Biggest Mistake

[SOSHI Tales] Soshi Four

 

 

Narrator: This is YoonYul chapter ..

 

 

"Im Yoona?" may kumuha ng atensyon ni Yoona mula sa likod niya.

 

Lumingon siya rito, nakita niya ito nakangiti sa kanya. Pero hindi niya ito kilala at hindi rin ito pamilyar sa kanya. Pero pamilyar sa kanya ang mga ngiting yun.

 

"Yes?" kalmadong sagot ni Yoona.

 

"I am Choi Sulli" inabot ni Sulli kamay niya.

 

"Younger sister ni Sooyoung?" tinanggap ni Yoona kamay no.

 

"Totoo nga sabi nila, maganda ka.." huminto ng ilang segundo ang matangkad na babae sa pagsasalita, pero hindi niya hinayaan makasagot si Yoona. "Hmm...Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa..Kailangan..ko ng tulong mo" nahihiyang ngumiti si Sulli.

 

"Alam ko na kung ano maitutulong ko" ngumiti siya kay Sulli.

 

"Alam mo ba ang nangyari Ate?" tanong agad ni Sulli.

 

Nagulat si Yoona sa tinawag ni Sulli sa kanya. "Oo naman, matutulongan kita"

 

"Ate Yoona.." pabulong na sabi ni Sulli.

 

"Bakit?" humarap si Yoona kay Sulli.

 

"Pwede ba kita maging kaibigan?" nahihiyang tanong ni Sulli.

 

"Bakit hindi?" ngumiti ng maluwag si Yoona.

 

Ngumiti din si Sulli tsaka niyakap si Yoona.

 

"Wag kang magalala magiging ok din ang lahat Sulli"

 

 


 

 

"Pasensya na baby, madedelay ako. Promise susunod ako" sabi ni Sooyoung mula sa kabilang linya.

 

"Sige lang baby, hihintayin nalang kita" naaliw si Yoona dahil ramdam niya kung gaano ka dismayado si Sooyoung.

 

"I love you! Sorry talaga baby, I miss you" paglalambing ni Sooyoung.

 

"Baby naiintindihan ko naman eh, I love you too" nilalambing din ni Yoona girlfriend niya. "Baby Sooyoungie, hihintayin nalang kita sa rooftop ok?"

 

"Ok baby, saglit lang to at susunod rin ako.. Bye baby I love you..I love you.. So much!" tsaka binaba ni Sooyoung ang tawag.

 

Nakangiti si Yoona habang umaakyat papunta sa Rooftop, masaya siya dahil nakilala niya din sa wakas si Sulli. Masaya din siya dahil may nagpapasaya ng puso niya. Sana magtuloy tuloy na ito.

Pumasok si Yoona sa rooftop, dahan dahan niya binuksan ang pintu-an para hindi makalikha ng ingay. Dahil alam niyang mahigpit pinagbabawal ng LSMU umakyat ang mga studyante sa Rooftop. Si Yuri lang nakikita niya pumupunta sa Rooftop, naiintindihan niya ito. Wala namang bawal sa Soshi Four diba? Dahil siguro malakas sila sa LSMU.

 

Naalala ko noon tinatawag pa kitang bakulaw Baby.. Tiningnan ni Yoona kung saan siya palagi nakaupo. Maya maya may narinig si Yoona humagulgol. Hinananap niya ito at nilapitan niya ito.

 

"Yuri..?" tinawag niya ito at tinapik likod nito.

 

Nagulat si Yoona ng bigla siyang yakapin nito at nagpatuloy ito sa pag iyak. Niyakap niya din ito at hinagod hagod likod nito. Amoy alak pa ito.

 

"Tahan na Yuri" dinamayan ni Yoona si Yuri.

 

"Yoona, ang sakit" nagpatuloy sa pag iyak si Yuri.

 

"Naiintindihan kita Yuri. Tahan na" bulong ni Yoona.

 

 


 

 

"Natapos rin!" masiglang sabi ni Sooyoung habang nililigpit gamit niya.

 

"Lunch?" niyaya ni Taeyeon si Sooyoung.

 

"Walang date?" hindi ito tiningnan ni Sooyoung patuloy parin siya sa pagliligpit.

 

"Syempre gusto ko mag lunch kasama mga kaibigan ko, wala nga lang si Yuri" bumuntong hininga si Taeyeon.

 

"Ah pasensya na Dandyu, may date ako" pagyayabang ni Sooyoung kay Taeyeon.

 

"Yoona nanaman!" nagtatampong sabi ni Taeyeon.

 

"Tae...Minsan lang naman ako magmahal eh, kayo ba ni Tiffany. Musta kayo?" nakangiting tanong ni Sooyoung.

 

"Lahat ng kadate ko, may expiration OhSoo. Si Tiffany pareho lang yan ng mga naging kadate ko. May expiration date din" sagot ni Taeyeon.

 

Nalungkot si Sooyoung habang tinitingnan niya kaibigan niya "Taeng, masarap magmahal. Try mo kaya maging seryoso"

 

Wala ng balak makipagtalo si Taeyeon kay Sooyoung kaya tumahimik nalang siya

 

"Taeng, asan ba Hyoyeon?"

 

"Ah, baka may date 'na siya lang nakakaalam' sila ni Seohyun" natatawang sagot ni Taeyeon.

 

"Atleast masaya siya" ngumisi si Sooyoung kay Taeyeon.

 

"Pero nasasaktan naman siya" seryosong sagot ni Taeyeon.

 

Hindi nakasagot si Sooyoung dahil alam niyang tama ito. "Pag mahal mo ang isang tao Taeng tatanggapin mo lahat"

 

"Nasasabi mo lang yan ngayon dahil hindi pa kayo on the rocks ni Yoona, pero dadating rin ang araw sasaktan ka rin ni Yoona" naunang lumabas si Taeyeon sa Classroom, nihindi man lang hinintay si Sooyoung.

 

"Tatanggapin ko parin siya, kahit gaano ito kasakit" bulong ni Sooyoung habang nakatingin sa Cellphone niya. "Tama bibili pa pala ako lunch namin ni Yoona, dun nalang kami sa rooftop kakain"

 

 


 

 

"Alam mo ba Yuri, nung una ikaw talaga ang crush ko" pag amin ni Yoona habang nakangiti.

 

"Tapos ayaw na ayaw ko pa kay Sooyoung noon. Tapos ngayon mahal na mahal ko na siya, diba nakakatuwa isipin?" dugtong ni Yoona.

 

Tumigil sa pag inom at pag iyak si Yuri dahil kay Yoona. Pero hindi siya nagsasalita, tinitingnan niya lang ito.

 

"Bwesit na bwesit ako sa kanya eh dahil palagi niya ako inaasar" tumawa pa si Yoona ng maalala niya pang aasar ni Sooyoung sa kanya.

 

"Kaya kita nagustohan dahil ikaw lang naiiba sa mga kaibigan mo. Lahat sila may sayad eh" pinilit ni Yoona pangitiin si Yuri. Pero seryoso pa din ito.

 

"Yoona..." bulong ni Yuri kay Yoona habang nakatitig sa side Profile ni Yoona.

 

"Yuri?" lumingon siya kay Yuri at nagulat kung gaano kalapit mukha nito sa mukha niya.

 

"Yoona sana ikaw nalang minahal ko" bulong ni Yuri habang dahan dahan lumalapit mukha niya kay Yoona.

 

"Yu─Yu─Y" nagulat si Yoona ng maramdaman niya labi ni Yuri.

 

Maya maya narinig nila na may kung ano nahulog. Sabay nila tiningnan ito. Nakita nila si Sooyoung gulat na gulat ekspresyon nito habang palipat lipat tingin niya sa kanila ni Yuri. Tumayo ka agad si Yoona at lumapit siya kay Sooyoung.

 

"Baby!" nagsimula na tumulo luha ni Yoona.

 

"Wag na wag mo ako matawag-tawag na baby" nilagpasan ni Sooyoung si Yoona at lumapit kay Yuri.

 

Dahan dahan tumayo si Yuri, hindi siya makatayo ng diretso dahil sa espirito ng alak.

 

"Ginag**o mo ba ako Kwon Yuri?!" hinahawakan ni Sooyoung kwelyo ni Yuri. Nanlilisik mga mata ni Sooyoung sa sobrang galit.

 

Naalala ni Yuri nung aksidente matapakan ng isang kalaro nila ang laruan na Sheriff Woody ni Sooyoung, nung mga bata pa lang sila. Ang kaisa-isang laruan binigay ng lolo niya bago ito umalis ng Korea. Sa sobrang galit ni Sooyoung muntik na niya ito mapatay sa sakal. Naagapan lang ito ng pigilan ito ni Taeyeon.

Parehong pareho ito nung una niya ito nakita nagalit.

 

"KWON KUNG NABIGO KA! WAG MO AKO I-DAMAY" sinapak ni Sooyoung si Yuri. Tinanggap niya lang ito.

 

"SINABI KO SAYO MAHAL KO SI YOONA!" sinapak ulit ni Sooyoung si Yuri hanggang sa dumugo ilong ni Yuri.

 

"YURI IKAW PA NAMAN ANG BESTFRIEND KO" sinapak ni Sooyoung si Yuri ng napakalakas, halos mahilo na si Yuri.

 

"Baby tama na!" pagpigil ni Yoona kay Sooyoung.

 

"MANAHIMIK KA!" tiningnan ng masama ni Sooyoung si Yoona.

 

"SIMULA NGAYON KWON HINDI KA NA KASALI SA SOSHI FOUR" sinapak ulit ni Sooyoung si Yuri bago ito umalis.

 

"Sooyoung!" tinawag ni Yoona si Sooyoung.

 

Tumigil si Sooyoung sa paglalakad, pero hindi parin siya lumilingon. "GAME OVER YOONA" tsaka padabog niyang sinara ang pintuan.

 

"Sorry" sabi ni Yuri kay Yoona.

 

Gusto niya sumbatan si Yuri pero naawa siya rito. Tinulongan niya ito tumayo.

 

"Yoona habulin mo na siya. Ok lang ako dito" tila nahimasmasan na si Yuri sa ginawa ni Sooyoung

 

Nung hindi ito sumagot, pinunasan ni Yuri mga luha ni Yoona gamit ang hinlalaki nito "Kakausapin ko siya, pangako"

 

Hindi sumagot si Yoona, nilapitan niya ang nasayang napagkain at dahan dahan ito nililigpit habang umiiyak.

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
Sooyoung and Yoona holding hands on #GG3rdJPNTOUR *sobbing*

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Lam ko 'to <3 Isa 'to sa pinaka favorite ko sa wattpad na Soona :D
itsmecarylann
#2
Chapter 48: i think there's a reason why she's crying. I will prepare myself for incoming chapters.


Wow update, I miss you
Smilers #3
Chapter 44: Update soon hehe
A_Deewaggie
#4
Chapter 43: It's a short update but it's okay author :)
I hope your condition now it's okay author :)
Update soon :))) But don't forget yourself to rest :)
YoongMae-ssi
#5
Chapter 40: JungLi... Love each other na lang..

Then, YulSic forever!

And of course SooNa, HartHart~~ :3

*sabog confetti para sa 3 couple* hehe
shikshinhot24
#6
Chapter 40: tssss my JungLi ♥ <////3 ang sakit ate lang pala ni sulli crush ni krsytal <////3
YoongMae-ssi
#7
Chapter 39: Sooyoungie!! So sweet, always go to Yoongie's house. :3
YoongMae-ssi
#8
Chapter 39: YulSic!!! Yuri-ah!! Do something!!!
YoongMae-ssi
#9
Chapter 37: hoho! JungLi! Sulli's kinda crazy! XD

I really hope YulSic will get better VERY SOON!!

SooNa! I love you both. Always! The BEST!!! :3
crpdm15
#10
Chapter 37: JungLi moment ftw! Awtsuu my YulSic hearts is hurt. Huhuhu