Cinderella

[SOSHI Tales] Soshi Four

 

Narrator: The JungLi seems so familiar right ? xDDD

 

Naglakad ako sa malaking mansyon, hinanap ko si Sooyoung. Pero hindi ko siya makita. Sa katunayan, walang tao sa mansyon ng mga Choi. Nung umakyat ako sa kwarto niya ay wala siya dito. Kaya lumabas ako, nagulat ako dahil nung lumabas ako sa mansyon ng mga Choi ay nasa LSMU na ako. Teleport. Inikot ko ang LSMU, hanggang sa makarating ako sa Rooftop, kung saan kami nahuli ni Yuri.

Nakita ko siya, nakatayo siya malapit sa may mga school generator. Nakaputi siya lahat. Puti suot niya, mula sa sneakers niya, puting jeans at puting sweater. Nagtaka ako sa suot niya dahil kadalasan naman mahilig ito sa dark colors. Lumapit ako sa kanya, lumingon siya sa akin at ngumiti. Yung ngiting na paborito ko.

 

"Baby.." niyakap ako ni Sooyoung.

 

Nararamdaman ko ang lamig niya, at napansin kong namumutla siya.

 

"Baby, ok ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

 

"Yoona, I love you" hindi niya pinansin tanong ko.

 

"I love you too baby!" sagot ko sa kanya at hinawakan ko mga kamay niya. Malamig ito!

"Baby bakit ang lamig ng mga kamay mo?" naga-alalang kong tanong.

 

"Yoona, minahal mo ba talaga ako?" hindi niya nanaman pinansin tanong ko.

 

"Mahal naman talaga kita eh!" agad-agad kong sagot habang binabaon ko mukha ko sa dibdib niya.

 

"Pero Yoona, si Yuri mahal mo diba?" tanong niya sa akin.

 

"HINDI KO MAHAL SI YURI! NI MINSAN HINDI KO SIYA MINAHAL!" pasigaw kong sagot.

 

Nagsimula na akong umiyak, at sinusuntok ko siya ng mahina. Ngumiti siya sa akin, yung nakakaloko niyang ngiti. Tsaka tinatapik niya ako sa ulo. Tulad ng ginagawa niya palagi.

Nakatitig siya sa mga mata ko habang lumalapit mukha niya, tinitigan ko lang din siya at pumikit ako. Maya-maya may narinig akong putok ng baril kaya dinilat ko mga mata ko. Nakita ko siya sumuka ng dugo. Nakita ko rin sa tyan niyang tumutulo niyang dugo.

 

"SOOYOUNG!" sigaw ni Yoona habang bumabangon.

 

Nagsimulang umiyak si Yoona at pinagmamasdan ang nasa paligid niya. Napansin niyang nasa sariling kwarto pala siya. Agad kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Sooyoung. Tumagal ng ilang minuto ang pagri-ring, bago ito sinagot ni Sooyoung. Pero hindi ito nagsasalita.

 

"BABY!" naga-alalang sabi ni Yoona.

 

"Ikaw pala baby" inaantok na sabi ni Sooyoung.

 

Nakahinga ng maluwag si Yoona ng sagotin ito ni Sooyoung "Baby, nasaan ka ba?" naiiyak na tanong ni Yoona.

 

"Nasa kwarto baby, natutulog. Teka! Umiiyak ka ba?" nawala ang inaantok na boses ni Sooyoung.

 

"Binangungot ako baby" sagot ni Yoona at tuloy-tuloy na pagtulo ng luha niya.

 

"TEKA! PUPUNTA NA AKO DYAN!" tsaka binaba ni Sooyoung ang tawag.

 

"Baby! Baby! Wag ka na pumunta dito!" sigaw ni Yoona, pero narinig na niya ang busy tone mula sa linya ni Sooyoung.

 

 


 

 

Isang oras ang lumipas may kumatok sa gate ng mga Im. Tiningnan ito ni Yoona sa bintana kung sino ito, nakita niya si Sooyoung may dala itong kung ano. Agad-agad bumaba si Yoona at pinagbuksan si Sooyoung. Hindi pa nakakapasok si Sooyoung ay nagulat siya sinalubong na siya nito ng yakap ni Yoona.

 

"Baby, sa loob muna tayo. Nakipag-away pa ako sa sampung holdaper" biro ni Sooyoung.

 

"Wag mo ko takotin pwede" binaon ni Yoona mukha niya sa dibdib ni Sooyoung.

 

"Sorry na" ngumiti si Sooyoung tsaka hinalikan noo ni Yoona. Napansin ni Sooyoung hindi masyado nagsasalita si Yoona.

"Baby, may dala akong pagkain" sabi ni Sooyoung.

 

Hindi parin sumasagot si Yoona, kaya sinilip niya mukha nito at nakita niyang umiiyak ito. Nakaramdam ng kirot si Sooyoung habang pinapanuod niya ito. Tinatapik niya likod ni Yoona at hinayaan itong umiyak.

 

"Iyakin" ngumiti si Sooyoung.

 

"Ewan ko sayo!" kinuha ni Yoona ang hawak ni Sooyoung tsaka pumasok ito sa loob.

 

"Tingnan mo nga naman. Ang moody talaga ng babaeng ito" ngumiti si Sooyoung at sinundan niya ito sa loob ng bahay ng mga Im.

 

 


 

 

"Maligayang pagdating Miss Soojin" sabi ni Uncle Jong Min.

 

"Salamat ahjusshi" sagot ni Soojin.

 

Kinuha ni Uncle Jong Min, ang maletang hawak ni Soojin. "Napa-aga dating niyo Miss Soojin"

 

"Si Sooyoung?" tanong ni Soojin.

 

"Maaga umalis, sa tingin ko pinuntahan Girlfriend niya" sagot ni Uncle Jong Min.

 

"Girlfriend?" taas kilay na sagot ni Soojin.

 

"Opo" magalang na sagot ni Uncle Jong Min. "Papa-uwiin ko ba Miss Soojin?"

 

"Wag na, hayaan mo siya dun. Tsaka gusto ko muna magpahinga" umakyat si Soojin sa kwarto niya at iniwan si Uncle Jong Min sa baba.

 

"Nakauwi na si Miss Sulli" pahabol ni Uncle Jong Min.

 

 


 

 

Pinagmamasdan ni Yoona si Sooyoung habang kumakain ito ng ramen. Hinawakan niya din kamay nito at mainit ito. Pero binabantayan niya mga kilos nito. Kung pwede lang hindi ito mawala sa paningin niya.

 

"Baby Yoongie... Kumain ka na lalamig na yan" sabi ni Sooyoung habang abala ito sa pagkain.

 

Sumubo na rin si Yoona pero nakatingin parin siya kay Sooyoung. Nagtaas ng tingin si Sooyoung at nagulat sa titig ni Yoona sa kanya.

 

"Baby... May nagawa ba ako? Kung titigan mo ako parang may kasalanan ako ha" tumigil sa pag subo si Sooyoung at binaba ang chopsticks niya.

 

"Wala naman baby, ayuko lang mawala ka" seryosong sagot ni Yoona.

 

"Hindi ako mawawala baby" sagot ni Sooyoung.

 

Hinalikan ni Sooyoung si Yoona at niyakap ito. Sinubuan niya si Yoona gamit ang chopstick niya.

 

"Mas masarap ka pa sa ramen" ngumiti si Sooyoung.

 

"Ikaw! Manyak ka!" pinalo ng mahina ni Yoona binti ni Sooyoung pero nakangiti ito.

 

"Ano ba iniisip mo? Ikaw ang manyak, wala naman akong ibig sabihin dun" ngumiti si Sooyoung kay Yoona.

 

Pinag-mula ng pisngi ni Yoona ang sagot ni Sooyoung. Pero maya-maya ngumiti siya dahil ito ang Girlfriend niya. Ok na ok at inaasar pa siya.

 

"Wag kang mawawala Baby ha?" sabi ni Yoona habang binabaon nanaman mukha niya sa dibdib ni Sooyoung.

 

"Hindi pa nga ako nagpro-propose sayo eh" nakangiting sabi ni Sooyoung.

 

Nang-gigil si Yoona sa narinig niya at hinalikan si Sooyoung, ngumiti ito sa kanya.

 

"Magpro-propose ka baby?" tanong ni Yoona.

 

"Ayaw mo?" ngumiti ng matamis si Sooyoung.

 

"Paki-ramdam ko Baby. Sobra na yun" sagot ni Yoona.

 

"Sobra?" tanong ni Sooyoung habang nakatingin ito sa kanya.

 

"Masayang-masaya na nga ako ngayon. Paano pa kaya pag nag propose ka sa akin?" niyakap ni Yoona si Sooyoung.

 

"Maniwala ka sa Fairy Tale, baby. Maniwala ka sa Happy Ending natin" bulong ni Sooyoung sa tenga ni Yoona.

 

"At sinong princess naman ako?" ngumiti si Yoona at sinabayan girlfriend niya.

 

"Si Cinderella, ikaw si YoonDerella" ngumisi si Sooyoung habang tinatapik ulo niya.

 

Sa bagay hindi naman nagkakalayo storya ng buhay niya sa storya ni Cinderella. Si Cinderella umibig sa mayamang Prinsepe. Kahit na madami may gusto rito ay si Cinderella pinili nito. Tulad niya, alam niya sa LSMU madaming nagkakagusto kay Sooyoung. Pero siya ang pinili nito, kahit na madami naman mas maganda sa kanya.

 

Magkakaroon ba talaga tayo ng Happy Ending Sooyoung? tanong ni Yoona kay Sooyoung. Habang busy ito sa pag subo sa kanya ng ramen.

 

"YoonDerella hayaan mo akong pagsilbihan ka" ngumiti si Sooyoung kay Yoona.

 

"Ang cute mo! Tumigil ka nga!" ngumiti si Yoona habang namumula dalawang pisngi niya.

 

Bumulong ulit si Sooyoung sa tenga ni Yoona. "Yoongie, hayaan mo. Patutunayan ko sayong totoo ang Happy Ending. Kahit na madami hahadlang sa atin, lagpasan natin ito ng sabay"

 

Tinakpan ni Yoona mukha niya gamit ang dalawa niyang kamay, para itago mula kay Sooyoung namumula niyang mukha. Niyakap siya ni Sooyoung. Nakalimutan ni Yoona ang napanaginipan niya dahil kay Sooyoung.

 

 

Narrator: This will be the Continuation of Soshi Four .. Happy Ending .. If you have time , please read the Foreword .. I will add chapter on Happy if Soshi Four is finish ..

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
Sooyoung and Yoona holding hands on #GG3rdJPNTOUR *sobbing*

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Lam ko 'to <3 Isa 'to sa pinaka favorite ko sa wattpad na Soona :D
itsmecarylann
#2
Chapter 48: i think there's a reason why she's crying. I will prepare myself for incoming chapters.


Wow update, I miss you
Smilers #3
Chapter 44: Update soon hehe
A_Deewaggie
#4
Chapter 43: It's a short update but it's okay author :)
I hope your condition now it's okay author :)
Update soon :))) But don't forget yourself to rest :)
YoongMae-ssi
#5
Chapter 40: JungLi... Love each other na lang..

Then, YulSic forever!

And of course SooNa, HartHart~~ :3

*sabog confetti para sa 3 couple* hehe
shikshinhot24
#6
Chapter 40: tssss my JungLi ♥ <////3 ang sakit ate lang pala ni sulli crush ni krsytal <////3
YoongMae-ssi
#7
Chapter 39: Sooyoungie!! So sweet, always go to Yoongie's house. :3
YoongMae-ssi
#8
Chapter 39: YulSic!!! Yuri-ah!! Do something!!!
YoongMae-ssi
#9
Chapter 37: hoho! JungLi! Sulli's kinda crazy! XD

I really hope YulSic will get better VERY SOON!!

SooNa! I love you both. Always! The BEST!!! :3
crpdm15
#10
Chapter 37: JungLi moment ftw! Awtsuu my YulSic hearts is hurt. Huhuhu