First Heartbreak

[SOSHI Tales] Soshi Four

 

Narrator: I will post the english version soon .. Dont worry .. Sorry for making you wait .. Mianhaeyo *bow16x*

 

Nalate si Yoona pumasok sa LSMU. Dahil hindi agad siya makatulog kagabi. Ayaw na ayaw pa niya naman na nalalate. Dahil alam niya dramatic entrance palagi pag nalate siya. Ayaw niya sa lahat pag pumasok siya sa LSMU na tinitingnan siya ng masama ng mga studyante. As if may ginawa siyang masama. Ngayon naman ay madaming tao sa dinadaanan niyang hallway. Hindi sila makasama makatingin, nakangiti lang ang mga ito sa kanya. Kaya nawe-weirdohan siya sa nangyayari. Pag sinabi kong madami. Talagang madami! Halos lahat ng studyante ay nasa labas ng classroom nila hinintay si Yoona dumaan. Pero may masama siyang nararamdaman tungkol dito.

Nakita niya si Seohyun, patakbo habang lumalapit sa kanya. Tila nata-taranta ito.

 

"Yoona unnie!" hinihingal na sabi ni Seohyun.

 

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Yoona.

 

"Pwede magtanong?" sabi ni Seohyun habang hinahabol ang hininga niya.

 

"Sure" sagot ni Yoona kay Seohyun.

 

"Kayo na ba ni Sooyoung?" seryosong tanong ni Seohyun.

 

"H-ha?! Bakit mo natanong? Syempre hindi!" tanggi ni Yoona.

 

"Sumunod ka sa akin Yoona unnie" sabi ni Seohyun habang tumatakbo ito.

 

Sumunod naman si Yoona pero wala parin ka ide-ideya sa nangyayari. "Saan ba?" tanong ni Seohyun. Napansin ni Yoona na papunta sila sa School Lobby.

 

"Yoona unnie halika tingnan mo bulletin board" tinuro ni Seohyun ang napaka laking bulletin board.

 

Binasa ni Yoona ang nasa loob ng bulletin board. Pero puro Current Events, Activities, Club and Announcement. Napansin ni Yoona dumami ang tao sa likod nila ni Seohyun. Halos pagkagulohan na siya. Binasa niya ang nasa huli announcement.

 

Hands Off!

IM YOONA IS MINE!

 - Choi Sooyoung

 

Ano ba sa tingin mo ginagawa mo Choi Sooyoung?! Galit na tanong ni Yoona sa sarili. Nung dumaan si Yoona ay nagsi-tabihan na ang mga studyante at hinayaan siya ng mga ito dumaan. Tumakbo siya papunta sa classroom ni Sooyoung, Yuri, Taeyeon at Hyoyeon. Sa sobrang inis ni Yoona halos hindi na niya napansin pagod niya.

 

"Yoona, may problema ba?" tanong ni Hyoyeon kay Yoona.

 

"Nasaan si Sooyoung?" kalmadong tanong ni Yoona kay Hyoyeon.

 

"Papasok na yun maya maya" sagot ni Hyoyeon.

 

Dumaan ang isang minuto ay pumasok na si Sooyoung sa classroom nila at nakita niya si Yoona nagulat siya kung bakit andito siya.

 

"Yoongie, may proble─" hindi pa natapos sasabihin ni Sooyoung ay sinapak siya ni Yoona sa mukha.

 

"Ano ba talaga binabalak mo Sooyoung?! Ano ba talaga problema mo sa akin?! Aga-aga binubwesit mo na ako! Utang na loob umalis ka na sa buhay ko! Simula nung nakilala kita. Puro gulo binigay mo sa akin! Tigilan mo na ako Sooyoung! Hindi purket mahirap lang ako ay pwede mo na ako maging laruan! Hindi ako mamababaw tulad ng iniisip mo! Kla-klarohin ko lang sayo." tumigil muna si Yoona. Sa totoo lang nasasaktan din siya habang tinitingnan niya mga mata nito. "Wala akong gusto sayo! At kailan man hindi kita mamahalin! Magiging masaya na ako kung mawawala ka sa buhay ko" nung sinabi yun ni Yoona ay parang tumigil ang pag tibok ng sariling puso ni Yoona.

 

"Ikakasaya mo ba talaga yun?" tanong ni Sooyoung kay Yoona. Pinipigilan luha niya. "Sige, basta ipapangako mung magiging masaya ka" sabi ni Sooyoung kay Yoona.

 

"Masaya ako nung hindi ka pa dumating sa buhay ko" naramdaman ni Yoona na may tumusok sa puso niya at napaka sakit nito.

 

"Pasensya na kung pinilit kita Yoongie" malungkot na sabi ni Sooyoung pero pilit ito ngu-mingiti. "Simula ngayon, hinding-hindi na kita gugulohin" umalis ito sa classroom nila at lumabas.

 

Umupo si Yoona sa sahig tsaka humagulgol. Lumapit si Hyoyeon at Taeyeon kay Yoona. Dahil ayaw nila maniwala na dahil lang sa papel na yun nagalit si Yoona.

 

"Bakit? Ano ba talaga ang totoo Yoona?" tanong ni Hyoyeon kay Yoona habang hinahagod-hagod nito likod ni Yoona.

 

"Ayuko ko lang talaga saktan si Seohyun. Mahal niya si Sooyoung, hindi ko kaya nakikita siyang ganun. Hyo" sagot ni Yoona habang umiiyak.

 

Nakaramdam ng sakit si Hyoyeon ng sakit ng marinig niya sinabi ni Yoona tungkol kay Seohyun. Pero pingilan niya ito. "Kaya sarili mo nalang sinasaktan mo?"

 

"Kaya ko naman Hyo. Mas kailangan ni Seohyun si Sooyoung" umiiyak parin si Yoona.

 

"Pero ikaw mahal niya! Hindi si Seohyun!" sinigawan ni Taeyeon si Yoona. "Sinaktan mo ng sobra si Sooyoung, Yoona. Alam namin pinagdaanan niya simula nung nagustohan ka niya mula sa bar pa lang. Sabi niya na Love at first sight daw siya sayo! Pero hindi ka na daw ulit nagpakita!" nagtaas ulit boses si Taeyeon.

 

Nung araw na nakilala ko si Tiffany. Nakita ko siya binabastos sa bar kung saan ako nagta-trabaho bilang waitress. Hinihipoan siya ng isang lalaki habang natutulog siya dahil sa sobrang kalasingan niya. Hindi ko masikmura pinagagawa ng lalaki.

 

Kaya inaway ko siya. Binato ko siya ng tinidor. Nakalikha ako ng ingay sa bar. Pero hindi niya ako pinansin.

 

Kaya binato ko sa kanya ang isang bote para tumigil. Pero patuloy parin siya sa pangbabastos kay Tiffany.

 

"Hoy Mister! Bastos ka ha! Hindi mo ba alam paano rumespeto ng babae!" sigaw ko sa lalaking manyak.

 

"Wala kang paki-alam! Waitress ka lang dito!" sigaw ng lalaki.

 

"Aba!" sabi ko dahil nainsulto ako sa sinabi niya.

 

Tinawag ng kasama kong waitress ang dalawang bouncer kung saan malapit lang kung saan ang gulo. Nainis ako dahil hindi parin siya tumitigil sa pangbabastos niya kay Tiffany kaya hinampas ko sa kanya ulo ang tray na hawak ko.

 

"Hoy Mister! Wag kang mapagsamantala. Wag kang mangbastos ng babae! Hindi ka ba tinuruan ng nanay mu rumespeto ng babae?!" sabi ko.

 

"**** kang waitress ka ha!" sabi ng lalaki. Susuntokin na sana ako ng lalaking manyak pero may pumigil sa lalaki. Hindi ang bouncer kundi costumer lang din. Costumer na babae. Pakiramdam ko malakas siya, pinigilan niya ang lalaking manyak sa pag sapak sa akin gamit ang isa niyang kamay. Napansin niya rin namumula na pulsong lalaking manyak. Nagalit siya kaya sasapakin na niya sana ang babaeng costumer. Pero hinawakan ulit ito ng babaeng costumer. Tama tama naman dumating si Ahjusshi Chungsoo at Ahjusshi Leesang.

 

"Salamat Ms. Choi" sabi ni Ahjusshi Chungsoo habang pinoposasan ang lalaki manyak.

 

Nagpasalamat din ako sa babaeng costumer. Pero hindi niya ito pinansin bumalik lang ito sa Counter Bar.

 

Nung araw din yun tinanggal ako sa trabaho dahil sa daming damages ko. Nawalan na ako trabaho, nawalan din ako sweldo para ngayong 15. Para ibayad sa damages ko. Malas ko diba? Sa sobrang inis ko, hindi ko na kaya umabot sa bahay para umiyak. Kaya nagdesisyon ako na magtago nalang sa harap ng kotse, para walang makakita sa akin habang umiiyak. Dahil ayaw ko kinakaawa-an. Nakita ko nanaman yung babaeng costumer, bakit sa dinadami pa kotse dun. Bakit yung kanya pa. Hindi nagtanong ang babaeng costumer kung bakit ako umiiyak. Basta basta niya lang ako binigyan ng panyo para iyakan.

Nung gumaan ang loob ko. Gusto ko makipag kaibigan sa babaeng costumer. Pero para nagmamadali itong umalis. Naglakad ako pauwi dahil wala na akong pera. Thank God. Nadaanan ako ni Tiffany, medyo ok na ito. Parang nahimas-himasan na siya.Hindi na ito mukhang lasing. May inoffer siyang trabaho sa akin.

Kapalit daw ng pag ligtas ko sa kanya ay niyaya niya ako magtrabaho sa Big Hwang's Coffee Shop. Tinanggal ko naman kasi walang wala ako ng mga panahon na yun.

 

"Oo nga! Si Sooyoung nga yun" nagulat si Taeyeon at Hyoyeon sa sinabi ni Yoona.

 

"Ang alin?" tanong ni Hyoyeon.

 

"Wala" lihim ngumiti si Yoona muntik makalimutan na nagaaway sila ni Sooyoung ngayun.

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
Sooyoung and Yoona holding hands on #GG3rdJPNTOUR *sobbing*

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Lam ko 'to <3 Isa 'to sa pinaka favorite ko sa wattpad na Soona :D
itsmecarylann
#2
Chapter 48: i think there's a reason why she's crying. I will prepare myself for incoming chapters.


Wow update, I miss you
Smilers #3
Chapter 44: Update soon hehe
A_Deewaggie
#4
Chapter 43: It's a short update but it's okay author :)
I hope your condition now it's okay author :)
Update soon :))) But don't forget yourself to rest :)
YoongMae-ssi
#5
Chapter 40: JungLi... Love each other na lang..

Then, YulSic forever!

And of course SooNa, HartHart~~ :3

*sabog confetti para sa 3 couple* hehe
shikshinhot24
#6
Chapter 40: tssss my JungLi ♥ <////3 ang sakit ate lang pala ni sulli crush ni krsytal <////3
YoongMae-ssi
#7
Chapter 39: Sooyoungie!! So sweet, always go to Yoongie's house. :3
YoongMae-ssi
#8
Chapter 39: YulSic!!! Yuri-ah!! Do something!!!
YoongMae-ssi
#9
Chapter 37: hoho! JungLi! Sulli's kinda crazy! XD

I really hope YulSic will get better VERY SOON!!

SooNa! I love you both. Always! The BEST!!! :3
crpdm15
#10
Chapter 37: JungLi moment ftw! Awtsuu my YulSic hearts is hurt. Huhuhu