First Day

[SOSHI Tales] Soshi Four

 

Narrator: Feeling better .. :D Thanks for the concern momoiro

 

 

"Tae-Tae bilisan mo naman" sigaw ni Sulli mula sa kotse.

 

"Oo na! Papunta na!" naiiritang sabi ni Taeyeon habang buhat buhat gamit ni Sulli.

 

"Ang bagal mo, kung alam ko lang sana saan LSMU edi sana ako nalang mag isa pumunta." lumabi si Sulli habang nakalabas kalahating katawan niya sa bintana ng kotse ni Taeyeon.

 

"Wag kang demanding Choi Sulli! Kung tinulongan mo ako buhatin tong gamit ko edi sana naka-alis na tayo!" pumasok si Taeyeon sa Driver's seat. "Sumabay ka nalang sana sa ate mo!"

 

"Maaga siya pumasok eh" nakasimangot na sagot ni Sulli.

 

"Ah baka sinundo niya si Yoona o maaga niya hinintay si Yoona sa labas ng LSMU" sagot ni Taeyeon habang nakatingin sa rear mirror.

 

"Sino ba kasi si Yoona?" nakalimutan nanaman ni Sulli kung sino si Yoona.

 

"Diba sinabi ko na sayo? Mahal ni OhSoo si Yoona, sabihin na natin siya nagpapasaya sa ate mo" lumingon siya sa direksyon ni Sulli.

 

"Ganun ba?" tipid na sagot ni Sulli.

 

"Ipapakilala kita sa kanya mamaya. Im sure na ikwento ka na ni OhSoo sa kanya" nakangiting sagot ni Taeyeon.

 

"Maganda ba siya?" tanong ni Sulli.

 

"Oo sobra" sagot ni Taeyeon habang nagmamaneho.

 

"Sobra? Mayaman ba siya?" tanong ulit ni Sulli.

 

"Class C estado niya." pag alalang sagot ni Taeyeon.

 

"Mabait ba siya?" tanong nanaman ni Sulli.

 

"Sobra" nakangiting sagot ni Taeyeon. "May dadaanan muna tayo ha?"

 

"Saan?" kumunot ang noo ni Sulli.

 

"Coffee Shop" tiningnan niya ulit si Sulli mula sa rear mirror

 

"No need, hindi ako nagkakape" sagot ni Sulli

 

"Hindi, may dadaanan lang ako kaibigan" sagot ni Taeyeon.

 

"AYUKO!" sigaw ni Sulli.

 

"Kung ayaw mo. Mag simula ka ng maglakad ka nalang papuntang LSMU" pang bla-blackmail ni Taeyeon.

 

 


 

 

"Mama may importante sana ako sasabihin sa iyo" kinakabahan si Yoona.

 

"Ano yun anak?" tanong ni Mrs Im

 

"Wag ka po mabibigla mama" lumunok ng laway si Yoona at huminga ng malalim "Kami na po ni Sooyoung"

 

"Sinagot mo na si Master?" masayang sabi ni Mrs Im

 

Hindi inaasahan ni Yoona sagot ng mama niya. "Hindi kayo galit?" nagtatakang tanong ni Yoona.

 

"Bakit naman anak? Nagpa-alam na si Sooyoung sa amin ni papa" nakangiting sagot ni Mrs Im "Tsaka gusto namin siya para sayo" dugtong ni Mrs Im

 

"Talaga mama?" nakangiting tanong ni Yoona

 

"Oo naman anak. Alam din namin ni papa na masaya ka kay Master" sagot ni Mrs Im

 

"Mama" naluluhang sambit ni Yoona, Nagyakapan sila ng mama niya."Salamat po"

 

"Yoona! Andito si Master sa baba" sigaw ni Mr Im mula sa baba.

 

"Anak mag ingat kayo" niyakap ulit ni Mrs Im si Yoona.

 

"Salamat po mama" hinalikan ni Yoona sa pisngi mama niya.

 

Tumayo si Yoona at kinuha bag niya tsaka sabay sila ng mama niya lumabas ng kwarto. Bumaba si Yoona at nakita niya si Sooyoung at papa niya naguusap. Tiningnan siya ni Sooyoung at lumapit siya kay Yoona.

 

"Hi" nahihiyang bati ni Sooyoung

 

"Hello" nahihiya din bati ni Yoona.

 

"Sige po Mama Choi at Papa Choi aalis na po kami" yumuko si Sooyoung sa harap ni Mr at Mrs Im.

 

Ack?! Mama Choi? Papa Choi?! Nagulat si Yoona ng hinawakan ni Sooyoung kamay niya.

 

"Sige mga anak" sabay na sabi ni Mr at Mrs Im.

 

"Tara" bulong ni Sooyoung kay Yoona.

 

Tumango lang si Yoona kay Sooyoung bilang sagot.

 

Sa totoo lang nagkakahiyaan silang dalawang dahil ito ang unang araw bilang magkarelasyon na sila. Ng makalabas si Sooyoung at Yoona sa bahay ng mga Im ay agad siyang hinalikan ni Sooyoung sa labi, tsaka umiwas ito ng tingin sa kanya.

 

"Nahihiya ka ba?" dahan dahan na tanong ni Yoona.

 

"Oo, ikaw?" sagot ni Sooyoung hindi niya parin tinitingnan si Yoona.

 

Parehong namumula ang mga pisngi nila, pareho silang kabado. Dahil nag a-adjust pa lang silang dalawa.

 

"Ako rin" tumawa ng mahina si Yoona.

 

"Nakikita naman kita araw-araw ha? Bakit ngayon ang bilis ng tibok ng puso ko at dobleng kaba nararamdaman ko pag nakikita kita ngayon" pabulong na sabi ni Sooyoung habang nakatingin sa kamay nilang magkahawak. "Paki ramdam ko ang lamig ng mga kamay ko"

 

"Normal lang siguro toh" sagot ni Yoona habang pinapaypayan sarili niya gamit ang kamay niya.

 

Nang makarating si Sooyoung at Yoona sa kotse ni Sooyoung. Pinagbuksan niya kaagad si Yoona ng pintuan. Tsaka tumakbo siya papunta sa compartment ng kotse niya. Nagtataka habang naghihintay si Yoona sa loob ng kotse. Maya maya ay pumasok na rin si Sooyoung sa Driver's seat may dala itong napaka laking bulaklak. Nahihiyang inabot ni Sooyoung ang bulaklak kay Yoona.

 

"Oh" sabi ni Sooyoung habang umiiwas ng tingin kay Yoona.

 

Tinanggap ni Yoona ang bulaklak tsaka ina-amoy ito ng paulit-ulit. "Salamat, ang sweet mo" hinalikan ni Yoona si Sooyoung sa pisngi.

 

"Ah pisngi lang" nagpapanggap na malungkot si Sooyoung.

 

"Ack?!" nabigla si Yoona.

 

"Joke lang" tumawa si Sooyoung. "Hoy girlfriend mag seatbelt ka naman"

 

"Ha?" hinawakan ni Yoona ang seatbelt tongue. Hinatak niya ito pero hindi niya kaya.

 

"Ako na nga" tinanggal ni Sooyoung ang seatbelt niya tsaka hinatak ni Sooyoung seatbelt tongue ni Yoona.

 

Natulala si Yoona habang tinititigan niya si Sooyoung. Dahil abala ito sa pag ayos ng seatbelt niya. Nagkaroon siya ng pagkakataon titigan si Sooyoung ng wala itong kamalay malay. Hindi niya napansin nakatitig na rin si Sooyoung sa kanya.

 

"Ganyan mo ba ako ka gusto para titigan mo ko ng ganyan?" ginising ni Sooyoung si Yoona sa reyalidad.

 

"May naalala lang ako" pagrarason ni Yoona.

 

"Sus Im Yoona" inaasar niya girlfriend niya.

 

"Si Sulli kailan mo papatawarin?" iniba agad ni Yoona ang topic.

 

Hinawakan ni Sooyoung ang steering wheel at nagsimula siyang magmaneho. Hindi niya pinansin si Yoona. Hinawakan niya ang gearshift at nilipat sa 2 ang car speed. Dahan dahan hinawakan ni Yoona kamay ni Sooyoung.

 

"Yoongie, pwede wag nalang natin siya pag-usapan" hindi matiis ni Sooyoung girlfriend niya.

 

"Baby Sooyoungie pwede ko ba makausap si Sulli?" nakangiting tanong ni Yoona habang hawak ng isang kamay niya kaliwang pisngi ni Sooyoung. Masaya siya dahil wala na itong pasa.

 

"Bahala ka" tipid na sagot ni Sooyoung.

 

Hinalikan ni Yoona si Sooyoung sa labi. "Hinihingi ko po permisyo mo"

 

"Baby Yoongie mababangga tayo" agad tinapakan ni Sooyoung ang brake. "Yoongie wag na wag mo na uulitin yun ha! Paano kung nabangga tayo!" pinagalitan ni Sooyoung si Yoona.

 

"Sorry" umayos sa pag upo si Yoona tsaka nakatitig siya sa bintana.

 

"Baby Yoongie, pasensya na. Ayuko lang naman mabangga tayo, gusto ko pa makasama ka ng napaka-tagal. Natakot ako kasi hindi pa sapat mga araw na toh na magkasama tayo. Sabihin niyo ng abusado ako, pero gusto ko habang buhay kita makasama. Sorry na baby Yoongie."

 

 


 

 

"Tae-Tae akala ko ba saglit lang toh!" naiiritang sabi ni Sulli mula sa kotse.

 

"Teka lang kasi" nihindi man lang niya tiningnan si Sulli.

 

"Aish!" naiinis si Sulli habang tinitingnan si Taeyeon pumapasok sa isang Coffee Shop

 

Naglalaro nalang si Sulli gamit ang tablet niya para mawala pagkabagot niya. Ilang minuto lumipas binaba niya tablet niya at tumingin siya sa bintana ng kotse ni Taeyeon. Wala parin Taeyeon lumalabas sa pintuan ng Coffee Shop. Naglaro siya ulit sa tablet niya.

Mga 30 minutos ang lumipas lumabas si Taeyeon may kasama itong maliit din na babae. Pero kahit maliit ito mas matangkad parin ito kaysa kay Taeyeon. Pareho silang nakangiti habang magkahawak kamay. Binuksan niya bintana ng kotse ni Taeyeon at lumabas kalahating katawan ni Sulli.

 

"Tae-Tae bilisan mo na!" sigaw ni Sulli.

 

"Heh!" tiningnan niya ng masama si Sulli.

 

"Sino siya Taengo?" tanong ni Tiffany.

 

"Kababatang kapatid ni Sooyoung. Ako lang nagba-baby sit" biro ni Taeyeon.

 

Nagtawanan si Taeyeon at Tiffany

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
Sooyoung and Yoona holding hands on #GG3rdJPNTOUR *sobbing*

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Lam ko 'to <3 Isa 'to sa pinaka favorite ko sa wattpad na Soona :D
itsmecarylann
#2
Chapter 48: i think there's a reason why she's crying. I will prepare myself for incoming chapters.


Wow update, I miss you
Smilers #3
Chapter 44: Update soon hehe
A_Deewaggie
#4
Chapter 43: It's a short update but it's okay author :)
I hope your condition now it's okay author :)
Update soon :))) But don't forget yourself to rest :)
YoongMae-ssi
#5
Chapter 40: JungLi... Love each other na lang..

Then, YulSic forever!

And of course SooNa, HartHart~~ :3

*sabog confetti para sa 3 couple* hehe
shikshinhot24
#6
Chapter 40: tssss my JungLi ♥ <////3 ang sakit ate lang pala ni sulli crush ni krsytal <////3
YoongMae-ssi
#7
Chapter 39: Sooyoungie!! So sweet, always go to Yoongie's house. :3
YoongMae-ssi
#8
Chapter 39: YulSic!!! Yuri-ah!! Do something!!!
YoongMae-ssi
#9
Chapter 37: hoho! JungLi! Sulli's kinda crazy! XD

I really hope YulSic will get better VERY SOON!!

SooNa! I love you both. Always! The BEST!!! :3
crpdm15
#10
Chapter 37: JungLi moment ftw! Awtsuu my YulSic hearts is hurt. Huhuhu