni Yoona.

 

"At bakit hindi? Galing sa LSMU tapos papasok ka agad ka sa Big Hwang's Coffee Shop. At alam ko napuyat ka kagabi habang kakaisip sa panliligaw ko sayo kahapon" taas baba kilay ni Sooyoung.

 

"Hoy ang feeling mo ha!" naiinis na sabi ni Yoona pero totoo naman sinabi ni Sooyoung.

 

"Baby Yoongie.. Tulog na gigisingin nalang kita pag andun na tayo" paglalambing ni Sooyoung habang nagmamaneho.

 

Pumikit nalang si Yoona, sumunod siya na parang bata. Hanggang sa tuloyan sya nakatulog.

 

"Yoongie baby?" tawag ni Sooyoung kay Yoona pero hindi ito sumasagot. "Hehe! Cute" Napatingin si Sooyoung kay Yoona tsaka bumalik tingin niya sa kalsada.

 

Sumulyap ulit si Sooyoung kay Yoona at babalik sana tingin niya sa kalsada ng may nadaanan siya ng tingin. Napansin niya ang ikli ng palda ni Yoona at kitang kita binti niya. Nag init ang pisngi ni Sooyoung dahil sa nakita niya. Nagdesisyon siya huminto muna sa pagda-drive at bumaba sa kotse niya. Lumabas siya at nagtungo sa compartment, may kinuha siya. Ng makabalik siya ay pumasok ka agad siya sa kotse, nilagay niya ang Jacket na hawak niya sa binti ni Yoona.

 

Nang masiguro niya natakpan na binti ni Yoona ay nagsuot siya ng seatbelt at nagsimula magmaneho. Bumuntong hininga si Sooyoung habang umiiling.

 

"Pasalamat ka, hindi ako mapagsamantalang tao. Pag nagkataon baka na ka na ngayon" bulong ni Sooyoung. "Sana ngayon lang nangyari yan, ayuko may bumabastos sayo" dugtong ni Sooyoung. "Kasi ang laki ng respeto ko sayo"

 

 


 

 

Nagising si Yoona dahil sa ingay ng mga ibon at alon. May naamoy siyang dagat. Dahan dahan siya bumangon at hinanap niya si Sooyoung pero wala ito sa tabi niya. Napansin niyang may Jacket nakapatong sa binti niya. Marahil nilagay ito ni Sooyoung habang natutulog siya.

 

"Ang sweet niya talaga" ngumiti si Yoona.

 

Lumabas si Yoona ng kotse at sumalubong sa kanya ang napaka gandang dagat ng Naksansa Temple. Nakahawak siya sa kahoy habang tinitingnan ang dagat. Maya maya ay nakita ni Yoona si Sooyoung nakatayo sa loob ng Uisangdae Pavilion. Tumakbo kaagad si Yoona sa Uisangdae at niyakap niya si Sooyoung mula sa likod.

 

"Baby" pag tawag ni Yoona habang nakayakap siya kay Sooyoung.

 

"Gising na pala ang Baby Yoongie ko. May nangyari ba baby?" tinanggal ni Sooyoung kamay ni Yoona sa pagkakayakap niya at niyakap niya ito paharap.

 

"Akala ko iniwan mo na ako sa kotse Baby Sooyoungie"

 

Hinawakan ni Sooyoung ang magkabilang pisngi ni Yoona at dinampian niya ito ng halik sa labi. "Bakit ko naman iiwan taong mahal ko?" dinampian niya ulit si Yoona hanggang sa ngumiti si Yoona.

 

"Malandi ka talaga" dinampian din ni Yoona si Sooyoung sa labi.

 

"Sa taong mahal ko lang" nakangiting sagot ni Sooyoung tsaka hinalikan niya si Yoona.

 

Naramdaman ni Yoona nanghihina at nanginginig tuhod niya. Dahil sa hangin na bumabangga sa paa niya. Tumigil si Sooyoung at kinuha mula kay Yoona ang hawak niyang Jacket. Nagulat si Yoona ng bigla lumuhod si Sooyoung sa harap niya, tinali ni Sooyoung ang Jacket sa bewang ni Yoona at binutones ang Jacket at natakpan hanggang tuhod ni Yoona. Tumayo si Sooyoung at ngumiti.

 

Halos matunaw si Yoona sa kinatayuan niya. Ang sweet niya

 

"Baby Yoongie komportable ka n─" naputol ang sasabihin ni Sooyoung ng hinalikan siya ni Yoona sa labi.

 

Tumigil lang sila ng hindi na sila makahinga. Dahan dahan sila naglayo at namumula si Yoona.

 

"S-salamat" nauutal na sabi ni Yoona.

 

"Para sa?" tanong ni Sooyoung habang na aamuse sa girlfriend niya.

 

"Dahil sa pag-aalaga mo sa akin" mahinang sabi ni Yoona.

 

"Obligation ko yun, hindi dahil Girlfriend kita. Dahil mahal kita" seryosong sabi ni Sooyoung.

 

"Ang swerte ko sayo" mahinang sabi ni Yoona.

 

"Talagang maswerte ka sa akin!" masayang sabi ni Sooyoung.

 

"Overwhelm ka naman" natatawang sabi ni Yoona.

 

"Naman! Dahil sinabi yun ng taong mahal ko" hinalikan ni Sooyoung si Yoona sa noo.

 

 


 

 

"Nasaan ba si Sooyoung?" nagaalalang tanong ni Taeyeon.

 

"Nakapatay phone niya eh" sabi ni Hyoyeon habang pinipindot cellphone niya.

 

"Baka kasama niya si Yoona" suggestion ni Yuri.

 

"Gusto ko makasiguro" sabi ni Taeyeon.

 

"Hello Seohyun" sabi ni Hyoyeon habang may kausap sa cellphone. Dali dali lumapit si Taeyeon kay Hyoyeon.

 

"Hello Hyo unnie?"

 

"Pumasok ba si Yoona, Seo?" tanong ni Hyoyeon sa kausap niya sa cellphone.

 

"Hindi eh, ikaw nga umamin sa akin Kim Hyoyeon. May gusto ka ba kay Yoona unnie? Bakit mo ba siya hinahanap palagi?"

 

"Alam mo naman sinong gusto ko diba? Selos ka?" inaasar ni Hyoyeon si Seohyun.

 

"In your dreams! Wala ka na iba sasabihin? Sige bye na"

 

Narinig ni Hyoyeon ang busy tone. Kumunot noo niya.

 

"Anong nangyari dun?" bulong ni Hyoyeon sa sarili.

 

"Ano na Hyo? Pumasok ba daw si Yoona?" tanong ni Taeyeon.

 

"Hindi daw Taeng" tipid na sagot ni Hyoyeon.

 

"See? Magkasama silang dalawa, hayaan niyo na sila" sabi ni Yuri habang pinapasak ulit earphones niya.

 

 


 

 

Kasulukuyan naka upo si Sooyoung at Yoona sa bench ng tabing dagat at nakasandal si Yoona sa balikat ni Sooyoung.

 

"Alam mo Baby Sooyoungie, pakiramdam ko. Ligtas ako pag andyan ka" pag amin ni Yoona.

 

"Po-protektahan kita palagi baby" sabi Sooyoung.

 

"Wag mo ako iiwan ha?" sabi ni Yoona.

 

"Pangako" sumagot kaagad si Sooyoung.

 

"Inaantok ako Baby" sabi ni Yoona habang dahan dahan siya pumipikit.

 

"Matulog ka lang sa balikat ko" sabi ni Sooyoung.

 

Tiningnan ni Sooyoung si Yoona at nakita niyang nakapikit na ito. Ngumiti siya habang sinusuklay buhok ni Yoona. Napansin ni Sooyoung nalaglag ang manggas ng damit ni Yoona, dahan dahan niya ito tinaas ang manggas ni Yoona para matakpan ang makinis niyang balikat.

 

"Napaka perpekto ng nangyayari sa atin Yoona, sana ganito tayo palagi."

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
Sooyoung and Yoona holding hands on #GG3rdJPNTOUR *sobbing*

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Lam ko 'to <3 Isa 'to sa pinaka favorite ko sa wattpad na Soona :D
itsmecarylann
#2
Chapter 48: i think there's a reason why she's crying. I will prepare myself for incoming chapters.


Wow update, I miss you
Smilers #3
Chapter 44: Update soon hehe
A_Deewaggie
#4
Chapter 43: It's a short update but it's okay author :)
I hope your condition now it's okay author :)
Update soon :))) But don't forget yourself to rest :)
YoongMae-ssi
#5
Chapter 40: JungLi... Love each other na lang..

Then, YulSic forever!

And of course SooNa, HartHart~~ :3

*sabog confetti para sa 3 couple* hehe
shikshinhot24
#6
Chapter 40: tssss my JungLi ♥ <////3 ang sakit ate lang pala ni sulli crush ni krsytal <////3
YoongMae-ssi
#7
Chapter 39: Sooyoungie!! So sweet, always go to Yoongie's house. :3
YoongMae-ssi
#8
Chapter 39: YulSic!!! Yuri-ah!! Do something!!!
YoongMae-ssi
#9
Chapter 37: hoho! JungLi! Sulli's kinda crazy! XD

I really hope YulSic will get better VERY SOON!!

SooNa! I love you both. Always! The BEST!!! :3
crpdm15
#10
Chapter 37: JungLi moment ftw! Awtsuu my YulSic hearts is hurt. Huhuhu