Let's Get Married Jessica....

[SOSHI Tales] Soshi Four

 

Narrator: HyoHyun chapter since its Seo's birthday .. Happy birthday Maknae ....

 

"Jessica.."

 

Natulala si Jessica ng makita niya si Yuri nakatayo sa harap ng Desk niya. Namimiss na niya ito, sobra. Gusto niya tumakbo rito at yakapin ng napakahigpit. Pero hindi siya makagalaw. Ni-hindi niya man lang kayang tumayo mula sa swivel chair niya. Andun din ang pride na nagdidikta sa kanya. May kung anong bumubulong sa gilid niya tungkol sa pagsuko ni Yuri noon. Ayaw niya muna isipin yun, dahil ang importante ay andito na si Yuri. Pero ipaglalaban na niya ba ako? o Naparito lang siya dahil sa ibang dahilan? Nanghina si Jessica sa ideya na yun.

 

"I...love.you....Je...Sica" nauutal na wika ni Yuri habang naglalakad palapit kay Jessica.

 

Kinagat ni Jessica ang labi niya para mapigilan tumulo ang mga luha niya. Oo namimiss niya ito at mahal niya rin ito. Pero hindi makalimutan ni Jessica ang ginawang pag iwan ni Yuri sa kanya sa eri. Nung panahon na kaya pa nilang solusyonan ang lahat.

 

"No Yuri! You're not inlove with me" bulaslas ni Jessica habang nagkukunwareng may hinahanap.

 

"I LOVE YOU JESSICA!" bulyaw ni Yuri tsaka siniil ng halik si Jessica. "I'm so sorry........."

 

"Too late Yuri..." kaswal na wika ni Jessica. "I'm getting married with Tyler Kwon...I'm so sorry"

 

"May isang buwan pa ako Jessica. Bigyan mo ko ng pagasa" hinigpitan lalo ni Yuri ang pagkakayakap niya kay Jessica.

 

"Binigyan na kita ng pagasa Yuri.." malungkot na wika ni Jessica.

 

"Jessica please!" nagsimulang humagulgul si Yuri habang yakap-yakap ito ng napaka-higpit. "Lumaban tayo please!"

 

"Hindi ko mapipigilan ang pagtakbo ng araw Yuri...Ikakasal na ako" dahan-dahan tumulo luha ni Jessica.

 

"Kakausapin si Mr. Jung para i-tigil ang kasal Jessica. Please, wag kang mawala sa akin!" pagmamakaawa ni Yuri.

 

"...Sorry..." tanging yun lang ang lumabas sa bibig ni Jessica.

 

"O, si Tyler! Kakausapin ko siya! Parang awa mo na Jessica!" lalong hinigpitan ni Yuri pagkakayakap niya dito. Para siyang bata na takot maagawan ng laruan.

 

"No! Don't do that!" nagpupumiglas si Jessica sa pagkakayap ni Yuri.

 

Binitawan ni Yuri si Jessica. At tiningnan ito ng napakapait. Halos hindi naman makatitig sa mga mata niya si Jessica. Pero pilit siyang pinapaharap ni Yuri.

 

"Mahal mo ba ako Jessica?" tumigil sa pag iyak si Yuri. "Wag kang magsinungaling please"

 

"Kwon Yuri pareho lang tayo masasaktan!"

 

"Atleast lumaban ako.....Tayo....Lumaban tayo"

 

"Please....." humagulgul na rin si Jessica.

 

"Wag kang umiyak, Jessica" agad pinunasan ni Yuri mga luha ni Jessica.

 

"Mahal kita pero nahihirapan na ako..." bumuntong hininga si Jessica.

 

"Lumayo na tayo Jessica....Magsama na tayo.." huminto sa pagsasalita si Yuri at may kung anong kinuha mula sa bulsa ng coat niya.

 

Nang malaman ni Jessica kung ano tong kinuha ni Yuri mula sa bulsa niya ay agad nanaman namuo ang luha sa mga mata niya. ".....Yul..."

 

Binuksan ni Yuri ang isang maliit na kahon. "Alam kong napaka-walang kwenta proposal na toh. Pero sana makinig ka muna"

 

Tumango-tango naman si Jessica bilang sagot.

 

"Ang araw na toh ang importanteng araw ng buhay ko. Ito ang araw na mababago ikot ng mundo ko.." ngumiti ng matamis si Yuri habang pinupunasan ng kabilang kamay ang mga luha ni Jessica.

 

"Jung Sooyeon...Jessica Jung.... Sumama ka na sa akin...Magsama na tayo"

 

"Wala akong paki-alam kung si Tyler Kwon ang mapapakasalan mo sa kabilang buhay........"

 

"Pero ngayon.....Magpakasal na tayo, pasisiyahin kita. Pangako" agad sinuot ni Yuri ang singsing sa ringfinger ni Jessica.

 

Hindi nakasagot si Jessica. Iisa lang lumilipad sa utak niya. Totoo ba talaga ito? o Nanaginip lang ako?

 

"Rejection ba?" mapait na wika ni Yuri.

 

"Kailan ba ako tumanggi sayo?!" agad hinila ni Jessica ang collar ng coat ni Yuri tsaka hinalikan si Yuri. "Yes...Yes..Kwon Yuri"

 

"TALAGA?!" nagtaas ng boses si Yuri.

 

"Opo fiance" malambing na boses ni Jessica.

 

"HAHAHA!" tumawa ng malakas si Yuri. "Gusto ko tono nun ah?" sinandal ni Yuri noo niya sa noo ni Jessica.

 

 


 

 

Gabi na ng ihatid ni Sulli si Krystal sa apartment nito. Kagagaling lang nila sa skwelahan. Kailan lang ay hinire ni Sulli si Krystal bilang tutor dahil alam niyang kailangan ng pera ni Krystal. Dahil gusto rin tulongan ni Sulli si Krystal, pero hindi nito tinatanggap ang binibigay niyang pera. Gusto nitong paghirapan ang perang makukuha niya.

Lihim sinusulyapan ni Sulli si Krystal. Tila naghahanap siya ng tyempo. Gusto niya kasi itong imbetahin sa Birthday Party ng mama niya. Pero nahihiya siya rito at mukhang pagod si Krystal. Baka tarayan lang siya nito pag tinanong niya ito.

 

"Sulli...Ayos ka lang?" tanong ni Krystal habang nakangiti.

 

"Ayos lang ako...Gutom lang siguro ako" ngumiti rin si Sulli.

 

"Malungkot ka yata eh" kumunot noo ni Krystal habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Sulli.

 

"Hindi naman........." kinagat ni Sulli ibabang labi niya.

 

"Ganun?" sumimangot si Krystal.

 

Nagulat si Sulli ng bigla siyang yakapin ni Krystal. Bigla bumilis tibok ng puso niya. Parang nagwawala ito nang dahil sa ginawa ni Krystal. Dahan-dahan siya napangiti.

 

"Alam ko malungkot ka...At sana napagaan ko loob mo" ngumiti ng matamis si Krystal.

 

"Masaya na ako Krystal" hindi nawala ngiti sa mukha ni Krystal.

 

"Sana nga........" alanganing sagot ni Krystal. "Bakit ka nga ba malungkot?"

 

"Hindi naman ako malungkot...May iniisip lang" yumuko si Sulli para itago ang namumula niyang pisngi.

 

"Iniisip?" nagisip si Krystal.

 

"Oo..." tipid niyang sagot.

 

"Tungkol saan?" tanong ulit ni Krystal.

 

Tumikhim muna si Sulli bago sumagot.. "Ano kasi..Tungkol sa..."

 

"Saan?" seryosong wika ni Krystal.

 

"Sa party ng mama ko" tinakpan ni Sulli mukha niya.

 

"Uy bakit?" nagaalalang tanong ni Krystal.

 

"Gusto sana kita yayain bilang date ko sa Party ni mama" diretsahang sagot ni Sulli.

 

Nabigla si Krystal sa sinabi ni Sulli kaya hindi siya nakasagot agad.

 

"Ok, sorry..." malungkot na wika ni Sulli tsaka tumalikod kay Krystal.

 

"No! Wait" pinigilan ni Krystal si Sulli.

 

"Nevermind" desmayadong wika ni Sulli.

 

"Hey!" agad hinabol ni Krystal si Sulli.

 

"Ayus lang..." pilit ngumiti si Sulli.

 

"Pumapayag ako..." ngumiti si Krystal.

 

Tumigil sa paglalakad si Sulli tsaka lumingon kay Krystal. "Talaga?!"

 

"Yes, pumapayag ako" pag ulit ni Krystal.

 

"Yes! Salamat Krystal" tumalon-talon si Krystal.

 

"Tumigil ka nga!" sumimangot si Krystal.

 

"Sa?" hindi maiintindihan ni Sulli sinasabi ni Krystal.

 

"Sa kakatalon!" tipid niyang sagot tsaka tumalikod kay Sulli para maglakad papunta sa Apartment niya.

 

Ngumiti si Sulli habang pinapanuod niya si Krystal naglalakad palayo sa kanya.

 

"Bukas ulit ha?" sigaw ni Sulli habang nakangiti.

 

"See you tomorrow!" sigaw rin ni Krystal

 

"Goodnight!" sigaw ulit ni Sulli.

 

"Goodnight" sagot ni Krystal.

 

"I Love You" bulong ni Sulli habang nagsisimula na ring maglakad palayo.

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
Sooyoung and Yoona holding hands on #GG3rdJPNTOUR *sobbing*

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Lam ko 'to <3 Isa 'to sa pinaka favorite ko sa wattpad na Soona :D
itsmecarylann
#2
Chapter 48: i think there's a reason why she's crying. I will prepare myself for incoming chapters.


Wow update, I miss you
Smilers #3
Chapter 44: Update soon hehe
A_Deewaggie
#4
Chapter 43: It's a short update but it's okay author :)
I hope your condition now it's okay author :)
Update soon :))) But don't forget yourself to rest :)
YoongMae-ssi
#5
Chapter 40: JungLi... Love each other na lang..

Then, YulSic forever!

And of course SooNa, HartHart~~ :3

*sabog confetti para sa 3 couple* hehe
shikshinhot24
#6
Chapter 40: tssss my JungLi ♥ <////3 ang sakit ate lang pala ni sulli crush ni krsytal <////3
YoongMae-ssi
#7
Chapter 39: Sooyoungie!! So sweet, always go to Yoongie's house. :3
YoongMae-ssi
#8
Chapter 39: YulSic!!! Yuri-ah!! Do something!!!
YoongMae-ssi
#9
Chapter 37: hoho! JungLi! Sulli's kinda crazy! XD

I really hope YulSic will get better VERY SOON!!

SooNa! I love you both. Always! The BEST!!! :3
crpdm15
#10
Chapter 37: JungLi moment ftw! Awtsuu my YulSic hearts is hurt. Huhuhu