Expiration..

[SOSHI Tales] Soshi Four

 

Narrator: Happy Mother's Day to all mom .. Especially to my mom .. She is so lucky to have me .. LMAO

 

 

"Yoona..."

 

"Yoona..Gising"

 

Dumilat si Yoona at una niyang nakita ang mama niya. Nakangiti ito sa kanya. Agad niya tiningnan ang wallclock niya. Sa pag akalang late nanaman siya. Pero 5:43am pa lang ng umaga.

 

"Mama, bakit?" dahan dahan bumangon si Yoona at kinusot mga mata niya.

 

"Pinabibigay sayo" sabi ng mama niya habang inaabot ang isang napakalaking bouquet ng Lisianthus

 

Tinanggap ito ni Yoona at inamoy amoy ng ilang beses. Ngumiti siya dahil may ideya na siya kung kanino galing bulaklak na ito. Kagigising pa lang niya ay napa-ngiti na siya.

 

"Mama, andyan pa siya?" tumayo ka agad si Yoona.

 

"Oo, sigurado nasa labas pa siya" ngumiti si Mrs Im kay Yoona.

 

"Salamat mama" agad agad tumayo si Yoona at lumabas ng kwarto ng nakapaa.

 

Nang makalabas si Yoona hinanap ka agad niya si Sooyoung. Hindi man lang siya nag abala magsuot ng tsinelas. Tumakbo siya papuntang kalye, hindi siya sumuko. Hinanap niya si Sooyoung. Hanggang sa matapakan niya ang bubog ng bote. Umiyak siya habang pinagmamasdan ang kanyang kanang paa. Dahan dahan siya umupo at tinanggal ang naiwan na bubog sa kanang paa niya.

Hindi namalayan ni Yoona may lumapit na pala sa kanya.

 

"Aish! Bakit kasi!"

 

Tumingala si Yoona at nakita niya si Sooyoung may dalang bandage conforming at alcohol. Yumuko si Sooyoung at hinawakan kanan paa ni Yoona. Nalungkot si Sooyoung habang pinagmamasdan ito.

 

"Tara sa bahay niyo" yumuko si Sooyoung sa harap ni Yoona.

 

Sumakay naman si Yoona sa likod ni Sooyoung at yumakap siya sa patalikod kay Sooyoung. Maya maya umiyak ito ng mahina sa balikat niya. Nararamdaman ni Sooyoung unti unto nababasa likod niya.

 

"Masakit ba?" nagalalang tanong ni Sooyoung.

 

"Hindi naman" mahinang sagot ni Yoona.

 

"Bakit ka umiiyak?" tanong ulit ni Sooyoung.

 

"Namiss kita" bulong ni Yoona.

 

"Dapat lang" ngumiti si Sooyoung. "I love you...."

 

"I love you too" agad agad sagot ni Yoona.

 

"Diba si Yuri naman mahal mo?" mahinang tanong ni Sooyoung.

 

"ANONG YURI SINASABI MO?! Kanino mo ba narinig yan?" binatokan niya ng mahina si Sooyoung.

 

"Kay Seohyun" sagot ni Sooyoung.

 

"Oo totoo humanga ako sa kanya, pero ikaw naman mahal ko" pag amin ni Yoona hinihigpitan niya pagyakap kay Sooyoung.

 

"Bakit mo siya hinalikan?" malungkot na tanong ni Sooyoung.

 

"Yoona anak, napano ka?!" nagalalang tanong ni Mrs. Im tumakbo ito palabas ng bahay nila.

 

"Wala po ito mama" sagot ni Yoona.

 

"Naglakad kasi siya na nakapaa lang" naiinis na sagot ni Sooyoung habang yumuko siya sa harap ng upuan, dahan dahan binaba niya si Yoona.

 

"Nako sa susunod anak! Wag mo na uulitin yun ha?" nakasimangot na sabi ni Mrs. Im

 

"Hindi na po ma-uulit" sabi ni Yoona habang nakatingin sa inaabot ni Sooyoung sa mama niya. "Ayuko masakit yan!"

 

"Para din sayo to" sabi ng mama niya habang binubuhos ni Mrs. Im alcohol sa bulak na hawak niya.

 

"Mama!" reklamo ni Yoona.

 

"Ako na po Mama Im" pag awat ni Sooyoung kay Mrs. Im

 

"Ah sige" ngumiti si Mrs. Im kay Sooyoung. "Dito ka na kumain anak"

 

"Sige po kung yan gusto niyo" ngumiti din si Sooyoung.

 

 


 

 

Umaga pa lang bumisita na si Tiffany sa Condo ni Taeyeon. May dala siyang pagkain, para sabay sila kumain ng agahan ni Taeyeon. Naging hobby na kasi nila ito. Tinatawag pa ito ni Taeyeon na "Morning Date".

Nag ensayo muna ngumiti si Tiffany at kung ano sasabihin nito. Bago niya pinindot ang Doorbell.

 

"Taeyeon, pwede ba ako kumain dito" tsaka ngumiti si Tiffany sa harap ng pader. Aish! Ang pangit!

 

"Taeyeon, gusto mo mag agahan tayo? May dala akong pagkain para sayo. Luto ko" nawala ngiti ni Tiffany. Magiging Obvious naman ako!

 

"Taeyeon, hindi ka kasi pumunta sa shop kaya binisita kita. May dala akong breakfast" sumimangot si Tiffany. Bahala na nga!

 

Nagdalawang isip pa si Tiffany pindutin ang doorbell. Dahil kinakabahan siya. Pumikit siya at pinindut ang Doorbell. Pinindut niya ulit ang Doorbell ng ikalawang beses dahil hindi parin ito binubuksan ni Taeyeon. Pi-pindutin na niya sana ulit ang Doorbell ng bigla ito bumukas. Lumitaw si Taeyeon sa likod ng pintuan. Halatang kagigising lang nito, kasi magulo ang buhok nito at naniningkit mga mata niya. Napansin ni Tiffany naka Bathrobe ito.

Magsasalita na sana si Tiffany ng may lumitaw na babae sa likod ni Taeyeon. Nakabathrobe din tulad ni Taeyeon. Maganda ito at mukhang bata pa

 

"Babe, sino siya?" tanong ng babaeng nasa likod ni Taeyeon.

 

"Ah, si Fany. Nakalimotan ko" kinamot ni Taeyeon likod ng ulo niya. "Tiffany si Lee Ji Eun,  Ji Eun si Tiffany Hwang"

 

"Hi, nice meeting you" sabi ni Ji Eun.

 

"Same here" awkward na sagot ni Tiffany.

 

"Babe, sumunod ka na ha. Lalamig yung pagkain na niluto ko" sabi ni Ji Eun.

 

Bago ito umalis, hinalikan niya si Taeyeon sa labi tsaka ito nagpaalam kay Tiffany. Nakita yun ng dalawang mata ni Tiffany. Gusto na mag breakdown ni Tiffany sa harap ng dalawa pero hindi niya ito ginawa. Kinontrol niya sarili niya.

Lumabas si Taeyeon sa unit niya at sinara ang pintuan. Hindi pa siya nagsasalita ay sinalubong na siya ng sampal ni Tiffany.

 

"ANG KAPAL NG MUKHA MO PARA LOKOHIN AKO!" sigaw ni Tiffany.

 

"Niloko? Paano?" bumuntong hininga si Taeyeon habang hinahawakan pisngi niya. Kung saan siya sinampal ni Tiffany.

 

"BAKIT MO SINABI NA GUSTO MO AKO! MAY GIRLFRIEND KA NA PALA!" sumbat ni Tiffany.

 

"Tiffany.." kalmadong tawag ni Taeyeon.

 

"SINO KA BA SA AKALA MO!" akmay sasampalin ulit siya ni Tiffany ng pigilan ito ni Taeyeon.

 

Mahigpit ang pagkakahawak ni Taeyeon sa pulso ni Tiffany. "BAKIT? TAYO BA PARA MAGALIT KA?" sigaw ni Taeyeon sa mukha ni Tiffany.

 

Sumandal si Tiffany sa pader habang dahan dahan siya bumaba at naupo sa sahig. Nagsimula na siyang umiyak. Napaka-sakit nito para sa kanya. Yumuko si Taeyeon at niyakap si Tiffany.

 

"Ika nga, walang permanente sa mundong ito Tiffany. Lahat may expiration, kahit feelings" kalmadong sabi ni Taeyeon.

 

"Pasensya na" tumayo si Taeyeon at pumasok siya sa unit niya.

 

 


 

 

Kasulukuyan naglalakad si Sooyoung at Yoona sa kalye. Papunta sa kotse ni Sooyoung kung saan niya ito iniwan. Pareho silang tahimik. Walang gusto magsalita. Pero kahit ganito sila, alam ni Yoona ok na sila ni Sooyoung.

 

"Bakit mo ba siya hinalikan?" tinanong ulit ni Sooyoung si Yoona.

 

"Hindi ako ang humalik, siya." sagot ni Yoona habang nakatitig sa mga mata ni Sooyoung.

 

"Pwede ka naman lumayo" bumuntong hininga si Sooyoung.

 

"Nagulat lang talaga ako, tapos bigla ka dumating" nagsimulang mahulog mga luha ni Yoona.

 

Tumigil sa paglalakad si Sooyoung at pinunasan luha nito gamit panyo niya.

 

"Ikaw lang naman hinahalikan ko. Alam kong ayaw mong tinatapakan ka pero..." sabi ni Yoona.

 

Lumipat si Yoona sa harap ni Sooyoung. Tinapakan ni Yoona dalawang paa ni Sooyoung at sinabit dalawang kamay niya sa batok ni Sooyoung. Automatiko naman nilagay ni Sooyoung kamay niya sa bewang ni Yoona. Dahil siya baka mahulog ito. Tumingkayad siya tsaka hinalikan niya si Sooyoung sa ilong, magkabilang pisngi at sa labi.

Kahit na pinagtitinginan na sila ng mga tao ay hindi ito pinansin ni Sooyoung at Yoona. Nagtagal ng ilang minuto ang paghahalikan nila. Dahan dahan lumayo mga labi nila sa isa't isa at pinagdikit noo nila habang nakatitig sila sa mata ng isat isa.

 

"I love you, Sooyoung"

 

"I love you more Yoona"

 

Hahalikan sana ni Sooyoung si Yoona ng may pumalakpak. Pareho sila napalingon ni Sooyoung, at nakita nila mga tao nakapaligid sa kanilang dalawa. Sabay silang yumukod at tumakbo papalayo sa mga tao.

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
Sooyoung and Yoona holding hands on #GG3rdJPNTOUR *sobbing*

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Lam ko 'to <3 Isa 'to sa pinaka favorite ko sa wattpad na Soona :D
itsmecarylann
#2
Chapter 48: i think there's a reason why she's crying. I will prepare myself for incoming chapters.


Wow update, I miss you
Smilers #3
Chapter 44: Update soon hehe
A_Deewaggie
#4
Chapter 43: It's a short update but it's okay author :)
I hope your condition now it's okay author :)
Update soon :))) But don't forget yourself to rest :)
YoongMae-ssi
#5
Chapter 40: JungLi... Love each other na lang..

Then, YulSic forever!

And of course SooNa, HartHart~~ :3

*sabog confetti para sa 3 couple* hehe
shikshinhot24
#6
Chapter 40: tssss my JungLi ♥ <////3 ang sakit ate lang pala ni sulli crush ni krsytal <////3
YoongMae-ssi
#7
Chapter 39: Sooyoungie!! So sweet, always go to Yoongie's house. :3
YoongMae-ssi
#8
Chapter 39: YulSic!!! Yuri-ah!! Do something!!!
YoongMae-ssi
#9
Chapter 37: hoho! JungLi! Sulli's kinda crazy! XD

I really hope YulSic will get better VERY SOON!!

SooNa! I love you both. Always! The BEST!!! :3
crpdm15
#10
Chapter 37: JungLi moment ftw! Awtsuu my YulSic hearts is hurt. Huhuhu