LSMU

[SOSHI Tales] Soshi Four

 

Pang pitong beses na bumuntong hinga si Yoona. Kasalukayan nakatayo siya sa harap ng isang napakalaking gusali. Nagda-dalawang isip siya kung papasok siya o hindi. Gusto na niya hindi na tumuloy at umuwi nalang. Pero sa twing hahakbang na siya papalayo sa malaking gusali, ay naalala niya paki-usap ng mama niya.

 

"Yoona, sige na tumuloy ka na. Sayang naman"

 

"Mama! Hindi ako bagay dun! Tsaka wala akong kakilala dun."

 

"Hindi naman yun ang importante.. Ang importante makakapag aral ka sa kilalang skwelahan. Anak alam mo naman hindi ka namin kaya pag aralin ng papa mo sa ganito pang-mayaman na skwelahan"

 

"Ikaw pag-asa namin ng papa mo Yoona. Iniisip ko lang naman pakanan mo"

 

"Mama! Pwede naman ako mag aral sa ibang skwelahan eh. Kaya nga ako nagtra-trabaho diba?"

 

"Nako Im Yoona hindi ka talaga nag iisip! Anong gusto mo 30years old na gra-graduate?"

 

"Mama, ayoko po. Hindi ako bagay dun"

 

"Sige naman anak, minsan lang may mag bigay ng full time scholarship anak. Kahit na mabaon ako sa utang. Pang allowance mo lang anak"

 

Sige Yoona para kay mama, Diba kaya ka nagtra-trabaho para sa pag aaral mo. Para maipagmamalaki ako ni mama at papa. Bumuntong hininga nanaman si Yoona. Nararamdaman niya ang mabibigat na hakbang habang papa-lapit sa Gate.

 

"Saan punta mo miss?" tanong ng security guard.

 

"Mag i-inquire po" nararamdaman ni Yoona pinagpa-pawisan mga kamay niya.

 

"Talaga?" tiningnan ng security guard si Yoona mula ulo hanggang paa. "Baka nagkaka-mali ka miss"

 

Aba! Walang hiya to ha! Ni-ngitian lang ni Yoona ang security guard at binigay niya ang Scholarship Application Paper.

 

"Ma'am Soojin?"

 

Narinig ni Yoona bulong ng security guard.

 

Diba napaka bias? Porket mahirap lang ako iba na trato sa akin. Kaya ayoko talaga ma involve sa mga Mayaman na to eh. Huhusgahan lang ako.

 

"ID niyo po" magalang na sabi ng security guard.

 

Binigay ni Yoona ang ID niya at pinapasok siya nito sa skwelahan.

 

 


 

 

Gaano ba kalaki school field na toh bago ako makarating sa mismong skwelahan na yan?!

 

Mahigit limang minuto nang naglalakad si Yoona sa skwelahan. Naiirita na siya hindi dahil ang layo-layo pa ng lalakarin niya, nai-irita siya dahil ang mga estudyante lahat nakatingin sa kanya. Para bang criminal siya o para bang nakakita sila ng multo. Iba't ibang estudyante na nakasalubong niya. May mag nobyo, may nagiisa. May nerd, may mukhang basagulero. May naka upo sa damohan habang nag uusap at may natutulog sa damuhan. May walang paki alam sa presensya niya, may masama maka-tingin. May cosplayer, may nagbabasa. May weirdo, may nag-gigitara at iba pa.

 

"Unnie!" may babaeng sumigaw mula sa likuran ni Yoona.

 

Hindi niya ito pinansin dahil madami namang tao. Baka hindi siya ang tinatawag. Patuloy nag lakad si Yoona.

 

"Yoona unnie!" sumigaw nanaman ito. Lumingon na si Yoona.

 

Hindi niya aakalain makikita niya sa skwelahang toh ang Childhood friend niya na si Seo Joohyun. Simula grumaduate na sila sa middle school ay hindi na niya ito nakita. Ngumiti siya ng maluwag at tumakbo siya papunta ka kay Seohyun.

 

"Dongsaeng!" niyakap ni Seohyun si Yoona.

 

"Unnie! Kamusta ka na. Long time no see!"

 

"Ok lang naman ako Seo, ikaw ba? Ang laki ng pinagbago mo ha."

 

"Ito unnie, nag-aaral ng mabuti. Scholar ako dito, Ikaw ba unnie bakit ka naparito?"

 

"Mag-aapply sana ako scholarship Seo" bumuntong hinga si Yoona.

 

"Unnie kaya mo yan! Hwaiting unnie!" ginawa ni Seohyun ang fighting pose. "Go unnie!" ngumiti ito na parang bata.

 

Tumawa ng marahan si Yoona. "Kahit pala ang daming nagbago sayo. Para ka paring bata"

 

"Eh! Tara unnie sa Administration Office!"

 

Nakahinga ng maluwag si Yoona. Ngayon na nalaman niya na hindi pala siya nag iisa. Mabuti naman andito ka Seo kung alam mo lang gano ka hirap para sa akin toh. Sa isip ni Yoona habang nakatingin sa babaeng mas matangkad sa kanya, Busy ito sa pag ku-kwento sa kanya.

 

 


 

 

"Congrats Yoong!!!!" binati ni Tiffany si Yoona habang may dala itong maliit na cake.

 

"Tiffany, hindi pa. May Certificates of your previous education pa, May Motivation letter pa, May Curriculum Vitae pa, TOPIK pa.

 

Narrator: TOPIK means Test of Proficiency in Korean

 

"Requirements lang yun. Pero pag nai-pasa mo na lahat yun pwede ka na mag aral sa LSMU. Kaya mo yan Yoong" himukin ni Tiffany "Fighting Yoong!0"

 

Narrator: Im not sure with "Himukin" Please correct me if I am wrong.

 

Kilala na siya ni Tiffany, alam nito kung ano gumugulo sa isip ni Yoona. Kaya ini-encourage nya ito.

 

"Diba sabi mo, wag ko isipin na hindi ko kaya ang isang bagay. Kasi mawawalan ako lakas ng loob. Kaya mo din yan Yoong!"

 

"Salamat Tiffany, pero sana nga..."

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
Sooyoung and Yoona holding hands on #GG3rdJPNTOUR *sobbing*

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Lam ko 'to <3 Isa 'to sa pinaka favorite ko sa wattpad na Soona :D
itsmecarylann
#2
Chapter 48: i think there's a reason why she's crying. I will prepare myself for incoming chapters.


Wow update, I miss you
Smilers #3
Chapter 44: Update soon hehe
A_Deewaggie
#4
Chapter 43: It's a short update but it's okay author :)
I hope your condition now it's okay author :)
Update soon :))) But don't forget yourself to rest :)
YoongMae-ssi
#5
Chapter 40: JungLi... Love each other na lang..

Then, YulSic forever!

And of course SooNa, HartHart~~ :3

*sabog confetti para sa 3 couple* hehe
shikshinhot24
#6
Chapter 40: tssss my JungLi ♥ <////3 ang sakit ate lang pala ni sulli crush ni krsytal <////3
YoongMae-ssi
#7
Chapter 39: Sooyoungie!! So sweet, always go to Yoongie's house. :3
YoongMae-ssi
#8
Chapter 39: YulSic!!! Yuri-ah!! Do something!!!
YoongMae-ssi
#9
Chapter 37: hoho! JungLi! Sulli's kinda crazy! XD

I really hope YulSic will get better VERY SOON!!

SooNa! I love you both. Always! The BEST!!! :3
crpdm15
#10
Chapter 37: JungLi moment ftw! Awtsuu my YulSic hearts is hurt. Huhuhu