Waitress

[SOSHI Tales] Soshi Four

 

 

"Asan ka na ba Kwon Yuri?! Alam mo bang hindi ako sinamahan ni Taeyeon at Hyoyeon dito!!" sigaw ni Sooyoung sa kausap niya sa cellphone.

 

Naiinis siya dahil mag-isa siyang umiinom ngayong Valentines Day! Nung tinawagan niya si Taeyeon halos masuka si Sooyoung. Dahil sa naririnig niya na ingay mula sa linya ni Taeyeon. Kahit hindi niya ito nakikita alam niya kung ano ginagawa ni Taeyeon sa mga oras na yun.  Kaya binaba nalang niya ang tawag. Tinawagan niya si Hyoyeon, para imbitahin na uminom kasama siya. Pero tinanggihan din siya nito dahil magkasama sila ni Seohyun ngayon. 'Study Date' ito kung tawagin ni Hyoyeon. Matagal na niya nililigawan si Seohyun, ilang ulit siya binasted nito dahil wala daw siyang balak makipag relasyon. Pero patuloy parin si Hyoyeon sa pag suyo kay Seohyun. Kaya hinayaan nalang din niya ito. Last hope, si Yuri. Dahil alam niyang single din ito, napaka loyal niya sa taong minahal niya ng patago. Pareho silang single ni Yuri pero ang pinagkakaiba nila ay hindi pa umiibig si Sooyoung kahit minsan.

 

"OhSoo" mula sa kabilang line naririnig niya ang antok na boses ni Yuri. Halatang kagigising lang nito, o baka nagising siya dahil sa tawag ni Sooyoung. "OhSoo makipag speed dating ka nalang para may kasama ka ngayon"

 

"Ano ba tingin mo sa akin?! Desperado?!" galit na tanong ni Sooyoung kay Yuri. "Ang speed dating ay para sa mga taong desperado lang!"

 

"Edi matulog ka nalang din OhSoo" tila walang paki alam si Yuri sa sinasabi ni Sooyoung. "Ayuko talaga lumabas ngayon. Tinatamad akong lumabas ngayon. Subukan mo kaya makipag relasyon OhSoo para sa susunod na Valentines may ka-date ka na."

 

"Siguro nga Kwon Yuri, kaya kayo pana-in ni kupido. Pero ibahin niyo ako, hindi ako kaya ng sinasabi niyong kupido! Hinding hindi ako magmamahal. Wala sa kukute ko makipag relasyon. Kaya ko naman maging masaya kahit walang ka relasyon diba?" sagot ni Sooyoung.

 

Humikab si Yuri. Tila ayaw na niya pahaba-in ang usapan. "OhSoo, inaantok talaga ako eh. Pasensya na hindi muna kita masasamahan"

 

Bago makasagot si Sooyoung ay narinig na niya ang busy tone sa kabilang linya. Marahil natulog na ulit si Yuri sa mga oras na toh. Naiinis siya. Kaya uminom nalang siya mag-isa. Nalulungkot siya, hindi dahil wala siyang ka-date kundi nalulungkot siya dahil wala ang mga kaibigan niya.

 

Naputol ang pag muni muni ni Sooyoung ng makarinig siya ng ingay mula sa likod niya. Pero hindi niya ito pinansin, patuloy parin siya sa pag inom. Walang paki-alam sa nangyayari. Kahit nakatalikod siya ay alam niya may nag aaway sa likod niya. May narinig nanaman siyang ingay pero this time parang may nabasag na kung ano. Hindi niya parin ito pinansin.

 

"Hoy Mister! Bastos ka ha! Hindi mo ba alam paano rumespeto ng babae!" sigaw ng babae mula sa likod niya.

 

"Wala kang paki-alam! Waitress ka lang dito!" sigaw ng lalaki mula sa likod niya.

 

"Aba!" sabi ng babae mula sa likod.

 

Lumingon si Sooyoung sa direksyon kung saan may nag-aaway. May nakita siyang isang babae na maiksi ang suot at natutulog sa upuan. May kasama siya sa table na lalaki. Halatang manyakis ito at lasing din. Sa gilid naman may nakita siyang babae naka damit pang waitress. May dala itong tray. Dahil revolving naman ang stool umikot si Sooyoung sa direction ng nag aaway. Tila na-aliw siya sa pinapanuod niya.

 

"Kahit mag-isa lang ako ngayon. Masaya rin pala. Akalain mo free show" natatawa si Sooyoung habang umiinom.

 

Mula sa direksyon ng pintuan ay may nakita siyang dalawang bouncer papunta sa direksyon kung san may nag-aaway. Sigurado siya aawatin niya ang mga ito o papaalisin ang lalaking lasing sa loob ng bar.

 

"Kill Joy naman" sabi ni Sooyoung habang humaharap ulit sa counter bar.

 

THUD! Nagulat si Sooyoung ng may narinig siya kumalabog. Lumingon ulit siya sa direksyon ng nag aaway at nakita niya ang lalaki na nasa sahig na. Umuungol habang hinihimas ulo niya. Sa tingin ni Sooyoung hinampas ng waitress ang lalaki gamit ang tray na hawak nito.

 

"Hoy Mister! Wag kang mapagsamantala. Wag kang mangbastos ng babae! Hindi ka ba tinuruan ng nanay mu rumespeto ng babae?!" sabi ng waitress.

 

"Hay nako mapapahamak talaga babaeng toh" bumaba si Sooyoung sa stool at lumapit siya sa nag-aaway.

 

"G*go kang waitress ka ha!" sigaw ng lalaki.

 

Akma'y sasapakin na ng lalaki ang waitress ng pigilan siya ni Sooyoung. Tiningnan sya ng masama ng lalaki, pero wala siyang magawa. Dahil siguro sa sobrang kalasingan ng lalaki, wala na siyang lakas para makawala sa pagkakahawak ni Sooyoung. Hinawakan ng mahigpit ni Sooyoung ang pulso ng lalaki. Sasapakin sana ng lalaki si Sooyoung gamit ang isang kamay niya ng lumapit ang dalawang bouncer.

 

"Salamat Ms. Choi" sabi ng isang bouncer habang pinoposasan ang lalaki.

 

"Salamat!" sabi ng waitress

 

Hindi pinansin ni Sooyoung ang bouncer at waitress, bumalik sya stool kung saan siya naka-upo kanina.

 

 


 

 

Nakatayo si Sooyoung sa gilid ng kotse nya. Bubuksan na sana ni Sooyoung ang kotse nya ng may narinig siyang umiiyak. Akala ni Sooyoung guni-guni niya lang un. Dahil sa tingin niya siya lang mag isa ng mga oras na toh. Papasok na sana ni Sooyoung ang susi sa keyhole ng may narinig ulit siya.

 

"Paano ako makakapag-ipon nito" boses ng babae.

 

Hinanap ni Sooyoung kung saan galing boses na yun. Impossible naman minumulto siya diba? Kasi hindi din naman siya naniniwala sa multo. Naglakad si Sooyoung sa harapan ng kotse niya at may nakita siyang babae nakaupo sa car stopper. Sa tingin niya nagtatago ito sa harap ng kotse niya. Nilapitan niya ito. Kahit nakayuko ulo nito ay napansin ni Sooyoung ang waitress pala ito kung saan siya umiinom kanina.

 

"Paano si mama at papa" sabi ng waitress habang umiiyak.

 

"Miss" inabot ni Sooyoung ang panyo niya sa waitress.

 

Nainip si Sooyoung dahil hindi parin tinatanggap ng babae ang panyo niya. Naiinis siya dahil nagmamagandang loob na nga siya, ayaw pa tanggapin. Pero maya maya tumingala ito sa kanya. For the first time nakita niya ng maayos itsura ng waitress. Kasi kanina sa loob ng bar madilim, hindi niya masyado nakita itsura ng babae. Pero ngayon nakita na niya ito sa maliwanag napansin niyang maganda ito. Tinanggap ng waitress ang panyo na kanina pa inaabot ni Sooyoung.

 

"Salamat ulit" ngumiti ang waitress at pinunasan ang luha nya gamit ang panyo ni Sooyoung.

 

Nararamdaman ni Sooyoung nag-iinit ang mga pisngi niya. Niyanig ng waitress na toh ang mundo ni Sooyoung sa isang ngiti lang. Hindi niya namamalayan nakangiti siya habang nakatingin sa waitress. Napansin ni Sooyoung nakatingin ang waitress sa kanya, tila nagtataka kung anu nangyayari sa kanya. Nahiya siya kaya dali-dali siya umalis at sumakay sa kotse niya. Pina-andar niya ang kotse at aalis na sana, pero kumakatok ang waitress sa bintana ng kotse niya. Kaya binaba ni Sooyoung ang bintana para marinig sinasabi ng waitress.

 

"Panyo niyo" sabi ng waitress habang nakangiti. "Maraming salamat talaga"

 

"Wag na basura na yan" nag sungit siya para hindi mahalata ng waitress. Nakatingin siya sa ibang direksyon. Dahil alam niyang namumula siya at ayaw niya makita ng waitress yun. "Kumalma ka puso" sabi ni Sooyoung sa sarili niya.

 

"Pero salamat parin" sabi ng waitress. "Im Yoona pangalan ko, ikaw?" sabi ulit ng waitress.

 

"Hindi ko tinatanong pangalan mo" sabi ni Sooyoung habang tinataas ang bintana ng kotse niya

 

Umalis agad si Sooyoung bago pa siya mawala sa sarili niya. Nagpanggap siyang walang paki alam sa waitress pero sa totoo lang masaya siya na malaman pangalan nito. First time niya makaramdam ng ganito.

 

Ang cute niya para magsuot ng basurang uniform na yun.

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
Sooyoung and Yoona holding hands on #GG3rdJPNTOUR *sobbing*

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Lam ko 'to <3 Isa 'to sa pinaka favorite ko sa wattpad na Soona :D
itsmecarylann
#2
Chapter 48: i think there's a reason why she's crying. I will prepare myself for incoming chapters.


Wow update, I miss you
Smilers #3
Chapter 44: Update soon hehe
A_Deewaggie
#4
Chapter 43: It's a short update but it's okay author :)
I hope your condition now it's okay author :)
Update soon :))) But don't forget yourself to rest :)
YoongMae-ssi
#5
Chapter 40: JungLi... Love each other na lang..

Then, YulSic forever!

And of course SooNa, HartHart~~ :3

*sabog confetti para sa 3 couple* hehe
shikshinhot24
#6
Chapter 40: tssss my JungLi ♥ <////3 ang sakit ate lang pala ni sulli crush ni krsytal <////3
YoongMae-ssi
#7
Chapter 39: Sooyoungie!! So sweet, always go to Yoongie's house. :3
YoongMae-ssi
#8
Chapter 39: YulSic!!! Yuri-ah!! Do something!!!
YoongMae-ssi
#9
Chapter 37: hoho! JungLi! Sulli's kinda crazy! XD

I really hope YulSic will get better VERY SOON!!

SooNa! I love you both. Always! The BEST!!! :3
crpdm15
#10
Chapter 37: JungLi moment ftw! Awtsuu my YulSic hearts is hurt. Huhuhu