We're Falling Deeper

[SOSHI Tales] Soshi Four

 

 

Kasulukuyan nakahiga si Sooyoung at Yoona sa isang malaking blanket. Nakapatong naman ulo ni Yoona sa braso ni Sooyoung. Nakangiti siya habang nakatitig sa kalangitan. Si Sooyoung naman ay abalang nakatitig kay Yoona.

 

"Baby, ang galing talaga ni Lord noh? Ang perfect talaga pagkakagawa niya sa lahat" masayang wika ni Yoona.

 

"Ang ganda ng langit baby Sooyoungie, ano kaya meron sa likod ng mga ulap?" ngumiti si Yoona tsaka tumingin siya sa mukha ni Sooyoung. Hindi kasi ito sumasagot kaya akala niya tulog na ito.

 

"Oo nga ang galing ni Lord. Akalain mo nakagawa siya ng napaka-ganda na tulad mo?" seryosong wika ni Sooyoung habang nakatitig parin sa mukha ni Yoona.

 

"Eh!" agad nagtago si Yoona sa dibdib ni Sooyoung. "Niloloko mo lang ako eh"

 

"Paano kung hindi" ngumiti si Sooyoung.

 

Patuloy parin nagtago si Yoona sa dibdib nito. "I-tigil mo na yan Sooyoungie please lang"

 

"I-tigil ang alin?" maang niyang tanong.

 

"Kakasabing maganda ako" binaon ni Yoona mukha niya sa dibdib nito.

 

"Bakit ba?" nakangiting tanong ni Sooyoung.

 

"Baka kasi maniwala ako" ngumiti rin si Yoona kahit hindi ito nakikita ni Sooyoung.

 

"Maganda ka Yoongie" tinatapik ni Sooyoung ulo nito.

 

"Tumigil ka na please!" protesta ni Yoona.

 

"Bakit nga kasi?" makulit nitong tanong.

 

"Ewan ko ba, basta bumibilis tibok ng puso ko pag naririnig ko yan galing sayo" pag amin ni Yoona.

 

Hinalikan ni Sooyoung ang kamay ni Yoona. Lalo siyang nagtago suot nitong blouse.

 

"Sooyoungie please!" nag init lalo pisngi ni Yoona.

 

Humalakhak si Sooyoung. "Bawal bang puriin Girlfriend ko?"

 

Pinigilan ni Yoona ang sarili niya ngumiti sa pamamagitan ng pag kagat ng labi niya. Tsaka dahan dahan niya ito hinarap.

 

"Nasa Public Place po kasi tayo!" sagot ni Yoona habang bumabangon.

 

Bumangon rin si Sooyoung tsaka palinga linga sa paligid niya. "Sorry hindi ko mapigilan, kaya kahit sa mga taong hindi ko kilala ay gusto ko ipakita kung gaano kita ka mahal!"

 

Nako! Kapag hindi ka pa tumigil dyan! Baka sasabog ako dito! bulong ni Yoona sa sarili niya. "Yan 70's jokes mo!"

 

"Jokes? No! Sincere lang" seryosong wika ni Sooyoung habang nakatitig sa kanya.

 

Kaya nagdesisyon si Yoona na hindi nalang ito sagotin o kahit tingnan man lang. Dahil baka mawala siya sa sarili niya. Pero maya-maya ay tiningnan niya ito at nahuli niya ito nakatitig parin sa kanya.

 


"Umayos ka nga!" sigaw ni Yoona habang nakangiti.

 

Pero hindi parin ito tumigil. Nakatitig parin ito sa kanya at nakakatunaw tingin nito sa kanya. Kaya nag desisyon siyang humiga ulit sa blanket para makaiwas rito. Pero hindi tagumpay naisip niya dahil nakatitig parin ito sa kanya. Para bang nakakatunaw titig nito.

Kinagat ni Yoona labi niya habang dahan-dahan niya ito tiningnan sa mata.

 

"Baby please! Wag mo ako titigan ng ganyan!" protesta ni Yoona habang sinusubukan nyang magalit pero hindi niya ito magawa dahil sa huli ay tumatawa siya.

 

"Nababaliw ka na talaga" sumuko na si Yoona sa kaka-reklamo.

 

"Hayaan mo na ako. Alam mo namang madaming tao kaya titigan nalang muna kita. I love you" sambit ni Sooyoung.

 

"I love you too" tinitigan rin ni Yoona si Sooyoung.

 

Nagtaka si Yoona ng biglang pumikit si Sooyoung habang hinahaplos haplos mukha niya. Hindi ito nagsasalita pero nakangiti ito. Tinitigan ni Yoona ang nakapikit na mukha ni Sooyoung.

 

"Kahit na... Nakapikit ako.....Alam ko talagang maganda ka" seryosong wika ni Sooyoung habang nakapikit.

 

"Sooyoungie!" sumimangot si Yoona.

 

"Fine! Sorry" ngumiti si Sooyoung.

 

"Gusto sana kitang ipakilala sa mama ko" ngumiti si Sooyoung habang hinahawakan kamay ni Yoona.

 

"Mama mo? Sigurado ka ba?" alanganing tanong ni Yoona.

 

"Bakit hindi? Mabait naman si mama" ngumiti si Sooyoung.

 

"Pero nahihiya ako....." binaon nanaman ni Yoona mukha niya sa leeg ni Sooyoung.

 

"Wag kang mahihiya" hinalikan ni Sooyoung tenga nito.

 

"Baka hindi niya ako magustohan" bumitiw si Yoona sa pagkakayakap niya kay Sooyoung tsaka tiningnan niya ito sa mata.

 

"Bakit? Kayo ba ni mama? Para maging big deal sayo kung hindi ka niya magugustohan?" nakangiting wika ni Sooyoung.

 

Tumawa ng malakas si Yoona. "Sira!"

 

"Wag ka matakot sa kanya Yoongie. Dapat maging confident ka. Akalain mo anak ni Choi Sohee nainlove sayo at nabaliw pa sayo" niyakap niya ito ng mahigpit.

 

Nung una ay hindi ito maunawaan ni Yoona kung ano sinasabi ni Sooyoung. Pero maya-maya ay ngumiti siya ng matamis habang tinitingnan niya ito.

 

"Ah ganun? So Achievement na ba yun?" tanong ni Yoona habang tumatawa.

 

"Hindi ba?" ngumiti ng matamis si Sooyoung.

 

"Feeling din natin diba?" ngumiti din ng matamis si Yoona.

 

"Maiba tayo..Pumunta na si Yuri sa US" bumuntong hininga si Sooyoung habang niyayakap tuhod niya.

 

"Eh bakit ka malungkot?" sumandal si Yoona sa balikat ni Sooyoung.

 

"Syempre hindi nanaman kami F4" sumandal din si Sooyoung sa ulo ni Yoona.

 

"Edi ako muna papalit kay Yuri" ngumiti si Yoona.

 

"Girlfriend kita, hindi ka pwede maging member ng Soshi Four" hinalikan ni Sooyoung ulo ni Yoona.

 

"Anung connection dun?' umupo ng maayos si Yoona.

 

"Hindi pwede makipagrelasyon ang member ng Soshi four sa kapwa Soshi four" ngumiti si Sooyoung habang naka-akbay rito.

 

"Sino ba gumawa ng rule na yun?" sumandal ulit siya.

 

"Ako.." tumawa ng marahan si Sooyoung.

 

"Ikaw?" ngumiti si Yoona. "Bakit ikaw ang Leader?"

 

"Nung bata pa kasi kami. Ako na talaga naging leader nila. Kasi ako yung pinaka-matangkad noon bata pa kami" tumawa si Sooyoung habang nagbabaliktanaw.

 

"Pasaway ka siguro noon" bulong ni Yoona.

 

"Hindi naman" agad niyang sagot.

 

"Mukha ka ngang bully eh" sabi ni Yoona habang pinipisil ilong ni Sooyoung.

 

"Paano mo nasabi?" tanong ni Sooyoung habang pinapatong baba niya sa kamay niya.

 

"Palagi mo nalang kasi ako inaaway noon" ngumiti si Yoona.

 

Hinawakan ni Sooyoung mukha ni Yoona gamit isang kamay niya. "Syempre nagpapapansin lang ako sayo"

 

"Papansin?" tumaas isang kilay ni Yoona.

 

"Matagal na akong may gusto sayo Yoongie" bulong ni Sooyoung habang niyayakap tyan nito tsaka binaon mukha niya sa batok nito. "Yun nga lang hindi mo ako kilala. Matagal na kitang kilala. Simula nung nagta-trabaho ka pa sa Bar na yun"

 

"Na Love at First Sight ka ba?" tanong ni Yoona.

 

"Kung yun ang tawag dun..Siguro" sagot nito habang nilalapit mukha niya kay Yoona.

 

"Hmm? Sooyoungie madaming tao" protesta ni Yoona.

 

Tinulak ni Sooyoung si Yoona pahiga sa blanket. Hinalikan si Yoona habang tinatakpan ang kanilang mukha gamit ang bouquet na hawak ni Sooyoung.

 

 


 

 

"Hello Ate" sabi ni Krystal sa kabilang linya.

 

"Hello Sis? Bakit napatawag ka?" tanong ni Jessica rito.

 

"Namiss kasi kita!" tumawa ito ng marahan.

 

"Namiss rin kita, pero yan lang ba talaga dahilan bakit ka tumawag?" pabirong nag sungit si Jessica.

 

"Yung totoo..... May itatanong kasi ako ate" wika ni Krystal.

 

"Ano yun Sis?" umupo si Jessica sa swivel chair.

 

"Andyan na ba daw si Kwon Yuri?" bulong nito.

 

"Ikaw nasa Korea diba? Bakit ako tinatanong mo?" nakasimangot nitong sagot.

 

"Sabi kasi ni Taeyeonie nasa America daw siya. Kaya akala ko magkasama kayo"

 

"Nope..Never na mangyayari yan Krystal" sagot ni Jessica. "Baka may pinuntahan siya dito sa America at hindi ako yun"

 

"Ok ate! See you soon I love you!" masiglang wika ni Krystal

 

"Bye sis! I love you too" ngumiti si Jessica.

 

"Ma'am..." sabi ng Secretary niya habang nakasilip sa pintuan.

 

"Bakit?" tanong ni Jessica.

 

"May naghahanap sayo ma'am" sabi ng secretary niya.

 

"Hmm...Papasokin mo" utos niya habang nagta-type.

 

"Pumasok raw po kayo Miss" sabi ng secretary niya.

 

"Jessica.."

 

Tumigil si Jessica sa pagta-type at nanigas sa kinau-upuan niya. Bumilis tibok ng puso niya ng marinig ang boses na yun! Dahan-dahan niya ito tiningnan. Nang makompirma niya kung sino ito ay para siyang natunaw sa kinauupuan niya.

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
Sooyoung and Yoona holding hands on #GG3rdJPNTOUR *sobbing*

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Lam ko 'to <3 Isa 'to sa pinaka favorite ko sa wattpad na Soona :D
itsmecarylann
#2
Chapter 48: i think there's a reason why she's crying. I will prepare myself for incoming chapters.


Wow update, I miss you
Smilers #3
Chapter 44: Update soon hehe
A_Deewaggie
#4
Chapter 43: It's a short update but it's okay author :)
I hope your condition now it's okay author :)
Update soon :))) But don't forget yourself to rest :)
YoongMae-ssi
#5
Chapter 40: JungLi... Love each other na lang..

Then, YulSic forever!

And of course SooNa, HartHart~~ :3

*sabog confetti para sa 3 couple* hehe
shikshinhot24
#6
Chapter 40: tssss my JungLi ♥ <////3 ang sakit ate lang pala ni sulli crush ni krsytal <////3
YoongMae-ssi
#7
Chapter 39: Sooyoungie!! So sweet, always go to Yoongie's house. :3
YoongMae-ssi
#8
Chapter 39: YulSic!!! Yuri-ah!! Do something!!!
YoongMae-ssi
#9
Chapter 37: hoho! JungLi! Sulli's kinda crazy! XD

I really hope YulSic will get better VERY SOON!!

SooNa! I love you both. Always! The BEST!!! :3
crpdm15
#10
Chapter 37: JungLi moment ftw! Awtsuu my YulSic hearts is hurt. Huhuhu